Salamat po sa mga sumusubaybay... sa mga newies na ndi pa nababsa ibang stories ko.. punta lang po kayo sa blog ko:
Dylan Kyle's Diary
maraming salamat po sa mga supporters.... sa mga readers ko... lalo na sa mga nagcocomment.. yaan ninyo one day mababanggit ko din kayo.. :))
"kahit gaano ko kalakas isigaw sa
buong mundo kung gaano pa rin kita kamahal,
hindi mo ito maririnig dahil iba na mundo mo"
Always here,
Dylan Kyle Santos
Take My Hand – Callalily Song Lyrics
******************************************************
[Chad’s POV]
Kanina cheerful pa si AJ pero ngayon, heto kami sa
tricycle at iyak ng iyak siya. Kahit wala akong idea kung ano ang nangyari, I
am doing my best to comfort him.
I don’t know kung ano ang nangyari, namalayan ko na
lang na tumatakbo siya at umiiyak. Hindi ko naman siya pwedeng iwanan lang
basta-basta kaya I am dong my best to make him smile again.
“Oi smile ka na jan.” sabi ko sa kanya.
“Hindi ko kaya. Huhuhu.” Umiiyak pa rin siya.
Hindi ko kayang makita ang mukha ni AJ na ganito,
pugto ang mata at punong-puno ng luha ang kanyang mukha. Pinahid ko ang luha
niya.
Pinakalma ko siya ng kaunti at ng maging kalmado na
siya saka ako nag usisat kung ano ba talaga ang nangyari.
“Ano ba ang nangyari?” tanong ko sa kanya.
Agad naman siyang sumagot.
“Nakita ko kasi na kahalikan niya si Aldred.” Sabi
niya sa akin na medyo may halong galit.
“Aysus. Talandi talaga niyang lalaking yan. Grabe
na siya, hindi pa ba sapat yung mga ginawa niya dati? Kalian ba yan titigil sa
pang gugulo?”
“Akala ko okay na, mag sosorry na sana ako kay
Jaysen pero eto ang ginawa niya. Ayoko na talaga.” Sabi niya sa akin.
“Baka naman na mis-interpret mo lang at baka naman
plinano talaga yun ni Aldred?”
“Narinig ko silang nag usap. Okay lang naman sa
akin kung mag halikan sila eh. Ang problema, parang wala lang sa kanya yun. Ni
hindi man lang niya ako pinigilan o hinabol man lang. baka hindi niya ako
totoong mahal.”
“Tahan na. marami pa naman jan. take your time.
Hayaan mo baka sa mga darting na araw lumapit siya sayo at mag sorry.”
“Hindi na… okay na… hindi na mangyayari yun…” sabi
niya.
“Bakit?”
“Aalis ako. Pupunta ako kila lola. Doon na muna ako
magbabakasyon. I think, kung sakali na maging payak yung isip ko, I am planning
na doon na ako mag aral ulit.”
“Bakit naman? Bakasyon ayos pa eh. Pero mag aral
doon? Sobra naman ata yun.”
“Nakatanggap ako ng invitation of scholarship doon
eh. Open pa rin siya sa akin.”
“Pero may 2nd term pa tayo ah.”
“Credited naman lahat ng units na kinuha ko.”
“Please wag ka na lumipat.” Pakiusap ko.
“Titignan ko lang naman yung school eh. Pati okay
naman. Di naman sigurado yun.”
“Basta pag lumipat ka magkakalimutan na tayo bahala
ka.”
“Wag ka naman ganyan.”
“Umayos ka kasi.”
“Promise I will be back…”
“Promise mo na hindi mo ako iiwan.”
“Sige na po promise na.”
Niyakap ko siya. I don’t want to lose him. I have
give up kay Jaysen para sa kanya. At isa pa may nagugustuhan naman akong iba.
Okay na sa akin na sa kanya si Jaysen. At least
silang dalawa nag mamahalan.
Hinatid ko siya sa bahay nila. Sabi ko smile na
siya. Nagtanong si tita kung ano ang nangyari at sinabi ko na lang na hayaan
nila na si AJ na ang magpaliwanag sa kanila. Total I have no right na pang
himasukan yun.
“Balik na ako doon AJ ha. Smile na jan.”
“Yup.”
“Sabihan mo ako kung tutuloy ka sa bakasyon mo ha.”
“Baka bukas na ako aalis.”
“Ang bilis ata.”
“Kahapon ko pa dapat gagawin ito. di ko na sana
itutuloy kaso nga nangyari to. Papasalubungan naman kita eh.”
“Ikaw ang gusto kong pasalubong. Yang sarili mo.
Mas gusto kong nandito ka para sa akin.”
“Yeah ang sweet ng best friend ko. Hayaan mo
dadamihan ko pasalubong ko sayo.”
“Sira ka talaga. Sige na. bye na. good night.”
“Ingat ka ha. Pasabihan na lang sa kanila na sorry
bigla akong nag walk out.”
“Okay. Tita alis na po ako.” Tumango na lang si
tita.
On my way sa tambayan, iniisip ko na kung ano ang
gagawin ko. Tumawag ako kay Mark.
“Mark, pre, anjan pa ba si Jaysen?”
“Oo bakit? Kamusta pala si AJ?”
“He is fine naman. Sabihin mo kay Jaysen mag uusap
kami. Wag siya aalis.”
Mag tutuos tayo Jaysen. Akala mo jan, dapat
mapigilan mo siya. Nagmadali ako na bumalik doon. Mag u-umaga na rin naman. 12
na ng haring gabi at heto ako binabagtas ang kalsada.
Since wala ng gaanong sasakyan, nakarating ako doon
ng around 15 minutes. Agad kong sinugod si Jaysen at hinila siya. Nakita ko ang
pagkataranta niya.
“Hoy ikaw, nagparaya na nga ako para sa kanya pero
heto ka sinayang mo pag kakataon?”
“Sino ba may kasalanan nito? Hindi ba ikaw? Kung
hindi lang niya inisip na nanjan ka sana kami na ngayon. Sana akin na siya
ngayon.”
Dahil na rin sa tama ng alak kaya siya
nagkakaganyan.
“Oo na ako na may kasalanan, pero heto ako oh nag
paraya. Kahit matagal na kitang gusto at hindi mo man lang ako pinapansin. Tutal
crush lang naman kita eh. Pero si AJ mahal ka niya. Tagusan pa.”
“Gago ako eh. Sa lahat pa ng makikita niya iyon
pa.”
“Gago ka nga. Ni hindi mo siya hinabol? Ni hindi mo
nga siya pinigilan eh.”
“Nabigla lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko
eh.”
“Dapat nag control ka sa kalandian niyang si
Aldred. Maninira yan ng buhay eh. Isa yang salot na dapat pukasain.”
Nabigla ako sa sinabi ko. Hindi ko namalayan na
nakikinig pala siya sa aking likuran.
“Nahiya naman ako sayo.” Sabi niya.
“Mahiya ka naman talaga. Isang pokpok na kung kani
kanino nagpapadali.”
Nakita ko ang inis sa mukha niya.
“Wag kang mag matapang jan na akala mo malinis ka.
Ng dahil sayo nasira ang buhay ko. Hiniwalayan ako ng taong mahal ko.”
“Mahina ka kasi eh. Ni hindi mo nga alam ang buong
kwento eh.”
“Sapat na ang nakita ko. Okay na sana yung sa akin eh pero pati ang best
friend ko, gagawan mo pa ng ganito.”
“Pakialam mo ba. Mangialam ka ng buhay mo at hindi
ang buhay ko.”
“Umalis ka na sa harapan ko. Nag iinit lang ang ulo
ko.”
“Sana matauhan ka na. sana lang.” sabi niya.
Nakita ko naming nakatulala lang si Jaysen sa isang
tabi.
“Hoy lalaki, wala ka man lang bang gagawin para
pigilan si AJ?”
“Meron kaso hindi ko alam.”
“Alam mo gwapo ka na, sayang lang wala kang
matinong pag iisip. Suyuin mo kaya siya.” Suggestion ko sa kanya.
“Tanggapin kaya niya ako?”
“Oo naman. Mahal ka niyon. Maniwala ka.”
“Pero pinagtabuyan niya ako kanina.”
“May kalokohan ka kasing ginawa.”
“Sabihin mo nga sa akin, mahal na mahal ba niya
ako?”
“Oo mahal ka niya. Nagtanong ka pa.”
“Okay na kami sayo?”
“Oo nga. Unli?” Nakita kong ngumiti siya.
“Alagaan mo best friend ko ha.”
“oo naman.” Mahaba haba kaming oras na nag
kwentuhan. Hindi ko namalayan na mag aalas singko na pala.
“Ang swerte mo sa best friend ko.”
“Oo. Talaga.”
“Ingatan mo siya. Marupok yun. Nasaktan na yun
dati.”
“Yes Boss.” Bigla na lang nag ring ang cellphone
ko.
“Oh natawag si AJ, quiet ka muna.”
“Pasabi mahal na mahal ko siya.”
“Ikaw ang magsabi.” At nagtawanan kami. Sinagot ko
yung phone.
“Hello AJ. Oh napatawag ka. Hindi ka ba natutlog?”
tanong ko.
“Nag impake kasi ako. Nasabi ko na rin kila mama
yung nangyari.”
“Teka ngayon ka na aalis?”
“Oo weh.
Need na. urgent talaga.”
“Bakit biglaan. Hindi ba pwedeng mamaya na lang?”
“Mas gusto kong umalis na. baka abutan pa niya
ako.”
“Grabe ka. Sige ingat ka. Hindi ba pwedeng
magpakita ka muna sa akin?”
“Babalik din ako. Wag OA ha? Sige bye bye. Tumawag
lang ako para mag paalam.”
“Okay. Ingat sa byahe.”
Nakita kong nagtataka ang mukha ni Jaysen.
Nagtatanong ang mga mata at hindi makapag salita dahil hindi niya alm kung ano
ang itatanong niya.
“Eto na ang sinasabi ko sayo. Kung pinigilan mo
siya.”
“Ba…ba… bakit saan siya pupunta?”
“Naku aalis na siya. At hindi na babalik pa dito.”
Pagsisinungaling ko.
“My God. Pupuntahan ko siya ngayon.”
“Bilisan mo lang at baka hindi mo na siya abutan.”
Agad naman siyang nagtatakbo at sumakay sa kotse
niya. Pinagharurot niya ito. natawa ako bigla.
Pero kinabahan kasi baka kung
ano ang mangyari doon eh lasing pa naman yun. Ibalik mo dito ng best friend ko.
Nagtitiwala ako sayo Jaysen.
[Jaysen’s POV]
Pinaharurot ko ang sasakyan ko. Ayaw kong mawala
ulit sa akin si AJ.
Nagkamali ako sa hindi paglalaban ng nararamdaman
ako.naging duwag ako at nagpalugmok sa pag iinom ng alak.
Ang tanga-tanga ko at hindi ko hinabol siya noong
nasaktan ko siya. Hindi ko na hahayaan pa na umalis siya ulit at mawala siya sa
aking tabi. Mahal kita AJ, mahal na mahal.
Ilang sandal lang din ay nakarating na ako sa tapat
ng bahay nila AJ. Agad akong nag doorbell at lumabas bigla ang mama ni AJ.
“Ma, anjan pa ba si AJ?” tanong ko sa kanya.
“Naku anak, kaalis lang niya. Nag mamadali siya
eh.”
“Saan ho ba
siya papunta?”
“Sa mga lola niya. Pero baka maabutan mo pa siya sa
terminal ng bus.”
“Salamat po ma.”
“Ingatan mo anak ko ha.”
“Opo ma. Pangako ko sa inyo ibabalik ko siya dito.”
Agad akong nagmadali na pumunta ng bus terminal.
Tinatawagan ko si AJ pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Ganyan ba talaga
kalaki ang galit mo sa akin AJ. Please naman.
“Lord ayaw ko ng mawala si AJ sa akin. Please po.
Pero talaga atang sinusubok ako ng pagkakataon. Traffic pa nga. My God, bakit
ngayon pa. please let this traffic go away.”
Nag red stop light pa nga. Pambihira naman oh. Ayt.
Grabe. Hope na maabuta ko siya. Please wag ninyo muna siya paalisin. Di
nagtagal at umusad na ang mga sasakyan. Nagging maluwag ang daan.
Dahil lang sa stop light kaya nag ta-traffic dito
sa parting to. Agad naman akong nabuhayan ng loob dahil ilang metro na lang at nasa bus station na
ako.
After 20 minutes nakarating na ako sa bus terminal
station. Alas sais na ng umaga noon. Medyo madilim-dilim pa din.
Pawisan na ako at nanlalagkit. Pero hindi ko
inintindi ito. agad kong hinanap ang kinaroroonan niya. Medyo maraming tao ang
naroroon.
Ngayon lang ako napagawi dito pero nadadaanan ko
lang siya minsan. Agad akong nagtanong tanong sa mga naroroon. Please give me a
sign Lord.
Please give me sign kung nasaaan si AJ. Gagawin ko
ang lahat para wag lang siyang mawala sa akin.
[AJ’s POV]
NApakarami atang tao ngayon dito. Nakakatamad tuloy
umalis pero kailangan. Wala pa akong tulog at halata pa rin ang pamumugto ng
mata ko.
Hindi na ako nag paalam sa iba kong mga kaklase at
kabarkada, biglaan din kasi eh. Naalala ko tuloy ang sabi sa akin ni mama.
(Flashback)
“Alam
mo anak, mahirap pigilan ang puso. Kung mahal mo, ipaglaban mo.”
“Pero
ma, pano kung hindi dapat?”
“Paanong
hindi dapat?”
“Paano
kung hindi dapat maging kami ng isang tao?”
“Alam
mo anak, hindi naman kina-kailngang maging kayo ng isang tao para lang masabing
mahal mo siya eh.”
“Pero
ma, anong gagawin ko ngayon? Mahal ko siya pero nasasaktan ako. Natatakot ako na
baka matulad lang ito dati.”
“Ang
nakaraan ay nakaraan na. pati natututo naman tayo sa ating mga pagkakamali. Wag
kang matakot mag mahal ulit.”
“Salamat
po ma. Maraming-maraming salamat.” Niyakap niya ako ng mahigpit.
(End of Flashback)
Tumutulo ang luha ko, sana pagbalik ko okay na ako.
Sana I’m a better person at hindi tulad ng dati na parang tanga lang. maya maya
narinig kong nag page.
“Calling the attention of Mr. Arwin Jake
Montederamos, please proceed to the front desk right now. Again, calling the attention of Mr.
Arwin Jake Montederamos, please proceed to the front desk right now. Thank
you.”
Nagulat ako ng bigla akong pinapage.
Grabe, special
mention pa ako. Iniwan ko ang upuan ko doon at dinala ang mga bagahe ko.
Daig
ko pa ang isang taon na magbabakasyon kila lola.
“Ate saan po yung front desk area po.” Tanong ko sa
may cashier.
“Sir, dun po yun sa may tabi ng Siomai House.”
“Ah okay salamat po.”
Agad kong tinahak yung lugar na iyon. Nagulat na
lang ako sa taong naroroon. Bigla akong napatigil sa paglalakad ko. Ilang meto
lang ang layo ko sa kanya.
Agad siya napatingin sa kinaroroonan ko.
Anong ginagawa niya dito?
Bakit siya naririto?
Agad akong tumalikod sa kanya at nagtatakbo
papalayo. Ngunit, sadya siyang mabilis at naabutan niya ako. Nahablot niya ang
kamay ko at gad niya akong napigilan.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.
“Ano pa nga ba? Edi para pigilan kita.”
“Paano mo naman nasisiguro na mapipigilan mo ako?”
“Alam ng puso ko.”
“Wag mo akong daanin sa ganyan.”
“Bakit baka mahulog ka?”
“Hindi, kasi nakakasuka. Hindi bagay. Bitawan mo
nga ako.”
Nagpumilit ako na bitawan niya ta para naman tong tanga at binitawan nga ako.
“Aray ko. Bakit mo ako binitawan?”
“Sabi mo bitawan kita.”
“Dahan dahan naman siyempre.”
“Aynaku tara na nga.” Sabi niya.
“Ayoko nga.”
“Dali na pakipot ka pa.”
“Che.”
“Aysus. Halika na nga. Sorry na. mahal naman kita
eh. Mahal na mahal. Sorry dun sa nakita mo.”
“Ewan ko sayo. Aalis na ako magbabaksayon pa ako.”
“Edi sasama ako.”
“Aynaku ewan ko siya. At isa pa lasing ka.”
“Kung lasing
ako bakit ako nandito”
“Basta iwan mo na ako.”
“Alam mo ba, akala ko dati malas ako? Akala ko
pinag sakluban ako ng langit at pinagtripan ako ng mundo?”
“Oh bakit naman?”
“Kasi iniwan ako ng taong mahal ko noon. Pero
ngayon, sa inaakala kong kamalasan ko noon, napangiti na lang ako ng tumingin
ako sayo. Bakit kamo? Kasi kahit gaano ako kamalas noon…. Bawing bawi naman ng
dahil sayo.”
Na-touch ako dun sa sinabi niya. Napaiyak ako. Agad
ko siyang niyakap at hinalikan. Hindi ko inintidni kung gaano kadami ang tao na
naroroon.
“Sorry kung pinagtabuyan kita noon. Sorry kung mas
pinili ko ang isipin ang iba kesa sayo.”
“Shhh. Tapos nay un. Sorry is enough. Kalimutan na
natin ang nakaraan at mag simula tayo ng bagong kinabukasan. I love you AJ.”
“I love you too Jaysen.”
“Promise ko hindi ko gagawin sayo ang ginawa ng ex
mo. Mamahalin kita ng todo-todo. Maging buhay ko man ang kapalit.”
“Salamat ha.” Niyakap ko siya ng mahigpit.
“Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakraan kundi ang
kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang
tanging nagpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan.”
Ang sinabi ko sa kanya.
“Well said ng taong mahal ko.”
“Ako pa.”
“So officially I’m yours na. At ikaw akin ka na.
wala ka ng magagwa dahil akin ka na.” sabi niya.
“Makaakin ka wagas ah.”
“Basta akin ka lang.”
“Ikaw din akin ka lang.” hinalikan niya agad ako.
(Itutuloy)
3 comments:
This will gonna be a one great roller coaster ride.... Hehe good job!
-ian
salamat po ian... :))
kaasar c aj, napaka-impulsive.. buti nlng the best best friend c chad.. hehe :p
feeling ko nman, start na 'to ng conflict..
Post a Comment