Good Day to all! Ito muli si Dark_Ken. Ang naging hatid sa inyo ng series na pinamagatang “Minahal ni Bestfriend”.
Una po muna ay gusto kong magpasalamat sa lahat lahat. And I mean sa lahat lahat ng sumuporta sa aking series. At sa lahat lahat ng naniwala sa aking munting kakayahan. If it wasn’t for you guys, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na magpatuloy magsulat.
Muli, maraming maraming salamat po.
Ngayon po ay nais kong bigyan kayo lahat ng isang munting surpresa.
Hindi naman po ako nagkulang sa pagsasabi na ang mga akda ko ay hinahandog ko sa aking mga mabubuting mambabasa. Kaya naman po ay nais ko pong bahagi ng aking pagsusulat ang aking mga mahal na mambabasa. Nagkaroon po ako ng isang pabor mula sa piling mambabasa ng MNB. At ito po ay makasama sila sa isang interview. Ito pong mga mambabasa na ito ay ang mga taong talagang sumuporta sa akin sa pagbuo ng MNB.
Ang panayam na ito ay ginawa ko upang mas magkaroon ako ng interaction with the supporters of MNB. Lalo na po yung walang nagsawang pinakasamahan ako along the journey of MNB. They have been very supportive in a way na halos araw araw ay may munti akong mensahe mula sakanila sa fb at emails.
Ang panayam na ito ay pangungunuhan ng isa po sa PINAKA iniidolo kong manunulat. He has also been a very good friend to me and my Bembem. I have also considered him as my mentor dahil walang sawa din sya sa pagbibigay advice sa akin sa pagsusulat. Sa totoo lang po, ay pag may mga ideas ako ay sakanya ko unang cinoconsult.
Ang partikular na author/kaibigan/mentor na ito ay pinagmamalaki ko hindi lamang sa mga kadahilanang kayang sabihin ng aking bibig, ngunit dahil ito po ang aking nararamdaman.
Ladies and Gentlemen, I am very happy to introduce you this fine gentleman. Mr. Rovi Yuno, o mas kilala ng iba bilang si “Unbroken”.
Rovi: Hello everyone at magandang hapon po! Ako po ngayon ay naatasan dahil wala akong choice, na gumawa ng isang interview sa tomboy na si Kenji Oya, ang author ng Minahal ni Bestfriend series. Medyo pressured sya dahil ako ang magiinterview. Chos.
Rovi: Let’s Start.
Kenji: Okay.
Rovi: First Question. Bakit mukha kang tomboy?
Kenji: Hahaha!! Ewan ko sau! Hahahaha! Ang tino ng tanong ha! Pero sa totoo lang kasi po, is nasa lahi siguro namin. Medyo may pagka soft kasi ang features ng mukha ng mga tao sa family ko.
Rovi: We heard na magkakaroon daw ng 4th installment ang iyong series na “MNB”. Is this true?
Kenji: Yes.
Rovi: Derechong tanong. Ano ang dapat naming i-expect sa MNB 4?
Kenji: Sicker twists. Swear.
Rovi: Ano ang mga pagbabago na dapat naming abangan lalo na sa writing style mo?
Kenji: Hmmm. Usually kasi, POV lang ng isa ang finofocus ko. But here, iba’t ibang emosyon ng characters ang ipalalaro at ipadadama ko. Magkakaroon ng contradiction sa bawat character. Even sa main lead ay maari kayong mainis. Hindi sya katulad ng ibang books ko na kawawa lagi ang bida.
Rovi: May maturity ba si Kenji Oya sa 4th installment as a writer?
Kenji: Sobra. With the help of people around me, nagkaroon ng bagong ako dito. Kahit ako kasi mismo ay inaanalyze ang bawat sitwasyon. Kung ano nga ba ang mararamdaman ko sa mga ganitong pagkakataon. Aaminin ko, hindi naging madali sa akin gang pagbuo ng bagong installment ng MNB.
Rovi: Ohhh. Wait. May bisita tayo. Magbabayad ata ng renta sa apartment. Chos. Please welcome, one of the promising writers of MSOB and MNB, Jojie or Justyn Shawn!
Jojie: Salamat Rovi!
Jojie: Hi Bes!
Kenji: Hi!
Jojie: kumusta ang feeling...?
Kenji: Na? :P
Jojie: Natapos na ang Book 3 at magsisimula na naman ang Book 4....Ano ang nararamdaman mo ngayon? Saan ka humuhugot ng idea para mapasok mo kami sa iyong kwento?
Kenji: Una sa lahat, I am very flattered sa totoo lang. Overwhelmed ako dahil sa pinapakitang suporta ng mga tao sa akin at sa mga ginagawa ko. Tungkol naman sa paghugot ng idea… Hmmm, galing ito sa sarili kong experiences, ng friends, family, at ang mga bago kong nakikilala na nagsshare ng sariling kwento ng mga kani-kanilang buhay pag-ibig.
Jojie: The MNB 3 is a great masterpiece. I know you could do more. Anong "MORE" yun na pakaaabangan namin?
Kenji: Thanks for considering my work as a masterpiece. More… Hmmm.. Siguro I will unleash another side of my writing skill dito. Ang daming nagtatanong kung bakit ayaw ko i-push ang sarili ko. And Rovi has been a big help for that “push”. And of course, MORE bitin!! Hahaha!!
Jojie: At since andito sa harap ko ang ginawa kong project.(cat na papercraft) The character of Kuting (si coach kuting) bigla ko naalala. Isa ba siya sa mga karacter sa Book 4 ng MNB? Ano ang magiging character nya?
Kenji: Oh. Si Coach. Hahaha. No. He wont be a part of my story any longer. Anything na nasali sa Book 1 ay as of now ay hindi ko muna ibabalik. Pero who knows? Someday, diba?
Jojie: I see. :) Salamat sa pagkakataong ito bes na maisama ako sa teaser ng next Book mo.
Kenji: Anytime, bes. :)
Rovi:So ako pala talaga ang catalyst para ayusin mo ang pagsusulat mo? Chos! Inferlu naman sa MNB Series mo, may progress but since nasa 4th ka na nga dapat siguro maggrow ka na rin. Okay. Let's now have our next guest. Actually isa sya sa mga bonggang-bonggang sumuporta sa MNB since book 1, no other than Arch!
Kenji: Naman Rovi! Hahaha! Alam mo yan! Hey Arch! :)
Archivald: Hi Ken!! Kamusta? :)
Kenji: I’m Good. Ikaw? :)
Archivald: Ito, excited sa 4th Book mo. Salamat pala sa pagpili mo sa akin bilang isa sa mga kasama dito sa teaser!!
Kenji: Ako po ang mas nagpapasalamat dahil simula Book 1 pa lang ay nandyan ka na talaga para sa akin. Kaya Arch, maraming maraming salamat. I mean it.
Archivald: Wala yun! Anyway, ito na ang tanong ko.
Kenji: Shoot!
Archivald: As an avid and loyal fan of your MNB series, would MNB 4 be a collection of true to life scenarios or a journey to adulthood together?
Kenji: You know Arch, Ito ang baka maguluhan kayo. Kasi ang sagot ko is both.
Archivald: Both?
Kenji: Opo.
Archivald: Paanong both?
Kenji: I did say kanina na it will have a sicker twist hindi po ba? Abangan po kung paano ko ito ginawa.
Archivald: Mas nathrill naman ako!
Kenji: Thanks ulit po, Arch. J
Rovi: Okay. Let's now move on with our next question. Arl nasan ka na?
Arl: I’m here! Thanks Rovi!
Rovi: Youre welcome!
Arl: Good Afternoon Ken.
Kenji: Good Afternon din po.
Arl: Paano mo gagawing kakaiba ang susunod mong istorya?
Kenji: Mature roles and scenes on the latter part of the story. Though ngayon pa lang, sinasabi ko na sa inyo na wala akong morbid sex scenes. Paninindigan ko yun. Sex is sacred for me. Though may mga language at eksena ako dito na medyo rated PG.
Arl: Ganun ba. So, sa 4th book ba ay mayroon ng kasalang magaganap?
Kenji: Kasalan? Hmm. It’ll be nice. But ang set up ko usually ay sa Pinas. And I want to make my stories as realistic as possible. Or kung hindi man, ay mga bagay na kahit papaano ay pwede pa ding mangyari. At alam naman natin na sa ngayon, hindi legal ang wedding ng same sex. So baka no.
Arl: Sa bagong ginawa mong yugto ng MNB, ano ang pwede naming matutunan o mapulot na aral sa susunod mong istorya?
Kenji: Hmmm.. Kasi po, I always put hidden messages sa story. Mga tipong munting aral na marerealize mo at the back of your mind at masasabi mo later on na, “Ah, dapat ganun pala..”
Arl: And that’s what I love MNB so much! :)
Kenji: Maraming salamat po muli.
Arl: Mas salamat sayo, Ken.
Rovi: Next na magtatanong, actually ay kilala ko. Isa sya sa mga laging nagsasabing umiiyak sa mga short stories ko. At laging naninibago pag happy ending ang gawa ko. Tama ba ako? Hello Rue!
Rue: Sinabi mo pa! Hi din Rovi!
Kenji: Kaya nga idol ko yan si Rovi, eh!
Rovi: Eklatera!
Rue: Hao idol!
Kenji: Hao Rue!
Rue: Ano ang masasabi mong kaibahan ng mga naunang MNB sa MNB 4?
Kenji: MNB 4 will be more matured na. Bale kasi, kung mapapansin nyo. The 1st book was highschool, 2nd and 3rd was College life. Itong 4th, nasa real world na ang setting. Working na sila dito.
Rue: At ano naman ba ang pagkakapareho maliban sa may "best friend"?
Kenji: Pagkakapareho. Siguro yung mga hidden messages or lessons about life. I make sure na sa halos bawat scene or problemang pagdadaanan at mababasa ay may mapupulot kahit papaano na aral mula dito.
Rue: Aabangan ko to, Idol ha!
Kenji: Hao Rue!
Rue: Hao Idol!
Rovi:O sya tama na yan Rue. Marami ka ng exposure. Ayan ang next nating magtatanong ay walang iba kundi ang aking 'honey' t'wing imbyerna kami sa pressure. Hahaha! Napakabait at napakagwapo pero minsan napakatanga na si Patrice Valmer! Helloooo Honey!
Patrice: Hi Honey! Hi Ken! Hapon!
Kenji: OMG!!! Kuya!!! Hihihi!!
Patrice: Kamusta ka?
Kenji: Ito po, super happy na pinaunlakan mo ang request ko!! Super Happy! ^_^
Patrice: Salamat din sa invitation.
Kenji: Naku, ako ang mas thankful! ^_^
Patrice: Tuwing kailan ka nagsusulat?
Kenji: Usually po sa gabi. Pag tulog na ang lahat ng tao sa bahay.
Patrice: Ano ang habit mo when writing?
Kenji: Usually kuya, meron akong Lemon Tea sa tabi ko. Tapos salpak ng earphone sa tenga ko habang nakikinig sa music. Para mas madala lang. ^_^
Patrice: May rituals ka ba before o after writing?
Kenji: Before? Magreready ng snack at Lemon Tea. After naman, is iniimagine ko sa utak ko yung mga next scenes then isusulat pag may time na ulit.
Patrice: Base ba sa totoong buhay ang MNB at totoong tao ba si Ryan, Andre, Jason, LArc at Alex? ^^
Kenji: Actually, this is a very interesting question. Kasi masasabi ko na ako ang lahat ng character. Ryan is yung iyakin kong side, martyr, and sya din yung sad part ng life ko. Si Larc naman, ang negative side ko. Sya ung karuwagan ko, katangahan ko, and kakulangan ko. While Andre naman is yung nagreredeem sa mga pagkakamaling nagagawa ko.
Patrice: Interesting. Sya nga pala, salamat ulit sa invitation. That would be all muna. ^^
Kenji: Nako Kuya!! Ako talaga ang super thankful kaya super salamat po! ^_^
Rovi:So walang kwenta yung tanong ni Patrice. Hahaha! Sana yung susunod na tanong may latoy na. By the way, ang susunod na mga tanong ay magmumula sa isa sa mga Admin ng MNB. Pakiramdam ko lahat ng admin nirequire mo magtanong eh. Sya ang naghahawak ng Fan Page for MNB Group. Ang batang martir, Tommy!
Tommy: Martir talaga Kuya?
Rovi: Hahaha! K.
Kenji: Nako, hayaan mo yan! *giggles
Tommy: Hi Kuya!! OMG!! *himatay
Kenji: Hahaha!! Natatawa talaga ako sa mga reaction mong ganyan!
Tommy: Excited lang ako Kuya. Sya nga po pala. Salamat po sa pag imbinta sa akin dito. Nahihiya tuloy ako.
Kenji: Walang anuman. Sa katunayan ako ang mas nagpapasalamat sayo dahil sa suporta at tiwalang ibinibigay mo sa akin at pagtrato mo sa aking bilang “kuya” mo.
Tommy: The pleasure is all mine Kuya!! *himatay ulit
Kenji: Hahahaha! Ewan ko sayo! Magtanong ka na nga! Hahaha!!
Tommy: Okay, ito na. Kuya, what makes you think na babasahin ng readers mo ang Book 4?
Kenji: I don’t. And honestly, I never regarded them as readers, I prefer the term friends. Hanggang ngayon kasi ay naiilang ako pagsinasabi nila na reader or fan daw sila. Hindi talaga ako sanay. Pero yun nga Tommy, hindi ako sure kung tatangkilikin pa rin ito ng mga tao. But yes, I’m hoping.
Rovi:Plastikera ka.
Kenji: Hahaha! Tse! :P
Tommy: Syempre isa ako sa mga talagang tatangkilik nito!
Kenji: Maraming maraming salamat bunso.
Tommy: Welcome po Kuya. So, sino sino ang magiging characters para sa Book 4?
Kenji: The name of the the characters ba? Ang story ay magsisimula with Cyrus. Na inlove sa kaibigan nitong si Cedric. Na ang mahal naman ni Cedric ay si Geoff.
Tommy: Isa sa mga pinaka nagustuhang character talaga ng MNB ay sila “Jenny” at “Karen”, sa book 4 ba ay magkakaroon ka pa ring same character tulad nila?
Kenji: Definitely. At BIG surprise kung sino at ano ang pagkatao nya dito! Hahaha!
Rovi: Taena ka. Parang kinakabahan ako dyan sa BIG na yan.
Kenji: Hahaha! Watch out!
Tommy: Anu ang kaibahan ng MNB Book 4 sa tatlong Books na naisulat mo? At para kanino mo ba talaga sinusulat ang MNB 4?
Kenji: Hmm. Syempre, ang PINAKA inspirasyon ko sa lahat ng pagsusulat at ginagawa ko ay ang aking Bembem. Pero this story is dedicated for those na mga nakakausap ko. Mga nagshashare ng problems about their love life. Napansin ko kasi na karamihan sakanila ay tungkol sa story na ginawa ko.
Tommy: Parang ako lang. T_T
Kenji: Hahaha! Kanina lang halos himatayin ka. Ngayon emo ka na.
Tommy: Joke lang Kuya! ^_^
Tommy: Eh, Kuya, ano nagpapaiyak sayo ng matindi?
Kenji: Hmmm.. Death. Permanent Loss na kasi ito, eh. Kahit anong pilit mong makita pa yung taong namatay ay hindi na maari. Hinding hindi mo na sya muling makikitang ngumiti, tumawa, o kahit pa umiyak.
Tommy: OMG! *cries
Kenji: Hahaha!
Rovi: Nabigyan lang ng exposure sa camera may attitude na. Sipain kita dyan Tommy eh. Ayun move on na tayo. Ang next na magtatanong ay isang indian. Opo, nabasa nyo po ng tama. Indian sya dahil di sya sumisipot sa mga mahahalagang event ng buhay ko. At oo personalan to! Chos. Hahaha! Hello DM!
DM: Grabe ka naman, Kuya.
Rovi: K.
Kenji: Hahaha!
DM: Kosa!
Kenji: Uy, Kosa!
DM: May isang tanong lang ako.
Kenji: Shoot!
DM: Ang bullying ang isa sa pinakamaiinit na isyu sa panahon natin ngayon. Masakit isipin na isa sa mga dahilan ng bullying ay ang pagigiging isang homosekswal ng isang tao. Bilang isang manunulat paano mo iuuplift ang moral ng iyong mga mambabasa tungkol sa ganitong sitwasyon?
Rovi:Ang lakas makabeauty contest.
Kenji: Sanayan lang yan!
DM: Naman!
Kenji: Pero ayun nga, katulad nga ng sabi ko kosa kanina, is lagi akong naglalagay ng hidden messages or lessons sa aking story. At ang pinaka main objective ko din kasi sa story ko is yung ipakita ang potensyal nating mga 3rd sex pagdating sa relasyon. Na matanggal sa isipan ng lipunan na porket 3rd sex na kwento ay puro sex na lang ang nilalaman nito. Gusto ko ipakita na wala tayong pinagkaiba sa mga straight couples.
Kenji: About naman sa bullying, actually nakakalungkot talaga isipin na ang dami na nitong naging issues globally, most of them pa, result to death. I was always against bullying in any kind of form. I still believe na no one has the right to manipulate or intimidate any other person in any kind of way.
Kenji: Tulad ng nabasa ng lahat sa Book 2, I focuse on the theme about “Fame”. There was a time na Larc was bullied, Ryan was bullied, tapos Alex and Kulas were bulies. Somehow, I’d like to believe na kahit papaano ay naipakita ko ang effects ng pagiging isang bully at ang nararamdaman ng mga binubully. So I hope na napulot o naintindihan ng readers ang gusto kong iparating.
DM: Ganun ba Kosa, oh sya, salamat ha!!
Kenji: Maraming salamat din!
Rovi: Actually, salamat sa matinong tanong DM. Going back, yung next na magtatanong ay may alam ako, at marami yun. Hahahaha! Hello Arn!
Arnold: Ano agad agad yan?
Rovi: Hindi pwede. Kontrobersyal ito.
Arnold: Yung totoo?
Rovi: Magtanong ka na! Hindi ako ang iinterviewhin mo.
Arnold: Ay!! Kamusta Ken ko!
Kenji: Arn ko!! Okay naman! Buti pinansin mo din ako! Kala ko, extra lang ako dito.. Hahahaha! Guys, sa mga di po nakakaalam, Arn has been a friend of mine for almost 5 years now. But then nawalan kami ng communication for 2 years. Nagkaroon lang kami ulit ng connection ng dahil sa MNB.
Rovi:Plastikera moment again, go para sa ratings.
Kenji: Ang kontrabida mo! Ruby?
Arnold: Ang daming Kuda, ha!
Kenji: Hahaha!
Arnold: So ok, ito ang unang tanong ko. kung nabasa ni Boy Abunda ang gawa mo at na impress ito at inimbitahan kang mainterview. Katulad ng nakagawian ni Tito Boy inilabas nya ang mahiwagang salamin ano ang sasabihin mo sa reflection mo?
Kenji: Hmmm. I would make myself smile muna. And tell myself na just keep doing what you love. And always be thankful for all the blessings na natatanggap mo. And always put God in everything. At syempre, stay humble.
Arnold: Kung merong isang chapter ang irerevise mo sa lahat ng MNB series ano ito at bakit?
Kenji: Actually, wala. Kung ano man ang naisulat ko was written from the heart. Bawat emosyon, eksena at pagkakataon ay feeling ko naging angkop for the whole story.
Arnold: Most people ay na hook talaga sa pagbasa ng MNB series at syempre di mo rin maiiwasan na may mag bash. Naaapektuhan ka ba ng mga paninira o masasakit na salita? Ano ang ginagawa mo para malampasan mo ang mga ito?
Kenji: There was one time na nagreact ako sa basher. Pero one time deal lang talaga yun. Isang pagkakataon na kahit ikaw, alam mong hindi ko talaga ginagawa. It just so happened na pag gising ko ay yun agad ang nakita ko. Hahaha!!
Rovi: That just wasn't one time. Remember the time about sa grammar issue yung “You literally shatter me into pieces?” Hahaha!
Kenji: Ay, Oo!! Nakalimutan ko yun, ha..
Kenji: But after that, hindi na sya naging malaking fuss sa akin. After ko masabi ang gusto ko ay okay na naman ako. Nasabi ko naman ang gusto ko directly sa taong concerned. So okay na.
Kenji: And hindi naman ako emotional sa ganun. Masyado ng maraming dumaan sa buhay ko para intindihin ko pa ang mga bashers. Pero now, honestly. Wala akong sama ng loob kahit kanino.
Arnold: Kung may director na nakabasa ng ng series ng MNB at nag offer na isasapelikula ito. Papayag ka ba at may mga naisip ka na bang artista na gusto mong gumanap?
Kenji: OMG!!! Sino bang hindi papayag sa ganyang offer!! Hahaha! OO agad ang isasagot ko nyan for sure!! About sa mga artista naman, wala akong maisip kung sino. Ang daming magaling na actors ngayon. And magiging honor ko na kahit sino pa ang gumanap.
Rovi:Paano kung si Kuya Germs ang gumanap? Bet? Saka si Betong.
Kenji: Oo nalang, ha!! Try mo muna iimagine bago mo i-suggest, ha! Hahahaha!
Rovi: Hahaha!
Arnold: Kung may isang maimpluwensyang tao ang gusto mong makabasa ng MNB series sino ito at bakit?
Kenji: Kris Aquino. Isa sya sa mga idol ko kasi. Once kasi ako nakabasa ng ginawa nyang article and GAWD! Was she intelligent! At isa pa, favorite ko din si Ms. Kris Aquino.
Arnold: Ang showbiz ng sagot mo, ha!
Kenji: Mas mashowbiz kaya ang tanong mo! Hahahaha!! Anyway, Arn ko, thanks sa pagpapaunlak mo sa favor kong ito.
Arnold: Anytime Ken.
Rovi: Salamat Arnold. May alam ako pero di ko sasabihin! Chos. Ang susunod po ay sobrang babait na mga tao. At take note, magkapatid sila. Isang merlat at otoko. Sila po sina Foxriver at Riley o Atiii Aronn at Kuya Victor sa totoong buhay! Hello!
Aronn and Victor: Hi din sayo, Rovi! *kaway
Rovi: Terey, may fans.
Aronn: Kik! *kembot!
Rovi: Terey talaga! May choreography pa!
Victor: Hahaha!
Aronn: Kennnnnn!!!
Kenji: Atiiiiiii!!
Victor: Hi Ken!
Kenji: Hello po Koya!
Aronn: So, ako muna ang magtatanong Ken! Diba, series itong MNB,bakit independent ang plot?style mo ba yun o may ibang dahilan?
Kenji: Hmmm. Siguro kasi gusto ko bigyan ng variety ang readers pero with the theme of bestfriends falling for each other. Ewan, I find it romantic kasi, eh.
Aronn: Actually ako din!
Kenji: Kaso curious lang ako atiii. Sa mga di nakakaalam, ako na ang magbubunyag. Isa ka pong tunay na babae ngunit bakit mo nagustuhan ang MNB kahit pa m2m series ito?
Aronn: Kasi siguro Ken, mahilig na talaga akong magbasa kahit bata pa lang ako..aaminin ko wala akong alam sa mga ganitong istorya..until my brother told me about these..nung una na curious lang talaga ako kung paano ang ganitong klaseng kwento..until i read Minahal Ni Bestfriend book 1..nakuha ng kwentong ito ang pansin ko maybe because of the title..then i start reading it..for some reasons nagustuhan ko talaga sya..until Ken released the second book..ito na talaga yung masasabi kong super sinubaybayan ko,to the point na naapektuhan din ako ng mga eksena..kahit kelan naman ay di naging issue sa akin ang kasarian kaya siguru mas madali kong na appreciate ang mga ganitong klaseng kwento..ang sa akin kung may puso ang isang kwento babasahin ko..at marahil yun ang naging dahilan ko kung bakit sinubaybayan ko ang MNB..katulad ng titulo nya Minahal Ni Bestfriend,minahal ko na rin ang kwentong ito..
Kenji: Awwww. Natouch naman si ako.
Victor: Totoo yun, Ken.
Kenji: Maraming maraming salamat po Koya! ^_^
Victor: Ako naman ang magtatanong. May bagong Dark_Ken ba kaming mababasa sa MNB 4?
Kenji: Hmmm. I would like to believe so. Masasabi ko na talagang pinag isipan ko ng mabuti ang plot nito. And so far, dito din ako mas nahirapan dahil mas chinallenge ko yung sarili ko dito.
Victor: Sa mga characters sa MNB 4,meron bang "Ryan" na tatatak sa isip ng babasa nito?
Kenji: I hope. Naging napakalaking character ni Ryan sa series ko ng MNB. Tinakpan nya ng mabuti si Jerry ng first book. Pero sa tingin ko din, na sa Book 4 ay hindi lang ang main character ang mag sstand out.
Aronn: Tunay nga na minahal namin ang Minahal Ni Bestfriend dahil sa pagpapakita ng kababaang loob.Dito sa MNB 4,may makikita ba kaming kakaibang tapang sa main character?
Kenji: Definitely. Ibang iba ang magiging character ng main lead ko dito. Baka nga mainis pa kayo sakanya.Though syempre, may kabaitang taglay ito kahit papano. Hindi mawawala yun.
Victor: May plano ka ba na i-publish as a book ang series na ito MNB?
Kenji: SANA!! Hahahaha. Wala naman sigurong masama na mangarap, diba? People always asked me kung bakit daw hindi ko ito ipubish as a book. Hahaha>> Yun muna sagot ko.
Aronn: Maraming maraming salamat sa pagsshare mo sa amin ng iyong talento Ken. Just stay humble as you are. Sa totoo lang, mas minahal ka namin, lalo na kami ni Kuya dahil doon.
Victor: True.
Kenji: Ako naman kasi Atii and Koya, hindi ko binibilang kung ano yung nagawa ko para sa isang tao. Kasi mas nakikita ko yung ginawa nila para sa akin. Kaya naman wala talaga akong sawang magpapasalamat sa inyong lahat lahat.
Aronn: Kaya naman sobrang love kita Ken, eh! Kaya nga sinabi ko sayo na ikaw talaga ang pinaka favorite author ko sa lahat. At nagpapasalamat ako na nagkakilala tayo.
Kenji: At thankful din ako Atii na nagkakilala tayo Atii.. Kaya muli, maraming maraming salamat po. Sayo din po Koya.
Aronn and Victor: Youre welcome Ken!
Rovi:Oh my G! I'm so honored like an honor student to introduce our next guest. Sya ang isa sa aking mga hinahangaaang manununulat. Ang aming ina, na ina ng awa, na ina ng mga tala, ina ng mga puro, ina ng mga malilinis, Ms.Dalisay Diaz!
Dalisay: Salamat anak.
Kenji: Good Afternoon Mama. *mangha
Dalisay: Sayo din, anak.
Kenji: Oo nga po pala.. gusto ko po muna magpasalamat sayo Mama.
Dalisay: Para saan?
Kenji: Kasi ikaw po ang unang nagbukas ng pinto sa akin para magpost.. MNB was first posted sa blog mo po.. Kaya maraming maraming salamat po. Sobra po.
Daisay: Wala yun. Since then you have proven to have your own set of followers. Treasure them. Ako, nandito lang ako to guide and watch you mga anak ko.
Kenji: Kaya nga po sobrang nagpapasalamat ako sayo Mama. Sa totoo lang po, pag may nasasabi kayo about my work ay talaga pong kinikilig ako sa tuwa Mama.. It means a lot to me po..
Dalisay: I seldom praise another writer's work. But when I do I make sure the credit will be sent or know to where the credit is due. I have seen your progress kaya don't hesitate to try other things in terms of writing. Go for the gold lagi.
Kenji: Salamat talaga Mama!! Ayan, kinilig nanaman ako! ^_^
Dalisay: Okay, magtatanong na ako. Sino at ano ang inspirasyon mo to write meaningful and touching stories?
Kenji: I remember noong una po akong nagsulat, ang unang pumasok sa isip ko ay yung mga katulad ng case ko. Na somehow, mailabas nila yung pain na meron sila.
Dalisay: Lahat ba ng nangyari sa MNB1 ay nangyari sa totoong buhay?
Kenji: Most of it happened po. Chinange ko lang po ang setting, and name po.
Dalisay: What made you write a story about yourself?
Kenji: Hmmm.. Kasi po it made me the person that I am today. Hindi man perfect, pero mas matatag. Somehow, gusto ko iparating yung mga lessons na natutunan ko sa buhay ko.
Dalisay: Maiba naman tayo ng kaunti. Paano kayo nagkakilala ng bembem mong si Jhas?
Kenji: Ayieeee! Kinilig ako diba? Hahahaha. Kaibigan po sya ng kaibigan ko din po Mama. Ayun. Hihihi. Landi ko.
Dalisay: Sige, anak!
Kenji: Hihihi!
Dalisay: Ok. Final question at alam mo namang busy ang Mama. May aabangan pa ba kaming story bukod sa MNB4?
Kenji: Opo. And hopefully makagawa din ako ng kwento na out sa “bestfriend” theme.
Dalisay. Okay, anak. Basta pagbutihan mo, ha.
Kenji: Opo, maraming salamat po ulit sa pagpayag nyo sa interview. Sobrang thanks po! ^_^
Rovi: nakakapagod magintroduce. Pasalamat ka nakow. So ako na ang magtatanong ha? Atlast.
Rovi: Ilang books pa ang MNB? Kakabugin ba nito ang Daisy Siete at Shake Rattle and Roll?
Kenji: Ahaha! Natawa naman ako sa Daisy Siete at Shake, Rattle, and Roll! Hindi ko alam ang kasagutan sa ngayon dahil di ko pa nga nalalagpasan ang 7 Books ng Harry Potter! Hahaha!
Rovi: Ano ang koneksyon ng MNB sa buhay mo at bakit parang di mo to malet go?
Kenji: Sa Book 1 lang naman talaga ako super overly connected Rovi. Kaso siguro kasi napaka romantic para sa aking bestfriends falling for one another.
Rovi: Ano ang pagkakaiba ng New Book sa mga nakalipas na MNB?
Kenji: Maiinis ang mga tao sa mga scenes. But I know, maraming makakarelate.
Rovi: Sino sa mga characters ng MNB ang gusto mong alisin pero dahil kailangan, sinama mo?
Kenji: Ang minamahal nung love interest ng bida.
Rovi: Personal sayo ang MNB diba? So bakit pinupursue mo pa rin kahit nasa isang masayang relasyon ka na? Hindi ba mahirap gunitain ang past? Don't you find it a bit disrespectful sa current partner mo?
Kenji: Sabi ko nga kanina, the first book was indeed a little personal. But Books 2 and 3 were fiction naman so I think okay na naman. And yes Rovi, I am very happy with my current status. Disrespectful? Hindi naman. Kasi alam kong andyan sya at sumusuporta sa akin. Eh yun mismo ang nagiging inspirasyon ko sa pagsusulat.
Rovi: The reason why I find it difficult to update Unbroken 2.0 is I am no longer sad and I am indeed, in a happy relationship. Don't you find yourself struggling writing? given the fact that you too are in a happy, committed relationship.
Kenji: Sobra Rovi. I need to be kasi in the scene wherein minsan kailangan ko maging sad kahit hindi naman ako malungkot talaga. Tulad na lang sa Books 2 and 3, diba? Puro hurtful moments. Pero most of you know that I’ve been sick and that made me very sad. So dun ako humugot ng kalungkutan ko.
Rovi: Sino sa mga characters sa MNB ang nagpapakilig sayo whenever you remember the scenes that had happened? Kanino naman yung pinakanagbibigay ng kurot kapag naaalala mo?
Kenji: Sa kilig, it would be Andre. Gawd! Too good to be true na kasi sya. He pursued Ryan kahit pa naging napaka risky nito sa part nya. Sa nalulungkot naman, si Jerry. Kasi yun yung time ng buhay ko na naging napakalungkot ako.
Rovi: Anong masasabi mo sa boom ng MNB group at dun sa iba na gumagaya na rin? Charottttt! Hahahaha! Though, thanks for the opportunity to be one of the admins and writers ng page at blog. And thanks for the friendship. And yes, your final message. :)
Kenji: Ayoko sumegway ng issue, ha! Hahahaha.
Rovi: Eklatera! Bilis na! Ang haba na ng teaser mo! Gow!
Kenji: Hello po muli sa inyong lahat! Ako po itong muli. Si dark_ken na naghatid sa inyo ng series na “Minahal ni Bestfriend”. Una po muna ay gusto kong magpasalamat sa lahat lahat. And I mean sa lahat lahat ng sumuporta sa aking series. At sa lahat lahat ng naniwala sa aking munting kakayahan. If it wasn’t for you guys, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na magpatuloy magsulat.
As many of you may know, MNB series was supposed to be a one time shot lang. Walang Book 2. Tapos ang usapan. But then, dahil na rin sa tulong ng mga tao sa paligid ko, most especially ang aking Bembem na laging naandyan to support me, is nadagdagan ang unang series nito hanggang sa umabot ng Book 3.
Marami po ang nagbigay mensahe sa akin through email, comment posts, and fb messages na sana ay gumawa po ako ng another installment for MNB. At dahil po sa mga taong nagbigay lakas loob. Maguumpisa po ulit ang bagong yugto mula sa inyong lingkod.
Bago ako magsimula about sa Book 4, ay may mga tao akong gustong pasalamatan. Unang una ay ang aking Bembem na walang sumusuporta at umiintindi sa aking mga pagkukulang. Kasi sya din ang naging puno’t dulo ng aking inspirasyon. Hindi lamang sa pagsusulat ngunit sa lahat ng bagay na ginagawa ko.
Pangalawa ay si Mama Dalisay at si Zack ng BOL. MNB was first posted sa blog ni Mama Dalisay. And, una ko po itong naipost sa blog ni Mama Dalisay under my name. Dito po unang naipost ang first 2 chapters ng Minahal ni Bestfriend. She welcomed me in her blog kaya naman sobrang pinagpapasalamat ko ito. It was weeks after bago ako naapprove sa BOL at ibang blogs.
Also, I would like to thank Kuya Mike Juha. I remember I first read his works sa BOL din. At doon ako nainspire magsulat. Ang galing kasi talaga ng mga stories nya and I know na walang kokontra sakin dito. So, after ko makapagpost sa blog ni Mama Dalisay ay inintroduce nya ako kay Kuya Mike. Kaya naman napunta ako sa MSOB Family na talaga namang sumuporta din sa akin.
There, I met friends na napalapit sa akin. Lalo na si Rovi Yuno or mas kilala ng iba na si “Unbroken”. I remember pa nung una, we used to argue o mag debate about things, hanggang naging okrayan, biruan, na lalong mas naging nakapagpalapit nya sa aking puso. Then there, nakilala ko din sila Jojie, Erwin F., DM, Ormhel, at marami pang iba.
Muli po, ay nagpapasalamat ako sa inyong lahat lahat. Kaya po mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming maraming maraming salamat po sa inyong lahat lahat.
Bago po magtapos ang lahat ay nais kong pasalamat ang nagpaunlak sa aking munting interview. Unang una na sa aking Bembem na laging andyan to support. Kay Rovi Yuno na naging host ng interview na ito at sa mga guests nating sina Mama Dalisay, Patrice, Tommy, Arnold, Jojie, Dm, Aronn, Victor, Arch, at Arl.
At ngayon po ay taos puso kong inihahandog sa inyo ang ika-apat na yugto ng aking munting akda.
“Minahal ni Bestfriend: Desperado”
No comments:
Post a Comment