Wednesday, August 15, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 2




            Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

            Una, sobrang naaliw ako sa mga nagcomment sa chapter 1. Andami pong nagbigay ng kani kanilang opinyon about Andre's last few words. Namatay nga kaya sya? Mawawala na nga kaya acng character ni Andre? Hmmmm..

             Pangalawa, syempre muli ay gusto ko pasalamatan ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.

             Last, gusto ko magpasalamat sa dumadami pong nagbabasa ng aking munting obra. Taos puso po talaga akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Hindi ko na po kayo bibitinin pa at sana ay magustuhan nyo ang rest of the story.. :)

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.




“Andre.. Narinig mo ba ko?! Ayoko ng makipagusap! Umuwi ka na!”, pagpalag ko. Pero humigpit ang kapit ni Andre sa mga braso ko. Nakatitig pa din sya.


“5 minutes pa… Please…”, umiiyak nyang sabi.


Sa pagsabi nyang yun, hindi ko man maintindihan ay talaga namang nakapagbigay hapdi sa puso ko. Parang isang napakalaking torture na hinahayaan kong mangyari.


“Huh? 5 minutes? Anong ibig mong sabihin…? Andre. Please. Ayoko na. Ayoko na makausap o makita ka…”, matigas kong tugon.


Tumitig sakin si Andre. Isang titig na alam kong tatak sa isip ko panghabang buhay. Kahit pa sa gitna ng ulan ay nakita kong tumulo ang luha mula sa mata nya sabay sabing…


“Alam ko… Alam ko naman na di ka na makikipagusap. Huli na to.. Kaya please…”


Natahimik ako. At ang mga sumunod na sinabi nya ang talagang nakapagpalambot sa puso ko.



“ Gusto lang kita makita.. Kahit limang minuto pa.. Limang minuto na lang.. Please…”



Hindi ko alam pero sa mga sandaling yun, ang nagdurugo kong puso ay parang hinaplos. Malamig ang hangin but suddenly, everything feels warm. Ang kaninang malungkot na musika na dala ng ulan ay naging kalmado. It was very gentle. Naramdaman kong muli ang pagtulo ng luha ko.

“Ok na ko. Sige na, pumasok ka na. Malakas ang ulan. Baka magkasakit ka. Basta Ryan, magiingat ka palagi ha.. At tandaan mo, mahal na mahal kita…”, malungkot at umiiyak nitong sabi.

Naramdaman ko ang lamig ng mga kamay nya sa pagkakahawak nya sa braso ko. Ang sunod kong naramdaman na lang ay ang pagyakap nya sakin at paghalik sa mga noo ko. Sa tagpong yun ay para namang gusto ko syang yakapin pabalik pero hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Para akong nanigas sa kinakatayuan ko. Tagos sa kapote ko ang init ng yakap nya. His body was cold, pero ang yakap nya ay hindi. Ramdam ko ang pagmamahal sa mga yakap na yun.

Pagkayakap nya ay kumalas ito. Nagbigay ng isang muling titig at ngumiti. Isang pilit na ngiti. Pilit dahil kitang kita sa mukha nya ang labis na hinagpis at pagkabigo. Narealize ko na lang na naglalakad na ito palayo.

Hiindi ko alam pero mabigat ang mga paa ko na naglakad pabalik sa bahay. May nagsasabi sa utak at puso ko na pagsisihan ko itong sandaling ito habang buhay. Hindi ko alam pero may parte ng sarili ko ang nagsasabing habulin ko sya, ngunit kumokontra rin naman ang kalahati na nagsasabing sila ang dahilan ng kalungkutan ko ngayon. Nalilito man, ay nagdesisyon ako.

“Bahala na!”, sigaw ng utak ko.

Nagtatakbo ako palabas muli ng bahay. Hanggang sa makarating ng kalye ay nagtatakbo ako. Ngunit paglabas ko ay masyadong malakas ang ulan, mahamog at madilim ang daan kaya hindi ko lubusang matanaw kung nasaan ba si Andre. Palinga linga ako sa paligid ng mapansin kong may naglalakad malapit sa isa sa mga puno. Si Andre! Agad akong kumaripas ng takbo papalapit.

Dahil na rin sa lakas ng ulan ay hindi nito narinig ang mga yabag ko. Nakatalikod lang ito sa akin at nakatingin sa kalsadang nilalakaran. Nang medyo makalapit ay hinablot ko ito sa braso… Bahala na!

“Teka….”, nahihiyang sabi ko. Halata namang nagulat ito at agad na tumingin sakin. He was still crying.

“Oh, bakit? May nakalimutan ka ba?”, mahinahon nitong tanong.

“Wala….”

“Aah.. Pumasok ka na don! Malakas ang ulan, oh! Baka magkasakit ka.”

“Paano ka…?”, mahina at alala kong tanong. Hindi ako makatingin sa mga mata nya.

“Ok lang ako! Ako pa! Maghahanap ako ng matutulugan! Sige na, delikado na dito sa labas. Pasok ka na please.”, pakikiusap ni Andre.

Ano?! Pumunta punta sya dito ng walang kasiguraduhan kung saan sya tutuloy? Suicidal ba tong tadong to?!

Hindi ako tiyak sa ginagawa o iniisip ko. Basta sinunod ko lang ang sabi ng utak ko. Mula sa pagkakahawak ko sa braso ni Andre ay binaba ko ang kamay ko at hinawakan ang mga kamay nya at hinila sya papunta sa bahay.

“Ryan…”, takang tawag nito sakin.

“Kunsensya ko pa kung may mangyari sayo. Sa bahay ka na magpalipas ng gabi.”, malamig at kaba kaba kong tugon. Nilapitan ko sya at pinasilong sa dala kong payong.

Ito nanaman ako. Pumapasok sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Ano bang ginagawa ko? Tama ba ito? Hindi ko alam kung tama, pero alam kong ito ang dapat para sa ngayon.

Dahil na rin sa lakas ng ulan at basang basa ni si Andre ay binilisan namin ang paglalakad pabalik sa bahay. Pagpasok ko naman ay halatang gulat at alala ang aking mga magulang.

“Saan ka ba galing, bata ka? At sino ba yung naghanap sayo?”, alalang tanong ng Itay.

“Ah, tay. Kaibigan ko po pala, si Andre.”, pagpapakilala ko. Bumati naman ng Good Evening si Andre.

“Ah ganun ba? Eh bat ang tagal nyong pumasok? At bat sa labas pa kayo nagkwentuhan eh ang lakas ng ulan, ah! Mga bata talaga ngayon!”, matawa tawang sabi ng Itay. Agad naman inabutan ng Inay si Andre ng twalya.

“Salamat po.”, nahihiyang sabi ni Andre sa Inay. Ngumiti lang ang Inay.

“Oh, sya. Ikaw na ang bahala sa bisita mo anak, ha. Kailangan na rin naming matulog ng Inay mo at maaga pa bukas. Sana ay tumigil na itong bagyong to.”, pagpapaalam ng Itay.

“Sige po, Itay. Magpahinga na po kayo. Good night Itay. Good night Inay! I love you!”, ngiting pagbati ko sa mga magulang. Humalik naman sa akin ang Inay bago tuluyang pumasok ng kwarto.

Tahimik.

Awkward.

Awkward talaga.

Ano ba tong pinag gagawa ko? Pinapasok pasok ko sya ng bahay?! Talaga?! Ano ba tong pinasok ko?! Napatingin ako sakanya at halata naman nilalamig na ito.

“Maligo ka doon sa banyo at baka magkasakit ka pa. Pahihiramin na lang kita ng damit.”, malamig kong tugon. Itinuro ko naman kay Andre ang banyo at agad itong pinaligo. Pumunta naman ako sa kusina at ininit ang ulam. Siguradong pagod at gutom na si Andre.

Pagtapos ni Andre maligo ay lumabas ito ng nakatapis lamang ng tuwalya. Ngayon ko lang sya nakita ng ganito. Basa pa ang katawan nya dahil hindi nakapagpunas ng maigi. Medyo napalunok naman ako dahil ang ganda pala ng katawan nito. I mean, hindi naman talaga nakakagulat since batak sa gym at athlete pa ito.

“Y-yung damit…?”, nahihiyang tanong nito. Nahiya naman ako bigla dahil nakatitig lang ako sakanya. Agad akong tumayo at inabot ang damit ng hindi tumitingin sakanya. Kahit hindi man nakatingin sakanya ay napansin ko ang bahagyang pag ngiti nito.

“Kumain ka na. Pagpasensyahan mo na nga lang ang ulam.”, malamig kong sabi pagkabihis ni Andre. Agad naman itong umupo at agad kumain. Tama ako, gutom nga ito. Halos mabilaukan na kasi sya sa pagkasunod sunod ng subo sa pagkain. Nakatingin lang ako sakanya habang kumakain. Hindi malaman kung ano ba ang unang sasabihin o tatanungin.

Pero teka! Paano nga ba nalaman nito ni Andre kung taga saan ako?! Hindi ko lubos maisip paano nya ako natunton dito sa probinsya. Eh si Larc lang at si… Karen!!!!

“Teka lang ha…”, pagpapaalam ko kay Andre habang kumakain ito at pumunta sa kwarto at agad na denial ang number ni Karen. Naka ilang ring naman muna ito bago tuluyang sumagot.

“Hello Karen…!!”, galit na bungad ko.

“Oh Ryan!! Teka teka wala akong alam dyan!!”, guilting sagot ni Karen.

“Anong walang alam?! Eh wala pa nga akong tinatanong! Karen, umamin ka?!”,

“Eeeeeehh.. Wala naman talaga akong alam ihh…”, tarantang sagot ni Karen.

“Anong wala, eh kayo lang naman ang may alam ni Larc kung taga saan ako!”

“Teka nga! Kumalma ka nga! Angsunget ha! Magpapaliwanag ako.”

“Osige.”

“Kasi, kinausap ako ni Kulas.”

“Oh, eh ano naman kinalaman ni Kulas dito?!”

“Eeeeeeeeee making ka kaya muna! Atat ka masyado eh!”

“Ok…”

“So yun na nga, kinausap ako ni Kulas, sinabi nya yung kagaguhan nya at gusto daw bumawi. So after nya magpaliwanag ay nilapitan ako uli ni Kulas pero kasama na si Andre. Gusto daw malaman kung taga saan ka. Pero syempre, bilang bestfriend mo, hindi ako nagsalita! Hindi ko sinabi kung saan ka talaga! Odiba?! Ambaet ko?!”

“Oh tapos…?”

“Tapos na! Yun na yun!”

“Eh pano nalaman kung taga saan ako kung di mo sinabi?!”

“Hehehehe.. Kasi oo, di ko nga sinabi exactly kung saan ka nakatira. Pero sinabi ko na bat di nila tingnan sa record mo sa registrar. Hehehe. Peace.”, pacute na sagot ni Karen.

“Ikaw talaga! Karen naman!!”

“Ops!! Ang arti, ha! Aminin! Kinilig ka! Bwahahaha!!!”, pang aasar ni Karen.

“Buang ka talaga kahit kelan.”

“Hay nako, kahit man lang isang paguusap, ibigay mo sakanya. Hindi biro ang ginawa nya noh. Nung mismong nalaman nya ang address mo ay agad agad itong umalis at sumugod dyan. Dedma sa bagyo! Kaloka! Kaya nga nag aalala ko kanina pa eh!”

Natahimik ako ng sandali sa sinabi ni Karen. You mean to say, sinuong nya ang bagyo na walang kasiguraduhan na kakausapin ko sya?! Oo na! SShhhh!! Kinilig ako syempre!

“Eh sino ba naman kasi may sabi na puntahan nya ko dito ng may bagyo?!”

“Abay malay ko! Edi tanungin mo sya! Andyan sya diba?!”

“Gaga ka talaga! Osya, sige, tatawag na lang ako ulit.”

“Okies.. Enjoy!! Bwahahahaha!!”, sabay baba ko ng telepono.

Napaupo ako sandali pagkababa ko ng telepono. Pilit na iniisip ang mga sinabi ni Karen. Para kasing ngayon lang talaga nagsisink in ang mga sinabi ni Karen. Sa totoo lang, nakakatouch talaga dahil power effort ang ginawa ni Andre. Pero enough na ba yun sa damage na ginawa nya sakin?

Hindi man alam kung paano haharapin o pano kakausapin si Andre ay lumabas akong muli ng kwarto. Pero bago pa man din ako lumabas ng kwarto ay nagvibrate muli ang phone ko. Agad kong kinuha at nakitang may isang text message ito. Galing kay Kulas.

“Pare, sabi ko sayo, babawi ako, eh! :)”, sabi ng text message ni Kulas. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Pero at the same time ay natawa sa message ni Kulas.

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto na kunwari ay walang nangyari. Nakita ko naman si Andre na tapos ng kumain at nakaupo lamang sa hapag kainan.

“Huwag ka na magalit kay Karen… Wala naman syang kasalanan eh…”, bungad ni Andre.

Napabuntong hininga lang ako at umupo katapat nya. Hindi alam ang sasabihin. Nakaupo lang at hindi man lang makatitig sakanya.

“Ryan…”

“Magpahinga na tayo. Gabi na. Late na.”, pagputol ko sakanya sabay kuha ng pinagkainan nya at agad na hinugasan.

“Ikaw nagluto, noh?”, nahihiya nyang tanong.

“Bakit?”, malamig ko namang tanong.

“Masarap, eh.”

Napangiti naman ako ng bahagya.

Pagkahugas ko ay sinabihan ko sya na matutulog na. Agad naman itong pumwesto sa sofa naming kawayan.

“Anong ginagawa mo dyan?!”, tanong ko.

“Eh diba, sabi mo, matutulog na tayo…?”

“E bat dyan ka matutulog?! Gusto mo bang mapagalitan ako bukas? Magagalit ang mga magulang ko pag dyan kita pinatulog! At tsaka… t-tsaka malamig dyan!! Dun tayo sa kwarto ko!!! BILIS!”, galit galitan kong sagot. Agad naman tumayo si Andre at sumunod. Pinatay ko naman ang ilaw at agad na pumunta sa kwarto.

“Pagpasensyahan mo na tong bahay at kwarto ko. Hindi naman kasi mayaman tulad mo. Kaya maliit at barong barong lang dito. Tsaka…”

“Hindi ah, ayos nga dito sa inyo. Presko! Pero?”

“K-kasi, isa lang ang kama dito. Kaya magtatabi tayo.”, galit at malamig kong sagot.

“Edi ayos!”, pilyong sagot ni Andre. Tiinitigan ko naman ito ng di maganda.

“Sorry…”, nahihiyang tugon nito.

Nahiga na kami at nakapatay na ang ilaw. Mas madilim ngayon dahil na rin sa bagyo. Mas malamig din ang simoy na hangin na dala ng kapaligiran.

Agad kong naalala ang nakaraan. Hindi ko alam pero bigla kong naalala si Larc. Si Larc lang naman kasi talaga ang nakakasama kong matulog noon dito sa kamang ito. Suskopo, bakit ikaw pa din ang laman ng utak ko Larc?!

“Ryan… Ano kasi..”, utal utal na sabi ni Andre. Ngunit pinangunahan ko na ito. Agad akong umupo sa pagkakahiga at nagtanong.

“Why are you here?!”, malamig na tanong ko. Umupo din si Andre, Hindi man ako nakatingin sakanya ay alam kong nakatingin ito sakin.

“Nagbabakasakali . Alam ko, malaki ang galit mo sakin, Ryan. Pero andito ko para magpaliwanag.”

“Bakit pa? Bakit pa, Andre? Umalis na nga ako, diba?! Hindi nyo ba naintindihan na ako na mismo ang lumayo sa inyo?!”

“Kaya nga hindi ko matanggap eh..”, garalgal na sagot ni Andre. Sa tono ng boses nya ay alam kong umiiyak ito.

“Hindi matanggap? Andre, nung gabing yun din mismo, sinabi mo na nalulungkot ka dahil lumalaban ka sa isang laban na alam mong malabo ang panalo. Eh ako Andre?! Lumalaban pala ako sa isang laban na ikaw mismo ang nagpatalo sakin!”

“Mali ang iniisip mo..”

“Ano ang dapat kong isipin Andre?!”

“Una sa lahat, oo, Rizza WAS my girlfriend. Sya ang unang taong minahal ko ng higit pa sa buhay ko. At alam nila Kulas yun. Kaya talagang nagulat ako ng sinabi sakin ni Kulas na inimbita nila si Rizza. Kapag nagsalita daw ako sayo at nagexplain ay sasabihin nila sayo na girlfriend ko si Rizza. Hindi ko naman alam na.. Hindi ko alam na ikaw pa ang makakasalubong kay Rizza.”

“Bakit hindi ka nagexplain?!”

“Natakot ako. Nahiya sayo. Wala kasi akong mukha na maiharap sayo. Tulad nga ng sinabi mo, bago pa man din dumating si Rizza ay sinabi ko sayong mahal kita, pero minutes later ay nakilala mo si Rizza.”

“Kahit na! Rason ba yan?!”

“Ryan… Anong gusto mo gawin ko? Tao lang din ako. Naguguluhan. At sige, aaminin ko, kahit papaano nung makita ko si Rizza, nalito ako. Kasi hindi ko alam sa sarili ko kung mahal ko pa ba sya. Hindi ko naman tinago sayo na sya ang unang minahal ko diba?”

Napatingin ako kay Andre. He was still crying. Pero hindi ako makaramdam ng awa sa mga luhang yun.

“Alam mo Andre. Kung ako na nga talaga ang mahal mo at hindi mo na sya mahal. Magiging napakadali sayo para magexplain. Pero hindi. So I guess it’s safe to say na mahal mo pa nga din sya. The fact na hindi ka nakapag explain agad, clear na clear ang ibig sabihin.”, malamig na tugon ko sabay higa at talikod sakanya. Nagtakip din ako ng unan upang hindi nya na ako kausapin pa. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya sabay higa.

“Ryan.. Hindi ako susuko…”, narinig kong sabi nya.

Bahagyang lumuha ang mga mata ko. Ayaw ko tuluyang umiyak dahil ayaw ko ipakitang apektado talaga ako sa mga nangyari. Still, pinanindigan ko ang desisyon ko na bitawan na sya.

“Matulog ka na. Pag tila ng ulan bukas, pwede ka ng tutuluyan mo habang hinihintay matapos ang bagyo. Ayoko ng makita o makausap ka. Tigilan mo na ko Andre.”, malamig na tugon ko.

Tahimik.

Awkward.

Sobra sobrang awkward.

Nakahiga lamang ako. Alam kong gising pa din si Andre. Ano bang pinagsasabi ko? Ni hindi man lang ako nagpasalamat sa effort nyang pumunta dito. Pero bat naman ako magpapasalamat?! Hindi ko naman sinabi na pumunta sya dito ha. I wanted to know more. Gusto ko pa sya makausap. Pero pride ba ang umiiral? Hindi, nasaktan lang talaga ako. Pero nagpaliwanag na naman, diba? Enough ba yung paliwanag ba? Ewan…

“Masaya akong nakita ka uli…”, mahinang usal nya. Alam kong alam nyang gising pa ko. Dahil na rin sa paghinga ko. Naramdaman ko ang pag galaw nya. Yumakap sya. Mahigpit.

Bigla akong nagulat sa ginawa nya. Agad kong inalis ang mga kamay nya. Pero binalik nya ito. Dahan dahan.. Inalis kong muli. Pero binabalik nya ito muli. Still, dahan dahan..

“Please. Kahit last na.”, mahinang pakikiusap nya. I felt sincerity and sadness in his voice. Hindi ko alam pero pumayag ako. Hinayaan kong yakapin nya ako. I could feel his breath sa likod ko. Lumapit sya. Ngaun, ramdam ko na sa batok ko ang hininga nya. It was warm.

Pagpapanggap. Dyan ako magaling. Kaya nagpanggap ako na kunwari ok lang. Pero deep inside, okay naman talaga. Gusto ko ganto na lang. Sana totoo na lang. Pero paano ko pakikisamahan ang isang tao na hindi sigurado sa sariling nararamdaman nya? What if time comes na marealize nya na “akala” lang pala nya mahal nya ako at bumalik sya sa tunay nyang mahal? Paano ako..? Paano…?

Hindi ko namalayan na nakatulog na lang pala ako kakaisip. Pero I was pretty sure na may tumulong luha bago pa man din ako napapikit at tuluyang nakatulog.

Biglaan akong nagising. I could hear heavy breathing. Hindi ako sigurado pero rinig na rinig ko. Bigla ko naalala na katabi ko nga pala si Andre. Sinilip ko sya ng bahagya. Nakita kong tulog ito, ngunit nanginginig sa lamig. Umupo ako kinumutan sya. Since isa lang ang kumot ay kailangan naming magshare. Ngunit ng kumutan ko sya, dumampi ang braso ko sa mukha nya, mainit!!

Nataranta ako bigla. Hinawakan ko sya sa noo at leeg, mainit nga. Napansin ko din na nanginginig ito. Bigla naman ako nataranta at lumabas upang kumuha ng gamot at pampunas.

Agad akong bumalik at kung ano ano ang pumapasok sa isip.

 “Umupo ka.”, alalang utos ko. Agaad ko naman itong pinainom ng gamot.

“Sino ba naman kasi may sabi sayo na sumugod sa ulan eh!”, mahinang usal ko. Hindi sumasagot si Andre. Naramdaman ko lang ang mas malakas niitong panginginig. Pinunas punasan ko ito.

“Ikaw talaga! Tingnan mo tuloy nangyari sayo! Bat ka naman kasi sumugod sugod dito alam mo namang may bagyo! Nagkasakit ka tuloy!”, pagsesermon k okay Andre habang nagpupunas.

Sa gitna ng panginginig nya ay naramdaman kong hinawakan nya ang mga kamay ko at dahan dahang dumilat.

“Pasensya ka na, ha. Naabala pa tuloy kita. Matulog ka na. Ok lang ako.”, malungkot na usal ni Andre. Para naman akong nakonsensyang hindi ko maintindihan.

“Hah.. Hindi.. Basta magpahinga ka na lang.”, nakukunsensya kong sagot.

Pinigilan nya ang kamay ko sa pagpupunas sakanya. Nakahawak lang sya sa kamay ko. Nakatitig sakin.

“Masaya ka bang nakita mo ko ulit?”, seryosong tanong nya habang nanginginig nginig. Hindi ako makasagot. Hindi dahil sa hindi ko alam kung ano isasagot. Syempre, masaya ako. Kung alam nya lang. Na halos lumundag ang puso ko ng makita sya. Pero hindi ito makakatulong sa pagmomove on ko. Agad kong tinanggal ang kamay ko at pinagpatuloy ang pagpupunas.

“Ano ka ba. May sakit ka na nga. Ano ano pang sinasabi mo dyan! Magpahinga ka na.”, taranta kong sagot.

Ngunit bigla nya muling hinuli ang mga kamay ko. And this time, hinawakan nya ito ng mahigpit.

“I just wanna know..”, seryoso nyang sabi.

Tiningnan ko sya. Nanginginig pa din sya. Halata ang pamumutla at ang pagpapawis ng bahagya. Nakaramdam ako ng awa.


“Oo….”




Kamusta po sa lahat? ^_^ May pahabol lang ako ng kaunti. For those na gusto pa din mag add sakin sa fb, -dizzy18ocho@yahoo.com - PAKIUSAP lang po na mag iwan kau ng message. At paki like po ang ating page sa fb. http://www.facebook.com/minahalnibestfriend At last, paki follow naman po ang aking blog kung okay lang po :) darkkenstories.blogspot.com







No comments: