Thursday, May 24, 2012

KAHIT SANDALI: Chapter 12

Sorry po sa sobrang delay. Mag-aupdate na po ako regularly mula ngayon dahil may internet na sa bahay. Hehehe. Pasensya na po talaga sa mga naghihintay sa update ng KAHIT SANDALI. Pero eto na po. Ang next Chapter po ay paki-abangan nalang po. Baka sa Sabado po ay posted na rin. Maraming salamat sa paghihintay.

Jhay
http://27thofjuly.blogspot.com/
***************************************************************

Matapos ang lahat ng gawain sa opisina ay agad akong dumiretso sa paaralan ni Jake para sunduin ito at para matupad ko na rin ang pangako ko rito.


Eksaktong dismissal nang dumating ako. Nakita ko si Jake na masayang nakikipagtawanan at nakikipaglaro sa mga kaibigan at kaklase nito. Napangiti ako, dahil sa improvement nito mula nang maaksidente ito.


"Jake, anak.", tawag ko rito mula sa gate ng paaralan.


"Daddy!!", excited na sigaw nito at saka tumakbo patungo sa direksyon ko. Nang marating ang kinaroroonan ko ay agad itong yumakap.


"Are you ready anak?", tanong ko rito.


"Opo Daddy."


"Tara na."


"Wait lang po Daddy, di ba po sabi ko may isasama po tayo ngayon?"


"Oo nga pala. Eh, sino ba 'tong isasama natin anak?"


"Si teacher po."


"Eh alam ba ng teacher mo anak na sasama siya ngayon?"


"Opo. Sinabi ko po kanina."




"Ok, sige, hintayin natin si teacher mo.", sagot ko rito at binigyan ito ng ngiti.




May limang minuto rin kaming nag-antay sa teacher ni Jake. Maya-maya ay may kumatok sa bintana ng sasakyan. Laking gulat ko nang makita kung sino ang taong kumatok. It was Byron! 




Agad namang pinagbuksan ng pinto ni Jake si Byron.




"Pasok po kayo Sir. Sir si Daddy ko po."


Halata sa mukha ni Byron ang pagkagulat nang makita ako. 


"Sir? Sir Imperial?", tanong nitong tila ba naninigurado kung tao ba talaga ang kaharap niya ngayon.


"Yes, Mr. Dela Cruz, ako nga ito.",sagot ko rito.


"Magkakilala po kayo Daddy?", maang na tanong ni Jake.


"Ah, oo anak, nagpunta siya sa kompanya 2 weeks ago.", sagot ko rito. "So, shall we go?", baling ko naman kay Byron.



"Ah, eh, opo.", kamot-kamot ang ulo na sagot nito.




Habang nasa biyahe patungong mall ay walang pag-uusap na nangyari sa pagitan namin ni Byron. Tanging sila ni Jake ang naglalaro at naghaharutan sa loob ng kotse. Natutuwa akong pagmasdan ang dalawa. Hindi rin maiwasang maisip kong muli si Eric dahil na rin sa kaunting pagkakahawig ni Byron rito.



Mabilis naming narating ang mall kung saan namin napagkasunduang mag-bonding ni Jake. Napagdesisyunan naming kumain na muna bago mag-ikot ikot para may laman naman ang aming mga tiyan. Tutal ay mag-gagabi na rin naman.



"Saan mo gustong kumain anak?", tanong ko kay Jake.




"Sa Jollibee po Daddy.", masayang sagot nito.




"Sige sige, sa Jollibee tayo.", sagot ko rito. "Okay lang ba sa inyo?", baling ko naman kay Byron at Mang Tonying na siyang driver namin. Sabay naman tumango ang dalawa.




Hindi matao ang Jollibee nang araw nang makarating kami, kung kaya naman madali kaming nakahanap ng mauupuan at nakapag-order ng pagkain. Nang makatapos na ang lahat kumain ay nagmamadaling mag-ikot si Jake kung kaya naman pinauna ko na silang dalawa ni Mang Tonying.



Naiwan naman kaming dalawa ni Byron na naglalakad di kalayuan sa likuran nila Jake.




"He's a really good kid Sir.", si Byron.



"Uhm, thank you. Please call me 'Al', hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin. Masyadong pormal.", I said with a smile.



Ngumiti ito. He looked good. Gwapo ito. Sa suot nitong white shoulder sleeved polo ay mas makisig itong tingnan kaysa noong panahong nag-audition ito.




"Ahh, eh hindi po ba nakakahiya?", tanong nitong parang bata.



"Haha. Hindi naman. Mas nakakahiya sa parte ko kung lagi mo akong tinatawag na Sir. Baka isipin ng mga tao na ang tanda tanda ko na. And please, drop the 'po' and 'opo'."




Napatawa naman ito.



"Opo Sir. I - I mean, si - sige Al.", may pag-aalangan nitong sabi.




"Masasanay ka rin."



"By the way, drop by the office tomorrow afternoon. You'll be having your contract signing."




"Talaga?"



"Ayaw mo?", nakangiti kong tugon rito.




"Syempre po, gusto. Gustong-gusto.", sabi nitong parang bata. Ngumiti ito. Halata sa mukha nito ang excitement.



Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko kay Byron. Marahil ay dahil na rin sa likas itong mabait.


 Natapos ang pamimili namin ni Jake at nagkayayaan nang umuwi. Habang nasa byahe ay nakatulog si Jake. Nasa daan kami patungo sa tinutuluyang apartment ni Byron. Ayaw sana nitong pahatid ngunit ako na mismo ang nagpumilit. Paano kasi'y andaming pinamiling gamit ni Jake at hindi na namin nakayanan ni Mang Tonying ang magbuhat sa mga ito.




"Maraming salamat nga pala.", basag ko sa katahimikan.




"Wala iyon.", sagot nito. "Nag-enjoy naman ako.", dagdag pa nito.




Ngumiti naman ako.


"Ah, Mang Tonying, dyan nalang po sa kanto ako bababa."





"Ah eh sige.", si Mang Tonying.




"Ayan ba ang apartment mo Byron?", tanong ko rito.



"Ah, eh. O-opo.", kamot-kamot na naman ang ulo na sagot nito.



"Oh, bakit ganyan ang ekspresyon mo?"




"Ah, eh, nakakahiya po kasi. Ang liit ng apartment ko."




"Kutusan kaya kita? Anong ikinakahiya mo? Marangal ang trabaho mo, mabuti kang tao, dapat ay hindi mo ito ikinakahiya. Kahit ganyan lang ang apartment mo, pinaghirapan mo pa rin iyan. And stop it with the 'po' at 'opo'. Sabi ko naman sa'yo di ba?"




Ngumiti ito bago sumagot.




"Maraming salamat talaga.", sabi nito bago bumaba ng kotse.


"Walang anuman.", sagot ko rito.





"Mag-iingat kayo. G - Goodnight na rin Al."



"Ikaw rin.", sabi ko saka nito isinara ang pintuan.



Nang makarating kami sa bahay ay kinarga ko si Jake patungo sa kwarto nito. Hinalikan ito sa noo at saka dumiretso na rin sa kwarto ko. Bago matulog ay naligo pa ako at nang matapos ay tuluyan nang nahiga.



"Today was a great day.", naisip ko saka tuluyang nakatulog.



*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*


Kinabukasan, gaya ng napag-usapan ay pumunta sa opisina si Byron.


"Ang aga mo naman yata.", sabi ko rito nang makita ko itong naghihintay sa lobby ng building. "Wala ka bang klase ngayon?", dagdag ko pa.


Ngumiti naman ito.


"Ah, wala eh. I submitted my resignation letter kaninang umaga. They were hesitant to let me go pero hindi rin naman nila ako sinubukang pigilan."


"I'm sorry to take you away from them."


"Ayos lang po 'yon. Desisyon ko rin naman po 'to eh."


"Again with the 'po' and 'opo'. Isa pa at talagang babatukan kita.", sabi ko rito saka tumawa.


Tumawa nalang rin ito.


Mula sa contract signing ay naging mabilis ang takbo ng career ni Byron. Sumikat ito. Napapatugtog na rin ang mga kanta nito sa mga radyo at nag-geguesting na rin ito sa iba't ibang mga events. Sa panahong iyon ay naging close kami sa isa't-isa. Hindi lang bilang manager at client ngunit naging matalik kaming magkaibigan. 


Paminsan minsan ay dumadalaw ito sa bahay. Minsan nakikipaglaro kay Jake. Minsan nga eh ito pa ang nagluluto.Hinayaan ko lang ito sapagkat wala rin namang masama sa ginagawa niya. Kilala na rin ito ni Gina at malapit na rin ang mga ito sa isa't-isa.


Isang araw, napagkasunduan naming tatlo na mag-inuman sa bahay.


"We should celebrate!", si Gina. "I mean, your album has been a success and now, may offer ka na galing sa pinakamalaking station sa bansa to have your own show."


"Eh hindi naman big deal yun. Saka hindi pa naman din ako nagdedecide kung tatanggapin ko ba yung offer o hindi nalang." si Byron.


"Why not? You pretty much deserve it.", si Gina ulit.


"Nah, hindi rin naman maisasakatuparan tong mga nangyayari sa kin kung di dahil dyan sa kaibigan mo eh."


"Sa tingin ko tama si Gina, we should celebrate this Byron." sabat ko naman. "You also need a break. You've been too busy this month.


Napabuntung-hininga ito.


"O sige. Sabi mo eh.", sabi nito saka ngumiti ng pagkatamis tamis.


"Uy, kayo ha, napapansin ko lang. Lately, iba na ang mga ngiti nyo sa isa't-isa. Bromance na ba --"


Hindi na nagawang tapusin ni Gina ang sasabihin nito dahil sa dinawa kong pagbatok rito na ikinatawa naman ni Byron.


"Aray ko naman! Bakit mo naman ako binatukan ha?!", baling ni Gina sa akin.


"Masyado na kasing madumi ang lumalabas dyan sa bunganga mo.", pang-aasar ko pa rito.


Nagkatawanan nalang kami.


Natapos ang inuman nang magpaalam nang umalis si Gina. Medyo tinatamaan na raw kasi siya at magda-drive pa ito pauwi. Maghahating-gabi na rin iyon.


Nang makaalis si Gina ay inumpisahan ko nang ligpitin ang mga  pinag-inuman namin. Tinulungan naman ako ni Byron. Nang matapos ay nagprisenta akong ihatid na si Byron sa bahay na naipundar nito.


"Ihahatid na kita sa inyo Ron.", sabi ko.


"Ahh, hindi na. Matulog ka nalang. Magta-taxi nalang ako.", tanggi nito.


"Alam mong mahirap kumuha ng taxi rito sa lugar namin, lalo pa at hatinggabi na. Isa pa, you had too much to drink. Baka mapano ka pabalik dito."


"I can handle my alcohol. But since you insist, fine, sleep here."


"What?"


"Sabi ko, dito ka nalang magpalipas ng gabi. Tutal wala namang trabaho bukas."


"Sigurado ka?"


"Hindi ka rin makulit eh no?", balik ko rito saka ngumiti.


Ngumiti naman din ito saka bumalik papasok sa bahay.


"Doon ka sa guest room na katabi ng kwarto ko matulog. Mauna ka na sa taas at magla-lock lang ako at saka dadalhan nalang rin kita ng damit at tuwalya.


"Yes boss!", sagot nito saka tumalima paakyat sa kwarto.


Nang maka-akyat si Byron ay tiningnan ko kung nakalock ba ang lahat ng pintuan at bintana sa baba saka sumunod rito. Ikinuha ko siya ng damit at tuwalya sa kwarto at dinala sa guest room. Ngunit pagpasok ko roon ay tulog na ito at nakahiga sa kama.


"Tch! Tingnan mo nga naman. Ambilis makatulog.", napailing nalang ako at ipinatong ang damit at tuwalya sa bedside table.


Akmang tatalikod na ako upang lumabas ng kwarto nang biglang hilahin nito ang braso ko dahilan upang matumba ako rito. Babangon sana ako ngunit iniyakap na niya ang kabilang braso sa katawan ko. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako nito.


"Stay still.", sabi nito. "Dito ka muna sandali."


Agad akong pinamulahan sa sinabi niya.


"A-ano bang nangyayari sa'yo? Wui. Bitawan mo nga ako.", sabi ko naman.


Agad naman itong bumitaw. Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko.


"Andami mong kalokohan!", sabi ko.


Pero nginitian lang nito ang sinabi ko dahilan upang muling mag-init ang tenga ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumasok sa kwarto ko.


"Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?"



ITUTULOY...

Wednesday, May 9, 2012

I Don't Wanna Be Your Friend: Stanza 5




Pasensya na po sa mga naghihintay nito, sobrang natagalan ang  update, mag-iisang taon na yata. Pasensya na po talaga.

Jhay






________________________________________________________________________

            Nagulat ako nang makilala kung sino ang babaeng bumaba mula sa pulang kotseng dala ni Jason. Hindi ako makapaniwalang nandito ang babaeng yun. Ang babaeng nagnakaw nag una kong halik. Si Michelle. Nang lingunin ko si Matt ay nakita kong sumilay mula sa mga labi nito ang isang malawak na ngiti. Halata sa ekspresyon ng mukha nitong masaya siyang muling nakita ang kanyang nakatatandang kapatid. Hindi ko siya masisisi. It’s been four three years since we last saw her. Ni anino ni Michelle, hindi naming nasilayan. Kaya nga laking gulat nalang namin ang makita ito ngayon. Parang daga lang na pasulpot-sulpot.


            Ngunit lingid sa kaalaman ng barkada ang nangyaring kissing scene sa pagitan namin ng ate ni Matt. It was his birthday party sa bahay nila. I was drunk back then. Nakatulog ako sa sobrang kalasingan at nang magising ako ay nakita kong tulog na rin ang tatlo. Dahil sa pagkauhaw, bumangon ako at kumuha ng tubig sa baba. Alam ko na ang bawat suok ng bahay nina Matt noon pa man. Halos kada sabado ba naman ay doon kami tumatambay mula nang tumuntong kaming ikalawang taon sa kolehiyo eh. Nang makainom ng tubig mula sa dispenser ay nawala ang antok ko kung kaya’t naisipan kong magpahangin muna sa terrace. Hindi ko naman inaasahang nandun rin pala si Michelle.


            “Gising ka pa pala.”, pagtawag ko sa atensyon nito.


            “Gagi! Kakagulat ka ha! Balak mo kong patayin sa sarili kong bahay?!”, eksaherada nitong banat sa akin. Napangiti nalang ako.


            “Eh ikaw, ba’t gising ka pa?”, balik tanong niya sakin.


            “Nagising ako dahil sa uhaw eh. Pag-inom ko ng tubig, ayun nawala ang antok.”, paliwanag ko naman.


            “Ang haba naman ng paliwanag ha.”


            Natahimik ako. Tiningnan ko lang siya.


            “So bakit nga ba gising ka pa?”, pagbasag ko ng katahimikang namuo sa pagitan namin.


            Napabuntong-hininga ito.


            Naghintay akong magsalita ito.


            “Naranasan mo na bang magmahal?”, tanong nito sakin.


            Hindi ako umimik. Ang totoo niyan ay hindi pa ako nagmahal kahit minsan. Wala akong experience kahit sa ligawan man lang.


            “Kasi ako, nagmahal ako ng sobra pero ayun, iniwan pa rin ako. Sumama dun sa babae niyang mukhang paa naman.”, pagpapatuloy nitong hindi na hinitay ang sagot ko.


            Nakita kong tumulo ang mga luha nito sa tulong na rin ng ilaw na nagmumula sa buwan at sa lampshade na nakadikit malapit sa pintuan ng terrace.


            Nilapitan ko ito at niyakap.Napahagulgol ito.


            Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan nitong sakit pero nakikita ko base na rin sa ekspresyon ng mukha nitong mabigat ang kanyang dinadala. Sa tingin ko nga rin ay wala pa siyang nasasabihan o nakakausap man lang tungkol sa kanyang sitwasyon.


            Hinagod – hagod ko ang kanyang likod at hinayaan lang siyang ilabas ang lahat ng hinanakit na kanyang tinatago maging kay Matt.


            Nang tumigil ito ay napatingin ito sakin.


            “Salamat sa pagdamay ha.”, sabi nitong garagal ang boses.


            Hindi talaga ako sanay na nakikita siyang seryoso at nasasaktan. Sa t’wing magkikita kasi kami nito, puro pambabara lang ang ginagawa sa aming magbabarkada. Taklesa nga eh. Pero nang mga panahong iyon, nakita ko ang pagiging babae niya. Tama, babae lang siya after all.


            Hindi ko namalayan ang unti – unting paglapit ng kanyang mukha sa akin. Nagulat nalang ako nang maramdaman ang paglapat ng aming mga labi.


            The kiss was sweet. Her lips were soft and sweet. It was tempting. Kung kaya naman hindi ko naiwasan ang gumanti ng halik dito. The kiss went deeper at kung wala ako sa tamang katinuan, maaring mas lumalim at maaring iba ang kahantungan nito. She was vulnerable and I’m only a man. Ngunit nang maramdaman kong nagiging mapusok na ito ay agad akong humilawalay at tumigil.


            “Let’s not do this.”, marahan kong sabi sa kanya.


            Nagbalik naman ang malay-tao niya at bigla yatang nahiya sa ginawa.


            “Hey, it’s ok.”, sabi ko. “Let’s just keep this between us. Okay?”


            Tumango ito at pinahid ang luha.


            “S-sige, m-mauna na ako sa’yo.”, sabi nito kapagkuwan.


            Isang batok ang nagpabalik sa’kin sa katinuan.


            “Araykup! Bakit mo naman ako binatukan?”, inis kong tanong kay Matt.


            “Eh kasi po, ka pa nag-iimagine dyan.”, sabi nito. “Tara, salubungin natin ang taklesa.”, pagpapatuloy nito saka binitiwan ang isang mapang-akit na ngiti.


            Naglakad na ito patungo sa pintuan ng resto. Iiling – iling nalang akong sumunod rito.


            “Ate!”, excited na tawag ni Matt kay Michelle sabay yakap rito.


            “Anu ba?! Kararating ko palang papatayin mo na ako sa higpit ng yakap mo sa’kin!”, reklamo nito. Dahilan para bumitaw sa pagkakayakap si Matt rito.


            “Hindi pa rin talaga nagbabago ang tabas ng dila mo no?”, singit ko naman na inirapan lang nito.


            “Antagal mong hindi nagpakita ahh. Saan ka ba nagsususuot at hindi ka naming mahagilap nina Mama.”, si Matt.


            “I’ve been to Korea li’l bro. Nagbakasyon lang.”


            “Bakasyon ba ‘yun eh tatlong taon kang nawala? Saan ka naman kumuha ng panggastos mo dun eh balita ko hindi ka humuhingi kila Mama?”


            “I have my ways.”, sabi nito pagkatapos ay ngumisi.


            “Nakakatakot naman.”, sabad ni Alex.


            “Excuse me, was I talking to you?”, pambabara ni Michelle sabay taas ng kilay nito.


            Nakita naming nalukot ang mukha ni Alex. Dahilan para magkatawanan kami. Sa aming apat kasi, ito ang pinakapikon. Maliban nalang ‘pag kami lang ang nang-aasar. Na-immune na yata sa amin.


            “O siya, siya, can we please take our seats and eat while we catch up, medyo gutom na rin kasi ako eh. This time, it’s my treat.”, si Jason na nakatawa pa rin.


            Bumalik kami sa table na ipinareserve naming. Magakatabi kami ni Matt habang si Jason at Michell naman ang kaharap namin. Si Alex naman ay sinadyang humiwalay kay Michelle at pumuwesto sa kaliwa ni Jason. Tinawag na ni Matt ang waiter at umorder na kaming lima.


            Isang Steak ala Pobre and inorder ni Jason. US Prime Rib naman ang kay Alex, habang si Michelle ay umorder nalang ng Beef Caldereta dahil namiss niya raw ang lutong pinoy. Si Matt naman ay umorder ng Pork Tenderloins habang ako ay Chop Seuy ang inorder

.
            “Gusto niyo po ba ng dessert along sa mga orders niyo Sir?”, tanong ng waiter na kanina pa nakatitig kay Alex.


            “Uhmm, we’ll call you if we decided what to eat for dessert. Refillable Iced Tea nalang rin para sa drinks. Salamat.”, si Alex.


            “Ok sir, iseserve nalang po namin sir. In the meantime, please enjoy our appetizers na ihahatid in a while.”, sabi nito bago umalis.


            “So what’s new?”, tanong ni Michelle habang kumakain kami.


            Napatingin kaming tatlo kay Matt.


            “What? May hindi ba ako alam dito?”, dagdag na tanong nito.


            “I just broke up with Dianne.”, si Matt. Halata pa rin ang sakit sa ekspresyon nito.


            “Oh, why?”, kaswal nitong tugon.


            “She’s pregnant with another man’s child.”


            Natahimik ito.


            “This really is new.”, si Michelle


            “What?”, si Matt


            “Ikaw. Usually nagkakandarapa ka sa pag-iyak pero ngayon, himala, you’re ok. I mean you’re not ok, but at least, you’re not a mess.”


            Sa puntong iyon ay napatingin ako kay Matt. Nakatingin rin pala ang mokong sa akin. Umiwas ako ng tingin at ibinalik ang atensyon sa pagkain.


            “I have my friends with me. Kaya hindi ko na masyadong naisip ang sitwasyon ko. After all, this is a time to be celebrating. We just graduated at handa nang makipagsapalaran sa mundo. I have no more time for drama.”


            Isang makahulugang tango lang ang itinugon ni Michelle.


            “I see. Congratulations nga pala sa inyong apat. Sa wakas. After four years ng pagsusunog ng kilay, eto na kayo. Let’s drink to that.”, sabi nito kapagkuwan.


            Marami pa kaming napag-usapang lima. Napansin kong ibang – iba na talaga si Michelle. She wasn’t the immature girl I met three years ago. May laman na ang mga sinasabi nito. She thinks before she says anything. Although hindi nawala ang pambabara nito, I can tell that something’s changed.


            Natapos ang gabi na naghiwa-hiwalay kami ng daan. Umuwi kami sa kani-kaniyang bahay upang maghanda para sa susunod na araw.


            A trip to Boracay.


            Iyon ang napag-usapan naming mga mababarkada bago pa man kami gumradweyt.
            Pagdating ko ng bahay ay agad akong nag-empake para sa bakasyon. Nang matapos ay nagpunta na rin ako ng kusina para kumain at medyo nagutom ako pagkatapos ng inuman. Gumawa nalang ako ng sandwich dala na rin ng katamarang magluto pa. Habang kumakain ay iginala ko ang mga mata ko sa paligid.


            Malinis pa rin naman ang bahay na pinaghirapan namin ni Inay. Kumpleto na rin ito ngayon sa gamit. Karamihan, galing sa barkada. I smiled.


            Dumako ang paningin ko sa ref. Nakita ko ang litrato ng nanay. May napakagandang ngiti na nakapaskil sa mga labi nito. It was a picture taken from my graduation. Napakasaya ni nanay nang araw na iyon. Hindi ko napigilan ang mga luha ko at tuluyan nang bumagsak.


            Masakit mawalan ng mahal sa buhay. Lalong-lalo na kung galing sa pamilya mo. Naalala ko nang namatay si inay, halos sisihin ko ang Diyos sa lahat ng nangyaring kamalasan sa buhay ko. Ngunit napagtanto kong siya rin naman ang dahilan sa lahat ng tagumpay na natamo ko. May plano ang Diyos para sa ating lahat, yan ang laging sabi ni nanay.


            Hindi ko na naubos ang sandwich. Pinunasan ko nalang ang mga luha ko at tinungo ang kwarto ko. Hindi rin nagtagal ay nakatulog ako.


Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. It was a call from Jason.



            “H-hello?”


            “Anong hello? Anong oras na Bryan Roy! Male-late na tayo sa flight natin at hindi ka pa bumabangon dyan?!”


            “Masyado ka namang excited, ala-tres pa ng hapon ang flight natin. Ang aga-aga eh.”


            “If you hadn’t noticed, it’s already 12 noon.”


            “Holy! Sige na maliligo na ako. See you in 30 minutes.”


            Hindi ko akalaing tatanghaliin ako ng gising. Mukhang napasarap ang tulog ko ah. Dala na siguro ng inumin. Dali-dali akong naligo at nagbihis para makarating sa pad ni Jason. Pagdating ko ay nakita kong handa na silang tatlo.


            “Pasensya na kayo, medyo napasarap ang tulog ko eh.”, paghingi ko ng paumanhin.


            “Hindi nga? Hindi halata ha.”, pang-aasar naman ni Andrew na tinawanan naman ni Matt at Jason.


            “Ano pa nga bang aasahan namin sa’yo? Eh lagi namang ikaw ang nahuhuli sa mga lakad natin.”, si Jason. At sabay pang nagtawanan ang tatlo.


            “O, tama na yan, iiyak na yang si Bryan o, napapakamot na ng ulo eh.”, si Matt.


            At talagang dumagdag pa ang isang ‘to. Makikita nyo, makakabawi rin ako.

            

           Walang hassle mula nang dumating kami sa airport hanggang makarating kami sa isla ng Boracay. The rumors were true. The island was indeed breathtaking.


            “Wow, pare, hanep talaga ang Boracay. Ang ganda.”, si Andrew.


            “I agree. Pero ang sabi, mas maganda raw dito noon, nang wala pang masyadong mga establishments.”, si Jason.



            Tahimik lang akong iginala ang paningin ko sa paligid. Nagpahatid kami sa tricycle papuntang resort na pina-book ni Andrew. Maganda ang kwartong napili ni Andrew. It was an African Safari themed room kung saan makikita mo ang dagat mula roon.


            It was really nice. Itwas around 4:30 in the afternoon when we arrived at medyo nakaramdam kami ng gutom kung kaya nagkayayaan kaming kumain na muna sa labas sabay gala na rin sa isla.


            Masaya kaming nagtatawanan sa daanan habang naghahanap ng makakainan. Parang walang mga problema. Kahit na si Matt mismo, masiglang masigla at halatang excited makapag-ikot ikot.


            Nakakita kami ng isang restaurant sa tabi ng dagat at mukhang masarap naman ang mga isine-serve nila kung kaya nagdesisyon kaming doon nalang kumain.


            Nagtatawanan pa rin kami habang nasa lamesa nang may tumama sa ulo ko.


            “Hey, I’m so sorry about that, my fault.”, sabi ng isang tinig na nagmula sa likuran ko.


            Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. I was stunned. He was gorgeous. Maputi, maganda ang hubog ng katawan, he had a nice smile, his eyebrows complimented his brown eyes. He was as breathtaking as the sunset.


            “Are you okay?”, tanong ulit nito.


            “I-I’m sorry?”, nasabi ko na tila wala sa tamang katinuan. Na ikinatawa naman nito. Even his laughed sounded nice. Anghel kaya ito na nagbalat-kayo lang?


            “Uhm, I said, are you okay? Natamaan ka kasi ng volleyball kanina nung nagspike ako.”, sabi nito.
            “Ahh, yeah, I’m okay.”, sabi ko na tila nahiya.


            “Good to hear that.”, sabi nito saka ngumiti, “I better get going,if you wanna join us for a friendly game, don’t hesitate to come okay? I’m Seth by the way.”


            Nilahad nito ang palad na tinanggap ko rin naman,


            Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko nang tanggapin ko ang kamay niya. It was as if every nerve in my body was alive. And then it hit me like the volleyball in my head.


            “I’m actually attracted to this person?!”



Itutuloy.

Ang Mangaagaw 9


 Hello, good day! Alam ko po na marami sa inyo ang nagaantay para sa serye na to at lubos akong nagpapasalamat. Alam kong matagal ko kayong pinagantay at humihingi ako ng paumanhin. I really got swamped with work. Sana maintindihan nyo po. Marami rin akong mga minor reasons for not updating this blog much. Una, mata ko. Masakit ang mata ko kakatutok sa computer sa office, so kapag umuuwi ako ng bahay, pinapahinga ko nalang. Pangalawa, nakakabobo ang bagong interface ng blogger. It got even more complicated. I miss the simplicity  of the old one. Pangatlo, blocked ang blogger sa office, nilambing ko pa ang IT namin para ilagay nya ulit ang blogger ko. Pangapat, nagkaroon ng malware ang blog na ito ang kinailangan pang kemehin ng bongga para maiayos. Asar diba? Ahihih

Sana po ay naintindihan nyo ang aking mga paliwanag ukol sa bagay na ito. Ahihihi.

Sana rin po ay patuloy ang inyong suporta sa aking blogelya. :P

Comments, are highly appreciated. :)

-Rovi Yuno/Unbroken :)



* * *


W.A.L.O.


Arvin was feeling positive when he left home. He felt good dahil okay na nga sila ng kanyang partner. He was just worried dahil naging drastic ang pagbabago ng eating habits nito. Kung dati ay sobrang conscious nito with what he eats, ngayon ay iba na. JD eats what he wants and when he wants it. Wala syang pakialam kahit dis-oras na ng gabi. Para syang buntis na naglilihi, dapat lahat ng hingin ay masusunod.

Sana matapos na ang pagkain ng sobra ni JD. He's not mindful of what he's eating anymore. Paano nalang kung mapano sya? Ayaw ko namang magisa. Nasabi nya sa kanyang sarili

He grabbed his phone then dialled JD's number.

“Hello?”

“JD ko, anong ginagawa mo?”

“Hello, eto po kakatapos lang kumain ng chocolates.”

Chocolates?

“Kumain ka ng chocolates?”

“Yup.” JD sounded cheerful on the other line.

“Anong gagawin mo after?”

“Eto, nakahiga, matutulog muna ako ha? Ingat ka pagpunta sa factory ha? I love you.”

“Okay.”

The call ended. Napabuntong-hininga si Arvin.

Kain-tulog-inom-gala. Ang sarap ng buhay ni JD.

Napailing na lang sya. Alam nyang mahal nya ito kaya hinahayaan nya nalang pero alam nya sa kanyang sarili na any moment, maari na syang mapagod. Lalo pa't ngayon ay minsanan nalang ang kanilang pagtatalik. Mula ng tumaba si JD ay naging tamad na ito pati sa kama, kung dati ay nagagawa nila lahat ng pwede nilang gawin, iba na ngayon. Whenever Arvin wants to try something new, JD refuses. Frustrated si Arvin dahil hindi nya mailabas ang libog na nararamdaman nya sa kanyang katawan. Pero dahil alam nya ngang mahal nya ito, tiniis nya at pilit nya itong iniintindi.

Dumating na si Arvin sa factory. He was greeted by his employees. Dumiretso na sya sa office na matatagpuan sa dulong kwarto ng establisyamento. Nakita nya ang tambak na trabaho, napailing sya.

I need to do this today. I have to finish this today.

He sighed.

Akala ko pa naman makakauwi ako ng umaga.

Nabaling ang kanyang atensyon sa kalendaryo, ngayon ang kanilang anibersaryo. Pero parang wala man lang nakaalala sa kanilang dalawa.

He frowned.





Eban was wearing a black shirt and a cap. Tinungo nya ang destinasyon ng una nyang misyon. Napangiti sya sa nakita.

Napakalaki naman ng lugar na to. Masyadong madali ang pinapagawa ni Philip.

Patuloy nyang binaybay ang paligid ng lugar. Nakita nya ang lawak nito. Kita rin nya sa gate ang mga taong mukhang magdedeliver ng mga produktong di nya maaninag kung ano. Umupo sya sa gutter na katapat nito.

Nilabas nya ang kanyang cellphone at tinawagan nya ang kanyang mga tauhan.

“Napuntahan ko na ang lugar, mamayang gabi, kakanain natin to.”

“Sige boss.” sagot ng bruskong boses sa kabilang linya.

“Dalhin mo lahat ng kailangan.” habilin nya dito.

“Opo.”

Natapos ang tawag. Tumayo si Eban at tinungo ang lugar. Kumatok sya at magiliw syang pinapasok ng isa sa mga trabahante dito.

He smiled.





Oooohhh...

Ahhhh...

Sige pa...

Dun sa ibaba...


Ahhh...

Sige pa Philip...

It brought him to ecstacy when he heard Charles moaning with real pleasure. Napatunayan nya sa kanyang sarili na wala pa rin syang kupas sa kanyang craft-ang sex.

Charles was still blindfolded. Patuloy si Philip sa pagdila sa mga bahaging alam nyang kahinaan nito.

“More please. Ahhhh.. More..” hinihingal at sarap na sarap na wika ni Charles.

“You want more, baby boy?” may panunukso sa kanyang tono.

“Yeahh..”

Pinadapa ni Philip si Charles, parang bata itong sumunod. Philip grabbed his arms and locked them in his. Nabigla si Charles sa mga nangyari.

Mabilis na kinuha ni Philip ang kanyang dalang handcuffs at ipinosas ito sa mga kamay ni Charles. Pinilit na umigtad ni Charles pero huli na ang lahat. Mabilis na naposasan ni Charles ang kanyang mga kamay.

“Shit. What are you doing?”

Pinilit nyang kumalagpas pero hindi nya kaya.

“Trust me on this,Charles.”

Mas naging malakas ang kabog ng dibdib ni Charles. Hindi nya alam kung anong kademonyohan ang nasa utak ni Philip ngayon. Muli nya itong pinagulong para makahiga ng maayos. Nasa likod ang nakaposas na mga braso ni Charles, Philip is totally in control.

“Wha-what are you doing?” may pangamba sa boses nito.

The fear that registered to his ears made him harder. Natuwa si Philip na magagawa nya ang ganito kay Charles.

“Need not to fear me. Need not to fear this.”

Charles was gasping for air.

Hindi na ito makakilos. Philip then held Charles' legs. He used his leg cuffs to had his prey tied and locked. Hindi na makakilos ng maayos si Charles. Rinig ang kanyang hingal. Alam ni Philip na nasasaktan na ito dahil sa pangangalay ng kanyang mga braso.

“Let's begin.”


Mariing hinalikan ni Philip si Charles. He felt that he's still responding. May mga pagkakataon na kakagatin ni Philip ang labi nito at bigla nalang itong mapapaungol sa sakit at sarap.

“Ahhhh...”

Nagsimulang gumala ang kanyang mga kamay. He started playing with the nipples. Charles moaned to death.

Naghahalo ang sakit at kiliti na nararamdaman ni Charles. Ngayon lang sya nakaranas ng ganito. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman.

“Ahhhh. More.. More..” nauulol na ungol nito.

Philip smiled. He knows he's pleasing his prey.

Ngumiti sya at kinuha ang kandila. He lit candle. Rinig nya ang paghinga ni Charles. Sarap na sarap ito. Halatang nagaantay kung anong mangyayari.

“Let's try new stuff.”

“S-sure.”

Kahit na nagaalangan ay mas nanaig ang libog na nararamdaman ni Charles. Hindi nya alam ang dapat iexpect dahil na rin sya ay nakapiring. Ang pagkakapiring nya ay naghatid sa kanya sa sobrang kalibugan.

Philip wildly sucked Charles' right nipple. He was very crazy. Walang paglagyan ang ungol ni Charles. Maya-maya pa, pinatak ni Philip ang tulo ng kandila sa abs ni Charles. Halata sa ekspresyon sa mukha nito ang pagkagitla at kirot.

“A-ano yun?”

“This is the game.” malanding bulong nya dito.

Mas naexcite si Charles. Ngayon lang nya naramdaman ito. Iba ang pakiramdam. Philip brought him to a new level of excitement.

Nagpatuloy ang ganitong routine. Patak ng kandila-dila sa utong. It drove Charles loco. Sarap na sarap sya sa sakit at sarap. Hindi sya makapitlag dahil na rin sa gapos sa kanyang kamay at paa.

“You love pain my slave, don't you?” there's dominance in his voice.

Dala na rin ng sobrang init na nararamdaman, Charles agreed.

“Yes. Yes!”

“You love pain!”

“I do!” sigaw nito.

Then let's bring it to the next level.” sagot ni Philip.

“Yeah.” sagot nito.

Walang ideya si Charles sa mga nasa utak ni Philip.

“Wait for me here.”

Tumango ang walang kalaban-laban na si Charles.

Kinuha ni Philip ang kanyang latigo.




Arvin was soundly sleeping. Napagod sya kakapirma ng kung anu-anong papel para sa factory. Bigla nalang syang napasandal sa kanyang office chair at nakatulog. Naalimpungatan nalang sya dahil sa usok na bumabalot sa buong kwarto.

Pupungas at wala pa sa ulirat, hindi maaninag ni Arvin kung ano ang nangyayari. Para bang maulap ang kanyang paningin. Ilang segundo pa, kumapal ang ulap na nababanaag ng kanyang mga mata. Sumakit at nagluha ang mga ito. Hindi rin sya makahinga ng maayos. Nahihirapan syang huminga.

It was then too late when he saw the place burning.

Nasusunog ang lugar! My factory's burning!

“Sunoooooog! Sunooooog!”

He was yelling to death.

Naramdaman nya ang init na nakakapaso. He tried to run pero nagliliyab na ang kanyang mga dadaanan. He was crying. He was shouting.

“Suunnooooooogggg! Suuunnooooooggg! Tulungan nyo ako! Tulungan nyo ako!” patuloy nyang pagsigaw.

Walang nakarinig sa kanya. Hindi nya alam kung anong mangyayari.

Patuloy sya sa pagtakbo. Hindi nya alam kung paano sya makakalabas.

“Suuunnoooooooooooggggg!!!”


I T U T U LO Y . . . .