Kamusta sa lahat? ^_^
Una po ay maraming salamat po sa lahat ng umaantabay at sumusuporta sa aking munting akda. Sa inyong lahat ay lubos po akong nagpapasalamat.
Pangalawa po ay gusto ko pasalamatan ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
Pwede nyo po pala ako macontacts sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^
Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
Blogsite - darkkenstories.blogspot.com
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED
“Ryan.. Wala yang mga sugat nay an sa sugat na nagawa ko sayo. Kay asana, ako naman ang hayaan mong gamutin ang sugat na nagawa ko sayo…”, taos puso nyang sagot.
Ramdam ko ang sinceridad ng sinabi nya. Talagang bumaon ito sa balat at buto ko. Ramdam ko ang emosyon sa bawat salitang binitawan nya.
Naalala ko ang mga unang eksena sa amin ni Andre. Kung paano nya ako halos ligawan noon. At ganun muli ang nararamdaman ko ngayon. Though hindi pa malinaw talaga ang lahat sa akin. Alam ko, sa loob loob ko, mahal ko na rin si Andre.
Dumaan pa ang mga araw at nagsipag si Andre sa pagtratrabaho sa palengke. Kung nung una ay pormang porma itong pumasok sa trabaho, naging halos gusgusin na ito. At kung dati ay ambagal nito sa pagbubuhat, ngayon ay mas ganado at mabilis nya na itong nagagawa.
Si Andre…
Nang malaman ko ang tuluyang pag alis ni Ryan ay hindi kinaya ng dibdib ko. Kasalanan ko kung bakit sya aalis. Or atleast, isa ako sa may kasalana. Kung bakit ba kasi hindi ko sya napanindigan ng makita ko si Rizza.
Rizza was the love of my life. We once believed that fate brought us together. In a flash, we were madly inlove. But then the fire started to grow weak. Hanggang sa nakahanap sya ng iba. She cheated on me. Nalaman ko na lang 3 months na sila nung bago nyang boyfriend.
But then bumalik sai Rizza after 2 months, saying na niloko lang din sya nung boyfriend nya. And worst, her bex was a gold digger. Pinerahan lang pala sya. Mahal ko pa rin sya that time pero love was not enough. It was not enough para matakpan ang sakit na nagawa nya. I wish ganun kadali, pero hindi.
But then I met Ryan. He was something I didn’t expect. Nung una, naiinis ako sakanya. He was an eyesore to me. Seeing how happy he was, lalong nagliyab ang galit ko. Hindi ko din alam kung bakit, but then I realized, nung makita ko ang mga ginagawa nya for Larc, it hit me, he was someone na pinapangarap ko.
His words really made an impact to me. Lalo ng sinabihan nya ko na lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Kasi mali sya. I never got what I wanted. Dahil napaisip din ako, bakit nga ba minahal ko si Rizza? Dahil ba sya lang ang andyan para sakin lagi? I don’t know anymore.
Naguilty ako sa mga pinaggagawa k okay Ryan. Lalo pa ng makita ko ang mga sacrifices nya. He was indeed a true friend. I never though na someone could do this for another person. Kahit pa halos magmukha na syang tanga sa harap ng maraming tao, wala syang pakialam. Hindi nya iniwan ang kaibigan nya. He was loyal to his friend. He stood by his side kahit pa nilaglag na sya. How can someone do that?
I witnessed everything. And I never thought that it would come to this worse. Sinabi nyang tagalinis lang sya sa bahay ni Larc. When all the while, kitang kita ko naman na dito sya nakatira. Bakit Ryan?
Hindi kinaya ng konsensya ko ang nakikita ko. Gusto kong suntukin si Larc sa inaasal nya. Bestfriend nya to! Paano nyang natitiis gantuhin ang sarili nyang bestfriend? Ito ba ang nadadala ng fame? Ano bang makukuha nya after this? Ito ba talaga ang nakakapagpasaya sa tao? Kung ganun, bat hindi ako masaya?
Umalis ako at hinanap si Ryan. Hindi ko din alam bat ko sya hinahanap. Pero asan kaya sya? Hindi naman siguro sya makakalayo. I hope…
Hindi ko sya mahanap. Suko na ko. Pero ayaw ko pang umuwi. I guess maglilibot na lang ako… somewhere..
Ive been looking for a place na mapupuntahan, I tried going to clubs, pero kungdi puno ang parking, eh sarado naman ang mga tinatambayan ko. Nawalan na rin ako ng gana. I want to go somewhere quiet. Ah! Sa park.
I was strolling by the park at ineenjoy ang lamig ng hangin. Pumasok nanaman sa utak ko si Ryan at ang mga ginawa nya. And I guess you know the rest of the story.
Nang makita kong muli si Rizza sa resort ay natameme ako. I couldn’t say a word. Rizza was a ghost na hindi ko naresolve. She was that one person na minahal ko pero nagawa akong lokohin. And now she’s claiming na girlfriend ko pa din sya. Pero teka, pano nya nalaman kung nasan ako?
Still, things went out of hand. Hindi ako nakapagexplain kay Ryan. He left. Hindi ko man lang sya napanindigan. Wala akong pinagkaiba kay Larc.
Nabalitaan kong nakaalis na si Ryan. Bat ba hindi ko sya nilapitan? Kinausap? What the hell happened? I received a text from Karen. Gusto daw nya ako makausap.
Nang magkita kami ni Karen sa isang coffee shop ay andun din si Kulas. He cried and confessed everything. Hini nya daw alam na talagang aalis si Ryan at guilty na guilty sya. Pinilit naming si Kulas na sabihin kung nasan si Ryan. Pero naging matigas si Karen na hindi nya sasabihin.
Kinumbinsi naming si Karen all week. We kept on calling her. Pero still, nagmatigas sya. Hanggang sa nakulitan sya, at sinabi nya na hanapin na lang ang address sa registrar. Salamat kay Kulas at nakuha nya agad.
Hindi ako tumigil sa pagsusuyo kay Ryan. Alam kong malaki ang nagawa kong kamalian sakanya. Kaya I deserve the treatment that I’m getting. Hindi ako susuko. I rushed kahit pa alam kong may bagyo. I just don’t care anymore. Ryan must know. Sya ang mahal ko.
Mahirap pala ang trabaho. I never knew how hard life was until nagtrabaho ako. Halos magkandasugat sugat ako dahil hindi ko alam ang ginagawa ko. Pero wala na akong paki.
Pangatlong linggo ko na ngayong nagtratrabaho at medyo nasasanay na ang katawan ko. Hindi na rin ganun kasungit sakin si Ryan. Paminsan minsan ay ngumingiti na ito sakin. Though madalas, masungit at malamig pa din ito. Okay na ako kahit ganun pa man din. Mas okay na to kesa wala.
Sabado ng gabi at wala kaming pasok bukas. Masakit na masakit ang katawan ko dahil napakarami naming binuhat at pinaghatiran. Hindi ko alam kung saan ba kinukuha ni Ryan ang lakas dahil parang hindi man lang ito napapagod. Halatang sanay na sanay na sa ganto. Lalo tuloy akong bumilib sakanya.
Pagtapos ng trabaho.
“Uuwi na ba tayo?”, tanong ko kay Ryan dahil parang iba ang nilalakaran naming pauwi.
“Hindi. May dadaanan pa ko. Mauna ka na sa bahay.”
“Huh?! Mauuna ako sa inyo?! Eh hindi ko naman bahay yun!”
“Eh ayun naman pala eh, edi sumunod ka na lang.”, masungit na tugon nito.
Gusto ko man magtanong kung saan ba kami pupunta ay pinili ko na lang manahimik. Kaya para akong buntot na sumunod lang. Kahit pa gustong gusto ko na umuwi para makapagpahinga. At isa pa ay medyo nagugutom na din ako.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Paunti ng paunti ang mga bahay at padami naman ng padami ang puno. Hanggang sa nakarating kami sa isang bukiran. Agad naman umupo si Ryan sa papag.
Maganda ang kalangitan at may kaunting ilaw sa kapaligiran. Mga ilaw galing sa mga iilang bahay. Sakto lang para mabigyan kami ng liwanag.
“Upo ka.”, paanyaya nito. Kinakabahan man ay umupo ako sa tabi nito. Naalala ko ang eksena sa park. Kung saan ko sya natagpuan. Parehas na prehas ang sitwasyon. He was hurt back then, at ngayon, nasasaktan pa din sya. Ang mas masakit nga lang, ako ang dahilan bat sya nasaktan.
“Ryan…”, nahihiya kong tugon.
“Oh?”
“Anong ginagawa natin dito?”, tanong ko.
Naglabas ng isang supot si Ryan. Hindi ko naman alam kung anong laman nito.
“Ano yan?”, takang tanong ko.
“Malalaman mo kung magiging maayos ang takbo ng usapan na to.”
“Usapan?”
“I figured, sa lahat ng pagod at effort na ginawa mo… Deserve mo na magusap tayo ng masinsinan. Total, yan naman talaga pinunta mo dito, diba?”, malamig na tugon nito.
Napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam ang sasabihin.
“Ryan… Sa totoo lang di ko din alam paano sisimulan. Ilang beses ko pinractice sa utak ko kung ano ang sasabihin ko sayo. Pero ngayon, wala man lang ako masabi.”, panimula ko.
“Ryan, alam ko nasaktan kita. At alam ko, kahit kalian hindi ko mapapantayan ang pagibig mo para kay Larc…”, ngunit bigla nya akong cinut.
“I don’t wanna talk about Larc…”, matigas na sabi nito.
“I’m sorry.”
“Ano nga bang main purpose mo dito? Para magsorry? Kung yun ang pakay mo, pinapatawad na kita.”, malumanay na sagot ni Ryan. Nagulat naman ako sa sinabi nya. Sa sobrang tuwa ko, ay umupo ako sa harap nya. Pero hindi sya natuwa. Hindi sya tumawa. Walang bakas sa mukha nya ng kasiyahan.
“Eh bat malungkot ka pa din?”
Nakita kong tumulo ang mga luha sa mata ni Ryan. Kinabahan ako. Ito nanaman, napaiyak ko nanaman sya. Ang hirap nyang tingnan.”
“Ngayong napatawad na kita… Pwede ka ng bumalik sa inyo…”, umiiyak na tugon ni Ryan.
Naluha ako sa sinabi nya at niyakap sya ng mahigpit. Pilit na pinapatahan si Ryan. Sa twing nakikita o naririnig ko ang iyak ni Ryan ay ang pinakamasakit na damdamin o tunog para sa akin. Bakit ba lagi ko na lang sya nasasaktan?
Mula sa pagkakayakap, humarap ako kay Ryan at hinawakan ang mukha nito gamit ang dalawa kong kamay. Pisngi sa pisngi.
“Sino ba may sabi sayo nay un ang ipinunta ko dito? I came here for you.”, garalgal kong sagot. Hindi ko napansin na tumutulo na din pala ang luha ko.
“Paano si Rizza..”, malungkot na tugon nito. Umupo ako sa tabi nito at inakbayan si Ryan.
“Hindi ako nabigyan ng pagkakataon magpaliwanag noon. Kaya sisimulan ko na ngayon. Si Rizza… Rizza was once the love of my life. Sakanya umikot ang buong mundo ko. She was there nung mga panahong kailangan ko sya. I gave my all. We were madly inlove with each other.
Pero dumating ang panahon na nag-iba ang lahat. She started getting cold. Madalas na awayan. Tellingme na parang routine na lang ang mga bagay bagay. Na it doesn’t feel the same. Pero hindi ako sumuko…
But then one day, nalaman ko na may boyfriend nap ala syang iba kahit kami pa. She cheated on me. And she coldly left me. Just then and there, sinabi nya na ayaw na nya. Na hindi na sya masaya. Na hindi kami para sa isa’t isa…
Hinanap ko sya kahit pa alam kong wala na sya. Kahit pa hindi ko na sya maabot. Sinukan kong ipaglaban ang pagibig ko sakanya. Pero everytime I did, she would look at me with those cold eyes. Telling me na hindi na ako ang gusto nya. I blamed everyone, I hated everyone…
May mga times na pagtinatanong ako, lage kong sinasabing, “okay” lang ako, na masaya ako, I was pretending to be happy. Meron ding mga times na I would watch action/comedy movies wherein out of the blue bigla akong napapaiyak. Lage ko kasing iniisip, “dapat kasama ko sya ngayon, eh”. Lalong namuo ng namuo ang galit sa dibdib ko. Bakit ba ang iisang bagay na meron ako ay kinuha pa? Bakit?!
And then you happened, lahat ng galit na naipon sa dibdib ko, parang nawalan ng ibig sabihin. Para bang lahat ng pinagdaanan kong sakit at hirap sa break up naming ni Rizza ay parang biglan nawalan ng sense. And then it just hit me, I was falling for you..
Nakarating kay Rizza ang balita na I was falling for someone else. Kinulit nya ako kung sino. She kept calling and texting me. Tapos bigla nyang sinabi na nasasaktan daw sya ng malaman nya na may iba na. Kaya ba daw hindi ko na sya pinagpatuloy suyuin? Kaya ba I stopped pursuing her? Sumagot ako sa text nya once. I said “Yes”.
The next thing I knew, nasa resort sya. She was infront of my eyes. The person who created the ghost inside of me is finally infront of me. Telling me na ako naman daw ang ipupursue nya. But that night, I told her about you. She was disgusted by the thought of me falling for another guy. Nilaitlait nya ko, pero wala na kong pakialam. And then she just ran off.
I was devastated. Lalo na nung umalis ka. I wanted to talk to you. Susko Ryan. God knows how much I wanted to talk to you. Gusto kong yakapin ka at magmakaawa sayo. But then I guess I was a coward after all…
Then nalaman ko ang totoo. Gusto kong bugbugin si Kulas. Pero narealize ko na sya din ang nagpakawala sakin sa takot at galit ko. Wala na rin naman maitutulong kung magagalit pa ko sakanya. And besides, I felt his sincerity nung mag sorry sya. Sya pa nga ang gumawa ng paraan para makuha ang address mo.
After I got sick at umalis sa inyo, ang totoo, nasa highway na ko. I was ready to give you up. Or atleast yun ang inakala ko. Dahil nung naisip ko na uuwi ako at tatanggapin na hindi na kita makikita, sinuka agad ng utak ko ang ideya na yun. Bumalik ako and I was ready to give it another try. Actually, I don’t care how many tries it would take. Ayoko ng maulit ang nangyari dati. Atleast, not with you.
Kaya ngayon, hindi ko alam kung tatanggapin mo ang paliwanag ko. Pero ito ang totoo..
Ryan, isa lang ang lamang ng utak at puso ko sa lahat ng panahong ito..”, buong puso kong pagpapaliwanag.
Napatingin ako kay Ryan. He was still crying.
“Ano?”, iyak nyang tanong.
“Mahal na mahal kita.”, tugon ko sabay tulo muli ng mga luha ko.
Ito nay un. Nakapagliwanag na ako. Nagawa ko na ang lahat ng makakaya ko. Ang kaya ko na lang gawin sa ngayon ay maghintay sa isasagot ni Ryan.
“Andre…”, seryosong bigkas nya sa pangalan ko.
“Yes?”, tugon ko.
Inabot sakin ni Ryan ang supot na hawak hawak nya kanina. I wanted to ask. Pero tumango lang ito. Sumesenyas sya na buksan ko ito.
Halos bumuhos ang lahat ng luha ko ng buksan ko ang plastic na inabot sakin ni Ryan na ngayon ay hawak hawak ko. Nanginginig akong tinitigan ito. What does this mean? Hindi kaya…?
Napatingin ako kay Ryan at talagang bumuhos ang emosyon ko. Napatingin akong muli sa supot na hawak ko. Ang supot na naglalaman ng fishball.
“I don’t want to miss another moment na mawala ka pa ulit…”, umiiyak na sabi ni Ryan.
Nang marinig ko ang sinabi ni Ryan ay napayakap ako agad sakanya. Naramdaman ko naman din agad ang pagyakap nya sakin.
“Totoo ba tong naririnig ko?”, bulong ko. Tumango lang si Ryan.
Kumalas ako panandali. Gusto ko maklaro kung anon a nga ba ang pinaguusapan naming. Kami nab a? O ano na ba? Pero biglang may pumasok sa itak ko na sadya ko namng ikinalungkot.
“Bakit?”, alalang tanong ni Ryan.
“P-paano… Paano si… Larc…”, malungkot kong tugon.
Hindi sumagot si Ryan sa halip ay nagulat ako sa ginawa nito. Naramdaman ko ang pagdapo ng mga matatamis na labi nito sa mga labi ko. Nakita kong nakapikit ito ng halikan ako. Napapikit din ako.
“Magtatanong ka pa?”, ngiting tugon nito.
Hello po guys!! ^_^ Posted na po ang part 6 nito sa aking blog. Maari nyo po ito mabasa by clicking this link >>>> http://darkkenstories.blogspot.jp/2012/08/3-minahal-ni-bestfriend-memories-part-6.html
No comments:
Post a Comment