Sana po ay suportahan nyo ang bago kong short story. Refresher muna ako ulit.
Sorry at sobrang abala din ako para sa upcoming book. :)
Salamat sa mga magbabasa at magcocomment.
* * *
The sun seemed to be more vivid as I step out of this empty house.
Masaya ang pagsalubong sa akin ng mga maya sa puno ng pino. May kakaibang halimuyak ang dala ng hangin sa aking mga ilong. Hinayaan kong damhin ng aking balat ang matalas na sinag ng araw, matagal-tagal rin ng huli nitong maramdaman ang tapang nito.
I took several steps, one, two? I couldn't actually count. Now I'm facing the garden that was filled with plants, some are fresh, some are withered.
Kinuha ko ang asul na gomang pandilig sa gilid at marahan akong lumakad patungo sa gripo. Pinihit ko ito at naramdaman ang mabilis na pagragasa ng tubig. Ilang segundo pa ay bumigat na ito, naramdaman ko rin ang pagagos ng tubig, indikasyon na ang gomang pandilig ay puno na, umaapaw.
Tinungo ko muli ang mga halaman na halatang uhaw sa tubig. Ilang araw ko na rin pala silang napabayaan.
“Pasensya na kung hindi ko kayo nadiligan ng ilang araw.”
I smiled.
Naubos na ang laman ng tubig, muli ako ay kumuha. Hindi pa ako nangangalahati sa dami ng aking mga halaman.
“Simula ngayon, ako na ang magdidilig sa inyo.”
Hindi na ako nagaksaya ng panahon, kahit hindi kagandahan ang aking pakiramdam ay pinilit ko pa ring tapusin ang pagdidilig. Natapos ko rin ang aking ginagawa. Hindi ko na alam ang sunod kong gagawin.
Sa mga hindi maipaliwanag na dahilan, naramdaman ko nalang na dinadala ako ng aking mga paa sa kahoy na tarangkahan ng aking bahay. I slowly opened the big wooden gate. Nakita ko ang pampang.
Marahan akong naglakad. Tanging pajama at sando lang ang suot. Dinama ng aking mga paa ang mainit na buhangin. Nakakapaso ang init pero hindi ako nagrereklamo. Patuloy kong tinahak ang kahabaan ng pampang hanggang sa marating ko ang dagat.
Muli kang pumasok sa isip ko. We used to walk here.
I met you somewhere. Hindi ko alam kung paano o saan nagsimula ang lahat but we started seeing each other. Hindi nagtagal ay naging tayo. Sobrang saya. Hindi maaring ikumpara sa lahat ng klaseng kasiyahan na naramdaman ko. You, yourself and the joy you bring are incomparable.
Indeed it was a roller coaster ride. We had our certain highs and lows na sa tingin ko naman ay normal para sa lahat ng magkakarelasyon. Kilala mo ako at kilala kita. Alam natin ang kiliti ng isa't-isa. Pero tulad nalang ng lahat ng kwento, alam natin na maging ito ay may katapusan.
Nagsimula ito nang makatanggap ka ng tawag sa mula isang malaking kumpanya. You were very enthusiastic. And me, being the supportive one, helped you with the things you need. I tried to cheer you every single time. Pinilit kong i-boost ang confidence na minsan ay nawawala sayo. Sabi nga natin ay once in a lifetime lang ang pagkakataon na macoconsider ka ng isang malaki at sikat na kumpanya. Hindi nga naglaon, ay naging bahagi ka noon. Sobrang saya ko dahil natupad ang isa sa mga pangarap mo. I was so proud of you then.
Mas tumatalim ang sikat ng araw. Hinayaan kong mabasa ang laylayan ng aking pajama. Patuloy akong naglakad. Basa na ang aking tuhod.
The first few months were okay. Sobrang saya mo sa break na nabigay sayo. Bilang kabiyak mo, naging masaya na rin ako. We decided to go on with our lives. With you being very busy with your new found fortune and me, still trying to decide what to do with my life.
Lumipas ang ilan pang mga buwan ay naging sobrang busy ka na. Not that i'm complaining but somehow, a part of me wants to. Pinilit kong intindihin ka. Na ikaw ay busy at pinilit kong isipin na para sa atin ang pagtatrabaho mo.
Do you remember the time I waited for you at home for our monthsary? I prepared your favorite food and all that. Pero wala ni anino mo. I was so fucked up that time. Buong akala ko sa telenovela lang nangyayari yun pero I was wrong. Dahil ako mismo ay naranasan ang nakakalungkot na bagay na yon. And I now know how it feels. Pero dahil mahal na mahal kita, noong sinabi mong sobrang busy mo lang sa trabaho, pinilit kong itatak sa utak ko na okay lang ako at di ako nasasaktan.
Months passed at parang wala pa ring pagbabago. You go home once in a while, para lang akong asong nagaantay ng amo para mapakain. And yes, I was hurt. And I'm hurting.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha. Rinig ko ang tunog ng mga alon. Wari ba'y nakikisimpatya sa akin.
Mayroon ngang isang araw na tinatawagan kita. Sobrang excited ako nun dahil alam kong uuwi ka ng bahay. I kept calling your number hanggang midnight but there was no answer. Tumawag ka makalipas ang ilan pang mga oras, kahit na nagtatampo ay natuwa pa rin ako dahil naalala mo ako.
When I answered it, tumawag ka lang pala para sabihin na busy ka at wag akong makulit dahil naiinis ka na. I was almost teary-eyed. Pinilit kong di iparinig. Binaba ko ang phone and shouted.
Hey, it's my birthday? Don't you remember? Hey!
Pinilit kong isipin na okay lang ako. Na okay ang relasyon natin, at sobrang busy ka lang. Siguro.
Lumipas pa ang ilang mga buwan, ganun pa rin. Siguro nga talaga ay ganun kapag nagkakacareer na ang isang tao. Bakit ba hindi nalang ako humanap ng sarili kong buhay no? Ah, oo nga pala. Hindi ganun kadali dahil ako ay isang batugan.
Dumating ako sa punto na iniisip kong tanungin ka kung mahal mo pa ba ako. Pero alam kong magagalit ka lang. Dahil ayaw kong magaway tayo, iniiwasan ko nalang. Alam mo ba minsan ramdam na ramdam ko na ang tanga-tanga ko kapag kasama kita? Yung mga simpleng pangbabara mo? Na hindi ko nalang pinapatulan dahil ako rin naman ang lalabas na mali in the long run at ako rin ang magpapakumbaba kahit ikaw ang mali? Alam mo ba yun?
Mayroong isang araw, and yes, I was alone. Ano bang bago don? Napatingin ako sa salamin. Nakita ko kung ano ng hitsura meron ako. I was so fat, I do have a lot of pimples, I look so stressed, in short, I looked so ugly. After that moment, napagtanto ko, do I really deserve to be treated this way? Nasaan na yung dating ako? Nilamon na ba talaga ako ng depression? At sinira ko na ba talaga ang sarili ko? Alam kong dala ito ng sobrang pagmamahal sayo. Alam kong dala ito ng pagmamahal na parang hindi naman naappreciate, hindi napapahalagahan. From the moment I saw myself that miserable, I knew we were over. I realized that must love myself more that some jerk who doesn't even know how to reciprocate devotion.
I immediately sent you a text message.
“I feel taken for granted. Can you just end this now?”
Masakit ang text message na iyon alam ko sa sarili ko. Pero aminado akong mas masasaktan ako sa magiging sagot mo. Ilang segundo pa nga ay sumagot ka na. Napangiti nalang ako.
“Okay. We're over. Just prepare my stuff and i'll get it. I'll give you the house para makapagsimula ka ng sayo. We're over.”
I just cried that moment. I wanted to shout and scream pero alam kong wala ng magagawa iyon. It's over. And siguro, kahit masakit, eto na yung mas maganda. I can still live my life.
Nasa baywang ko na ang tubig. Wala pa rin akong pakialam. Muli kong nilingon ang ating bahay. It's empty.
Nilublob ko ang aking sarili sa tubig alat. Ako ay nagpakabasa. Nang maramdaman kong hindi na ako makahinga, mabilis kong inahon ang aking sarili. Muli, ako ay naglakad pabalik sa aming tahanan. Pero ngayon, ako nalang mag-isa. At alam ko sa sarili ko na kakayanin ko ito.
I can still live my life. Ofcourse. I'll start again.
I tried to smile.
The sun seemed to shine brighter. It's an omen. A good one.
No comments:
Post a Comment