Thursday, October 11, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 16



            Kamusta po sa lahat? ^_^

            Una po sa lahat, ay gusto ko magpasalamat sa inyo. Sa totoo lang, miski ako ay nalulungkot na malapit na magtapos ang kwentong ito. We have been together for months din kasi. At parang feeling ko tuloy, buhay na tao ang mga characters sa story. Affected much din ako.. :(

            Kaya naman po, taos puso po akong nagpapasalamat ngayon pa lang po. Kung hindi po dahil sa inyong masugid na pagsubaybay sa aking kwento ay hindi ako maglalakas loob para sumulat pang muli. Kaya muli, maraming maraming salamat po.

           Ngayon po ay gusto ko po pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.





              Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^

              Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
              Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
              Blogsite - darkkenstories.blogspot.com

              COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED





Napansin ko si Andre na nagliligpit. Gusto ko syang lapitan. Kaso nakokonsensya ako sa ginawa ko. Kita ko sa kanya ang labis na hinagpis. Hindi man ito nagsasalita ay kitang kita sa mukha at mga mata nito ang kalungkutan. Bakit andito pa sya? Bakit pinahihirapan nya pa ang sarili nya?

“Andre…”, nasambit ko sa aking sarili.

Hindi ko kinaya. Napansin ko na habang naglilinis ito ay pumapatak ang mga luha sa mga mata nito. Mga luhang alam kong para sa akin.

Napansin ata ni Andre na nakatingin ako sakanya kaya bigla itong lumingon sa direksyon ko. Agad itong nagpunas ng luha. Sabay bigay ng isang pilit na ngiti.

Nakatayo lang ako.

Napatulala.

Pumatak ang luha.

“Bakit ganito ang nararamdaman ko?”, bagabag ng aking damdamin.

Nagwalk out ako.

Nagtaatakbo.

Tumakbo ng tumakbo. Hanggang sa makita ko ang sarili ko nasa bukirin. Madilim. Tanging ang ilaw mula sa aking cellphone lang ang nagsisilbing liwanag.

Tumigil ako sa paglalakad at naupo sa damuhan.

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!”, pagsigaw ko.

Nagiiyak ako. Tanging ang mga damuhan, puno at kalawakan ang naging saksi sa aking pagluha.

“Gusto ko ng maka alala..”, paulit ulit kong sinabi sa utak ko.

“Sabi na dito ka pupunta…”, biglang sabi ng isang boses. Napalingon ako. Si Karen.

“Dito ka madalas nagpupunta noon pag may dinadala ka. At dito naman kita lagging pupuntahan.”, dagdag ni Karen. Umupo ito sa tabi ko at hinaplos ako sa likod.

“At alam mo ang nakakatawa? Usually, problema kay Larc ang dinadaing mo pag andito ka.”, casual na sabi ni Karen sabay ngiti.

Napatingin ako kay Karen habang may luha pa rin sa aking mga mata.

“Kamusta ka na…?”, mahinahon ngunit seryosong tanong ni Karen.

“Karen…”, tanging naisagot ko.

“Oh…”

“Bakit nasasaktan pa din ako?”

“Hindi ko alam, Ryan.”

“Mahal ko si Larc, at ito ang pinangarap ko buong buhay ko… Pero bakit hindi ko makuhang maging masaya?”, umiiyak kong tanong.

Nagbigay ng malalim na buntong hininga si Karen.

“Hindi kaya kasi hindi naman si Larc ang talagang tinitibok ng puso mo?”, seryosong sabi ni Karen.

“Karen, how can that be?”

“Look Ryan, bestfriend mo ko.. At tulad ng sabi mo noon, a best friend is someone…”

“your soul can go naked with…”, awtomatikong sabi nig bibig ko.

“Huh?!”, biglang sabi ni Karen.

“Karen… Ang pageant.”, kinikilabutan kong sabi.

Kitang kita sa mukha ni Karen ang pagkagulat.

“Panong.. Kelan.. Huwag mo sabihing..”

“No, wala pa din akong matandaan… Or at least, hindi lahat…”, tugon ko.

“Anong ibig mong sabihin?”

“I’ve been having this weird nightmares. Mga bagay na biglang sumusulpot sa utak ko from time to time.”, sagot ko.

Napanganga si Karen at napahawak pa sa bibig sa bigla.

“Kelan pa…?”

“Karen, magtapat ka. Bakit galit ka kay Larc? Anong nangyari?”

“Galit?”, tanong nito.

“I don’t need to remember para makita ang galit mo kay Larc. Lagi ka umiiwas pag siya ang topic,  ni hindi mo sya pinapansin. Something na ginagawa mo lang sa isang taong ayaw mo. Tulad ng sa ex mo, si John.”

“Kailangan mo pa talagang gawing example ang ex ko ha!”, medyo sarkastikong biro nito.

Tiningnan ko lang siya at hindi tumawa.

“Well about that. Gusto ko sabihin sayo Ryan.. Gustong gusto ko. Pero kailangan mo matandaan ito. Hindi ito isang bagay na pwede ko na lang basta sabihin. Maaalala mo rin. Soon…”, mahinahon na sabi ni Karen.

“Karen…”

“Bakit ang sakit sakit? Sa bawat hawak sakin ni Larc ay may masakit sa loob ko?”

“Malalaman mo din Ryan…”

Bumalik kami ni Karen sa bahay only to find na lahat ng tao ay naaalarma nap ala sa pagkawala ko.

“Nagstroll lang kami.”, pagtatakip ni Karen.

Kita sa mga mata ni Andre ang pag aalala. Tiningnan ko lamang ito. Ngunit umiwas na ito ng tingin. Andun na din kasi si Larc. Ginising ata nila ng bigala akong mawala.

“Akala naming kung saan ka na nagpunta.”, alalang sabi ni Larc. Kita sa mga mata nito ang pag alala. Bigla akong napatingin kay Andre na siya namang nakatayo lang din sa di kalayuan. Nakatitig itong muli. Napansin ko ang paglingon ni Larc at nakitang nakatingin ako kay Andre.

Nagbigay ng ngiti si Larc at niyakap ako sa harap ng lahat. Nagulat ako. I couldn’t hug back. Bakit? Bakit may kumikirot sa t’wing niyayakap ako ni Larc? Bakit may kung anong sakit akong nararamdaman sa mga yakap nyang yun?

Sa gitna naman ng pagkakayakap ni Larc ay tumingin ako kay Andre. Kita sa kanya na para siyang devastated. As if unti unting naguguho ang mundo nya. I had the feeling na gusto nyang umiyak ngunit pinipigil nya ito.

Napapikit ako.

“Andre…”, mahinang sigaw ng utak ko.

“Nagstroll lang kami ni Karen. Namiss kasi namin ang lugar.”, sagot ko kay Larc at sabay kalas sa yakap nya. Ngumiti lang ito sakin.

“Huwag mo na akong pagaalalahanin ulit ha.”, concerned na sabi nito.

Those eyes. I’ve seen them before. Yung tingin na yun. Naramdaman ko ang pamumuong galit at pandidiri sa mga tingin na yun.

Bumalik kami sa kwarto ko. Muling nahiga si Larc. Dahil na rin sa hilo pa ito sa pagkakalasing dahil talagang madami itong nainom, ay agad itong nakatulog. Habang ako. Nakahiga lang at hindi makatulog.

Lumabas ako ng bahay at maulap ang kalikasan. Pero somehow, pinakalma nito ang magulo kong isip. I felt peace.

Pero not for long…

Sa ilalim ng isang puno ay nakita ko sya. Nag-iisa. Nagiinom pa din. Nakahiga ang ulo nito habang nakatingin sa kalawakan. Agad akong napaluha. Lalo na ng makitang lumuluha din sya. It was Andre.

“Andre…”, pagtawag ko sakanya. Hindi ko namalayan na dinala pala ako ng mga paa ko palapit sakanya.

Lumingon ito sa akin. Ngunit hindi ito nagpunas ng luha. Kita ko sa mukha nya ang pagka lungkot at pagka sawi.

Hindi ko alam bakit.

Hindi ko alam.

Pero yun ang sinasabi ng loob ko.

I just found myself na niyakap si Andre. Umiiyak din ako. Humahagulgol siya habang yakap yakap ko sya. He wasn’t hugging back. Pero I want him to. Nagsilabasan na rin ang luha sa mga mata ko.

Namis ko ang mga yakap na yun.

I’ve never felt any safer sa mga yakap na yun.

Yang sinasabi ng utak ko habang yakap yakap ko si Andre.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan ko sya sa kanyang mga mata. Umiiyak pa din ito. Ang sakit at ang hirap nya panoorin sa ganun kalagayan.

“Anong ginagawa mo dito? Malamok. Pumasok ka na.”, umiiyak nitong sabi.

“Bakit Andre…? Bakit ginagawa mo to…?”, luha ko din tanong.

Agad itong nagpunas ng luha kahit pa sa bawat pagpunas nya ay may tutulo nanamang panibago.

Ngumiti ito sa akin.

“Sabi ko sayo, hihintayin kita, diba?...”, buong lakas loob nyang sabi.

“Hihintayin…?”, sagot ko.

“Oo. Sinabi mo noon sakin na hintayin kita. At maghihintay ako..”

“Andre…”

Tumingin siya sa akin. Hindi ko na maatim ang kaniyang kalagayan.

“Paano kung…”, mahinang usal ko.

“Paano kung ano?”, malungkot nyang tugon.

“Paano kung wala ka napala dapat pang hintayin…? Paano kung hindi na pala babalik ang hinihintay mo?”,

Mas lalong napaiyak si Andre. Nakita ko itong humawak sa bibig nya at pilit na inipit ang mga hikbing alam kong gusto nyang isigaw.

“Napapagod ka naba…?’, hinang hina nyang tanong.

“Nasasaktan na akong makita kang ganyan.. Andre.. Baka panahon na para humanap ka na ng iba…”, naiiyak kong sabi.

Lumamig ang hangin.

Lumakas ang ihip. At tila lumagkit ang hangin.

Tumayo si Andre mula sa kinauupuan at naglakad ng bahagya papunta sa gate namin. Naramdaman kong aalis na sya.

“Ito na ba talaga ang gusto mo?”, umiiyak nyang tanong.

Hindi ako nakasagot. May parte sa loob ko na nagsasabi na, “OO. Hindi ko na rin kayang matiis na makita kang ganyan. I don’t deserve you. You deserve someone na kayang ibalik ang pagmamahal na binibigay at pinapakita mo.”, at meron din naman na. “Hindi. Hindi ko alam pero gusto ko na dyan ka lang.”

I was being unfair. Kung ang pangalawa ang sasabihin ko sakanya ay magiging unfair at selfish ako sakanya. Tama naman kasi, he deserves someone na kayang suklian ang pagmamahal nya. Hindi ang isang tulad ko na hindi man lang makaalala sa mga kaganapan sa aming dalawa.

Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan. Una ay mahina lang. But then lumakas ito. Napakalakas. Ngunit lumalaban ang mainit kong luha sa malamig na ulan.

“Ito na ba talaga ang gusto mo, Ryan?”, muling tanong ni Andre.

Oo. Tama na. Yan ang nasa isip ko. Ayaw ko ng paasahin pa si Andre. Oo, may naaalala na nga ako paunti unti. Pero kelan pa uli ako makakaalala. After a month? 2?half a year?Ganun katagal ko din dapat paghantayin si Andre. I was being selfish at kailangan matapos na.

I gave one last look kay Andre. Kahit pa sa lakas ng ulan ay alam kong umiiyak sya. Pilit kong itinatak ang ichura nya. I gave him one last look.. Sabay talikod.

Naglakad ako patalikod at pabalik sa bahay. I was crying hard. Very hard. Napakasakit din para sa akin ng ginagawa ko. Pero mahal ko din si Larc. At magiging unfair ako kay Andre knowing na si Larc ang laman ng puso ko.

It suddenly felt warm. Tumatagos sa damit ko ang init. I felt Andre hugging me from behind.

Hinarap nya ako sakanya.

“Andre…”, hagulgol kong sabi sakanya.

He just stood there. Nakahawak ang mga kamay nya sa braso ko at nakatitig lamang. Basang basa na kami sa ulan.

“Andre, tama na…”, muli kong sabi.

Pero he just stood there.

“Andre tama na!!!”, matigas at nasasaktan kong sabi.

Ang mga sumunod nyang sinabi ay talagang nakapagpahaplos ng aking damdamin.

“Five minutes pa… Five minutes na lang talaga… Please…”, hagulgol nyang pagmamakaawa. Hindi ko na siya matingnan dahil sa pag iyak ko. Kitang kita ko rin sa ekspresyon ng mukha nya ang matiniding sakit.

Napatingin ako sa lupa ngunit inangat nya ang ulo ko.

“mahal na mahal kita, Mahal ko…”, ang mga huling sinabi nya.

I don’t know pero I was expecting him to kiss me sa pisngi. Somehow I felt na dapat dun nya ko halikan.

He gave me one last look. At unti unti nyang nilapit ang kaniyang mukha. Napapikit ako. I was right. Hahalikan nya nga ako.

Ang unang halik ay dumampi sa aking noo. It was warm.

Ang pangalawa ay sa dalawa kong mata. I felt more tears coming out.

Ang pangatlo ay sa dalawa kong pisngi. Nadurog ang puso ko.

Ang panghuli ay ako mismo ang humalik. Nagtago ang aming dalawang labi. I don’t know what I was doing. Pero it somehow felt right. For the first time in months, I felt that kiss which seemed right. Isang halik na parang ang tagal tagal kong hinintay.

We kissed in the pouring rain. Halong ulan, luha, at laway ang nalalasahan ko. Everything seemed quiet all of a sudden. Malakas ang ulan ngunit halos hindi ko ito marinig. Everything was indeed gentle. The way he kissed me. I felt unconditional love. Something na hindi ko naramdaman sa mga halik ni Larc.

“Ryan!!”, narinig kong may sumigaw ng pangalan ko. Napalingon ako at nakita si Larc. Nagulat na lang ako sa mga sumunod na nangyari. Nakita ko si Andre. Tumba at putikan. Habang kitang kita sa mukha ni Larc ang galit.

“Walang hiya ka!!! Mang aagaw!”, galit na galit na sabi ni Larc.

Nakita kong tumayo si Andre at putok ang labi. Agad din itong bumawi ng suntok din kay Larc. Sinubukan kong pumigil.

“Sino kaya ang mangaagaw sating dalawa, Larc?! Ako nga ba, o ikaw?!!”, galit na sabi ni Andre.

“Ako ang mahal ni Ryan!!!”, pagsagot nito sabay suntok nanaman.

“Ikaw nga ba? O yun ang huling natatandaan nya?!”

“Hindi na mahalaga yun!! Akin si Ryan!!”, galit na tugon ni Larc.

“TAMA NA!!!”, pagsigaw ko. Ngunit patuloy ang pagpalitan ng suntok ng dalawa. Kapwa kami malalakas kaya halos di ko sila mapigil dalawa. Nakita kong duguan na ang dalawa.

Sinubukan ko muling pumigil. Napansin ko na nagsibukasan ang ilaw sa bahay namin. Isa isang nagsilabasn ang Itay at mga kaibigan ko.

Hinawakan nila Kulas, Andoy at Gino si Andre. Habang si Gino at ang Itay naman kay Larc.

“Ano ba!!! Tama na!!!”, pagsigaw ko. Nakaramdam ako ng pagpintig ng sakit ng ulo.

“Ano bang ginagawa mo Andre?”, galit na sabi ni Karen. Natahimik si Andre.

“Ano bang nangyari?”, alalang tanong ni Chelsea sakin. Hindi ako makasagot dahil sa pagod at paghabol ng hininga. Si Melai naman ay nasa likod ko lang at hinahaplos ang likod ko.

“Kung mahal mo talaga si Ryan, titigilan mo na lang sya!! Ako na ang mahal nya!!!”, muling pagsigaw ni Larc.

Nagulat ang lahat.

Nagulat dahil sa ginawa ni Karen.

“PPPAAAKKKKKK!!!” isang malutong at malakas na sampal ang umusbong na nakapagpatameme sa lahat.

“ANG KAPAL NG MUKHA MO!!!”, galit na galit na sabi ni Karen kay Larc. Kita ang panginginig kay Karen sa galit.

Agad namang lumapit si Kulas kay Karen upang pigilan.

“Wag kang makialam dito!!”, galit na sabi ni Karen kay Kulas.

“Natahimik ka?! Ngayon magsalita ka!! Punyeta ka!!”, galit nag alit na sabi ni Karen kay Larc.

“Karen, mahal ko si Ryan…”, tanging naisagot ni Larc.

“Pwes, TAENA MO!! Sinabihan na kita noon!! Hinding hindi mo na masasaktan si Ryan!!”

“Pagbigyan mo naman ako makabawi Karen!!!”, galit na pagmamakaawa ni Larc.

“Gusto mo pagbigyan kita?! Total hindi naaalala ni Ryan ang lahat, bat hindi mo sabihin ngayon ang ginawa mo?! Patunayan mo na mahal mo si Ryan!! Sabihin mo kung anong nangyari!!!”, pagsigaw at panduduro ni Karen kay Larc.

Sa sinabi ni Karen ay mas lalo akong nakaramdam ng sakit ng ulo.

“Ugh!!”, biglang impit ko ng biglang sumakit ang ulo ko. Masakit. Sobrang sakit. Napaluhod ako sa biglaang paglakasang pintig ng sakit ng ulo ko. Nararamdaman ko na parang humihinga ang ulo ko sa sakit. Parang naging madilim ang lahat. Kinakain ako ng dilim.

“Alam kong dun ka nakatira..” – nakita kong banggit ni Andre habang nasa isang what seemed to be a park. Madilim at maganda ang kalangitan.

“Paano kung oo…?” – banggit naman ni Andre muli. Pero this time, umaga. Kumakain kami. Fishball.

“Kaya mo bang ipagpalit ang kasikatan mo?” – si Kulas. Boses ni Kulas yun. Hindi ako pwedeng magkamali.

“Silence between two is comfortable…” – nakita kong nakatayo ako sa harap ng maraming tao. I saw Larc from a distance. He was crying.

“Pwede bang magpapicture…?” – malungkot na sabi ni Larc. Kasama ko si Karen. Andun din si Alex.

“Taena nyo! Trinato at kinaibigan ko kayo ng maayos!” – galit nag alit na sabi ni Andre. Nakayakap ito sa akin. Maraming tao.

“Yung term paper mo. Kelan mo kukunin libro mo kaila Larc?” – Karen. Si Karen. Nasa sasakyan kami.

“Mahal din kita, Ryan…” – umiiyak na sabi ni Larc.

Those eyes. Nagflaflash sa utak ko ang mga tingin na yun.

“Im never losing you again…” – si Larc. Sya ang nagsabi nun. Ngunit bakit takot ang nadadama ko?!

“Five minutes pa…”, si Andre, malakas din ang ulan. Ang halik sa pisngi.

“Hindi ko kaya.. Maghihintay ako..” – Boses lang. I couldn’t see the face.

“UUUGGGGHHHHH!!!”, halos mabiyak ang ulo ko sa sakit. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa sahig o sa puno mabawasan lamang ang sakit nito.

Nagsisigaw ako sa sakit ng ulo. Naramdaman ko ang mga kamay na pilit akong tinatayo. Pero nagpupumiglas ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit.

Kadiliman.





Ramdam ko ang malamig na hangin na galing sa aircon. Nakapikit man ay alam ko kung nasaan ako. Rinig ko ang mga hininga ng mga tao sa paligid ko. There were atleast 5 to 6 people.

Humupa na ang sakit ng ulo ko. Inalala ko ang nangyari. I remember ang bday ng Itay. Ang kasiyahan at ang kaguluhan. Sila Andre, Larc, Karen, Chelsea, Andoy, Melai, Gino, Brian at Kulas. Andun sila lahat.

Ang pagkain sakin ng kadiliman.

Iginalaw ko ang aking mga mata at kamay upang ipaalam sa lahat na gising na ako. Ayoko agad imulat ang mata ko dahil nasisilaw ako sa liwanag. Isa pa ay nanghihina pa din ako.

“Mahal ko…”, rinig kong sabi ng isang boses.

“Andre…?”



No comments: