Tuesday, October 16, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 17




             Kamusta po sa lahat? ^_^

             Ano ba yan... :( Nalulungkot naman ako na nalalapit na ang pagtatapos nito talaga. This will be the pre-finale of the story na po kasi. Then last post na po ang susunod. Kaya ngayon pa lang po ay gusto ko na magpasalamat sa inyong lahat. We've been together for 3 months na po pala. Kaya naman po nakakalungkot.

             Sa ngayon po ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.





              Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^

              Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
              Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
              Blogsite - darkkenstories.blogspot.com

              COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED






Ramdam ko ang malamig na hangin na galing sa aircon. Nakapikit man ay alam ko kung nasaan ako. Rinig ko ang mga hininga ng mga tao sa paligid ko. There were atleast 5 to 6 people.

Humupa na ang sakit ng ulo ko. Inalala ko ang nangyari. I remember ang bday ng Itay. Ang kasiyahan at ang kaguluhan. Sila Andre, Larc, Karen, Chelsea, Andoy, Melai, Gino, Brian at Kulas. Andun sila lahat.

Ang pagkain sakin ng kadiliman.

Iginalaw ko ang aking mga mata at kamay upang ipaalam sa lahat na gising na ako. Ayoko agad imulat ang mata ko dahil nasisilaw ako sa liwanag. Isa pa ay nanghihina pa din ako.

“Mahal ko…”, rinig kong sabi ng isang boses.

“Andre…?”,  awtomatikong naimutawi ng aking bibig.

Dahan dahan kong imunulat ang aking mga mata. It was Larc.

“Larc…”, pagtawag ko sakanya. Nakita ko ang Itay at Inay. Andun din si Karen. Pati na rin si Chelsea.

“Anong nangyari?? Asan ako..?”, pilit kong pag upo. Nakaramdam ako ng kaunting sakit ng ulo.

“Nasa hospital ka. Nawalan ka ng malay kahapon. Teka… Natatandaan mo ba..?”, sabi ni Karen.

Napaisip ko.

“Oo.. Naaalala ko. Ang kaarawan ng Itay. Ang ulan. Ang away.”, medyo malungkot kong tugon.

“I’m so sorry Ryan…”, malungkot na usal ni Larc.

Inabot ko ang kamay ni Larc. Pinisil ito ng bahagya.

“It’s okay.”, mahinahong kong tugon.

Napatingin ako sa kisame ng kwarto kung saan ako naka admit. Puting puti ang kisame.

“Now what…?”, mahinang usal ko sarili.

Inuwi na rin ako kinahapunan. Naging tahimik lamang ako sa loob ng sasakyan. Tahimik ang lahat.
Magpapahinga pa sana ako sa bahay namin ngunit kailangan na naming bumalik ng Manila. Tutol man ang aking magulang ay nakumbinse ko ang mga ito. At katulad ng dati ay naging emosyonal an gaming paghihiwalay.

Ramdam ko ang pagkabagabag ng damdamin habang tinatahak ang daan pabalik ng Manila. Hindi ako sumabay kay Karen sa pag uwi. Sumabay ako kay Larc. Alam kong nagtatampo ito dahil alam ko kung saan nanggagaling ang galit ni Karen kay Larc.

Ngunit panahon na..

Panahon na para malinawan ang lahat.





Ang mga sumunod na nangyari ay naging blangko. I just found myself in a familiar place. Sa isang kwarto kung saan naging saksi ang napakaraming luha at sakit na naramdaman ko. Napahawak ako sa panyong hawak ko. I was crying my heart out. Masakit.

Doon ko napagtanto kung asan ako. At kung sino ang taong nasa tabi ko ngayon upang patahanin ko. Ang kaisa isang tao na naging kaibigan at tapat sakin all these time. Si Karen.

“Ryan…”, pagpapakalma nya sa akin sabay abot ng tubig.

“What happened?”, dagdag nito. Mas lalo akong napahagulgol.

