Kamusta po sa lahat? ^_^
Taos puso ko pong inihahandog ang Book 3 ng Minahal ni Bestfriend. Sana po ay pakatutukan nyo pa din ito katulad ng warm welcome na ginawa nyo sa Book 2. Maraming maraming salamat po.
Una sa lahat, ay gusto kong pasalamat ang bembem ko na laging andyan para sumuporta sa akin. At syempre po kay Mimi Rage, at kay Arnold Bactong Lachica na tumulong sa akin lalo na this past few days. Sa inyo, maraming salamat po talaga.
Pangalawa, gusto ko po ulit pasalamatan ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
KINAKABAHAN man pero ito na po ang chapter 1 ng aking obrang "3Minahal ni Bestfriend: Memories"
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED
Malamig na simoy ng hangin, mabangong kapaligiran at maulap na kalikasan ang sumalubong sakin pagkagising na pagkagising ko. Isang linggo na rin ang nakakalipas simula ng bumalik ako dito sa amin. Hindi pa man lubusang nakakaahon sa pagkakadapa, ay masasabi ko na medyo okay na naman ako. Simula’t sapul pa lang, sinabi ko ng ayaw ko ng kumplikadong buhay. Kaya sigurong mabuti na rin na bumalik na ako dito sa amin. Simple lang ang buhay.
Sinalubong ko ang araw ng masigla. Nakita ko ang Inay na naghanda ng paborito kong almusal. Ang itay naman ay naabutan kong nagiigib ng tubig. Agad naman akong binati nito.
“Magandang umaga, anak. Kumain ka na ba?”, agad na bungad ng aking ama.
“Tay! Magandang umaga din po. Hindi pa po ako nag aagahan. Kayo po ba?”, magalang kong sagot.
“Hindi pa nga eh. Tara na, sabay sabay na tayo ng Inay mo.”, masiglang tugon ng aking ama.
Sabay sabay nga kaming nagalmusal. Actually, halos araw araw naman ay maaga talaga kami nagaalmusal. Nagkataon lang medyo tinghali ang almusal namin dahil walang trabaho ngayon ang Inay at Itay dahil na rin sa mamayang tanghali pa ang pasok nila dahil magsisimba kami mamaya.
Nakakatuwang isipin. Dahil kahit pa matagal ng kasal ang mga magulang ko ay hindi nawawala ang pagka giliw nila sa isa’t isa. Kanya kanyang firstlove nila ang isa’t isa. Laging ikinekwento ng ama ko na una palang daw nyang makita ang aking Ina ay alam nyang ito na ang gusto nyang makasama sa pang habang buhay. Nakakainggit tuloy.
Habang masaya kaming nag aagahan ay bigla naman akong tinanong ng aking Ina.
“Handa mo na ba sabihin ang tunay na dahilan ng paguwi mo?”, mahinahong tanong ng Ina. Nakatitig naman ang Itay at tila kapwa silang naghihintay sila sa isasagot ko.
“Sinabi ko na naman po kung bakit ako umuwi. Nahihirapan na po kasi ako dun. At isa pa, ayoko na rin kayo mahirapan dito.”, magalang na sgaot ko. Ngumiti naman ang Inay.
“Anak, magulang mo kami kaya kilala ka namin mula ulo hanggang paa.Alam naming kung may kinukubli ka o dinadamdam.”, ngiting sagot ng Inay.
Siguro nga, hindi tayo makakatakas sa ating mga magulang. Lalo na, galing tayo sakanila. Kaya naman kung may lubos na nakakakilala sa akin, yun ay ang mga magulang ko. Napahinto ako sandali. Gusto kong maluha sa gusto kong sabihin. Hindi man alam kung paano sisimulan, sinubukan ko pa ring magpaliwanag.
“Nay, Tay… Nakakahiya man po, kaso hindi naging maganda ang karanasan ko sa Maynila. Hindi po sa sumusuko ako, kaso masyado na pong mabigat ang dinadala ko.”, malungkot kong tugon.
“Sabi ko sayo Ma, inlove ang anak mo, eh.”, pagbibiro sabay tawa ng Itay. Natawa naman ang Inay. Nagulat naman ako bigla. Bigla naman silang tumingin sa akin.
“Anak, si Larc ba ito?”, mahinahon na tanong ng Inay. Mas lalo naman akong nagulat.
“Inay! Nako po! Hindi po! Diba, bestfriend ko po si Larc?!”, pagdedepensa ko. Natawa nanaman muli ang aking mga magulang. Ramdam ko naman ang pamumula ng mukha.
“Anak, tulad ng sabi ng Inay mo, magulang mo kami kaya wala kang maitatago sa amin. Alam naman namin na matagal na kayong may pagtitinginan magkaibigan. Noon pa man ay napapansin na namin ang kakaibang atensyon na ipinapakita at ipinaparamdam ni Larc sayo.”, ngiting sabi ng Itay.
“Nay.. Tay…”, nahihiyang tugon ko. Hinawakan naman ng Itay ang kamay ko.
“Anak, wala kang dapat ikatakot at ikahiya sa amin. Noon pa man, hindi ko na ikinahiya ikaw. Kaya hindi magiging dahilan yan para ikahiya kita ngayon. Laking pasasalamat ko pa rin sa Maykapal na ikaw ang ibinigay nya sa amin. Binigay ka sa amin ng ganyan ka kaya naman araw araw naming itong pinagpapasalamat.”, seryosong sabi ng Itay. Sinuportahan naman ng ngiti ng Ina yang mga sinabi ng Itay. Halos maluha naman ako sa sinabi nila.
Naluha ako hindi dahil lang sa kagalakan na tanggap nila kung ano pa man din ang pagkatao ko. Naluluha din ako kasi totoo, isa si Larc sa mga rason kung bakit ako nalulungkot ngayon. Kadalasan kasi noon, mga gantong oras, ay tambay na si Larc dito sa bahay. Makikipagkwentuhan o magpapasamang mamasyal. Pero siguro nga, there are people who are meant to fall in love, pero not meant for each other. Malungkot, pero yun ang totoo.
“Nay, Tay, hindi po muna siguro kami magkikita ni Larc.”, sabay muling kain. Alam kong naintindihan ng mga magulang ko ang sagot ko. Total, kilala nga nila ako.
Pagtapos na pagkatapos kong kumain ay pumanhik ako sa kwarto upang kumuha ng damit panligo. Pinanindigan ko ang desisyon ko na hindi ako muling iiyak pa dahil kaila Larc at Andre pagdating ko dito sa amin. Kaya nasasaktan man ay sinubukan kong magpakatatag.
Pagkatapos makapaligo ay agad akong lumabas ng bahay upang pumunta sa bayan. Nagbabakasakaling makahanap ng trabaho. Balak ko puntahan ang palengke, at ang talyer na pinagtrabahuhan ko ngayon. Total, bakasyon na ngayon, balik sa dating gawi, ang pag papart time ko upang makapag ipon ng pera para sa pasukan.
Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan hindi malungkot. Oo, sinabi kong hindi ako iiyak at pinaninindigan ko yun. Ngunit hindi ko magawang hindi maging malungkot. Lalo na lahat pa ng alaala ko kay Larc ay dito nagsimula. We used to walk the same road. Itong mismong mga kalsadang ito ang sabay naming tinatahak. We would laugh all day long na tila walang bukas. Masya at malungkot isipin.
Naglalakad naman ako papuntang bayan ng biglang magvibrate nanaman ang cellphone ko. Agad kong kinuha at tiningnan.
1 message received. Nakalagay sa aking telepono. Agad kong pinundot ang “read” button at nakitang galing kay Andre ang message. Dali dali ko naman itong binura.
Pagdating ko sa bayan ay sinwerte naman akong makakuha agad ng trabaho sa palengke. Kilala naman na din kasi ako sa buong palengke dahil dati na akong nagtratrabaho doon. Agad at malugod nila akong tinanggap. Natuwa naman ako dahil sa mga papuri pa nila sa akin ng tanggapin nila ako. Namis daw nila ako dahil wala daw silang nakitang kasing sipag at sikap ko pagdating sa trabaho at pagaaral. Idagdag mo pa ang pagiging masunurin at mapagpamahal ko sa aking mga magulang. Ang nakakalungkot nga lang, halos lahat ng makasalubong ko ay hinahanap sa akin si Larc. Dati rati kasi ay lagi nya akong sinasamahan sa paghahanap ng trabaho. Itong taon lang talaga pumalya.
Magsisimula na sana ako kinabukasan ngunit sinabihan ako ng may ari na magiging maulan daw sa mga susunod na araw dahil may bagyong paparating. Ayaw naman daw nya akong mahirapan at baka hindi din daw sya magbukas kung saka sakali dahil malakas daw ang dalang ulan ng nagbabadyang bagyo. Nanghihinayang man ay agad akong tumango upang pang sang ayon.
Naglalakad akong pauwi ng mapansin ang agarang pagdidilim ng kalangitan. Mas lumamig ang hangin at lumagkit pa ito.
“Mukha ngang malakas ang ulan na to.”, sabi ko sa isip ko. Kaya naman mas binilisan ko ang paglalakad upang makauwi agad. Sakto namang pag uwi ko ay bumuhos ang malakas na ulan.
Malakas at malamig ang hangin na dala ng bagyo. Napanood ko pa sa balita na kung ano anong aksidente ang naganap ng dahil sa bagyong ito. Merong mga gumuhong lupa, Nalunod sa baha, at ang mga nawalan ng bahay dahil sa lakas ng ulan. Medyo kinabahan tuloy ako dahil barong barong lang din naman ang aming bahay.
Buong maghapon akong naiwan sa bahay. Kahit pa kasi may bagyo ay pinili ng mga magulang ko na magbakasakali sa trabaho. Gustuhin ko man na sabihin sakanila na wag na lang pumasok ay hindi ko din sila mapipigilan. At ang isa pa, ay kapos nga kami sa pera kaya naman kinakailangan talagang kumayod kung hindi, hindi din kami kakain.
Nasa gitna ako ng pagmumuni muni ng bigla namang mag ring ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay nakita ko ang pangalan ni Karen. Agad ko itong sinagot.
“Hello?”
“Uy Ryan! Kamusta..?”
“Medyo ok naman. Ito malamig dahil sa bagyo.”
“Oo nga daw eh. Kaya nga din ako tumawag dahil nabalitaan ko ang lakas ng bagyo dyan eh…”, sagot ni Karen. Nakaramdam naman ako ng mali sa boses ni Karen.
“Salamat..? Teka.. May problema ba?”
“Huh.. Ah, eh, wala…”
“Anong wala? E bat ganyan boses mo?”
“Wala, Ryan. Masama lang pakiramdam ko.”
“Huwag kasi gala ng gala!”, pagbibiro ko.
“Oo nga eh. So.. Hindi ka na ba talaga babalik dito? Final na ba talaga ang desisyon mo?”
“Karen…”
“Okay, alam ko na. Hindi na nga magtatanong eh!”
“Pasensya na talaga.”
“Hayaan mo na yun. I just hope na hindi mo pagsisihan tong desisyon mo.”
“Sana nga, Karen… Sana nga…”
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pinapanood ang pagbuhos ng ulan. Buti na lang ay kahit papano ay may kataasan ang lugar namin kaya hindi gaanong bumabaha. Bigla naman akong napangiti ng bigla akong may naisip na magandang ideya.
Agad akong nagtatakbo palabas ng bahay at naghubad ng tshirt. Nagtatakbo ako sa kalsada at naligo sa ulan. Kung may mga bagay na talaga namang namiss kong gawin, isa dito ay ang pagligo sa ulan. Hilig ko kasi maligo sa ulan noon pa man din, lalo na nung bata pa lang ako. Sakto ding wala ang mga magulang ko dahil tiyak naman na susuwayin ako pag nakita akong naliligo sa ulan.
Para akong bata na unang beses naligo sa ulan. Dinama ko ang bawat patak na tumatama sa aking katawan. Dahil sa tagal kong hindi ito nagawa ay halos makalimutan ko na ang sarap ng pakiramdam nito.
Pagtapos maligo sa ulan ay pumasok ako agad at naligo a banyo ng hindi magkasakit. Pangiti ngiti pa ako sa aking sarili dahil sa sabik na naramdaman.
Pagkabihis ko ay agad akong bumaba upang maghanda ng magiging hapunan naming pamilya. Agad kong nilabas ang mga kasangkapan at agad na nagluto.
Sa gitna ng aking pagluluto ay binuksan ko ang tv para mabawasan ang kalungkutan sa pag iisa ko sa bahay. Pero medyo boring din dahil walang magandang palabas at ang pangit pa ng reception dahil na rin sa lakas ng ulan. Pinagtyagaan ko na lamang ang balita. Puro aksidente at sakuna ang nasa balita ng dahil sa bagyo. Napailing naman ako at naawa sa mga biktima habang ako ay nagluluto.
Nang bigla akong kabahan ng matindi.
Mga pasado alas siete naman ay dumating ang aking mga magulang. Basang basa sila sa ulan dahil hindi pa rin ito tumitila hanggang ngayon. Agad naman akong nagmano at inabutan sila ng tuwalyang pampunas. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan, ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko. Andyan na nga ang mga magulang ko ngunit sadyang malakas pa rin ang pintig ng puso ko ng dahil sa matinding kaba.
“Grabe ang ulan, anak. Hindi na nga hinayaan makapasok pa ang mga sasakyan papunta dito dahil masyado ng delikado.”, akma ng Itay.
“Mukha nga ho eh. Kanina pa hong tanghali yang ulan nay an eh.”, sagot ko naman.
“Nako, sinabi mo pa, anak. Nako, mabango ang naamoy ko, ha.”, nakangiting sabi ng Inay habang nagpupunas ng sarili.
“Sige po, magpalit na po kayo ng Itay at maghahanda na po ako ng makakain.”
Habang naghahanda ako ng hapunan ay nagvibrate muli ang aking cellphone. Alam ko na kung sino ang nagtext. Kaya naman ng buksan at tingnan kung sino ay tama nga ang hinala ko kaya naman nagdesisyon akong…
Hindi ko alam bat hindi ko mabura ang mensahe. Ni hindi ko man lang kayang buksan at basahin. Hindi ko alam pero lagi na lang may kurot ito sa aking puso.
Malakas pa din ang ulan at rinig na rinig ko ang hagupit ng bagyo. Malalakas na hangin at tila mala armalite na patak ng ulan na akala mo ay bubutas sa aming bahay. Mas malamig ang pakiramdam ng hangin na dala nito dahil na rin sa gabi na. Halos magtayuan naman ang mga balahibo ko dahil sa lamig.
“Nay, Tay, kain na po tayo.”, agad kong bungad pagkalabas ng Inay at Itay mula sa kwarto nila.
Habang kumakain naman kami ay tahimik pa rin ako. Hindi alam talaga kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Alam mo yung feeling na ang daming tumatakbo sa isip mo, pero wala kang maifocus na isipin sa mga yun?
“Anak, nakikinig ka ba?”, biglang sabi ng aking Ina.
“Po?!”, bigla ko namang sagot.
“Ang sabi ko, kung dito ka na ba talaga papasok para sa dadating na pasukan…”, tanong ng Inay.
“Opo, nay. Desidido na po ako.”
“Oh sige, kung yan na talaga ang desisyon mo.”
Nakaramdam ako ng lungkot sa pagsabi ko ng sagot ko sa mga magulang. Kung tutuusin ay ayaw ko naman talagang umalis doon. Kung hindi lang sana nangyari ang mga nangyari ay malamang ay hindi ako umalis…
Habang kumakain kami ay di ko maiwasan nanamang hindi magemote panandalian. Pagtapos naman kumain ay nagpresenta ang aking Inay na sya na ang magliligpit ngunit sinabihan ko na ako na dahil wala na man din akong ginawa buong maghapon.
“Kung gusto mo ng kausap… Andito lang kami, anak.”, mahinahon ngunit ramdam ko ang sinceridad sa boses ng Inay. Alam kong nagaalala na ito dahil hindi ko pa rin nagagawang magsabi ng aking saloobin.
Papasok na sana ang Inay at Itay ng bigla kaming makarinig ng sumisigaw sa labas.
“Tao po! Tao po!”, sigaw ng tao sa labas. Nagtinginan naman kami ng aking mga magulang dahil wala naman kaming inaasahang bisita ng gantong oras. At sa gantong panahon pa. Agad namang tumayo ang aking ama at nilabas ang nagsisigaw sa labas.
“Sino yan?”, rinig kong sigaw ng Itay ko habang palabas ng pinto. Malamang ay hindi sya narinig ng tao sa labas ng dahil na rin sa ingay na dala ng lakas ng ulan. Nagtinginan naman kami ng Inay dahil sa malaking pagtataka.
“Sino kaya yun?”, tanong ko sa Inay.
“Nako, malamang kumpare ng Itay mo, o kaya naman ay kapitbahay lang.”, sagot ng aking Inay.
Kumpare ng Itay? Kapitbahay? Kung ganun nga ay bakit hindi sila tinawag sa pangalan nila? O baka naman masyado lang akong nagiisip at nagbibigay ng kahulugan. Baka naman kaibigan talaga lang ng Itay.
Nakita naming bigla ang Itay na nasa pinto. Medyo basa ito ng kaunti dahil na rin sa pagsugod sa ulan.
“Anak”, bungad ng itay.
“Po?!”, gulat kong sagot.
“Ikaw ata hinahanap.”, sagot ng Itay. Agad naman akong napalapit dahil sa pagtataka. Sino naman kaya ang pwedeng maghanap sakin? Mga dating kaklase sa highschool? Eh hindi pa naman nila alam na nakabalik na ako. At kung may nakabalita man, bakit sa gantong panahon napiling pumasyal? H-hindi kaya… Hindi kaya mga taga Manila? Pero imposible eh. Wala namang nakakaalam sa mga yun kung taga saan ako maliban kay… Kay Larc? Could it be..?
“Eh, Itay, bat hindi nyo ho pinapasok?”
“Abay hindi ko naman yun kilala, eh!”
Agad akong kumuha ng kapote at payong upang proteksyon sa ulan at agad agad na sumulong sa ulan. Hindi ko maaninag kung sino ba ang kumakatok dahil hindi ako makatingin ng direcho ng dahil na rin sa malakas na hangin at ulan.
Ramdam ko ang hagupit ng bagyo habang naglalakad palabas. Sino ba naman kasi ang nakaisip na dumalaw sa akin ng ganito ang panahon. Alam namang delikado.
Hindi ko alam pero kabado din ako na lumabas at malaman kung sino nga ba ang nagsisigaw sa labas. Hindi ko alam pero si Larc lang talaga ang pumasok sa isip ko dahil sya lang naman ang may alam nitong sa amin. Pasimple akong tumingin upang kilalanin ang nakatayo. Ngunit masyadong malakas ang ulan at hangin at ang tanging naaninag ko ay isang binatilyo na basang basa na sa ulan. Naka kibit balikat din ito na tanda na nilalamig sya. Sino ba naman kasi may sabi sakanyang sumugod sa ulan?!
Nang tuluyang makalapit ay halos mabagsak ko ang dalang payong. Paano? Paanong sya ang nakatayo sa harap ko? Bakit? Bakit pa?!
“Andre…”, pagtawag ko sa pangalan nya. Nakita ko naman itong basang basa na ng ulan at halos manginig na sa lamig. Ngunit ng tingnan ko sya sa mukha ay nagbigay ito ng ngiti kahit pa halatang halata na giniginaw na ito.
“Hi Ryan…!”, galak na tugon nito. Nagbigay sya muli ng isang ngiti. Hindi ako ngumiti. Sa mga ngiti nya rin ay parang tipong walang nangyari. Parang yung tipong casual na kinakamusta nya lang ako.
“Anong ginagawa mo dito?! Bakit ka nandito?! At paano mo nalaman kung taga saan ako?!”, takang tanong ko.
Hindi sumagot si Andre. Nakatingin lang ito sa akin habang nakangiti. Kahit pa umuulan ay alam kong umiiyak sya. Hindi naikubli ng malakas na ulan ang mga luhang pumapatak sa mga mata nya. Kita rin kasi sa ekspresyon ng mukha nya.
“Andre, kung pumunta ka dito para makipag usap, I’m sorry, pero ayaw ko nang makausap ka pa.”, malamig na tugon ko.
Hindi pa din sumagot si Andre. Nanatili syang nakatayo at nakatitig lang sa akin habang umiiyak. Hindi sya nagsasalita. Andun lang sya na nakatayo at walang imik. Kahit pilitin kong magmatigas ay hindi ko naman maiwasan na hindi mapaluha sa nakita.
“Andre, tama na.. Ayoko ng masaktan pa. Ayoko ng makita o makausap ka. Pabayaan mo na ako. Please. Tahimik na ako.”, maluha luha kong sinabi kay Andre. Ngunit hindi pa din ito nagsalita. Ganun pa rin ang postura nya. Nakatitig sa akin habang bumabagsak ang malakas na ulan. Ang mga titig na nakapagbigay kilabot sa aking kalamnan. Halos tumindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi dahil sa literal na takot ngunit kilabot dahil it was really a very nostalgic feeling. Parang magic na hindi ko maintindihan. Pero at the same time, it was painful. Parang biglang naghatid ang malakas na ulan ng isang magandang musikang pumupunit sa puso ko. Masarap sa tenga, ngunit mabigat sa pakiramdam.
Muli akong napatitig kay Andre. Umiiyak pa din sya. Hindi ko alam pero ang basa ko sa tingin nya ay yung tipong nakakita sya ng fulfillment sa ginawa nya. Para bang isang bagay na nilabis nya at ang kaganapan na nakamtan nya ito. Yung tipong dumating ang tagal mong hinintay, o nahanap ang matagal na nawala.
“Andre, huwag na natin pahirapan ang mga sarili natin. Tahimik na ako. Tapusin na natin ito. Ayoko ng makipag usap pa…”, malungkot kong sabi.
Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Gawd! I told myself na di na ko iiyak pang muli, pero heto, umiiyak pa din ako. Iba pala ang nangyayari kahit pa pinlano mo na. May mga bagay pala na kontrolado ng isip, pero hindi ng emosyon.
Patalikod na sana ako at akmang aalis ng maramdaman kong hinawakan ako ni Andre sa mga braso. Hindi pa din sya nagsalita. Nakatitig habang umiiyak.
“Andre.. Narinig mo ba ko?! Ayoko ng makipagusap! Umuwi ka na!”, pagpalag ko. Pero humigpit ang kapit ni Andre sa mga braso ko. Nakatitig pa din sya.
“5 minutes pa… Please…”, umiiyak nyang sabi.
Sa pagsabi nyang yun, hindi ko man maintindihan ay talaga namang nakapagbigay hapdi sa puso ko. Parang isang napakalaking torture na hinahayaan kong mangyari.
“Huh? 5 minutes? Anong ibig mong sabihin…? Andre. Please. Ayoko na. Ayoko na makausap o makita ka…”, matigas kong tugon.
Tumitig sakin si Andre. Isang titig na alam kong tatak sa isip ko panghabang buhay. Kahit pa sa gitna ng ulan ay nakita kong tumulo ang luha mula sa mata nya sabay sabing…
“Alam ko… Alam ko naman na di ka na makikipagusap. Huli na to.. Kaya please…”
Natahimik ako. At ang mga sumunod na sinabi nya ang talagang nakapagpalambot sa puso ko.
“ Gusto lang kita makita.. Kahit limang minuto pa.. Limang minuto na lang.. Please…”
Kamusta po sa lahat? ^_^ May pahabol lang ako ng kaunti. For those na gusto pa din mag add sakin sa fb, -dizzy18ocho@yahoo.com - PAKIUSAP lang po na mag iwan kau ng message. At paki like po ang ating page sa fb. http://www.facebook.com/minahalnibestfriend At last, paki follow naman po ang aking blog kung okay lang po :) darkkenstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment