Tuesday, January 22, 2013

Bullets for my Valentines- Part 57 (Wakas)



Author's Note:

BASAHIN NINYO TO (hahaha):

"We can only learn to love by loving..."

- Iris Murdoch

Hi Guys! Gulat kayo no? hahaha Ang ganda ng kanta.... Kapag hindi nagplay yung "A thousand Years" ni Christina Perri, basata humanap kayo ng way para mabasa ninyo ito ng natugtog tong A thousand years.

Last na tong Chapter na to. At this time ay totoo na siya. Haixt. This is Farewell na talaga.I will miss you guys...

Sa lahat po ng walang sawang tumangkilik ng Bullets for my Valentines, ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa inyo. Sa mga commentator... maraming salamat. Wag ninyong kalimutang mag comment dito.... Kundi... magtatampo ako... hahaha

Naalala ko way back there, habang isinusulat ko tong kwentong ito, iniisip ko na baka ganito ang mangyari sa akin someday. hahaha. Pero kwento lang to. ILan sa mga scene dito nangyari sa akin pero di naman lahat, yung iba Mga kalokohan or what.

Di ko akalain na hahaba tong kwentong ito. Humihingi ako ng sorry kung minsan late na ako mag update, aba naman. hahahah. Joke. Kadalasan kasi isang linggo ako mag update. Yun naman talaga eh. Parang manga lang.hahaha. Pero nakakainis dun sa manga, minsan kasi ang tagal nila mag update. hahaha.

Naka schedule pa tong post na to. Oh diba. From Chapter 51 hanggang sa last Chapter na to, tiniyaga ko na ipost. Kanina pa akong 1 dito. hahaha.. sakit na ng mata ko. haixr.


Pero ayos lang, para sa inyo naman eh. You know, dahil sa mga comments ninyo, nawawala stress ko. Minsan natatakot akng tignan ang comments ninyo, pero naisip ko lang, bakit ako natatakot eh sila yung nagbabasa at nagsusulat lang ako. Alam ninyo na nakatulong lahat nung sinabi ninyo sa akin. Paano kamo? Well, naimprove yung pagsusulat ko at nakikita ko kung paano ko kayo i-aapproach.

Alam ko minsan di nagkakaunawaan ang mga commentators ko, pero for the sake of the story, everyone united. hahaha. Welll ang haba na ng speech ko.

Bago ako magtapos ng speech, nais ko lang pong i[pabatid na NATUTUWA AKO AT NAGAGALAK at naibahagi ko ang talento ko sa pagsusulat. Itong kwentong ito ang nagsisimbulo ng mga katangian na minsan naaquire ko.

Sa mga writers out there, sana pagbutihan natin ang pagsusulat para sa readers natin...

May next nga pala akong story....

"Less Than Three..."

Hope na subaybayan ninyo.... Alam ko naman na sinusuportahan ninyo ako...

Sa mga followers ko, maraming salamat po sa inyo.. I love you guys... do follow my blog.... please.... try ko mag gawa ng twitter... hahahaha


Again, maraming salamat.... God Bless you....


Like my page pala para may connection parin tayo.... Love you guys....

I would like to thank God, for giving me this opportunity to write... and also for being there whenever I need.

-------------------------------------------------------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangyayari at pangalan ay di po sinasadya. Maraming salamat po.



Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 57
"It's Like a thousand Years"

Always here,

Dylan Kyle Santos




 

 
Thousand Years - Christina Perri


************************************************************


[James’ POV]

Birthday ngayon ni AJ. Haixt. 

Bukas na yung operation niya. 

Nag request siya na gusto niyang bumalik sa dating bahay nila. 

Doon kami nag celebrate ng birthday niya.

Sabi ko wag na siyang mag kikilos. 

Naramdaman ko kasi na parang nanghihina na siya.

Kung ako lang talaga ang masusunod, di ko napatatagalin pa yung operation.


“Dhie... gutom na ako.” Sabi niya


“Papakainin na kita.” Sabi ko.


“Nasaan ang pagkain?”


“Nasa harapan mo.”


“Umay na ako jan.”


“Ouch ah.”


“Joke lang.”


“Sige na nga... pasalamat ka birthday mo...”


“Di mo pa ako na greet.”


“Happy Birthday Mahal ko.”


“Grabe ah kundi pa sasabihan.”


“May surprise kasi ako sayo.”


“Ano yun?”


Naglabas ako ng isang box. May singsing doon. Lumuhod ako sa harap niya. Napatakip siya ng bibig.


“Arwin Jake Montederamos... will you.. take me... James Arkin Ramos as your husband... will you marry me?” and I am hoping for a yes.


Na speechless ata siya kasi napatitig lang siya.


“Yes or no?”


“No...” sabi niya. Ouch ah


“Este Yes pala... I do.. I love you!” sinuot niya yung ring at hinalikan ako sa lips.


Our lips met and our kiss became deeper and deeper. 

Hanggang may kumatok, bumungad naman sila mama na nakangiti. 

Mukhang alam na nila ang nangyayari ah?


“Congrats.” Sabi ni mama.


“Mommy oh.... nag alok ng kasal si James.” Sabi ni AJ na sobrang saya.


“Well... it means wedding kaya dapat palakas ka para bukas.”


“Opo.” Sabi niya


 Pero bakit ganun, may halong kalungkutan sa mga mata niya. HIndi tuloy ako mapakali.


Masaya ako na makita siyang ganyan. 

Hindi niya ipinapakita na hindi siya okay pero deep inside alam kong nasasaktan siya, nahihirapan.

Habang nag prepare sila sa party ni AJ, naiwan ako sa kwarto. 

Inihabilin ko na muna si AJ kay Rizza. 

May nahalikwat kasi akong diary ni AJ.

Pinakialaman ko na ito. 

Dati pa to ah, highschool pa. 

Binasa ko ito.



Dear Diary,

Ang corny grabe, nag di-diary pa ako. Haixt. Wala lang naisip ko lang. Di ko na kasi mapigilan itong nararamdaman ko eh. Alam mo ba na si Rizza naman ay kinokontra ako lagi. Haixt. Pero may sasabihin ako sayo. Haixt. Na develop na ako dun sa mayabang na si James. Yeah. Di ko alam kung bakit pero i think... no.. I feel that mahal ko na siya. Di ko alam kung bakit pero mahal ko na siya eh.


Napangiti naman ako. Nilipat ko yung page tapos nag turn ako dun sa araw na sinagot niya ako.


Dear Diary,

            Kami na ni James... akala mo yun nahulog siya sa alindog ko... hahah.. and we had that thing called... tooot.... grabe.. ang hot ng body niya tapos ang laki nga... ng... ng muscles.... hahaha.... nahirapan ako... hahahah.. first time ko yun kaya di ako nag sisisi..... alam mo ba na masaya ako... sobrang saya.. kasi kami na.... and, his lips, ang lambot... Ang hot talaga ng body... di ko mapigilangng makaramdam ng hard.... hahaha... I love him!!


Napatawa na ako dito. Nilikdangan ko na yung ibang page at nilagay doon sa may current. Marami akong nakitang notes.


Dear Diary,


            Masaya naman ako ngayon sa piling ni James, pero prino-problema ko yung kay Chad. I think Chad likes my James. Di anman ako papayag na maagaw siya pero ang hirap din eh kasi best friend ko si Chad. Mahal naman namin ni James ang isa’t-isa.nga pala, today nagkausap kami ni papa. Tinatanong niya ako about dun sa sakit ko. Napapadalas na kasi yung sakit eh. Di ko na iniinom yung gamot ko, wala ring epekto. alam ko mawawala din tong sakit ko. Yung love kasi ni James ay okay na para sa akin. Ang swerte ko talaga sa kanya.

            Sabi ni doc kailangan daw mag pasurgery na ako. Haixt ayoko nga. Bakit ba? Natatakot ako! Pwede ba! Sabi kong ayaw ko kaya di nila ako mapipilit. Natatakot ako. Ayokong mamatay pa! Baka kasi di na ako magising. Paano na si mama, si papa, si baby, si ate, sila bunso... si rizza, marami pang iba.... lalo na ang pinakamamahal ko? Paano na si James pag namatay ako? Ayoko ngang iwan sila.... Basta di ako mag papaopera..... Mabubuhay ako alam ko yan....


Naiiyak ako sa nababasa ko. 

Mahal na mahal talaga ako ni AJ at di ko ma question yun. 

Pero, paano na ako pag nawala siya? 

Hindi ko kakayanin promise. 

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya.

Binasa ko pa yung ibang diary niya. 

Doon ako lalong naiyak sa nabasa ko. 

Doon ko naramdaman na napakasama kong tao at iniwan siya.


Dear Diary,

            Heto ako at nagkukulong sa kwarto. New hairstyle na nga pala ako.kakauwi ko lang din galing dun sa vacation namin na nagpa stress lang sa akin. Una, ang sakit. Heto ako at umiiyak na naman ako. Bakit ba kasi ipinanganak ako na mahina? Ang tanga tanga ko kasi, pabaya ako sa sarili ko? Lagi na lang akong umiiyak. Nag dadalawang isip na rin akong mag pa-opera. Nag decide na kasi akong mag paopera, pero nung nawala si James, nawala na ulit yung willingness ko. Ayoko na.


Dapat kasi di mo na ako hinintay.


            Alam mo ba na nagpagupit ako para kay James. Para naman mapansin niya ako. Mas gwapo naman ako kay Chad, pero bakit ganun, siya pa rin ang pinili niya? Nakakainis nga eh. Haixt. Sa rest house nila Johan, sobrang nasaktan lang ako sa nangyari. Lalo na nung gamitin niya yung nangyari sa amin at sabihan ako na “Sino ang mas magaling sa amin ni Kuya?”. Daig ko pa ang nasabugan ng bomba sa tanong niya. Ang alam niya kasi ay kami ng kuya niya pero pinagseslos lang namin siya. Yung halikan pa lang niya ako masaya na ako, pero yung ginawa niya, lalong nag pakasakit noon. Akala ko mamatay na ako after nun kasi inatake na naman ako noon. Haixt.



Grabe pala ang ginawa ko. Nakuyom ko ang mga kamay ko.




            Tapos yung moment na mas pinagtanggol pa niya si Chad, ang sakit sobra. Daig ko pa ang nasunugan. Sobrang sakit kasi eh. Haixt. Mas masakit yung sinabi niya sa akin na sana magkasakit ako sa puso para maramdaan ko yung nararamdaman ni Chad. Gusto kong ipamukha sa kanya noon na wag siyang mag alala kasi may sakit na ako sa puso. Na nararamdaman ko ang triple sa nararamdaman ni Chad. Gusto ko ng mamatay noong panahong yun. Pero naisip ko sila mama at papa, paano na lang sila.


            Ano bang nagawa ko at nagkaganito ako? Bakit kasi may sakit pa ako? Bakit pa ako pinaasa ni James? Bakit? kung alam ko lang na iiwan lang niya ako, sana di ko na siya binalikan. Pero mahal ko pa rin siya eh kaya kahit anong manyari di ko pa rin magawang di siya mahalin.mahal kita James kahit na nasasaktan ako.




Tumulo na ang luha ko sa nangyayari. 

Ang sakit sakit na eh. 

Ganito pala ang pasakit na ibinigay ko sa kanya. 

Masasabi ko na ako ang isa sa pinaka dakilang manhid sa mundo.

Pero naagaw ang atensyon ko sa last page. 

Ito yung entry niya 3 days ago. Matamtam kong binasa ito.


Dear Diary,

            Pwede na akong mamatay. Haixt. Kasama ko na si James ngayon. Happy na ako. Okay na rin naman kami ni Chad. Yung moment na nag kaayos kami ni James, naramdaman ko na for a moment nawala yung sakit ko. Pero kahit anong tanggi ko, feeling ko anytime mamatay na ako. Nanghihina ako, halos dinodoble ko na yung pag inom ng gamot para lang mabuhay pero wala pa rin eh. Umaasa pa rin ako na mabubuhay ako. Pero sa kalagayan kong ito, unt-unti akong nanghihina.

            Patago akong umiiyak sa gabi. Ayaw kong makita si James na nag aalala para sa akin.tinatago ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Gusto ko pang umabot sa birthday ko. Ilang araw na lang at oopearahan na ako. Malapit na ang judgement day. Nag pauwi ako sa amin, bakit kamo? Gusto ko kasi kung sakali man na hindi ako umabot, gusto kong mamatay sa bahay namin. Pero mas gusto ko ang mamatay sa yakap ni James.

            Mas mapapayapa ang kaluluwa ko kung ganun. Nag jojoke ako ngayon sa sarili ko pero sa totoo lang natatakot ako. Ano nga ba ang pakiramdam ng mamatay? Yun ba yung wala ka lang maihinga? Saan ba ako pupunta pag namatay ako? Ayoko pang mamatay, kaya nga lumalaban ako, pero kahit anong laban ko, yung katawan ko sumusuko na. Ayoko na, nahihirapan na ako. Ang sakit, ang sakit-sakit na sobra. Feeling ko nga kapag nanjan si James ay okay ako. Gusto ko ng magpahinga pero paano na lang sila?

            Paano na si mama? Lalo siyang malulungkot. Paano na si Papa? Lalo siyang maghihinagpis. Mahal na mahal ko sila sobra. Paano na lang si ate, wala na siyang makakaasaran? Paano na lang si Rizza? Wala na siyang best friend na tapat. Eh si Khail, kawawa naan ang baby ko. Wala ng mag aalaga sa kanya kundi ang asawa ko. Eh si James, ayokong iwan siya. Paano siya? Kung pwede lang na makasama ko pa siya.

            Pwede kaya na makasama ko siya doon sa kabilang buhay? Siguro matatagalan pa yun. Pero kung sakaling mamatay ako, sana wag na siyang humanap ng iba. Mumultuhin ko siya kung sakali. Haixt. Kung mamatay man ako, gusto ko lumigaya si james kaya kung ang kaligayahan niya ay ang humanap ng iba, okay sige, papanoorin ko na lang siya habang nasasaktan ako. Sige ako ang selfish. Akin ka lang James. Haixt.

            Sana wag niyang mabasa to. Haixt. Nakakahiya lang. Joke lang yun, kung sakaling mawala na ako, sana humanap ka ng taong magpapasaya sayo. Haixt. Ano ba to, daig ko pa ang naghahabilin. Nga pala, lahat ng accounts ko, e-mail at kung anu-ano pa nandun sa blue na notebook. Yung binigay mo sa akin dati. Lahat yun nadun. Bakit ganun? Pinapalagay ko na si james ang nagbabasa neto?

            James ko, ayokong masaktan ka kaya lumalaban ako. Mabubuhay naman ako diba God? Gusto ko pang mabuhay kaya konting araw pa. Kahit isang taon pa... mabuhay lang ako. Di pa ako ready eh. Masasaktan lang sila. Si mama, si papa lalo na si James. Ayaw kong magdusa sila ng dahil sa akin.

            Birthday ko na nga pala.kinakabahan ako sa araw na yun, feeling ko yun na yung time para mag pahinga. Haixt. Wag naman sana. Sana sa araw na yun, buong gabi magkasama kami ni James. Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto kong maramdaman ang mga yakap niya... kahit na sa huling sandali lang...

Napahagulgol na ako sa pag iyak. 

Wag muna AJ please. 

God, please po. 

Naniniwala naman po ako sa inyo eh. 

Please po, wag muna.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok. 

“Dhie... bakit nanjan ka pa?”


“Ah eh maliligo lang ako.” Sabi ko.


“Wag na.. tara na...”


“Wait...” pinahid ko muna yung luha ko. Itinabi ko yung diary.


“Ang gwapo mo ngayon.” Sabi iya sa akin pagkabukas ko ng pinto.


“Kaya mahal na mahal kita eh, ang galing mong mambola.”


“Teka, umiyak ka ba?”


“Hindi po ah...”


“Weh?”


“Mahal na mahal kita... kapag may masakit sabihin mo agad sa akin ha? Please sabihin mo sa akin....”


“Bakit ka ba ganyan?”


“Please.... makikinig ka lang sa akin ha.. promise me...”


“Opo promise...”


“Kaya tara na bumaba na tayo..” sabi ko.


Habang nasa baba kami, isang masayahing AJ ang nakita ko. 


Hindi mo makikita sa kanya yung malungkot na AJ, yung nasasaktan ba.


We dance, party at kung anu-ano pa. 

Habang nagsasayaw kami, 

I hug him so tightly.


“Kanina pa kita napapasin na kakaiba kinikilos mo.” Sabi niya


“Gusto lang kitang yakapin ng sobra...”


“Weh... may ginawa kang kalokohan no? nambabae ka? Nanlalaki ka?”


“Etong mukhang to manlalaki?”


“Aysus...”


“I love you....”


“I love you too...”


Di ko mapigilan ang mapaluha tuwing makikita ko yung mukha niya. Napasigaw na lang ako sa sobrang sakit na nararmdaman ko.


“AJ! MAHAL NA MAHAL KITA! KAYA KONG TAWIRIN ANG DAGAT PARA SAYO! KAYA KONG MAGLANGOY SA BULKAN MAHANAP KA LANG! KASING LAWAK NG KARAGATAN, KASING TIBAY NG PUNO NG NARRA, KASING TAAS NG KALAWAKAN AT KASING NINGNING NG BITUIN ANG HANGARIN KO NA MAKASAMA KA HABANG BUHAY! MAHAL NA MAHAL KITA AT WALA NG IBA PANG TAO ANG MINAHAL KO NG GANITO! AKO AY SAYO LANG AT IKAW AY AKIN LANG. HINDI KO KAYANG MAWALA KA AJ! MAHAL NA MAHAL KITA! IF YOU FEEL SAD, LEAN ON MY SOULDER. IF YOU WANT TO CRY, ETO PANYO. PERO PAG DI MO NA TALAGA KAYA, YAYAKAPIN KITA PARA MARAMDAMAN MO NA HINDI KA NAG IISA. NANDITO LANG AKO LAGI PARA SAYO. GANYAN KITA KAMAHAL!”


Nakita kong napatakip siya ng bibig at tumulo ang luha. 

Umiiyak siya. Natouch siguro sa sinabi ko. 

Niyakap ko siya ng mahigpit. 

Tinitigan nila kaming dalawa at nakita ko na nag lingid sa kanilang mga mata ang mga luha.


“Mahal na mahal kita James...” sabi niya sa akin.


Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa labi. 

Ang tagal ng halik na yun, habang hinahalikan ko siya, nagsanib ang aming mga luha.


Di ko pa kaya. God, eto ba yung kukunin mo? Isang mabuting tao? Isang mabuting bata? Ang saya-saya niya ngayon. Birthday pa niya ngayon. Ilang beses na siyang nawala sa akin at hindi ko na kaya pang mawala ulit siya sa akin. God please nakikiusap ako sa inyo.


Isang oras lang matapos ang kaganapan, nakarinig na lang ako ng kaguluhan. 

Kumuha kasi ako ng tubig para kay AJ pero nagulat na lang ako ng marinig ang mga boses nila.


“James!!!! SI AJ!!!!” sigaw nila


Nabitawan ko yung baso ko at nagtatakbo sa kanila. 

Nakita ko si AJ na nakahandusay sa baba at walang malay.

 Lalo akong kinabahan ng sinabi nila nahindi nahinga si AJ.

Inihiga namin siya sa may kwarto niya at kinuha ko yung inhaler niya. 

Umiiyak na ako sa tabi habang pinapanood siya. 

Hinawakan ko yung kamay niya. 

“AJ PLEASE!” sigaw ko.

Lahat sila nag iyakan narin.


God, ngayon na ba yun? Ngayon ninyo na po ba kukunin ang mahal ko? Bakit ang bilis? Wag muna! Please! Birthday pa niya.


Naramdaman ko na pinisil niya yung kamay ko. 

“AJ... anong pakiramdam mo?” nakita ko ang pagsimangot niya


“Dalhin na natin siya sa ospital.” Sabi ni mama.


“Ay... ayoko.. ayoko....” sabi niya


“Mahal... mas okay ka doon.”


“Gusto ko dito....”


“Mahal ko.. please.. wag ngayon...”


Ngumiti siya. “Tubig.”


Agad naman kumuha sila ng tubig at uminom si AJ. 

“Ayoko sa ospital... bukas pa ako pupunta doon.” Sabi niya


“Bakit ka ba nahimatay?”


“Acting lang yun.. para ma prepare kayo...” pagbibiro niya


Kinurot ko ang braso niya. “Aray naman.” Sabi niya


“Di nakakatuwa yung joke mo.”


“Halika nga dito...” niyakap niya ako.

"Mahal, gusto kong mayakap sila mama." unti-unti lumapit sila. Si mama, papa, Rizza, si mama at marami pang iba.


“Pahinga na tayo.. pagod na ako eh..” sabi niya.


Nagsi-alisan na sila. 

Alam nila ang gustong mangyari ni AJ, gusto niyang maiwan kaming dalawa. 

Nagbihis na muna ako at binihisan ko siya.


“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ko.


“Ayos lang?”


“Yung totoo? Anong masakit?”


“Wala na... manhid na ako mahal ko. Lahat naman kinaya ko na eh, eto pa kaya?”


Tumabi ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. “Sana pwedeng ipasa yan.. kukunin ko lahat yan.. ayaw kitang nasasaktan eh.” Sabi ko.


“Ayoko namang nahihirapan ka sa akin... kaya nga gusto kong magpahinga na eh... pero natatakot lang talaga ako...”


“Masakit eh.” Sabi ko.


“Kaya nga eh... ayaw kitang masaktan kaya nagtitiis ako... Gusto pa kitang makasama.”


“Pero... pero kung di mo kaya.... okay lang.. kakayanin ko na lang.. kaysa sa nahihirapan ka..” sabi ko.


Kahit nagsisinungaling ako, alam kong alam niya na hindi ko kaya na mawala siya. 

Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Ayaw kong nasasaktan ka. Pero paano? Darating din naman ako doon? Di ako natatakot mamatay, ang sa akin lang, natatakot akong iwanan ka kasi feeling ko di ko kayang mahiwalay sayo.”


“Gusto ko after nating mag graduate ikasal na tayo.” Sabi ko.


“Ang tagal naman nun.... baka wala na ako noon.”


"Bakit iiwan mo na ba ako?"


"DI ko alam..."


“Shhh..” sabi ko.


“Totoo naman eh. Malay ba natin.”


“Gusto ko dito ka lang sa tabi ko.” Niyakap niya lang ako ng mahigpit.


“Umamin ka sa akin, nabasa mo diary ko no?” tanong niya


“Sorry...”


“Tutulog na ako...” pag-iiba niya ng usapan.


“Mamaya na.. please... konting oras lang hinihingi ko...”


Ngumiti lang siya.


Lord, konting oras pa, ihahanda ko lang ang sarili ko. Hindi pa ako handa eh. Kahit konting oras na lang. Pag bigyan na po ninyo ako. Please.Gusto ko pang marinig yung boses niya. Gusto kong namnamin ang mga sandaling kasama ko siya.


“Kapag nawala ako... maghahanap ka pa ba ng iba?” tanong niya sa akin.


“Hindi na.. ikaw lang para sa akin. Wala nang makakapalit sayo. Ako ay sayo lamang.”


“Woah.. feeling ko di yan matutupad.”


“Lagi mo na lang akong pinagdududhan.” Sabi ko.


“Joke lang... wag mong intindihin yung sinasabi ko dun sa diary.” Sabi niya


“Bakit ganyan ka? Lagi mong binabawi lahat ng sinasabi mo? Haixt.”


“Di ka pa ba nasanay sa akin? Si Arwin Jake Montederamos to eh...”


“Sanay na nga eh. Haixt. Mahal na mahal kita...”


“Mahal na mahal din po kita... Basta kung sakali man na makahanap ka, yung mas gwapo sa akin o kaya maganda siya ha. Piliin mo yung mabait, wag kang hahanap na kamukha ko, maooffend ako kasi nag iisa lang ako sa mundo.” Sabi niya


“Hindi na ako maghahanap. Seryoso ako.” Sabi ko.


“Si Khail ingatan mo ha.. please....”


“Oo mamahalin ko siya... at magsasama tayo habang buhay...” sinasabi ko pa rin yun


Tama naman God diba, think positve. Pwede ba bukas na lang po siyang kunin sa akin? Gusto ko pa siyang makasama ng buong magdamag.


“Onting oras na lang.” Sabi niya


“Ayaw mo na ba akong makasama ng mas matagal?”


“Gusto pa... if time wll permits...”


“Be strong...” sabi ko


“Kinakaya ko naman eh. Para sayo...”


“Konting oras na lang eh.. bukas na naman operasyon mo diba? Hintayin mo na. Tatagan mo, para sa akin. Di ko ata kaya mawala ka ngayon...”


Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. 


“Tanda mo ba yung una tayong nagkakilala?” tanong niya. Alam kong nagiiwas na siya.


“Yeah... noon nga di pa tayo nag iimikan.. mag kaaway pa tayo at hindi magkasundo.”


“Di ko akalain na mahuhulog ako sayo...”


“Ako pa... kilala mo naman ako.... lahat nahuhulog sa akin..”


“Aysus... kaya pala...”


“Oo na... kaya ako nahulog sayo....” sabi ko.


“Wag ka ng magtaka.”


“Oo na... iba kasi alindog mo.. hahah” saib ko.


“Haixt. Masaya ako ngayon.” Sabi niya


“mas masaya ako...”


“Sana habang buhay kasama kita....” sabi niya


“Nasa sa iyo yun...”


“Inaantok na ako mahal.. gusto ko ng matulog...” niyakap ko siya ng mahigpit.


Shit! Damn, ngayon na ba yun? Taena ang sakit, kinakabahan ako. Feeling ko hindi ko kaya. God, ngayon na ba yun?


Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. 


Niyakap ko siya sabay halik sa noo.



“Mahal na mahal kita AJ.... kahit ilang bala pa ang kailngan kong tanggapin... di mawawala ang pagmamahal ko sayo...” napangiti siya at nakita ko ang pagtulo ng luha niya.


“I love you too... di ka mawaala sa akin... mahal na mahal kita... Inaantok na ako... good night sweet dreams. Alam ko magkakasama pa tayo...”  nakita ko ang pait sa kanyang mga mata. Nakita ko ang sakit at paghihirap na nararamdaman niya.


God, willing akong maging carrier. Ako na lang please. O kaya, isama mo na rin ako, gusto ko siyang makasama.

“Gusto ko wag kang iiyak ha...” sabi niya


“Di ko alam.”


“Papanget ka eh...”


"Di ko alam..."


"Mag promise ka na di ka iiyak..."


"Promise breaker ako..."


"KAsi naman eh..."


"Oo na..."


“Mahal na mahal kita....”


“Mahal na mahal din kita...”


“Tulog ka na... sweet dreams.. andito lang ako sa tabi mo...” hinawakan niya ang kamay ko ng sobrang higpit at namalayan ko na lang na tumulo ang aking mga luha.


Ikaw ang nagiisang mahal ko AJ. Ikaw lang. Alam ko, magkakasama tayo. Kung di man dito sa lupa, alam ko sa langit magkakasama tayo... A thousand Years...





......


.....


....


...


..


.


“Daddy...”


“Urgsh...”


“Daddy...”


“oh...”


“Gising na po...”


“Antok pa ako baby eh...”


“Daddy.. dadalawin pa natin si lolo... pati si daddy gusto ko siyang makita...”


“Okay na.. sige na....”


Naligo na ako. Haixt. Tong batang ito talaga. 


Sila mama kasi nauna na doon. 

Ako at si Khail ay susunod na lang.


Isang taon na rin mula nangyari yung moment na yun. Kapag naaalala ko yun, naiiyak na lang ako. 

Ang sakit din maalala yung moment na yun.

Ilang balde ng luha ang ibinuhos ko doon. 

Hinding-hindi ko makakalimutan yung pagkakataong iyon.

After 1 hour, umalis na kami. Dumaan muna kami sa may SM para bumili ng brownies at bibingka. 

Nagmadali naman kaming bumili saka dumeretso sa may sementeryo.


Tumawag si mama. “Anak nasaan na kayo?”


“Papunta na po.. sorry nakatulog po ako..”


“Sige bilisan ninyo na... nandito na kaming lahat... Baka dalawin kayo ng mga patay sige ka.”


“Opo...”


At nagmadali na akong mag drive.


“Daddy... malapit na ba tayo?” tanong sa akin ni Khail.


“Yeah... eto na tayo oh...”


“Gusto ko ng makita si Daddy... miss ko na siya eh...”


“Yeah...” ngumiti lang ako.


Kakapark ko lang sa Holy Angel Memorial Herritage. 

Magkikita kita kami nila tita dito. 

Death anniversary kasi ng isa sa pinakamamahal ko sa buhay.


“1...2...3...” pag bibilang ni Khail.


“Oh baby ano yang ginagawa mo?”


“Nagbibilang po... daddy bumili ka ba nung favorite ni daddy?”


“Oo naman anak.... baka magalit pa sa akin yun kapag di ko dinala yun.”


Binunot ko ang cellphone ko at nginitian ang wall paper. 

Ang gwapo talaga ni AJ. 

Namutawi na naman yung luha sa aking mga mata. 

Bakit ba ganito ang epekto ng picture niya sa akin?

Habang naglalakad ako, unti-unti naalala ko yung nangyari noon. 

Yung sandaling kasama ko siya sa sakit na nararamdaman niya.

Habang papalapit ako sa may puntod, di ko maiwasan ang malungkot. 

Masaya kaya si AJ ngayon? 

Eh si papa kaya?

“Oh anak nanjan na pala kayo... kanina pa namin kayo inaantay.” Sabi ni mama.


“Oo nga naman. Kayong dalawa talaga.” Sabi ni Kuya.


“Haixt.” Sabi ko na lang.


Lumapit ako sa puntod ni papa at kinausap ito. 

“Pa... kamusta na? Eto ako malungkot pa rin. Pero kahit papaano masaya. Si Khail nga po pala, apo ninyo.. anak namin ni AJ....” at tumulo na naman ang luha ko.


“Napaka iyakin mo talaga.” Sabi ni Jaysen.


“Walang pakialamanan tol.” Sagot ko


Si Jaysen at Bianca nagkatuluyan na. 

Next year mag pro-propose si Jaysen kay Bianca. 

Eto naman ang gusto ni AJ eh, sila ang magkatuluyan.

Si Rizza naman ayon may boy friend na. 

Masaya siya sa piling neto. 

Remember si Steven? Yung best friend ni Jaysen, siya yung boyfriend ni Rizza.


Si Chad naman, ayon scholar sa ibang bansa. Balita ko nga may manliligaw daw. 


Last summer binisita niya kami dito. 

Nabalitaan niya yung nangyari noong birthday ni AJ. 


Pero okay na rin naman ang lahat.

Samantalang ako, eto, masaya. 

Kasama ko ang baby ko na cute na cute at mahal na mahal ang DADDY AJ, niya. 


Masaya kami... pero mas masaya kung narito yung...









“HOY!” narinig ko na naman ang boses niya.






Namiss ko tong boses na to. Sana lang pagmulat ng mata ko nandyan lang siya. 


Namiss ko yung boses niyang nagsasabing 

“MAHAL KITA!” o kaya “NAMBABAE KA NO?” haixt.



“AJ mahal kita...” nasabi ko na lang.



“Mahal din naman kita....” namuo ang ngiti sa aking mga labi sa aking narinig.



Tumayo ako at hinanap kung saan galing ang boses na yun. 


Nakita ko ang isang lalaki na nakangiti. 


Ang amo ng kanyang mukha, tila anghel na lumilipad.


Nasa langit na ba ako? 


Bakit nakakakita ako ng isang anghel?


“Hoy lalaki, sino ba yang iniisip mo? Daig mo pa nag iimagine ng isang anghel ah?” sabi niya


“Iniimagine kasi kita.. halika nga.. namiss kita eh...”


“Aysus...” niyakap ko siya at hinalikan sa labi.


“Kamusta ka?”


“Okay naman ako... ako pa.. mas malakas pa ako sa kabayo..” sabi niya


“Pero last year lang akala mo kung sinong bibigay na...”


“Ayaw mo ba?”


“Siyempre gusto ko.. kaw talaga.. pasalamat ko nga at di ka Niya kinuha sa akin...”


Akala ko katapusan na ni AJ. Pero umabot siya. 


Sa tulong ng panalangin, naging maayos ang operasyon niya. 


Maayos na ngayon yung puso niya at wala na siyang sakit.


Kailangan lang talagang magpagaling siya ng dalawang taon. 

Sobrang saya ko noong nalaman ko na okay pa siya. 

Yung moment na akala ko mamamatay siya, kala ko magugunaw na yung mundo ko.

Pero pasalamat ako, hindi siya bumitaw. 

Mahal na mahal ko tong taong ito. 

Lahat ng bala sinalo ko para lang sa pagmamahal niya. 

Kahit pa sabihin niya na BULLETS FOR MY VALENTINES, tatanggapin ko makasama lang siya habang buhay. 

Lahat ng bala sasaluhin ko para lang sa pinakamamahal ko.



T H E  E N D



© 2012 by DylanKyleSantos

******************************************************

Maraming salamat muli sa pagtangkilik ng aking istorya... :))

******************************************************





























"Bakit ang symbol ng heart or love ay <3 (less than three) ?"

Malimit kong itanong yan sa sarili ko. Bakit nga ba? Siguro sa dulo ng istorya, malalaman ko ang sagot.



Minsan kung magmahal tayo, sobra-sobra.

Hindi natin alam kung kailan tayo iiwan ng mga tao, lalo na ng minamahal natin.

Paano na lang kung one day, ang taong pinakamamahal mo, wala na sa tabi mo?

Paano kung hindi ka na niya babalikan?

Paano kung iniasa mo na lang ang buhay mo sa kanya?

Ano ang gagawin mo?


Si Alex, isang ordinaryong tao lang na naghahanap ng tamang pagmamahal. Nahanap niya ito kay Blake pero sa di inaasahan, iniwan siya nito.


Pero paano kung sa mapaglarong tadhana, natagpuan niya ang isang lalaki? Isang lalaki na labis ang kalungkutan, kalungkutan matapos itong iwanan ng kanyang minamahal?

Yan si Kieth, gwapo, mabait, suplado pero mapagmahal. Sa di inaasahang pagkakataon, magtatagpo ang kanilang landas at magkakaron ng kasunduan.

Paano na lang kung maipit sila sa isang sitwasyon?


Paano kung ang minamahal ni Kieth, si Arjay, at si Alex ay ma ugnayan sa isa't-isa. Ano na lang ang magiging posisyon ni Kieth sa kanilang dalawa?


at si RD, ang kasintahan ni Arjay, paano kung malaman niya na si Kian at Alex ay iisa. Paano niya titimbangin ag puso niya kay Arjay at Alex?


Ngayong 2013, saksihan kung paano iikot ang kwento sa apat na tauhan. Tignan kung paano sila magbibigayan ng pagmamahalan.


Paano nga ba sila magbibigayan kung malalaman nila na magkadugo sila...


"Less Than Three"

by: Dylan Kyle Santos





2 comments:

chubbychinito said...

Buti nalang I always read the ending before starting the story.. This is really an excellent story.. If I were In AJ's foot siguro nung naglaslas ako, gagawin ko yung talagang di na ako mabubuhay pa.. Hanga ako sa courage nya to do that.. Wish I had those courage..

Anonymous said...

one of the best endings na nabasa ko!haha inuhog ata ako ng isang balde sa pagbabasa neto hahaha taragis! sobrang salamat po author... i think nabasa ko na ito way way way back pa? pero not sure haha grabe hangsakit sa dibdib ha... pero salamat po talaga! :) such a good story... ingat po kayo lagi and keep inspiring other people pa po! :) TY and God bless always