“Tapos na.. Tapos na, Karen…”

“Tara sa balcony…”, pagyaya nito sa akin.





Pagkadating namin sa condo ni Larc ay parang naging slow motion ang lahat. I felt very nostalgic. Napatingin ako kay Larc. Ngumiti ito. Ngunit hindi ako ngumiti. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig.

Nagbigay ng buntong hininga. Immediately, I felt tears rolling down my face.

Umupo ako sa sofa at hinayaan na tumulo ang mga luha ko. Nakatulala lang ako sa lamesa na nasa harap ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

Napansin ni Larc ang pagluha ko. Agad itong lumapit sa akin at lumuhod sa harap ko.

“Oh… Bakit ka umiyak?”, alalang tanong ni Larc.

I just kept on crying. Yung tipong tulala ka lang. Walang hikbi. Parang hindi mo lang mapigil ang luha mo habang nakatingin sa kawalan. Walang ekspresyon sa mukha.

“Ryan…?”, narinig kong muling tawag ni Larc.

Tumingin ako sakanya. I sensed fear from his eyes. Nanlalabo ang tingin ko sa mukha nya dahil sa mga luhang tumutulo.

At sa wakas. Nasabi ko rin.

“What happened between us?”, direcho at umiiyak kong tanong. Hindi nagcrack ang boses ko. I was crying pero firm ang boses ko.

Tumitig si Larc sa mga mata ko. Halatang nagulat sya sa tanong ko. Naramdaman ko ang biglang pagyakap nya sakin.

“Mahalaga pa ba ang nakaraan? Hindi ba pwedeng magkasya na lang tayo kung anong meron sa ngayon?”,pilit na pagpapakatatag ni Larc. But he failed. His voice was crying. I knew he was crying.

“This is the very reason why I need to know.”, naisagot ko.

Kumalas sya sa pagkakayakap at tiningnan ako mata sa mata. Hindi nya na itiniago ang kanyang mga luha.

“Why Ryan?”

Tiningnan ko din sya sa mga mata at winika…

“Dahil sa bawat yakap, halik na ginagawa mo ay may katanungan sa isip ko. Kung bakit sa t’wing yakap at halik na yun ay may kaakibat na sakit akong nararamdaman. I want to know Larc. Kung mahal mo ko ay sasabihin mo.”, masakit kong sagot.

“Hindi ba pwedeng magkasya na lang tayo sa rason na mahal natin ang isa’t isa?”, sagot ni Larc.

Nakita ko ang mas pag luha nya sa pagkasabi nya noon. I felt pain and deep sadness.

“Kaya ba hahayaan na lang natin na hindi maiwasto ang dapat? Pagmamahal pa rin ba kung nagtatago tayo sa isang nakaraan? Hindi ba dapat, sa pagmamahal, kaya natin tanggapin kung ano man ang nakaraan para mas maintindihan ang kasalukuyan?”

Panandaliang nagpunas ng luha si Larc ng kaniyang mga luha. Inilapit ang isang upuan at umupo kaharap ko. Again, he started to cry.

“I guess.. Panahon na nga. Darating at darating din naman tayo dito, eh.”

Tiningnan ko lamang sya at naghintay ng kaniyang sasabihin.

“I was afraid. Ryan I was. Gawd!! Remember those days na wala akong tiwala sa sarili ko, pero ikaw. Ikaw, Ryan… Naging grabe ang pananalig mo sakin.”


Nakita ko na mas lumakas ang pagluha mo. Halos wala ng dumaloy na dugo sa kamay mo dahil sa pagbilog mo dito.


“From that very moment Ryan. I knew na mahal kita. But I wasn’t sure if you felt the same. Or natatakot siguro ako malaman na hindi mo ako mahal. But alam ko sa sarili ko, na simula pa lang noon. Ikaw na ang tinitibok ng puso ko.”

Napahinto kang muli. Naghabol ng hininga habang hirap na hirap kang nagpapaliwanag sakin.

“Sabay nating inabot ang mga pangarap natin. Lumakas ang loob ko at lahat ng yun ay dahil sayo. Binuo ko ang pagkatao ko sa mga pangarap na ginawa natin. Kaya naman halos mamatay ang loob ko ng hindi tayo sabay pumasok sa kolehiyong pinagplanuhan natin. Taena Ryan. Nasira ako noon. Kung kani kaninong barkada ako napunta. At muli, naramdaman ko na I was being the joke of the town. I barely had friends. People were talking behind my back. I was scared, very scared… Nagbago lang ako ng sinabi mo sa akin na makakasama na tayo ulit dahil maayos na ang lagay ni tito. Pumukol ako ng lakas ng loob para ayusin ang sarili ko. Ayoko na sana bumalik sa pagbabasketball dahil I wanted to make time for you. Pero that was my escape rope. Para mawala ang takot na minsan ko ng naramdaman.”

Muli kang huminto panandalian at uminom ng tubig. Kita ko na ang pamumula ng mukha mo dahil sa pag iyak.

“I was the happiest person ng sinundo kita ng araw na yun sa inyo. Pakiramdam ko bagong kasal tayo at iuuwi na kita sa bahay natin. Pakiramdam ko itutuloy na natin ang mga pangarap natin na panandaliang naudlot. Sa isip ko, pagsisilbihan kita kahit anong mangyari. Sinabi ko sa sarili ko na mamahalin kita kahit pa walang kasiguraduhan kung yun ba ang nararamdaman mo. For me, just being with you is more than enough. We were the happiest. Even though we secretly fell for each other.”

Tumingin sya sa mga mata ko.

“But then…”

Mula sa masayang alalaala ng iyong kwento ay nakita ko ang pagkasawi sa iyong mukha.
“But then… Things went wrong. Nangibabaw ang takot. You weren’t exactly everyone’s favorite. Or so they thought… And it felt like.. felt like…”

Napahinto sya sandali at napalingon sa ibang direksyon.

“It felt like you were dragging me down…”

Napahawak si Larc sa mukha nya gamit ang dalawang kamay nito. Kitang kita ang pagsisisi sa postura nya. Ako naman ay halos hindi makapagsalita sa aking mga naririnig. Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Pero naiintindihan ko sya kahit papano.

“Natakot ako Ryan!! Takot na takot… Takot na bumalik sa buhay na naranasan ko noon. Ang itakwil, layuan. Alam at nakita mo ang paghihirap ko noon. Kaya ng maramdaman ko itong muli ay kinain ako ng takot. At.. At nagpadala ako sa takot na yun.”

“Nagising na lang ako isang araw, malala na ang lahat. Wala ka na sa tabi ko. Nawala ka ng dahil sa sarili kong kagagawan. Dahil.. Dahil hindi kita pinaglaban..”

Naramdaman ko ang mga luha kong muli. Tanging luha ko na lamang ang aking nararamdaman. Para kasing biglang namanhid ang aking buong katawan.

“Wala akong mukha na maiharap sayo. Alam kong kasalanan ko. But then, kilala kita. Alam kong masama lang ang loob mo pero alam kong maayos natin yun. Pero…”, umiiyak na dagdag ni Larc.

“Pero nakita kong nagkamabutihan kayo ni Andre. Ang laki ng galit ko. Hindi sayo kundi sa sarili ko. Alam kong selfish, pero ayaw kong magkatuluyan kayo. Ayoko magkamabutihan kayo… I want you for myself…

Hanggang sa isang araw paglabas ko ng kwarto ko, nakita kita. I know I was drunk that day. Pero nilabanan ko, or atleast, nahimasmasan ang pagkalasing ko ng makita kita. I begged you to stay, pero tumanggi ka. Hindi kinaya ng dibdib ko, Ryan. Kaya…”

“Kaya ng palabas ka na ay pinigilan kita. Ngunit nagdilim ang paligid ko ng buo talaga ang desisyon mo na umalis. Alam kong malabo na ang pagbalik mo. Knowing na may Andre na naghihintay sayo.. Kaya I ended doing.. something…”

“Something…?”, pagtatanong ko.

“I drugged you that day. Nagpareseta ako ng sleeping pills sa doctor ko dahil hindi ako makatulog kakaisip sayo. Kaya ng mag-inuman tayo ay nilagyan ko ang inumin mo non. I know kagaguhan at pangit tingnan. Pero I was drunk and desperate. I gave you more than the usual dosage.. Hanggang sa..  Nagawa ko ang isang karumaldumal na bagay sayo…”, umiiyak at sising sisi na sabi ni Larc.

Tumingin sya sa mga mata ko. I gave him a quizzical look. Mga titig na naghihintay ng kasagutan.

“I abused you. Pinilit kong may mangyari sa ating dalawa…”, hirap na hirap na sabi ni Larc. Naramdaman ko ang pagyakap niya bigla sa akin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay napatawad ko na sya. Parang ang paliwanag nya ang kaisa isang bagay na matagal kong hinintay. Naramdaman ko din ang pag gaan ng kalooban ko. I felt peace from within.

“Alam kong hindi na ako karapatdapat para sayo. Pero sana mapatawad mo ko, Ryan…”, umiiyak na sabi uli ni Larc.

Gumanti ako ng yakap kay Larc.

“Kung dumating man ang oras na makalimutan ko ito.. Alam ng puso ko na pinapatawad na kita at hindi ko na ito makakalimutan. Salamat, Larc.”

Tumigil ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. Kumalas ako ng pagkakayakap at tiningnan ito sa mga mata nya. I then gave a faint smile.

“I still love you, Larc… And I always will…”, nakangiti kong sabi sakanya.



“So ang ending, nagka-ayos din pala kayo ni Larc…”, mahinahon ngunit malamig na sabi ni Karen.

I nodded. Sabay ngiti ng bahagya.

“Ganun ba… Pero… Anong nangyari kay Andre…?”, pagtatanong ni Karen.

Tiningnan ko sya sa kanyang mga mata at napabuntong hininga…





Ngayong nakapagdesisyon na ako ay kailangan ko ng linawin ang lahat. Sa desisyon kong ito ay alam kong may labis na masasaktan. I’ve seen his efforts. Kahit pa sa pagkakaroon ko ng amnesia. Alam ko sa sarili ko na minahal nya ako ng sobra at pinatunayan nya ito. Kaya naman… Kailangan ko na syang palayain sa kalungkutan. He deserves to be happy… Ayoko ng maging unfair sakanya.

Kabado kong tinawagan si Andre. Ilang ring pa lang ang aking nagagawa ay agad nya na itong sinagot. Pagkasagot ay naramdaman ko din ang kaba sa boses nya. I tried to compose myself at kausapin sya. I have to do this. Kahit pa mahirap. He started to cry. Sa tawag pa lang na ito, alam ko ng I was breaking his heart. Ang hirap nyang intindihin sa telepono dahil halos wala na akong maintindihan sa sinabi nya. Before the call ended, nagkasundo kami na magkita upang makapagusap na.

Sa mga araw na paghihintay ko ay hindi maalis ang kaba ko. Tatlong araw. Tatlong araw ang hinintay naming bago tuluyang makapag usap.

Pero sa kabila ng lahat ay masaya na din ako. Kasama ko ang taong minahal ko ng labindalaw.. labing limang taon na pala. Bumalik na rin kami sa dating gawi. Ang pagluluto ko ng almusal sakanya, ang mga kulitan, asaran, lambingan. It was like magic. Sa isang iglap, naging okay ang lahat sa amin ni Larc.

Dumating ang araw na pinagusapan naming magkita ni Andre. Hindi ako halos nakatulog kinagabihan ng dahil sa kaba. Pilit ko mang waksihin ang kaba ay agad itong sumusulpot.

Larc knew where I was going kaya naman bago ako lumabas ay niyakap ko ito ng mahigpit. Nakatingin ito sa akin ng may ngiti. I smiled back.

“Don’t worry. Maayos din ang lahat…”, mahinahon kong sabi.

Nagbigay lang sya ng ngiti at tumango. Hinalikan nya ako sa aking mga labi na sya ko namang ginantihan. It was that one kiss na alam kong hinding hindi ko makakalimutan dahil tanggap na tanggap ko na ang mga halik na yun. Nang walang galit. Nang walang sama ng loob. Nang buong puso…

Nakarating na ako sa lugar kung saan naming pinagusapang magkita. Maganda ang panahon, hindi gaanong mainit. Katamtaman ang ihip ng hangin at sumasang ayon naman ang sikat ng araw.

I was back where it all started. The place where a love story was born. Isang lugar kung saan minsan akong umiyak, ngumiti, at nagmahal. Ang parke.

I saw him standing under one of the trees. Halata ang pangamba at kaba sa mukha nya. Kita at bakas din sa pangangatawan nya ang matiniding pagod at paghihirap. Just by looking at him, makikita mo na he has gone through hell. I couldn’t even look at him straight in the eye.

But I have to. I just have to…

Nang mapansin na akong naglalakad papalapit sa direksyon nya ay kinubli nito ang kaninang malungkot na mukha. Nagbigay ito ng isang ngiti. Isang ngiti na na may luha sa likod nito.

I just gave him a faint smile. I couldn’t smile like the way he did. Mine was certainly not a smile. Alam ko yun. It was as if I was just trying to be casual, pero deep inside.. Malungkot…

Hindi ako nakapagsalita. Ganun din sya. Andre was just looking at me. I don’t know what to say. Ilang beses ko inilarawan sa utak kong itong eksenang ito. Kung paano kami maghaharap I mean. Ngayon pang alam kong nasasaktan ko na sya ng sobra. Pero heto ako, wala man lang masabi.

I started walking and he just followed. Still, with that smile on his face. That smile that shows nothing more than a reminder of sadness and pain. I couldn’t even look.

Muli, napatingin ako sa paligid. It was a great day after all. Kids were running, lovers seem to be more intimate and friends seem to enjoy themselves. Hindi tulad naming, magkasama nga ngunit parang magkalayo.

Finally, we stopped walking at naupo sa isa sa mga benches. It was the best spot in the park. Kitang kita ang kabuuan ng parke. Makulimlim din dahil na rin sa mga puno sa paligid naming. It was very peaceful.

“This is the very spot kung saan tayo naguusap lagi. Where we would enjoy ourselves till the sun sets.”, biglang basag ni Andre sa katahimikan. Napatingin lang ako sakanya. Wala na ang ngiti sa mga mukha nya. Halata na ngayon ang pagod na matagal na nyang ikinukubli.

“I know you still don’t remember what happened. At hindi kita sinisisi doon…”, malungkot na sabi nya. His voice didn’t crack, pero ramdam na ramdam ang lungkot dito.

“Andre…”, tanging nasabi ko.

Nagkaayos na ba kayo ni Larc?”, pagtatanong ni Andre. I looked at him as he said those words. Kitang kita at basang basa ko sa mga tingin nya ang mga salitang “Sana huwag.. Sana huwag…”

I just gave him a nod.

“I’m happy for you!”, biglang masiglang sabi ni Andre sakin. Naramdaman ko pa ang pagtapik nito sa mga balikat ko. Sa pagkabigla ay napatingin ako sakanya. He had tears in his eyes, yet he was smiling again.

“Andre don’t…”

“Don’t what?”, pagtatanong nya.

“Don’t pretend that you’re okay. Mas masakit yan. I’ve been doing that for the longest time and masasabi ko na mas masakit ang pagkukunwari na okay ka kaso ang ipakita mo ang tunay mong nararamdaman. I know that now.”, sagot ko sakanya. I felt tears building up. But I must not cry. Not now.

Sa pagkasabi ko noon ay nawala ang mga ngiti sa mukha ni Andre. More tears fell from his eyes. Naiiyak na ako ngunit I tried to be strong. Hindi ito pagkukunwari, pero I just have to be strong.

“Kaya ba gusto mo ng wakasan ang paghihirap ko…?”, umiiyak nyang sabi.

Hindi ko sya matingnan sa mga mata nya. Hindi dahil wala akong mukhang maiharap kundi ang hirap at ang sakit nyang tingnan. He was like a mirror showing me things I didn’t wanna see.

But still… Tiningnan ko sya mata sa mata.

“Yes…”

At doon, hindi ko na kinaya ang pagpipigil. Tears fell from eyes.

Pilit na pagpigil ng hagulgol. Yan ang narinig ko. He would try to stop crying but only end up crying harder. I never thought a guy could cry like this. Para syang batang iniwan kung saan.

“Mahal na mahal kita, Ryan eh…”, tanging naisagot nya. He held my hand and kissed it. Tumulo ang mga luha sa kamay ko as he kissed my hand. Ramdam ko sa halik at higpit ng pagkakahawak nya ang nararamdaman nya. I was breaking his heart.

Nakita ko ang muli nyang pagpigil ng iyak. He was still holding my hand as he looked around. It was as if he is enjoying the view… for one last time..

                                                                                                                                                   “Nakikita mo ba yung punong yun?”, sabay turo nya sa isang puno sa di kalayuan. It was that tree kung saan ako laging nakakaramdam ng lungkot pero at the same time ay saya.

“Yeah…”, naluha kong sagot.

“I know you might not remember it. Pero… Dyan tayo nagkakilala talaga. Actually, nagkakilala tayo sa school, pero dyan talaga tayo nagkakilanlan. Natagpuan kita, or should I say, “dyan kita natagpuan”, ng hinanap kita ng gabing yun.”

Tiningnan kong muli si Andre. Pinipilit nya pa ring hindi umiyak.

“Simula noon ay doon na ako simulang makaramdam ng iba para sayo. I started falling for you. And you’re everything I ever wanted. Nung una, I was hesitant dahil alam ko kung sino ang laman ng puso mo. Pero hindi mo pala mapipigilan noh?”, bigay nya ng pilit na tawa sa huling sinabi nya.

“The more na nilabanan ko, the more lang na mas ginusto kong mahalin ka. You were like something I’ve always wanted. You were my temptation, my goal, and my treasure.”

Habang nagsasalita sya ay nakatingin lang ako sa puno na itinuro nya.

“Ang dami nangyari after that. I pursued you. Hindi lang dahil sa yun ang tamang gawin pero kung hindi dahil yun ang gusto kong gawin. I was willing to risk everything and anything mapalapit at mahalin mo lang ako.”

“And it was a bumpy road after that… But then, eventually. Natupad ang gusto at pinangarap ko. Ang mahalin mo din ako. Or atleast, you were starting to feel the same. Pero pumalpak uli. My ex came and introduced herself as my girlfriend. I was in shock and didn’t know what to do. She was the ghost that reminded me why I couldn’t love anyone. Kung bakit napuno ng galit ang loob ko. Kaya nung makita ko syang muli, hindi ko alam ang gagawin. It’s not of I wasn’t sure kung mahal ba kita o hindi. Hindi ko lang pa pala kasi kayang harapin ang multong bumagabag sakin ng matagal na panahon. And there, I lost you…”

Natahimik sya ng ilang sandali. Tipong nagiipon ng lakas ng loob upang ituloy ang sasabihin nya.

“Alam ko nasaktan kita kaya naman humanap ako ng paraan para maitama ang lahat.”

Pinagpatuloy ni Andre ang pagkukwento tungkol sa aming nakaraan. Ituloy nya ito hanggang sa araw ng maaksidente ako at tuluyang nawalan ng alaala sakanya. Nang matapos naman nya ang pagkukwento nya ay muli itong umiyak.

He was still holding my hand.

Hindi naming napansin ang oras. Napansin na lang naming, palubog na ang haring araw. Palubog na ang araw at patapos na ang araw. Kailangan na din naming tapusin ang usapan na ito.

It was a great yet a very unusual day. Usually, at this time of hour ay marami pa ring tao sa park. But today, halos iilan lang ang naroroon. For some reason, nawalan ng tao sa parke. Ang natitra na lamang ay ang mga iilang vendors at kaunting tao na naglalakad. At ang karamihan pa sakanila ay nagiisa lang din.

I looked at Andre’s face at bakas na bakas na talaga ang pagod sa mukha nito. Lalo pa ngayon, na halos ilang oras din syang umiyak at naglabas ng emosyon.

It’s time…

Time to end this…

Ilang miuntong katahimikan.

“Palubog na ang araw…”, mahinang sabi ni Andre.

“Oo nga eh…”, tanging nasagot ko.

“Salamat Ryan…”, malungkot na sabi nito. I know. Gusto nya pang umiyak. Pero tila kapwa wala na kaming mailuha. Tila parehas na sumuko ang mga luha sa aming dalawa.

Tiningnan ko lamang sya.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga titig na yun. Punong puno ng emosyon at may mga salitang nilalaman na hindi kayang isalarawan ng kahit anong wika. The way he looked me meant a lot of different things.

Sadness.

Happiness.

Regrets.

Pain.

Achievments.

Memories…

Hinawakan nya ang mukha ko at tinitigan itong mabuti. I closed my eyes at dinama ang palad nya na nasa aking pisngi. It felt warm yet it was cold.

Naramdaman ko ang paghalik ng mga labi nya sa akin. Nakadikit lamang ang mga labi nito.

Suddenly, nalasahan ko ang luha sa mga halik na yun. I felt very sad. It was as if he was trying to cry his very last tears infront of me. Masakit.

I know it was his way of saying goodbye…




Pinanood ko lamang ang reaksyon ni Karen habang ikinikwento ko ang mga pangyayaring naganap. She looked startled. Eventually, napaluha ito ng bahagya na agad din naman nyang pinunasan.

“You have been through a lot, Ryan. I know that much.”, mahinahon na sabi nito.

“Yeah, at pinagpapasalamat ko na andyan ka para sa akin simula’t sapul. And I must say, napakaswerte kong magkaroon ng isang kaibigang tulad mo…”, sagot ko.

She smiled. It was certainly a smile full of contentment.

“Pero teka, matanong ko lang….”, biglang curious na tanong nito.

“Yes?”

“Why did you choose … instead of…?, takang tanong nito.

I just gave her a smile sabay inom ng juice na dala nya.


(Itutuloy)






Hays, nalulungkot ako. We are down to the last chapter of the story. T_T


Nakakasad kasi napamahal din talaga ako sa kwentong ito. Pero sabi nga nila, lahat ng story ay may katapusan. Nakakalungkot mang isipin pero last chapter na po ang susunod. Kaya ngayon pa lang ay gusto ko na kayong pasalamatan.

Pero as my usual trademark, ay bibitinin ko muna ulit kayo kung sino na nga ba ang pinili ni Ryan. Kung nanaig ba ang pagmamahal nito sa bestfriend nitong si Larc, o ang nagtyagang paibigan ito na si Andre. Hehehe. This wouldn’t be a work of “dark_ken” ika nga pag walang bitin factor. Kaya pasensya po muna at bibitinin ko muna kayo panandalian.

^_^

Oh sya, hanggang dito na lang muna at sana pakatutukan nyo pa din ang huling episode ng aking munting akda.







No comments: