Thursday, April 26, 2012

The Cottage Cheese Guy


Vegetable Oil. Check! Elbow Macaroni. Check! Butter? Check!

Ano pa bang mga kulang ko?
Mabilis kong sinilip ang listahan na ginawa ng aking nanay para sa mga mamamanhikan ngayong gabi sa bahay. Napapangiti ako sa t'wing maiisip ko ang aking ate, 29-anyos, na ikakasal na. Alam ng buo kong pamilya na sobrang tagal na naming inaantay na magkaroon ng katipan at makakasama sa habangbuhay ang aking ate. Kahit hindi pa namin nakikilala at nakikita ang kanyang mapapangasawa, hinayaan nalang namin. Alam naming pihikan si ate at hindi sya pipili ng basta-basta.

After all the hardwork, sa pagpapatayo ng bahay, sa pagpapaaral sa akin, at patuloy na pagsuporta, I know she deserves to be happy. Now that her man has arrived, we couldn't contain our happiness. I feel extreme happiness for her.

Ah! Ground pork!

Hinanap ko ang meat section at nakita ang ground pork.

2 kilos, please.”

Ngumiti ang babae. Nakita kong tinakal nya ito at nilagay sa plastik, kasunod ay tinimbang. Presto! Nasa loob na ng aking shopping cart. Sinunod ko ang nasa listahan. Dahil hindi nga ako marunong maggrocery, hindi ako naging systematized. Kung ano ang nakasulat sa listahan, ganoon ang order ng mga napamili ko. Napuna ko nalang na parang pabalik-balik ako sa mga sections ng grocery. Nakakapagod.

Tinignan ko ang listahan at napangiti nang mapagtanto kong isa nalang ang di ko pa nabibili-cottage cheese. Kahit nakailang balik na ako sa dairy section, dahil walang choice, bumalik pa rin ako.

Next time, magiging systematic na ako sa pagogrocery promise.

Dahil may kalakihan ang pamilihan at dahil na rin sa ninanamnam ko ang bawat hakbang ay inaboy ako ng isang minuto para makarating doon. Parang naghahanap ng libro sa library, isa-isa kong sinuri ang mga cheese na nandon. Nakita kong marami palang brand at nalito ako kung ano ang dapat kong kunin.

Ano ba ang magandang brand ng cottage cheese dito?” nasabi ko nalang sa hangin.

Nagitla ako ng may makita akong kamay na may hawak na keso. Hinanap ko ang nagmamay-ari ng mukhang iyon at ako'y namangha.

This one. Try this one.” nakangiti nyang sabi.

Hindi agad ako nakaimik. Ang sarap tignan ng mukha nya. Hindi ko maipaliwanag pero his Turkish features are just so compelling. Pakiramdam ko kaya kong makipagtitigan sa kanya ng buong araw.

Hey!” pagputol nya sa daydreaming ko.

Medyo natigagal ako. I tried to compose myself again.

Huh? This one? Sure kang okay to?” sagot ko, medyo nanginginig.

He smirked. At mas lalo syang naging gwapo.

Yep. Yan ang laging ginagamit ng mom ko sa t'wing gumagawa sya ng Baked Salmon.”

He sounded very nice and sincere noong pinapaliwanag nya sa akin. Parang gusto kong makinig sa lahat ng sasabihin nya all day long.

Cottage cheese for Baked Salmon?” pagtataka ko.

He nodded. Ang ganda ng kanyang ilong. Ngumiti ako.

Nice smile.” pagpuna nya.

Namula ako.

Thanks.”

Katahimikan.

Got to go, thanks for this.” sabi ko sabay nguso sa cottage cheese na inabot nya sa akin.

Bago pa ako makalampas sa kanya ay hinawakan nya ang aking braso, wari ba'y pinipigilan akong umalis. Nagulat ako at nakaramdam ng kakaibang init.

Nagtama ang aming mga mata at banaag nya sa akin ang napakaraming katanungan. He answered me with a smile. Alam ko na ang sagot sa aking mga tanong, he's attracted to me.

Tinignan ko ang kanyang kamay sa aking braso, inalis nya ito at kita ang pamumula sa kanyang mukha.

Call me.”

He then handed me a calling card. Bago pa man ako makapagsalita, wala na sya sa aking paningin.

* * *

Natapos ko na ang pamimili sa grocery at nakapagbayad na rin ako. Oras na para umuwi. Papunta na ako sa parking ng maisipan kong tawagan sya.

Wala pang ilang ring ay nasagot na nya agad.

Hello? Who's this?”

Mas malaki ang boses nya sa phone. Lalaking-lalaki.

The one wearing white. The cottage cheese guy.”

Narinig ko ang kanyang pagtawa.

Got wheels? Need a ride home?” tanong nito.

Nakaramdam ako ng kilig.

No. Got mine.”

Saan ka nakapark? Go here. B-3.”

At narinig kong binabanggit na nya ang plate number ng kanyang sasakyan.

Nakaramdam ako ng kaba at excitement. Syempre naguumapaw din ang kilig.

Mabilis kong tinawagan ang aking nanay na naghahanda na sa bahay para sa pamamanhikan. I informed her na medyo malelate ako dahil may bibilhin pa ako. Pinagmadali nya ako dahil anong oras na daw. Lakad-takbo ang ginawa ko para mailagay ko sa aking kotse ang aking napamili. Pagkatapos kong mailagay lahat ay hinanap ko ang kanyang kotse sa B-3.

Nakita ko syang nakaupo sa driver's seat. Bandang dulo ang pwesto ng kanyang pinagparadahan.

Agad akong sumakay. Kung anu-ano ang nararamdaman ko noong panahon na yon. I think I was so tensed and nervous.

Don't worry. Gusto lang kitang makausap pa.”

I smiled.

Kulang-kulang isang oras din kaming nag-usap. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano at parang ang tagal na naming magkakilala. May mga panahon na hinahawakan nya ang kamay ko. May mga panahon na hinahalikan nya ako sa pisngi. He's a perfect gentleman. Kahit saglit palang kaming magkakilala ay parang sya na nga ang gusto kong makasama for the rest of my life. At oo, ganun kaOA yung statement ko.

I like you.”

I like you too.”

Tinitigan nya ako. At nagtama ang aming mga labi. Bigla kaming nakaramdam ng init kahit malakas ang buga ng aircon ng sasakyan.

Nangyari ang hindi inaasahan. Kami ay gumawa ng milagro sa loob ng kanyang tinted na kotse.

Bago ako bumaba ng kanyang sasakyan ay nangako kami sa isa't-isa na magkikita ng madalas. Tatawag nalang daw sya sakin kapag libre sya pero lagi naman daw syang magtetext.

* * *

Natapos na ang pagluluto ng aking nanay. Nakaset na rin ang table. Inaantay nalang namin ang pamilya ng mapapangasawa ni ate.

Kita sa mukha ng aking ate ang kaligayahan.

Salamat sa lahat ate.” paglalambing ko rito.

Ngiti ang isinukli nya sa akin.

Wala yon. Basta ikaw ang kakanta sa kasal ha?” biro nito.

Sige ba.”

Ilang segundo pa ay narinig namin ang busina ng sasakyan. Agad na tinungo ni ate ang gate at binukas ito. Andyan na nga ang aking magiging brother-in-law. Dapat fresh ako. Mabilis akong tumungo sa kwarto at naghilamos. Syempre hindi dapat kinakalimutan ang pabango.

Lumabas ka na dyan anak! Nandito na ang mga bisita ng ate mo!”

Rinig ko sa labas ng kwarto ang batian at kamustahin nila. Nakaramdam ako ngexcitement. Atlast, eto na. Lumabas ako at nakita si ateng nakangiti. Hinatak nya ako palapit sa kanyang mapapangasawa. Nahihiya ako at first pero nagtaas na rin ako ng mukha.

Nagulat ako sa nakita. Gwapo ang mapapangasawa ni ate. Mukha itong turkish. Rumehistro rin sa mukha nito ang gulat. Mabilis din itong namutla.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Babe, kapatid ko. Si Arthur. Arthur, ang magiging kuya mo sakin, si William.”

Sya nga.

Nagkamay kaming dalawa.

Lingid sa kaalaman ni ate ay kahawak ko ng kamay ang kanyang mapapangasawa kanina.

Napalunok ako. Nakita ko ang pagbubutil ng pawis sa kanyang noo.

Walang kaalam-alam si Ate na mukhang nauna pa sa kanyang makipaghoneymoon sa asawa nya.

Pinilit kong ngumiti.

W A K A S




Tuesday, April 24, 2012

The Art Of Forgiveness


P R O L O G U E

“Anong nangyari? Bakit ka humahangos?”

“Drive.”

Moni gave Levi a quizzical look. Kitang-kita nya ang paghahabol ng hininga ng kanyang bagong partner. Wala pa rin itong imik. Tinitigan nya ito at nakita nyang kakaibang body language nito. Natataranta at takot na takot. Kita din nya ang paghingal-kabayo ni Levi.

“What the hell's wrong with you Levi?”

“I said drive. Just drive and I'll explain later.” huminhingal na wika nito

Moni gave him another look.

“Drive!” Levi shouted.

Without second thoughts, mabilis na pinaandar ni Moni ang sasakyan at mabilis na pinaharurot ito sa kahabaan ng Mc Arthur Highway. Wala silang imikan. Moni was puzzled sa mga kinikilos ni Levi. Rinig nya ang gigil sa mga hininga nito. Hindi nya mawari kung ano ang nangyari, ayaw magsalita nito.

“Saan tayo pupunta? Kanina pa tayo nagdadrive.” Pagbasag ni Moni sa katahimikang kanina pa kumakain sa kanila

“I don’t know.” Wala sa wisyo sabi ni Levi

“Levi, you don’t know? Are you high?” naiiritang sabi ni Moni

“Keep drivin.” Mahinang sabi nito

Moni sighed. Sa bilis na 120kph ay matiwasay nilang nabagtas ang kahabaan ng highway. Sinilip nya ang kanyang gas, malayo pa para maubusan. Tinignan nya ang temperatura, maayos pa rin ito, maayos pa rin ang takbo ng kanyang Altis.

Nakaraan na sila sa ilang bayan. Mahigit sampu na rin ang nalagpasan nilang stop light. Wala pa ring imik si Levi.

“Are you gonna speak or what? Levi, I’m waiting. I feel so fucked up here. You told me to drive, so did I. Now, return the favor. Tell me what the hell had happened, bakit ka hingal na hingal at parang takot na takot ka kanina nung sumakay ka sa kotse?” Moni said, trying to sound calm, no signs of exasperation.

Without saying anything, Levi started sobbing.

Moni looked at him. Pinipilit nyang maging sensitive sa kung ano mang nangyayari kay Levi. Iniintindi nya ang mga tantrums nito at ang mga weirdong pinagagawa. Umiling sya. He parked his car at the side of an Elementary school which was along the road.

Levi started crying loud.

Moni took a deep breath.

“Levi. Okay. Now, I stopped driving. Pwede bang sabihin mo na sa akin kung bakit? Anong nangyari at ganun yung reaction mo kanina. Now you’re crying. Ano ba talaga ang problema?”

Levi looked at him, crying.

He threw him a stare, a reassuring one.

“Tell me, Levi. I’m gonna listen.”

“Please Levi?”

Gumuhit ang kidlat sa kalangitan. Levi saw it, mas lalong nagmarka ang takot sa kanyang mga mata. Patuloy sa pagmamasid si Moni sa kanya. He grabbed his hands and held it tightly.

“Na-natatakot ako, Moni.” Pautal-utal na usal ni Levi

Nagsimulang sumugod ang malalaking patak ng ulan sa lupa. Masigla silang tumama sa salamin ng Altis ni Moni. Ilang segundo pa, andyan na ang wiper para hindi tuluyang maging blurred ang front window.

“No matter what happens, I’m not gonna leave you. So now Levi, tell me. What happened? Nasaan si Aaron?” tanong nito

Levi made an exaggerated movement. He drew himself away from Moni. Pinilit nyang umusod sa gilid ng pinto ng kotse. Nanginginig ang kanyang katawan, nanlalaki ang kanyang mata, naging mas malikot ang kanyang paggalaw. Hindi sya mapakali. Parang isang kriminal na lilinga-linga sa paligid.

Moni got clueless on what was happening. He got scared on how Levi was moving.

“Levi! What are you doing? What the hell had happened? Bakit nagkakaganyan ka?” sigaw ni Moni

“Ahhhhh!”

“Ahhhhh!”

“Ahhhhh!”

Levi kept on shouting like an addict hallucinating.

“Levi shut up! Shut up Levi!”

“Moni, trust me. Hindi ko sinasadya. Wala akong ginagawang masama Moni! Trust me!” Levi cried hysterically

“What?” gulat na sabi ni Moni

“What are you talking about?” nalilitong dagdag pa nito

Levi cupped his face with his hands and cried.

“Believe me Moni. I did not kill Aaron, it was just an accident. Believe me!”

Moni was astonished. He couldn’t believe his ears. Hindi na sya nakapagsalita, natahimik nalang sya at napatulala.

Levi shook him. That made him regain his consciousness.

“You killed Aaron, Levi?” mahina nyang sabi

“I did not!” pagtanggi ni Levi

He was left speechless. Naramdaman nalang nya ang pangingilabot at pagkagulat, kasabay nito ang pagbagsak ng mga luhang hindi nya inaasahang papatak mula sa kanyang mga mata.

“I did not kill Aaron! Trust me! Wala akong ginagawa. It was an accident! It was an accident!”

Levi got out of the car and ran outside.

Moni was shocked with had happened, he was more than shocked with what he has heard. Nakita nya si Levi sa labas at basa na ng ulan, para itong asong nakawala sa kulungan, sobrang bilis nitong tumakbo.

Mabilis nyang kinabig ang manibela at pinaharurot ito sa kung saan man naroon si Levi.

He got out of his car and chase Levi.

Dahil likas ang pagiging runner, nahabol nya ito sa gitna ng rumaragasang ulan. He grabbed his arm and stared at him.

“Bitiwan mo ako! Hindi ko pinatay si Aaron! Wala akong ginagawang masama! It was just an accident!” umiiyak na sabi ni Levi

“Putang Ina Moni! Wala akong kasalanan, wag mo akong ipapakulong! Ayokong mamatay sa kulungan. Ayoko!”

Moni had his grip held tighter on Levi’s arm.

“Bitiwan mo ako Moni. Let me go. Wala akong ginagawang masama!”

Nakaramdam sya ng matinding kurot sa kanyang puso. Matinding awa para sa kanyang minamahal.
Kasabay ng ulan, Moni, again, shed his tears.

“Moni nagmamakaawa ako, aksidente lang lahat ng nangyari. Hindi ko sinasadya. Parang awa mo na, ayaw kong mawala sa bilangguan!”

Moni stared at him. They were both crying. Moni pulled Levi closer. He hugged him. Mahigpit. Mainit. Puno ng pagmamahal at takot.

“2 days from now, aalis tayo. Pupunta tayo ng Amerika. Magpapakalayo. Pack your things.” Moni said cryingly.

Levi cried harder.


E N D O F P R O L O G U E

Friday, April 20, 2012

Choices ? :)



 "Sino ang pipiliin mo? --- Ang taong humahawak sayo ng dalawang kamay o ang taong isa lang ang nakahawak at posible humawak pa sa iba"

Friday, April 13, 2012

Masaya Ako Para Sa Inyo

Note: I really want to apologize sa nangyari sa blog ko. Marahil ilan sa inyo ay nagtaka kung bakit may Malware keme na nakalagay. Even me, I don't know. Ngayon, Strangers and Angels is back. At nagpapasalamat pala ako sa kapwa ko blogger na si Zekiel Palacio para sa pagtyatyaga magayos ng nakeme kong blog.

Refresher muna tayo bago ako ulit magpost ng Ang Mang-Aagaw series. :)


A short story. :) Comments are highly valued.


------------------------------------------


Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha, wala pa rin itong pagbabago. Malaki pa rin ang kanyang pisngi, pababa pa rin ang kanyang mga mata at makapal pa rin ang kanyang mga kilay. Mas okay ang aura nya ngayon. Kung dati ay para syang naglalakad na kalungkutan, ngayon ay iba na. Makikita sa kanyang mga kilos, maging sa kanyang pananalita ang kaligayahan na alam kong mahigit dalawang taong nawala sa kanya. Ibang-iba na sya ngayon. He has totally moved on. At masaya ako para sa kanya.


Pinilit kong ilapit ang aking sarili sa lugar na kinauumpukan nila ng mga barkada nya. Malutong ang kanyang mga halakhak. The last time I heard him laugh that way was when we were still together. Maya-maya pa ay nag-cheers sila ng mga kaibigan nya. Patuloy ang kanilang kwentuhan. Patuloy rin ang aking pagmamasid. Pinipilit kong intindihin ang buka ng kanilang mga bibig. Ngunit hindi ko makuha ang mga mensahe.


Makalipas ang ilan pang mga minuto, alam kong tinatamaan na sya sa alak na kanina pa nya iniinom. Nakailang beses na rin syang pabalik-balik sa kasilyas sa loob ng bar na kanilang iniinuman. Sa t'wing sya ay tumatayo ay mayroon syang kahawak ng kamay. Payat, moreno at kagwapuhan din namang lalaki. Siguro nga ay sya na ang tinatangi nya ngayon. Masaya ako para sa kanya.


Pumatak na ang alas-dos na madaling araw at patuloy pa rin sila sa paglaklak. Gusto ko syang hatakin at yakapin. Pero alam ko, kahit anong gawin ko, hindi na ito maari. At hindi na rin ito tama. Nakita ko ang paglatag ng ulo ng kanyang lalaking kahawak-kamay sa kanyang balikat. Hindi ko maipaliwanag, ngunit nakaramdam ako ng luwag sa aking dibdib sa halip na matinding panibugho. Nakita ko kung paano nya alagaan ang lalaking iyon, ganun pa rin sya, kung paano nya ako inalagaan noon, ganoon nya rin inalagaan ang lalaking iyon ngayon. Nakahinga ako ng maluwag. Masaya ako para sa kanya.


Ilang saglit pa ay nakita kong akay-akay nya na ang lalaking iyon. Mukhang hindi na kinaya ang alak at nahilo na. Nakita kong nakangisi sya habang inaakay ang lalaking iyon papasok sa loob ng kotse. Naipasok nya ito ng maayos. Pumasok rin sya sa loob at pinaayos ng higa ang lasing na katipan. Dumilat ang lalaki at kahit alam kong lango na ito sa alak, ngumiti pa rin ito. Sya, na nagulat, ay nagpakawala rin ng isang ngiti. Kahit madilim ang loob ng sasakyan ay naaninag ko ang paglalock ng kanilang mga kamay. Ilang segundo pa ay nasaksihan ko kung paanong nag-lock ang kanilang mga labi. Ang halik na yun ay uhaw na uhaw, agresibo, sabik at puno ng pagmamahal. Ang halik na yon ay ang halik na aking naranasan, ilang taon na ang nakararaan.


Nagngitian silang dalawa.


“Magpahinga ka na. Babalik na ako sa bar. Matulog ka muna at ikaw ang magdadrive.” malambing nyang sabi.


“I love you.”


“I love you too.”


Muling naglapat ang kanilang mga labi. This time, mas matagal, at punong-puno ng passion. Natapos ang halik. Inayos nya ang pagkakalatag ng ulo nito sa maliit na unan at marahan syang lumabas ng kotse. Tumunog ang lock ng sasakyan. Sumandal sya sa pinto ng kotse. Kita ko sa kanya ang pagkahilo. Pinilit nyang ibalik ang kanyang composure. Nakita ko syang humugot ng isang malalim na buntong-hininga.


Sumandal din ako sa pinto ng kotse habang patuloy na nakamasid sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay pero alam kong hindi nya ito nararamdaman.


Nakita ko ang pangingilid ng kanyang mga luha. Pinahid ko ito pero patuloy ito sa pagtulo.


Bakit ka umiiyak? You should be happy.


Salamat sa'yo. Kung nasaan ka man.” mahina at gumagaralgal nyang sabi.


Napangiti ako.


Thanks for teaching me how to let you go. I swear. Hinding-hindi kita makakalimutan.”


Nakaramdam ako ng init. Yung init na tumatagos hanggang sa loob ng kaluluwa. Ramdam na ramdam ko ang sincerity.


Thanks for letting me meet him. Alam kong ikaw ang gumawa ng paraan para makilala ko siya. Salamat sa'yo.”


Nilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga at sinabi kong “Walang anuman. Mahal na mahal kita.” pero alam kong hindi nya ito maririnig.


Muli nyang sinilip ang kanyang bagong kasintahan na natutulog sa loob ng sasakyan. Ngumiti sya. At sya ay naglakad na pabalik sa loob ng bar.


Masaya ako para sa'yo. Masaya ako para sa inyo.


W A K A S