Sunday, August 26, 2012

Bullets for my Valentines- Part 13

Author's Note:

Yeah.. alam ko naiinis na kayo kasi bitin ako mag post... hahah.. para ma excite naman kayo.. hahah

Bitin king ako... hahahahah

Salamat po sa mga overwhelming na mga messages ninyo.... continue comments lang


di pa ako makapag update on the day kasi busy pa.....

lapit na finals kasi...

tri-sem kami kaya ayon bawi-bawi lang.

Sa mga readers ko, let's have some discussions either in my blog or fb.. thank you.. :))

sa mga readers ko lalo na sa mga commentators na sina:
from kuya Rovi's blog...

1. Ian
2. Ako si Christian
3. Anonymous

from BOL
1. Jaycee Mejika
2. Rinx
3. Kiero 143
4. Diumar
5. Dereck
6. Anonymous
7. Andy

as of august 25 yan... hahahha
salamat sa comments ninyo guys... :))

unang magcomment sa blog ko  idededicte ko next postings ko... hahahaha


"Nung gabing un.. halos tumulo luha ko dahil sa aking nadarama.. nang iyong sinabi na : “ayoko na..” masakit man ispin pero kelangan tanggapin.. hindi naman hbang buhay kang AKIN."

Always here,

Dylan Kyle Santos


videokeman mp3
Paniwalaan Mo – Daniel Padilla Song Lyrics



****************************************************

[AJ’s POV]


“Hello.” Sabi sa kabilang linya.


Magsasalita na sana ako ng agawin ni Jaysen ang phone ko.


“Hello din. Oy ingatan mo pre yung best friend ng bhie ko ha. Asahan ko yan ha.”


Parang timang talaga tong si Jaysen. Sinususot niya talaga si Chad. 

Pagnalaman yan nako lagot ito. 

Pero parang pamilyar ang boses ng nasa kabilang linya.

Parang narinig ko na siya dati. Saan kaya at kanino kaya? 

Mga tanong na bumabagabag sa akin. Binaba ni Jaysen ang phone.


“Adik mo talaga.” Sabi ko.


“Adik sayo.”


“Ang corny.”


“Pero gusto mo naman.”


“Oo na.”


“Alam mo kapag ikaw sad, andito lang ako sa tabi mo.”


“Alam ko.”


“Kapag may kaaway ka, aawayin ko di sila at wala akong pakialam kung gaano pa sila kadami.”


“Wow ha mag papakabrave ka ng para sa akin.”


“Oo naman. Kasi you are special to me at ayaw kong masaktan ka, kasi mahal kita eh.”


“Yan ang gusto ko sayo eh lalo mo akong pinapain-love.”


“Ayokong mag fade love mo sa akin.”


“Ako din naman eh.”


Bigla na lang sumingit sa eksena naming si mama.


“Hoy kayong dalawa mamaya na kayo mag kornihan diyan. Kain na muna kayo ng meryenda.”


“Ma naman eh. Bigla bigla na lang.”


“Ganun talaga anak.”


“Ma, pwede bang si bhie ko na lang meryendahin ko?” panlokong tanong ni Jaysen.


“Hoy kayo ha. Saka na yan. Kapag may trabaho na kayo. Paparami agad kayo.”


“Joke lang yun ma.” Sabi nito.


Tinawag din ni mama si ate at si bunso. Yung iba kong kapatid kasi nas school pa.


“Kain tayo ate Arianna.” Sabi ni Jaysen.


“Naku buti ka pa inaalok ako. Etong boyfriend mo hindi man lang ako inaalok.” Tukoy sa akin ni ate.


“Naku ate, matakaw ka kasi.”


“Aba nasabat ka na.”


“Sus. Masama?”


“Talk to my hand.”


“Talk to my nails.” Ganyan kami ni ate mag barahan.


“Bhie oh. Ah.” Sinubuan ko siya ng bilo-bilo o ginataan.


“Ahm.” Sabay kiss sa akin.


“Ma oh ang sweet nila oh. Dito pa sila naglalandian.” Sabi ni ate.


“Waaah. Inggit ka ate. Gurang ka na kasi kaya hindi ka na dinadalaw ng boylet mo.”


“Grabe ka. Wala ka talagang galang sa akin.”


“Meron naman.”


“Saan?”


“Sa pagtawag ko ng ate sayo.”


“Bastusan. Che.” Tapos tawanan.


Naalala ko lang bigla si Khail. Kamusta na kaya siya. 

Ni hindi ako nakapag paalam sa kanya. 

Siguro nagtanim yun ng galit sa akin. 

Gusto ko siyang ampunin dahil parang mag ama na turingan naming dalawa.

Nakakalungkot lang kung sakaling may umampon na sa kanya. Kung gayon man, sana lang ay maayos na ang kalagayan nito. Sana ay okay naman sila doon.

Gusto kong bumisita doon one day para naman makamusta ko siya. Siguro malaki na ang pinagbago noon. Pero hope ko lang na sana ay nasa maganda siyang pangangalaga.


“Bhie, mukhang may malalim kang iniisip ah?” tanong sa akin ni Jaysen.


“Naalala ko lang anak ko.” Sabi ko.


“May… may anak ka na?” gulat na tanong niya.


“Not typically anak, anak-anakan ko yun. Makapag react to wagas.”


“Akala ko may anak ka na eh. Este anak na tayo eh.”


“Haahha. Anak talaga natin ha. Ikaw talaga.”


“Kelan ba tayo gagawa ng baby natin ha?” yumakap siya sa akin at hinimas ang tiyan ko.


“Oi. Bakit tiyan ko hinawakan mo?”


“Siyempre, ikaw ang carrier ng anak ko. Kaya dapat di kita pinapagod. Ano gusto ng bhie ko?”


“Aysus. Adik mo. Mga balak mo sa akin ha. Nakow. Mamaya mabaligtad ang mundo, ikaw ang maging carrier eh.”


“Eh kung kaya mo lang ba eh. Kung makakaubra ka sa akin.” Kinindatan niya ako.


“Sira ka talaga.”


“Matagal na. matagal na akong sirang-sira sa pagmamhal sayo.”


“Corny mo bhie. Kain ka na nga jan.”


Corny no? bhie tawagan namin. Siya umisip noon ha at hindi ako. Hindi ko alam kung ano ang naisipan niyan at ayan yung sinabi niya.


Okay na rin naman keas naman kung anu-ano pa mga naisip niya. Honey bunch, tart, hay naku daming alam nito. Parang babae at lalaki lang kami pag ganun.


Hahahaha. Kamusta na kaya si Chad doon. I know naman gustong-gusto niya yung guy nay un. Hoping na makilala ko yun soon.


[James’ POV]


“Ano sabi sao ng best friend ko?” tanong sa akin ni Chad.


“Yung boyfriend niya nakausap ko eh.”


“Ah. Ganun ba. Oh ano daw sabi?”


“Ingatan daw kita.”


“Adik talaga nung mga yun.”


“Hahaha. Ayos lang. teka legal ba silang dalawa?”


“Sinong dalawa?”


“Yung best friend mo at boyfriend niya?”


“Ah. Oo legal sila sa side ng best friend ko. Kaso yung sa jowa niya hindi eh. Marino tatay niyon kaya hirap silang aminin.”


“Ah buti di nagalit tatay ng best friend mo?”


“No, he was proud sa anak niya. Di ko alam buong istorya but gawa siguro yun nung sa ex ng best friend ko. Ayon. Dahil sa kanya naging okay ang lahat. Okay naman sa family niya ang lahat. Tanggap nila kung ano ang katauhan ng best friend ko.”


“Good to hear.”


“Ikaw ba?” tanong ko sa kanya.


“Alam nila kung ano ako pero hindi nila tanggap.”


“Sorry to hear that.”


“What about you?”


“I think naman okay na sa kanila. Dahil din ito sa ex ko.”


“Ah ganun ba. Alam mo dami ninyong common ng best friend ko.”


“Ah ganun ba. Hahaha. Baka destiny. Hope na makilala ko na best friend mo.”


“Baka mamaya siya ex mo ha. Joke lang. yaan mo mag seset ako ng date para magkakilala kayo.”


“Hahaha. Analayo at imposible naman na maging ex ko best friend mo.”


“Hahaha. Just assuming. Hahahah.”


“Kain na nga lang tayo.”


Marami pa kaming napag kwentuhan. Masaya kausap si Chad. I learned many things from him.


I like him, as friend at hanggang dun na muna. Siyempre wala munang makakapalit sa one and only love ko.


Inabot kami ng alas-siete ng gabi. 

Yah, ganyan kami katagal nag usap. 

Nanood din kami ng movie. 

Ako naman ang nag treat sa kanya.


Naglaro din kami sa quantum. 

Doon kami laging naglalaro ng mahal ko eh. 

Bawat pinupuntahan naming ni Chad, it only reminds me of him.

Kamusta na kaya siya? 

Gusto ko na siyang makasama. 

I know nandito lang siya kasi nakita ko siya, pero di pa rin ako sigurado.


Gusto kong makapanigurado na siya nga yung nakita ko bago ako mag conclude. Nagpasya na kaming umuwi.


“So paano ba yan, bye bye na.” sabi ko.


“I had a great time. I enjoy it.”


“Yup ako din.”


“Sige una na ako.”


“okay ingat ka ha.”


“Okay bye bye.”


I have my car. Ayaw niyang mag pahatid sa akin. 

Kaya ayon namasahe na lang siya. 

Dumeretso na ako pauwi. 

Namili muna ako ng pasalubong sa baby ko.

Siguradong kanina pa yun nag mamaktol kakahintay sa akin. 

Favorite niya yung binili ko, brownies ng brownies unlimited. 

Yun ang lagi nilang kinakain ni Arwin pag nag gagala kami.

Para nga kaming one great and happy family noon. 

Sana pwede lang balikan ang kahapon. 

Pag uwi ko agad sumalubong sa akin ang baby ko.


“Daddy!!!” sigaw sa akin ni Khail.


“Baby ko…” salubong ko naman.


“Bakit ngayon ka lang? kanina pa ko naghihintay sayo.”


“Pasensiya na baby ha, medyo dami lang ginawa kanina.” Palusot ko.


“Naku nanlalaki yang daddy mo.” Sabat ni mama.


“Ma naman.”


“I hate you. Si daddy Arwin lang daddy ko… bad ka pinagpalit mo na siya.”


“Naku anak ang daddy mo lang ang nag iisa sa puso ko at walang makakapalit doon.”


“Promise?”


“oo naman.”


“Okay. Sige po. Pasalubong ko?”


“Kiss ko muna?”


“Mwuah.” Inilabas ko yung brownies at tuwang tuwa siya sad ala ko.


“Alam kong favorite mo yan kaya iyan binili ko.”


“Salamat daddy.”


Masaya na ako kapag nakikita ko siyang masayan. Sobrang happy ako kasi siya ang nag papaalala sa akin na nanjan lang si Arwin sa tabi ko.


Mga 9 pm na ng makatulog si Khail. Nag usap naman kami ni mama sa may terrace namin.


“Kamusta ang lakad mo?” tanong sa akin ni mama.


“It’s fine. Nag enjoy naman ako. I had a great time.”


“Mahal mo pa rin ba siya?”


“ma naman. Tinatanog pa ba yan. Oo naman. Mahal na mahal ko siya.”


“Siguro matutuwa ka sa ibabalita ko.”


“ano yun ma?”


“Andito lang din sa kinaroroonan natin si Arwin. Nag patanong na ako at dito nga sila malapit lang din dito lumipat sila Arwin. Di ko lang alam kung saan pero alam ko dito nga.”


Sobra akong nabuhayan ng loob ng mabalitaan ko at marinig ko it okay mama. Niyakap ko siya ng mahigpit.


“Thank you mama. Pinasaya mo ako. Sigurado na akong nandito siya. Nakita ko siya noong isang araw.” Sabi ko.


“Para sayo anak. At isa pa, gusto ko din humingi ng tawad sa kanya.”


“Pinatawad ka nun ma. Ikaw pa.”


“Basta.”


Hindi ako makatulog sa kakaisip na ilang milya lang pala ang layo niya sa akin. 

Baka nga ilang metro lang eh. 

Malapit na kitang makita. Gustong-gusto na kitang makita.

Pag nakita kita yayakapin agad kita ng sobrang higpit. 

Gagawin ko ang lahat to get you back ang win your heart again. 

Pinapangako ko hindi na kita papaiyakin. 

Hindi na kita sasaktan. 

Niyakap ko ng mahigpit si Khail.


“Khail anak, mahahnap ko na ang daddy mo. Magkakasama na tayong tatlo.” Sabi ko sa kanya habang tulog siya.


Natulog din ako matapos ang ilang sandali. 

Namalayan ko na lang na nakapikit na ang mata ko at nakatulog na ako.


[Chad’s POV]


That was the most unforgettable day ever. 

Grabe ang gwapo niya. 

Nakakatulala ang kagwapuhan niya.

Ang swerte ko kapag naging akin siya. 

Sana akin na lang siya. 

Promise ko aalagaan ko puso niya. 

Nakakainlove mga ginawa niya sa akin.

Nanjan yung nag offer siya na ihatid ako, nanjan din yung pahiran niya yung dumi sa mukha ko at ilibre pa niya ako sa movie. 

Habang papauwi ako nakatulala ako sa kawalan.

Napapangiti ako pag naaalala ko iyon. 

Sobrang saya ko talaga ngayon. 

Wala ng makakapantay pa dito. Siguro meron pala, if ever namaging kami.

Pagdating ko ng bahay, agad kong tinawagan si AJ.


“Oh napatawag ka.” Dinig kong sabi niya sa kabilang linya.


“Kinikilig ako.” Sabi ko.


“Ang landi ah. I think you like him.”


“Yeah a lot. Grabe ang gwapo niya sobra,. Nakakanganga ang kagwapuhan niya.”


“Aysus. Mamaya mas gwapo pa ako jan ha.”


“Siguro pangalawa ka lang.”


“Grabe ka ha. Best friend ba kita?” “


"Oo naman. Pero talagang ang gwapo niya eh. Naka mesmerize.”


“oh mukhang gwapo nga. Base sa kinikilos mo eh daig mo pa ang kinder kung kiligin”


“Sira. Pero he captures my heart.” Parang baliw na ako nag papaumikot-ikot sa kama.


“Sira ka, capture agad eh kakikilala ninyo lang.PBB teens?!”


“Aysus. Ganyun talaga. Gusto nga kayong makita eh.”


“Soon makikilala ko din yan.”


“naku pag nakita mo ito baka hiwalayan mo yang asungot mong boyfriend.”


“Adik mo talaga ikaw. Naku.”


“Oy narinig ko yon.” Sabat ng isa.


“Hoy bakit nanjan ka pa?” tanong ko kay Jaysen.


“Gagawa kami ng bhie ko ng isang happy family. Bakit ba?”


“Hoy best friend ikaw ay mag ingat jan ha.”


“Adik ninyo. Kayng dalawa talaga pagbubuhulin ko. Mga pinagsasabi ninyo eh.”


“Ay siya siya good night na.”


“Okay good night din.”


Natulog ako na ang nasa isip ko ay nkalutang kay Arkin. 

Hope to see him again someday. 

Alam ko mag kikita ulit kami. At alam kong magiging kami. 

Gagamitan ko siya ng gayuma para maakit lang siya. Hahaha. 

See you sa dream land. At unti-unti nakaulog ako.


[Jaysen’s POV]


Makikitulog ako ngayon sa bahay ng pinakamamahal ko. 

First time to kaya dapat memorable. Yan ang nasa isip ko. 

Bago matulog sila mama, pumasok muna siya sa kwarto ni AJ at may sinabi.


“Kayong dalawa, alam kong kayo na. saka na kayo gumawa ng apo ko ha. Behave.” Paalala nito.


“Ma, si Jaysen pagsabihan ninyo.”


“Oh bakit ako?” “


Aba, ako kaya kong mag control, eh ikaw ba?”


“Oo naman.”


“Talaga?”


“Oo kaya.” Nag hubad siya ng damit.


“So ma kaya pala niya eh.”


Napalunok ako bigla ng mag hubad siya ng damit. 


Grabe tinetesting talaga ako nitong mokong na to.


“Oy ikaw, talagang inaakit mo si Jaysen.”


“Ma, pagsabihan ninyo nga yang si AJ.” Sumbong ko.


“Aysus. Ang banas kaya.”


“Sus. Pwede namang mag electric fan.”


“Bakit ba?”


“Sige na tutulog na ako. May tiwala ako sa inyong dalawa ha.”


“Opo ma.” Sinarado na nito ang pinto.


Agad akong sumampa sa kama at humiga. Inaakit mo ako AJ ha, ngayon, tignan natin galing mo. 

Hinubad ko ang damit ko.


“Bhie tulog na tayo.” Sabi ko.


“O bakit ka nagtanggal ng damit?”


“Wala lang. tara na.” nakita kong napatitig siya.


“Si…sige…”


“Mukhang may flag ceremony ka ngayon ah?” pang asar ko sa kanya.


“Wala ah. Talagang ganyan na yan.” Bigla ko siyang hinila at inihiga.


“Ows. Talaga lang ha.”


Nilagay ko ang daliri ng kamay ko sa bibig niya. Pinasadahan ko ng daliri ang ilong niya. Ni hindi siya makagalaw at ramdam ko na medyo kinakabahan siya.


“Ang cute mo.” Sabi ko.


“Gwapo ako.” Sabi niya.


Tumalikod siya sa akin.

 Agad naman siyang nanlaban. 

Oh akala ko ba kaya niya pero gumanti siya. Naging mapusok ang palitan namin ng halik. 

Agad ko itong itinigil.


“Di ka rin pala makakatiis.”


“Sino kaya sa atin ha?”


“Aysus. Tara tulog na tayo. Behave na muna tayo…” sabi ko.


Natulog na kami. Magkayakap kami sa kama niya.


“I love you AJ.”


Sabi ko. Tumingin naman siya sa akin. Niyakap niya ako at binulungan ako.


“I love you too Jaysen.”


Masaya ako na kayakap ko siya ngayon. 

Kahit na alam kong hindi magtatagal ito. 

hangga’t hindi ko pa nasasabi kay papa ang lahat, hindi magiging okay ang lahat. 

Pero paano ko sasabihin ito? 

alam kong di niya kami matatanggap. Hay buhay.

Pinag masdan ko ang mukha ng mahal ko. Ang amo talaga nitong matulog. Pero pag nagising na eh daig pa nito ang leon sa bangis at sungit.


Ginala ko ang mata ko pababa ng katawan niya. 

Napadako ang mga mata ko sa tattoo na nasa likod niya. 

May letrang “J” ang nakatatak dito.

Napangiti ako ng maisip ko na para sa “Jaysen” yun pero naalala ko, baka naman sa ex niya. 

bigla akong nagselos. 

Nakadama ako ng inggit.

Hihigitan ko pa ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ng ex niya. 

gagawin ko ang lahat mahigitan ko pa ang ginawa ng ex niya. 

ipapakita ko na tama ang ginawa niyang pagpili sa akin.


(Itutuloy)

*************************************************

Exciting na mga susunod na chapters... :))

2 comments:

Anonymous said...

Can't wait for that exciting chapters.... Hahaha Sabi ko na eh, aagawin ni jaysen ang fon.. Hehehe galing! Sana di matagalan ang next chapter... Atat lang... =)

_ian

Dylan Kyle Santos said...

hahahha.... abangan po next chapter... :))