Friday, September 7, 2012

Bullets for my Valentines- Part 17

Author's Note:

Salamat po sa mga nagcomment... :))

Always smile guys....

Sorry medyo mapapasched lahat ng post ko this month... hahaha'''


"To the world you may be only one person, but to that person, you may be the world…"

Sana magustuhan ninyo yung mga posts ko.... enjoy reading guys:))



Always Here,

Dylan Kyle Santos


videokeman mp3
Walang Iba – Ezra Band Song Lyrics



************************************************


[AJ’s POV]


“Ayokong biglain kayo pero kailngan maalarm ko na kayo.” Sabi ni doc. 

Nakita ko naparang tutulo na ang luha ni mama. Well ako din naman eh ramdam ko grabe.


“Doc. Ano ba talaga nangyayari?” tanong ni mama.


“He is fragile, Mr. and Mrs. Montederamos. Your son have a weak heart. Fragile na ang heart niya.” Halos mabingi ako sa narinig ko.


Did I hear it right? 

Tama nga ba lahat ng narinig ko. 

Para akong nasabugan ng bomba. 

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. 

Nakatulala ako ngayon at nag isip kung ano ang gagawin ko? 

Mamatay na ba ako?


“Doc, baka naman ho nagkakamali lang kayo? Ulitin ninyo yung test. Baka naman nagkapalit lang ng files. Baka naman.. doc! Handa kaming magbayad.” pag hihisterical ni mama.


Inaalalayan na siya ni papa. 

Bakas sa mukha ni papa ang labis na pagkakalungkot. 

Umiiyak na si mama at ng dumako ako sa kinaroroonan ni ate, nakita ko na nakatakip ang bibig niya at dumadaloy na rin ang kanyang luha.

Di ko mapigilan ang lumuha sa nangyari. 

Noong una hindi pa siya hikbi, pero ng magtagal, sunod-sunod na ang aking pagluha. 

Niyakap ako ni mama ng mahigpit.


“Anak… anak…. Gagawin ko ang lahat.. gagawin naming ang lahat…” niyakap ko lang si mama habang naiyak.


“Well Mr. and Mrs. Montederamos, di namin kayo minamadali, surgical pa lang naman ang need sa kanya at hindi naman required ang heart transplant. Ia-assure lang natin na magiging okay ang lagay ng puso niya. I think medications will help. Kaya pa siguro siyang gamutin sa medication but you should be careful with your heart” sabi ni Doc.


“Gawin ninyo ang lahat. Handa akong kumayod para lang gumaling ang anak ko.” Sabi ni papa.


“Malaking halaga po ang gugugulin po natin sa surgical ni AJ. At isa pa, as long as okay siya, hindi po natin mamadaliin ang pagschedule ng heart surgery. Yun lang po eh kung hindi na po ulit magkakaroon ng ganyan si AJ.” Sabi ni Doc.


“Doc, ma…. Ma… mamatay na ba ako?” tanong ko bigla.


“You are strong…. Di ka pa mamatay… you need lang to undergo surgery.”


“Pero natatakot ako.”


“Yun nga lang. you need to be agree. Hindi natin pwedeng i-pursue ang surgery kung ayaw ng patient.”


“Sige doc, pag uusapn muna namin to. Salamat doc.” Sabi ni papa. 


“Sige I’ll be heading. Pagaling ang pasyente ko ha.” At umalis na si doc


Pagkaalis ni doc, lahat kami tahimik. 

Si mama, wala pa ring tigil ang pag iyak. 

Si ate naman nakatingin sa malayo samantalang si papa lumapit sa akin at agad akong niyakap.


“You will be okay… I’m sure you will be ok.”


“Pa natatakot ako… baka hindi na ako magising…” sabi ko.


“Isipin mo lang kami…”


“Pero hindi pa ako handa.”


“Pero anak…”


“Pa, yaan muna natin si AJ. Nabibigla lang siya.” Nakita ko si mama na pugto ang mata.


“Ma, pa, ate… kung maari po sana, wala pong makakaalam ng tungkol dito… nagmamakaawa po ako.” Sabi ko.


“Pero..”


“Ayoko na kinakaawaan ako. Ayokong nalulungkot at nagaalala sila sa akin.” Sabi ko.


“Paano si Jaysen?”


“Ayokong malaman niya.”


“Pero karapatan niya.”


“Karapatan ko din na manatiling sa atin lang to.” Sabi ko.


Sa totoo lang pinanghihinaan ako ng loob. 

Hindi kami ganoon kayaman para sa surgical na to. 

Isang average family lang kami. 

At isa pa, gusto ko munang mapag isa. 

Gusto ko na maging maayos muna ang lahat sa akin. 

Gusto kong mag isip isip.

Iniwan nila muna akong mag isa. 

Ano ba tong buhay ko, parang nagiging patapon na? 

Hindi ba pwedeng puro saya na lang? 

bakit sa lahat ng tao ako pa. ganun ba talaga ako makasalanan para maging ganito ang buhay ko? 

Haixt.

Bakit ba nagkakaganito pa ang buhay ko? 

Masaya na ako sa piling ni Jaysen kahit na may natitira pag pagmamahal sa puso ko para kay James, pero ginagawa ko naman ang lahat para awala yun eh. 

In fact natututunan ko na siyang makalimutan. 

Wag na nga lamang siya magpapakita sa akin.

Hinagilap ko ang phone ko at tinawagan si Rizza. 

Well siya lang ang masasandalan ko now. Pag sinabi ko kasi kay Chad to, mag aalala din siya. 

At isa pa, mas maganda kung magiging okay ako sa paningin nila. Yung masiglang AJ ang haharap sa kanila. 

Tumunog ang phone at hinihintay ko na lang na sagutin siya. 

Medyo matagal sagutin ha. And ayun, sinagot na niya.


“Hello, Cebu Pacific 123, what can I help you.” Napangiti ako sa sinabi niya. mukhang may tama na naman ito sa ulo.


“Para kang timang. Magpapabook ako papuntang China.”


“Hahahah. Adik mo lang. mag Philippine airlines ka kaya.”


“Che. Haixt. Thanks for making me smile ha.”


“Your very very very welcome dear. Oh may problema?”


“Paano mo nahulaan?”


“Wala lang. I know lang. naramadaman ko?”


“Madam Auring ikaw ba yan?”


“Well kung di mo sasabihin bahala ka.”


“Teka teka. Bat ba ang init ng ulo mo. Meron ka no?”


“Wala ah. Kakatapos ko lang last week. Wew. So ano?” tanong niya.


“Papuntang China na ako.” Sabi ko.


“Well. Pasalubong ko ha.”


“Tae. Makinig ka muna. Baka Mama-China na ako.” 


Bigla siyang natahimik sa kabilang linya.


“Hoy. Ano?” sabi ko.


“I hate you. Wag kang magsalita ng ganyan. Babatukan kita eh.”


“Seryoso ako.” Sabay tawa


“Ewan ko sayo.”


“Hindi pa naman daw malala kaso baka mategok na ako.” 


Unti-unti lumuluha na rin ako. 

Naaapektuhan na ng pag iyak ko yung pagsasalita ko.

Narinig kong humihikbi na siya. 

I know deep in my heart she is the one na katangi-tangi na pinaka best sa best sa best friend ko.


“Wag ka ng malungkot may paraan pa naman.”


“Tae ka. Pinapaiyak mo ako. Ano bang sakit mo?” naiyak pa rin siya.


“Mahina daw ang puso ko. I think medications will do, ayokong mag under sa surgical operation.”


“Pero.”


“Ayoko. Ayoko talaga. Handa ako mag undergo sa medications pero hanggang doon na lang.”


“Ang tigas mo talaga.”


“Matagal na akong matigas.”


“I mean yung ulo mo.”


“Pareho ba?”


“Manyak mo. Ewan ko sayo pilosopo.”


“Joke lang. I am trying to make things ease.”


“Gusto kitang puntahan jan.”


“Sa bakasyon na. dito ka magbakasyon sa bahay namin. Ako bahala sayo.”


“Well plano ko talaga yan ha. ihanap mo ako ng boys jan ah. Ung gwapo.”


“May naisip na ako kung sino.”


“MAg titiwala ba ako sa taste mo?”


“Well akala mo lang. ang gwapo kaya ng bf ko.”


“HAAAAAAA?!!!!” nakakabingi ang sigaw niya.


“Takte ang sakit sa phone ha.”


“Teka may bago kang bf?”


“Oo.”


“Paano na si.. ano.. si..”


“Ayoko ng marinig pangalan niya. ayoko na siyang makita.”


“Pero…”


“Wala ng pero pero.”


“Ay ewan ko sayo. Baka rebound lang yan ha.”


“Hindi naman. Mahal ko naman yung tao.”


“Gwapo ba?”


“See for your self.”


“Ay ganun sige sige. Naexcite tuloy ako.”


“Nga pala.”


“Ano yun?”


“Wag mong ipag sasabi yung sinabi ko sayo ha.”


“Bakit?”


“Basta. Sayo ko lang sinabi sayo. Pamilya ko at ikaw lang ang nakakaalam nito.”


“Okay maasahan mo ako.”


“Sige na at baka naiistorbo na kita.”


“Buti naman at naramdaman mo.”


“Bruha ka.”


“Ganda kong bruha ha infairness.”


“Wag kang feelingera.”


“Ganda ko namang feelingera.”


“Ewan ko sa yo.”


“Ewan ko din sayo.”


“Sige na ba-bye baka maabutan pa ako nila mama, pagalitan pa ako kasi gumamit na agad ako ng phone.”


“Sige babussh..” at pinatay ko na yung tawag.


Muli nanahimik ako. 

Nakapagdesison na ako na hindi ako mag uundergo sa surgery. 

May phobia na ako jan. naalala ko kasi nung bata pa ako, sa pinsan ko. 

May heart disease din siya pero ayun nga, namatay yung pinsan ko kasi di siya nakapag survive. Haixt.

Ako na kaya ang susunod? 

Muli nanakit ang dibdib ko. Nahirapan akong makahinga. 

Lagi na lang bang ganito ako. 

Kapag masyadong emotional sasakit ang dibidb? 

Pilit kong inaabot yung emergency button pero di ko maabot. 

Hanggang sa masagi ko yung baso at nahulog sa sahig ng lamesa.

Nag bigay to ng ingay na agad naming nakakuha ng atensiyon nila mama. 

Agad silang pumasok at nakita ang kalagayan ko.


“Anak…” sigaw ni mama.


“Tumwag ka ng nurse anak…” sigaw nito kay ate. 


Nag histerical naman silang tatlo. Hindi nila alam ang gagawin.


“Anak. Hang on. Wag ka munang bibigayh.” Sabi ni mama.


“Tu… tu… tubii…tubiig..” sabi ko.


Kumuha agad si papa ng tubig. 

Uminom ako agad. 

Unti unti nagging okay na ang pakiramdam ko pero nandun pa rin ang kaunting pag hagilap ko ng hangin. 

Dumating din agad ang nurse kasama ang doctor ko. 

Tinignan nila yung mga records ko. 

Si doc naman eh tinignan ang heartbeat ko.

May pinainom sila sa akin. After ilang minutes ay nagging okay na ako.


“He’s okay.” Sabi ni doc.


“Salamat naman sa Diyos.” Sabi ni mama.


“Well ikaw iho wag pasaway. Pag sinabing magpahinga, dapat magpahinga.” Ngumiti lang ako.


“Well Mr. and Mrs. Montederamos, makaklabas na siya mamaya. Pero kaya pa naman kahit hanggang bukas kasi yung bill ninyo sa hospital eh hanggang bukas pa. kaya pwede pa siyang mag stay dito. Mas maganda siguro kung mamonitor muna siya. Pero kung gusto na ninyo umuwi eh okay lang. He should take medicines na ipre-prescribe ko. Dapat tuloy-tuloy.” Mahabang sabi ni Doc.


“Sige dito muna kami. Bukas na kami uuwi. Pakibigay na lang sa akin yung mga gamut doc. Ako na ang bahalang bumili.” Sabi ni papa. Umalis na si Doc.


“Ma… mag tatake na ako ng medications ko. Pero ayokong mag pasurgery.”


Nung hapon, umuwi si ate para alagaan yung mga kapatid ko na naiwan sa bahay. 

Hinihintay ko na lang na dumalaw si Jaysen. 

Dadaan daw siya dito eh after ng class. 

Sabi ko kila mama, sa may garden lang ako ng hospital. 

Well masarap tumambay dun. Maaliwasn, madaming uri ng halaman.

Punong-puno pa ng mga paru-paro at ng mga ibon. 

Ilang minuto na lang at darating na si Jaysen. 

Naisip ko na naman ang mukha niya. ang amo kasi ng mukha niya. 

ang swerte ko at nagkaroon ako ng boyfriend na tulad niya.


Habang nasa ganun akong sitwasyon, hindi ko maintindihan kung bakit sumingit muli ang mga pangyayari ng nakaraan. 

Kung aano ba ako tinanggap nila mama at papa.


(Flashback)


Isang buwan akong tiniis nila mama at papa na hindi kibuin. 

Ayos lang sa akin yun kasi naiintindihan ko sila. 

Pero malapit na akong mag graduate at feeling ko si ate na talaga ang aakyat sa akin sa stage. 

Feeling ko kasi eh wala silang balak pumuta sa graduation ko.

Well ginawa ko ang lahat para maabot ko ang pagiging Valedictorian. 

Oo nag strive ako. 

Habang nasa klase, iniwasan ko ang mga distractions. 

Ilang beses akong kinakausap ni James pero hindi ko siya iniimikan. 

Wala akong pakialam sa kanya.

Kung alam lang niya ang ginawa niya. pero nagtataka lang ako kung sino ang nagpakalat ng lahat ng tungkol sa amin. 

Pero feeling ko may idea na ako.

 Ayoko lang talaga manisi ng iba. 

Yaan mo na nangyari na ang lahat.

Tuwing linggo tuloy-tuloy pa rin ako sa  pag punta sa ampunan. 

Si Khail lang ang lagi kong nakakusap. 

Well, sabi niya gusto daw niya ng magulang na tatawagin kaya pumayag naman kami ni James na maging magulang niya.


“Daddy… wag ka na sad.” Sabi nito.


“Wag ka mag alala, I will be okay.”


“Pero daddy… ayokong sad ka…”


“Salamat… pa kiss nga sa baby ko…” Tinuro niya yung pisngi niya at kiniss ko.


Siya lang talaga ang kaisaisang nakakintindi sa akin kahit na bata pa lang siya. Nag laro kami ng naglaro. 

Gusto ko ngang ampunin si Khail kaso wala na akong magagawa. 

Wala akong pera at isa pa may issue pa ako kila mama. Haixt. 

Sana lang matapos na ito at promise ko babalikan ko itong si Khail.


“Baby…. Ako lang magiging daddy mo ha.. wala ng iba…” sabi ko.


“Opo.. kayo lang dalawa ni Daddy James magiging magulang ko…” Ngumiti lang ako.


“Gusto kitang ampunin kaya hintayin mo ako ha…”


“Opo. Hindi ako magpapaampon sa iba. Alin lang sa inyo ni Daddy James ako sasama. Wag ka pong mag alala.”


“Baby…” narinig kong sabi nung nasa likuran namin. Narinig ko ang boses ni James.


“Arwin…. Usap tayo..”


“Baby… dun ka muna ha. Usap lang kami ng daddy mo…” sabi niya kay Khail. Agad namang umalis si Khail at nakipaglaro sa iba.


“James… ayoko na. tigilan mo na ako.”


“Pero mahal kita.”


“Pero sinaktan mo ako.”


“Hindi ko sinasadya.”


“Pero ginawa mo.”


“Lasing ako nun.”


“Kahit lasing ka man o hindi, matanda ka na. alam mo yung ginagawa mo.”


“Pero…”


“Please.. ayoko na… magulo na ang buhay ko. Muntik na nga akong mamatay at kamuhian at ipagtabuyan ng pamilya ko kaya please lang…”


“handa kitang ipag laban.”


“Wala ring pupuntahan ito… ipaglalaban mo ako? Paano ha? Pag sinaktan mo ulit ako?”


“Pero tapos nay un… forgive me…”


“Ewan ko sayo.. please lang leave me alone….” 



Umalis na ako doon at nag paalam kay Khail. 

Iniwan ko si James doon na nag iisa. 

Masakit pa rin ang ginawa niya sa akin.







Dalawang araw bago mag graduation kinausap ko si ate.


“Ate, mag handa ka ng isusuot mo ha… presentable ka dapat…”


“Tange sila mama kaya sasama sayo.”


“Mukhang hindi naman.”


“Aysus. Magiging okay din ang lahat.”


“Payakap nga ate.”


“Ayoko nga kadiri ha”


“Dali na.” bigla ko siyang niyakap at umiyak sa kanya.





Hinaplos naman niya yung ulo ko at pilit pinapakalma.




“Ate ano pa ba ang kulang? Ginawa ko na ang lahat para maging mabuting anak. Ginawa ko gusto nila. Nag karoon ako ng varsity at isa pa scholarship. Naging Valedictorian na ako pero wala pa rin. Sa isang pagkakamali pinakita nila na hindi na nila ako anak. Ano bang gagawin ko ate? Ano pa? gusto ko lang naman na maintindihan nila na ako ito. ako pa rin to kahit na bisexual ako.” Umiiyak ako ng sobra sobra.




“Pssshhht. Tahan na. mahirap lang talagang tanggapin na ang kapatid ko na pinaglalawayan ng mga babe, ganda ng katawan, matalino, talented at mana sa ate niya na mabait ay ganyan. Intindihin mo na lang sila mama. Nagaadopt pa sila.”


“Pero ate hanggang kailan? Hanggang kalian pa ako mag dudusa ng ganito?”


“Matuto kang mag hintay, matatanggap ka din nila promise.”


“Sorry anak.” 


Nabigla kami sa nagsalita sa likod namin. Agad akong napabalikwas ng tayo.


“Ma… pa…” sabi ko habang nagpupunas ng luha. Agad akong niyakap ni mama.


“Anak sorry.. sorry kasi hindi ka namin naintindi. Mahirap lang talaga ang paniwalaan ang lahat. Oo nasakal ka namin anak dahil ang gusto lang naming ay ang maging mabuti ang lahat. Maging maayos ang buhay mo. Hindi naming naisip na kami pala ang unti-unting sumisira ng buhay mo.” Sabi ni mama. Napaluha nanaman ako sa sinabi ni mama.


“Ma… sorry po kasi ganito ako. Sorry po at binigo ko kayo sorry kasi nag failed ako.. sorry po.. sorry…” agad naming lumapit si papa sa amin.


“Pa…” Niyakap niya ako ng sobrang higpit.


“Sorry anak. Sorry kasi hindi kita inintindi. Hindi ko kaya ang mawala ka. Lalo na nung nagtangka kang mag pakamatay. Pasensiya ka na. sorry kung ganito ang ginawa ko sa buhay mo…. Patawarin mo ako anak.”


“Pa… sorry din po…. Sana po mapatawad ninyo ako sa nagging buhay ko ngayon…” Pinahid namin ang mga luha namin saka nagharap ulit.


“Anak.. matagal tagal naming pinag isipan to. Anak, tinatanggap ka namin kung ano ka. Handa na kaming yakapin ang bagong Arwin na nakagisnan naming. Sana maging malapit na ang loob natin sa isa’t-isa.” sabi ni papa. 


Doon ako lalong napaluha. Agad ko silang niyakap at dumaloy na naman ang isang eksena na hindi ko makkalimutan sa buong buhay ko.



(End of Flashback)


Isang kamay ang tumakip saaking mata kaya bumalik ang lahat sa realidad. Si Jaysen ata to eh.


“Mahal ko..sino ako?” tapos sabay tawa.


“Sino pa ba… si Jaysen ko…”


“Tama…” tapos inalis niya yung kamay niya at humarap ako sa kanya.


Agad niya akong siniil ng halik. 

Ang bilis talaga nito kahit kalian. 


He bit my lower lip. 


Pilyo talaga to. 

Aba’t pilit niyang pinapasok ang bibig ko. 

Itinulak ko siya ng bahagya na siyang dahilan ng kanyang pagkakahiwalay sa akin.


“Ang bad mo.” Sabi ko.


“Hehehe. Namiss lang kita.”


“Muntik na yun.” Sabi ko.


“Muntik ka ng bumigay sa mga halik ko?”


“Hahaha. Adik mo kasi. Tigil ka na nga.”


“Oh kalian ka daw lalabas?”


“Bukas daw eh.”


“Susunduin kita…”


“May pasok ka diba?”


“Wala. Nga pala inihiram kita ng notes sa mga classmates mo.”


“Salamat bhie ko. I love you bebe ko..” sabi ko.


“I love you too.”


Paakyat na kami sana noon ng biglang tumunog ang phone ni Jaysen.


“Po… bakit po?” nakita ko ang pag iba ng ekspresyon ni Jaysen.


“Sige po uwi na po ako after 20 minutes… sige po.. ok po…” nakita ko na nakakunot na noo ni Jaysen.


“Problem?” tanong ko.


“Wala. Si papa lang yun. Tara na.” sumunod naman ako sa kanya. 

Inalalayan lang niya ako. 


Well okay nanaman ako. 


Feeling better. 


Bawal lang daw talaga ako mastress.



(Itutuloy)

No comments: