Author's Note:
Kamusta kayo? sorry ngayon lang ulit ako nakapag update,.... busy lang sa buhay... hahahah.. dami pang problema na dumadating.... :'(
Nga pala.... bisita naman kayo sa page ko sa fb... hahaha wawa naman eh.... hahah joke.. wala lang.. post comments or what.. basta kayo na bahal.. di na kasi ako nakakapag bukas ng fb dun eh... hahah para magkabuhay na ulit... hahahaha
eto po link...
Dylan Kyle's Diary (fb page)
tapos blog ko pa-follow naman... salamat po
Dylan Kyle's Diary (blog)
di na muna ako makaka respond sa mga comments ninyo ng madalas ah.. salamat po...
I dedicate my post to KIERO143... :))
sa mga nagcomments:
1. Anonymous
2. Kiero 143
3. Fabs
4. JV
5. ANDY
6. VinVin
7. Lawfer
8. Ryval
9. MarL
10. Vinz Uan
-------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 24
"Fool Again"
Always here,
Dylan Kyle Santos
Fool Again – Westlife Song Lyrics
[AJ’s POV]
Gabi-gabi ko ng hinihintay ang text o tawag ni
James.
Gusto ko siyang tanungin.
Akala ko itetext niya ako agad.
Ano kaya?
Bakit ganun?
Ano ba ang tagal niyang mag text?
Grabe ka.
Naiinis na ako eh.
Haixt.
Gusto ko ng makita yung baby ko.
Wag mo na akong
bitinin. Haxit.
Biglang may tumunog.
Cellphone ko yon ah.
Agad akong tumakbo sa
may kama ko at sinagot ang tawag.
Unknown number.
Baka si James nato.
“Hello.” Sabik kong sabi.
“Bhie… si Jaysen to…. Number ni bunso ito…
susunduin kita jan bukas ha.” Akala ko pa naman si James.
“Ah ikaw pala… oh okay sige…”
“May ineexpect ka pa bang iba?”
“Wala po.”
“Okay. Bye.. love you.”
“love you too.” Sabi ko na lang. haixt.
Mukha akong timang sa kakaabang sa tawag niya.
Nahihiya
naman akong hingin yung number niya kay Chad kasi baka kung ano ang isipin.
Wag
na wag niyang tatargetin ang best friend ko na maging prospect kundi lagot siya
sa akin.
Tatamaan talaga siya.
Natulog na lang ako.
Bukas, makikita ko na naman
siya.
Pero bakit ganun, hindi ako mapakali pag naiisip ko yun.
Mukha na akong
baliw pag naiisip ko yun. Hay naku.
Change topic na lang sa isip ko.
Nabubuang lang siguro ako.
Natulog na lang ako na
parang walang inaalala.
Parang ang lalim ng panaginip ko.
Hindi ako mapakali
noon.
Para bang may nalaman ako na impormasyon na mahalaga kaya ganito ang
nararamdaman ko.
Irritable ako.
Hanggang sa makita ko si James.
Nakangiti siya.
Nakabukas ang mga braso niya na para bang hinihintay niya ako
na lumapit sa kanya.
Ewan ko pero mukhang lumuluha ako, umiiyak sa kagalakan.
Sadya lang siguro akong ganito.
Pero hindi eh.
Parang may iba.
Ibang-iba ito kaysa dati. Para bang kay gaan ng loob ko kay
James na para bang wala siyang ginawa sa aking noon na labis na nagpakasakit sa
akin. Haixt.
Paano kaya kung nakinig ako sa kanya noon.
Ano ba
talaga ang tunay na nangyari?
Totoo ba na nag taksil siya sa akin? Tae ka
talaga AJ.
Alam mo naman na nag taksil siya nagtatanong ka pa sa sarili mo.
Kitang kita mona nga eh di ba. common sense naman.
Pero bakit ganun, pilit kong
iniisip na hindi totoo yon?
Na baka nga tama siya na dapat nakinig dapat ako.
Papalapit ako noon sa kanya, konti na lang at abot kamay ko na siya.
Tumatakbo
ako noon.
Para bang may humihila sa aking mga paa kaya’t ang bagal ko.
Hanggang sa, sa di inaasahang pagkakataon,
natalisod ako.
At yun ang hudyat ng aking pagkagising.
“Cause I’ll be there in the back of your mind from
the day we met to you making me cry…” nag alarm na bigla ang cellphone ko.
Sossy ako no, may ringtone yung alarm ko. Hahahah.
Nakakasawa na kasi yung mga kala mong ring tone na saglitan lang. at least eto
pag kagising ko eh napapakanta ako at sayaw.
Pinatay ko na yung alarm ko saka nag unat unat.
Then nag push ups at curl ups.
Hirap na baka mawala yung pinaghirapan kong mga
abs. hahahah. (dame kong arte no? hahaha)
Dati kasi puro tabs yan.
Laki ng tyan ko noon, di naman ganun
kalaki pero di karaniwan sa mga payatot na tao. Hahahah.
Bumaba na ako after kong mag session ng exercise.
Nag hubad na ako ng damit kasi nga pawisan ako.
Naka boxer na lang ako.
Sanay
naman sila sa akin.
Pagbaba na pagbaba ko si ate na naman ang narinig ko.
“Oi Mr. Hunk, sobrang init ah.” Sabi niya.
“Paki ba?” sabi ko.
“taray neto.”
“Hindi naman. Ganda lang ng gising ko.” Sabay
ngiti na parang loko.
“Mukha kang baliw kapatid.”
“Mana sayo ate.”
“Che wag mo akong idamay.”
“Ganyan ang buhay. Buhay buhay buhay.”
“Balita ko mag ba-bar daw kayo mamaya ah?”
“Yup.”
“Sama naman ako.”
“Para lang yun sa mga teenager.”
“Tangek ka anong tingin mo sa akin gurang na?”
“Ikaw ang nagsabi nan hindi ako.”
“Che ewan ko sayo. Malasin ka sana mamaya.”
"Sanay na ako sa malas. Ikaw ingat sa karma.”
Ganyan kami ni ate mag usap parang lagging magkaaway. Pero hindi naman.
Tinext ko si Jaysen.
“Bhie good morning. Have a nice day. I love you.
Eat your breakfast na. kita tayo mamaya. Hintayin kita dito mamaya ha.”
Every morning yan ang ginagawa ko.
Gusto ko naman
suklian yung mga binibigay niya sa akin sa pamamagitan nito.
Matapos naming
kumain eh ako na ang taya sa bahay.
Since wala akong pasok at gigimik ako mamaya,
kailngan maging masipag ako.
Hindi naman kami ganun kayaman na kailngan pa ng
katulong.
Si papa at si ate na yung nag ta-trabaho sa amin.
Si mama kasi ayaw ng pag workin ni papa.
Marunong
naman ako ng gawian bahay. Ako pa. pati sa panahon ngayon, daig pa ng lalaki
yung mga babae.
Yun nga lang tagilid ako sa pagluluto.
Pero dahil sa magic na kamay ni mama, she helps me
kaya ayan.
Masarap na akong magluto.
Naalala ko noong una kong pinagluto si
James.
Masarap daw sabi niya pero pagtikim ko naman ang pait.
Grabe siya niloko
niya ako.
Bakit ba lagi ko na siyang naiisip?
Grabe siya.
Around
8:00 ng mag simula akong maglaba.
Habang winawashing ko yung mga damit at
hinihintay ito.
eto na naman ako at natulala.
May naalala na naman from the
past.
Yung mga panahon na magkasama kami ni James.
Napapangiti ako pag naaalala
ko ito.
Lalo na ngayon at naglalaba ako.
Tandang tanda ko
noon. Nag pumilit siyang maglaba.
Anak mayaman kaya hindi na siya gumagawa ng
gawaing bahay.
Grabe din yun. Sa damit na hinawakan ko ngayon, eto yung damit
niya na ibinigay sa akin.
Damit na kung saan suot niya nung naganap ang una
naming gabi.
Gabi na una kong isinuko ang lahat dahil mahal ko siya.
Ganito
naman talaga lahat eh. Kapag mahal mo hand among isuko ang lahat.
Pero I learn na dapat 75-25, 50-50 o anu pa yan.
Parang sa amin lang 60-40 sa school.
Love is so conditional.
Hindi mo aakalain na
mangyayari ito kahit na ganito pa lang ang nagyyari sayo.
Love is so amazing
kapag hindi ka nasasaktan pero kapag naroroon ka na sa sitwasyon na ibinigay mo
na ang lahat at nagawa ka pa niyang lokohin, ang sakit sakit.
Pero at
least you earn the feeling na may nag mahal sayo at minahal ka.
At dito na
nagsimula ang pag alala sa nakaraan.
( ayan flashback na naman.... hahahahah tignan natin.... hahaha)
(Flashback)
“Anong
ginagawa mo?” tanong ni James sa akin.
“Nag
lalaba po.” Sagot ko naman.
“Gusto
mo ba na palabhan na lang natin yan? Mukhang nahihirapan ang dhie ko eh.”
“Di
na po. sanay naman ako eh. At isa pa, dhie?”
“Haha.
Yun ang naisip ko eh. Since tayo na naman. Dhie na lang tawagan natin.”
“Edi
itatawag ko sayo mhie?”
“Hindi
dhie din. Hahahah.”
“Okay.
Hahahha adik mo talaga daming nalalaman.”
“ganun
talaga. Nagiging corny ka kapag inlove ka.”
“Pansin
ko nga. Di ka naman ganyan.”
Natawa
na lang siya. Itinuloy ko na lang yung paglalaba ko. Bigla naman niya akong
sinitsitan.
“Oh
bakit?” bigla siyang kumindat.
“Huh?”
“Mamaya
ka na jan.” sabi niya.
“Bakit?”
“It’s
Dhie time muna.”
“Di
kita maintindihan.” Di ko alam kung slow lang talaga ako oh ano ha. Hahaha.
“Gawa
muna tayo baby mamaya nay an.” Sabi niya saka siya nag pout ng lips.
“Mukha
kang bata. Ikaw talaga.”
“Dali
na.”
“Oi
James Arkin Ramos, pinapaalala ko sayo, may ginagawa ako. Ikaw talaga. Pati
binigay ko na nga to sayo eh.” Sabay turo sa may bandang likuran ko.
“Hindi
ka dapat gumagawa ngayon. Di ba masakit?”
“Oo
masakit pero lagot ako kay mama kapag hindi ko ginawa ito.”
“SIge
na nga tulungan kita.”
“Di
ka marunong.”
“Edi
turuan mo ako.”
“Nahiya
ako sa kamay mo papanget yan.”
“Eh.
Ano ba gusto ko matuto eh?” Tapos nag pout na naman siya ng lips. Hinalikan ko
siya bigla sa lips.
“Akala
ko ba work muna. Ano bang gusto mong i-work yung damit o ako?”
“Yung
kiss nay un paglalambing lang. ibig sabihin oo.”
“Oo
na ano? Gagawa tayo ng baby?” sabay ngiti ng nakakaloko.
“Hindi.
Oo means tuturuan na kitang mag laba. Kung anu-ano kasi ang iniisip mo. Ikaw ha
napaka green minded” sabi ko.
“Akala
ko naman.” Tapos nag pout na naman siya.
“Mukha
kang bata jan sa ginagawa mo.”
“Weehh.”
Sabi niya. niyakap ko siya. Ewan ko ba pero gusting gusto ko siyang yakapin.
“I
love you.” Namutawi sa labi ko.
“I
love you din. Happy ako na akin ka at iyo ako. Walang iwanana ha?”
“Oo.
Sayo lang ako. At ikaw mag behave ka. Ayokong masaktan. Please.” Sabi ko. At
humarap siya sa sakin at hinalikan ako.
(End of Flashback)
“Booh.” Nagulat ako ng sobra ng may manggulat sa
likod ko.
Takte yan. Parang aatakihin ako sapuso noon ah.
Akala ko kung sino. Woooh. Grabe yan.
Si Jaysen pala.
Grabe akala ko kung sino.
“Papatayin mo ba ako?”
“Hahaha. Sorry na bhie. Nakatulala ka jan eh.
Lalim ata ng iniisip mo?”
“Wala naman. Ikaw talaga. Oh bat andito ka nagad.
Mamaya pa yun ah?”
“Dumaan lang ako dito. Ikaw talaga. Bakit ayaw mo
ba?”
“Hindi ah. Gusto ko nga eh.”
“Sus. Nakakapgtampo na.” at nag pout siya ng lips.
Ang gwapo niya ngayon. Mukhang may lakad to ah.
“San lakad ng gwapo kong boy friend?”
“Uhm… ehem ehem.” At tumayo siya. Inayos niya ang
sarili niya.
“Pupunta ako ngayon sa ninong ko.” At nag salute
siya.
“Mukha kang timang.”
“Gwapo naman.”
“I know.”
“Oh bat naglalaba ka agad. Mamaya mapano ka na
jan.”
“Okay lang ako. Ano ka ba? Ilang linggo na ang
nakakaraan eh.”
“kahit na. wag masyadong papagod.”
“Opo.”
“Kiss ko?” hinalikan ko siya. At niyakap.
Alam ko sa puso ko mahal ko si Jaysen pero bakit
may natitira pa ring tipak sa puso ko si James? Haixt.
Siguro kailngan ko lang
talagang ayusin ang buhay ko. Kailngan kong makipag ayos kay James.
Ayun lang ang nakikita kong paraan.
Matapos ang
ilang sandal ay umalis na rin si Jaysen. Haixt.
Susunduin niya ako mamayang
7pm.
[Jaysen’s POV]
Nagmadali akong pumunta kila AJ.
Ang ganda ng
gising ko lalo na pag bubungad sa akin yung mga msg. na ganun ni AJ. Hay naku.
I love you so much.
Mahal na mahal kita.
Pag dating ko sa kanila, agad kong
hinanap ito. sumalubong naman sa akin si tita.
“Oh iho nanjan ka pala.” Sabi nito.
“Opo tita. Gumaganda kayo ngayon ah. At sumesexy.”
“Oi bolero ka.”
“Hindi po. Totoo to.” Sabi niya.
“Sus. Si AJ na sa may likodnaglalaba. Ayaw paawat
eh.”
“Ay ganun po ba? Sige po salamat.”
“Kumain ka na ba?” tanong sa akin ni tita.
“Opo. Salamat po.” At umalis na ako.
Dumeretso ako kung nasaan si AJ.
Nakita ko siyang
nakaupo at parang ang lalim ng iniisip.
Hindi niya akong napansin na paparating
kaya gugulatin ko siya.
Nakita ko na naman yung tattoo sa may likod niya.
hindi ko maiwasan na magselos.
Oo letter J ang nakalagy doon at maari kong
isipin na para sa akin yun pero nakita ko yun matagal na.
Nakakiinggit lang yung taong yun.
Na para sa
kanya, nag paka tattoo siya.
Mahal na mahal siguro ni AJ ang taong yun.
Tulad
nga ng napaguspan nila ni Arkin.
Doon ako lalong nagselos.
Mahal na mahal talaga
siguro niya yung ex niya. kahit na maskit minsan hindi ko na lang pinapahalata.
Gagawin ko ang lahat para lang mawala na yung lalaking yun sa buhay naming.
Mahal na mahal ko si AJ at mamatay ako kapag
nawala siya.
Ayoko ng maulit yung dati. Mapag iwanan at iwanan ng taong
minamahal.
Kaya natatakot pa rin ako hanggang ngayon nab aka anytime mawala sa
akin si AJ. Haixt.
Ang swerte ko sa lalaking ito.
package na siya
para sa akin.
Hindi man siya perfect pero lahat ginagawa niya.
I love him so
much.
Dahil sa lalim ng inisip niya hindi niya ako napansin kaagad kaya madali
ko siyang nalapitan.
Agad ko naman siyang sinurpresa.
Natawa pa nga ako
sa itsura niya eh.
Para siyang nakakita ng multo. Hahaha.
Nakita ko yung kabuuan niya. yeah he’s so
stunning.
Naka xhorts lang siya habang naglalaba.
Lagi ba siyang ganito?
He is
so sexy.
Nakakapag flag ceremony ayos niya. niyakap ko siya
at hinalikan.
Kahit na may pawis siya mabango pa rin siya.
Ewan ko ba.
Pabango
ata pinaliligo niya. nag usap kami saglit at ilang sandal paalis na rin ako.
“Kailngan ba talaga pag naglalaba eh naka hubad?”
tanong ko sa kanya.
“Presko lang…”
“Sus… binabalandra mo katawan mo eh…”
“Ang cute mo pag nagseselos ka…”
“Matagal na akong cute no.”
“Parang di naman… gwapo ka kaya.” Sabi niya.
“I know right… sige alis na ako.”
“Ingat ka po ah.”
“Kita tayo mamaya sige bye…” at umalis na ako.
Papunta ako ngayon kay ninong.
Kaninang umaga kasi
tinawagan ako ni papa.
Gusto daw ako makita ni ninong dahil may ipapakita daw
siya sa akin.
Si ninong, siya yung papa ng ex ko, ex na kung saan unang nanakit
sa akin.
Sobrang sakit noong iniwan niya ako.
Kakagraduate
lang naming ng highschool ng bigla siyang umalis ng walang paalam. Legal naman
kami sa both sides pero siya ang talaga ang nangiwan.
Hindi niya sinabi sa akin
na kailngan niya na umalis.
Nag himutok ako noon.
Fixed na kasi ang plan namin.
Mag engineering ako
at siya naman ay architecture.
Pero wala, nasira lahat. Sa isang iglap lang
nawala ang lahat.
Pag gising ko kinabukasan, walang pasabi sabi ay umalis na pala
siya palipad ng ibang bansa.
Kagustuhan ata ng magulang niya. ilang beses niya
akong kinontact pero hindi ko sinasagot.
Nagpalita ako ng number ko. Galit ako
sa kanya hanggang ngayon.
After 30 minutes ay nakarating na ako sa meeting
place namin ni ninong. Sa may company nila.
Tulad nila may company di kami. Si
mama kasi ay isang business woman.
Si Princess ang nakatakdang magmanage nito.
Pero
ngayon ay partners ang pamilya naming.
Ilang beses ng nalagay sa danger ang
company naming.
Pero nagapan to ng naengage si kuya sa isang company.
Maganda naman to pero walang nagawa si kuya.
Iniwanan niya yung taong mahal niya para dito.
Kailngan kasi.
Memory ni mama
ang nakasalalay dito.
Si papa naman, di masyadong gamay ang business. Haixt.
Dapat pala nag business management na lang ako.
“Good morning ninong.” Kinamayan ko siya saka nag
bless.
“Ang laki mo na ah… long time no see.” Sabi niya.
“Oo nga po eh…. Kayo po kamusta?”
“Uhm ayos naman. Eto kailangang umuwi dito sa
Pilipinas kasi tong anak kong nag manage ng company namin eh may problema
daw.”
“Ah ganun po ba. Uhm. Kaya po pala.”
“Oo nga eh.. kamusta ang pag aaral?”
“Ayos naman po. Okay na okay yung grades. Maintain
yung scholarship.” Sabi ko.
“Good thing. Pareho kayo ni Bianca. She is so
excited to see you. Miss na miss na daw niya ang boy friend niya.” sabi ni
tito.
Boy friend?
Ako ba to?
Wala na kami ah.
“Teka lang ninong…. Sinong boy friend?” nakita ko
ang pagtataka niya.
“Ikaw. Boyfriend ka niya diba? Teka ayun ang sabi
niya eh.”
“there’s a misunderstanding po ata.”
“Pero I thought kayo pa. we were planning to move
here. Bianca is now taking Business management. Siya kasi ang bahala sa ilan
naming business eh. Then after nun. Kayo na ang mamahala. Kasi after how many
years eh kailngan na ninyong magsama at ang pamilya natin ay magiging isa.”
Bigla akong napatayo.
“Ano pong ibig sabihin ninyo po?”
“Hindi pa ba sinasabi ni kumpare? Siya talaga oh.
Mahilig sa mga surprises. Biance and you will be engaged and after 3 years ay
magpapaksal kayo.” Sabi nito.
Parang malalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
“pero wala na kami ni Bianca. Simula ng umalis
siya wala na kami. At isa pa, hindi pwedeng magpakasal kami kasi, meron
akong….. arrgghh…”
“Naku iho…. Nasa dugo na natin ang nakasangla ang
kapalaran. Wag ka ng magtaka.”
“Hindi ako makakapayag.”
“Iho.. nanganganib ang kumpanya ninyo… kailngan
ninyo kami.”
“Pero hindi pwede.. ikakasal kami ni Bianca?”
naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit? Bakit nangyayari ito. para akong mamatay
sa mga oras na ito. paano ko sasabihin ito kay AJ?
(Itutuloy)
****************************************
maikli ba? hahah.. sensya na ah... hahahaha....
No comments:
Post a Comment