Hey guys.... Di na muna ako nakakpag banggit ng mga tao kasi puro schedule ang posts ko. hahaha.
Mamaya kasi yung iba mag tampo haha.
nga pala maraming salamat po sa lahat lahat ng nag follow sa akin sa blog ko po.
sa iba po pafollow din po. eto po yung blog ko click ninyo na lang below:
Dylan Kyle's Diary
medyo mahaba na po yung story,... hahah.. medyo mahaba siya kasi nga po 4 points if view siya. sa tinginn ko kung 1 point of view lang siya eh tapos na siya ng chapter 30. hahaha
As of August 10, 2012 I am now in chapter 48. hahahhaa
mabilis naman ao mag update kaya don't worry. hahaha
if may tanong kayo lapit lang po kayo.. feel free to comment...
Always here,
Dylan Kyle Santos
Kismet – Silent Sanctuary Song Lyrics
**************************************************
[AJ’s POV]
Dumaan ang dalawang lingo na laging napunta sa bahay namin si
Jaysen. Now I know na sigurado na ako sa feelings ko.
Mahal ko na si Jaysen. Pero may part pa rin na nagsasabi na wag.
Wag kasi hanggang ngayon nasa parte pa rin ng puso ko si James.
Hindi ko ata maalis siya sa puso ko.
Bakit ba hanggang ngayon dala-dala ko ito. kalian ko kaya maalis
ito?
Pero mahal ko naman si Jaysen, yun nga lang hindi tulad ng
pagmamahal ko kay James. Ang sweet niya sa akin. Di ko maikakaila na minsan naiisip
ko na baka may gusto na rin siya sa akin, pero ewan, ayaw niyang mag salita.
Nakilala ko na ang pagkatao niya. Ang tanga ko pala na
sinusungitan ko siya dati. Mabait siya, mapag kakatiwalaan at maasahan.
Ilang beses na nga akong tinatanong nila mama kung ano ang lagay
niya sa akin.
Tinatawanan ko na lang sila. Para naman kasi silang mga balita na
naglalagablab na mag roll sa camera.
Isang beses niyaya niya ako na mamasyal. Di naman bago sa akin
yun. Lagi na kaming umaalis ng bahay at namamasyal.
Di ko alam kung ano ba talaga ang lagay ng relasyon naming dalawa.
Ewan, I don’t have any concrete answer for that. Basta ako masya
pag kasama ko siya. He made me feel kung paano ma-inlove muli although I am not
that 100% repair.
Oo alam ko na mahal ko pa rin siya, pero what if si Jaysen ang
pumunan ng space dito sa puso ko. Pero, bakit ko ba iniisip tong mga ito.
Bakit, mahal ba ako ni Jaysen? Pareho ba kami ng nararamdaman. haixt. Arwin Jake Montederamos, magisip-isip ka nga.
Ang ganda ng sunset, doon kami nakapwesto sa may kita ang sunset.
Dito kami madalas pumunta. Napaka sentimental ata nito sa kanya eh.
“Nagustuhan mo ba?” tanong niya.
“As always naman eh.”
“Baka mamaya nagsasawa ka na ha.”
“Hindi ah.”
“Good.”
Yeah, ang akward ng setting naming dalawa, ang daming mag lovers
dun, boys, girls at bisexual. Para tuloy kaming mag lovers.
Nahiya ako bigla kaya nanahimik na lang ako. Pero yung feeling na
isipin nila na mag boy friend kami, labis ko itong ikinapula.
“Pwede ka bang mahiram?” bigla niyang sinabi.
Naguluhan ako at hindi ko maintindihan kung ano yung sinasabi niy.
“Ano daw?”
“Sabi ko kung pwede ba kitang hiramin?”
“Hiramin? For what?”
“Para maging lover ngayong araw.” Nagulat ako sa sinabi niya.
Sobra talaga akong nashock na sasabihin niya iyon.
“Adik. Talagang hiram ah.”
“Naiinggit kasi ako sa kanila.”
“Aysus.nainggit daw.”
Hindi na siya sumagot at inakbayan na lang niya ako bigla.
Hinawakan din niya yung kamay ko na para bang totong magkarelasyon
kami. Namiis ko yung set up na ganito.
Yung tipo na magkasama kami ng mahal ko at magakahawak kamay.
Unti-unti naramdaman ko na tumutulo ang aking luha. Di ko mapigilan na pahirin
ito dahil unti-unti na itong dumadami.
“Oh bakit? May nagawa ba ako?” tanong niya.
“Uhm wala naman, adik, may naalala lang ako.”
“Ah ganun ba. Wag ka nga umiyak jan.” pinahiran niya ang luha ko.
Nakita ko na naman ang mukha niyang maamo. Hindi ko tuloy maiwasn
ang mapatitig sa kanya. Inaakit niya ako gamit ang kanyang mga mata.
Hinawakan niya ang baba ko at hinawakan ko naman ang kamay niya.
Ilang saglit lang naramdaman ko na lang na malapit ng mag lapat an
gaming mga labi.
Please lang sana naman kung sakaling ikaw ang mag mamahal sa akin
ingatan mo ako. Sana lang ingatan mo ang puso ko.
Biglang nag ring ang phone ko. Tumatawag si mama, ano ba yan
panira ng moment.
“Hello ma.”
“Hello anak, naku umuwi ka na. may naghihintay dito sa bahay.”
“Sino daw po?”
“Basta may naghihintay sayo.”
“Okay sige uuwi na po kami.”
“Sige ingat kayo ha.”
“Okay po.” Binaba ko na yung phone.
“Uwi na daw tayo.” Sabi ko.
“Okay sige.” Sabi niya.
Nagmadali kaming umuwi dahil sa may bisita nga ako. Tahimik lang
siya habang pauwi kami. Di ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya.
Ano nga ba ang nasa isip niya ngayon. Ano kaya yung tinutumpok ng
mga ito?
Hinatid na muna niya ako pauwi bago siya uluyang umuwi.
Nag commute ang kami at hindi na gumamit ng kotse.
“Ingat ka pag uwi…” sabi ko.
“Teka lang…” sabi niya bigla sa akin.
“Ano yun?”
“Uhm…. Konting panahon na lang…”
“Ang alin?”
“Konting panahon? Para san?”
“Basta” bigla na lang niya akong niyakap.
“Sige una na ako.” Sabi niya.
“Okay. Bye ingat.”
Matapos niyang makasakay, nag madali na akong pumasok ng
bahay.
Pagpasok ko nakita ko agad si Chad na nakatayo malapit sa may
bintana at nakatingin sa akin ng matalim.
“Chad?”
Kinabahan ako biga. Nakita kaya niya?
Nakita ba niya kung ano yung ginawa ni Jaysen kanina?
Naguluhan ako bigla sa nararamdaman ko.
Bakit ko ba nakalimutan na nanjan nga pala si Chad?
Bakit ko nakalimutan na may gusto din siya kay Jaysen?
I felt bad tuloy. Sa lahat pa ng makakbanggan ko si Chad pa. he is
a good best friend to me.
Bigla nagbago ang pananaw ko, nagdalwang isip ako kung itutuloy ko
tong nararamdaman ko.
Nagtatanong ng mga tingin niya. Para ba niyang tinatanong na,
“Anong balita? Kayo na ba?” yan ang nasa isip ko na parang iniisip
din niya.
“Kailan ka pa bumalik?” tanong ko.
“Kanina lang.”
“Ah ganun ba. Oh kamusta?” pilit kong tinutuwid ang pag uusap
naming para hindi mahalata na kinakabahan ako.
“Ayos lang ako. Ikaw, ikaw ang dapat kong kamustahain? Kamusta
kayo ni Jaysen?”
“Ano ba namang tanong yan?”
“Ano ba namang klaseng best friend ka?” bigla niyang sinabi. Ramdam ko ang galit niya. First time niyang magtaas ng boses.
“Chad…” hindi ko natapos ang pag sasalita ko.
“Well, pumunta ako dito para i-surprise ka cause I’m back, pero
mukhang ako ang nasurprise. Well good Job. Nasurprise ako.” Sabi niya.
“Teka. Mali ang iniisip mo.”
“Siguro nga mali ang iniisip ko pero tandaan mo, tama ang nakita
ko. Hindi ako bulag, hindi rin ako mangmag AJ. Bakit? Bakit mo nagawa sa akin
ito?”
“Let me explain.”
“Explain? Sige mag explain ka. Make it reasonable kasi kung hindi,
kalimutan mong mag best friend tayo.”
Natigilan ako bigla sa sinabi niya. Hindiko mapigilan ang maaluha.
“Hindi kami okay, walang namamgitan sa amin. Yun ang totoo.” Sabi
ko.
“Pero bakit? BAkit kayo mag kasama at niyakap ka pa niya?”
“Lumabas lang kami.”
“Ang sweet ha. Bakit hindi mo sinabi sa akin na may mutual
understanding na kayo?’
“Wala kaming mutual understanding, wala siyang sinasabi sa akin o
inaamin. Manwala ka sa akin.” Paliwanag ko.
“Ikaw ba? Gusto mo siya?” hindi ako makasagot.
“Kahit hindi ka sumagot alam ko na. Hindi ako makapaniwala. Bakit
ikaw pa? sa lahat ng tao bakit ikaw pa ang gagawa nito sa akin? Alam mo naman
ang pinagdaanan ko dun sa isa kong best friend di ba? akala ko iba ka, katulad
ka rin pala niya.”
Namuo ang katahimikan sa paligid naming dalawa. Hindi magawang
bumuka ng bibig ko. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang lahat?
Paano ko ba sasabihin na kaya ko naming pigilan ang nararamdaman
ko eh. Para lang sa kanya, kaya kong gawin ang lahat.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at umaktong papalabas. Agad ko
siyang pinigilan.
“Chad saglit lang.” bigla siyang napatigil.
“Oo gusto ko siya, actually mahal ko na nga siya eh.” Nakita ko
ang pag kuyom ng kanyang mga kamay.
“Hindi ko sinasadyang magkagusto sa kanya. Pinigilan ko naman eh,
pero hindi pa rin. Nagging selfish ako at nakalimutan ko na nariyan ka nga
pala, pero hindi ko siya inagaw sayo. Una palang sinubukan ko na siyang iwasan
pero siya ang lumalapit.”
“Edi ikaw na ang gwapo.” Sabi niya bigla.
“Makinig ka muna.” Sabi ko.
“Okay I will.”
“Hindi ako tulad ng best friend mo na ginawa sayo yun, alam mo
namang inagawan din ako noon…” bigla siyang sumabat.
“Kaya ba nang-aagaw ka na rin ngayon?”
“Pwede ba, tanggalin mo yan sa isip mo?”
“Hindi ko maiwasan. Baka nga di pa kita kilala ng lubusan.”
“Ano ka ba? Magkakaganyan ka lang ba ng dahil sa isang lalaki?
Sige sayo na. wala akong balak agawin siya sayo. Mas pipiliin ko pa ang
masaktan para sayo. Ayaw kitang saktan. Mahal kita bilang kaibigan. You show me
the true friendship. I miss my best friend back then pero ikaw ang pumuno noon.
Gagawin ko ang lahat para sayo. Gagawin ko ang lahat para maging Masaya ang
best friend ko.” Sabi ko.
“Hindi ko kailangan ang limusan. Hindi ako pulubi.”
“Don’t get me wrong please lang.”
“Shut up.” Sabi niya.
“You shut up. For once and for all, making ka nga sa akin.
Masisira lang ba ang friendship natin ng dahil lang dito? At isa pa, ano naman
kung mahal ko siya? Mahal din ba niya ako? Gusto din ba niya ako? Ano ngayon
kung pareho tayo ng mahal? Oh diba? Wala naming mag iiba. Para lang naman
tayong two friends sa teleserye na may gusto sa iisang lalaki.” Sabi ko.
Nakita ko ang ginawa niyang pag iisip. Siguro nag sink in na sa
kanya ang mga sinabi ko.
“May point ka, pero hindi ko pa rin magawang makalimutan na parang
nag aagawan tayong dalawa.”
“hindi kita inaagawan.”
“Sorry sa makitid kong utak. Ikaw naman kasi eh, di mo agad
sinabi. Akala ko kasi na iniisahan mo na ako porket wala lang ako dito sa
Pilipinas.”
“Tuktukan kaya kita.”
“Eh naman. Kasi eh.”
“So bati na tayo?”
“Ano pa nga ba? May magagawa pa ba ako sa drama ng best friend
ko?’
“Hay naku. Ikaw talaga. Para tuloy tayong mga nag dadrama sa
teleserye.”
“Hay naku. May point ka naman kasi eh. At isa pa, wala akong
karapatang magalit. Dapat nga maintindihan kita eh. Nagging selfish ako.
Masyado kasi akong inatake ng inggit.”
“Hay naku wag kang maiinggit no.”
“Hay naku. I should be the one na dapat magparaya.”
“Bakit naman?” tanong ko.
“Kasi you were always there for me. We shared laughters and tears
then eto, simpleng bagay di ko maibalik sayo. Ikaw na nga ang lagging nag
sasakripisyo eh.”
“Aysus. Ikaw talaga. Hindi ako papaya na sa isang lalaki lang
masisira ang friendship natin.” “Ako din. Peks man.”
“Hoy ikaw. Di ko sinasabi na layuan mo siya ha. Sa akin kasi gusto
ko lang naman siya eh pero hindi ko siya mahal.” Sabi niya sa akin.
“Shh. Basta lalayuan ko na siya for you. Mamaya kasi may hinder
feelings ka pa jan.”
“Oy wala ha.”
“Aysus. Talaga lang. parang kanina lang akala mo mag jowa kayong
dalawa.”
“Eh kasi naman nabigla lang ako. At isa pa, crush ko lang siya.
Marami pa jan sa tabi-tabi.”
“Kaya naman pala eh. Siguro meron ka na agad iba kaya ganyan ka.”
“Hindi ah. Nek nek mo.”
“Wushu. Kilala kita Chad.”
“Well kala mo lang yun.”
“Adik mo.”
“Pero seryoso ako, kung maging kayo man, sabihin mo lang sa akin.
Ayokong nagugulat ako tulad kanina.”
“Adik mo. Hindi na mangyayari yun. Pipigilan ko na feelings ko.”
“pustahan tayo ano?”
“Aysus. Ewan sayo. Basta bahala na.”
“Okay sabi mo. Salamat ha.”
“Para saan?”
“Kasi you really care for me. Na lagi mo na lang akong inuuna para
sa sarili mo.”
“Walang anuman yun. Ikaw din naman ganun para sa akin eh.”
“Best friend talaga kita.”
“Naman.”
“Sorry sa mga sinabi ko kanina ha.”
“Okay nay un. Pang teleserya nga katarayan mo eh.”
“Oy hindi naman.”
“oo kaya, sana nirecord ko para naman Makita mo.”
“Sapakin kita jan eh.”
“Bakit kaya na ng buto mo?”
“Well, I gain muscles.”
“lalo naman ako.”
“Yabang mo.”
“di naman.”
“Aysus.” At nagtawanan kami.
It’s happy to have your best friend on your back. He will there to
comfort you in all times.
May mga pagkakataon lang talaga na di maiiwasan ang away, tampuhan
at misunderstanding.
Mahirap sabihin ang mangyayari sa hinaharap.
Walang permanente sa mundo, maaring mawala ang mga bagay-bagay na
ito sa ibang pagkakataon.
Alam ko kahit pinagtutulakan niya ako, nasasaktan pa rin siya.
Ang awkward sa pakiramdam kapag ikaw Masaya samantalang yung
best friend mo nag durusa.
Noong gabing iyon, malalim ako nagisip nun. Hindi ko alam kung
tama ba ang gagawin ko pero kung sa tingin kong dapat, ayun ang gagawin
ko.
Hindi na ako mag hehesitate na gawin.
Buong gabi ko pinag isipan ang gagawin ko. Buo na ang desisyon ko
na layuan siya para sa friendship naming ni Chad.
I can never find another person like Chad himself. I am blessed to
have him in my life. I can have another boyfriend but bestfriend is very hard
and rare to find.
Alam ko masasaktan siya, kaya may plano na akong gawin.
Gagawin ko ang lahat para maipadama sa kanya na kahit sa
kokoonting panahon, minahal ko siya. Susulitin ko ang araw ko sa kanya.
Gagawin kong memorable ang lahat. Sa kahuli-hulihang pagkakataon,
gagawin kong Masaya ang araw ko.
Kahit na hindi man niya napalitan sa puso ko si James, siya naman
ang nagpadama sa akin na may tao pang dapat kong mahalin at hindi dapat ako
magpalugmok sa nakaraan.
Maaga akong nagising kinabukasan. Actually, hindi ako masyado
nakatulog. Hindi kasi ako makatulog kakaisip kung ano ang gagawin ko. Nag handa
na agad ako ng sarili ko.
Alam kong pupunta siya dito sa bahay, kaya nag handa ako ng
pagkain. Yung special kong niluluto kapag may bisita kami. Todo pasarap ako sa
niluluto ko. Matapos ko ito, nakita kong nakatingin lang sa akin si mama.
“Para yan kay Jaysen no?” sabi nito.
“Si mama naman, siyempre para sa akin.” Pagdedeny ko.
“Aysus. Talaga lang ha.”
“Tong si mama talaga. Oo na.”
“Oo na?”
“Maang-maangan ma?”
“Linawin mo kasi.”
“Oo para sa kanya to. Papasalamat.”
“Pasasalamat lang ba?”
“Oo naman.”
“Eh may kasama bang pagmamahal?”
“Ewan ko.”
“Ewan means yes…”
“Talaga?”
“Oo.”
“Daming alam mama.”
Umikot-ikot si mama sa may lamesa at kung anu-ano ang tinikman.
“Anak, tapatin mo ako. Mahal mo nab a siya?” seryosong tanong ni
mama.
Tumingin lang sa kanya ako ng seryoso. Ngumiti lang ako at alam
kong alam na niya ang sagot. Ngumiti siya at nagsalita,
“Alam ko na ang sagot.”
Kumanta-kanta pa si mama habang papalayo. Umakyat na muna ako sa
kwarto ko para mag ayos ng aking kama.
Nag ayos ako ng bathroom at nung kama ko. Nahiga ako saglit at
tinignan ang cellphone ko.
Napapangiti lang ako sa mga text na narereceive ko. Puro mga
quotes na inlove.
Ilang minuto din ang lumipas at hindi ko namalayan na nasa may
pintuan na si Jaysen.
Gaano na ba ako katagal na nakahiga doon? Nakita ko siyang
nakangiti. Ang gwapo niya sa itsura niya ngayon. Talagang nagpapacute pa siya
sa akin.
“Oh talagang nagpapacute sa akin?” sabi ko.
“Kailangan ko pa bang mag pacute sa yo?”
“Hindi na.” bigla akong tumakbo sa kanya at sinungaban ng halik
ang kanyang mga labi.
Alam kong labis niyang ikinabigla ito at nagsimula na ring
gumanti.
Pumasok na siya ng tuluyan ng kwarto at isinara ang pinto.
Umabot kami sa aking kama at nahiga kami.
Natigil ang pagsasanib ng aming labi at nagkatitigan kami.
Nagsimula na akong magsalita.
“Pwede bang maging akin ka kahit ngayong araw lang?”
Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mata at seryosong tingin sa
akin.
(Itutuloy)
3 comments:
goyard bags
supreme clothing
jordan shoes
golden goose sale
christian louboutin
off white hoodie
nike epic react flyknit
curry 5
adidas yeezy
nike air max
Get More Infofind out this here Sourceread more navigate to this websitelink
you can try here discover this look at this site hop over to this site linked here click resources
Post a Comment