Tuesday, March 26, 2013

I Am Very Sexy.

I answered an online quiz called Are you sexy? At eto ang kanyang sinagot sa akin. Hahahaha!


   









































































































Nakuha ko to sa blog ni Sir Aris.



Damn! You are one hot number. You have a lot of sex appeal.
You know you're sexy, and you're not afraid to put it all out there.

 
And while you're very appealing, you're careful not to be trashy or over the top.
Sexy is all about attitude. And you totally have the attitude that people love.

 
How You Are Sexy

 
You are flirtatious and fun with most people. You know how to keep things light, friendly, and sexy.

You wear sexy underwear, and that's definitely hot. Feeling sexy is important to being sexy, even if no one knows what's underneath your clothes.

You are open to all sorts of experiences, and you have a taste for the exotic. Your adventurous spirit is very sexy.

Your modern look is sexy. You don't give people too much of the same old thing. You like to change it up.





Note: After all, nasa isip naman kasi ang pagiging sexy. :) Ikaw sexy ka ba?

Sunday, March 24, 2013

It Is Now An Entry.

Note: Sobrang busy kaya madalang ang posting. Sorry po, :)
Sa mga gustong bumili ng MSOB Book Anthology, maari nyo po akong kontakin. :)



* * *






Dec 24.2012. Umaga

A:Tuloy ka bang umuwi ng (insert place here) ngayon?

Walang reply.

A: Natuloy ka ba makalabas ngayon?

Walang reply.

Dec 25, 2012, 1a.m.

A:Merry Christmas! Natuloy ba uwi mo?

B:Oo.

A: Nasaan ka?

B: Pampanga.

A: Anong ginagawa mo dyan? Sinong kasama mo? Akala ko ba magkikita tayo ng 24 at di ka mag-nonoche buena sa bahay?

B:Inaya ako ng (insert position here) ko, dito na ako magpapalipas ng gabi.

A: I see. Enjoy and Merry Christmas.

Wala ng reply.

Umiyak nalang si A, dahil si B ay may kasamang iba sa Noche Buena. Okay lang naman daw kay A yun, kaso ilang buwan na silang hindi nagkikita ni B. Nagpromise si B, na magkikita sila pag nakalabas sya sa (insert institution here) at sa bahay nila A sya magpapaabot ng pasko dahil malayo ang byahe nito patungo sa (insert place here). It was cold and it was Christmas.


Dec 25, 2012, 1.PM.

A:Nakauwi ka na ba? Nakaalis ka na sa Pampanga?

B:Paalis na. Kakain lang ng lunch.

Hindi na mapigil ni A ang kanyang sarili.

A:Akala ko ba magkikita tayo kapag nakalabas ka? Parang nakakapanibago naman. Dati, kapag uuwi ka at babalik ay nagkikita tayo. May problema ba?

Walang reply.

A: Anong problema? Bakit ganito? Nakakapanibago?

B: Nakakapanibago ang alin?

A:Mas pinili mong matulog sa ibang bahay kaysa sa amin.

B:Magulo lang isip ko. Gusto ko lang ng panahon at espasyo. Ayaw ko lang na mabunton ko sayo ang toyo ko.

A: I see.

Pasko. Umiiyak si A. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman. May kutob na sya pero nilalabanan nya ito. Mula Oktubre pa lang ay ramdam nya na, mayroong kakaiba sa kilos at pakikitungo ni B sa kanya.




Dec 28, 2012.

A:Kamusta ka na? Hindi ka man lang nagtetext.

B:Nasa ospital ako. Hinimatay ako kanina.

A:What happened?

B: (insert kwento here)

A:Bakit hindi ka pa magpa-(insert treatment here)?

B: Wala pa akong pera. 

A: Magpahinga ka. Itext mo ko kapag nakalabas ka na. Pagaling ka ha? I'm worried. I love you.

Walang reply.

Inisip ni A kung gaano ba kahalaga ang pagsasabi at masabihan ng mga salitang I Love You. Matagal na nya itong hindi naririnig mula kay B.


Dec 30, 2012.

A:Nakapagpa-(insert treatment here) ka na ba?

B:Hindi na po. Baka sa (insert institution here) nalang.

A:Ha? Bakit doon?

B:Para free.

A:Okay.


Walang reply.

Dec 30, 2012, 5pm.

A: Wala kang text ha? Okay ka na ba? Kamusta na pakiramdam mo?

B: Oh, ayan, text! Masaya ka na ba?

Umiyak nalang si A.

A: May problema ba?

B:Wala.

A:Makikipagkita ba tayo pagbalik mo sa January?

B:Baka hindi, kasi gusto ni mama na ihatid ako. Sya ang magdrive. So baka hindi tayo makapagkita.

A cried again.

A: (Insert endearment here), nakakapanibago ka. Sobrang nakakapanibago.

B: Bakit na naman?

A:Wa-wala.

B: Natatakot lang ako. Marami akong problema. Naospital ako. Baka mamatay nalang ako. Ang dami kong problema sa trabaho. Sa pera. Basta magulo utak ko.

A:Medyo kasi masakit na.

B:Masakit?

A:Nararamdaman kong binabalewala mo na ako. Dati hindi ka ganyan. Sobrang dalang mo ng magtext. Iniintindi ko dahil alam kong busy ka at ayaw mo ng text ako ng text. Naiinis ka kapag nangungulit at naglalambing ako. Hindi ka ganyan dati, Kapag uuwi ka, lagi kang nageeffort na sunduin ako at kitain bago ka bumalik. Ngayon, wala, You broke your promise at sa iba ka nagnoche buena. The simplest things, B. The simplest things. They are not too much to ask.

B:Sorry kung nasaktan kita.

A sighed.

A:Ano ba talagang problema? Maappreciate ko kung dederetsuhin mo nalang ako.

B:Natatakot ako na mangyari ulit sayo yung nangyari sayo dati.

Alam ni B na namatayan na noon si A ng bf.

A:Bakit? Mamamatay ka ba? Anong sabi ng doctor?

B:Let's not talk about it.

A:Ano nga? I need to know. Why won't you let me know? Why?

Nangulit pa ng husto si A dahil gusto nyang malaman ang tunay na kalagayan ni B. Wala syang ibang narinig kay B kundi Let's not talk about it. Hindi sinabi ni B sa kanya kung ano ba talaga ang nangyayari.

Nang biglang...

B:Sorry kung nasaktan kita. Mas mabuti nalang siguro na kalimutan mo nalang ako. Ayaw kong maranasan mo ulit yung mga dinanas mo dati.

A:What do you mean?

B:Iwanan mo nalang ako. Masasaktan ka kapag nawala ako.

Nagisip si A kung may sakit ba talaga si B.

A:Derechahin mo ko.

B:I want you to leave me. Ayaw kong maulit ulit yung grief na naramdaman mo dati. Ayaw kong mas masaktan ka.

A:Are you breaking up with me?

B: Yes.

A: Okay.

B: Sorry.

A:For the last time, tell me the truth. May iba ka ba kaya ka nakikipaghiwalay?

B:Wala po.

A: Okay.

B: Sorry.


Hindi alam ni A kung bakit hindi na sya naiyak nang mga oras na yon. Nakaramdam sya ng gaan dahil alam nyang paparating na ang araw na to. Ilang buwan na rin nyang iniisip kung ano ba ang nangyayari sa kanila ni B. He felt like they were falling apart.

At syempre, hindi naniwala si A sa story ni B na may sakit sya.

Ilang linggo ang makalipas, nakita ni A na may post si B sa (insert social network here) tungkol sa kanyang bagong someone. Ngumiti nalang si A.