Monday, September 17, 2012

Bullets for my Valentines- Part 22

Author's Note:

Hey guys.. ayon balik schedule ng post na naman ako..... mag sched ako ng mga post and hope na mabasa ko ang comments ninyo as soon as possible... hahaha...

siguro mga 3 posts or 4 posts ang schedule ko ngayong araw...

ayon pasukan na namin ulit... 2nd semester na namin.... jahahaha

Nga pala.... bisita naman kayo sa page ko sa fb... hahaha wawa naman eh.... hahah joke.. wala lang.. post comments or what.. basta kayo na bahal.. di na kasi ako nakakapag bukas ng fb dun eh... hahah para magkabuhay na ulit... hahahaha

eto po link...

Dylan Kyle's Diary (fb page)

tapos blog ko pa-follow naman... salamat po

Dylan Kyle's Diary (blog)


di na muna ako makaka respond sa mga comments ninyo ng madalas ah.. salamat po...

I dedicte my post to PAUL, happy birthday bro... hahaha


-------------------------------------------------------------------

Bullets for my Valentines
Part 22
"Love game" 


Always here,

Dylan Kyle Santos


videokeman mp3
We Found Love – Rihanna Song Lyrics

******************************************************************


[AJ’s POV]

Nagising ako ng mga alas dose na. tanghali na pala. 

Pero teka, bakit parang ang hapdi ng labi ko. Grabe ha.

Wala na sa tabi ko si Jaysen. 

Parang nabugbog tong labi ko. 

Hindi naman ganun ka intense ang halikan naming kagabi. 

Hinanap ko ang damit ko at pumunta ako ng CR.

Pagharap ko sa salamin nanlaki ang mga mata ko. 

Anong nangyari sa labi ko? 

Bakit sobrang pula nito. 

Iisa lang ang alam kong may kagagwan nito.

Agad akong nag ayos ng sarili at bumaba sa bahay nila. 

Nakita kong nag hahanda sila Princess ng pagakain.


“Oh AJ gising ka na. tamang tama at kakain na tayo maya maya.” Sabi niya.


“Kuya mo?”


“Andun sa labas nag babasket ball.”


“Ah okay. Salamat.” 


At nakuha pa niyang mag basketball. Eh nakailang three points siya sa akin kagabi. Tapos may free throw pa siya kanina.


“Teka anong meron sa labi mo ang pula ha? Mukhang nasobraan yan sa kiss.” Sabi ni Princess. Nahiya tuloy ako.


“Hindi naman.”


“Mukhang nag honeymoon kayo kagabi ah.”


“Hoy hindi ah.”


“wag na mag deny.”


Pinuntahan ko si Jaysen. 

Noong makita naman niya ako eh ngumiti siya at kumindat. 

Mukhang nakabawi na siya ng lakas ah. 

Pero nakita ko yung labi niya, well mapula ito pero mas mapula pa rin yung akin.

Nakasandal lang ako sa may pito habang pinagmamasdan siya. 

Ang sexy naman neto. 

Nakakaakit yung muscles niya sa braso at yung 6 packs abs niya. siguro sanay na talaga siyang ibalandra ang katawan niya. lagi na lang kasi siyang shirtless eh.

Ang swerte ko naman sa bhie ko. He is the one. 

Napangiti ako habang naglalaro sa isip ko ang mga naiisip ko.


“Baka matunaw ang kuya ko.” Biglang sabi ni Princess.


Nagulat na lang ako ng biglang magsalita si Princess sa aking likuran.


“Woah. Nanggugulat ka ah.”


“Oh diba. Nahuli pa kitang nakatitig sa kuya ko. Ano sexy niya no?”


“Yeah. He’s sexy and hot.” Sabi ko.


“Ngayon ko lang nakita na Masaya si kuya.”


“Bakit naman?”


“He was hurt by his ex girlfriend. Nakita ko kung paano siya nahirapan noon. Iniwan siya nito at nag aral sa ibang bansa kaya ganun na lang ang hinagpis niya.” sabi ng kapatid niya.


Wala akong masyadong alam sa nakaraan ni Jaysen. 

Hindi naman siya nag open sa akin. 

Hihintayin ko na lang na mag open siya sa akin kaysa naman mangialam ako. 

Pero na cucurious ako. 

Ano ba yan?


“God bless sa inyo… ingatan mo kuya ko. Mahal na mahal ka niyan. Kakaiba ang saya niya na nararamdaman niya. alam kong kakaiba ang ibinibigay niya sayo. Well. Boto naman ako sayo. Wag kang mag alala pati alam kong magkakasundo tayo.” Biglang sabi niya.


Napangiti naman ako. 

Tumingin ulit ako sa kinaroroonan ni Jaysen. 

Nakatingin siya sa amin at parang nagtatanong kung ano ang pinag uusapan namin.


“Oi kuya kakain na tayo.” Sabi ni Princess. Tamang tama kasi gutom na ako.


“Ok.” Pumasok na kami ni Princess.


Pinaupo niya ako katabi niya. well ang laki talaga ng bahay nila. Di naman ganito kalaki bahay namin. Well nakakapanliit. 

Tumabi sa akin si Jaysen at sa ilalim ng lamesa bigla niyang hinawakan ang kamay ko. 

Napatingin tuloy ako sa kanya. 

Ngumiti naman siya at ngumuso. Kinurot ko lang siya sa kamay.


“Aray.” Sabi niya. napatawa naman ako.


“Hanggang sa pagkain nag haharutan kayo ah.”


“sawayin mo kuya mo.”


“Oh ako pa rin. Ako na lang lagi. Ako na gwapo. Ako na sexy.. ako na mahal mo.” Sabi ni Jaysen.


“Ang hangin naman dito.” Sabi ni Princess.


“Oi bunso ah. Akala ko kakampi kita dito.”


“Sus. Kelan pa?”


“So baligtaran na pala tayo dito.”


“Joke lang kuya. Kaltasan mo pa ako ng allowance.”


“Kakaltasan talaga kita.”


“Subukan mo lang kuya. Black mail lang.”


“Oh ano ngayon?” nakakatwang mag away itong dalawang ito. tinapos na naming ang pagkain namin.


Nag aayos na ako para umalis ng pumasok si Jaysen sa kwarto.


“talaga bang uuwi ka na?” bigla siyang ngumuso na parang bata kapag may gusto na hindi naibigay.


“Ano ka ba. Papagalitan na ako ni mama. Mag hahapon na oh.”


“Kasi naman eh.”


“Wag ka nga. Para kang bata eh.”


“isa pa.”


“Anong isa ka pa jan. ang dami na noon kagabi at kanina. Di ka pa ba nag sawa?”


“Hindi. Ikaw yan eh. Iba ka eh.”


“Grabe ha.” Lumapit ako sa kanya at himiga sa balikat niya.


“Bhie ko. Ikaw ha. Wag ka masyadong mahumaling sa akin.” Sabi ko.


“Joke lang yun bhie ko. Medyo na excite lang ako. Hinahanap hanap ko na yun.”


“Masakit yung ginawa mo kagabi ha. Batukan kita.”


“Eh naman eh. First ko yun. Nakuha mo ako ng malinis.”


“ang drama ha parang babae lang.”


“Bhie I love you.”


“I love you too.” Kiniis ko siya sa lips at lumayo na.


“Ihatid na kita ha.”


“Okay.”


“Adik sayo.” Bigla niyang sinabi.


“Awit sa akin.” Sabi ko naman na kumakanta.


“Wow. Nakanta ka pala.”


“Lahat naman kumakanta.” Sagot ko.


“I mean ang ganda ng boses mo.”


“Naku hindi ah.”


“Nilang sawa na sa aking mga kwentong marathon.”


First time kong marinig siyang kumanta. Ang gwapo ng boses niya nakakinlove. Ang ganda ng boses niya.


“Tungkol sayo… at sa ligayang…” tuloy ko.


“Iyong hatid….. sa aking buhay….” Tuloy niya.


“Tuloy ang bida sa isipan ko’y ikaw…” tinuloy ko. Napangiti siya at lumapit sa akin.


“Sa umaga’t sa gabi sa bawat minutong lumilipas…. Hinahanp-hanap kita…. Hinahanap hanap kita…”


“Sa isip at panaginip bawat pag pihit ng tadhana…”


“Hinahanap hanap kita…. Haaaaa…”hinalikan niya ako.


Well wala ko na kung saan mapupunta ang mga ito. kakaiba talaga tong lalaking ito. sumesegway pa sa akin ng ganito. 

Bumagsak ang katawan naming sa kama at nangyari ulit ang nangyari sa aming dalawa kagabi.

Ilang araw ng busy sa practice si Jaysen. 

Halos hindi na kami nagkikita at naiintindihan ko naman yun. 

Kaso nakakamiss siya eh.

 Nakita ako ni Chad na nakatulala.


“Oi iniisip mo naman siya?”


“Oo weh. Bakit?”


“Wala lang. sa Thursday na yung laban nila no?”


“Oo. Sino ba kalaban nila?”


“Yung dati pa rin. Hahahah. Nood ka ba?”


“Oo naman support ko kay Jaysen yun eh.”


“Naman.”


“Sige tara uwi na tayo. Pero daan muna tayo sa gym.”


“Okay.” Dumaan ako sa gym para bigyan ng tubig si Jaysen.


Bumili na rin ako ng pagkain. 

Nung dumating ako doon eh break nila kaya nakausap ko si Jaysen. Wow. 


Parang lalong lumaki ang katawan niya. nahapit siguro sa practice.


Niyakap ko agad siya sa sobrang pagkamiss. Kiniss ko din siya. Naghiyawan sila.


“Wow pre. Namiss ka ng loves mo.”


“Yeah namiss ko din to.” Sabi niya.


“Oh dinalhan kita ng pagkain at tubig. Uuwi na kami. Good luck sa laban niyo ha.”


“Manonood ka diba?”


“Oo. Wala naman akong klase nun eh.”


“Yes naman. Gaganahan ako lalo.”


“Para sayo.”


“I love you.”


“I love you too. Sige alis na kami ni Chad. Good luck sa practice.”


“Ingat sa pag uwi. Deretso uwi ha.”


“Opo boss.” Umalis na kami. 

Naglalakad na kami ng biglang may nakabangga ako. Nag sorry naman ako agad.


[Chad’s POV]


Game na nila Jaysen. Sa school naming gaganapin yung laro. 

Grabe, ang tagal ni AJ. 

Tinatawagan ko na siya pero di naman niya sinasagot yung phone. 

Kanina pa ako kinukulit ni Jaysen.


“Nasaan na si bhie?”


“Ewan ko ba. Knina ko pa tinatawagan. Pero siguro on the way nay un.”


“Malapit na mag simula. Ano bay an. Sana makita ko siya.” Malungkot na sabi niya. hinawakan ko siya sa balikat at sinabing.


“Good luck sa game. Kaya mo yan.”


“Pag nandito na siya sabihin mo pumunta siya sa may bench naming o kaya sa locker ha. Need ko siya eh.” Sabi niya.


“Opo.”


Saan na naman kaya nag punta yung lalaking yun. 

Tinatawagan ko na pero wala talaga eh. 

Nagpa reserve na ako ng upuan naming dalawa ni AJ. Grabe ha. 

Ang tagal talaga niya.

Hinintay ko na siya sa may harapan ng gym. 

Sinipat ko ang oras pero wala pa rin siya hanggang ngayon.

Ano bang nangyari sa kanya? Habang nag aabang ako, nakakita ako ng isang pamilyar na mukha. Teka.

Naka jersey siya at, mukhang player siya. 

Bakit siya nandito? 

Anong ginagawa niya dito? 

Ibig sabihin ba makakalaban niya sila Jaysen.

 Di ko aakalain na varsity din pala siya. 

Natulala ko ng papalapit siya sa akin.

Gwapo niya sa suot niang jersey. 

Sukat na sukat sa kanya at bagay sa kanya ito. 

nakangiti siya sa akin habang paplapit siya sa akin.


“Dito ka pala nag aaral?”


“Oo weh.”


“So kalaban pala naming school ninyo.”


“Oo nga. Di mo sinsabi sa akin na kasali ka dito.”


“Hindi ka naman nagtanong eh.”


“Ikaw ha.”


“Cheer mo ako ah.” Sabi niya.


“Dipende. Yung bf ng best friend ko eh kasali din dito. Hahah.”


“Ah ganun ba. So makikilala kona siya ngayon?”


“Uhmp dipende.”


“Gusto mo labas tayo after ng game.”


“Okay ba?” Sasabihin ko sa kaniya.


“Okay sige.”


“Good luck sa game.”


“Salamat.” Pumasok na siya.


Di pa rin ako makapaniwala na si Arkin ay kasali sa game. 

Siguro magaling ito. hahahah. 

Grabe di ko na alam kung sino ang i-chee-cheer ko.

Tapos nag yaya pa siya na labas daw kami. Ayiieh. 

Kinikilig ako. Haixt. 

Ano ba naman yan? Nakakakilig. Woooh.

Maya maya naramdaman kong nag ring ang phone ko. Si AJ.


“Asan ka na?” tanong ko.


“On the way na ako. May emergency kasi eh. Kaya ayun. Pasabi kay Jaysen na sorry. Lapit na ako. Dito na ako terminal ng jeep at isang sakay na lang sa terminal ng trike sa may ****.”


“Sige ingat. Text mo ako pag nandito ka na. nireserve na kita ng upuan.” “Okay salamat.”


“Nga pala pinapasabi ni Jaysen na punta ka daw sa may bench o locker nila kung sakali na dumating ka. Di siya makapagconcentrate kung wala ka.”


“Okay pasabi na lang I love you. Tinawagan ko phone niya kaso mukhang din a niya hawak.”


“okay sige po boss.” At binaba ko na yung tawag.


Itong si AJ talaga oh pasuspense kahit kailan. Nag simula na yung laban.


[AJ’s POV]


Waah lagot ako kay Jaysen. Nalate ako. Kasi naman eh.


Inatake na naman ako ng asthma. 

Ayaw pa nga akong paalisin nila mama eh. Kaso nag pumilit ako. 

Medyo okay na naman ako.

Dinala ko yung isang inhaler na ginagamit ko para in case eh may gamot ako. 

Tapos badtrip traffic pa. 

Kanina pa ako tinetext ni Chad.


“Oi malapit na matapos yung first quarter. Lamang ang kalaban ng 10 pts. Grabe di makapag concentrate si Jaysen” text ni Chad. Grabe naku. Lagot na.


“Asan ka na?” “Oh. Naku lumalaki ang lamang.”


Buti na lang at nakadating na ako sa terminal ng trike. 

Sumakay na ako. 

May kasabay ako papuntang school kaya hindi na ako nag special. Nag text ako.


“Malapit na ako. Ano na musta na jan?”


“Ayun lamang na sila ng 15 pts. Di makapag concentrate si Jaysen.”


“Awts. Lapit na ako.”


“Okay. Bilisan mo. Kailangan ni Jaysen ng power mo.”


After 3 minutes ay nakarating na ako. 

Tapos na daw ang 1st quarter at patapos na ang 2nd quarter.

Kung hindi dahil sa traffic eh nakapunta nan ako sa school ng before mag end ang 1st quarter.

Agad naman akong pumunta sa may gym. Ayun. 

Naabutan ko na sila. 

Agad kong hinagilap si Jaysen at nakita ko agad ito. 

well talagang di siya nakakconcentrate.

Agad kong tinignan ang nag lalaro at nagulat ako sa unang nahagilap ng mata ko. 

Napatigil siya ng makita ako. 

Maging si Jaysen napatigil at ngumiti sa akin.

Ngumiti din ako pero ang labis kong ikinagulat ay yung makita ko si James na naglalaro din. 

Kalaban nila Jaysen ang mga ito. 

So sila ang kalaban ng school namin. 

Nagtuloy na sila ng laro.

Agad namang bumawi si Jaysen. 

Naabutan na nila yung score. 

Pakitang gilas siya sa akin. Well adik talaga niya.

Pero nakatingin pa rin sa akin si James. 

Pumunta na ako sa bench nila Jaysen. 

Di ko na lang pinansin ang presensiya ni James. 

Nakatingin lang ako kay Jaysen.

4 pts na lang ang lamang ng kalaban sa kanila. 

Malapit nang mag time. 

Naka 3 points ang kalaban kaya nakalamang na naman sila. 

Tapos nag dalawang 3 points naman ang team nila Jaysen kaya 1 point na lang ang laman.

At natapos ang 2nd qurter pero nakahabol ng 3 points si James. 

Mukhang matinding labanan ito ah.

Lumapit agad sa akin si Jaysen at niyakap ako. 

Hinila ako sa may locker room at agad siyang tumitig sa akin. 

Niyakap niya ako ng mahigpit.


“Bakit ngayon ka lang.” parang bata na sinabi niya.


“Sorry na. nagkaroon ako ng emergency. Bhie sorry na.” sabi ko.


“Amp. Pinag alala mo ako. Next time mag text ka ha. Anong emergency yun?”


“Ah eh. Wala yun. Dapat ikaw nag fo-focus sa game. Bakit ka nag patambak ha?”


“Eh kasi kaya hinahanap kita sa mga upuan doon. Eh ayun di ako makapg concentrate. Gusto ko kasi makita mo pinag hirapan ko.”


“Aysus. Nag mamayabang ka na naman jan.”


“Eh naman eh.” Bigla niyang hinigpitan yung yakap niya sa akin.


“Bhie. Mag time na. mag start na ulit yung game.”


“Kiss muna.” Hinalikan ko siya sa pisngi.


Basang basa ng pawis yung katawan niya pero mabango pa rin. 

Bigla niyang hinawakan yung mukha ko at siniil ng halik. 

Iba talaga tong si Jaysen kahit kalian.

Bumalik na agad siya sa court. 

Pumunta naman ako doon sa may bench. 

Doon na muna kasi ako pinatambay ni Jaysen. 

Para daw support.

Pero iba  rin ang nararamdaman ko, bakit nandito si James? 

Pag labas ko, saktong kalalabas din lang ni James. 

Nagkatinginnan kami at ako na mismo ang nagbawi ng tingin ko.

Hindi ako kumportable na nariyan siya. 

Bakit ba ako ninenerbyos ng ganito katindi? 

Grabe naman oh. 

Hindi ko maiwasn na mapatingin sa kanya. 

He look so good sa jersey shirt niya.

Saka ko lang napansin na monthsary namin yung number niya na nakatatak dun sa damit niya. 

Napatulala na lang ako sa kanya. 

Pinagmasdan ko kung paano siya mag laro at namangha ako. 

Galing niyang mag laro. Di pa rin kumukupas.

Pero hindi papatalo si Jaysen. 

Silang dalawa na nga lang ang parang naglalaban eh. 

Pagnakaka shoot si Jaysen, ganun din si James. 

Siguro pagnalaman ni Jaysen na ex ko si James, di talaga siya papatalo.

Biglang tumingin sa akin si James at nahuli niya akong nakatingin sa kanya. 

Bigla siyang kumindat sa akin. 

Grabe siya ha, tumingin ako sa tabi ko at nakita kong nakangiti si Steve sa akin.


“Mukhang type ka nung naka number 24 ah?”


“Sus. Bakit ako?”


“Kinindatan ka kaya.”


“hindi ako yun.”


“Deny pa eh…. Lakas ng appeal mo ah..”


“Che…. Kaw talaga… mamaya mabangko ka jan…”


“Di ah… sumalang na ako nung 1st quarter.. mamaya na lang 4th quarter…”


“Palusot…” at tumawa ako.


Ang intense ng laban. 

Halos pantay lang ang score. 

Lamang lang ng 2 points yung kalaban nung natapos ang 3rd quarter. 

Hinandaan ko naman ng tubig at towel si Jaysen.

Basang-basa siya ng pawis at uhaw na uhaw. 

Pinaligo na nga niya yung tubig na binigay ko eh.


“Ano kaya pa bhie?” bigla niyang hinawakan ang kamay ko.


“Oo naman. Nanjan ka eh… yaan mo ipapanalo ko tong laban na to para sayo…”


“Talaga lang ha… sige lang… andito lang ako para mag cheer…”


“Grabe ka naman… di ka nga sumisigaw ka jan…. I cheer mo ako ng sobra…”


“grabe ka naman ha. Daming tao..”


“Sus… magtatampo ako….” 

Bigla na lang siyang tumayo dahil start na yung game. 

Pati si Steve eh umalis na.

Nagsisimula na ng game ng biglang tumawag sa akin si Chad.


“Asaan ka na?”


“Dito na ako sa may bench….”


“Ah okay.. akyat ka na dito…”


“Sabi ni Jaysen dito na muna ako eh…”


“Okay sige… nga pala, pwede ba ikaw mamaya?”


“Uhm ayos lang naman bakit?”


“Kasi niyaya tayong lumabas nung ikinukwento ko sayo… ano game?”


“Wow ha.. okay sige sasabihin ko kay Jaysen… susunod na lang kaming dalawa… text text na lang…”


“Okay ba. Sige.” At in-end na niya yung call.


Then back to the game. Hahha. 

Ang gwapo talaga ni Jaysen oh. 

After 6 minutes eh patay na yung score with 92-92. 

Halos lahat sila hingal na hingal na. kawawa naman yung mahal ko, alam kong pagod na pagod na.

Dumako naman ang tingin ko kay James. 

Pagod na pagod na rin siya. 

Nangingintab na yung katawan niya pero he looks so sexy sa suot niya.

Kitang kita yung muscles ng katawan niya. 

nagulat na lang ako ng itinaas niya yung damit niya kasi nag break muna sila. 

Well siguro nag gym na to kasi perfect build na yung abs niya na tulad ni Jaysen.

Then back to the game na ulit. 

Halos lahat ng players magaling pero namumukod tangi talaga sila Jaysen at James.

Parang dahil sa kanila eh umiinit ang laban. 105-107 ang score and down to 1 minute. 

Grabe  lahat ay intense na kasi lamang ang kalaban.

Ang galing kasi nitong si James eh. 

Halos lahat pagod na pagod na. 

Sa kalaban ang bola at nag shoot sila, naka dipensa ang team namin.

Nag shoot si James pero di nag shoot. 

Naagaw naman ni Steve ang bola. 

Na corner siya kaya ipinasa niya sa team mate niya. 

20 seconds na lang.

Pinasa nung teammate niya kay Steve ulit. 

Then tumakbo sa may ring. Pero naharang siya. 

Last 10 seconds. Lahat sila nag countdown na.

Ipinasa niya kay Jaysen at nasalo naman nito. 

Last 5 seconds. 5….. 4….. nasa may 3 points shoot area si Jaysen at saka itinira ang bola sabay sabing…. “I love you AJ!” 3…. 2… Lahat kami inabangan naming na mag shoot siya.

Umikot pa yung bola sa ring ng ilang beses hanggang sa… 1…. 0…. At nag shoot ang bola. 

Agad akong tumingin sa score board.

108-107, wiiih. 

Lahat nag si tayuan at nagpalakpakan. 

Nag hiyawan at nag bunyi ang team namin. 

Halos lahat kami di makapaniwala dahil akala naming wala na. 

Agad lumapit sa akin si Jaysen at niyakap ako.


“I love you bhie ko.”


“Ang galing galing ng mahal ko.”


“Para sayo yan eh.”


“Oo nga halata…. Talagang sinigaw mo pa eh..”


“Naman ako pa ba?”


“Sus ikaw talaga.”


Tinawag naman siya ng team niya at nakipag amay sa kabilang team. 

Agad naman akong pumasok sa may locker room. Ayokong muling makita si James.


Agad naman akong nahirapan na namang huminga. 

Kinuha ko yung gamot ko at ininom ito. 

Agad akong naghabol ng hininga. 

Ayokong makita ako ni Jaysen ng ganito.


[James’ POV]


Natapos na yung game. Tanggap ko naman kung natalo kami. 

Sports naman ako. 

Ang galing nung kalaban ko na naka #10 yung jersey. 

Well ayos naman ako kahit papaano.

Nakita ko kasi ulit si Arwin. Iba na siya talaga. 

His hair. 

His face ang body. 

Mukhang nag work out siya kasi lumaki ang katawan niya. 

Bagay na bagay yung damit niya sa kanya.

Fitted yung muscles at bakat yung dibdib. 

He is handsome as always. 

At nahuli ko pa siyang nakatitig sa akin. 

Ginalingan ko talaga yung laro ko para sa kanya para mapansin niya ako at sa tingin ko naman ay nag work yun.

Hinanap ko siya pero biglang nawala yung anino niya. 

Masyado talaga siyang mailap sa akin. 

Pero hindi ako susuko dahil ilang buwan na lang at dito na rin ako mag aaral. 

Kasama niya.

Tinawagan ko si Chad.


“Hello.” Sabi ko.


“Asan ka?”


“Andito sa may labas ng gym ninyo.”


“Ah okay malapit lang ako jan hintayin mo na ako.” Sabi niya at binaba ko na yung tawag.


Ilang sandail lang ay nandiyan na rin siya. 

He is smiling. Cute din naman pala to. Gwapo siya pero para sa akin mas gwapo ang mahal ko. 

Yung kalaro ko din kanina gwapo. Lakas makalalaki nga eh.

Ilang beses kaming nag kadikit. 

Di ko maintindihan pero may kung ano sa kanya na naiisip ako. 

Ano kaya at ganun ang pakiramdam ko sa taong yun?


“Congrats nga pala.” Sabi ko.


“Aysus…. Sayo din.”


“Talo nga eh.”


“Kahit na. galing mag laro ah.”


“Nahhh… hindi naman.”


“So tara na?”


“Okay sige…”


“Susunod na lang daw yung best friend ko eh…”


“Okay sige… sa SM na lang tayo.”


“Okay sige…”


“Ligo na muna ako..” sabi ko.


Naligo na muna ako saka nag palit. 

Grabe ang sarap ng tubig. 

Ang lamig kaya nakakpresko. 

Nag paalam na muna ako sa team.


“Pre una na ako… lalabas kami ng kaibigan ko eh.”


“Ah okay sige ingat…. Nice game.”


“Hahaha… oo nga… sige pre…” palabas na ako ng room ng makasalubong ko yung nakalaro ko kanina.


“Pre… congrats… bati ko.”


“Salamat pre… nice game… galing mo ah.. nahirpan ako sa pagdepensa sayo.”


“Sari-sariling taktika lang yan.”


“Hahaha…. Pero ang galing mo..”


“Ikaw din… hahaha salamat.” 

Nakipag kamay siya sa akin.

Bigla namang may tumawag sa kanya.


“Bhie… oh….. sige anjan na ako…. Okay… love you…” at binaba niya yung phone niya.


“Sige pre…”


“Okay.”

Pag kaalis niya lumabas na rin ako. 

Nakita ko si Chad na may kasama. Sila yung kasama ni Arwin nung nakita ko siya sa jeep ah. 

Hindi kaya magkakakilala sila? 

Oh baka scool mate lang sila. Saka ko naitatanong.

Nung lumapit ako sa kanila nakita ko ang panlalaki ng mata nila. 

Nagulat siguro sila sa akin. 

Madaming babae ang nakatingin sa akin.

Nginingitian ko naman sila. Agad naman umalis yung kasama ni Chad.


“Kilala mo sila?” tanong ko.


“Ah… classmates ko lang…”


“Ah ok.”


“Bakit?”


“Wala naman.”


“Tara na.” sabi niya at umalis na kami.


Agad naman kaming dumeretso sa may SM. May dala naman akong sasakyan kaya madali kaming nakarating.


[AJ’s POV]


“Bhie…. Okay ka lang?” tanong niya sa akin.


“oo naman bakit?”


“Namumutla ka eh.”


“Sa init lang to. Ligo ka na at hinihintay na tayo ni Chad.”


“Okay sige….” Nag madali naman siyang naligo. Nag text sa akin si Chad.


“Asan na kayo?”


“Hintay ko pa tong si Jaysen.”


“Ah okay.”


“on the way na kami.”


“Sige.”


“May dala kayo car?”


“Meron si Jaysen”


“Sige kitakits… text kita kung saan ha.”


“Okay lang… sige…. Ingat… behave ka ha.”


“Tangek ka.”


“Sus… si best friend lumalandi oh.”


“Ewan ko sayo.”


“hahaha. Sige ingat.”


Maya maya lumabas na si Jaysen. 

Nakatapis lang siya ng towel. 

He is so sexy and yummy. 

Nakakapaglaway ang katauhan niya. 

Nakatitig siya sa akin sabay kagat labi. 

Grabe talaga tong lalaking ito. Prince of Seducing.

Nagbihis na siya.


“tara na.” yaya niya.


umalis na kami ng school. 

Medyo okay na naman ang pakiramdam ko. 

Nakakhinga na ako ng maaliwalas. 

Feeling ko ako ang naglaro eh.


“Pagod ka ba?” tanong ko.


“Oo naman… pero pag nanjan ka… nawawala lahat.”


“Ayiieh… ang sweet…”


“Ako pa.”


“Sus. Alam mo para kang timang sa ginagawa mo kanina sa locker.”


“Bakit naman?”


“May pakagat kagat labi ka pang nalalaman ha?”


“Hahaha… sexy ko kayang tignan nun.”

“Pano mo naman nasabi aber?”


“Sabi ng isip mo.”


“Sus. Hindi kaya.”


“Oo kaya.”

“Hindi.”


Bigla siyang tumigil. 

Binasa niya ng labi yung bibig niya at tumitig sya sa akin.


“Mag drive ka na nga lang.” sabi ko.


“Pa isa muna dito…” sabi niya.


“Grabe ka ha… ganyan ka pala..”sabi ko.


Tumawa lang siya ng malakas. Itinuloy na lang niya yung pag drive niya.


“Mamayang gabi…. Hahahah.” Biglang sabi niya.


“Hoy lalaki. Tumigil ka nga.”


“I missed you.” Sabi niya.


“Pagod ka sa laro.”


“Edi iinom ako ng energy drink.”


“Ewan ko sayo.”


“Pwedeng hindi na… kiss mo pa lang…. I ve got my energy back na eh.”


“Corny mo.” Maya maya nakrating na kami. Nag text ako kay Chad.


“Dito na kami.”


“Okay. Nasa may food court kami.”


“Kdot.” Text ko. Pumasok na kami sa loob.


“Bhie una ka na… CR lang ako saglit.”


“Okay sige…. Dun lang kami sa may food court”


“Okay susunod ako. Mabilis lang to.”


“Okay sige.”


Agad naman akong pumunta sa may food court. 

Hinanap ko ng tingin si Chad. Well ang daming tao ha. 

Nasaan kaya yung lalaking yun? 

Isa… dalawa… tatlo… and… ayun to the left to the left… mag isa lang siya. 

Nasaan kaya yung kasama niya?


“Oi.” Sabi ko sa kanya nung makalapit ako.


“Oi.. upo ka.” Sabi niya.


“Uupo talaga ako.”


“Sus. Ang tagal ninyo ah. May ginawa pa siguro kayong dalawa.”


“Daming alam ah.”


“Oh nasaan si Jaysen?”


“Ayun nag cr.”


“Ah okay…. Hintayin na lang natin silang dalawa.”


“Okay ikaw bahala. Oh nasaan na yung kadate mo?”


“kadate ka jan… ewan ko sayo…”


“Sus… deny pa…. talagang niyaya mo pa kami ah”


“Siya kaya ang nag yaya.”


“Mamamanhikan na ba?”


“Tangek ka…”


“Oh nasaan na nga?”


“Nag CR lang din.”


“Sus… ewan ko sayo.” Sabi ko.


“Oo nga… oh ayan na pala siya.”


Agad naman akong lumingon. 

Nasa may likod ko daw eh. 

Nakita ko ang isang lalaki sa may likod ng aking upuan. 

Agad kong itinaas ang tingin ko.

Unti-unti ng narereveal ang pagkatao nung lalaking ikinukwento niya. 

Gwapo daw yung crush niya. 

Sus mamaya mas gwapo pa ako. Hahaha.

Hanggang sa magtagpo ang mga mata namin nung lalaking sinasabi ni Chad. 

Agad namang nanlaki ang mga mata ko. 

Parang natigang ang lalamuan ko dahil hindi ako makapag salita.

Maging ang lalaking yun ay natigilan. 

Parang nakakita siya ng multo.

Natigilan kaming dalawa. 

Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at nasabing,

 “Ikaw?”

(Itutuloy)

********************************************************

medyo mahaba siya kasi pinagsama ko yung dalawang chapters dito... hahaha...

No comments: