Previous
Chapters:
A/N: Sorry sa medyo matagal na update :P Tao lang din po kami
nakakaranas ng kalungkutan at nasasaktan. Syempre hindi ako magsusulat kapag
nandoon ako sa part na yun kasi for sure malaki ang magiging epekto nun sa
storya baka mapatay ko pa si Andrei oh si Chard.
Sino ba gusto ng
sad ending? Wala naman hindi ba? kahit ako.
Masakit pala
magmahal no? sobrang sakit pero dahil mahal mo yung taong yun mas pinipili mong
magpakatanga.
Ang distansya
numero lang yan sabi ng isa kong kaibigan.
Pero ayun ang
naging dahilan . . . at sa tingin ko hindi ako mahal ng taong yun . . . pero he
keeps on saying na mas mahal niya ako . . . bakit ganun? Dahil sa distanya mas
pinili niya yung isa. OK ang ganda ng mind set. But I don’t blame him hindi
niya lang ako mahal siguro.
Pero sobrang
sakit. Minahal ko siya ng higit sa sarili ko. Pero on the end eto nga nga. Ngayon po ay
iniisip ko kung magagawa ko pa ang CH@TMATE kasi po parang napaka-sakit para sa
akin balikan ang tatlong buwan na yon since doon ko siya ibabatay.
At dahil alam
kong hindi madali ang pinagdadaanan ko sinikap kong hindi mabago ang roadmap ng
Final Requirement.
Hais ang hirap
:( siya? ayun masaya. . . masayang masaya siya.
Goodbye #SG hindi ko alam kung maibabalik ko pa yung dati nating samahan. Time will
tell. Sakit po kasi ng ginawa mo.
Hindi ako
galit sayo I just need time for myself masyado kasi ako umikot sayo.
Kamusta Readers?
Next time ako babawi sa pagmemention ah maraming salamat po.
Hi K-Feds :)
Sa mga naging kaibigan ko maraming
salamat :)
- g!o Yu - :(
You can also give your comments/Suggestions/Reactions
but please avoid using bad/harsh words.
Sa mga gustong mag-add sa akin type Gio
Yu at kapag nakakita kayo ng gwapo ako yun :P kapal lang ng muka ko.
Ito po ang unang story na ginawa ko sana
magustuhan nyo :)
Final Requirement 20
A n d r e i --- >>>
BEEEEEEEEP!!!!
Bad
trip yung dumaan na truck ng basura kung makabusina akala mo naman hindi
ibibigay yung basura eh, teka 5:30 pa lang naman ah, bakit parang ang aga naman
ng pagkuha ng mga yun.
Sira
tuloy ang tulog ko.
Mabuti
pa itong katabi ko hindi madaling magising. Eto ang sarap sarap ng tulog,
nakayakap pa sa akin, at hindi lang basta yakap ah may kasama pang pag-kalang
ng paa niya sa hita ko. Ramdam ko tuloy yung alaga niya tss.
Kawawa
naman ang Babe ko ang daming pasa sa katawan maging sa muka may bangas. Ang
kapal tuloy ng labi niya ka level ni Flappy bird nyahahaha ang sama lang ng
ugali ko pero gwapo pa rin oh . . . sarap kurutin!
Hindi
din ako makatayo kasi naman kapag sinusubukan kong bumangon pinipigilan niya.
“Wag
ka nang pumalag Babe, hinding hindi kita pakakawalan, ang aga pa kaya oh” <
--- Chard
*Kiss
“Ang baho” < --- Ako
“Ahaha
loko ka ah mmmmp sarap talaga yakapin ng Babe ko” < --- Chard
“Babe,
naiihi ako kaya pwede umihi muna?” < --- Ako
“Ah
ok hindi mo naman kasi sinabi hehehe oh ayan na” < --- Chard
“Ewan
ko sayo hahaha”
“I
love you too” < --- Chard
Pasok
sa banyo.
Ihi.
Kung
bad mood man ang gising ko kanina, nawala agad yun dahil kay Chard, pero ang
baho talaga nung panis na laway niya hahaha pero ok lang mahal ko naman yun.
Sabi nga nila walang perpektong tao kaya kung anuman ang kapintasan ng taong
mahal mo kasama yun sa dapat mong mahalin.
Mahal
mo ang isang tao dahil siya ay siya.
Labas
ng banyo.
“Ok
higa na ulit tayo” < --- si Chard niyakap ako pagkalabas sa banyo at dinala
sa kama.
“Aaaaargh,
bakit ayaw pa kasing bumangon nito eh teka may kukuhanin lang ako”
“Anu yan?” < --- Chard
“Humiga
ka na Babe, gagamutin natin yang bangas mo sa muka tingnan mo kamuka mo na si
Flappy Bird” < --- Ako
“Wag
na Babe, ayos lang ako higa na lang tayo gusto pa kitang yakapin eh” < ---
Chard
“Oo
sige, pagkatapos kitang gamutin” < --- Ako
“Ayoko”
< --- Chard
“Ayaw
mo?” < --- Ako
“Ayaw”
< --- Chard
“Ok
bahala ka diyan” < --- Ako
“Haist
sige na nga, wala naman akong magagawa eh magtatampo ka nanaman kapag hindi mo
nagawa yang gusto mo ” < --- Chard
“Hehehe
alam din” < --- Ako
“Aaaaray!”
< --- Chard
“Utot
mo hindi pa nadampi yung bulak arte mo” < --- Ako
“Ah
eh masakit kaya” < --- Chard
“Naarte
ka lang eh, oh eto na po” < --- Ako
“Aaaaaaray
ko, Babe dahan dahan naman” < --- Chard
“Alisin
mo yang kamay mo paano yan gagaling?” < --- Ako
“Masakit
kaya, itigil mo na yan pleeaaassse” < --- Chard
“Ayoko”
< --- Ako
“Aaaaray!
Itigil mo na Baaaabe Aaaaaray!” < --- Chard
“Hindi,
dahil sa akin kaya ka nabangasan kaya please naman kahit dito lang makabawi ako
sayo, kaya wag ka nang pasaway” < --- Ako
“Hmmmm
Babe hindi kita sinisisi sa nangyari sa akin kaya please wag mong isisi sa
sarili mo kasi alam ko may kasalanan din ako dito” < --- Chard
“Eh
kahit na ako yung dahilan kung bakit may lumabas na copy eh” < --- Ako
“Hindi
mo kasalanan yun, sadyang may malikot lang ang kamay at masyadong curious kaya
hindi napigilang makialam” < --- Chard
“Salamat
Babe, teka tapusin na natin ang paglalagay ng gamot, tiisin mo lang ang sakit
ah” < --- Ako
“Opo”
< --- Chard
. . .
“Ayan
ayos na” < --- Ako
“Salamat
Babe, tara higa na ulit tayo” < --- Chard
“6
na oh, madami pa tayong gagawin, revisions at yung babawiin pa natin yung video
natin” < --- Ako
“Mamaya
pa naman yan eh, ikaw pasaway ka din eh, halika dito” < --- Chard sabay hila
sa akin sa kamay at ginapos ako sa kanyang mga bisig at ikinalang ang hita niya
sa hita ko.
“Bakit
ba ang sweet mo ngayon? Natatakot ako” < --- Ako
“huh?
Bakit naman?”
“Kasi
kahapon nanaginip ako, kumalat daw yung video natin, tinakwil tayo ng sarili
nating pamilya tapos ikaw naman nakipaghiwalay ka daw sa akin, ayokong mangyari
yun h-hindi ko kaya sanay na ako na lagi kang na diyan sa tabi ko para palakasin
ang loob ko, ikaw lang kasi yung nagpapasaya sa akin, oo masaya ako kasi may
kaibigan ako pero ibang saya ang dala ng taong mahal mo” < --- Ako
“Hehehe”
< --- Chard
“Ayan
lang sasabihin mo?” < --- Ako, nakakainis ah ang dami ko sinabi tapos yun
lang ang sagot.
“Sus
eh kung itatakwil tayo ng pamilya natin bakit naman kita hihiwalayan? Kung
mangyari man yun gagawa na tayo ng sarili nating pamilya. Ikaw ang maghahanda
ng mga damit ko kapag papasok na ako sa trabaho then I’ll cook our breakfast
then ikaw yung magtatali ng tie ko, tapos pag-uwi ko imamassage mo ang pagod
kong katawan” < --- Chard
“Ah
yaya pala ang gusto mo” < --- Ako
“Eto
naman that’s what couples do” < --- Chard
“Gagew,
dami mong alam pero Babe hindi natin papayagan lumabas yung video, babawiin
natin yun kay Jake sa abot ng ating makakaya” < --- Ako
“Oo
naman Babe, basta kung hindi man natin mabawi yan sa paraang gusto mo, gagawin
ko sa paraang alam ko” < --- Chard
“Huh?
Anu naman ang plano mo Babe?” < --- Ako
“Kukuhanin
ko yun by force” < --- Chard
“Adik
ka? Eh kung mapahamak ka dahil sa binabalak mo?” < --- Ako
“Uuuuuy
concern ang sarap naman pa kiss nga sa Babe ko” < --- Chard
“Concern
naman talaga ako eh kaya nga wag mong ituloy yang binabalak mo kasi hindi
maganda ang kahihinatnan kung kukuhanin din ang isang bagay sa maling paraan”
< --- Ako
“Tell
me Babe if network hacking is a GOOD way” < --- Chard
“Atleast
sa akin walang masasaktan na tao eh sayo?” < --- Ako
“Ok
Babe, basta kapag hindi nagwork yang plano mo ako na ang gagawa ng hakbang ok?”
< --- Chard
. . .
Bumangon
na din kami at naligo, kumain ng agahan at pumunta sa school kasama sila Jet,
Nik at Ronie. Kabado ako sa maaring
mangyayari makukuha kaya namin? Sana naman, ayoko kumalat ang video na yun.
Ayaw
man sabihin sa akin ni Chard ay ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng
ito, kung hindi ko nilagay sa USB ang file na yon hindi namin dadanasin ang
paghihirap na to.
Hindi
sana ako mapupunta sa resthouse ni Jake at hindi sana mabubugbog si Babe at ang
mga kaibigan niya.
“Ang
lalim naman ng iniisip oh” < --- Chard
“Huh?
W-wala” < --- Ako
“Tumingin
ka sa mga mata ko” < --- Chard
Ay
grabe natutunaw ako sa mga tingin niya, ang gwapo talaga ni Babe. Napapangiti
ako eh para akong ewan, pero siya seryosong nakatingin sa akin.
“Hmmm
Babe, kung anu man yang iniisip mo hindi mo kasalanan ok? I’m not blaming you”
< --- Chard
“Pero
ako yung dahilan para magkaroon ng copy si Sir Jake” < --- Ako
“Pinag-usapan
na natin to Babe ah, hindi kita sinisisi at never po kitang sisisihin ok? Smile
kana gusto ko makita yung mga matang puno ng buhay, yung mga matang naging
dahilan kung bakit kita minahal” < --- Chard
“Thank
you Babe” < --- Ako
*Kiss
“Sweet naman” < --- Jet
. . .
Pagdating sa School.
Ako
at Jet: The virus maker
Chard,
Nik at Ronie: The Hackers
Dala
ang mga Laptop at ang aming kaalaman sa larangan ng teknolohiya laban sa mga taong
nagbigay sa amin ng ideya tungkol sa teknolohiya. Kaya ba namin?
Magtagumpay
kaya kami na hamak na estudyante lang kumpara sa makakabangga naming mga
Professors na may masters degree?
Sabi
nga nila no pain no gain kaya kung hindi kami magtagumpay mukang ay gagawin ni
Babe ang plano niya.
Nabalitaan
ko na may general meeting ang mga professors ngayon, medyo nakahinga kami ng
maayos. Isa lang ang natira sa office, ang taong taga secure ng network.
Ibag
sabihin nasa amin ang advantage dahil walang tutulong sa Net admin sa
pagprotekta ng network, hindi niya pwedeng pakialaman ang mga laptop ng mga
professors.
Magandang
senyales sa amin ito, pakiramdam ko ay kakampi namin ang langit.
"Start
na tayo Guys" < --- Chard
“Ah
maraming salamat Ronie, Nik, Jet. Alam ko wala naman kayong kinalaman dito eh
pero ngayon nandito kayo kasama namin ni Babe sa pagbawi ng video namin ni
Chard, tatanawin ko itong malaking utang na loob” < --- Ako
“Wala
yun Par, kaibigan kita at pinsan ko si Chard kaya maluwag sa loob ko ang
pagtulong” < --- Jet
“Pards
no problem hindi na kayo iba ni Chard sa akin” < --- Nik
“Salamat
talaga” < --- Ako
“Basta
guys kung anung mangyari after nito walang sisihan” < --- Chard
"Tara
par gawa na tayo ng Virus" < --- Jet
Sinimulan
na nga nila ang pagpasok sa network kung nasaan naka-connect ang laptop ng mga
Professors na binabantayan ng isang network admin.
Kami
ni Jet ang gumagawa ng Virus na papasabugin namin sa Laptop ni Sir Jake once na
ma-trace na ang location ng laptop niya.
Naghanap
kami sa isang bakanteng classroom malapit sa faculty upang doon isagawa ang aming
plano.
"Par
anung code yan?" < --- Ako
"Malalaman
mo mamaya par" < --- Jet
“Siguraduhin
mo na nagana yan lagot ka sa akin” < --- Ako
“Sus
Par, ngayon ka pa talaga nagduda sa akin ah” < --- Jet
. . .
"Shit!
Ang galing talaga! Hindi kami makalagpas buset!" < --- Nik
"Oo
nga eh tss" < --- Ronie
"Guys
wag tayo susuko" < --- Chard
"Par
kaw na bahala dyan may gagawin ako" < --- Ako
“huh?
Sige Par” < --- Jet
Sa
pagkakaalam ko kung software ang gagamitin nila para maka-access sa network ay
wala silang pag-asa kaya may naisip akong plano na maaring makatulong sa kanila
para makapasok.
"Babe,
Nik at Ronie kapag sinabi kong pasok kayo sa network pasok agad kayo ah"
< --- Ako
"Bakit
babe anung balak mo" < --- Chard
"Gagawa
ako ng code na pansamantalang mawawala ang firewall ng network pero saglit lang
yun kaya standby kayo" < --- Ako
Sinimulan
ko gumawa ng code gamit ang Assembly language, ito ang pinakakumplikadong code
sa computer, mahirap itong gawin pero ito ang pinakamagandang code na gamitin
sa pang hahack ng kahit anung system.
“Assembly?”
< --- Chard
“Yep”
< --- Ako
“Mahirap
yan ah” < --- Ronie
“Wala
kailangan nating sabukan, mas madali kayong makakadaan kapag ito ang ginamit
natin eh” < --- Ako
“Talino
ng Babe ko bagay talaga tayo” < --- Chard
“naman,
hindi lang ikaw ang matalano” < --- Ako
“Sige
Andrei hintay kami ng signal mo” < --- Ronie
"Ngayon
na!" < --- Ako
.
.
.
"Yeees!"
< --- Chard, Nik at Ronie
"Galing
mo babe!" < --- Chard
"Naman!"
< --- Ako
"Ipplant
vs Zombies kita mamaya" < --- Chard
"Gagew!
Dami mong alam" < --- Ako
"Laswa
nyung dalawa" < --- Ronie
"Hindi
pa tapos problema natin, hanapin niyo ang location ng Laptop ni sir para
malagyan ng Virus" < --- Ako
"Kami
gagawa ng daan para makapasok si Jet, hahanapin muna namin location ng Laptop
ni Jake" < --- Chard
"Par
anu yung eksaktong pangalan nung video niyo may binabalak ako" < ---
Jet
"RA.Mp4
teka naman Par may oras ka pang manood ng Barney?!" < --- Ako
"Malalaman
mo mamaya par" < --- Jet
30
minutos na ang nakakalipas nang simulan namin ang plano ko at eto mukang nasa
amin ang tagumpay.
Sana
walang maging balakid.
"Insan
itransfer muna" < --- Chard
Process . . .
Transferring . . .
Importing . . .
Progress 0%
“Waaah
ang bagal” < --- Chard
“Ay
nalintikan na nadetect na tayo” < --- Nik
“Ako
na bahala”
Progress 20%
“Yan
Babe nagpro-progress na ulit” < --- Chard
“Guguluhin
namin yung network admin tara Ronie” < --- Nik
“Aaargh!
Ang galing niya, teka teka” < --- Ako
“Kaya
mo yan Babe” < --- Chard
. . .
Progress 79%
“Konti
na lang guys” < --- Ronie
“Nakakangalay
mag-type aargh” < --- Ako
Progress: 98%
Complete!
"Yes!"
< --- Kaming lahat
"Sana
gumana yung virus" < --- Chard
"Naman
Insan" < --- Jet
"Nadisable
ko na yung antivirus niya for good" < --- Ronie
“Good
job! Sana umayon lahat sa atin” < --- Ako
“Oo
Babe magtiwala tayo sa itaas, hindi nagtatagumpay ang taong may masamang balak”
< --- Chard
“Sana
nga” < --- Ako
“Guys
pack up dali kailangan itago yung mga ginamit nating laptop para hindi tayo
paghinalaan” < --- Jet
"Tara
tumambay tayo sa Lobby" < --- Ako
Paglabas
namin ng room ay tumambay kami sa Lobby upang hindi kami paghinalaan na kami
yung gumawa ng loop hole sa network nila. Mahirap na baka madamay pa sila
Ronie, Nik at Jet sa problema na nagmula sa amin.
"Ano
yung ipplant vs Zombies?" < --- Nik
Tawa
kami ng tawa lahat, napaka inosente nitong si Nik haha. Sa mga magkakatropa
talaga hindi maiiwasan na may isang may pagka-slow.
“Wala
yun Pards wag mo nang isipin yun” < --- Chard
“Ganyan
kayo” < --- Nik
“Nik
ayun yung nilalaro sa cellphone na tinitira nung plants yung zombies” < ---
Ronie
“Alam
ko naman yun! Eh nagtaka lang naman ako kung bakit sinabi ni Chard kay
Andrei
yun” < --- Nik
“Wahahaha!”
. . .
Natapos
ang meeting ng mga professors, isa isang lumabas sa conference room kasama si
Sir Jake. Mukang good vibes siya ngayon at halata sa mga kilos niya na may
kakaiba siyang binabalak.
Lumapit
siya sa amin.
"Aah
Mr de Dios halika saglit may ipapakita ako sayo and I want you to review that"
< --- Sir Jake
“Ah
eh sige po sir susunod po ako”
“Babe
mag-iingat ka ah, nandito lang ako sa labas” < --- Chard
“Par
wag kang pasisindak magtiwala ka sa ginawa natin, maayos din ang lahat” <
--- Jet
“Pards
ok na, mapapahiya siya sayo” < --- Nik
“Salamat
sa inyo pangako babawi ako”
J a k e --- >>>
Katatapos
lang ng General meeting namin, at kanina pa ako hindi mapakali kasi gusto ko
nang lumabas sa conference room. Gusto ko na isasagawa ang plano ko para kay
Andrei. Desperado na ako and I want him for myself.
Habang
kausap ko si Andrei ay masama ang tingin sa akin ng Boyfriend niya.
Nauna
na ako sa office para makapag-isip kung anu-ano ang mga sasabihin ko mamaya kay
Andrei.
That’s
strange bakit ang bagal ng laptop ko ngayon?
“Sir?”
< --- Andrei
"Maupo
ka muna" < --- Ako
"Thank
you sir, ano po ba yung ipapakita niyo for reviewing?" < --- Andrei
“Ah
I want you to write a review to this movie teka saglit saan ko ba nailagay yun”
< --- Ako
“Ah
s-sige po sir kalian ko po ipapasa yung review?” < --- Andrei
“Actually
you can pass it by tomorrow” < --- Ako
“Ok
po sir so nasaan na po yung video?” < --- Andrei
"Eto"
< --- Ako sabay talikod ng Laptop ko para makita niya
Kumunot
ang noo ni Andrei basang basa ko sa kanyang mga mata ang pagtataka. Siguro
iniisip niya kung paano ko nakuha ang pribado nilang video ni Mr. Alvarez.
"Sir?
Anung meron kay Barney?" < --- Andrei
“Barney?”
Barney?!
Anung Barney?
Hinarap
ko ang Laptop ko sa akin at bumulaga nga sa akin si Barney.
"Kaw
sir ha nanunuod pala kayo ng Barney, Favorite nyo?" < --- Andrei
"W-wait
hi-hindi ito yun saglet tingnan ko sa Flash drive ko" < --- Ako
Shit!
Bakit naging Barney yun?! Ang alam ko ay Video yun ni Andrei at Richard.
Isinalpak
ko ang USB ko at binuksan ang back up ko ng video nila Andrei.
"Eto
na yon teka" < --- Ako
"Anu
po ba yon sir? Hindi po ba si Barney yung ipapakita niyo?" < --- Andrei
“Hindi
wala naman akong mapapala kay Barney” < --- Ako
“Ok
po sir” < --- Andrei
"Eto"
< --- Ako at muli kong hinarap sa kanya ang laptop ko.
Kitang
kita ko ang butil ng pawis na tumutulo sa kanyang ulo. Halata na nabigla siya
sa nakita.
I
was about to tell my plan para sa aming dalawa pero . . .
"Wow
astig to Sir Barney in Jurassic Park!" < --- Andrei
WTF?!
Barney?! Kinakantahan yung mga Dinosaur sa Jurassic Park.
Shit!
I tama ang kutob ko someone just uploaded a virus in my Laptop.
"Shit
bakit nagshutdown" < --- Ako
"Baka
lowbat po sir? Kakadownload ng Barney Videos hehehe" < --- Andrei
"Hell
no Kahit kailan hindi ko pag-aaksayahan ng panahon o-download yun" <
--- Ako
"Ah
sir! Download kayo ng The Avengers baka si Barney na kalaban astig nun!"
< --- Andrei
“Very
funny” < --- Ako
“Ah
sige po sir labas na po ako, bawal po kasi magtagal ang student sa loob ng
faculty eh at ipapaso ko bukas yung review ko” < --- Andrei
Hindi
ko mapapatawad ang naglagay ng virus sa laptop ko I swear I’ll make them pay. My
plan was ruined and the video that I was going to show to Andrei all turned
into Barneys at ngayon ayaw bumakas ng laptop ko.
AAAARRRRGH!
My plan was such a failure!
“Ah
sir may gumawa po ng loop hole sa network and it seems tinarget ang laptop
niyo” < --- Net Admin
“Well,
oo eto sira na siya, need to buy a new hard drive para gumana ulit” < ---
Ako
“Do
you have any idea sir kung sino ang gagawa nito sa inyo para po mapasusahan sa
ginawa nila, I believe na students ang mga to” < --- Net Admin
“May
hinala ako pero sa akin na lang muna yun, ako na din ang bahalang
mag-imbestiga” < --- Ako
“Sige
po” < --- Net Admin
R i c h a r d --- >>>
Bakit
ang tagal ni babe sa loob hindi ako mapalagay dito sa labas.
“Anu
ba pards umupo ka nga!” < --- Nik
"Hindi
ako mapanatag eh. Bakit ba ang tagal ni Andrei sa loob? Ayos ba yung ginawa mo insan?" < ---
Ako
"Oo
naman insan kalma ka lang sinigurado ko na gagana yun" < --- Jet
“Eh
bakit ang tagal tagal niya doon?” < --- Ako
“Kalma
pards 5 minutes pa lang sa loob eh” < --- Nik
“Oh
ayan na pala si Andrei” < --- Ronie
“Babe?”
< --- Ako
Palapit
sa amin si Andrei, nakayuko nakatakip ang kanyang panyo sa bibig.
I
don’t like what I’m seeing right now.
Is
there something wrong sa ginawa namin?
“Babe?”
< --- Ako
Niyakap
niya ako.
Isang
nakapa-higpit na yakap.
Unti-unting
nanginig ang katawan niya.
"Hahaha!
Hahaha! Hahaha!" < --- Andrei
“God
Babe! Pinakaba mo naman ako eh” < --- Ako
“Hahaha
kaw kasi masyadong seryoso” < --- Andrei
“Adik
ka talaga eh” < --- Ako
“Oo
adik sayo Babe” < --- Andrei
“Hahaha
I know” < --- Ako
“Hahaha!”
< --- Andrei
I
feel such relief, ang lakas lang talaga ng trip nitong si Babe kahit kalian,
and he always win convincing kasi lagi ang acting eh. Kinuwento nga sa amin ni
Andrei ang nangyari, na naging Barney ang video namin ni babe, na maging yung
back up nito ay naging Barney, ang baklang dinosaur.
“Hahaha
kung Makita nyo lang kung paano siya mairita nung makita niya na naging barney
yung palabas na gusto niya ipakita sa akin, ang epic epic” < --- Andrei
“Sayang
wala kami doon, gusto ko pa naman makita yung reaction nun” < --- Ronie
"Hahaha!
Sabi ko nga download siya ng Avengers baka si Barney na ang kalaban
hahaha!" < --- Andrei
"Nice
Insan! The best yung Barney Virus na ginawa mo" < --- Ako
"Syempre
pinsan hindi ko kayo hahayaan mapahamak ni Par" < --- Jet
“Hahaha!”
< --- Andrei
"Babe
tumigil ka kakatawa palabas si sir" < ---Ako
Kitang
kita ko ang pagkadismaya sa muka ni sir Jake, nakatingin siya sa amin ni Babe
pero bigla din itong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy lumabas ng building at
sumakay sa kotse niya.
“Bad
vibes ah” < --- Ako
“Well
kasi hindi gumana yung plano niya laban sa akin, sana wag niyang ipagpilitan
ang bagay na malabong mangyari” < --- Andrei
“Pero
professional na siya at hindi dapat siya gumagawa ng ikakasira ng pangalan
niya” < --- Ronie
"Teka
bibili lang ako ng inumin sakit ng tyan ko kakatawa saglit dyan lang kayo"
< --- Andrei
“Bumalik
ka agad Babe ah” < --- Ako
“Oo
naman, bibili lang eh eto naman masyadong protective” < --- Andrei
“Prone
ka kasi sa disgrasya these days Babe” < --- Ako
“Gagew”
< --- Andrei
“I
love you too” < --- Ako
“Lakas
niyong dalawa eh” < --- Ronie
"Ayan
solve na ang problema niyo pards" < --- Nik
"Haha
oo nga eh, sana tumigil na si sir Jake" < --- Ako
"Paano
kung hindi?" < --- Jet
"Hindi
ko alam insan, ipapaglaban ko ng patayan si Andrei" < --- Ako
“Ngayon
na wala na siyang panakot sa inyo, for sure gagawa yan ng ibang paraan para
mapasa kanya si Andrei” < --- Ronie
“At
hindi ko papayagan yun” < --- Ako
. . .
"Bakit
parang ang tagal ni Andrei? Nasaan na yon?" < --- Nik
Halos
15 minuto na ang nakalipas nang nagpaalam si Andrei sa amin. Bakit bigla akong
kinabahan? Parang may hindi magandang mangyayari. Sana hindi tama itong
nararamdaman ko.
At
bakit nga ba hindi ko na lang siya sinamahan bumili ng inumin.
“Tara
sundan na nga natin” < --- Ako
Pumunta
kami sa likod ng school upang tingnan kung nandoon pa si Andrei, dito kasi lagi
yun nabili ng inumin.
“Bumili
po ba sito si Andrei?” < --- Ako
“Ah
oo pero kanina pagkatapos niyang bumili ng inumin may biglang bumusina sa kanya
tapos hindi ko na alam kung anung nangyari kasi pumasok muna ako at may inayos
sa loob” < --- Tindera
"I
track mo ulet si Andrei insan" < --- Jet
Muli
gamit ang aking cellphone ay sinubukan kong i-track si Babe.
Finding
. . .
Locating
. . .
"Shit!
B-bakit siya papunta ng Los Baños?!" < --- Ako
"Tawagan
mo" < --- Jet
"Hindi
sumasagot eh" < --- Ako
"Tara!
Sundan na lang natin" < --- Ronie
“Pards
hindi kaya si Sir Jake nanaman ang may pakana nito?” < --- Nik
Badtrip!
Mukang si sir Jake nanaman ang tumangay kay Andrei tss. Nawawala na talaga
respeto ko dyan sa Professor na yan hindi ko na
alam kung anung magagawa ko sa gagong yun.
Pinaharurot
ko ang sasakyan papuntang Los Baños kahit medyo mabilis ang aking pagmamaneho
ay nanatili akong kalmado upang hindi kami mapahamak.
J a k e --- >>>
Nakakainis
hindi ko napaghandaan ang panghahack nila, upang masira ang hawak kong alas
laban kay Andrei. Aaaargh! Kailangan ko na umalis dito baka kung kanino ko pa
maibuntong ang galit ko. Pagkalabas ko ay nakita ko si Andrei na yumakap kay
Chard, nakakainggit, gusto ako ang yinayakap ni Andrei ako lang at wala nang
iba. Lumabas na ako at sumakay sa kotse ko, desperado na ako kailangan ko
makuha si Andrei sa kahit anung paraan.
Nakita
ko na lumabas si Andrei mukang bibili ng maiinom, sinundan ko siya ito na ang
aking pagkakataon ang huli kong pagkakataon.
Inisprayan
ko ng pampatulog ang kabilang upuan.
Papaupuin
ko siya dito at kapag nakatulog na siya ay dadalin ko siya sa amin.
Binusinahan
ko siya.
BEEP!
"Sir
Jake? Bakit po?" < --- Andrei
"Pwede
ba tayo mag-usap?" < --- Ako
"Ah
sige ho sir walang problema" < --- Andrei
"Pasok
ka dito" < --- Ako
Pumasok
si Andrei at umupo sa tabi ng driver’s seat.
Huli
ka.
"Andrei
ako nalang ang mahalin mo please, I-i'll give you anything, anything you want
please? Ako nalang" < --- Ako
"Sir
Jake, ang pagmamahal hindi yan naipapamigay, hindi din yan naipapasa, ang puso
natin ang nagpapasya kung sino ang mamahalin natin maswerte kung ayun din ang
tinitibok ng puso ng taong mahal mo" < --- Andrei
"Alam
ko Andrei may nararamdaman ka sa akin I-i can feel it nung nasa Mall tayo"
< --- Ako
"Mali
ka Jake, ganun ako sa lahat ng tao, kahit itanung mo pa sa mga kaibigan ko,
sorry if namiss interpret mo ang mga actions ko ganun ako eh" < ---
Andrei
"Please
Andrei ako na lang" < --- Ako
"Makinig
ka, Jake may 8 bilyon na tao dito sa mundo bakit mo ipipilit ang sarili mo sa
akin? Eh nahanap na ng puso ko ang taong gusto ko makasama? Jake matauhan ka
nga alam ko na ikaw ang nag-utos kay Dexter na ikulong ako sa Batangas at
kanina yung video na gusto mo ipakita sa akin ay ang video namin ni Chard"
< --- Andrei
"H-hindi
ka galit?" < --- Ako
"Hindi
Jake, alam kong nagagawa mo lang yan dahil sa pagmamahal mo sa akin pero sana
kung may gusto kang makuha wag mo daanin sa dahas, at sana wag mo ipilit yang
feelings mo para sa akin kasi masasaktan ka lang at ayoko makasakit ng tao kaya
please itigil mo na to" < --- Andrei
“H-hindi
ko alam kung paano kita kakalimutan, ever since that day na umupo akong panel
sa defense mo I feel something, a strong desire na mapasa akin ka but now it
will all come to this”
“It
takes time para makalimutan mo ako, oo alam ko masakit yan pero hindi talaga
kita kayang mahalin kasi nandiyan na si Chard sa akin eh at mahal na mahal ko
siya” < --- Andrei
“Aray
ang sakit naman”
“Kailangan
mo tanggapin yun Jake” < --- Andrei
Naliwanagan
ako sa mga sinabi niya, yeah I forgot there are 8 billion people bakit ko
ipipilit ang sarili ko sa kanya na may ibang mahal. Alam ko magiging mahirap
para sa akin na kalimutan siya but I guess I have to start right now.
"I
guess tama ka Andrei" < --- Ako
“Mahahanap
mo rin ang para sayo” < --- Andrei
“I
hope and I pray” < --- Ako
"Oh
wag mo na ako ipapadukot ha, lagot ka na sa akin" < --- Andrei
"Hehe
hindi na, salamat kasi after all the things I’ve done heto wala ka manlang
ginagawa that’s why I feel so guilty" < --- Ako
“Kasi
nagmahal ka lang Jake” < --- Andrei
“Ayan
bakit kasi ang bait bait mo I feel bad myself” < --- Ako
Napansin
ko na mapungay na ang mga mata ni Andrei mukang umeepekto na ang gamot ng
inispray ko sa kinauupuan niya.
"friends?"
< --- Andrei
“After
all what I’ve done you want to be friends with me?” < --- Ako
“Ayaw
mo?” < --- Andrei
"Friends"
< --- Ako
“Ayun
naman pala eh” < --- Andrei
Matapos
ang tagpong iyon ay umuwi na ako sa bahay ko sa San Pablo.
. . .
R i c h a r d --- >>>
Shit!
Bakit ba hindi sinasagot ni Andrei ang cellphone niya? Lalo akong kinakabahan.
Naku Jake Alcarde nauubos na ang pasensya ko sayo kaunti na lang makakalimutan
ko na ang lahat ng pinag-aralan ko sayo.
"Insan
mas mabuting wag mo na muna tawagan, baka malowbat ang phone ni Andrei hindi
natin sila masundan" < --- Jet
"Nag-aalala
na kasi ako, hindi ako mapalagay baka kung anu ang gawin niya kay Andrei"
< --- Ako
"Pards
matalinong tao si Andrei at hindi naman lalambot lambot yun no" < ---
Nik
"Tama
si Nik Chard, kaya lumaban ni Andrei" < --- Ronie
"Alam
ko naman yun, nasuntok kaya ako nun sa muka nung napagkamalang kabit ko si
Agatha pero hindi ko pa din maiwasang mag-alala" < --- Ako
"Alam
namin yun pero kalma lang sa pagmamaneho Pards kasi baka tayo ang mapahamak at
walang magliligtas kay Andrei" < --- Nik
Pero
hindi ko pa din maalis ang pag-aalala ko, naikwento kasi ni Babe yung gamot na
nakakamanhid ng katawan. Baka pagsamantalahan siya nung jake na yun, malakas
lang ang pakiramdam ko na so Jake pa rin ang may pakana nito eh. Wag lang
niyang subukan baka tuluyang masaid ang kaunting pasensya ko at kung ano pa ang
magawa ko sa kanya.
"Shit!
Bakit ba trapik dito!" < --- Ako
"kaunting
hinahon Chard labasan ng mga estudyante sa UPLB oh" < --- Ronie
"Gabi
na kasi oh! Kinakabahan na ako para kay Babe" < --- Ako
"Kami
din naman nag-aalala, pero hindi naman natin mapipigilan ang mga estudyante
hindi ba?" < --- Jet
“Bakit
ba kasi sa amin pa nangyayari to eh” < --- Ako
“Pards
lahat ng bagay may dahilan, hindi mo pa lang alam ngayon pero panigurado isang
araw malalaman mo din yun kung bakit” < --- Nik
Sa
wakas! Nakalagpas din kami sa matrapik na lugar na yon at papunta na kaming San
Pablo. Madilim ang daan halos wala ka pang makitang tao sa paligid,
nakakakilabot.
"Ayan
Insan Tumigil na sila at medyo malapit na tayo sa kanila" < --- Jet
"Ang
dilim ng daan dito mga dre! Parang daan pa probinsya ah" < --- Ronie
Intay
lang Andrei malapit na kami.
. . .
Nakarating
na kami sa San Pablo pero grabe nakakaligaw dito, ang daming pasikot sikot
madilim pa ang ibang daan, may mga parte pa dito na parang gubat.
“Bakit
ba naliligaw tayo?!” < --- Ako
“madami
kasing pasikot sikot dito sabi nila sundan na lang natin kung saan nanggagaling
yung signal ng phone ni Andrei” < --- Ronie
“Sana
nasa mabuti siyang lagay” < --- Ako
“magtiwala
tayo na nasa mabuti siyang lagay” < --- Jet
“Oo
Chard napakalakas na tao ni Adrei, imagine hindi biro ang mga pinagdanan niyo
pero eto nanatili kayong matibay” < --- Ronie
Nagpatuloy
kami sa pagbiyahe, nagtanung na din kami kung kilala nila si Jake pero walang
nakakakilala sa kanya.
. . .
Matapos
ng matagal naming paghahanap ng daan papunta sa location ni Babe ay sa wakas
eto nasa harapan na namin, isa lang itong simpleng bahay na may mataas na gate.
Napansin
ko ang Apelyido na nakasulat sa gate
nito: ALCARDE
"Insan
ayan ang ata ang Bahay ni Sir Jake dyan tumigil ang Signal ng GPS ni Andrei sa
Tracker" < --- Jet
Hindi
na ako nagpaligoy ligoy pa, bumaba agad ako ng kotse at kumatok sa gate ng bahay.
"Tao
po!" < --- Ako
tok
tok tok
"TAO
PO!"
"Pards
kalma" < --- Nik
Bumukas
ang gate, Sinalubong kami ni Sir Jake pawisan, nakaboxer lang. Bakas sa muka
niya ang labis na pagkabigla.
"Mr.
Alvarez?! Anung ginagawa niyo dito" < --- Jake
"Nasaan
si Andrei?" < --- Ako
"Ha?!
Wala dito si Andrei" < --- Jake
Naubos
na ang pasensya ko, magsisinungaling pa siya eh dito namin natrack ang location
ni Andrei, susuntukin ko na sana nang pigilan ako nila Nik.
"Pards!
Wag mo daanin sa dahas" < --- Nik
"Eh
gago yan eh! ayan oh tingnan mo! Kaya namin itrack si Andrei oh!" < ---
Pinakita ko sa kanya ang cellphone ko
"Papaanong
. . . Wala talaga si Andrei dito Mr. Alvarez kung gusto mo halubugin mo pa tong
bahay ko" < --- Jake
"Tara"
< --- Ako
Halos
baliktarin nanamin nila Jet ang bahay ni Jake kusina, mga cabinet, likod bahay
basement at maging sa atic pero wala, wala si Andrei.
"Nag-usap
kami ni Andrei kanina bago ako umuwi, pero ang pinagtataka ko kung bakit kayo
dito dinala ng tracker niyo" < --- Jake
"Insan
tawagan mo yung Cellphone ni Andrei" < --- Jet
. . .
"Wala
eh hindi nasagot" < --- Ako
"Sir
Jake pakibuksan ng kotse nyo" < --- Jet
"Ha?
Bakit?" < --- Jake
"Basta
buksan nyu na lang" < --- Jet
Wala
na ngang nagawa si Jake kung hindi buksan ang kotse niya, tinanung din ni Jet
kung saan umupo si Andrei kanina, kinapa ni Jet ang upuan ng kotse at doon nga
namin nakita ang Cellphone ni Andrei.
Lahat
kami ay nagulat. Ibig sabihin nandito talaga si Andrei. Bakas din sa muka ni
Jake ang labis na pagkagulat.
Susuntukin
ko na ulit sana pero pilit akong pinigilan ng tatlo.
"Walang
hiya ka! Ibalik mo sa akin si Andrei! Kapag may hindi magandang nangyari sa
kanya magtago kana Jake!" < --- Ako
"I
told you, wala dito si Andrei Mr. Alvarez nag-usap kami kanina oo pero
pagkatapos nun ay lumabas na din siya" < --- Jake
Lumuhod
na ako sa harap niya.
"Please
Jake ilabas mo na si Andrei please" < --- Ako at nagsimula na ding
umiyak
"Mr.
Alvarez wala nga dito si Andrei maniwala ka sa akin" < --- Jake
"Pards
tumayo ka na dyan mukang wala talaga si Andrei dito, mukang naiwan lang niya
ang Cellphone niya sa kotse ni Sir Jake" < --- Nik
“toot
toot toot toot toot” < --- 21 message received
“Shit!
Bakit ngayon lang dumadating ang mga message” < --- Ako
“Ang
dami naman nan basahin mo insan” < --- Jet
“Puro
message ni Alexa” < --- Ako
"Toot
toot" < --- Calling Kuya Kian
"He-hello
kuya kian" < --- Ako
“P-po?!
S-saan?! Sige po papunta na kami” < --- Ako
“Bakit
insan anung nangyari ka Andrei?” < --- Jet
"S-si Babe nasa ospital" < --- Ako
"Huh?!" < --- Nik, Ronie, Jet
"W-what happened?" < --- Jake
"Siguraduhin
mo lang na wala kang kinalaman kung bakit nasa ospital si Andrei ngayon
dahil kung meron hindi ko na alam ang magagawa ko sayo" < --- Ako
Itutuloy >>>
(Comments)