Medyo magiging mabagal po update ko ah... hahaha.. Pero mag uupdate pa din ako.. medyo busy sa finals... kaya ngayon ako nag scheds ng posts....
Bukas August 24.... hahahha.... yizzzz..... wala lang.... hahaha...
Musta kayo? wiiih...
Special thanks dun sa dalawang nag follow ng blog ko... hahahha...
Dylan Kyle's Diary <<<<<<<<<<<<<<<<<<< ayan po blog ko.. click na lang po ninyo...
Comment din kayo dun.. wawa naman blog ko.. hahaha joke...
try ko mag gawa ng survey dun ah.. :))
Ayon.. ewam namin ngayon.. pero sumingit sandali.. hahaha
Always Here,
Dylan Kyle Santos
You Found Me – The Fray Song Lyrics
**********************************************************
I dedicate this post to : Ryval Winston.... (unang nag comment sa blog ko... hahah)
[AJ’s POV]
2nd term na naming. Haixt. Eto na ang
critical sa lahat ng critical.
Grabe ang mga load ko ngayon, tatlong math
kaagad. 2 science pa. waaah sabog ang utak ko. Pero kaya yan, ako pa.
Dalawang
lingo pa lang ang nakakaraan ng mag 2nd term na.
Medyo di pa mabigat ang mga subjects.
Break naming
ngayon at nasa cafeteria ako at nakikipagdaldalan sa mga classmates ko.
Bigla
na lang may tumaklob ng mata ko at humalik sa pisngi ko.
“Ayt Jaysen.” Sabi ko.
“Ang galing ah.” Sabi niya.
“Alangan naman ikaw lang ang gagawa niyan eh.”
“Hahaha. Malamang. Pag may ibang gumawa niyan lagot
sila sa akin.”
Bigla niyang inabot sa akin ang isang pirasong kitkat.
“Thanks. Love you.”
“Love you too.” Sabi niya.
“Tara na tol. Nilalanggam na kayo jan eh.” Sabi ni
Steve.
“Inggit ka lang pre…”
“Di ah.”
“Kita tayo mamaya uwian. Intayin kita ha.”
“Yes.”
Agad namang nagtilian mga classmates ko.
“Grabe ang swerte mo ha.”
“Irit talaga ng malakas?”
“Kasi naman nakakakilig eh.”
“Swerte mo talaga. Manatakin mo natuhog mo si
Jaysen. Ang gwapo gwapo niya grabe. Super.” Sabi nung isa.
“Kayo talaga.”
Sobrang kinikilig talaga sila kapag nag papasweet
sa akin si Jaysen.
Kala mo hihilahin adrenaline nila kapag makikita nila ito.
ang lakas makairit eh.
My class turn out well.
Okay naman lahat. Last class namin ay English.
Bago
matapos ang class namin ay nagsabi na ang prof namin na magkakaroon daw kami ng
research paper.
“Ayt naman si Sir. Research paper pa.” reklamo ng
isa kong kabarkada.
“Yaan mo na.” sabi ko.
“Palibhasa sisiw lang yun sayo eh.”
“Hindi naman. Sadyang pinagtiyiyagaan ko lang yun.”
“By the way class groupings naman siya. Kaso yung
group na yun compose of two members. Kaya by partner lang.” sabi nito.
Matutuwa na sana ang classmates ko kaso nga lang
biglang napurnada pa. kanya-kanya ng hatak sila.
Since lima kami, ako nawalan
ng partner.
Well it turns out na ako lang ang walang partner.
“Okay class lahat ba may partner na?”
“Sir ako wala pa po.” Sabi ko.
"Naku wag ka na..... kaya mo na yan mag isa." sabi nung kabarkada ko.
"Shut up.. bahala ka jan.. walang tanungan ah..." biro ko.
"Sir Ihanap na ninyo... yung magaling ah..." biglang sabat
at nagtawanan sila.
“Sino pa walang partner jan?”
Then suddenly may nag
raise ng hand sa may likod. I saw a pretty girl. Maganda siya, at parang may
kamukha siya.
“Ah okay. Mr. Montederamos at Ms. Pangilinan, kayo
ang magpartner.”
Pinuntahan ko agad siya at nakipag kilala.
“Hello. I’m Arwin Jake Montederamos.” Pakilala ko.
“So, you are Arwin. I’m Princess Ericka Pangilinan”
“Nice to meet you.”
“Same too. So ikaw pala yung laging kinukwento ng
kuya ko saakin.”
“Ha? Ah eh. Sino ba yung kuya mo?” then suddenly
the bell rung.
“Ayt nag bell na. sige see you around.” Nauna na
akong tumayo.
Nagmadali kasi bigla mga kabarkada ko.
Sabi ko
naman wait lang pero masyado silang atat.
Oo nga pala si Jaysen.
Hinanap ng
mata ko si Jaysen.
Pagkakita ko nandun na yung apat. Aba nauna pa sa akin.
“Well.” Sabi ni Jaysen.
“Oh?” sabi ko naman.
“So tara na?”
“Okay sige.” He hold my hands ang start to walk pero bigla siyang tumigil.
“Bakit?”
“Oi sis.” Sigaw nito sa babae.
Napatingin ako sa kung saan siya tumingin.
Kumaway yung
babae kaya nalaman ko na siya yung sinasabihan ni jaysen.
My eyes get big
habang papalapit yung girl. So siya yung kapatid niya.
“Hello ulit.” Bati niya sa akin.
“So magkapatid kayo?” gulat kong tanong.
“Yeah. Again I’m Princess Ericka Pangilinan. You
can call me Princess. Well I guess you’re my kuya’s honey babe?”
“Well mag kaklase kayo sis?”
“Oo naman. Mag kapartner pa nga kami sa research
paper eh”
“Wow. Ang galing naman. So meron na pala akong
dahilan or palusot para makapunta sayo bhie ko.”
“Aysus. Ginamit mo pa talaga to ha.”
“So bale sis, yaan mo, kapag need mo mag overnight
sa kanila, ako na lang mag substitute sayo.”sabi ni Jaysen.
“Alam mo para kang timang.” Sabi ko.
“Diba sis papayag ka naman?”
“Adik mo kuya. Sumbong kita jan kay kuya at papa
eh.” Sabi nito.
“Subukan mo lang at di ka makakatungtong sa bahay.”
“Weh?”
“So Princess, nice to meet you.”
“We need to talk. Dami nating dapat pag kwentuhan.”
Bigla niya akong hinila. Nabitawan ko tuloy ang
kamay ni Jaysen. Napakamot na lang siya ng ulo niya.
Mabilis kaming nagkasundo ni Princess.
Grabe dami
kong nalaman kay Jaysen ng dahil sa kanya. Siguro pag uwi nila kagulo na to.
“Alam mo ba yang si Kuya, di yan tutulog ng di ka
namin pinag uusapan. Nahuli ko pa nga yan hinahalikan picture mo eh…” pambubuko
ni Princess.
“Oi tigil na nga yan. Na-humiliated na ako sa
ginagawa mo.”
“Kuya ayaw mo nun? Nalalaman niya ka-sweetan mo?”
tawa lang ako ng tawa.
“Well good naman na ikaw ang nagging bf niyang
kulugo kong kuya. Boto ako sayo kasi sobra mong bait. Marami akong narinig all
over the campus about sayo. Grabe ka ha. Ikaw na matalino.”
“Adik. Masipag lang talaga mag aral.”
“Hawaan mo ako ha.”
“Naku bhie, kailngan mong mahawaan yan ng sipag.
Pagkakatamad niyan sobra eh.”
“Kuya naman. Mas masipag naman ako sa bahay no.”
“Aysus. Parang di naman. Utos ka ng ng utos sa
akin.”
“At least kaya kong magluto ng masarap.”
“well. Lahat ng bagay napag aaralan.”
“Naku bhie ikaw ha, mamaya tatamad-tamad ka sa
bahay ninyo?”
“Hindi ah. Masipag ako no. kaya nga ganito katawan
ng mahal mo eh.”
“Aysus.”
Tawanan lang kami ng tawanan.
Kwela siya at
nakasundo na agad ng barkada.
Siguro pag nandito si Chad eh makakasundo din
nito yun.
May klase pa kasi si Chad kaya wala pa siya dito.
“So kuya, uuna na ako ha. Baka kasi hinahanap na
ako ni papa. Uwi ka na din pagkatapos mong ihatid yang bhie mo.”
“Okay bunso sige sige. Ingat ka ha diretso bahay
hindi diretso sa bahay ng boy friend.”
“Wala akong boyfriend no.”
“Talaga lang ha.”
“Sige bye bye. Toodles.”
“Okay.” Ilang sandali lang, nawala na sa aming
paningin si Princess.
“Ang saya kasama ng kapatid mo ah.”
“Mana lang sa kuya.”
“Ikaw ha. May pahalik-halik ka pa sa picture ko
ha.”
“Eh hanggang picture lang ako nun eh.”
“Aysus. Kahit nga hindi tayo hinahalik halikan mo
ako.”
“Well. At least natikman mo labi ko noon. Ang
swerte mo ha.”
“Kapal mo din ah.”
“Aysus. Talaga lang ha.”
“oo. Ako na nag sasabi sayo.”
“Sus. Ewan lang din.”
Bigla na lang niya ako
hinatak at hinila paharap sa kanya. Nakasandal na ako ngayon sa may kotse niya.
“I love you bhie.” Sabi niya.
“Alam mo may sabigla ka talaga ha.”
“Eh love kita eh.” Lumapit ang mukha niya sa mukha
ko.
“Oy grabe ka, dito talaga?”
“Saan mo ba gusto?”
“PDA to no.” sabi ko.
Hinila niya ako sa kotse at
saka hinalikan.
“Ayan hindi na nila makikita.”
“Kahit kalian talaga para kang timang.”
“Buang na nga ako eh.”
“Oo baliw ka na talaga.”
“Tara na iuuwi na kita. Mamaya magalit pa si papa
at hindi kita inuwi sa bahay ninyo.”
“Hahaha. Lagot ka talaga pag hindi mo ako inuwi.”
“Di ko naman kailngan na itanan ka pa eh.”
“Hahaha. Sana dumating yung time na legal na tayo
both side.”
“Yup darating din yun. At pag nangyari yun,
papakasalan kita.”
“I love you Jaysen.”
“I love you to AJ akin ka lang ha.”
“Oo sayo lang ako.”
Araw-araw niya akong hinahatid pauwi.
Sobrang close
na nga niya sa family ko eh.
Sana nga lang hindi na mag end yung ganitong mga
sandal.
Tuwing gabi, nagkakusap kami sa phone.
Hindi siya nagsasawa na kausapin ako.
“Oi ikaw nagkakausap na tayo sa school, pati sa
phone pa ba? Mamaya mag sawa ka sa akin ha? Babatukan talaga kita.”
“hinding-hindi ako magsasawa sayo. Baka nga ikaw
jan nag sasawa sa akin eh.”
“Aysus, hindi rin.”
“Alam mo. Mahal kita.” Sabi niya.
“Lalo mo akong pinapakilig eh. Mas mahal kita.”
“Wag mo akong iiwan ha.” Sabi niya
“Alam mo para kang timang. Di kita iiwan no?”
“Paano kung bumalik ang ex mo at bawiin ka niya sa
akin?” tanong niya.
Nagulat na lang ako dahil hindi ko expected na itatanong
niya sa akin iyon.
“Bakit mo naman naitanong iyan?”
“Wala naman. Basta sagutin mo ako.”
“Bakit papayag ka ba na makuha niya ulit ako?”
“Hindi.”
“Eh yun naman pala eh.”
“Pero natatakot ako na mawala ka sa sakin.”
“Ano ka ba, hindi kita iiwan. Sayo na ako. Kahit na
deep inside eh may sakit pa din”
“Bhie, alam kong may parte sa puso mo ang mahal mo
pa rin siya, pero gagawin ko lahat, gagawin ko ang makakaya ko para palitan
siya sa puso mo.”
Medyo naluluha ako sa sinabi niya. How I wish I can
hug him sa oras na ito. he made me cry
sa mga sinasabi niya.
He is a nice person and he deserve my love so
passionately.
I will do my best para matugunan ang pagmamahal niya sa akin.
“bakit hindi ka na nag salita jan?” tanong niya sa
akin.
“Eh ikaw eh, pinapaiyak mo ako.”
“hala ka, adik mo, wag kang umiyak jan.”
“I love you.”
“I love you too.”
“Mahal na mahal kita ha.”
“Mahal na mahal din kita.”
“Good night bhie.”
“Good night din. Isang mwah mwah. Nga jan. kiss
ko.”
“Mwahugs…”
“Sige kita na lang tayo bukas.” Sabi ko.
“Sinduin na kita.”
“Okay sige sige. Salamat. Good night bhie ko.”
“Good night din bhie. I love you.” At binaba niya
ang phone.
I will never do a stupid things during our
relationship.
Gagawin ko ang lahat para maging loyal kami sa isa’t-isa.
Pilit ko
ng ibabaon ang pag mamahal ko kay James.
It’s time to move on. And besides, mga bata pa
naman kami.
Let us enjoy our company. I’m sure naman na pag tanda naming eh
makakayanin na naming ito. magagwa na naming ipaglaban ang bawat isa.
Nakita ko
na hanggang ngayon suot-suot ko pa rin ang singsing na ibinigay niya.
“James, sana kung nasaan ka man, maging tahimik na
buhay mo. Sana wag mo na akong guluhin pa, sana hindi nakita makitang muli,
masakit lang, babalik lang ang mga ginawa mo sa akin.” Bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko magawang itapon o itago ang singsing na
ito sa hindi ko malamang dahilan. Bakit kaya? Ano bang meron dito at nanghihinayang
ako na alisin ito sa aking kamay.
Sinipat ko naman ang tattoo sa aking likuran. Ilang
buwan na ang nakakalipas ng mag patattoo ako.
“James, sana di ko na lang tinanggap ang pagmamahal
mo, ayos sana ang buhay ko ngayon. Magiging okay sana ako ngayon.”
Napapaluha na lang ako pag naaalala ko siya.
Mahal
ko pa ba siya?
Sa kabila ng ginawa niya sa akin, mapapatwad ko pa ba siya?
Sunud-sunod na tanong na pumasok sa aking isispan.
Hindi ko na mapigilan ang umiyak ng umiyak.
Halos
mapahagulgol na ako sa ginawa kong pagbabalik-tanaw.
Bakit ba nangyari pa sa
akin iyon?
Bakit kailangan pa na maging ganoon ang buhay ko?
Pineste lang nito ang buhay ko.
Ilang sandali,
naramdaman ko ang paninikip ng aking puso.
Unti-unti sumakit ang dibdib ko at
tuluyan na akong napahiga sa sahig.
Pilit kong hinahabol ang hininga ko pero hindi ko
na magawa.
Katangahan ko kasi eh, iyak pa ako ng iyak.
Hinanap ng aking mga
kamay ang aking gamut.
Gumagapang na ako papunta sa aking lamesa pero hindi ko
na mahagilap ito.
“Mmmm…mmm…aaa….ma….mA…MAAAA!” pilit na hininga kong
sigaw.
Di kalakasan eto pero sapat para marinig ako sa
kabilang kwarto. Wala pa ring dumadating kaya nawalan ako ng pag asa.
Pinilit
kong tumayo pero walang lakas ang dumidikit sa akin.
Nasagi ko ang lamesa kaya nahulog ang mga gamit ko.
Nadagaanan ako ng bag ko na siyang dahilan kung bakit tuluyan na akong nahiga
sa sahig.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at hindi ko
na alam ang sumunod na pangyayari.
Namalayan ko na lang na nawalan na ako ng malay.
Nagdilim ang panaginip ko at naramdaman ko na may
bumuhat sa akin.
Wala na akong malay pero ramdam ko kung ano ang nangyayari.
Di
ko alam kung sa ilang minuto na lilipas, may maramdaman pa kaya ako.
Madilim, natatakot ako, ako lang mag isa.
Wala
akong makita kahit ano.
Naiyak ako at para bang bata na walang mapuntahan o
nakukugaw ng landas.
Ano ba ang gagawin ko?
Ano ba ang kailngan kong gawin?
Gusto kong makaalis
sa lugar na iyon. Jaysen, tulangan mo ako. Nagsimula akong magsisigaw.
“Ma…. Pa…. Jaysen… tulungan ninyo ako… Natatakot
ako. Somebody, I need help….”
Sigaw ko habang umiiyak ako.
Maya-maya, naramdaman
kong nahihirapan akong gumalaw.
Unti-unti na palang bumibigat ang aking
katawan.
Para bang may humihila sa akin pababa.
Buhay nga naman, eto na ba ang katapusan ko?
Eto
nab a ang huling hibla ng buhay ko.
Dati naman nakaligtas ako sa kamatayan ah?
Pero ngayon ba?
Makaligtas pa kaya ako?”
[Jaysen’s POV]
“I love you.”
“I love you too.”
“Mahal na mahal kita ha.”
“Mahal na mahal din kita.”
“Good night bhie.”
“Good night din. Isang mwah mwah. Nga jan. kiss
ko.”
“Mwahugs…”
“Sige kita na lang tayo bukas.” Sabi ko.
“Sunduin na kita.”
“Okay sige sige. Salamat. Good night bhie ko.”
“Good night din bhie. I love you.”
At binaba ko na yung phone ko.
Hindi talaga ako
magsasawa na kausapin ang mahal ko.
Kahit anong mangyari, siya at ako lang.
kung bumalik man yung hilaw niyang ex, gagawin ko ang lahat para maging okay
kami.
Nahirapan akong maging kami, kaya gagawin ko ang
lahat para hindi kami mag hiwalay.
Jaysen at AJ lang pang habang buhay.
Mahimbing na ang pagkakatulog ko noon, nanaginip pa
nga ako na kasama ko si AJ eh.
Namamsayal kami noon at ready na ready kami sa
suot namin.
Kasama naming mga kabarkada naming.
Nagsasaya kami, parang walang problema, pero bigla
na lang may dumukot kay AJ.
May mga taong nakaitim ang pilit siyang kinukuha.
Hinabol ko sila pero wala akong magawa.
Nagsimula ng tumulo ang luha ko noon.
Hinahabol ko
sila, sigaw ako ng sigaw at hindi pa rin sila tumitigil kahit anong gawin kong
pamamakaawa wala pa rin.
Maya maya bigla na lang akong nabulabog ng sunod-sunod
na tawag.
Tinignan ko ang orasan, mag aala-una pa lang ng
gabi.
Ang aga naman. Aya bumalik ako sa pagtulog.
Pero hindi nakuntento ito at
tuawag ulit. Dahil sa kakulitan, sinagot ko na yung tawag.
“Hello.” Medyo garalgal kong boses na sabi.
“Hello, si Chad to.”
“Grabe ang aga pa neto. Bakit ba?” medyo inis kong
sabi.
“Si AJ…” sabi nito.
Bigla akong nagising sa sinabi
niya.
“Anong meron kay AJ? Ano? Anong nangyari kay AJ?”
“Andito kami sa ospital, sinugod namin siya.
Pumunta ka dito sa ******* *********** *****.” Sabi sa akin ni Chad.
“Ok sige sige papunta na ako. Kamusta ang kalagayan
niya?”
“Under observation pa siya. Nasa loob pa rin siya
eh.”
Binaba ko na ang phone at agad akong nagasuot ng damit.
Agad kong kinuha ang susi ng kotse at umalis ng bahay.
Please, AJ, hang on.
Wag kang bibitiw.
Kailangan kita, kailangan kita.
(Itutuloy)
*********************************************************
Guys... salamat po... comment ah.. :))
4 comments:
Wew! The last part took my breath away... Biglang nagkaroon ng twist... Ano kaya mangyayari kay AJ? Kaka-excite tuloy ang next chapter... =)
-xtian
ganun ba tlga kpag mei lab layp? pati sa panaginip mei konekxon..?? inggit-much.. lol
moncler jackets
golden goose
golden goose sneakers
golden goose shoes
balenciaga speed trainer
balenciaga sneakers
coach outlet online
jordan shoes
timberlands
supreme new york
nike shox
off white hoodie
adidas yeezy
moncler jacket
chrome hearts outlet
kenzo
lebron shoes
curry 8
lebron james shoes
nike off white
Post a Comment