Saturday, September 1, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 6



           Kamusta po sa lahat? ^_^

            Ayan, kamusta naman po kayo dito? Namis ko nanaman kayo!! ^_^ Una pa rin ay walang sawa pa rin po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Totoo po yan. Kung hindi po dahil sa inyo ay hindi ako maglalakas loob pa magsulat.. Kaya naman po, maraming salamat po.

            Pangalawa ay gusto ko pong pasalamatan ang  Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.

           Pwede nyo po pala ako macontacts sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^

           Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
            Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
           Blogsite - darkkenstories.blogspot.com



          COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED



Kumalas ako panandali. Gusto ko maklaro kung anon a nga ba ang pinaguusapan naming. Kami na ba? O ano na ba? Pero biglang may pumasok sa itak ko na sadya ko namng ikinalungkot.

“Bakit?”, alalang tanong ni Ryan.

“P-paano… Paano si… Larc…”, malungkot kong tugon.

Hindi sumagot si Ryan sa halip ay nagulat ako sa ginawa nito. Naramdaman ko ang pagdapo ng mga matatamis na labi nito sa mga labi ko. Nakita kong nakapikit ito ng halikan ako. Napapikit din ako.

“Magtatanong ka pa?”, ngiting tugon nito.

Napanga nga na lang ako sa tugon ni Ryan. Nakita ko ang masayang ekspresyon sa mukha ni Ryan. It was the Ryan I once knew. Laging nakangiti at positibo. I can’t believe na nagbalik na muli sya sa harap ko.

“Ryan.”, nahihiyang tawag ko.

“Hmmm?”, kalmadong tugon ni Ryan.

“Does this mean na.. ta.. ta.. tayo.. I mean, ikaw.. tayo..”, utal utal kong sagot. Hindi alam kung paano kung paanoitutuloy ang ibig sabihin.

Ngunit nagulat ako ng muli akong halikan ni Ryan. Pero this time, mabilisang halik lang.

“Magtatanong ka pa talaga?”, ngiting tugon nito.

“Whooooooww!! Yes!! Yess!! Whoooow!!”, pagsisigaw ko. Inawat naman ako ni Ryan.

“Ssssstt! Marinig ka dyan!!”

Napaupo akong muli at humarap kay Ryan. Hinawakan ang mga kamay nito at nagbigay ng isang malawak na ngiti.

“Slamat. Hindi ko inakala na kahit sa panaginip… Mahal na mahal kita!!”, maligalig kong sabi kay Ryan.

Ngunit tiningnan lang ako ni Ryan. Isang napaka sarkastikong tingin. Sabay humawak ang isang kamay nito sa bibig. Saby biglang humagalpak ng tawa.

“Hahaha!!!”

“Oh.. Bakit?”, takang tanong ko.

“Hahaha!! Hanggang ngayon, ang korny mo pa rin!!”, tawa nito.

“Aah.. Korny? Eh sino kayang mas korny na bumili pa ng fishball?”, pangaasar ko.

“Ahh ganon? Pwes, akin nay an at ako ang kakain nyan!”, pag agaw nya sa supot na may fishball.

“Ops! Ops! Akin kaya to! Bigay mo to eh!”, sabay agaw ko uli.

“Huwag mo sabihing wala kang balak kainin yan?”, pagtawa nya.

Pinagsaluhan naming ang malamig na fishball na dinala ni Ryan para sakin. Hindi ko maintindihan pero parang iba yung fishball na ito. I don’t know, simpleng prito lang naman, pero mas masarap ito than the usual.

“Sure ka na ba sa desisyon mo?, seryoso kong tanong.

“Alam mo, ikaw! Umiiskor ka lang, eh! Gusto mo lang mahalikan uli, eh!”, pangaasar ni Ryan.

Ramdam ko naman ang agad na pamumula ng mukha ko sa sagot ni Ryan.

“Ikaw! Ang lakas ng hangin ah! Anong umiiskor?!”, pagdedepensa ko.

“So ayaw mong halikan kita…?”, panunukso nito.

Hindi na ako sumagot pa at hinalikan muli si Ryan. But this time, isang napaka passionate na halik. Punong puno ng emosyon. I made sure na perfect. Hindi gigil, hindi matamlay, perfect!

Umuwi kami ni Ryan muli sakanila. Halos bagalan naman naming ang paglalakad para maenjoy ang unang moment ng pagiging kami. Hindi ko alam ha. Halos isang bwan ko na naman dinadaanan ang mga kalye dito pero ngayon ko lang talaga na-appreciate ang ganda ng lugar na to. Tahimik, maaliwalas, malamig ang hangin, at presko.

Pagkauwing pagkauwi naming ay nagmano kami sa magulang ni Ryan at kumain ng hapunan. Pagtapos namang kumain ay pinauna ako ni Ryan ng ligo para tuluyan na kami makapagpahinga. Pagkatapos ko naman ay naligo na din sya. Sinamantala ko naman ang pagkakataon at tinawagan si Karen.

“Hello?”

“Oh, Andre. Napatawag ka?”

“Karen…”

“Oh?!”

“Kami na!!!”, tuwa at kinikilig na sabi ko.

“Nako. Tell me something I don’t know. At ganyang ganyan din ang pagkasabi ni Ryan kanina. Kaloka lang ha.”

“Sinabi nya na sayo?”

“Gaga. Syempre, bestfriend kaya ako!”

“Ay, oo nga pala. Pero teka, hindi yun ang sadya ko.”

“Ha?! Eh anong drama mo?!”

Sinabi ko ang sadya ko kay Karen. Natuwa naman ito sa plano ko at umagree na tutulong daw sya. Sobrang excited pa ito. Mindali ko ang pakikipagusap para hindi na rin ako mahuli ni Ryan. Pagtapos kong tawagan si Karen ay tinawagan ko pa ang ibang kakunchaba. Pagkababa ko naman ng telepono ay pumasok na rin si Ryan.

Pagkabihis na pagkabihis ni Ryan, humiga na rin ito sa tabi ko at nahiga. Amoy na amoy ko ang bango nito. Hindi lang dahil sa bagong ligo ito kundi ang natural na amoy nito. Amoy powder, in short, amoy baby.

“Bango naman..”, pangiinis ko.

“Hindi ako mabango. Sadyang mabaho ka lang talaga.”, pangiinis naman nya.

“Aba! Hindi ako mahabo ha! Amuyin mo pa!”

“Ito, hindi na mabiro!”

“Kahit anong biro, kayak o, basta ikaw.”

“Bwahahaha! Grabe ka! Ang korny mo talaga! Walang mintis eh!”

“Nainlove ka naman.”

“Nagtataka nga din ako eh..”

“Ah. Ganun pala.”, pagtatampo ko.

“Tamo to! Kanina nagpapatawa, tapos magddrama! Wirdo mo talaga!”

“Naglalambing lang.”

“Korny mo talaga. Kaya kita minahal eh.”, nakangiting tugon nito.

“Ulitin mo nga.”

“Ang alin?”

“Yung huling sinabi mo.”

“eh?”

“Weh! Hindi yan. Yung buo.”

“Ang alin ba?”

“Yung huling PAKSA na sinabi mo. Ayan kumpleto, ha.”

“Ayoko nga.”

“Ito naman, sige na.”

“Ayoko sabi.”

“Please.”

“Bleh.”

“Please.”

Pero nakadila lang ito.

“Isa na lang. Gusto ko lang marinig.”

Pero nakadila lang talaga sya.

“Promise, last na yun.”

Nakadila pa rin.

“Sige na nga.”, pagtatampo ko.

“I love you…”, biglang tugon ni Ryan. Hindi ko naman maiwasan mamula. Halos mamatay ako sa kilig.

“Alam mo ikaw, alam mo talaga kung paano ako asarin, noh!”, paglalambing ko.

“Ang sarap mo kasi asarin, eh!”, muling pangaasar nito.

“Alam ko namang masarap ako, eh!”

“Aba! Mas masarap yata ako!”

“Alam ko! Magsaing ka nga.”

“Hah?!”, takang tanong ni Ryan.

“Mapaparami ang kain ko, sarap mo eh!”

“Bwahahahah!! Nakakaasar na ang pagka korny mo ha!! Hahahah! Mga banat mo noh?! Wala lang tino hah..!”, tawang tawa na sabi ni Ryan.

“Nako, matulog na nga tayo. Nagkakalokohan na tayo dito eh.”

Tumayo si Ryan upang patayin ang ilaw. Pagtapos ay agad na rin itong tumabi sakin. Nang maramdaman ko naman na nakatabi na ito sakin ay agad ko itong niyakap. Nakiramdam kung aalisin nya ba.

“Ive never felt more secured lalo na pag yakap mo ko.”, mahinang sabi ni Ryan. Napangiti ako sa sinabi nya.

“I remember the time na niyakap mo ko sa cafeteria at inaway mo ang lahat sa harap ko. Napatanga at tulala ako sa ginawa mo. Hindi ko ineexpect na gagawin mo yun, eh.”, dagdag nya. Naramdaman ko naman na hinawakan nya ang braso ko at mas niyakap ito sakanya.

Sa mga yakap kong yun at haplos nya sa braso ko ay gumapang ang init at nakakapasong kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Parang lumulutang ako sa nararamdaman. Sure, masaya ako nung minsang kayakap ko si Rizza. Pero ibang sarap ang naramdaman ko.

“Oh, natahimik ka?”, tanong ko

“Ediba tulugan na?”, sagot nya.

“Sineryoso mo talaga yun?”

“Huh?!”

“Hindi ako naghirap paibigin ka para itulog lang ang mga unang sandal na maging tayo..”, seryoso kong sagot.

Natawa ng bahagya si Ryan.

“Alam mo, yan ang gusto ko sayo, eh. Yang mga banat mong ganyan. Korny pero… di pumapalyang magpangiti sakin.”, nahihiya na natatawang sagot ni Ryan.

“Hindi ka ba nagsisisi na sinagot mo ko?”

“Nagsisisi? Baka ikaw.”

“Hindi noh!”

“Ako din…”

“Ramdam mo bang mahal kita?”, nahihiyang tanong ko.

“Alam mo ang nakakatawa? All these time, halos mamatay ako sa kilig sa mga kakornihan mo. Simula nung makita kitang basang basa sa ulan, mga banat mo nung may sakit ka. At nang makita kita sa palengke.”

“Talaga?”, kilig kong sagot.

“Oo. Hindi mo alam ilang beses akong nagnanakaw ng tingin sabay ngingiti ng bahagya kapag nakikita kong hirap na hirap ka magbuhat ng sako ng bigas, karne, kahon ng delata, at basyo ng mga softdrinks. Hindi ko lang kasi maimagine na ang isang tulad mo.. Kayang gawin yun, para sakin.”, seryoso nyang sagot.

“Aba! So kailangan pala magpakahirap muna ako?!”

“I went through hell myself…”

“I know…”, malungkot kong tugon.

“Pero hindi na mahalaga sakin yun. Kuntento na ako sa sagot at isipan na andyan ka sa tabi ko.”

Mula sa pagkakayakap ko ay humarap sakin si Ryan. Sa tulong ng liwanag ng bwan at ilaw sa labas na pumapasok sa bintana ni Ryan ay naaninag ko ang mukha nito. Hindi ko na nakikita ang bakas o marka ng sakit na binigay ko sakanya. He was staring at me. Mata sa mata.

Para akong unti untiing nalulunod sa mga tingin nya. Ngayon ko lang mas naappreciate ang mukha nito. Ang pormado at makakapal nyang kilay, malamlam na mga mata, maliit na ilong, at ang nakakapang akit na mga labi.

Natahimik kami at nagkatitigan lamang. Wala mang lumalabas na salita mula sa amin ay alam na naming ang gustong sabihin ng bawat isa. Sa pagkakatitig ko ay mas lalo akong nahumaling. I drew closer. Mas nilapit ko ang mukha ko sakanya.

“I love you Ryan…”

“Mahal din kita…”

I wanted to kiss him. Ilang pulgada na lang at mahahalikan ko na sya. Ramdam at amoy ko na ang bango at init ng hininga nya. Para itong usok na nakakapag hipnotismo.

“Sasabihin ko pa ba o hahalikan mo ko…?, mahinang usal ni Ryan.

Wala na akong inaksayang panahon at agad ko syang hinalikan. I was not sure kung ano o paano sya hahalikan. Hindi ako virgin, pero I wanted to do it na hindi man perfect, pero tama.

I was feeling light headed at hindi ko maramdaman ang mga paa ko. Ang kaninang tahimik na kapaligiran ngayon ay parang musika na sumusuyo sa akin. Bawat paghinga, halik, at halinghing ay tumatatak sa utak at puso ko. Ramdam ko a mga halik naming yun ang buhos ng emosyon na matagal naikubli.

Gumapang ang mga kamay ko sa bawat angulo ng katawan ni Ryan, bawat madapuan ng kamay ko ay pilit na nilalagay ko sa aking alaala.

Amoy na amoy ko ang natural na bango ni Ryan. Miski halos pagpawisan sya sa init ng sandali ay mas nakakapahumaling ang amoy na dulot nito.

We soon found ourselves naked. Magkatabi kaming dalawa at yakap yakap ang bawat isa. Muli, an gaming mga tinginan na lamang ang naguusap para sa aming dalawa. Muli, hinalikan ko sya.

We did it as passionately as we can. Hindi ko maramdaman na mangibabaw ang libog sa aking katawan. Siguro ito yung sinasabi nilang “make love”. Ibang iba sa pakiramdam.

Sa bawat ungol na marinig o gawin ko ay mas ramdam naming ang emosyon n gaming ginagawa. Hindi ko inakalain na you could “do” it with someone without having to think of your own pleasure. Walang bastos o marumi, puno lamang ng emosyon at pagmamahal. Tila ay kapwa kami uhaw sa bawat galaw ng isa.





Natapos ang gabi ng puno ng pagmamahalan. It was my first experience with a guy. Pero it was also my first experience doing it with someone I KNOW I really love. Hindi ako makaisip ng tamang term para idescribe ang nangyari sa aming dalawa.

“Natatakot ako…”, mahina kong usal.

“Ako din…”, sagot nya.

“Ikaw din?  I mean…”

“I know what you mean… Walang nakakaalam kung muli mo ba akong masasaktan. Pero hindi ko rin alam kung sa huli ay masaktan din kita.”

“Pero isa lang ang sigurado ko, Ryan. Na kaya kong sumugal at irisk ang kahit ano pa man para sayo.”

“Ayan ka nanaman sa mga banat mo, eh… Kaya lalo kang napapamahal sakin eh..”, sagot nya.

“Arte mo.”

“Korny mo.”

“Mahal mo naman.”

“Hmmmm. Oo naman.”

Natulog kaming magkayakap at may ngiti sa labi. How I wish na hindi na matapos ang gabi… How I wish wag na dumaan pa ang isang araw. Dahil nalalapit na din ang pasukan.. Kailangan ko ng umuwi samin… :(


Kinabukasan ay mas maaga akong nagising kay Ryan. Dala na rin siguro sa nasanay ako sa araw araw na paggisinig ng umaga dahil sa pagpasok sa trabaho. Naabutan ko namang tulog pa si Ryan. Pasikat na ang araw kaya naman mas kita ko na ang kabuuan ni Ryan.

Napangiti ako sa sarili. Kung ang dating ako ang nandito, ay malamng hindi ko makakayanan o makakatagal tumira sa ganto. Ang paghihigpit ng sinturon, mahirap na buhay, at napaka simpleng pamumuhay. Pero ngayon bilang ako, narealize ko na wala pala talaga sa karangyaan mo makikita ang kaligayahan, nasa sarili mo pala yun mahahanap. Ikaw lang talaga ang makakapagsabi kung masaya ka bas a isang bagay o hindi. And yes, totoo pala. Happiness is yet to be found in the simplest of things.

Nakita kong unti unting dumilat ang mga mata ni Ryan. Natutuwa naman akong pagmasdan ito.

“Giding ka na pala…”, ngiti nito.

“I wouldn’t wanna miss this moment. Ang unang gising mo bilang tayo..”

“Ayan tau eh. Umagang umaga, bumabanat eh..”, nakapikit at ngiti nitong sagot.

“Totoo naman.”

Ngumiti lang ito.

“Gumising ka na at aalis tayo.”, sambit ko.

“Saan tayo pupunta?”, antok na tanong nito.

“Basta!”

“Wala bang good morning muna..?”, pagbibiro nito.

“Ay! Good Morning pala!”, pagbati ko sabay smack sa lips nya. Humalik din naman ito.

“Atat kasi…”, ngiti ni Ryan.

Matapos makapag almusal ay nagayos na kami at nagpaalam sa mga magulang ni Ryan. Nangakong ibabalik ito agad. Sinabihan lang kami na mag-ingat daw kaming dalawa. Agad kaming tumalima at tuluyang nagpaalam.

Hindi ko alam pero habang nagbabyahe kami papuntang Manila ay di ko maiwasang malungkot ng bahagya. Dahil ilang linggo pa, ako na lang ang babalik mag-isa. At magkakalayo kami ni Ryan. Pwede ko naman sya puntahan dito, kaso nalulungkot pa din ako dahil magkalayo kami.

“Oh, may problema ba?”, alalang tanong ni Ryan.

“Ah, naisip ko lang… Malapit na matapos ang bakasyon… Pasukan na uli..”

Natahimik sandal si Ryan.

“Pwede mo naman akong puntahan dito, eh. At pwede ka magstay dito pag sem break.”, malungkot na tugon nito.

“Yeah…”, simpleng tugon ko.

Tahimik.

“So! Saan nga pala punta natin?”, pagbasag ni Ryan sa katahimikan.

“Sikreto.”, pagbibiro ko.

“Daya!”, pagtatampo nito.

Si Ryan.

Hindi ko pa din alam kung saan ang tungo namin ni Andre. I was thrilled by the idea na ito ang first date naming bilang kami. Ano nanaman kayang kakornihan ang pakulo nito?

Lampas tanghali na ng una kaming tumigil. Una kaming napunta sa isang malaking bahay. Magara ito talaga. Parang bahay nila Gino. Malaki at halatang pang mayaman. Bumisina si Andre at agad namang binuksan ang gate para sakanya.

“Asan tayo?”, tanong ko.

“Sa bahay.”, simpleng tugon nito sabay ngiti.

Bahay? As in bahay nya? Dito sya nakatira?! I mean, di ako nagtataka na maganda ang bahay nya, pero anong ginagawa namin dito?

“Good afternoon po, sir!”, maligalig na bati ng kasambahay nila kay Andre.

“Oh, Manag Leticia, kamusta po kayo?”, sagot ni Andre.

“Okay naman po Sir. Matagal tagal din ho kayong hindi umuwi. Hinihintay nap o kayo sa loob.”, pag ngiti nito.

Pagpasok naming ay may nakita akong isang magandang babae. Maputi, seksi, at napaka kinis. Nakapamewang ito at nakataas ang kilay. Kinabahan tuloy ako. At mas lalo akong kinabahan ng lumapit ito at nakataas pa rin ang kilay.

“Oh, ano tong kalokohan mo, Andre?! Ano yang mga pinagsasabi mo kagabi?!”, mataray na bungad ng babae.

“Kung ano narinig mo, yun yon!”, sagot ni Andre.

Tinaasan naman ako ng kilay ng magandang babae.

“Ay, Ryan, sister ko nga pala, si Arianne”, pagpapakilala ni Andre.

“Good Afternoon.”, medyo nahihiya kong sabi. Shit, kapatid pala ni Andre to. Kaya pala hawig silang dalawa.

“So yun na yun?!”, pagtataray ni Arianne sa kapatid.

“Pretty much!”, nakangiting sagot pa ni Andre. Bat ka ba nakangiti pa?! Ano ba sinabi mo dyan at nagtataray ang kapatid mo?!!

“So you mean.. You’re gay?! And he is actually your boyfriend?!”, mas lalong pagtataray ni Arianne.
ANO DAW?! Tama ba ang narinig ko?! Paanong alam agad ng kapatid ni Andre na.. Don’t tell me na andito kami para.. Oh, no! Ano bang ginagawa mo Andre?!

“Kung yan ang gusto mo gamiting term, then so be it. But yes, he is my boyfriend.”, seryosong sagot ni Andre sa kapatid.

“Ah.. eh..”, kaba kaba kong sabat. Bigla naman akong tiningnan ng kapatid ni Andre at tinaasan ng kilay.

“So… Ikaw pala…”, pagtingin nito sakin mula ulo hanggang paa.

“Welcome to the family!!!”, biglang mabokang tugon nito sabay yakap. Bumeso beso pa ito. Halos manigas naman ako sa gulat dahil sa ginawa nya. WTH?! Kanina lang tinataasan nya ko ng kilay ngayon parang super close kami at parang ang tagal di nagkita.

“Hah.. Ah.. eh…”, pagtatakang usal ko.

“Hay nako, kaya ba ayoko magdala ng kaibigan dito. Lage mo na lang pinagtritripan.”, pagsermon nito sa kapatid.

“Never gets old.”, nakangiting sagot ni Arianne.

“Nakoo Ryan, don’t mind her. Lahat ng dinala kong friends dito, nabiktima ng kapatid ko!”

“And it works everytime.”, pagmamalaki pa ni Arianne. Ampness. Magkapatid nga tong dalawang to.
“Whatever.”, sagot ni Andre.

“Oh, anyways, nakahanda na ang food and Mom is waiting. I cant wait to see their reaction pag sinabi mo na… you know.. him…”, medyo pananakot ni Arianne.

“Wait, don’t tell me na sinabi mo na?!”, galit na tugon ni Andre sa kapatid.

“Syempre, di pa noh. Hayaan ko silang mashock sa revelation mo!”, ngising tugon ni Arianne.

Teka, una kapatid. Tapos sa magulang na? Halos matuyo naman ang lalamunan ko sa kaba.

Isang mini grande na lunch ang naka prepare sa magarang dining table. Andun nakita kong nakaupo ang sa tingin kong Ama at Ina ni Andre. Andun din ang isa pang lalake at babae na sa tingin ko ay kapatid ni Andre. Agad akong pinaupo ni Andre at umupo ito sa tabi ko. Pansin ko naman na nakatingin ang lahat sakin.

“So what’s your emergency, hijo? At talagang kailangan andito pa kami lahat.”, bungad ng Mom ni Andre.

“Ok, first thing first, Mom, Dad, Arianne, Aaron, Anne, this is Ryan. My boyfriend. Ryan, meet my family.”, pakumbida ni Andre. Nakita ko naman na halos malaglag ang panga ng mga tao sa paligid ko at agad napatingin sakin. Napansin ko naman na nagpipigil sa pagtawa si Arianne dahil sa ichura ng magulang. Ako naman ay ramdam ko agad ang pamumula ng mukha dahil sa kaba at hiya. Parang gusto ko biglang maglaho na parang bula.

“G-good Afternoon po…”, nahihiya pero firm kong bati.

“Paki ulit nga ang sinabi mo?!”, galit na sabi ng Daddy ni Andre. Kinabahan naman ako.

“Hijo, are you out of your mind?!”, dagdag pa ng Mommy nito. Mas lalo tuloy ako kinabahan. Ano ba kasi tong pakwela mo Andre?!

“I did make myself clear, right?”, casual na tugon ni Andresa magulang.

“Manang, tubig!”, utos agad ng Mommy ni Andre.

“Kuya, wait, you mean… You’re gay?!”, sarkastikong tanong ng kapatid ni Andre na si Aaron.

“Maybe. May boyfriend nga, eh.”, pagbibiro pa ni Andre.

“Would you answer properly?!”, sagot pa ng isang kapatid na babae ni Andre na si Anne.

“I think I am.”, casual na sagot ni Andre. Hindi naman na ko makahinga dahil sa tension sa bahay na iyon.

“Paano nangyari yon?! Hindi ba may girlfriend ka?!”, taka at gulat na tanong ni Aaron.

“I used to.”, sagot ni Andre. Nako Andre! Pwede ba sumagot ka ng maayos!

“You don’t know what you’re saying! Ito lang pala ang itinawag mo!”, galit na sabi ng Daddy ni Aaron. Gusto ko naman na bigla magcollapse.

Tahimik sandal. Walang nagsasalita. Kahit ako ay hindi makapagsalita. Ramdam ko naman ang agarang pagpapawis.

“So, are we gonna eat or what..? Gutom na ko.”, pambasag ni Arianne.

Agad na nagsitayuan ang Mommy, Daddy, si Aaron at si Anne mula sa kinauupuan. Mukhang dismayadong dismayado sila a mga narinig. Kitang kita din kasi sa reaction ng mukha nila. Gusto ko naman din makitayo at tuluyang lumabas ng bahay nila.



           Kamusta po pala sa lahat? ^_^ Tanong ko lang po kung meron po bang gusto maging author dito po sa aking blog? ^_^ Kahit po anong genre ng story nyo. Mapa horror, gay/straight love story, fantasy, or comedy pa yan, lahat po is welcome. ^_^ Pm nyo lang po ako sa aking fb para mabigyan ko po kayo ng access :) Maraming salamat po ^_^

          Paki follow na rin po ang aking blog ha ^_^ Nasa baba po ito ng Chatango chat box ^_^ you can use your google or twitter account po ata :) Di ko sure, eh.. Thanks po!! ^_^

          Sya nga po pala, posted na ang part 7 nito sa aking blog. Ito po ang link. http://darkkenstories.blogspot.jp/2012/08/3-minahal-ni-bestfriend-memories-part-7.html

1 comment:

Unknown said...

nakakakilig... hahaha