Sorry for late posting of update. Hope you enjoy reading.. Salamat po.
Medyo mahaba na po yung story kaya po pinag iisipan ko kung puputulin ko at gagawin kong part 2 or I-cocontinue ko na lang... hahahah
Sige po Ingat always...
____________________
Sa mga nasalanta ng weather natin.... nakakaawa sila grabe.. haixt... yung feeling na makita mo sa TV kalagayan nila... tapos your close friends apektado din.. haixt.. kakaawa..... Ano ba anman kasi ang nangyayari sa Pilipinas... lalo na sa mga Pilipino na mahilig manloko.. haixt...
Hoping for your comments... :))
Always Here,
Dylan Kyle Santos :'(
Later – Fra Lippo Lippi Song Lyrics
**********************************************
[Jaysen’s POV]
Oo nagulat ako sa sarili ko ng halikan ko si AJ.
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na ako nakapagpigil.
Tae, nahihiya na
ako.
Bakit ganun?
Dapat pinigilan ko ang sarili ko, dapat inawat ko itong
nararamdaman ko.
Dapat inayos ko ang sarili ko.
Pero sa kabila ng
ito, hindi pa rin ako nag sisisi ng lubusan.
Mantakin mo, sa wakas nahalikan ko
na siya. Ang lambot ng labi niya.
Alam mo yung feeling na gusto mo siyang yakapin at
halik halikan.
Ang sarap ng labi niya.
Ang bango ng amoy niya na nakakaadik
lang amuyin.
Yung pabango niya ay bumaon na sa aking ilong.
Sobrang saya ko ngayong araw. Pero ang katumbas
naman nito, ano kaya ang naramdaman niya nung ginawa ko sa kanya iyon?
Nagalit
kaya siya?
Nadismaya?
O nagustuhan niya?
Abot-tenga ang ngiti ko pag kauwi ko sa bahay.
Dumeretso agad ako sa kwarto ko at humiga sa malambot kong kama.
Di mawala
wala sa isip ko yung nangyari kanina.
Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag
nahalikan niya yung taong gusto niya este yung taong mahal niya?
Bastusang puso kasi ito eh, bakit ba kasi siya pa
ang tinibok? Haixt.
Arwin Jake Montederamos, mahal na mahal kita.
Sana
mapasaakin ka na. sana mahalin mo na ako.
Sana mahal mo ako. Sana pag umamin ako, pareho tayo
ng nararamdaman.
Kapag nakamit ko na ang matamis mong oo, sisiguraduhin kong
ipaparamdam ko ang pagmamahal ko.
AJ, mahal kita mahal na mahal. Hindi na kita
maialis sa puso ko.
Dahil sa hindi matahimik ang puso ko sa kakatibok
sa kanya, napagpasyahan kong mag facebook muna.
Nakita kong online siya. Bakit
kaya gising pa tong mahal ko? Nag status muna ako.
“Yeah. It is the most memorable day ever. Sulit
talaga…” and I’ve got a like from him. Ako nag kusang i-chat siya.
“Bakit
gising ka pa?” tanong ko.
“Ah eh. Wala naman. Di makatulog. Ikaw ba?” sagot
niya.
“Hindi din ako makatulog eh. Ayaw akong patulugin
ng puso ko.” Ang nasabi ko.
Bakit ganito na lang ang confidence ko, handa na ba
akong tanggapin na kailangan ko na siyang aminin sa kanya?
Pero hindi na muna.
Kailngan patunayan ko na muna na mahal ko siya. Desidido na ako na sa mga
susunod na araw ay aayusin ko na ang lahat. Magtatapat ako sa kanya.
“Aysus. Sino naman yan?”
“Ah eh secret na muna…” come on ikaw yun adik ka
ba? Ikaw nga hinalikan ko eh.
“Naku mamaya magalit yun sa akin. Kasi nag date pa
tayo kanina.”
“Ah eh. Hindi yun magagalit. I know naman na
maiintindihan niya yun.”
“So meron ka na palang dinedate, bakit kailngan mo
pa akong i-date?”
“May rason ako kung bakit at isa pa balang-araw
maiintindihan mo iyon.”
“Ewan lang din. Amp. Sama mo talaga. Meron ka na
palang ka relasyon nilalandi mo pa ako.” Sabi niya.
“Ang panget naman ng term, nilalandi. Alam mo hindi
ikaw pang landian lang, pang minamahal ka.”
“Talaga lang ha.”
“Oo naman. At isa pa, hindi bagay sayo yung
sinasaktan. Dapat pinapakita sayo na mahal ka.”
“Hindi ko alam. Bahala na. sige tulog na ako.” Sabi
niya bigla.
May nasabi
ba akong masama? Hala ka, mamaya may nabanggit akong sensitibo sa kanya.
“Okay ka lang ba? Sorry medyo ang dami kong nasabi.”
Sabi ko.
“Adik. Wala yun. Mood swing lang. okay ako. Sus
ikaw talaga. Tulog na ako mr.cool guy. Sige po. :*” ang sinabi niya.
Yeh, hindi na ako magtataka kung minahal ko siya.
Ipinapakita kasi niya na dapat ko siyang mahalin.
He is humble, he is sweet and
everyone deserves his heart and he deserve to be loved.
I know marami pa akong hindi alam sa buhay niya at
handa akong kilalanin siya. Jaysen loves you Arwin Jake. J loves A.
Maaga akong nagising kinabukasan. Pupunta ako sa
bahay nila. Siyempre para manligaw.
Nagsuot lang ako ng simpleng jogging pants
at sando na puti. Then I wear jacket. Todo pa gwapo ako siyempre.
Nagpabango pa nga ako eh.
Pagbaba ko, naabutan ko
na kumakain ng breakfast sila papa.
“Jaysen, tara na dito, kakain na.”
“Uhm. Sige po.” Umupo na ako sa tabi ni Princess.
“Saan ka pupunta?” tanong ni papa.
“Ah sa kabarkada ko lang po.”
“Ah. Anong
oras ka uuwi?”
“Di ko po alam.”
“Kamusta pala finals ninyo?”
“Ayos naman po.”
“Hoping that you will having a good grades.”
“Opo.”
“Sige. Next month I will have an appointment to
your Ninong, gusto ka niya Makita. Hoping you are available on that day.”
“Sige po titignan ko po.”
“Sige alis na ako. Kayo na bahala dito.”
“Kuya, cess, alis na ako ha.” Sabi ko.
“Naku kuya, sino naman yang bago mong nililigawan?”
sabi ni Princess.
“Wala pa naman. Pinopormahan lang. kilala mo yun.”
“aysus. Magiimbistiga ako.”
“Kaw bahala. Hahaha. Sige alis na ako mga utol.”
At umalis na nga ako. Ilang minuto pagkatapos kong
magbyahe ay nakarating na ako sa bahay nila AJ.
Hindi na ako nagdala ng
sasakyan.
Ayoko naman
na isipin niya na hindi ako mabubuhay ng wala ang karangyaan.
Siyempre sincere
ako na ipakita na mahal ko siya.
Nakailang doorbell ako bago bumukas ang pinto at
sinalubong ako ng mama ni AJ.
“Good morning po tita.” Sabi ko.
“Oh ang aga mo naman ngayon? May usapan ba kayo ni
AJ?”
“Uhm wala po. Hahah anjan po ba siya.”
“Pasok ka muna. Ayun tulog pa rin nasa taas.
Gisingin mo nga.”
“Sige po.”
Agad akong pumasok sa kwarto niya at handing
bulabugin ang pagkakhimbing niyang pagkakatulog.
Agad kong nakita ang maamong
mukha ni AJ. Kahit tulog ang gwapo pa rin niya.
Para siyang anghel na nasa langit. ang ganda ng
hugis ng mukha niya. Sarap titigan.
Nakita kong muli ang kanyang mga labi at
pinagmasdan ito. balang araw, mapapasaakin din ang mga labing yan ng hindi na
ako nagnanakaw ng halik sa kanya.
Natawa ako sa pwesto niya sa pagkakatulog, para
siyang bata.
Ang likot matulog. Tapos nakaboxer at sando lang siya matulog.
Ngayon ko lang siya actually nakita na ganyan siya.
What more pa kung kami na, baka iba na ang Makita ko?
Natatawa ako sa sarili ko
dahil sa mga iniisip ko. Para lang akong tanga na nag iisip ng kung anu-ano.
Nakaisip ako ng paraan para gisingin siya.
Nakita
ko yung ilong niya at pinisil ko ito. agad naman siyang nagising at nagulat ng
Makita ako.
Para siyang nakakita ng multo at napabalikwas sa
pagkakahiga. Sobrang nagulat siya dahil naroroon ako.
“Teka anong ginagawa mo dito?” tanong niya.
“Bakit masama ba?”
“Hindi naman. Pero bakit nga? Ang aga-aga pa eh.”
“Naku napakakunat mo talaga. Tanghali na po kaya.
Alas otso na oh. Grabe ka.”
“Aysus. Ganun na din yun. Teka sagutin mo tanong
ko.”
“Wala lang. napabisita lang masama ba?”
“Ay naku ewan ko sayo.”
“Sige na maligo ka na. ng mahimasmasan ang
pagkakaflag ceremony mo jan.” natawa ako sa sinabi ko.
“Manyak ka talaga. Lumabas ka nga dito.” Binato
niya ako ng unan.
“Hahaha. I like it ha.” Tinawanan ko lang siya.
Pagbaba ko, nakibalita agad si tita.
“Oh kamusta ang gwapong prinsepe? Nagising mo ba?”
tanong ni tita.
“Naku opo. Akala ko tulog mantika hindi naman pala.
Makapag boxer at sando kung matulog wagas eh.” “
"Naku masanay ka na jan. minsan nga naka brief lang
yan matulog. Hahahah. Mas kumportable kasi yan sa ganyang set up. Malaki naman
kasi ang natitipid naming sa kuryente sa batang yan. Mantakin mo nakakatiis yang di gumamit ng aircon at
electric fan. Gagamit lang yan ng aircon pag talagang mainit. Tanda ko nga
nakaabot yan ng isang taon na hindi gumagamit ng fan o kaya air conditioner.”
“Wow. Nakakahanga talaga. Matipid talaga siya tita
no?”
“Naku oo, alam mo ba pati baon niyan tinitipid
niyan? Nag titiis yan minsan na hindi kumain kapag may pinag iipunan. Ni hindi
pa nga yan humngi ng baon sa amin kasi iniintay niya na kami ang magbigay sa
kanya.”
“Napakaswerte naman pala ninyo kay AJ.”
“Naku oo sobra. Ang swerte din ng mapapangasawa
niya.” Biglang baling sa akin. Ngumiti lang si Tita ng nakakaloko.
“Sana ako na yun…” pabiro kong sinabi.
“Bakit hindi?”
“Payag kayo tita?!”
“Dipende.”
“Paano ko ba makukuha ang loob ng maganda at sexy
na nasa harapan ko ngayon?”
“ay bolero ka ha. Pero I like it. Sexy at maganda.
Pasado ka agad sa akin.”
“Wow naman.” At nagkatawanan kami.
Nag kwentuhan kami ni tita ng biglang sumingit sa
pag uusap naming si AJ.
“Ma, anong
ginagawa niyan dito?” tanong nito.
“Don’t be harsh anak. Ano ka ba? Ang sweet-sweet
naman niyang si Jaysen at isa pa I kinda like him.” Sabi ni tita.
“Naku ma, inabala niyan pagtulog ko ha. Kasi naman
ma agang-aga ginigisng ako.”
“Ayaw mo nun ginigising ka ng prince charming mo?”
“Ma naman eh.” Sabi ni AJ.
“Aysus. Ayos pagtulog mo ha.” Sabi ko.
“Ayt nakakahiya talaga nakita mo ako kung pano
matulog.”
“Ayos lang ang cute nga eh nakakainlove.”
“Wait teka. Mag ingat ka sa sinasabi mo. Mamaya
mainlove ka talaga sa akin.” Sabi ni AJ.
“Why not?”
“Naku wag ka. Mahihirapan ka sa akin boy.”
“Eh ano ngayon?”
“Ewan bahala ka nga.” Nakita kong natigilan siya
noong nagging seryoso ang tingin ko sa kanya.
“Let the love begin… let the love come shinning
in…” kanta ni tita.
“Naku iho, itawag mo na sa akin ay mama ha. Wag kang
mahihiya.” Sabi ni tita.
“Ma naman.”
“Bakit? Sa tingin ko naman magiging son in law ko
siya.” Pagbibiro ni tita.
“It’s a pleasure po na tawagin ang magandang babae
na nasa harapan ko na mama.” Sabi ko.
“Bolero.” Singit ni AJ.
“Hoy AJ
bakit hindi ba totoo?” sabi ni tita.
“Parang di naman.” Sabi ni AJ.
“Hoy sa akin ka nag mana kaya ka gwapo ngayon
pasalamat ka sa lahi ko.”
“Well ma, baka kay papa.”
“Naku.” Natawa ako sa bangayan nilang dalawa.
Sobrang close talaga nila.
Naalala ko bigla si mama. Okay na siguro siya kung
nasaan siya.
Yung feeling na namimiss mo siya.
Mga yakap niya at mga halik.
Yung tipo ban a pag sapit ng umaga yakap-yakap mo siya. Bigla kong niyakap si
Tita.
“Payakap tita ha. Este mama.”
“Sure thing. Nakakakilig naman niyayakap ako ng
gwapitong ito.”
“Naman tita.”
“Naku ma, landi ah.”
“Inggit ka lang anak.” “
"Well hindi ah.” Lumapit bigla ako kay AJ at niyakap
siya.
“Oy bigla siyang naiinggit oh.” Ang sarap talagang
yakapin niya.
“Oy wag kang manantsing sumbong kita jan kay papa.”
“Minsan lang naman ito eh.”
“Hep hep alis jan. saka di naman kita boy friend
no.” kumawala siya sa pagkakayakap ko.
Di ko maiwasn ang mainlove lalo sa kanya.
Hay AJ
kung masasabi ko lang sayo na mahal na mahal kita. Gutso na kitang mayakap ng
matagal.
Yun bang handa ka na magpayakap sa akin, makipag
hawaka ng kamay at kung anu-ano na nga eh pa.
lalo mong pinapadama sa akin na
mahal kita sa bawat pagkatao mo.
Masaya sa bahay nila AJ.
Sila tita ay masayahin din
nakakabonding ko din yung kapatid niya.
Sobrang kukulit pero nakkatuwang
kasama.
Dami kong nalaman kay AJ.
Nakaktuwa ang pamilya niya.
Na miss ko tuloy yung dati.
Kung paano kami mag saya nila papa at mama.
Masaya
kami noon at hindi magulo ang pamilya.
Pero simula ng mawala si mama, doon na
nagbago ang lahat.
Naging matigas na bato si papa.
Ang dating pamilya naming
na Masaya, nahiwa na ng bubog ng kahapon.
Masarap magluto si tita.
The best ang menudo niya.
Favorite ko kasi talaga
yun sobra.
Lalo na pag si mama ang nag luluto, wow the best.
Di ko maiwasan ang
di isipin si mama.
Sana nasa tabi ko rin siya ngayon I’m sure Masaya din siya.
Siyempre di ako dumayo dun para lang tumambay,
nandun ako para manligaw ng palihim.
Yeah parang mga kalalakihan lang nung
dating panahon, naglilinis at kung ano pa. enjoy ako habang naglilinis kami ng
bahay nila.
Masaya ako na ginagawa ko iyon. Ilang taon na din
or dekada ng huli kong gawin yun. I think nung nabubuhay pa si mama yung time
nay un. Nagiging close na kami ni AJ.
Paminsan-minsan pag nagbibiruan kami, niyayakap ko siya ng
palihim. Siyempre pasimple hahaha.
Ang saya ko kapag nakikita ko siyang nakangiti. Iba
ang kabog ng dibdib ko kapag nakikita ko siyang nakasmilesa akin.
I know na
siya na, siya na ang hinahanap ko matagal na.
[AJ’s POV]
Nagulat ako ng madatnan ko sa pag gising ko si
Jaysen. Ano ba naman yan? Kakapanaginip ko lang sa kanya tapos eto na.
God ang
bait mo talaga sa akin hahaha. Nahiya naman ako sa kanya kasi naka boxer lang
ako, siyepmre pag umaga alam ninyo na kung ano ang meron.
Nahiya ako
bigla. Feeling ko talaga na kanina pa niya ako tinititigan haixt. Pero ang
ganda ng gising ko, the best.
Nag bihis agad ako. Siympre naligo na ako agad.
Yeah crush ko na siya sobra. Pero parang love ko na nga siya eh for correction.
Pagbaba ko ng kusina, nadatnan kong nag uusap sila
ni mama. Haixt. Ang gwapo niya today sobra. Maya maya bigla niya akong niyakap,
sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.
Grabe ha. Iba na to. Ligawan mo lang ako
baka sagutin na kita. Joke lang. PBB teens?
Yeah I spend my day together with him.
Naalala ko tuloy nung hinalikan niya ako.
That was
the moment na hindi ako makatulog kakaisip doon. I love you JAYSEN MARVIN
PANGILINAN.
Pinauwi ko siya after naming mag dinner. Feeling
nasa bahay lang niya siya. Akalain mo ba na mag topless na lang sa bahay.
Di ko
tuloy maiwasang mailang. Yeah he had a perfect body. Ang kinis ng kutis
palibhasa mayaman. Pero the best talaga yung labi niya. Naakit ako dun sa labi
niya. Kissable kasi eh hahaha.
“O talagang pinangatawanan mo na to? Dito ka na
talaga nag lagi?”
“Yeah want to be with you.”
“Ang corny mo.”
“Kilig ka naman.”
“Di ah. Asa”
Biglang dumating si papa galling sa trabaho. Buti
na lang at nakabihis na si Jaysen nung dumatin si papa.
“Good evening po.” Bati ni Jaysen.
“Good evening din.” Sagot ni papa.
“Darling si Jaysen pala. Ano ni AJ.” Sabi ni mama.
“Anong ano?” tanong ko.
“Boyfriend mo anak?”
“Pa naman.”
“So manliligaw mo?” hindi pa ako nakakapag salita
ng biglang sumingit si Jaysen.
“Pwede po ba?” nagtawanan sila.
“Ayie
kapatid ah. Di ka nagsasabi.”
“Naku loko loko yan maniwala kayo. Sige na nga
umalis ka na.” sabi ko.
“Aysus may LQ pa.”
“Naku iho, good luck dito sa anak ko ha.”
“Hahaha. Sige po papa, una na ako.” Sabi ni Jaysen.
Papa? Kelan pa?
“Sige anak. Ingat.”
“Teka, ihatid mo na kaya siya AJ?”
“Kaya na niya sarili niya.”
“Okay lang po ako.”
“Sige na anak ihatid mo na siya. Mag motor na kayo.
Malapit lang siya dito si diba?”
“Ma okay lang yan… walang mang ra-rape jan.”
“Anak isa..”
“Okay po sige na po.” no choice.
Habang nasa daan kami nakayakap siya sa akin.
“Hoy lalaki, makayakap ka jan parang mahuhulog ka
ah.”
“Minsan lang naman to. At saka masama ba?”
“Oo naman.”
“Ang bango mo.”
“Mabango talaga ako. Pati pawis mabango.”
“Pero mas mabango ako.”
“Sus parang di naman.”
“Amuyin mo pa.”
“Wag na. mabaho yan for sure.” Bigla niya akong
hinalikan sa batok.
“Para saan yun?”
“Para matahimik ka na. mag concentrate ka na nga
jan maaksidente pa tayo.”
“Ikaw naman kasi eh. Wag ka nga masyado mahigpit
ang yakap.”
“yes boss.” Ilang minuto lang at nakarating na kami
sa tapat ng bahay nila.
“O ingat ka ha.”
“Yeah.”
“Kita na lang bukas.”
“Ay ganun?” Bigla niya akong niyakap. Nagulat ako
bigla.
“Sige na bye na. Good night.” Nakita ko siyang
nakatitig sa akin.
“Oh bakit ka ganyan makatingin?”
Bigla niyang hinila ang mukha ko sa mukha niya at
tuluyan na ngang nag isa ang aming mga labi.
Binubuka niya ang mga labi ko
gamit ang mga labi niya. Nasa state pa rin ako ng shock sa ginagawa niya.
Lalong kumabog ang tibok ng dibdib ko. Piling ko
bibigay na ang puso ko dahil sa sobrang tuwa. Di ko alam ang gagawin ko, ano ba
taong nangyayari?
Totoo ba ito?
hinahalikan ba niya ako?
Panaginip ba ito? sunod-sunod na tanong sa aking
isip.
Biglang bumulusok ang nararamdaman ko at hindi ko
napigilan ang sarili ko lumaban na ako sa halik niya. Napakapit ako sa likod
niya at di ko na napigilan pa.
nag aalab ang mga labi namin at parang wala kaming
pakialam kung may makakita sa amin. Gabi na noon at wala ng masyadong tao.
Siya na mismo ang kumalas. Nagtatanong ang mga mata
ko at nakita ko na lang na ngumiti siya at nag good night. Naiwan ako doon na
nagtatanong, ano na nga ba kaming dalawa?
(Itutuloy)
1 comment:
golden goose outlet
hermes birkin
cheap jordan shoes
Jordan Travis Scott
air jordan
Travis Scott Jordan
kd 15
kd 12
bape hoodie
fear of god essentials
Post a Comment