Thursday, October 4, 2012

Bullets for my Valentines- Part 28

Author's Note:

Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:

Facebook:


Dylan Kyle's Diary (fb page)

Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

--------------------------------------------------------------------------------

Bullets for my Valentines
Part 28
"Fruit of Love" 


Always here,

Dylan Kyle Santos


videokeman mp3
Summer Paradise Ft. Sean Paul – Simple Plan Song Lyrics

************************************************************


[AJ’s POV]

Napaisip ako sa sinabi ni Chad sa akin noon. 

Tama naman siya eh. 

Pinapahirapan ko ang sarili ko. 

Pero anong magagawa ko nga ba diba? Haixt naman.

Papunta na sana ako sa next class ko ng may makabunggo na naman akong lalaki. 

Ano ba tong nangyayari sa akin? 

Noong isang linggo ata yun eh may nabangga din ako. 

Ganun na ba talaga ako ka clumsy? Haixt buhay nga naman.


“Sorry pre…” sabi ko. Teka natatandaan ko yung mga gamit na to ah. Eto rin yung gamit na dala nung nakabunggo ko dati.


“Ikaw?” sabi ko.


“We meet again.”


“Oo nga. Sorry clumsy lang ako.”


“Okay lang yun. Nice meeting you again.” 


Naks nag smile ulit siya at lumabas ang mapuputi niyang ngipin at mapupulang labi. Wow. He’s cute. Para sa akin.


“Sige una na ako baka malate ako. Sige bye bye.”


Paakyat na sana ako ng makita ko si Chad at Jaysen na nag uusap. Mukhang private yun ah at seryoso.


Ayoko sanang pakinggan pa pero narinig ko ang pangalan ko. 

Bakit anong meron? Haixt.Mukhang may hindi sinasabi sa akin si Chad ah.


“Alam na na ni AJ?” ang alin?


“Hindi pa.”


“Wag mo na sanag sabihin.” Ang alin nga?


“Ayokong makagulo.” Saan?


“Salamat.” At umalis na si Jaysen.


Agad naman akong nagtago sa may hagdanan. 

Buti na alng at hindi bumaba yung dalawa. 

Ano kaya ang inililihim nilang dalawa sa akin. Haixt. 

Nahihiwagaan tuloy ako. 

Buong maghapon yun lang ang nasa isip ko. Ayoko namang itext si Jaysen kung ano yun? 

Si Chad naman, mukhang di magsasabi sa akin yun. 

Bakit ganito feeling ko? 

Parang may mali?

Sinamahan nga kami ni Chad sa pag grocery ni mama. 

Sila ni mama ang daldal kahit kalian. Parang di tuloy ako nag eexist. 

Ako naman eto todo emote sa gilid. 

What a world I have?

Ano kaya ang gagawin ko para maging okay ang lahat?aixt buhay. 

Give me a break. Yeah pinapasaya ako niChad kahit papano. 

Tumabi siya sa akin kanina at pinagiti niya ako.

 Mukhang timang talaga yun.

Naghahanap sana kami ng lalagayan ng mga seasoning ng may narinig akong sigaw ng bata. 

Pamilyar sa akin yunat lais nanag patibok ngpuso ko. 

Agad kong hinanap ang boses ng bata.

Nasaan yun? Halos maluha ako ng sa isang sandali, nakita ko yung bata. Isang bata na labis na mahalag sa akin.


“Baby ko..” nasambit ko.


Agad ako umupo at inilahad ang aking mga braso sa kanya.


“Dadddddyyyy…” si Khail nga, ang baby ko. Ang pinakamamahal kong baby.


“Daddy…” nakita kona umiiyak siya.


Agad niya akong niyakap at niyakap ko siya ng mahigpit din. 

Namiss ko tong batang to. Kahitna makulit ito, mahal na mahal koito. 

Sobra akong napaiyak ng mayakap ko na muli ito.


“Baby ko… namiss kita… miss na miss… sorry di na ako nakapag paalam sayo nung umalis ako.. biglaan kasi eh..”


“Okay lang po yun daddy… basta andito ka na… I love you daddy. Namiss kita.” kiniss niya ako sa  may cheeks.


Para na akong timang dito kasi iyak na ako ng iyak. Miss na miss ko talaga tong batang ito.


“Waaahh.. I missed you so much…”


“Daddy… wag mo na akong iiwan ha…”


“Opo naman… wag kang mag alala.”


Tumayo ako at hinarap sila mama at Chad.


“Baby, si lola mo oh.” Sabi ko.


“Apo ko.. I missed your kakulitan…”


“Lola! Missd you too.” Kumiss din to kay mama.


Nakita ko naman ang itsura ni Chad na halos gulat na gulat.


“Oy… okay ka lang…” 


“Anak mo yan? Di mo sinabi sa akin na may nabuntisan ka.. grabe.. ilang beses yan ha? Ilang beses mong sinalalay ang virginity mo….” Exage na sabi niya.


“Tangek… dami mong alam ah… Anak naming yan ni…” napatigil ako bigla.


Hindi niya dapat malaman na anak naming yun ni James kasi malalaman niya ang katotohanan.


 Ibig sabihin nito kung nandito si Khail, narito din si James. 

Oh my God… napalingon ako sa likuran namin.

Sa kanan, kaliwa, tagiliran at sa kung saan saan. Mukhang mabubuko ako nito. Hanggang sa makita ko si tita, mama ni James.


“Khail, nandito ka pala…. Buti na lang… kasama mo pala si Arwin.” Sabi nito.


“Good morning po tita.” Sabi ko.


“Good Morning iho… Nice to meet you again… buti na lang at nag kita na kayo… alam mo ba na halos mag himutok yan kakahanap sayo..”


“Hehe… ganun po ba?”


“oo. Ui Mrs. Montederamos.” Sabi nito.


“Annie na lang…mag kumare naman dapat sana tayo eh..”


“Oo nga…. Tara lunch tayo…sabay na kayo sa amin..” yaya ni tita.


“It’s a good idea… bayaran lang naming ito at sabay na tayo.” At nagkasundo sila ni mama.


Ang expression naman ni Chad ay >>> O_O Speechless. 

Si Khail naman nakakapit sa kamay ko. Yeah. He’s so cute talaga. 

Ang gwapo niya katulad ko. 

Mana sa akin to. 

Todo kiss talaga ako sa kanya. 

Namiss ko ang baby boy ko.


“Baby…. Kiss ko.. dali… muuwaaahhh.” Sabay sabay na nga kaming nag lunch.


 “Alam mo ba balae na grabe ang paghahanap ng anak ko dito kay Arwin.” Halos mabilaukan ako sa sinabi ni tita. Please don’t bring up this issues.


“Ui. Eto ba nanay ng ex mo?” mukhang di pa nag me-meet yung mama ni James at si Chad.


“Ah eh…”


“Yeah… ako mama ni James. Ex ng best friend mo.”


At yun para akong binuhusan ng isang balde ng tubig dahil nagitla ako.

“Ah so James pala ang pangalan ng ex mo… sounds familiar. Pero sabi mo Jethro? Pati nga si tita parang nakita ko na somewhere.”


Tinignan ko yung mukha ni Chad. 

Bakit ganun, parang nagtatanong yung mukha niya. 

Hindi ba niya kilala si James.

Teka, baka ang pagkakakilala lang niya kay James ay Arkin. 

Dapat masabihan ko agad si James. 

Waaah tita please quiet ka na lang ah.


“Daddy… you make subo me this.” Turo niya sa chicken.


“Eto po… say ahh.”


“Ahh.”


“Ayan… ang galing naman. Ganadong kunain ang baby ko.. pero di ka naman ganun kataba ah..”


“Naku anak, yang anak mo eh ang hina kumain sa bahay. Kung hindi pa susubuan ng daddy niya di pa kakain. In fairness ha, eto pinakamadami niyang nakain ngayon.”


“Ganun ba baby? Naku dapat hindi ka ganyang kumain. Kain lang ng kain ng masusutansiyang pagkain. Para yung body mo katulad ng kay daddy.”


“Opo… I love you daddy.” Sabay pout ng lips.


Ang cute niya talaga. 

Parang ayokong humiwalay sa kanya. 

Ayoko na atang ibalik siya kay James.


“Baby… you want to be with me?” tanong ko.


“Opo.. I want to be with you ang my daddy James.” Sabi niya.


“Uhm… I think I can’t pa eh… pero gusto kita makasama tonight.”


“Lola pwede po ba.”


“Tawagan mo kaya si James.” Suggest ni tita.


“Mamaya na lang po.”


“Nga pala balae.” Biglang sulpot ni mama. 

Grabe maka balae wagas. Close? 

Eh dati nga di nag uusap tong dalawang sexy at magandang to pero ngayon, ano to feeling close oh talagang given na yung faith.


“Bisita kayo sa bahay pag may time kayo.”


“Wow talaga? Sige sige. I supposed mag family bonding tayo.” Sabi ni tita.


“Oo nga balae. Sige lang. give me your number ah.”


“Sige.” At nag palitan sila ng number.


May sariing mundo sila at yaan na natin sila. Mother’s talk. 

Ako naman busy busy sa anak ko. Hahaha. 

Ganun talaga daddy ako eh.


“Baby. Pupunasan ko dirt sa mukha mo ah.” Kumuha ako ng panyo at pinunas ito sayo.


“Kailan tayo mag kakasama ni daddy?”


“Uhm. Di ko alam baby eh.”


“Alam mo ba si daddy lagi ka niyang bukambibig. Tapos sabi niya gabi gabi na mahal na mahal ka niya. tapos alam mo ba na pag tulog na siya laging pangalan mo yung sinasabi niya.” sabi ng baby ko.


BOOM BOOM BOOM. Dugs dugs dugs. Imba tong heart ko, tumitibok na anman siya. Ayzt. 

Wag mo nga akong gawing guilty anak. Haixt.


“Grabe mahal ka pala ng ex mo. Balikan mo na.” sabi ni Chad habang kumakain. Oo nga pala nandito pa si Chad at nag eexist.


“tangek di pwede kasi… alam mo na.”


“Ah oo… gawa ng bo…”


“Sige subukan mo at maghahalo ang kape at coke.”


“So?”


“Wala lang. sawa na akong naririnig yung maghahalo ang balat sa tinalupan eh.”


“Corny mo.”


“Matagal na yun alam ko na.”


“Che.”


“Oh naka get over ka na?”


“Hanggang ngayon unti unti pa ring nag sisink in. grabe ah. Parang wala lang.”


“Sus.”


Pinaliwanag ko na kasi sa kanya yung set up namin. 

Makapag react to wagas. 

Akala mo naman kung makapag sabi ng virginity nawala. 

Oo matagal ng wala. Simula pa lang noong.. argh. 

Shut up my coocoo head brain. >>> O/////O


“Oh bat namumula ka jan?”


“Paki?”


“Woaah ah. Taray”


“Yaan mo na lang siya baby ah. Stressed lang yan. Walang love life yan.” Sabi ko.


“Ouch ah.”


“Joke.”


 Oo nga pala bakit walang love life tong mokong na to?


Matapos naming kumain, kwentuhan part. 

Then uwian na. etong baby ko umiiyak naman.


“Daddy… come home with me.. please… I love you daddy….” Sabi nito. Grabe ah nag eeskandalo na tong baby ko.


“Pero baby I can’t.”


“Pero daddy.. please…. I want you…”


“Baby naman… tahan ka na.”


“Anak, sama ka muna kaya sa kanila?”


“Oo na best punta ka na.”


“Okay.” 

No choice ako grabe. Wala na akong magagwa.


“Oo na baby sasama na ako… tahan ka na.”


“Talaga po?”


“Yes baby.”


“Opo.”


“Yehey!” sabi nito. Nag paalam naman ako kay mama.


“Ma, baka gabihin akong uwiin.”


“Okay lang.. basta be ready sa lahat ng pwedeng mangyari. Wag masyadong mataray ah.”


“Mama naman.”


“Best ingat ah.”


“Opo.”


“sige kayo din. Di ko na kayo maaalalayan ah.”


“Kaya ko na to. Kala mo sakin lalambot lambot?”


“Hindi nga ba?”


“Che.”


“Joke lang. sige ingat kayo pag uwi ah.”


“Opo.”


“Kaw din ah. Sige una na kami.”


“Okay po.”


On the way kami sa bahay nila. 

Ayun ang kulit kulit na niya. ang kwento kwento niya. tawa naman ng tawa si tita. 

By the way magkakatabi kami ngayon nila tita. 

May driver naman sila.

Remember sila na mayaman. 

Ang yayaman ng nasa paligid ko, how awkward for me. Hahaha.


“Daddy… gusto ko tabi tabi tayo matulog ah.”


“Baby.. alam mo naman na hindi ako masyadong magtatagal diba?”


“Pero daddy?”


“Hayaan mo na sa sususunod eh tabi tayo.”


“Okay.” ^_^ tong batang to talaga kahit kalian.


Pagdating naming ng bahay nila eh pinapasok nilaa ko agad. 

Wow ang laki ng bahay nila. 

So dito pala sila nakatira. 

Well sila na. mamahalin mga bahay dito. 

Malapit lang to sa bahay naming. Isang sakay maybe. 

Jeep lang. ganun din naman yung way papunta sa bahay namin.


“Baby, malapit lang pala to sa bahay namin eh.”


“Talaga daddy?” 


“Opo.”


“Yey. Mabibisita na kita.” Sabi nito at tumuloy na kami sa loob.


Pag pasok ko ng bahay, ayun at nakita ko ang prinsepe na nakahiga sa may sofa, kumakain ng chips at nanonood ng TV. Buhay mayaman talaga.


“Oh ma nanjan na pala kayo.” Sabi nito ng wala man lang lingon lingon.

Grabe ah mukhang di niya ako napansin. 

Tumangkad naman ako at lumaki ang katawan. 

Grabe bulag ba tong lalaking ito? 

ang sarap kayang puluputin ng leeg nito. Baukan kita eh.


“Daddy…” biglang punta ni Khail kay James.


“May surprise ako sayo!” tuwang tuwa na sabi nito.


Well baby ko kung alam mo lang baka masapak ko tong daddy mo.


“Ano naman yun baby ko?” aba at hindi talaga ako napansin ng mokong na to.


Last na talaga to. Grabe ewan ko sa lalaking ito.


“Daddy ayun oh….. si daddy.” At agad namang tumingin sa akin si James. >>> O_O.


Hindi ako multo okay? 

Makatitig wagas. Nanlaki ang mata niya. Nagulat yan kasi nakita ako. 

Come on. Beep beep. 

May nag text. I check my phone.


“Mahal kita…” txt galing sa kanya. Ano to? Anong connect?


[Jaysen’s POV]

Ilang araw ko ng pinag iisipan yung sinabi sa akin ni Chad. Haxit. 

Miss ko na ang bhie ko. 

Ni hindi ko na siya nakakausap. 

Nakukuntento na lang ako sa mga tingin tingin. Haixt.

Nasa bahay lang ako ngayon. 

Walang pasok ngayon. Sabado. Haixt. 

Makapag swimming na lang sa baba.

Nagpalit na ako ng damit para makapg swimming na ako. 

Pero pagbaba ko, nagulat ako sa nadatnan ko. 

Bakit nandito tong babaeng ito? kaasar ah. 

Talaga bang inaasar ako ng lukaret na to?


“Kailangan mo?” sabi ko na hindi man lang ngumingiti.


“Ikaw.”


“I don’t talk to strangers.”


“Di bagay sayo masunget.”


“Paki ko?” lumabas na ako sa may terrace. Nakakapag init ng ulo.


“Makinig ka nga.”


“Ayoko. Busy ako.”


“Eh mag swimming ka lang naman eh.”


“Eh ano? Ayon pinagkakabusyhan ko”


“Please na kasi.”


“Go away.”


“Isa.”


“Shoo.” Bad trip tong babaeng ito.


“Dalawa.”


“Chupi…”


“Leche. Tao ako di ako aso. Makapag taboy ka wagas. Ikaw na nilalang ng Diyos.” Ang nasabi nito.


“Go away. Go to Hell.” Sabi ko.


Bigla niya akong sinampal. Lakas ng tunog nay un. Grabe ang sakit. Putek yan ah.


“Masaya ka na?” sabi ko.


“Bakit ba ayaw mo akong pakinggan?”


“For what? Para saan pa? para ba ipamukha sa akin na iniwan mo lang ako ng ganun ganun? Para ipamukha sa akin na ang tanga tanga kong nilalang at naniwala ako na mahal mo ako? pak syet naman. Give me a break. Ano ka ba? Tao ka ba? Ni hindi mo nga kinonsider kung masasaktan ako sa desisyon mo eh. Wala kang kwenta.” 

Ang nasabi ko. Nakita ko na lumuluha siya. 

So what? 

Wala akong pakialam sa kanya.


“Sorry.” At napaupo na siya sa may harapan ko.


“Tumayo ka jan.”


“Ayoko.” Iyak pa din siya ng iyak.


“Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Nagmumukha tuloy akong kontrabida dito?”


“Bakit hindi ba?”


“Let me explain.” Sabi niya at tumayos siya. Humarap siya sa akin at nakita kong muli ang maamo niyang mukha habang basing basa ng luha.


This face, the face of the girl who took my heart and suddenly break it. 

Makikinig ba ako sa paliwang nitong babaeng ito? 

kaya ko bang kainin lahat ng sasabihin nito? Haixt. 

Buhay nga naman. 

Ano bang gagawin ko ngayon? Aixt.


“Oo iniwan kita. Ginawa ko yun para sa atin. All of the sudden naisip ko na kailngan gawin ko to. Yung dreams natin, parang na occupy na lahat yun ng mga desisyon na akala ko makakabuti sa atin. Di ko pala kayang mawala ka. Sila mama mismo ang nakapansin na umiikot ang mundo ko sayo. Lahat ginawa ko para sayo. Dapat pala intindihin ko din ang sarili ko. Sabi nila dapat daw inaasikaso ko ang sarili ko. Oo napabayaan ko ang sarili ko. Lahat na ginawa ko para lag mag work. Kaya pala all of the sudden ganun na lang ang pagtataka ko sa sarili ko.”


Medyo hindi ko naintindihan.


“May sakit ako…. pinabayaan ko ang sarili ko” Sabi nito. 

Para namang nalaglag ang panga ko sa narinig ko.

 Paulit ulit na nag replay ang sinabi niya sa akin.


“W-what?”


“Yeah I have this damn sick… actually it’s a disease….” Ngumiti siya.


“Deretsohin mo nga ako.”


“Mahina daw ang baga ko. Ang galing nga eh. Di ko alam kung bakit pero ang sabi ng doctor, mula pa daw nung bata ako eh carrier ko na to. Kaya ako pumunta ng ibang bansa para magpagamot. Kailngan kong gawin yun as soon as possible kaya kita iniwan.. kaya pinili ko na kamuhian mo ako…. mahal kita Jaysen.. mahal na mahal.” Sabi nito. Naguguluhan ako sa mga nangyari.


“Pero bakit? Bakit hindi mo sinabi yun sa akin? Iintindihin naman kita eh. Bakit?”


“Ayokong mag alala ka. Kaya sinarili ko lahat.”


“Boy friend mo ako pero ano, hindi ka nag tiwala. For 2 years wala akong ginawa kundi alalahanin yung ginawa mo. Nasaktan ako sobra. Pero mas pinili mo pa rin to.” Umiiyak na ako. di ko na napigilan pa.


“Patawarin mo ako. please…. Ginawa ko lang to ara sa atin.. mahal na mahal kita… alam mo yan…. Mahal na mahal kita…” sabi niya.


“Huli na. may mahal na akong iba.”


“Si AJ ba yun ba? Siya ba? Lalaki siya Jaysen. Hindi ka bak…”


“Shut up your mouth. How dare you tell me what to do? Bakit ha? Anong karapatan mo? Pag aari mo ba ako? hindi naman di ba? kaya get off your self in front of me. Ayokong makita ka. Hindi pa ako ready para sa lahat. Ayaw muna kitang makita… please…. Hayaan mo akong mapag isa…”


“Mahal na mahal kita….. tandaan mo yan…” niyakap niya ako at hinalkan sa pisngi.


Samantalang naiwan ako sa kawalan na nakatulala. 

Bakit ngayon pa nangyayari sa akin to? 

Bakit kung kalian settled na ako, bigla ka na lang darating sa buhay ko at guguluhin ang buhay ko? 

It’s unfair!


(Itutuloy)

No comments: