Wednesday, May 30, 2012

Minahal ni Bestfriend Book 2 Introduction





            Kamusta po sa lahat? ^_^

            Ako po itong muli, si Dark Ken. Ang naghatid po sa inyo ng “Minahal ni Bestfriend”. It has been a very long time since nakapagpost ako muli ng aking kwento. Kaya naman po gusto ko po magbalik at magbigay inspirasyon sa lahat po ng mambabasa dito sa blog na ito. Sa totoo lang, namiss ko din po talaga ang pagsusulat. Kaya sana po ay pagpasenyahan nyo na kung ano mang kwento ang maihahatid ko sa inyo dahil sa katagalan ko pong hindi nakapagsulat.

            Anyways, natatandaan po siguro ng iba dito ang aking akdang “MNB” o ang “Minahal ni Bestfriend. Kung matatandaan nyo po ay sinabi ko po sa huling parte ng kwento na nagbabalak po ako gawan ito ng Book 2. Kaya po, buong puso ko pong ihinahandog sa inyo ang Ikalawang yugto ng aking nobela. Kaso nga lang po ay magkakaroon po ng isang malaking pagbabago sa aking Ikalawang yugto. Kung matatandaan nyo po na ang original MNB ay based po sa aking buhay. Ako bilang si Jerry. Ngunit ikinalulungkot ko po sabihin na sa Book 2 po ay fiction na po ang lahat ng kaganapan. Ang halos lahat po ay base sa aking malikot na pagiisip at malawak na imahinasyon. Ngunit ito po ang surpresa, may mga part pa rin po doon na nangyari talaga sa akin. Hindi ko na lang po babanggitin kung alin dun. :P

            Ngayon po, ang tanging kahilingan ko po sana ay maibigan nyo po kahit pa nagkaroon ng malaking pagbabago sa MNB. Marami po siguro sa inyo ang magtatanong kung bakit ko ginawang fiction ang Book 2 at hindi na itinuloy ang kwento nila Jerry at Philip. Sasagutin ko na rin po ito ngayon din. Ang rason ko po ay ayaw ko na po talagang pag-usapan ang mga sumunod na nangyari dahil hindi pa po ako handing i-share o pag-usapan ito. Kaya po sana ay maintindihan nyo po itong lahat. Who knows, na balang araw ay kaya ko ng ikwento at ibahagi sa inyo ang mga sumunod na kaganapan. :)

            Ok, moving on. ^_^.. Ang aking ikalawang yugto ay papamagatan ko pong, “Minahal ni Bestfriend: Ryan”. Sana po ay maibigan nyo at suportahan nyo katulad po ng ginawa ng karamihan po sa inyo noong unang akda ko.

            Sa totoo lang po, ay talagang kinakabahan ako sa pagpopost nitong ikalawang yugto ko. Kasi po, baka hindi po magustuhan ng karamihan sa inyo. Ang tanging hiling ko po lamang ay makapagbigay ako ng inspirasyon sa mga magbabasa po nito. Hindi naman po ako nageexpect ng malaki, gusto ko lang po talagang “maka-touch” ng buhay kahit sa simpleng paraan na ito. ^_^

            Ah sya, masyado na akong maraming sinabi. Ito nap o ang pinaka sypnosis ng aking “Minahal ni Bestfriend: Ryan”

            Hanggang saan nga ba ang linya ng pagkakaibigan? Hanggang kelan maikukubli ang tunay na nararamdaman para sa pag saalang alang ng pagkakaibigan? Ano nga ba ang kaya mong ibigat sa ngalan ng pagibig at ng pagkakaibigan?

            Two sworn bestfriends, Ryan and Larc. Turn the wheels of fate as they venture on their own roller coaster ride of emotions.

Larc- From being the town’s joke to your official Hottie. Always had his bestfriend in every aspect of his life. Literally from being a weakling to the day he has been strong. And now as he lives the life he always wanted, hanggang saan ang kaya nyang isakripisyo para pakaingatan ang buhay na inaasam? Ano ang handa nyang igive up para wag lang bumalik sa buhay na kinakatakutan?

Ryan- Always been the team player all the way. The nicest guy you’ll ever know. Has been ever supportive of his bestfriend, Larc. Pero has been secretly inlove with his bestfriend.Truly, the bond between the two is as strong as any weatherd wall, or atleast that’s the way he think it is. But is it really as stable and strong as he think it is? Can he still say all of these when a very challenging obstacle comes his way? Hanggang saan ang kaya nyang ibigay para pakaingatan ang pagkakaibigan at ang pagmamahal na binuro ng panahon?

Abangan!!

Monday, May 28, 2012

Ang Mang-aagaw 10






Note:Sorry at late ang posting. Hehehe. Alam nyo naman na busy ang lola nyo sa work and stuff. Promise, kapag di na ako busy at may free time, maguupdate ako ng bongga. Nakakamiss magsulat ng short stories at novels ha? Haha! Salamat sa mga nagcomment nung last update ko, ang sisipag nyo at sana wag kayong magsawa po. Enjoy reading chapter 9. :)




S.I.Y.A.M.



Nakita nya ang naglalagablab na kisame. Hindi nya na matukoy kung ano ang uunahin nyang gawin.

“Suunnooooggg!”

Arvin was gasping for air. Makapal ang usok sa loob ng factory. Maging ang opisina nya na nasa dulo ay inabot na rin ng apoy. Kahit hirap na sa paghinga, pinilit pa rin nyang hanapin ang fire extinguisher na alam nya ay nakakalat lamang sa loob.

“Sunnnooooooggg! Sunnoooooggg! Tulungan nyo ako! Mamamatay ako rito!” patuloy nyang pagsigaw.

Mabilis nyang nakita ang fire extinguisher. He instantly pulled the pin on the valve at tinapat ang nozzle sa apoy na kumakain sa kisame at pinto ng kanyang kinalalagyan. Ramdam nya ang lakas ng buga ng extinguisher. Kahit papaano nakaramdam sya ng pagasa ng makita nyang nawala ang apoy. Binitiwan nya ang pamatay sunog na iyon at mabilis tumakbo sa water dispenser. Inangat nya ang galon mula rito at binasa nya ang kanyang sarili. Ginamit nya ang kanyang natutunan sa isang seminar ukol sa fire prevention. Matapos nyang basain ang kanyang sarili, muli nyang binalikan ang iniwang extinguisher. Kinuha nya ito at tinungo ang pinto. The door was hot. He used his strength to kick it. Isang sipa lang nya ay mabilis na itong bumuwal.

Nakaramdam ng hilam ang kanyang mga mata dahil sa kapal ng usok na sumalubong sa kanya. Nakita nya ang kanilang factory na naglalagablab. Lahat ng kanilang mga produktong papel ay naging abo na. Lahat ng mga makinarya at nilalamon na ng galit na pula. Naramdaman nya ang panglalambot ng kanyang tuhod.

Hindi pa ako pwedeng mamatay! Hindi pa ako pwedeng mawala!

Nakarinig sya ng malakas na ingay na nagmumula sa labas.

Sirena? Sirena? Wangwang! May bumbero!

Nakaramdam sya ng pagasa.

Tullloooonnnnggg! May tao sa loob! Tulunngaaan nyo akooo!”

Muli, sya ay napaubo dahil sa usok.

Hinanap nya ang daan. Binomba nya ng tubig ang lahat ng makikita nya.

May bumbero! Maililigtas na ako! Maililigtas na ako!

Naging mas malakas ang kabog ng kanyang dibdib.




JD was comfortably watching a movie at home. Wala syang kaide-ideya sa nangyayari sa kanyang kabiyak. Patuloy sya sa pagngasab ng crispy pata na kanyang pinadeliver.

He kept on giggling sa kanyang pinapanuod. For some strange reasons, bigla syang napatitig sa kalendaryo. It was too late then when he saw the date and realized it's actually their anniversary.

How come nakalimutan ko? Kaya pala ang sweet nya sakin kanina. He must have been waiting me to greet him.

He grabbed his phone and dialled Arvin's number.

Nakailang ulit itong nagring pero walang sumasagot.

Nagtatampo kaya ito? Wag naman sana.

Nalungkot sya. Na-gulity sya dahil alam nya at ramdam nya na inaantay lang sya nitong batiin sya. He then realized na marami na rin syang pagkukulang dito. Muli nyang di-nial ang numero. Wala pa ring sumasagot.

Okay. I'll just prepare something for him kahit alam kong malelate na sya ng uwi.

He frowned. Gusto nyang bumawi. Gusto nyang maibalik ang dati. He knows that they have both matured in their relationship. He wants to be extra-sweet this time.

I love you Arvin. I really do.

He dialled the number. No answer.

Fine. I'll cook you something. Surprise!

There was hope in his heart. This night, this anniversary, will be a special one.

Tumayo sya at agad na tinungo ang kusina. Naghagilap sa cabinet ng pwedeng lutuin. Nakita ang linguine.

Ahhh! Pasta!

Matagal na syang di nakakapagluto. At susubukan nya ito muli.

Hinanda nya ang kanyang mga kasangkapan.




Dalisay was very bored that night. Binuksan nya ang TV, isa sa mga bagay na hindi nya ginagawa kadalasan.

I must be very bored. Ayaw ko ng mga programa sa TV, yet, nanunuod ako ngayon.

She started looking for good programs. She almost lost her patience but alas! Dora the explorer on Nickolodeon saved her day.

Come on Dora! Entertain Mama Dalisay! Negrita ka!

She was enjoying Dora's trip when she heard her phone yelling “Super Bass”.

Boy you've got my heart beat running away.”

Keme!” Sigaw nya sa kanyang umiiyak na cellphone.

Ang kikay pala ng ringtone ko no? Sabi nya sa kanyang sarili.

Hello?” sagot nya

Hello Mama D!”

Ohh, Dennis! Ikaw pala yan, kamusta ka na?” masiglang bati nito.

Ayos naman po. Kayo po?”

Eto, bakla pa rin, walang bago, ikaw, straight ka na ba?” pabiro nitong sagot.

Tumawa si Dennis sa kabilang linya.

Nanunuod po ba kayo ng balita?” biglang seryosong tanong ni Dennis

Dalisay felt alarmed.

Bakit? Anong meron? Kung tungkol yan sa mga hirit ni Miriam Santiago, or yung umbagan ni Claudine at Tulfo sa airport, or yung Laban ni Pacquaio, wiz ako careline.” pabiro nitong sagot.

Ikaw talaga Ms.D.”

Vaket ba? Anik ba ang mga chenelyn today?”

Nanahimik si Dennis. Halatang hindi naintindihan ang sinabi niya.

Ahh I mean, ano ba ang nasa balita ngayon?”

Ahhh yun pala yun.”

Lowka ka..”

Nasusunog pa rin hanggang ngayon yung factory ni Arvin at JD. Nabroadcast sa news.”

Tumapon ang kilay ni Dalisay sa kisame.

Hu-wat?”

Nagulat nga rin po ako actually.”

Hansave ni Philip? Nakausap mo na ba? Tiyak akong maloloka yung kapag nagkataon.”

Tahimik.

At teka? Bakit nasunog?” dagdag ni Dalisay.

According po sa balita, hindi pa rin po alam. Pero suspetsa po ay may faulty wiring daw po.”

Napaisip si Dalisay.

Faulty wiring?”

Opo.”

Faulty wiring? Ano yun?”

Ahhh-”

Chos. Gaga alam ko yun. Ako pa. Intelligence kaya ako. Pero paano? For sure, konting spark nyan apoy agad. At malamang tustado yan kasi nga puro papel ang laman ng factory.”

Oo nga po eh. Pero hindi po yan ang catch, Mama D.”

Napalunok si Dalisay.

Tama ba ang nasa isip ko?

Ano yun Dennis? Tama ba ang nasa isip ko?”

Hindi ko po alam kung pareho tayo ng iniisip.”

Napabuntong-hininga si Dalisay.

Pero ayon po sa mga nainterview na tauhan sa factory, hindi daw po nila sigurado kung nakauwi na yung boss nila. Ang alam daw kasi nila eh magoovertime ang boss nila.”

Meaning? Si Arvin?”

Tumpak.”

Napapalatak si Dalisay.

Tustadong Bakla kapag nagkataon.”

Sana nga po ligtas sya.”

Sana nga.”

Muli, napabuntong-hininga si Dalisay.

Sana lang ay di tama ang nasa utak ko. Sana lang talaga.

At teka lang Dennis? Alam na ba ni JD?”

Yun lang po ang hindi ko alam.”

Naputol ang tawag. Low-batt ang phone ni Dalisay.




Hello?”

Hello. Kamusta?”

Nagtaka si JD pagkat di nya kilala ang tinig.

Si-sino ka?”

Hindi na mahalaga kung sino ako. Gusto ko lang malaman mo, na ang factory na pinaghirapan nyong itayo ni Arvin ay kasalukuyang nilalamon ng apoy.”

Napalunok si JD.

Ano?!” pasigaw nitong sagot.

Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog? I said, the factory is burning. As in burning. B.u.r.n.i.n.g!”

At biglang humalakhak ang lalaki sa kabilang linya.

Putang-ina mo! Tang-ina ka! Hayop!”

Patuloy ang paghalakhak ng lalaki sa kabilang linya.

Nakaramdam si JD ng paninikip ng dibdib. Hindi sya makahinga. He tried to grasp for air. Napaluhod syang bigla. Sobrang bilis ng kanyang pulso, maging ang kanyang puso ang gumagalabog.

Nasusunog ang factory.”

Sino ka!”

Di na mahalaga yun. Ahhh sandali! Isa pa pala, nandun din si Arvin sa factory. By now, abo na rin siguro sya.”

Lumakas pa ang halakhak ng lalaki sa kabilang linya.

Mas nanikip ang dibdib ni JD. Nakaramdam sya ng kakaiba. Biglang nagdilim ang paligid. Kinain sya ng kadiliman.



I T U T U L O Y . . .



Thursday, May 24, 2012

KAHIT SANDALI: Chapter 12

Sorry po sa sobrang delay. Mag-aupdate na po ako regularly mula ngayon dahil may internet na sa bahay. Hehehe. Pasensya na po talaga sa mga naghihintay sa update ng KAHIT SANDALI. Pero eto na po. Ang next Chapter po ay paki-abangan nalang po. Baka sa Sabado po ay posted na rin. Maraming salamat sa paghihintay.

Jhay
http://27thofjuly.blogspot.com/
***************************************************************

Matapos ang lahat ng gawain sa opisina ay agad akong dumiretso sa paaralan ni Jake para sunduin ito at para matupad ko na rin ang pangako ko rito.


Eksaktong dismissal nang dumating ako. Nakita ko si Jake na masayang nakikipagtawanan at nakikipaglaro sa mga kaibigan at kaklase nito. Napangiti ako, dahil sa improvement nito mula nang maaksidente ito.


"Jake, anak.", tawag ko rito mula sa gate ng paaralan.


"Daddy!!", excited na sigaw nito at saka tumakbo patungo sa direksyon ko. Nang marating ang kinaroroonan ko ay agad itong yumakap.


"Are you ready anak?", tanong ko rito.


"Opo Daddy."


"Tara na."


"Wait lang po Daddy, di ba po sabi ko may isasama po tayo ngayon?"


"Oo nga pala. Eh, sino ba 'tong isasama natin anak?"


"Si teacher po."


"Eh alam ba ng teacher mo anak na sasama siya ngayon?"


"Opo. Sinabi ko po kanina."




"Ok, sige, hintayin natin si teacher mo.", sagot ko rito at binigyan ito ng ngiti.




May limang minuto rin kaming nag-antay sa teacher ni Jake. Maya-maya ay may kumatok sa bintana ng sasakyan. Laking gulat ko nang makita kung sino ang taong kumatok. It was Byron! 




Agad namang pinagbuksan ng pinto ni Jake si Byron.




"Pasok po kayo Sir. Sir si Daddy ko po."


Halata sa mukha ni Byron ang pagkagulat nang makita ako. 


"Sir? Sir Imperial?", tanong nitong tila ba naninigurado kung tao ba talaga ang kaharap niya ngayon.


"Yes, Mr. Dela Cruz, ako nga ito.",sagot ko rito.


"Magkakilala po kayo Daddy?", maang na tanong ni Jake.


"Ah, oo anak, nagpunta siya sa kompanya 2 weeks ago.", sagot ko rito. "So, shall we go?", baling ko naman kay Byron.



"Ah, eh, opo.", kamot-kamot ang ulo na sagot nito.




Habang nasa biyahe patungong mall ay walang pag-uusap na nangyari sa pagitan namin ni Byron. Tanging sila ni Jake ang naglalaro at naghaharutan sa loob ng kotse. Natutuwa akong pagmasdan ang dalawa. Hindi rin maiwasang maisip kong muli si Eric dahil na rin sa kaunting pagkakahawig ni Byron rito.



Mabilis naming narating ang mall kung saan namin napagkasunduang mag-bonding ni Jake. Napagdesisyunan naming kumain na muna bago mag-ikot ikot para may laman naman ang aming mga tiyan. Tutal ay mag-gagabi na rin naman.



"Saan mo gustong kumain anak?", tanong ko kay Jake.




"Sa Jollibee po Daddy.", masayang sagot nito.




"Sige sige, sa Jollibee tayo.", sagot ko rito. "Okay lang ba sa inyo?", baling ko naman kay Byron at Mang Tonying na siyang driver namin. Sabay naman tumango ang dalawa.




Hindi matao ang Jollibee nang araw nang makarating kami, kung kaya naman madali kaming nakahanap ng mauupuan at nakapag-order ng pagkain. Nang makatapos na ang lahat kumain ay nagmamadaling mag-ikot si Jake kung kaya naman pinauna ko na silang dalawa ni Mang Tonying.



Naiwan naman kaming dalawa ni Byron na naglalakad di kalayuan sa likuran nila Jake.




"He's a really good kid Sir.", si Byron.



"Uhm, thank you. Please call me 'Al', hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin. Masyadong pormal.", I said with a smile.



Ngumiti ito. He looked good. Gwapo ito. Sa suot nitong white shoulder sleeved polo ay mas makisig itong tingnan kaysa noong panahong nag-audition ito.




"Ahh, eh hindi po ba nakakahiya?", tanong nitong parang bata.



"Haha. Hindi naman. Mas nakakahiya sa parte ko kung lagi mo akong tinatawag na Sir. Baka isipin ng mga tao na ang tanda tanda ko na. And please, drop the 'po' and 'opo'."




Napatawa naman ito.



"Opo Sir. I - I mean, si - sige Al.", may pag-aalangan nitong sabi.




"Masasanay ka rin."



"By the way, drop by the office tomorrow afternoon. You'll be having your contract signing."




"Talaga?"



"Ayaw mo?", nakangiti kong tugon rito.




"Syempre po, gusto. Gustong-gusto.", sabi nitong parang bata. Ngumiti ito. Halata sa mukha nito ang excitement.



Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko kay Byron. Marahil ay dahil na rin sa likas itong mabait.


 Natapos ang pamimili namin ni Jake at nagkayayaan nang umuwi. Habang nasa byahe ay nakatulog si Jake. Nasa daan kami patungo sa tinutuluyang apartment ni Byron. Ayaw sana nitong pahatid ngunit ako na mismo ang nagpumilit. Paano kasi'y andaming pinamiling gamit ni Jake at hindi na namin nakayanan ni Mang Tonying ang magbuhat sa mga ito.




"Maraming salamat nga pala.", basag ko sa katahimikan.




"Wala iyon.", sagot nito. "Nag-enjoy naman ako.", dagdag pa nito.




Ngumiti naman ako.


"Ah, Mang Tonying, dyan nalang po sa kanto ako bababa."





"Ah eh sige.", si Mang Tonying.




"Ayan ba ang apartment mo Byron?", tanong ko rito.



"Ah, eh. O-opo.", kamot-kamot na naman ang ulo na sagot nito.



"Oh, bakit ganyan ang ekspresyon mo?"




"Ah, eh, nakakahiya po kasi. Ang liit ng apartment ko."




"Kutusan kaya kita? Anong ikinakahiya mo? Marangal ang trabaho mo, mabuti kang tao, dapat ay hindi mo ito ikinakahiya. Kahit ganyan lang ang apartment mo, pinaghirapan mo pa rin iyan. And stop it with the 'po' at 'opo'. Sabi ko naman sa'yo di ba?"




Ngumiti ito bago sumagot.




"Maraming salamat talaga.", sabi nito bago bumaba ng kotse.


"Walang anuman.", sagot ko rito.





"Mag-iingat kayo. G - Goodnight na rin Al."



"Ikaw rin.", sabi ko saka nito isinara ang pintuan.



Nang makarating kami sa bahay ay kinarga ko si Jake patungo sa kwarto nito. Hinalikan ito sa noo at saka dumiretso na rin sa kwarto ko. Bago matulog ay naligo pa ako at nang matapos ay tuluyan nang nahiga.



"Today was a great day.", naisip ko saka tuluyang nakatulog.



*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*


Kinabukasan, gaya ng napag-usapan ay pumunta sa opisina si Byron.


"Ang aga mo naman yata.", sabi ko rito nang makita ko itong naghihintay sa lobby ng building. "Wala ka bang klase ngayon?", dagdag ko pa.


Ngumiti naman ito.


"Ah, wala eh. I submitted my resignation letter kaninang umaga. They were hesitant to let me go pero hindi rin naman nila ako sinubukang pigilan."


"I'm sorry to take you away from them."


"Ayos lang po 'yon. Desisyon ko rin naman po 'to eh."


"Again with the 'po' and 'opo'. Isa pa at talagang babatukan kita.", sabi ko rito saka tumawa.


Tumawa nalang rin ito.


Mula sa contract signing ay naging mabilis ang takbo ng career ni Byron. Sumikat ito. Napapatugtog na rin ang mga kanta nito sa mga radyo at nag-geguesting na rin ito sa iba't ibang mga events. Sa panahong iyon ay naging close kami sa isa't-isa. Hindi lang bilang manager at client ngunit naging matalik kaming magkaibigan. 


Paminsan minsan ay dumadalaw ito sa bahay. Minsan nakikipaglaro kay Jake. Minsan nga eh ito pa ang nagluluto.Hinayaan ko lang ito sapagkat wala rin namang masama sa ginagawa niya. Kilala na rin ito ni Gina at malapit na rin ang mga ito sa isa't-isa.


Isang araw, napagkasunduan naming tatlo na mag-inuman sa bahay.


"We should celebrate!", si Gina. "I mean, your album has been a success and now, may offer ka na galing sa pinakamalaking station sa bansa to have your own show."


"Eh hindi naman big deal yun. Saka hindi pa naman din ako nagdedecide kung tatanggapin ko ba yung offer o hindi nalang." si Byron.


"Why not? You pretty much deserve it.", si Gina ulit.


"Nah, hindi rin naman maisasakatuparan tong mga nangyayari sa kin kung di dahil dyan sa kaibigan mo eh."


"Sa tingin ko tama si Gina, we should celebrate this Byron." sabat ko naman. "You also need a break. You've been too busy this month.


Napabuntung-hininga ito.


"O sige. Sabi mo eh.", sabi nito saka ngumiti ng pagkatamis tamis.


"Uy, kayo ha, napapansin ko lang. Lately, iba na ang mga ngiti nyo sa isa't-isa. Bromance na ba --"


Hindi na nagawang tapusin ni Gina ang sasabihin nito dahil sa dinawa kong pagbatok rito na ikinatawa naman ni Byron.


"Aray ko naman! Bakit mo naman ako binatukan ha?!", baling ni Gina sa akin.


"Masyado na kasing madumi ang lumalabas dyan sa bunganga mo.", pang-aasar ko pa rito.


Nagkatawanan nalang kami.


Natapos ang inuman nang magpaalam nang umalis si Gina. Medyo tinatamaan na raw kasi siya at magda-drive pa ito pauwi. Maghahating-gabi na rin iyon.


Nang makaalis si Gina ay inumpisahan ko nang ligpitin ang mga  pinag-inuman namin. Tinulungan naman ako ni Byron. Nang matapos ay nagprisenta akong ihatid na si Byron sa bahay na naipundar nito.


"Ihahatid na kita sa inyo Ron.", sabi ko.


"Ahh, hindi na. Matulog ka nalang. Magta-taxi nalang ako.", tanggi nito.


"Alam mong mahirap kumuha ng taxi rito sa lugar namin, lalo pa at hatinggabi na. Isa pa, you had too much to drink. Baka mapano ka pabalik dito."


"I can handle my alcohol. But since you insist, fine, sleep here."


"What?"


"Sabi ko, dito ka nalang magpalipas ng gabi. Tutal wala namang trabaho bukas."


"Sigurado ka?"


"Hindi ka rin makulit eh no?", balik ko rito saka ngumiti.


Ngumiti naman din ito saka bumalik papasok sa bahay.


"Doon ka sa guest room na katabi ng kwarto ko matulog. Mauna ka na sa taas at magla-lock lang ako at saka dadalhan nalang rin kita ng damit at tuwalya.


"Yes boss!", sagot nito saka tumalima paakyat sa kwarto.


Nang maka-akyat si Byron ay tiningnan ko kung nakalock ba ang lahat ng pintuan at bintana sa baba saka sumunod rito. Ikinuha ko siya ng damit at tuwalya sa kwarto at dinala sa guest room. Ngunit pagpasok ko roon ay tulog na ito at nakahiga sa kama.


"Tch! Tingnan mo nga naman. Ambilis makatulog.", napailing nalang ako at ipinatong ang damit at tuwalya sa bedside table.


Akmang tatalikod na ako upang lumabas ng kwarto nang biglang hilahin nito ang braso ko dahilan upang matumba ako rito. Babangon sana ako ngunit iniyakap na niya ang kabilang braso sa katawan ko. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako nito.


"Stay still.", sabi nito. "Dito ka muna sandali."


Agad akong pinamulahan sa sinabi niya.


"A-ano bang nangyayari sa'yo? Wui. Bitawan mo nga ako.", sabi ko naman.


Agad naman itong bumitaw. Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko.


"Andami mong kalokohan!", sabi ko.


Pero nginitian lang nito ang sinabi ko dahilan upang muling mag-init ang tenga ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumasok sa kwarto ko.


"Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?"



ITUTULOY...

Wednesday, May 9, 2012

I Don't Wanna Be Your Friend: Stanza 5




Pasensya na po sa mga naghihintay nito, sobrang natagalan ang  update, mag-iisang taon na yata. Pasensya na po talaga.

Jhay






________________________________________________________________________

            Nagulat ako nang makilala kung sino ang babaeng bumaba mula sa pulang kotseng dala ni Jason. Hindi ako makapaniwalang nandito ang babaeng yun. Ang babaeng nagnakaw nag una kong halik. Si Michelle. Nang lingunin ko si Matt ay nakita kong sumilay mula sa mga labi nito ang isang malawak na ngiti. Halata sa ekspresyon ng mukha nitong masaya siyang muling nakita ang kanyang nakatatandang kapatid. Hindi ko siya masisisi. It’s been four three years since we last saw her. Ni anino ni Michelle, hindi naming nasilayan. Kaya nga laking gulat nalang namin ang makita ito ngayon. Parang daga lang na pasulpot-sulpot.


            Ngunit lingid sa kaalaman ng barkada ang nangyaring kissing scene sa pagitan namin ng ate ni Matt. It was his birthday party sa bahay nila. I was drunk back then. Nakatulog ako sa sobrang kalasingan at nang magising ako ay nakita kong tulog na rin ang tatlo. Dahil sa pagkauhaw, bumangon ako at kumuha ng tubig sa baba. Alam ko na ang bawat suok ng bahay nina Matt noon pa man. Halos kada sabado ba naman ay doon kami tumatambay mula nang tumuntong kaming ikalawang taon sa kolehiyo eh. Nang makainom ng tubig mula sa dispenser ay nawala ang antok ko kung kaya’t naisipan kong magpahangin muna sa terrace. Hindi ko naman inaasahang nandun rin pala si Michelle.


            “Gising ka pa pala.”, pagtawag ko sa atensyon nito.


            “Gagi! Kakagulat ka ha! Balak mo kong patayin sa sarili kong bahay?!”, eksaherada nitong banat sa akin. Napangiti nalang ako.


            “Eh ikaw, ba’t gising ka pa?”, balik tanong niya sakin.


            “Nagising ako dahil sa uhaw eh. Pag-inom ko ng tubig, ayun nawala ang antok.”, paliwanag ko naman.


            “Ang haba naman ng paliwanag ha.”


            Natahimik ako. Tiningnan ko lang siya.


            “So bakit nga ba gising ka pa?”, pagbasag ko ng katahimikang namuo sa pagitan namin.


            Napabuntong-hininga ito.


            Naghintay akong magsalita ito.


            “Naranasan mo na bang magmahal?”, tanong nito sakin.


            Hindi ako umimik. Ang totoo niyan ay hindi pa ako nagmahal kahit minsan. Wala akong experience kahit sa ligawan man lang.


            “Kasi ako, nagmahal ako ng sobra pero ayun, iniwan pa rin ako. Sumama dun sa babae niyang mukhang paa naman.”, pagpapatuloy nitong hindi na hinitay ang sagot ko.


            Nakita kong tumulo ang mga luha nito sa tulong na rin ng ilaw na nagmumula sa buwan at sa lampshade na nakadikit malapit sa pintuan ng terrace.


            Nilapitan ko ito at niyakap.Napahagulgol ito.


            Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan nitong sakit pero nakikita ko base na rin sa ekspresyon ng mukha nitong mabigat ang kanyang dinadala. Sa tingin ko nga rin ay wala pa siyang nasasabihan o nakakausap man lang tungkol sa kanyang sitwasyon.


            Hinagod – hagod ko ang kanyang likod at hinayaan lang siyang ilabas ang lahat ng hinanakit na kanyang tinatago maging kay Matt.


            Nang tumigil ito ay napatingin ito sakin.


            “Salamat sa pagdamay ha.”, sabi nitong garagal ang boses.


            Hindi talaga ako sanay na nakikita siyang seryoso at nasasaktan. Sa t’wing magkikita kasi kami nito, puro pambabara lang ang ginagawa sa aming magbabarkada. Taklesa nga eh. Pero nang mga panahong iyon, nakita ko ang pagiging babae niya. Tama, babae lang siya after all.


            Hindi ko namalayan ang unti – unting paglapit ng kanyang mukha sa akin. Nagulat nalang ako nang maramdaman ang paglapat ng aming mga labi.


            The kiss was sweet. Her lips were soft and sweet. It was tempting. Kung kaya naman hindi ko naiwasan ang gumanti ng halik dito. The kiss went deeper at kung wala ako sa tamang katinuan, maaring mas lumalim at maaring iba ang kahantungan nito. She was vulnerable and I’m only a man. Ngunit nang maramdaman kong nagiging mapusok na ito ay agad akong humilawalay at tumigil.


            “Let’s not do this.”, marahan kong sabi sa kanya.


            Nagbalik naman ang malay-tao niya at bigla yatang nahiya sa ginawa.


            “Hey, it’s ok.”, sabi ko. “Let’s just keep this between us. Okay?”


            Tumango ito at pinahid ang luha.


            “S-sige, m-mauna na ako sa’yo.”, sabi nito kapagkuwan.


            Isang batok ang nagpabalik sa’kin sa katinuan.


            “Araykup! Bakit mo naman ako binatukan?”, inis kong tanong kay Matt.


            “Eh kasi po, ka pa nag-iimagine dyan.”, sabi nito. “Tara, salubungin natin ang taklesa.”, pagpapatuloy nito saka binitiwan ang isang mapang-akit na ngiti.


            Naglakad na ito patungo sa pintuan ng resto. Iiling – iling nalang akong sumunod rito.


            “Ate!”, excited na tawag ni Matt kay Michelle sabay yakap rito.


            “Anu ba?! Kararating ko palang papatayin mo na ako sa higpit ng yakap mo sa’kin!”, reklamo nito. Dahilan para bumitaw sa pagkakayakap si Matt rito.


            “Hindi pa rin talaga nagbabago ang tabas ng dila mo no?”, singit ko naman na inirapan lang nito.


            “Antagal mong hindi nagpakita ahh. Saan ka ba nagsususuot at hindi ka naming mahagilap nina Mama.”, si Matt.


            “I’ve been to Korea li’l bro. Nagbakasyon lang.”


            “Bakasyon ba ‘yun eh tatlong taon kang nawala? Saan ka naman kumuha ng panggastos mo dun eh balita ko hindi ka humuhingi kila Mama?”


            “I have my ways.”, sabi nito pagkatapos ay ngumisi.


            “Nakakatakot naman.”, sabad ni Alex.


            “Excuse me, was I talking to you?”, pambabara ni Michelle sabay taas ng kilay nito.


            Nakita naming nalukot ang mukha ni Alex. Dahilan para magkatawanan kami. Sa aming apat kasi, ito ang pinakapikon. Maliban nalang ‘pag kami lang ang nang-aasar. Na-immune na yata sa amin.


            “O siya, siya, can we please take our seats and eat while we catch up, medyo gutom na rin kasi ako eh. This time, it’s my treat.”, si Jason na nakatawa pa rin.


            Bumalik kami sa table na ipinareserve naming. Magakatabi kami ni Matt habang si Jason at Michell naman ang kaharap namin. Si Alex naman ay sinadyang humiwalay kay Michelle at pumuwesto sa kaliwa ni Jason. Tinawag na ni Matt ang waiter at umorder na kaming lima.


            Isang Steak ala Pobre and inorder ni Jason. US Prime Rib naman ang kay Alex, habang si Michelle ay umorder nalang ng Beef Caldereta dahil namiss niya raw ang lutong pinoy. Si Matt naman ay umorder ng Pork Tenderloins habang ako ay Chop Seuy ang inorder

.
            “Gusto niyo po ba ng dessert along sa mga orders niyo Sir?”, tanong ng waiter na kanina pa nakatitig kay Alex.


            “Uhmm, we’ll call you if we decided what to eat for dessert. Refillable Iced Tea nalang rin para sa drinks. Salamat.”, si Alex.


            “Ok sir, iseserve nalang po namin sir. In the meantime, please enjoy our appetizers na ihahatid in a while.”, sabi nito bago umalis.


            “So what’s new?”, tanong ni Michelle habang kumakain kami.


            Napatingin kaming tatlo kay Matt.


            “What? May hindi ba ako alam dito?”, dagdag na tanong nito.


            “I just broke up with Dianne.”, si Matt. Halata pa rin ang sakit sa ekspresyon nito.


            “Oh, why?”, kaswal nitong tugon.


            “She’s pregnant with another man’s child.”


            Natahimik ito.


            “This really is new.”, si Michelle


            “What?”, si Matt


            “Ikaw. Usually nagkakandarapa ka sa pag-iyak pero ngayon, himala, you’re ok. I mean you’re not ok, but at least, you’re not a mess.”


            Sa puntong iyon ay napatingin ako kay Matt. Nakatingin rin pala ang mokong sa akin. Umiwas ako ng tingin at ibinalik ang atensyon sa pagkain.


            “I have my friends with me. Kaya hindi ko na masyadong naisip ang sitwasyon ko. After all, this is a time to be celebrating. We just graduated at handa nang makipagsapalaran sa mundo. I have no more time for drama.”


            Isang makahulugang tango lang ang itinugon ni Michelle.


            “I see. Congratulations nga pala sa inyong apat. Sa wakas. After four years ng pagsusunog ng kilay, eto na kayo. Let’s drink to that.”, sabi nito kapagkuwan.


            Marami pa kaming napag-usapang lima. Napansin kong ibang – iba na talaga si Michelle. She wasn’t the immature girl I met three years ago. May laman na ang mga sinasabi nito. She thinks before she says anything. Although hindi nawala ang pambabara nito, I can tell that something’s changed.


            Natapos ang gabi na naghiwa-hiwalay kami ng daan. Umuwi kami sa kani-kaniyang bahay upang maghanda para sa susunod na araw.


            A trip to Boracay.


            Iyon ang napag-usapan naming mga mababarkada bago pa man kami gumradweyt.
            Pagdating ko ng bahay ay agad akong nag-empake para sa bakasyon. Nang matapos ay nagpunta na rin ako ng kusina para kumain at medyo nagutom ako pagkatapos ng inuman. Gumawa nalang ako ng sandwich dala na rin ng katamarang magluto pa. Habang kumakain ay iginala ko ang mga mata ko sa paligid.


            Malinis pa rin naman ang bahay na pinaghirapan namin ni Inay. Kumpleto na rin ito ngayon sa gamit. Karamihan, galing sa barkada. I smiled.


            Dumako ang paningin ko sa ref. Nakita ko ang litrato ng nanay. May napakagandang ngiti na nakapaskil sa mga labi nito. It was a picture taken from my graduation. Napakasaya ni nanay nang araw na iyon. Hindi ko napigilan ang mga luha ko at tuluyan nang bumagsak.


            Masakit mawalan ng mahal sa buhay. Lalong-lalo na kung galing sa pamilya mo. Naalala ko nang namatay si inay, halos sisihin ko ang Diyos sa lahat ng nangyaring kamalasan sa buhay ko. Ngunit napagtanto kong siya rin naman ang dahilan sa lahat ng tagumpay na natamo ko. May plano ang Diyos para sa ating lahat, yan ang laging sabi ni nanay.


            Hindi ko na naubos ang sandwich. Pinunasan ko nalang ang mga luha ko at tinungo ang kwarto ko. Hindi rin nagtagal ay nakatulog ako.


Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. It was a call from Jason.



            “H-hello?”


            “Anong hello? Anong oras na Bryan Roy! Male-late na tayo sa flight natin at hindi ka pa bumabangon dyan?!


            “Masyado ka namang excited, ala-tres pa ng hapon ang flight natin. Ang aga-aga eh.”


            “If you hadn’t noticed, it’s already 12 noon.


            “Holy! Sige na maliligo na ako. See you in 30 minutes.”


            Hindi ko akalaing tatanghaliin ako ng gising. Mukhang napasarap ang tulog ko ah. Dala na siguro ng inumin. Dali-dali akong naligo at nagbihis para makarating sa pad ni Jason. Pagdating ko ay nakita kong handa na silang tatlo.


            “Pasensya na kayo, medyo napasarap ang tulog ko eh.”, paghingi ko ng paumanhin.


            “Hindi nga? Hindi halata ha.”, pang-aasar naman ni Andrew na tinawanan naman ni Matt at Jason.


            “Ano pa nga bang aasahan namin sa’yo? Eh lagi namang ikaw ang nahuhuli sa mga lakad natin.”, si Jason. At sabay pang nagtawanan ang tatlo.


            “O, tama na yan, iiyak na yang si Bryan o, napapakamot na ng ulo eh.”, si Matt.


            At talagang dumagdag pa ang isang ‘to. Makikita nyo, makakabawi rin ako.

            

           Walang hassle mula nang dumating kami sa airport hanggang makarating kami sa isla ng Boracay. The rumors were true. The island was indeed breathtaking.


            “Wow, pare, hanep talaga ang Boracay. Ang ganda.”, si Andrew.


            “I agree. Pero ang sabi, mas maganda raw dito noon, nang wala pang masyadong mga establishments.”, si Jason.



            Tahimik lang akong iginala ang paningin ko sa paligid. Nagpahatid kami sa tricycle papuntang resort na pina-book ni Andrew. Maganda ang kwartong napili ni Andrew. It was an African Safari themed room kung saan makikita mo ang dagat mula roon.


            It was really nice. Itwas around 4:30 in the afternoon when we arrived at medyo nakaramdam kami ng gutom kung kaya nagkayayaan kaming kumain na muna sa labas sabay gala na rin sa isla.


            Masaya kaming nagtatawanan sa daanan habang naghahanap ng makakainan. Parang walang mga problema. Kahit na si Matt mismo, masiglang masigla at halatang excited makapag-ikot ikot.


            Nakakita kami ng isang restaurant sa tabi ng dagat at mukhang masarap naman ang mga isine-serve nila kung kaya nagdesisyon kaming doon nalang kumain.


            Nagtatawanan pa rin kami habang nasa lamesa nang may tumama sa ulo ko.


            “Hey, I’m so sorry about that, my fault.”, sabi ng isang tinig na nagmula sa likuran ko.


            Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. I was stunned. He was gorgeous. Maputi, maganda ang hubog ng katawan, he had a nice smile, his eyebrows complimented his brown eyes. He was as breathtaking as the sunset.


            “Are you okay?”, tanong ulit nito.


            “I-I’m sorry?”, nasabi ko na tila wala sa tamang katinuan. Na ikinatawa naman nito. Even his laughed sounded nice. Anghel kaya ito na nagbalat-kayo lang?


            “Uhm, I said, are you okay? Natamaan ka kasi ng volleyball kanina nung nagspike ako.”, sabi nito.
            “Ahh, yeah, I’m okay.”, sabi ko na tila nahiya.


            “Good to hear that.”, sabi nito saka ngumiti, “I better get going,if you wanna join us for a friendly game, don’t hesitate to come okay? I’m Seth by the way.”


            Nilahad nito ang palad na tinanggap ko rin naman,


            Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko nang tanggapin ko ang kamay niya. It was as if every nerve in my body was alive. And then it hit me like the volleyball in my head.


            “I’m actually attracted to this person?!



Itutuloy.