Wednesday, August 22, 2012

Bullets for my Valentines- Part 12

Author's Note:

Again nagpapasalamat ako sa patuloy na sumusubaybay... eto nag sched ako ng posts ha.. hahaha

Pinost ko to August 14... pero mababasa pa ninyo ito ng August 22... hahah.. oh diba.. haixt....

2 days na lang at special day na sana.. kaso.. ouch.... hahahah.. ayos lang.. cheer up...

finals na namin sa CS001P good luck

Again.. thank you so much...

Love you guys... Hope to see your amazing comments again... thank you guys...

visit my page and blog..... pa follow at like ah.. salamat...


"Minsan nagmahal ka...
Minsan nasaktan ka...
Pero ni minsan ba di mo naisip na...
Minsan ka na ring...Minahal...
At nakasakit ng iba?...."


Always Here,

Dylan Kyle Santos


videokeman mp3
Closer You and I – Spongecola Song Lyrics



****************************************************************


[Chad’s POV]


Masaya na ako ngayon dahil okay na ulit si AJ at Jaysen. 

Dalawang lingo na sila at going stronger naman. 

Buti pa best friend ko okay na ang love life samantaang ako wala pa. haixt.

Kasi naman ang taong gusto ko, hanggang ngayon trapped pa rin sa kanyang past. 

Mag meet nga kami bukas eh, sana lang eh maging maayos ang lahat. Well I think I should not expect sa kanya.

Masasaktan lang din ata ako sa kanya. 

Right now katext ko siya. 

Crush ko lang ba talaga tong taong ito. pero bakit ganun, may iba akong nararamdaman sa taong ito?

May kakaiba sa kanya na hindi ko malaman kung ano. 

Parang may pagkatao niyana nahihiwagaan ako.

He is like a rosary to me, full of mystery. 

Di nga niya sinasabi pangalan ng ex niya eh. 

Masikreto talaga tong taong to kahit kalian.

Bumisita ako sa bahay nila AJ at nadatnan ko ang magsyota na magkayakap sa salas habang nanonood ng TV.


“Kainit-initang panahon nagyayakapan kayo jan.” bungad ko sa kanilang dalawa.


“Oh anjan ka pala.” Sabi ni Jaysen.


“Hindi wala ako dito. Nasa bahay ako. Recording lang to.” Pambara ko.


“Ano barado ka pala bhie kay best friend eh.”


”Naku ganyan lang yan kasi naiinggit.”


“Kapal mo ah. May date ako bukas no.”


“Naks naman. Sino ba yan ha?” tanong sa akin ni AJ.


“Yung kachat ko sa fb. Mag meet na kami bukas. Yung kinukwento kong gwapo.”


“Gwapo ba talaga. Baka naman gangster yan ha.”


“Aysus. Inggit ka lang kasi tong jowa mo eh di gwapo.”


“Oy sinong di gwapo ha? Tong mukhang ito, pinagpala to.” Sabi ni Jaysen.


“Pinagpala sa kapangitan.”


“Yaan mo na siya bhie, wala lang magawa yan. Basta para sa akin, ikaw ang pinakagwapo sa lahat.”


“Naman. Ako pa, gwapo lahi naming no.”


“Pero hindi ka nabahagian ng lahi ninyo.” Pagbara ko.


“Wew na lang. ikaw talaga.” At  nagtawanan kami.


“hindi ko pa yan nakikita sa fb ah.” Sabi ni AJ sa akin.


“Paano ba naman ibinibigay ko yung link ikaw naman tong ayaw pa tignan.”


“Wala kasi akong panahon para mag fb nf mag fb.”


“Aysus. Pero panahon sa boy friend mo meron.”


“Dapat lang na meron.” Sabi niya sa akin.


“Anong reaction ni tito kay Jaysen?”


“Ayun, tinakot ni papa. Pero joke lang yun. Nag dinner kami last week kasma si Jaysen at tinerror agad ito ni papa. Para ngang nasa hot seat ito eh.”


“Naku ikaw kolokoy, wag mong sasakta ang best friend ko. Maraming susugod sayo.”


“Aysus. Ako pa. good boy ako no.”


“Wag kang magkakamali na mangaliwa. Kundi lagot ka sa akin”


“Opo boss promise yan. Hindi ako mangangaliwa.” Bigla naming nag kiss ang dalawa.


Well it turn outna okay na ang lahat. Kalamado na ang lahat at okay na okay na sila. 

Hope that they will have a better life. 

Natulog ako ng maaga sa di ko malamang kadahilanan. Maaga naman akong nagising kinabukasan.


Ano ako excited para mamaya? 

Para akong bata na kung saan kapag excited ka sa mangyayari bukas ay maagang magigising. 

Naghanda ako ng agahan ko at nakasabay kong kumain si mama.

Si papa naman, hanggang ngayon may sama ng loob sa akin. Casual lang kami mag usap at hindi na tulad dati na mahaba haba kung mag usap.

Okay naman kami ni mama. 

Medyo tanggap kasi ni mama kungano ako samantalang si papa naman eh naghihimutok pa rin hanggang ngayon.

1pm ang usapan naming dalawa ni Arkin. Magkikita kami sa may SM *******. Nag text ako sa kanya.


“On the way na ako. Pasensiya medyo malelate ako. May traffic kasi eh.” Sabi ko na lang.


“Okay lang. paalis lang din ako ng bahay. Siguro mauuna ka pa.”


12:30 na noong time nay un. Mahigit isang oras pa naman mula sa amin yun. Pagdating naman sa may **** eh maluwag na yung daan kaya mga 20 minutes na lang bago ako makarating sa SM. Nagtext siya sa akin.


“5 minutes na lang andito na ako.” Sabi niya sa text.


“malapit na di ako. San tayo mag kita pala?”


“Uhm. Ikaw bahala.”


“Ah eh. Tapat na lang ng gonuts donuts?”


“Uhm. SIge sige. Okay okay. Ingat sa byahe.”


“Ikaw din.”


Medyo nadama ko na ang kaba. Gwapo ba talaga to sa personal? Kasi may mga tao na gwapo lang talaga sa picture eh. Nacurious talaga ako sa pagkatao nito.

Sabi niya sa akin, first time daw niyang makipag meet up. Pinilit ko kasi talaga siya. Dala-dala ko pa nga yung sabi kong pasalubong ko sa kanya.


“Dito na ako.” Text niya sa akin.


“Im 5 minutes away na lang. wait mo na ako. Order ka na jan. ako na bahala.” Sagot ko.


“Intayin na kita. Nakakahiya order ako for two mamaya eh sabihin matakaw ako.”


“Matakaw ka naman talaga ah.”


“Hindi ah. Tss”


“SIge lapit na ako.” At ayun, after 5 minutes nakarating na din ako.


Dama ko ang init kaya bago ako pumasok ay nagpahid muna ako ng aking pawis. Nakakhiya naman na humarap sa kanya na pawisan.

Siyempre mamaya sabihin nun ang baho-baho ko. Nag ayos na muna ako then yun punta na ako. May nakita akong lalaking nakatayo sa may tapat ng gonuts donuts. Nag text na muna ako sa kanya.


“Dito na rin ako. Ano suot mo?” nagreply siya.


“Damit.”


“Hehe. Funny. Seriously.”


“Wag na. lapitan na lang kita. Mamaya mabigla ka sa kagwapuhan ko.”


“Aysus. Talaga lang ha. Siguraduhin mong matutulala ako sayo ha.”


“Naman.”


Maya maya nag hintay ako kung lalapit sa akin yung lalaking nakalikod. 

Hindi nga ako nagkamali siya nga yun. 

Yeah ang tangkad niya ha. Infairness gwapo nga, nakakapantulala ang itsura.


“Ayan ha. Natulala ka na. sabi sayo eh.” Sabi niya sa akin.


“Ikaw ba talaga yan?”


“Oo naman. Ikaw talaga.”


“Gwapo mo ah.” Nakakapanggigil tuloy.


“Sabi ko sayo eh.”


“Sus. Mayabang.” “


Hindi naman sinasabi ko lang yung katotohanan.”


“Sige na. kain na tayo.”


“San mo ba gusto?”


“Kahit saan na.”


“Sige.” Dinala niya ako sa may Greenwich.


“Favorite mo pizza?” tanong ko.


“Yup. Dito sa fastfood na to lagi kami napunta ng ex ko. Kaya ayon.”


“Ow. Kaya pala. Di pa rin makapag move on?”


“Hahaha. Maya na lang tayo kwentuhan order muna tayo.”


Nagtatalo pa kami kung sino ang manlilibre. Sabi nga niya siya na eh pero nag pumilit talaga ako at sinabi ko na ako na. wala naman siyang nagawa. Nag hanap na siya ng vacant at nakahanap naman siya.


Mga 10 minutes pa ata bago mabigay yung order naming. Umupo na ako sa table na napili niya. Tumingin ako sa mata niya, yeah.

Nagkatitigan kami at yun, feeling ko babagsak ako sa kinauupuan ko.


“Natulala ka na talaga sa kagwapuhan ko.” Hindi na ako nakasagot pa.


[James’ POV]


“Natulala ka na jan sa kagwapuhan ko.” Sabi ko sa kanya.


Napansin ko kasi na nakatulala na siya sa akin.


“Wala lang. na amaze lang ako sa itsura mo.”


“Oh mamaya magkagusto ka na niyan sa akin.”


“Porket gwapo gusto na agad?”


“Oh common, ganyan na mga tao ngayon.”


“Di ka din mayabang no?”


“Joke lang. mamaya sabihin mo ang yabang-yabang ko na.”


“Hindi naman, pero malapit na.”


“Ayt. Joke lang. wagas eh.”


“Hahaha. Teka nga pala, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin siya makalimutan?” tanong niya sa akin.


“Pre, alam mo, hindi ako makakamove on hanggang sa hindi ko siya nakikita at hindi ko naririnig mismo sa harapan ko na hindi na niya ako mahal. At isa pa, hindi rin naman ako papaya na hindi siya mabalik sa akin.”


“Woooh. Ang dakilang martir. Pero may sira din ulo nung ex mo no, kasi naman iniwan ka niya.”


“Hindi niya ako iniwan. Ako ang may dahilan kung bakit siya nawala sa akin.”


“Pero ano ba ang nangyari talaga?”


“Mahabang kwento eh.”


“Sige na simulan mo na.”


“Okay sabi mo eh.”


Nagsimula na akong mag kwento. Kwento ng nakaraan. Ang pag balik ng nakalipas at nasayang na oras.


(Flashback)


Valentines day noon. May date sana kami kaso nga lang nagkaproblema kami kasi nag kaconflict yung schedule niya. 

Sabi ko naman sa kanya na tumakas na lang muna siya. I

mportante kasi yung date nay un sa akin eh.


First time namin nun na mag cecelebrate ng Valentines day together eh. 

Dahil sa pag tatampo ko, nagkayayaan na lang kaming magkakabarkada noon na mag inuman na lang. nagtampo ako ng sobra noon sa kanya.


Hindi ko sinasagot yung tawag niya or text. Nababsa ko na lang mga text niya tapos binababa ang phone ko.


“Dhie, asan ka na?” “Dhie nag woworry na ako sayo.” “Dhie, please sagutin mo text at twag ko.” “Dhie sorry nap o. Please lang oh.” “Dhie I love you.” “Dhie, babawi na ako sayo.” “Dhie please lang.” “Dhie.”


Paulit-ulit mga text niya sa akin. Naka 25 missed calls siya sa akin. Dahil nairita ako, pinatay ko phone ko.


“Pare, grabe hinahanap ka na ng boyfriend mo.”


“Hayaan mo siya.”


“Sus. Grabeng pagtatampo yan ah.”


“Hinahanap ka niya sa amin.”


“Wag kayong maingay. Hayaan. Hayaan.. hayaan ninyo siya.” Sabi ko.


“Pre, pag usapan ninyo yan hindi yang nilulunod mo sarili mo sa paglalsing.”


“Minsan… mim…minsan na nga lan….lang ako humingi ng pa..pabor..hindi pa rin niya pagbibigyan?”


“Pre, kaya nga pag usapan ninyo eh.”


“Pabayaan ninyo ako.”


Ang laki talaga ng galit ko noon. Hanggang sa malasing na ako at halos lahat ng kaibigan ko.


“Pare, dito na ako mag overnight ha.” Sabi ko.


“Ikaw bahala pre. Basta uuwi na ako ha.”


Mula sa anim, dalawa na lang kaming natira. Ang nakasama ko pa naman ay close friend ng boyfriend ko.


“Oy ikaw. Baka naman sinumbong mo ako a kanya.”


“Hindi… hahah.. ngayon nga lang kita masososlo eh.”


Hindi ko inintindi ang sinabi niya dahil sa medyo malakas na ang tama ko. Alam ko pa naman ang ginagawa ko. Naramdaman ko na lang na gumagala na yung kamay niya sa binti ko.


“Pre, ano ginagawa mo.” Tanong ko.


“Pre…. Kung wala yung syota mo, ako na lang muna substitute.”


Binulong niya sa akin sabay halik sa pisngi ko. Itinulak ko siya ng bahagya at pati ako na out of balance.


“Pre, te..teka lang…. ano ba… ano ba yang ginagawa mo?”


“Dali na. isa pa, galit ka naman sa syota mo ah.”


“Gago, boyfriend ko yun hindi syota.”


“Iisa lang yun.”


“Gago, itigil mo nga yan.”


Dahil sa lakas ng tama, nararamdaman kong nahihilo na ako. Inalalayan niya ako.


“Teka lang pare…. May gusto ….may gusto ka ba sa akin?” tanong ko sa kanya.


“Obvious ba?” bigla na lang niya hinawakan ang mukha ko at siniil ng halik.


Dahil sa hinang hina na ako, hindi ko na magawa pa na pigilan pa siya. Pag dilat ko ng mukha, mukha ng boyfriend ko ang nakita ko. 

Akala ko siya hindi pala. 

Gumanti paman din ako ng halik at nahiga na kami sa may lupa noon ng may marinig akong sigaw.


“Walang hiya kayo!” pareho kami noong napatayo.


Nakita kong nagsisigaw at umiiiyak ang boyfriend ko.


“Mga hayop kayo. Akala ko hindi mo ako lolokohin.” Sabi niya sa akin.


“Teka. Nagkakamali ka ng iniisip mo.”


“Tanga ba ako ha? Sa tingin mo tanga ako na maniniwala sa yo?”


“Pero mali yang nakita mo.”


“Hindi ako bulag. May mga mata ako at 20-20 ang vision ko.” Nakita kong umiiyak siya.


“Porket hindi lang tayo nakapag date ganyan ka na. humanap ka na ng kapalit ko at ang malala pa, sa kaibigan ko pa. mga walang hiya kayo.” 

Nakita ko ang pang gagalaiti niya. Nanlalabo na ang paningin ko. Umiikot na rin ang paligid ko.


“Teka…” bigla akong bumagsak sa lupa.


“Break na tayo. Manloloko ka.”


Bigla siyang umalis at iniwan ako. Humahabol pa namana ako sa kanya pero unti-unti na akong nahilo at nawalan ng malay.


(End of Flashback)

“Ang saklap naman pala eh.” Sabi ni Chad sa akin.


“Yeah. Gusto kong mag explain sa kanya. Katangahan ang ginwa kong pang isnob sa kanya. Bakit kasi umabot pa sa ganun?”


“Haixt. Oh ano ang nangyari sa inyo nung kaibigan niya?”

(Flashback)

Kinabukasan, pagkadilat ko ng mga mata ko, naninabago ako sa kung saan ako naroroon. 

Pagbangon ko, nakita ko na wala na akong saplot. Katabi ko siya na gayun din, wala na ring saplot na tulad ko.

Sinamantala niya na tulog ako at yun nga, may nangyari daw sa amin. Pinipilit niya ako na maging kami pero hindi ko siya pinapansin. 

May gusto siya sa akin noon pa at balak niya akong agawin sa boyfriend ko.


“Hindi mo ba ako titigilan?”


“Hindi kita titigilan hangga’t hindi nagiging tayo.”


“Ayokong makita kita. Baka masapak lang kita. Kasalanan mo lahat ng ito.”


“Okay na aakuin ko na. pero hindi naman kayo bagay eh. Tayo ang bagay.”


“Kilabutan ka nga sa sinasabi mo.:”


“Mahal kita.”


“Pero hindi kita mahal.”


Nagbanta siya sa akin. Sisiraan daw niya ako. Gagawin daw niya ang lahat para lang mapasakanya ako. 

Hindi ko naman pinansin ito at ipinagpatuloy lang ang araw-araw.


Hindi ako pinapansin ng boyfriend ko, iniiwasn niya ako at ayaw makausap. Ilang araw din siyang absent. 

Nalaman ko na lumala an gang asthma niya at nag alala ako ng sobra. 

Binantaan ako ng best friend niya na lumayo ako sa kaniya at wag na wag kong lalapitan ito.

kinakamusta ko naman siya sa kanila at nalaman ko na naospital daw ito. nahirapan daw siyang huminga ng dahil sa kaiiyak. 

Sinisi ko ang sarili ko sa ganun. Sabi ko sarili ko na gusto ko siyang makita at makusap pero walang mahanap na tiyempo.

Hanggang sa magtagal ng magtagal at hindi na kami nakapag usap. 

Ngunit isang balita ang gumulantang sa buhay naming na labis naming kinabahala.

(End of Flashback)


“Mala teleserye pala ang buhay mo ah.”


“Hindi naman.”


“Pero ang landi nung kaibigan ng ex mo ha. Naalala ko tuloy yung malanding katropa naming. Haixt. Sarap sapakin eh.”


“Chillax.”


“Pero swerte nun. Nakaisa siya sayo.”


“Ahahahah. Di ko nga naramadaman yung sarap kasi tulog ako.”


“Gago. Talaga gusto mo pang maramdaman ah.”


“Joke lang.” biglang tumunog ang cellphone niya.


“Wait lang natawag ang best friend ko.”


“Sige lang.”


“Hello. Oh bakit?” narinig ko na sabi nito.


“Oo okay naman ako. Wag kang mag alala safe ako. Para kang tanga talaga. Oo na. sige papasalubungan kita pati yang jowangot mo. Sige sige. Ha?” biglang nagbago ekspresyon ng mukha niya.


 “Hala ka. Mahiya nga kayo. Aabalahin ninyo pa to. Wag na.” nakita kong nagtataas na siya ng boses.


“Okay sige tatanungin ko muna.” Bigla siyang humarap sa akin.


“Gusto ka daw makausap.”


“Okay lang. akina.” Inabot ko yung phone.


Nakita ko nakalagay doon ay AJ.


“Hello…”


(Itutuloy)

*********************************************************

- Yeah alam ko naiinis kayo kasi bitin.. hahah stay tune.. :)) hahahahah


8 comments:

Anonymous said...

Next chapter please.... Di ako nakahinga dun ah... Parang aatakihin ako ng ashtma... Hehe

-ian

Dylan Kyle Santos said...

hahahha..... saya nito... bitin ang post... hahaha.. oh diba? hahaha

Unknown said...

then there's the voice from the past.. :p

Unknown said...

then there's the voice from the past.. :p

Anonymous said...

Author kelan po next update? Mamaya? Hehe demanding.... Take ur time...

Dylan Kyle Santos said...

sa sunday po next posting ko po.. :))

Anonymous said...

Thanks... We will surely wait... Hehe bait talaga ni idol... Nag-abala pa talaga sa pagreply ng comment... 'Til d next chapter... Good day ahead.... =)

Dylan Kyle Santos said...

walang anuman po... :))