Charles opened his eyes. He beamed a very naughty smile.
Wednesday, March 28, 2012
Ang Mang-aagaw 8
Charles opened his eyes. He beamed a very naughty smile.
Tuesday, March 20, 2012
Ang Mang-aagaw 7
Monday, March 19, 2012
NGITI
“Saan ka na naman pupunta.”, takang tanong ni Mama nang makitang naghahalungkat ako ng maisusuot.
“Ma, alam mo namang reunion namin di ‘ba? Nagpaalam na ako sa’yo nito eh.”, sagot ko.
“Alam ko naman ‘yon pero akala ko ay titigil ka muna dito sa bahay kahit ilang oras lang. Hindi yung ganyang kararating mo palang, aalis ka na.”, may himig ng pagtatampong sabi nito.
Kararating ko palang sa munting baryo namin galing sa Maynila. Ilang taon na rin akong hindi nakakauwi sa amin dala ng pagiging abala ko sa trabaho kung kaya’t hindi ko naman masisisi ang Mama kung ganoon ang naging reaksyon niya.
Pinagmasdan ko ang mukha ng aking ina.
Mababakas na rito ang katandaan. May mga kulubot na ang mukha nito at unti-unti na ring namumuti ang mga buhok. Sa edad nitong singkwenta y dos ay maihahalintulad na ito sa isang sisenta anyos na babae.
“Ma naman, babalik din naman ako bukas eh.”, paglalambing ko rito. “Promise, bukas, buong araw nyo akong makakasama.”, sabi ko sabay taas ng kaliwang kamay na parang bata.
Umiling na lang ito tanda ng pagsuko.
“Maling kamay.”, ani nito.
“Ay!”
Dali-dali kong pinalitan ang kamay ko at saka binitawan ang isang pagkatamis-tamis na ngiti.
Tinawanan nalang ni Mama ang ginawa ko saka lumabas ng kwarto.
“Basta’t mag-iingat ka ha.”, sabi pa nito bago pa man makaabot sa pintuan ng kwarto ko.
“Opo.”
Isang green na v-neck t-shirt ang napili kong isuot. Pinarisan ko ito ng itim na slightly fitted na pantalon at pinatungan ng blazer. Puting sapatos naman ang isinuot ko para bumagay sa suot ko.
“Handa na ako.”, sabi ko sa sarili.
Dali-dali kong hinanap ang susi ng motorsiklong ipinabili ko kay Papa gamit ang ipinadala ko ritong pera. Nang makita ay nagpaalam na ako kay Mama at sa apat kong kapatid saka umalis.
Habang nasa daan patungo sa lugar kung saan ipagdadaos ang reunion ng aming barkadahan ay hindi ko mapigilang hindi kabahan. Pitong taon na kaming hindi nagkikita. Pitong taong walang komunikasyon, walang balita sa isa’t-isa. Kamusta na kaya siya? Ano kayang ipinagbago niya? Ano kayang magiging reaksyon niya sa muli naming pagkikita?
Sa isiping iyon ay dali-dali kong pinaharurot ang motorsiklo upang mas mabilis na marating ang pupuntahan.
Nasa labas palang ng resort ay maririnig na ang tawanan.
“Mga balahura talaga patawanin tong mga to.”, naiiling kong sabi sa sarili ko.
Hindi pa rin talaga nagbabago ang mga kaibigan ko.
Pumasok na ako ng resort.
“Haay! Sa wakas! Dumating na ang dalaga natin.”, biro ni Jim na may hawak na bote ng RH.
Tumawa naman ang lahat.
“Syempre, ganun talaga kaming magaganda.”, sagot ko naman.
“Hanep, hindi pa rin talaga nagbabago, ang kapal pa rin ‘di lang ng mukha, pati yata baga makapal na rin eh, anlakas ng hangin.”, pambabara ni JV.
“Oo, nakakaitim kasi ang init ng panahon ngayon, kaya kailangan kong lakasan ang hangin. Baka kasi tuluyan kang mangitim eh, di ka pa makilala ni Cass.”, balik pambabara ko rito.
Tumawa nalang si Cass. Si Paul at si Dennis nakikitawa lang rin kasama si Che at Kassy na kani-kaniyang mga girlfriend. Isa-isa kong binati ang mga tao sa loob. Nandoon ang lahat ng mga kaklase namin. Ang iba, may mga batang dala. Ang iba, asawa ang bitbit. Nakakapanibago. May kani-kanya na kaming mga buhay. Napangiti ako.
“Jhay.”, ani ng isang tinig sa likuran ko.
Agad akong kinabahan. Biglang natahimik ang barkada ko. Bago lumingon ay humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga.
“Ahem….”, panunukso ni Jim.
“Natahimik kayo diyan? May artista bang dumating.”, sabi ko nalang para mawala ang tensyon saka humarap sa pinanggalingan ng tinig.
Wala pa ring pagbabago. Iba pa rin ang epekto sa akin ng boses niya. Boses na kahit saan ay hinding-hindi ko maaaring ipagkamali sa iba.
“Kamusta ka na?”, tanong nito nang makaharap ako sa kanya.
Isang ngiting alanganin ang nakapaskil sa mga labi niya. Dala marahil ng kaba.
“Kaba? Bakit naman siya kakabahan?”, protesta ng pasaway kong utak.
“Ayos naman. Heto, matanda na.”, sagot ko sabay bitaw ng isang ngiti.
Ngumiti siya. Gwapo pa rin talaga. Sa suot nitong dark pink na polo shirt ay mas lalo itong pumuti. May bago sa kanya. Ano nga ba? Tumaba ito ng kaunti. Mabuti naman.
Ganun pa rin ang gamit niyang pabango. Bench iRock. Ang binigay ko sa kanya bago kami maghiwalay.
Lahat ng ala-ala naming dalawa ay nanumbalik sa isang iglap. Simula sa unang halik hanggang sa kung paano namin ipinaglaban ang relasyong “kasalanan” ang turing ng karamihan lalo na sa harap ng mapanghusgang mata ng simbahan. Kasabay ng mga magagandang ala-ala ay nanumbalik rin ang sakit at pait ng paghihiwalay namin at kung paano at gaano katagal bago ako nakapagmove-on.
“Mabuti naman. Anu na nga pala ang trabaho mo?”, tanong nito.
Napansin kong unti-unting nawala ang kaba niya. Naging normal ang takbo ng aming pag-uusap. Kamustahan, palitan ng mga biro at konting asaran ang naganap. Nang tumagal ay nakisabay na rin kami sa buong barkada. Halos hindi na naming namalayan ang oras at nang mapansing pagabi na ay nagkayayaan nang umuwi. Nagpasya na rin akong umalis para hindi gabihin sa daan habang ang iba naman ay nagpa-iwan sa resort para makapag-overnight.
Inistart ko na ang motorsiklo matapos magpaalam sa mga nagpa-iwan. Akmang aalis na ako nang may tumawag sa akin. Nang lingunin ko ay nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin. Nang makalapit na ay nagsalita ito.
“Can I ask you for a favor?”, tanong niya.
“Sure. Ano ba yun?”
“P-Pwede mo ba akong ihatid sa amin?”, nahihiyang sabi nito.
Medyo nagtaka ako sa pabor nito. Ang pagkakaalam ko kasi ay may boyfriend ito na magsusundo sa kanya.
“Okay lang naman. Baka nga lang magalit ‘yung boyfriend mo ha.”, seryosong tugon ko.
“Hindi raw makakarating eh.”,
“Kaya pala.”, pabulong kong sabi.
“Ha?”, tanong niya.
“Ahh, sabi ko tara na. Hindi ko alam, bingi ka na rin pala ngayon bukod sa pagiging teacher?”, biro ko.
“Utot mo Jhay!”
Nagkatawanan kami.
Habang nasa biyahe ay walang usapang namagitan sa amin. Tahimik siyang nakayakap sa akin mula sa likuran. Tila ba walang pakialam sa iisipin o sasabihin ng mga taong makakakita sa amin.
“Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta dito ahh. Na-miss ko to.”, basag ko sa katahimikan nang marating namin ang lugar nila.
“Araw-arawin mo kasi pagpunta mo dito.”
“Sus! Baka naman di mo na ako ma-miss nyan.”, sabi ko sabay ngiti na may pataas-taas pa ng kilay.
Ngumiti siya.
“Pasok ka muna.”, aya nito.
Sumunod naman ako.
“Nay, Ate, nandito si Jhay.”, tawag nito sa nanay at ate niya.
“Oh, Jhay! Kamusta ka na? Tagal mong hindi nakabisita rito ahh.”, excited na sabi ng ate niya.
Medyo humaba ang usapan namin nga ate niya. Napag-alaman ko ring may pinuntahan palang lamay ang kaniyang ina kaya wala ito sa kanila. Natuwa rin ako nang makitang malaki at nagdadalaga na ang mga pamangkin niya. Si Kaye na dating bibong-bibo pag bumubisita ako ay tahimik ngayon at halos hindi umiiimik. Nahalata ko ring kanina pa ito nagnanakaw ng tingin.
Nang napansin kong mejo lumalalim na ang gabi ay nagpaalam na akong umuwi. Inanyayahan naman ako ng ate niya na doon nalang magpalipas ng gabi at aabutin pa ng dalawang oras ang biyahe mula sa kanila hanggang sa amin ngunit tumanggi ako dahil na rin sa napag-usapan namin ni Mama. Nagpaalam na ako at umalis.
“Sandali lang Jhay, ihahatid na kita sa may labasan.”, pahabol niya nang makalabas ako sa pintuan ng bahay ng ate niya.
Tahimik lang akong sumunod sa kanya hanggang sa marating namin ang kinaroroonan ng aking motorsiklo.
“So I guess, this is goodbye once again?”, sabi ko.
“I really wish it isn’t.”
Nakita kong bahagyang lumongkot ang ekspresyon nito.
“Jhay…”
“Hmm? Ano yun?”, sagot ko.
“Pwede bang maging tayo ulit?”
Hindi ko inaasahang ganun ang sasabihin niya kung kaya hindi ako agad nakahuma.
“Talagang nagsisi ako ng husto nang maghiwalay tayo. Sa ilang taong hindi tayo nagkita o nagkausap man lang, halos araw-araw kitang naiisip. Tinatanong ko lagi ang sarili ko kung okay ka pa kaya, kung ano na ang ginagawa mo o kung may bago ka na ba. May mga oras nga na pag tulog ako, naririnig nalang ako ni ate na tinatawag ang pangalan mo. Halos mabaliw ako Jhay.”
Tahimik lang ako.
“M-M-May iba na ba?”, nag-aalangang tanong niya nang hindi ako sumagot.
Ngumiti ako.
“Wala.”
Ngumiti siya.
“Handa ka na ba?”, tanong ko.
“Handa sa?”
“Handa ka na bang ipagpalit at isuko ang lahat-lahat para lang sa akin gaya ng ginawa ko noon para sa’yo? Kaya mo na ba akong mahalin nang walang pag-aalinlangan? Kaya mo na bang maging tapat at totoo? Kung hindi pa, hindi pa ngayon ang tamang oras para sa atin. Magkakasakitan lang ulit tayo pag pinilit natin ang mga sarili natin.”
Sa sinabi kong iyon, isang matamis na ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi.
WAKAS
Thursday, March 8, 2012
Cub Scout
I Don't Wanna Be Your Friend: Stanza 4
I Don't Wanna Be Your Friend: Stanza 3
by: JiJei (kiLL_joy145@yahoo.com.ph)
(thonat19@gmail.com