Wednesday, September 5, 2012

Bullets for my Valentines- Part 16

Dylan Kyle's Diary
Dylan Kyle Santos
Bullets for my Valentines
_______________________

Author's Note:

Maraming salamat po ulit sa mga nagcomments...

Again nakakatuwa po yung nakikita ko na nagrereact kayo sa isinusutlat ko....

Stay tune kasi marami pa ang mga episodes...

Always Here,

Dylan Kyle Santos

videokeman mp3
Laging Ikaw – Christian Bautista Song Lyrics


***********************************************************

[AJ’s POV]


Agad nila akong niyakap lahat. 

Tuwang tuwa ako sa nakita kong pagsalubong nila sa akin. 

Agad akong hinalikan ni Jaysen at gumanti ako. Ang lambot ng labi niya. pilit niyang pinapasok ang bibig ko. 

Ano ba naman tong si Jaysen, sa harap pa ng mga magulang ko? He bit my lower lip. Pilyo talaga ito.


“Sa harap talaga nila mama at papa?” tanong ko. 

Isang piltyong ngiti lang ang sinagot niya. agad kong niyakap ulit si mama at papa.


“Akala ko hindi na ako magigising.. akala ko mawawala na ako. Sorry at pinag alala ko kayo. Sorry po mma at papa.” Umiiyak na ako.


“Anak… ayos lang yun.. ang mahalaga ngayon okay ka na…” sabi ni mama.


“Please anak.. stay with us ha. Live for us…”


Naiiyak naman ako sa sinasabi nila mama at papa. 

Niyakap ko sila ng sobrang higpit na para bang wala ng bukas.


“Ma.. I promise….Pa… mabubuhay ako….kayo talaga. Hindi namamatay agad ang isang masamang damo.” Sabi ko. 

Agad naman akong binatukan ni Chad, well ano pa ba at niyakap ko din siya. 


“Best friend pinakaba mo kami doon. Marami na ang nag aabang sa pagbabalik mo sa school. Kaya bumalik ka na. at isa pa ano ba ang nangyari sa iyo?” ngumiti lang ako. 

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa harap ni Jaysen na iniisip ko si James ng mga oras na iyon.


“Well. May iniisip kasi ako nun. Then suddenly, nahirapan ako bigla huminga. At unti-unti ng nawalan ako ng malay.” Ang pagkwento ko.


“Well you should be careful next time. Dapat hindi na mangyari sayo to…” sabi ni Chad. 


“Yang bf mo kasi di na pumasok for you…” dagdag nito.


“Huh? bakit naman bhie ikaw talaga.” Tanong ko.


“Eh kasi gusto ko ako un among makikita eh. At isa pa, gusto ko sa tabi mo lang ako.” Sabi niya.


“Your so sweet. Ikaw talaga.” Yumakap ulit sa kanay at hinlikan ko siya.


“May reward ako sayo pag medyo magaling na ako..” tapos kinindatan ko siya. 


Binulong ko lang sa kanya iyon. Nakita ko naming namula siya at nag blush.


“Oh bakit ka namumula Jaysen?” tanong ni Chad.


“Ah eh.. wala wala…”


“Oi best friend ano ang sinabi mo diyan?”


“Wala ah. Ikaw talaga napaka tsismoso mo.” 


"Hindi ah. Ewan ko sayo.”


“Teka nagugutom ako.” Sabi ko. At ikinuha ako ni Jaysen ng pagkain.


Wow, sinusubuan niya ako. 

Ang sweet naman niya. todo kwentuhan naman kami sa nangyari sa labas noong wala ako. 

Madami-dami na pala akong dapat habulin na lessons. 

Si Chad talaga bangkang-bangka sa kwentuhan. Di talaga papatalo kahit kailan.

Ang ingay niya at ang lakas ng boses. 

Ang dami niyang biniling foods para sa akin. Yeah.

 He is sweet talaga. Mag gagabi na ng nagpasyang umuwi si Chad.


“Sige uwi na ako ha. Dami pa akong gagawin eh. Magpagaling ka panget.” Sabi niya sa akin.


“Nahiya ako sa kagwapuhan mo ah.” Sabi ko.


“Ako pa.” sabi niya.


“Che alis na.” sabi ko.


“Bhie. Bukas pumasok ka na ha.” Sabi ko.


“Pwede bang sa makalawa na lang?” sabi niya.


“Hindi, dapat bukas pumasok ka na. baka nagtataka na yung papa mo.”


“Hindi yan. Ikaw talaga.”


“Oi ikaw pumasok ka. Magagalit ako sayo sige ka.”


“Opo boss.” Nagtawanan sila papa.


“Anak, wag mo namng i-under tong si Jaysen.” Sabi ni papa.


“Hindi naman pa.” dipensa ko.


Nagkwentuhan pa kami ni Jaysen ng ilang oras. 

Sweet talaga niya kahit kalian haixt. Bigla ko na naman naisip yung kanina. 

Yung bangungot ng nakaraan.


“Bhie tutulog na ako.” Sabi ko sa kanya.


“Okay sige sige. Good night sweet dreams. I love you” sabi niya.


“I love you too.” Sabi ko. Bigla siya humiga doon sa may sofa.


“Bhie. Gusto ko tabi tayo.” Sabi ko.


Tumingin siya kila mama at papa na humihingi ng permiso. 

Agad akong yumakap sa kanya. Na miss ko siya. 

Kala ko kasi mawawala na ako. Niyakap din niya ako ng mahigpit.


Feeling ko kapag kasama ko siya safe ako. 

Ako na lang ata ang gising noon at pilit kong naalala ang dati...

Maya maya, unti-unti akong nakatulog. Sa aking pagtulog, muli nanariwa ang nakaraan.

(Flashback)


Nasaan ako? Bakit puti ang nakikita ko. 


Matapos ang ilang araw na pagkakatulog, eto ako, narito sa hospital. Nakita ko ang kamay ko na may bendang nakalagay. 


Well, buhay pa nga ako. Malas naman. Yan ang nasaisip ko.


Bakit ba hindi pa ako natuluyan? 

Walang nagbabantay sa akin, well di na dapat ako nag eexpect. 

Siguro after nito iiwanan na lang nila ako kay lola. Mas mabuti pa nga. Sabi ko sa isip ko.


Tumayo ako at lumabas ng kwarto. 


Nag lakad-lakad at nahagilap ng aking mga mata ag isang chapel sa loob ng simbahan. 

Agad akong lumuhod at nagdasal.


Ilang minuto lang ay may dumating na isang lalaki. 


Matangkad siya at matipuno. Mga nasa 20’s na ang edad. 


Well siguro patient din siya tulad ko. May bracket ang kamay niya. naaksidente siguro siya.


Nakatulala ako. Iniisip ko pa rin ang nangyari. 


Unti unti lumuha ako. 


Hindi ko napigilan ang magsalita kahit na nadiyan siya. 


Mukha naman kasing mabait siya.



Gwapo siya at mukhang well built ang katawan. Nang titigan ko ang mata niya, nakita kong malungkot ito at para bang walang buhay. 


Nagsimula akong magsalita. Oo, nagsalita kahit di ko siya kilala.


“Kapag nabasag ang puso, ang tunog hindi malakas tulad ng isang pagsabog. Pwede kasing hina ng nalaglag na dahon. Ang masakit nga lang doon, ikaw lang ang nakarinig...... Minsan hirap din pala magpahalaga ng isang tao. Yun tipong lagi kang nandiyan para sa kanya, kasama sa gitna ng gera, karamay sa mga problema... ngunit isang araw.... magigising ka na lang..... iniwan ka na pala niya...”


Mukhang napansin niya na siya ang kinakausap ko kaya nagsalita siya.


“Tol, may problema ba?” tanong niya sa akin.


“Pagpasensiyahan mo na ako kuya, emosyonal lang ako.” Sagot ko.


“Tol... dapat di ka ang laslas...” sabi nito.


“Masakit eh.... yun tipong di kayo pwede ng mahal mo... yung iniwan ka niya dahil sa mga taong nasa paligid mo... di kayo tanggap ng lipunan at ng mga tao....at higit sa lahat yung lokohin ka niya… ang sakit sakit.” sabi ko na napapaluha na ako. 


Mukhang may nabuong konklusyon sa isip niya dahil medyo may iniisip siya.


“Tol... wag ka ma-offend ha.. pero bisexual ka ba?”


“Sa totoo.... oo... ikaw din di ba?” tanong ko.


“Hahahah... yup... pano mo nasabi?”  


“Ramdam ko eh... pati alam kong naiintindihan mo ako...”


Ngumiti siya at muling nagsalita. 


"Lam ko yang nararamdaman mo... alam mo, hirap pag nawala ang mahal mo... nakaklungkot, masakit, nakaka-miss... bakit kaya ganoon? Pagkatapos ng saya, dadating din yung time na iiwan ka niya, dun pa sa part na sobrang mahal mo na siya...”



“Sa una... akala ko wala-wala lang... pero nung nagtagal.... nahulog ako ng sobra.... mahal ko siya... sobra...... itinago namin ang lahat tungkol sa amin.... pero.... yun nga lang... wala eh...”



“Alam mo... darating yung point na magasasama din kayo. Kung kayo, kayo talag kung hindi, well.... sorry try again....” sabi niya. 


Natawa naman ako doon. 


“Yan.... ngumingiti ka naman pala eh” sabi niya.


“Salamat at may nakakusap ako tulad mo.”


“Ako nga din eh... kaya wag ng sad... nababawasan kagwapuhan mo eh..”


“Naku bola agad ha...”


“Totoo naman eh.. hahah..” sabi niya.


“Well.... sabi nga nila, ang pag ibig daw parang crispy pata..... masarap pero deadly...”


“Hahahah... may point ka.... haha.. pero minsan ang pag ibig parang tinapakang ipis..... akala mo patay na... yun pala buhay pa.....” sagot niya


“Well... yeah right.... sabi ko nga minsan kasalanan ito ng puso ko eh... Teka sa movie na I do tong mga lines nayan ah...” nagtawanan kami.


“Hay nako.... wag mong sisihin ang puso mo.... batukan kita eh.... sabi nga ni Bob Ong.... Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo....”


“You are an amazing man....” hangang hanga na sabi ko.


“Nope... di naman... pero somehow... nakaligtas nga ako sa kamatayan ng katawan ko... ewan ko nga lang kung ang puso ko makaligtas pa ulit...” sabi niya.


“Bakit.... may problema ba?”


“Kasi yung mahal ko... hanggang ngayon di pa niya ako dinadalaw...di ko alam kung anong nangyari sa kanya... ayokong isipin na iniwan niya ako.....”


“Siguro naman hindi... you are an amazing guy.” Sabi niya.


“Nakak-flatter naman... pero iaaccept ko... hahah...”


Nagkwentuhan kami at marami akong nalamn tungkol sa kanya. 

Nag kwento din ako about sa akin. 

Ilang minuto din kaming nag kwentuhan. Hanggang sa marinig ko na ang boses ng mama niya.


“Nicko, Nicko.... ” sabi ng mama niya.


“Tol, sige alis na ako ha. Ingat ka lagi. Well cheer up ha.” Sabi niya.


“Yup.” Sabi ko sabay ngiti.


Umalis na siya. 


Well, hope na makita ko siya ulit. 


Nakakahanga talaga si kuya. 


Well ang galing niya at nahandle niya ang sitwasyon na tulad na ganun. 


Bumalik na ako noon sa kwarto ko. 


Naasalubong ko si Ate noon. 


Halata na sobra siyang nag aalala. 


Kasi naman wala akong paalam na lumabas ako ng kwarto eh. 


Niyakap niya agad ako.


“Bunso akala ko saan ka na pumunta.”


Isang ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. 

Pagpasok ko nakita ko si mama na napapluha na.

Hindi ako sanay na nakikita ako ni mama na ganito. 

Parang walang buhay at walang sigla. 

Mula bata pa si mama na ang ka-close ko. niyakap niya ako.


“Saan ka nagpunta anak?”



“Dyan lang po sa gilid-gilid.” Sabi ko. 


Naramdaman ko na sumakit yung wrist ko. 


Hinawakan ko ito. umupo ako sa kama ko at saka humiga.


“Bakit mo nagawa yun? Tanong niya sa akin. Ang tinutukoy siguro ni mama eh iyong pag lalaslas ko.


“Di ko na kaya.” Mapait kong sagot.


“Pero hindi na dapat umabot pa sa ganun anak. Nag alala kami ng sobra.” Sabi ni mama.


“Ma, hindi ninyo ba nakita yung ginawa ni papa. Halos patayin na niya ako noon. Tapos hindi ko pa uunahan ang kamatayan?” sabi ko.


“Ano ka ba? Maswerte ka at may buhay ka pa.” sabi ni ate.


“Di ninyo ako maiintindihan.” Sabi ko.


“Bakit ka ba nakipagrelasyon sa kapwa mo lalaki? May girlfriend ka naman dati ah?” tanong ni mama na para bang disappointed pa rin.


“Ma, dahil mahal ko siya. That’s it.” Sabi ko.


“Nagkakamali ka lang ata anak. Lalaki ka at hindi bakla.”


“Ma,anuman ako, eto ako. Tanggap ko na ang sarili ko.” Sabi ko.


“Pero anak.”


“Pero ma.”


“Sana magbago pa ang isip mo.”


“Hindi na magbabago ang isip ko.”


“Bakit ba ang tigas na ng ulo mo?”


“Dahil ito sa inyo ni papa.”


“Bakit naman?”


“Pinatigas ninyo ang puso ko.”


“Pero anak.”


“Pero ma, please.. eto na ako. Wala na kayong magagwa. Kung hindi ninyo ako tatanggapin ayos lang. naiintindihan ko ang kalagayn ng mga taong tulad ko. Mahirap tanggapin sa lipunan ang mga tulad naming. Pero nasa modern world na tayo. Accept the fact na eto na ako ngayon.” Sabi ko.


Si ate naman nakikinig lang. alam kong gusto niya akong pagalitan.


“Tanong ko lang ma, tatanggapin ninyo ba ako?” tanong ko.


Di ko alam kung dapat ko bang itanong iyan. 


Kung kaya ko bang marinig ang isasagot sa akin ni mama. 

Hindi siya sumagot.


“So, alam ko na ang sagot… well…. Aala ko sa pelikula ko lang to mapapanood… akala ko sa mga binabasa ko lang ito mababasa, pero yung feeling na nireject ka ng sarili mong magulang… pamilya.. ang sakit… ang sakit sakit…. Shit.” Ang sabi ko.


Niyakap ako ni ate.


“Ate.. alagaan mo sila mama ha…” binatukan niya ako.


“Hindi ako papayag na paalisin ka nila sa bahay. Tanggap kita kung sino ka man. Kung mahirapan man sila na tanggapin ka, well tutulungan kita. Ipakita mo sa kanila na katanggap-tanggap ka.” Sabi ni ate.


Bigla akong napaluha sa sinabi niya. oo hindi kami magkasundo ni ate pero di ko akalain na siya pa ang magsasabi sa akin ng ganito.


“tanga ka kasi.” Sabi ni ate. Napangiti lang ako.


“Kung magpapakamatay ka, dapat yung talagang matutuluyan ka. Para naman mag sink in sa utak mo na sinayang mo lang ang buhay mo sa walang kwentang bagay. Dapat nakikipag laban ka hindi yung susuko ka lang. dapat maging strong ka kapatid.” Sabi nito. doon ako nabuhayan ng loob sa mga salita ni ate.



“Alam mo ang mga bagay-bagay ay pinag hihirapan. Alam mo dapat kung kalian mo dapat ipaglaban ang gusto mo.”



“Ate salamat ha. Maraming salamat.”



“Ipaglaban mo na ganyan ka. Di ka man nila tanggap ako, naririto tanggap na tanggap ka.” Sabay halik sa aking noo.


(End of Flashback)

Umaga na pala. Nagising ako sa sikat ng araw. 

Sila mama at papa ayun nagkakape. Samatalang si Jaysen katabi ko pa rin.


Nakita ko naman si ate na nakaharp sa may TV at nanonood. 


Hala si ate pala nandito. 


Bumangon ako ng bahagyan kaya nagising si Jaysen.


“Good morning bhie.” Sabi niya sa akin sabay yakap at halik.


“Good morning din bhie.” Sagot ko.


“Oh ang sweet nung dalawa.” Sabi ni ate.


“Inggit ka.” Sabi ko.


“Kapal mo meron din ako.” Sabi nito.


“Oh buti at natauhan ka na” sabi ulit ni ate.


“Well ganun talaga.”


“Kamusta na ang malandi kong kapatid?”


“Eto buhay.”


“Pansin ko nga.”


“Malamang nakakusap mo pa ako eh.”


“Pilosopo.” Sabi nito.


“kAin na tayo.” Sabi ko. At nag almusal na kami.


Maaga kong pinapasok si Jaysen. Ayaw pa nga niya eh kaso di talaga pwede.


“Ikaw ha mag behave ka. You should focus sa studies hindi sa kung anumang bagay.”


“Opo loves ko.” Sabi nito.


“Kapag nalaman kong naglandi sa school lagot ka sa akin.” Sabi ko.


“Bro, trustworthy yang si Jaysen. Ikaw lang yung hindi.” Sabi ni ate.


“Shut up big ugly sister.” Sabi ko.

“Shut up.” Sabi naman niya.


bago siya umalis request siya ng request ng kiss. 


Di na talaga nagsawa. 


Namumula na nga labi ko kakahalik niya sa akin. 

Paano ba naman paboritong kagatin ang labi ko?

Masarap ba talaga ang labi ko at ganun na lang siyang manggigil. 

Well siguro nga, kasi si James halos ayaw ng pakawalan ang labi ko. 

Tumawa na lang ako.


Nagkwentuhan kami ni ate ng biglang dumating ang doctor ko. 


“Good morning doc.” Sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin.


“Kamusta ang pasyente ko?”


“Nabobored na po ako dito.” Sabi ko.


“kamusta po pala ang result ng tests?” tanong ni papa.


“I have good news and bad news…” sabi ni doc. 


“The good news is, bukas pwede ka na lumabas ng hospital…” sabi nito.


“Well that’s great” sabi ni mama.


“And what the bad news doc?” tanong ni ate.


“The bad news is….” Nakita ko ang pagiging seryoso ng mukha ni doc.

(Itutuloy)

*********************************************

2 comments:

_xtian said...

I remember nicko and the quote of bob ong... But I forgot what story... Hehe Well, sana may update na agad... Excited what will happen next... =)

_xtian

Dylan Kyle Santos said...

if I let you go po yung story.. :))