Wednesday, September 19, 2012

Unbroken 2.12

Author's Note: Thank God! Bumalik na po ang drive ko sa pagsusulat. Sana nga ay tuloy-tuloy na to. Gusto ko pong magpasalamat kay Dylan Kyle at Kenji sa lagiang paguupdate sa blog ko noong mga panahon na hinahanap ko ang aking sarili. Chos.





 
“Ma? What are you doing here?”

Daniel gave the fine lady a kiss on the cheek.

“Hijo, weren't you happy to see me here?” malambing na sabi ng babae

Daniel smiled.

“Ofcourse, I do. Bakit naman hindi?

“Then why ask what the hell on Earth I was doing on my only son's pad?”

Muli itong ngumiti sa kanya at saka hinawakan ang kamay nito papasok sa loob ng bahay. Daniel was still in cold sweat that time. Ramdam na ramdam pa rin nya ang panginginig.

“Daniel, why are you shaking?”

Bingo! Nahuli sya ng kanyang ina.

“Mom, I ain't. Go and grab yourself a seat.”

Umupo ang ginang at nakita ang mga sandwiches sa mesa, maging ang juice.

“Daniel, are you okay?”

“Yes mum. Why?”

“Why did you prepare sandwiches? That's very uncommon of you, my son.”

Nangiti ang ginang. Alam nya kung gaano kabatugan si Daniel. Dahil may pera, walang alam gawin sa bahay. Sa halip ng gumawa ng sandwich ay lalabas nalang ito para bumili ng burger.

“I actually have a guest mom. He actually forced me to make him some sandwiches.”

His mom grinned.

“He might be someone close to you. Imagine? Nautusan ka nya?”

His mom then laughed. Oh, he missed his mom so much. And he must admit to himself that he missed the way she laughs.

FR was listening to their conversation sa likod ng pinto ng kwarto ni Daniel. He wants to actually look normal and not tensed dahil alam nyang ipapakilala sya nito kapag lumabas siya. Mabuti nalang at mabilis syang nakapagbihis.

“Ma naman!” giit ni Daniel

Napangiti si FR. Spoiled-brat nga talaga si Daniel.

“Ahh! I'll introduce him to you. He's a nice guy and a good friend.”

“I know he is. You won't let him in here if he's not. I know you, Daniel.”

Napaisip sya. Oo nga. Sobrang hirap sa kanya ang magtiwala pero dahil sa sobrang gaan ng loob nya kay FR ay naisip nya agad isama ito sa kaniyang tahanan.

“He is. Wait mum, i'll just call him in. He's in my room kasi, trying to nap dahil he's feeling a bit dizzy.”

“Sure.”

Marahan syang lumakad papalapit sa kanyang kwarto. Mabilis pa rin ang galabog ng kanyang dibdib. Mabilis na lumayo sa pinto si FR. Ayaw nyang isipin ni Daniel na nakikinig sya sa usapan nila ng kanyang ina.

Nakita nya ang pagbukas ng pinto. Itinapon noon si Daniel.

“Let's go. Mom wants to meet you.”

Napalunok sya sa narinig.

“Your mom? Why?”

“She just wants to. Don't worry mabait yun.”

Daniel gave him a reassuring smile.

“I'm nervous.”

“Don't.”

Bago pa man siya makapagsalita ay hinawakan na ni Daniel ang kanyang mga kamay. Hinatak sya nito papalabas ng pinto. Pinilit kumalas ni FR sa pagkakahawak ng kanilang mga kamay.

“Wag. Walang holding hands. Nakakahiya sa mom mo.”

“I just want to comfort you. You're shaking.”

Nagbuntong-hininga sila pareho.

“Thanks.”

Akmang aalis na sana si FR ng kwarto nang bigla syang hinatak ni Daniel papunta sa gilid ng kwarto. Rumehistro ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha.

“Wh-what are you doing Daniel?”

Daniel smiled.

“Making you feel better, I supposed.”

Binigyan sya nito ng isang makahulugang ngiti at bago pa man siya makagpagsalita ay nagtama na ang kanilang mga labi. Nanigas si FR sa kanyang kinatatayuan. Si Daniel naman ay naging mas aggresibo sa kanyang ginagawa. Hindi nila namalayan na naglalaban na ang kanilang mga labi. The kiss was actually really good for them to let it go. Bumitiw sila at nagtinginan. Kita ang saya sa mata ni Daniel, hindi naman maipinta ang reaksyon ni FR. Bagamat naguguluhan ay aminado syang nasarapan sya sa mga labing iyon.

“Thanks,” maiksing sabi ni Daniel.

Hindi nakapagsalita si FR.

“I'm not gonna let this go. I swear.”

Hindi man naintindihan ni FR ang tinuran na iyon ni Daniel ay tumango nalang ito. Hindi nya alam pero nakaramdam sya ng kakaiba nang magtama ang kanilang mga labi.

“Let's go.”

Naunang lumabas si Daniel ng kwarto. Kahit na nangingimi ay pinilit paring hatakin ni FR ang sarili patungo sa sala kung saan nakaupo ang nanay ni Daniel.

“Ma! He's already here!” rinig nyang bati nito sa ina.

Nakaramdam sya ng iba. Napalunok sya.

Shit. Meet the mother agad? Hindi ako prepared. Turan nya sa sarili.

Ilang segundo pa ay nasa sala na sya at nakatingin sa mag-ina.

Mom, I'd like you to meet FR! FR, she's my mom,” turo ni Daniel sa kanyang ina

Nanatiling nakatingin si FR dito. Hindi sya makapaniwalang nanay ito ni FR dahil na rin sa taglay na kagandahan nito. She has round eyes. Hindi nya mapaliwanag pero may aura ni Cleopatra sa mukha nito. She has high patrician cheek bones at a smile that definitely could melt anyone's heart. She was unbelievably beautiful. Ngayon ay alam na nya kung kanino nagmana si Daniel.

Hindi na sya nakapagsalita. Nagulat nalang sya nang maamoy nya ang mild na perfume nito. Hindi sya makapaniwala na niyakap sya ng nanay ni Daniel.

Hello Hijo! Kamusta ka ba?”

Nakatulala pa rin si FR.

FR! Mom's talking to you,” pagkuha ni Daniel ng atensyon nito.

Naramdaman nya ang malamig na pawis sa kanyang noo.

Good afternoon po Ma'am.”

Nakita nya ang paglubog ng biloy nito.

Don't call me Ma'am.Tita nalang. Kamusta ka FR?”

O-okay lang po.”

FR was shaking. He didn't notice that.

Kinakabahan ka ba?” tanong ni Daniel rito.

Umiling si FR. Napangiti ang nanay ni Daniel.

“Hijo, need not to be very nervous. Actually, masaya nga ako at may nadadala na si Daniel dito sa bahay. If you just know how aloof he is at school. Progress na to at may mga kaibigan na sya.”

“Mum! You don't have to tell him that. You're making me pahiya to FR!” bulyaw nito sa ina.

Napangiti si FR sa narinig.

“Daniel. You really are! You're such a spoiled brat! Palibhasa baby ka masyado ng mga lolo at lola mo kaya ka nagkaganyan,” sabi nito sa anak.

Muli itong nagtapon ng tingin kay FR.

“Have a seat, hijo! Oh dali magkwento ka. Paano kayo nagkakilala ni Daniel?”

Napalunok sya. Marahan syang umupo sa couch tapat ng nanay ni Daniel.

“Actually po Ma'am..”

“Tita,” pagputol nya kay FR.

“Actually po Tita, hindi ko po kaklase si Daniel.”

Nangiti ang ginang.

“Then how did you guys meet?”

“Mum, he sang sa isang convention sa Baguio. I heard him sing and I really got fascinated. Remember when I booked a reservation sa hotel for Carly?”

“And what about the reservation?”

Daniel sighed. FR was listening.

“She didn't come. I don't know why.”

“I never liked that girl for you anak.”

FR threw a look on Daniel's mom. Halatang nagulat sa narinig.

“The moment I knew she cheated on you, I started abhoring her. But since mahal mo sya, pinabayaan kita. Go on with your story, Daniel.”

Nagtama ang mga mata nila FR at Daniel. Biglang nagbalik sa gunita ni FR kung paano naglaban ang kanilang mga labi kanina. Hindi nya mapigilang hindi kiligin.

“I was very devastated then. Naisipan kong maglakad-lakad and then nakita ko yung isang hotel don. I went in and decided to get in.”

Napatingin si FR dito. Nagsisinungaling si Daniel. And yes, he looks and sounds very convincing. Alam na alam nya kung paano sila nagkakilala.

“And then you heard him singing there?” patungkol ng kanyang ina kay FR.

Daniel nodded.

“That's pretty interesting anak. Maybe we can have him kapag nagcelebrate kami ng anniversary ng daddy mo? Magkano ba ang rates nitong si FR?” magiliw na sabi nito.

“Ahh-Ahhmm wala po Tita.”

“That ain't possible FR. I have a feeling na raket mo yan. So you need to charge us, kahit magkano,” nakangiting sabi nito.

Daniel gave him a wink. He started panting again.

“Naku tita, kapag kaibigan po di ako naniningil. Since kaibigan ko naman po si Daniel, bakit ko pa po ba kayo sisingilin?”

The lady looked at Daniel. Daniel knew his mom likes FR.

“Mum, infact, working student yan si FR. He sings at a lounge somewhere in Pasay at night. Though I still haven't seen him sing there.”

Napangiti ang ginang. Halatang impressed sa mga pinagsasabi ng anak ukol sa bago nitong kaibigan.

“Daniel anak, let's have it scheduled. We will watch him perform.”

Napangiti si Daniel.

“Hear that FR? We're going to watch you?”

“I-I-I feel like fainting now. Pwede po ba akong himatayin?”

Nagtawanan nalang silang tatlo.

Lumipas pa ang ilang oras at naging mas kumportable si FR sa presensya ng ina ni Daniel. Napagusapan nila ang mga bagay ukol sa kanyang buhay. The lady was impressed to know how he works hard to support his studies, as well as family. Nakita nito ang malaking pagkakaiba ng anak nya rito at narealize nya na kailangan ni Daniel si FR para matuto ito ng mga bagay ukol sa buhay. Hindi rin nya mapaliwanag pero ang gaan ng loob niya rito. Alam nyang mapagkakatiwalaan nya ito pagdating sa kanyang anak. Lumisan na ang ginang dahil sa may pupuntahan pa raw itong meeting. Muling naiwan sa loob ng bahay ang dalawa.

“Mum really likes you a lot,” sabi ni Daniel.

“Do I really need to be liked by your mom?” tanong ni FR.

“Ofcourse, you have to. You'll be dealing with her for the rest of your life.”

“And why?”

“Because I will take you in my life and never let you go.”

Biglang nagseryoso ang mukha ni Daniel. Nakaramdam ng kakaibang kilig si FR. Hindi nya maipaliwanag pero parang gusto na nya talagang mahulog sa mga sinasabi nito. Pinilit nyang ibalik ang kanyang composure. Ngiti lang ang sinagot nya rito.

“Believe me, FR.”

Muli syang ngumiti rito.

“I think I better go, Daniel. Magkita nalang tayo soon.”

Napasimangot si Daniel.

“Bakit?”

“I have to make money. May raket ako mamaya. Kailangan ko ng baon bukas. If i'll just stay here, I won't be so productive.”

Daniel then reached for his wallet. Nagtaka si FR sa kinikilos nito. Maya-maya pa't inaabutan na siya nito ng isang libo.

“Para saan to?”

“Stay with me here. I'll pay for your company. Kahit wag ka na rumaket ngayon. Samahan mo lang ako. Gusto lang kita makasama.”

He was then surprised with the act. Aamin nyang nabigla sya pero mas nanaig sa kanya ang pagtataka, maging ang kilig.

He's acting really strange.

“No. I won't accept any amount from you. I was taught to earn everything. Kung maari hindi ako tatanggap ng kahit ano. Lahat ng pera ay dapat pinagpaguran ko.”

Daniel smiled. Hindi nya alam pero mas lalo nyang hinangaan ang prinsipyong taglay nito. Masaya sya dahil alam nyang hindi magiging dahilan ang pera para sila ay mag-away.

“Okay. I understand. But promise me one thing, FR.”

“Ano yun?”

“You'll see me often and you'll tell me kapag sobrang gipit ka.”

FR was touched. He then nodded.

Niyakap siya nito at naamoy nya ang pabangong kanina pa nagpapahumaling sa kanya.

“Ihatid mo na ko sa sakayan.”

Daniel nodded.




He's on his way to FR's school. Napangako nyang susunduin nya ito at sila ay lalabas. His eyes are glued on the road when he felt his phone vibrating. Mabilis nyang sinagot at nasilayan ang ngiti sa kanyang labi nang marinig ang boses ni FR sa kabilang linya.

“Doc!”

“Hello FR! Kamusta ka? Papunta na ako ng school mo. Saan kita susunduin?”

“Ahhh Doc. Wag ka ng dumerecho sa school. Nandito ako sa may Cubao ngayon. Hinatid ako nung barkada ko. Kung pwede sana ay dito nalang tayo magkita. Nasaan ka na ba?”

“Ha? Oh sige. Nasa V.Mapa na ako pero sige, antayin mo nalang ako dyan.”

The old guy suddenly made a U-Turn and hurried to see his confidante, his one and only love, his companion, FR.



Itutuloy...








1 comment:

Unknown said...

finally.. :p

mei doc pala c FR..