Wednesday, August 22, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 4 (SPECIAL)





             Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

             Una po sa lahat, ay nagpapasalamat ako sa lahat lahat pa rin ng taong sumusuporta sa aking munting akda. Kungdi rin dahil sa inyo ay di ako magkakaganang isulat ito.. Kaya muli, maraming salamat po :)

             Pangalawa, ay gusto ko po muli pasalamatan ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.

             Pangatlo, ay magiging seriuos po muna ako. Gusto ko pasalamatan si A L P O for his post. Natouch ako sa artwork na ginawa nya :) Kaya A L P O, maraming salamat po. And wag mo lang intindihin ang mga taong mapanira. Just keep on writing, you have my support :) Anyway po, can you email me? May aask lang po ako. -dizzy18ocho@yahoo.com

            Guys, let's talk!! ^_^

            Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
            Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
           Blogsite - darkkenstories.blogspot.com

             Ok, eto na po ang story!! ^_^

             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.






“Sagutin mo…. Please… Sagutin mo…”, sabi ko sa sarili ko. Nang makailang ring naman ay may sumagot na sa kabilang linya. Agad na tumulo ang luha ko ng marinig ang boses sa kabilang linya.

“Hello…?”

“Hello….?’, mahinang usal ko.

“Oh, Ryan, napatawag ka?”, pagsagot ng boses sa kabilang linya. Si Karen.

“Kailangan ko lang ng kausap.”

“Ganun ba. Oh sige, mag cr lang ako. Tatawagan kita.”

Maya maya ay tumawag na agad si Karen.

“Hello Karen?”

“Oh, may problema ba?”, alalang tanong ni Karen.

“Naka alis na sya.”, malungkot kong tugon.

“Oh, eh bat malungkot ka… Diba yan naman ang gusto mo…?”, alalang tanong nya muli.

“Oo. Ito nga.. Pero.”

“Hay nako, Ryan… Naiintindihan naman kita, eh.. Kaso… honestly, ha.. Tanga ka din ihh. Sorry, pero tanga ka talaga. Wala akong maisip na mas magandang term. Kasi.. wala, tanga talaga.”

“Oo na. Alam ko naman eh…”

“Hay ikaw talaga friend… So, bat ka nga napatawag. Huwag mo sabihin na magfafavor ka na icheck ko kung nakauwi ba sya ng maayos? Sampalin kita!”

“Eh… ganun na nga.. please?”

“Hay nako, ikaw talaga. Oh sya! Wait lang! Tatawagan kita ulit. Tawagan ko lang.”

Maya maya ay nagring na rin agad ang telepono ko. Agad ko itong sinagot.

“Hello?”, mabilis kong sagot.

“Ambilis lang sumagot, ha!”, biro ni Karen.

“Oh, natawagan mo ba?”

“Oo, natawagan ko na. Naka-uwi na daw sya kani-kanina lang.”

“Huh? Kani-kanina lang? Eh kaninang umaga pa sya umalis, ha.”

“Ah, may dinaanan daw sya. Nang itanong ko naman, kumain dawn g fishball ba yun..? Weird nga, eh.”

Nalungkot ako sa narinig ko. Alam ko na ang ibig sabihin kung bat sya natagalan. Nagdaan muna sya sa park kung saan una kaming nagkakilala “talaga”.

“Huy, andyan ka pa ba?”, tanong ni Karen.

“Oo, andito pa. Salamat Karen, ha… Salamat.”

“Anytime, friend….”, malungkot na tugon ni Karen.

Binaba ko na ang telepono. Muling tumulo ang luha ko. Ngunit tama si Karen, ito naman talaga ang plano at gusto ko, diba? At tsaka andito na to. Hindi ko sya pinigilan. Kailangan ko harapin ang consequences ng desisyon kong ito. Nagpakaduwag ako eh. Nagpakatanga. Kasalanan ko rin.

Nabasa ang unan ko kakaiyak noong gabing yun. Ito nanaman ako, binabali ang pangakong ginawa sa asrili. Ang pangakong hindi ko na sila iisipin at iiyakan. Pero paano ko paninindigan yun kung ganto ang mga nangyari. Na sat wing lilimot na ako ay sadyang sila mismo ang muling magpaparamdam at magpapaalala…?




Kinabukasan, nagising pa din ako ng maaga kahit pa hindi masyado nakatulog ng maayos dahil sa pagiyak ko kagabi. Pero bagong araw na ito. Kailangang magpatuloy ng buhay. Malungkot man, ay nagpakatapang ako para sa sarili. Agad akong tumayo at nagluto ng almusal para sa aming mag-anak. Agad din akong nag-ayos para sa pagpasok ko sa trabaho sa palengke.

“Aba, nagluto ka ngayon.”, biro ng Itay pagkalabas ng kwarto nila.

“Good Morning po, Itay, Inay.”, nahihiya kong tugon dahil sa pagbabara ng Itay.

“Oh, sya, kumain na tayo ng maka-alis tayo ng maaga. Mahaba pa ang lalakarin natin.”, malumanay na tugon ng Inay.

Sabay sabay nga kaming kumain at umalis ng bahay. Maganda ang araw nay un. Kahit hindi pa lumilitaw ang araw ay halata mo nang maganda ang araw dahil na rin walang ulap sa kalikasan. Katamtaman na rin ang ihip ng hangin. Tapos na talaga ang bagyo.

Naghiwalay na kami ng daan ng aking magulang at nagtungo na ako sa pwesto kung saan ako nagtratrabaho. Bagong araw na ito para sa akin, yan ang nasa isip ko. Sa pagpunta ko sa trabaho ay iniisip ko na ang panibagong daang tatahakin ko. Wala na si Larc, wala na ring Andre.

“Magandang umaga po!”, batik o kay Mang Ramon, ang amo ng papaukan ko.

“Oh, hijo. An gaga mo pa din tulad dati. Kaya naman hindi kita matanggihan, eh!”,nakangiting bati rin sakin ni Mang Ramon.

“Naku po, ako nga po tong nagpapasalamat dahil tinatanggap nyo pa din ako dito!”

“Ikaw talaga bata ka. Eh wala naman kasi akong mahanap na kasing sipag mo.”

“Maraming salamat po! Ano pa palang gagawin ko na?”, tanong ko.

“Ah, ano ba pwede ipagawaw sayo? Ah! May bagong akong boy dito, eh pakituruan mo na lang habang nagchecheck ako ng mga stock. Ok lang ba yun?”

“Wala pong problema.”, ngiti kong tugon.

“Oh sya. Andun sya sa loob ng stock room. Puntahan mo na lang. Sabihin mo ikaw na ang magtuturo sa mga gawain dito.”

“Opo!”, maligalig kong tugon. Agad naman akong nagtungo papunta sa stock room.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay natanaw ko na agad ang sinasabing bagong pasok na boy ni Mang Ramon. Nagulat naman ako sa ichura at postura nito. Hindi kasi ito mukhang boy sa palengke. Naka maong itong short at naka sanding puti. May dala dala din itong panyo at ayos na ayos ang buhok. Matangkad, maputi, at ang bango bango tignan. Sino ba naman kasi ang makikita mo ng ganun kayos pagpapasok sa ganto karuming trabaho?! At panyo pa talaga ang dala ha imbis na maliit na twalya. Pero hindi yun ang pinakanakakagulat sa lahat. Hindi talaga ang ichura nya ang rason kung bat ako nagulat ng una ko syang makita.

“Ikaw?!”, taka at gulat kong tanong.

“Ah eh.. Hehehe..”, sagot nito.

Kakamot kamot sya sa ulo nyang tumingin sa akin at nakangiti. Hindi naman ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko talaga.

“Andre?!”, gulat kong tawag.

“Hi…?”, ngiti nitong tugon.

“Anong ginagawa mo dito?! Akala ko… Akala ko umuwi ka na?! Diba sabi ko umuwi ka na?!”, medyo galit kong sabi.

“Ryan.. Kasi.. Hindi ko pa kayang mawala ka eh.. Gagawin ko lahat para…”, ngunit hindi ko na sya pinatapos.

“Umuwi ka na, Andre! Sinabi ko na sayo na ayaw na ki…!”, pero ako naman ang cinut nya.

“Ops.. ops. Ops. Alam ko ang sinabi mo. Pero hindi naman siguro sayo tong buong probinsya, diba?”, pangaasar nito. Natahimik ako dahil may point sya.

“Oh, diba? Natahimik ka?”, pangaasar nito.

“Huwag mo nga ako paikutin Andre. Sa dami dami ng pwede mong pasukan, dito pa talaga, ha!”

“Bawal ba?!”, pangaasar nito.

Huminga ako ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili.

“Ok, look. Andre, gusto ko ng makalimot. Maka move on. Naiintindihan mo ba yun?!”, mahinahon ngunit matigas kong sabi.

“Alam ko.”

“Alam mo naman pala, eh. Kaya huwag mo na akong pahirapan. Please. Umuwi ka na.”, pagmamakaawa ko.

Natahimik si Andre. Tumingin sa sahig at halata sa mukha nito ang pagkabigo.

“Look Andre, nagawa mo na yung part mo. Kaso ito na talaga yung desisyon ko. Umuwi ka na. Umuwi ka na, please lang…”, matigas kong sabi.

Nakatingin pa din si Andre sa sahig at malungkot pa din ang mukha nito.

“Ayoko nga!”, nagulat ako ng bigla itong tumingin at nakangiting sinabi na ayaw nya daw.

“Ha?!”, lito kong tanong.

“Narinig mo, ayoko.”

“Andre, hindi ka na nakakatuwa.”, galit kong sabi.

“I don’t care. Tratuhin mo kong ibang tao kung gusto mo. Basta andito ko magtratrabaho. Kung ito lang ang paraan para makasama ka, gagawin ko. Kahit pa hindi mo ko pansinin, ok lang.”

“Halos matawa naman ako sa sinabi nya. Lalo na yung sinabi nya ang salitang “trabaho”.

“Trabaho? Alam mo ba ang sinasabi mo?! Hindi ito kasing dali ng iniisip mo! Hindi ito ordinaryong laro o training na pinagdadaanan mo.”, pagpapaliwanag ko.

“Psss!! How hard can it be?! Baka nakakalimutan mong athlete ako, noh!”, pagmamayabang nito. Nagflex pa ito ng muscles nya.

“Aahh.. athlete.. Ganon…!”, maangas kong tugon.

“Oo noh! Kayang kayak o lahat ng ipapagawa mo. Baka nga higitan ko pa!”, pagmamayabang nito. Halos mamintig naman ang tenga ko sa narinig. Pero kailangan kong kumalma.

“Oh sige. Pero tulad ng napagkasunduan, hindi kita tratratuhing iba. Boy ka din dito, pero ako ang magtuturo sayo.”, matigas kong sabi.

Tumahimik ng bahagya si Andre. Tumahimik ito at biglang tumingin sa akin.

“Kung ito lang ang paraan… Okay lang.”, seryosong sagot nito. Hindi naman ako makapagsalita. Kahit pa halos kiligin na ko.

“Tama na.”, simpleng tugon ko.

“So, anong gagawin ko?”, biglang masiglang tanong nito.

“Nakikita mo yung mga sako ng bigas na yun?”, sarkastikong tanong ko sabay turo sa mga nakapatong na sako ng bigas.

“Oo…?”, alinalangang tugon ni Andre.

“Buhatin mo lahat yun palabas at isakay mo sa trak para maideliver. Ako naman aayusin ko yung mga listahan ng idedeliver na mga softdrinks, alak, at kung ano anong paninda na ihahatid natin mamaya.”, matigas kong tugon.

“Bubuhatin… Lahat..? Sa labas…?”, alinlangang tanong ni Andre.

“Susme! Oo! Lahat yan palabas!”

Kumuha ng isang sako si Andre.

“Sus, di naman pala ganun kabigat.”, pagmamayabang nito.

“Ah, ganun ba. Ok. Sabi mo, eh.”, sabay iwan sakanya. Napangiti naman ako habang naglalakad palayo.

Pumasok ako sa isang kwarto na nagsisilbing pinaka opisina ng pwesto ni Mang Ramon. Malago na ang negosyo nya dahil sya ang isa sa pinakamalaking supplier ng paninda sa amin. Sakanya umoorder ang mga tindahan ng paninda.

Matapos macheck isa isa ang mga listahan at makwenta kung magkano ang sisingilin sa bawat tindahan ay nilabas at chineck ko muli si Andre. Halos matawa naman ako dahil halatang pagod na agad ito. Palibhasa hindi sanay sa gantong trabaho.

“Wala ka na bang ibibilis?”, masungit kong tugon.

“Ang dami kasi nito. Eh ang hirap dahil isa isa kong nilalabas. Ang dami kaya neto.”

Umiling lang ako at di sumagot. Sabay kuha ng dalawang sako ng bigas na pinagpatong ko sa balikat.

“Dalawahin mo kasi!”, masungit kong tugon.

Tinuruan ko maghapon si Andre. Halata na ang pagod dito pero hindi ko pinansin. Siya naman itong nagpilit magtrabaho dito. Halos nanginginig na itong kumain ng magtanghalian. Malamang dahil sa pagod at sakit ng katawan.

Nagpatuloy ang buong maghapon. Naghatid kami ng mga paninda gamit ang pedicab ni Mang Ramon. Sya pa rin ang pinag padyak ko. At kaming dalawa ang nagbuhat papasok sa mga tindahan ng bawat order. Halata man ang pagod kay Andre ay hindi ito sumuko. Hanggang sa mag gabi na ay nagpatuloy ito sa pagtratrabaho.

“Ano, kaya pa? Sabi ko sayo umuwi ka na sa inyo.”, malamig kong tugon habang nagaayos pauwi.

“Hindi. Kaya pa. Papasok ako bukas.”

“Ikaw bahala.”

I-ika ikang naglakad palabas si Andre. Habang ako naman ay parang wala lang.

Hindi ko maitatago. Masaya akong nakita syang muli. May mga tagpo na gusto ko syang patigilin at akuin ang trabaho nya. Lalo na pag nakikita ko itong hirap na hirap at pagod na pagod. Pero ito ang ginusto nya. Alam ko naman ang intension nya kung bat andito sya. Kaya naman halos magnakaw ako ng ngiti pag natitigan sya.

Naglakad kami palabas ng palengke at hinatid sya sa sakayan.

“Andre… Umuwi ka na..”

“Huh?! Bakit Ryan?! Nagawa ko naman yung trabaho ha! Nagsikap naman ako, ha!”, pagdedepensa nya.

“Umuwi ka na.”

“Hindi ako uuwi! Kahit pa ipagtabuyan mo ko!”

“Andre! Umuwi ka na…”

“Ryan, ano pa ba kailangan kong gawin? Please wag naman ganto..”, pagmamakaawa ni Andre.

“Sige na, umuwi ka na..”

“Please naman Ryan.. Hayaan mo kong gawin to…”, mangiyak ngiyak na sabi nito.

Tinitigan ko syang maigi at binigyan ng blangkong eksresyon.

“Andre.. Umuwi ka na.. Maaga pa tayo bukas.”, simpleng tugon ko sabay ngiti ng bahagya sabay lakad palayo. Pero bago tuluyang tumalikod ay nakita ko ang biglaang pagliwanag ng mukha nito.

Hindi pa man din ako nakakalayo sa paglalakad ay biglang may pumasok sa utak ko. Pano nga ba nalaman ni Andre kung saan ako nagtratrabaho. Isa lang ang pumasok sa utak ko. Itay.

Muli akong humarap patalikod at tinanaw si Andre. Nakita ko itong nakatayo pa rin kung saan ko sya iniwan. Teka… Huwag mo sabihing… Nako!!!!!!

Nagdadabog akong naglakad pabalik sakanya.

“Huwag mo sabihing…!”, pagmamata ko kay Andre. Hindi naman halos ito makatingin sakin.

“Nakoooooo!! Sabi ko na eh!”, matigas kong tugon.

“Hahanap na lang ako ng marerentahan.”, nahihiyang sabi nito.

“Tara na.”, malamig kong sabi.

“Hindi na.. Okay lang ako…”, nahihiyang tugon nya.

“Tara na. Huwag ka na mag-inarte. Gutom na ko. Malamang hinihintay na tayo sa bahay.”, malamig na tugon ko sabay hila sakanya palakad. Agad naman itong sumunod. Usually ay naglalakad lang talaga ako pauwi, pero pumara na ako ng tricycle para makauwi na agad. Hlata naman kasi ang sobrang pagod ni Andre.

Tok. Tok. Pagkatok ko sa bahay pagdating naming sa bahay. Agad naman binuksan ng Itay.

“Oh, anak, nandyan ka nap ala. Aba, andito din si Ugok!”, natatawang bati ng Itay. Tiningnan ko naman si Itay na parang nagsususpetsa.

“Oh, bat ka ganyan makatingin, nak? Wala akong alam dyan!”, maang maangan ng Itay.

“Tara na kumain na tayo.”, mahinahong bati ng Inay. Agad naman akong nagmano kaila Inay at Itay.

“Good Evening po.”, nahihiya namang bati ni Andre.

Pagpunta ko naman sa lamesa ay lalong nakumpirma ang hinala ko sa Itay dahil apat na plato na agad ang nakahain. Halatang alam na isasama ko si Andre.

“Kamusta trabaho?”, nakangiting tanong ng Itay.

“Ok naman po, Itay. Ganun pa din tulad po ng dati.”

“Hindi naman ikaw tinatanong ko.”, tawang sagot ng Itay. Sabay tingin kay Andre.

“Ah, eh.. ok naman po…”, mahinang sagot ni Andre. Bigla namang huagalpak ng tawa ang Itay.

“Ok ka pa sa lagay nay an ha! Eh mukha ka ng lantang gulay dyan!”, pagtawa ng Itay.

“Ikaw talaga tay…”, pagsaway ng Inay.

Hindi naman ako kumibo at nagkunwaring walang pakialam kahit ang totoo ay gusto ko na rin humagalpak ng tawa.

Pagtapos naming kumain ay pinauna ko na ng ligo si Andre. Paglabas nya ay sinabi kong maghintay na lang sa kwarto at ako naman ang maliligo.

Habang naliligo ako ay di ko naman maiwasang hindi mapangiti. Akala ko kasi hindi ko na muli makikita si Andre talaga. Naaalala ko pa ang tingin sakin ni Andre kanina. Mga ngiting kay tamis kahit pa iniismidan ko lang. Abot tenga talaga ang ngiti ko.

Pagtapos maligo ay agad akong nagtungo sa kwarto. Naabutan ko namang tulog na si Andre. Hindi naman ako nagtaka dahil alam kong napagod ito ng sobra. Halatang hindi talaga sanay sa trabaho.

Humiga na ako sa tabi nya at matutulog n asana ng mapansin ko ang mga galos at sugat sa kamay at sa balikat nya. Hindi ko ito napansin kanina dahil na rin sa iniiwasan kong tumingin sakanya. Nakaramdam naman ako ng awa. Kung tutuusin ay hindi naman nya pa dapat gawin ito. Pwede naman nya ako talikuran na lang at ipagpatuloy ang buhay. Pero heto, tinitiis nya ang hirap para lang makasama ako.

“Tama na ang papapaka tanga.”, sabi ko sa isip ko.

Agad akong lumabas ng kwarto at kumuha ng alcohol at bulak. Nang ppahirapn ko naman ng alcohol ang sugat nito ay nagulat ito at nagising dahil na rin sa sakit.

“Ako na…”, biglang upo nito at kuha ng bulak.

“Ako na.”, mabait kong tugon.

“Hindi na. Nakakahiya naman. Tsaka hindi naman masakit. Okay lang ako. Matulog ka na.”, pagpipilit nito. Pero kinuha ko uli ang kamay nito.

Tinitigan ko sya. At ngumiti ng bahagya.

“Ako na.”, tugon ko.

Napansin ko ang bahagyang pamumula ng mukha ni Andre. Ako naman ay ginamot isa isa ang mga sugat nya.

“Sabi ko naman kasi sayo, umuwi ka na lang. Nagkasugat sugat ka pa tuloy.”

Hindi sya sumagot agad. Napansin kong nakatitig ito kaya lumaban ako ng titigan.

“Ryan.. Wala yang mga sugat na yan sa sugat na nagawa ko sayo. Kaya sana, ako naman ang hayaan mong gamutin ang sugat na nagawa ko sayo…”




            Guys, posted na po ang Part 5 ng kwentong ito sa aking blog. From now on po, ay mas mauuna na ang posting nito sa blog ko. Gusto ko lang po kasi din i-promote ang sarili kong blog. Maglalagay po ako ng link after the notes. Ang part 5 ay nakadugtong po sa ibaba ng part 4 sa blog ko. Kaya po sya naging "SPECIAL" kasi 2 parts po ang pinost ko but exclusive lang sya sa blog ko po. Thanks po!! ^_^

            Ito na po yung link >>>> http://darkkenstories.blogspot.jp/2012/08/3-minahal-ni-bestfriend-memories-part-4.html

No comments: