“Ang
tagal ha!” singhal ni Dalisay habang patuloy na naghihintay sa loob
ng restaurant.
Napalakas yata ang kanyang sinabi kaya't nagtinginan ang mga tao sa kanya.
Sya ay nagtaas ng kilay.
“And why are you looking at me? All
of you! Get out!”
Mas nagulat ang mga tao sa kanyang
sinabi. All eyes are glued on her. Pakiramdam nya ay para syang
hinuhusgahan.
“Joke lang. Kayo naman mga friends,
keme lang yun.”
Binaling nalang nya ang kanyang tingin
sa labas. Binilang ang mga nagdaang mga kotse. Makalipas ang limang
minuto ay wala pa rin ni isa sa kanyang mga kasama. She grabbed her
cellphone and dialled Dhenxo's number. It was out of coverage.
She started feeling irritated.
Imbyernadette
Sembrano. Ang tagal naman ng mga beki. Kumuda pa kaya?
Pinilit nyang kumalma. Alam nyang maari syang makadama ng sobrang
stress kung iisipin pa nya ang pagiging late ng kanyang mga kasama.
Ilang segundo pa ay nakita na nya ang humahangos na si Dhenxo. Kita
ang pagkabagabag sa mukha nito. Mabilis sya nitong niyakap.
“Anong
problema Dhenxo?”
Rinig ni Dalisay ang paghinga nito. Iregular.
“Okay.
Kalma lang Dhenxo. Kalma okay?”
“Mama.
Tama ang hinala natin.”
“Tungkol
saan?”
There goes Philip. Masaya itong lumapit sa dalawa at binigyan ang mga
ito ng isang halik sa pisngi. Naputol ang kanilang pag-uusap.
Nagbigayan silang dalawa ng mga makabuluhang tingin. Pinilit kumalma
ni Dhenxo.
“Sorry,
I'm late. Medyo natraffic lang,” magiliw na bati ni Philip sa
dalawa.
“A-ayos
lang. Kakarating lang nga halos nitong si Dhenxo,” sagot ni
Dalisay.
“Shall
we order?”
“Not
until you tell me why Charles is not here. Anong ginawa mo sa kanya
ha?” nang-aasar na sagot ni Dalisay.
Nanatiling tahimik si Dhenxo. Nakikinig lang sa usapan ng dalawa.
“You
haven't seen him yet? He's actually here Mama D. He'd take our
order.”
“Ohhh.
Now that's interesting.”
Philip gave him a wink. She then saw Charles walking their way. He
looked in pain. Nagtaka si Dalisay.
Why does
Charles look like in pain? I mean body pain? If he went to the gym,
hindi ganyan ang mukha nya. Mukha syang namimilipit.
“Hello.
I'm gonna take your order now.”
“Not
too cordial, Honey,” sabat ni Philip sabay hipo sa crotch ni
Charles.
Huli na para makaiwas si Charles. Nadakma ni Philip iyon at Dalisay
started giggling, natawa nalang rin si Dhenxo sa nakita.
“Kuya
ang wild mo,” sabat nito.
Nangiti si Philip.
“If
only you know what we did last time. Right honey?” Baling nito kay
Charles.
“Naughty,
honey,” pagsagot nito sa kanyang mga patutsada.
“Give
us the same set. And I want you to sit with us here. You understand?”
there's authority in Philip's voice.
“I
can't. Maraming tao. I have to command my people,” magiliw na sabi
ni Charles.
“Well,
just go on our table once in a while, Charles. It'd be great to talk
to you,” ani Dalisay.
Muli itong ngumiti sa kanya. He then headed to the kitchen. Philip
eyed him heading to the comfort room. Muling pumasok ang kalokohan sa
isip nito.
“I
have to use the powder room.”
Ngiti ang tugon ni Dhenxo dito.
“Go,”
sagot ni Dalisay.
He hurriedly went to the comfort room. Nakita nyang nagchecheck ng
mga urinals si Charles. Maybe checking if all were clean. Nabigla si
Charles nang makita sya. He grinned.
“What
are you thinking?” kabado ang tono nito.
“Doing
what we want,” malanding sabi nito.
He then grabbed Charles by the neck and started kissing him. Mas
kabado si Charles dahil baka may makakita sa kanila but he was too
aroused to think. Philip was wy too aggressive. Alam nyang nadadala
nya si Charles sa mga halik na kanyang pinapalasap dito.
Pinilit kumalas ni Charles, his face painted in deep red.
“Not
now, Philip. Please,” pakiusap nito.
“Your
hard-on can no longer wait, honey,” sabat ni Philip sabay dakma sa
harap ni Charles.
Mabilis na natanggal ni Charles ang kamay ni Philip. Mabilis na
inilagay ni Philip ang kanyang kamay sa pwitan nito. Pinisil nya ang
mga ito. Hindi namalayan ni Charles na may nalaglag mula sa kanyang
bulsa.
“I-i
have to go,” nagmamadaling sabi nito.
Mabilis itong lumabas sa banyo at naiwan si Philip mag-isa. Napangiti
nalang sya sa kalokohang ginagawa nya para lang makaganti.
I'm so much
willing to do everything para lang makaganti.
Aksidenteng tumama ang kanyang mata sa sahig at nakita ang isang
pakete. Mabilis nyang dinampot ito. Nanlaki ang mata sa nakita.
Napangiti syang muli. Hindi nya inaasahan na mas mapapadali ang
ganting gagawin nya rito.
Sinong
mag-iisip na mas mapapadali lahat to?
Nakangiti syang lumabas ng banyo.
“Doc,
kamusta na po sya?”
“Still
unconscious.”
“Ka-kailan
po sya magigising?”
“We
are monitoring him still, Mr.Oya. Masyadong malakas ang impact nang
tumama ang kanyang ulo,” mahinahong paliwanag nito.
Napabuntong
hininga si Kenji sa narinig. He tried looking for identification sa
kanyang nabangga. Tanging Company ID lang ang meron ito. Jhaspher
Jocson. Tinawagan nya ang mga numero sa ID nito at napagalaman nya na
ulilang lubos na ito kaya wala syang matawagan na immediate
family.
“I'll
take full responsibility of everything, Doc. Wala na akong makontak
na kamag-anak nya. I guess alagain ko sya hanggang sa maging totally
recovered na sya.”
Tumango ang doctor.
“Doc,
i'll be leaving my number sa mga nurses. May importante lang akong
aayusin at mabilis akong babalik dito.”
“Sige
Mr.Oya. Ibibigay namin lahat ng gamot na kakailanganin at mga tests
na kailan pa nyang tapusin. Then i'll give you an update.”
Sila ay nagkamay. Mabilis nyang tinungo ang parking lot at nagmaneho
papunta sa restaurant na pinag-usapan nila ni Philip.
Mabilis nyang tinawagan si Philip.
“Kuya,
I'm on my way. May nabangga ako. And I need help Kuya,” naiiyak na
sabi nito.
“What?
Sino ang nabangga mo? Saang ospital yan?”
“Kuya
iniwan ko sya. Babalikan ko mamaya. Papunta na ako sa usapan natin.
Kailangan ko ng tulong,” sagot nito.
“Sige
sige. Be quick.”
“Thanks
Kuya.”
“Nakabangga
raw ang isa ko pang alaga. Pero papunta na raw sya,” pagkuha ng
atensyon ni Philip sa nakatulalang si Dalisay.
“Sino
Kuya?” tanong ni Dhenxo.
“Someone
you'll meet later.”
Dinukot ni Philip ang napulot na plastik sa banyo at palihim na
inabot kay Dalisay.
“Mama
D, can you tell me what this thing is?”
Sinuri ni Dalisay ang laman ng plastik at labis itong nagulat.
“Zsazsa?
Nagsazsazsa ka?”
“Not
me, Mama.”
“Shabu
to Philip,” naging mas mahina ang boses nito.
Nagulat si Dhenxo.
“Hindi
sakin yan Mama. Guess kung kanino galing?”
“No
idea.”
“Kay
Charles.”
“He's
using it?” nagtatakang tanong ni Dhenxo.
Philip nodded.
“Sana
nga nagaassume lang ako. Pero nung hinawakan ko yung likod nya eh
biglang lumaglag yang plastic na yan? Di na nya ata namalayan,”
mahinahong sabi nito.
“Jesus
Christ. Don't go near him anymore, Philip. He might be a very
dangerous guy.”
“Kuya,
stay away from him.”
Umiling si Philip.
“I
won't. I'll use this as a bait.”
Napangiti siya sa kanyang sinabi.
Napailing muli si Dalisay.
Itutuloy...
3 comments:
OMG!! Speechless!! Ngayon, maghihintay nanaman ako.. :(
aw super bitin naman :((
peo atleast may update :)
Weeee... Lalong ngging exciting. :)
More po sa magbembem!!! Hihih.
Post a Comment