Wednesday, October 17, 2012

Chris' Song

Note: Lyrics were taken from Alessandra De Rossi's Geena's Song. Lyrics weren't mine. :)


I sat on that comfy piano chair. I gazed at all the people, seeing their smiles from here made me nervous. Yes, I was shaking. Kung pwede na nga lang akong matunaw sa hiya gagawin ko na. It's my first time and anong ieexpect natin? It's normal for me to feel this way, I feel so nervous.

I just wore that black polo and short shorts with my black hi-cut shoes. Emo ba ang dating? Nope. It's just that I love black so much for it gives my body a better shape.

People are eyeing on me. Alam kong nagaantay sila sa pagbuka ng bibig ko. Hinanap kita sa audience. Just then I realized, hindi mo alam ang event na to.

Sumenyas sa akin ang organizer, wari'y nagtatanong kung okay na ba ako, tango ang sinagot ko hiwatig ng pagpayag. Mas naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko.


“Ladies and Gentlemen, now our last composer for our songwriting contest, Chris Oficiar.”

Palakpakan.

Nagsimula ko ng laruin ang bawat tiklado ng piano. Intro. Sunod nito ang pagbuka ng aking bibig. Mahangin at mababa. Naramdaman ko na ang pagkalma ng aking katawan. Para sa'yo to.


Cold, the lights are low and here I close my eyes and breathe, inside your arms I lie and I cry.



Natatandaan ko pa kung paano naging tayo. Sinagot kita makalipas ang ilang linggong panunuyo. Everything then was perfect. We had nice dates, we had nice plans for the future, we had great companionship. Susunduin mo ako sa office makalipas ang work shift, kakain tayo hanggang midnight at magtatawanan habang nagmomovie marathon. Devoted ako sayo, at ramdam ko rin na ganun ka sa akin. We exchanged text messages almost every minute. You call me often, at you know what's funny? Kapag time na to say goodbye, walang gustong magbaba ng phone sa atin. So we normally end hanging the phone after counting to three.


Love, I don't know what I'm doing wrong, please tell me what you mean. Don't go, I've given everything.

Not until a year. Hindi ko alam kung paranoid lang ako or what. Nakaramdam nalang ako na nagiging cold ka. I don't know why. Alam mo yung pakiramdam na t'wing nagsasabi ako ng I love you sa'yo, pakiramdam ko nararamdaman mo lang na obligado kang sumagot kasi tayo? Alam kong hindi isang tanong ang mga salitang I love you pero gusto ko pa rin marinig ang isasagot mo. Kung hindi ko sabihin ang lambing na yon ay hindi ko rin iyon maririnig mula sa'yo.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang ang pagiging cold mo. May mga panahon na sisigawan mo ako at ipapahiya sa mga kaibigan natin. Tiniis ko lahat yun. Dahil mahal kita. Takot akong mawala ka. Kaya never akong nagtanong kung ano ba talaga ang nangyayari satin dahil baka di ko kayanin na may sagot kang di ko magustuhan. Syempre, dahil iyon sa mahal kita.


Tell me, everything alright. Don't tell me it's not right and ask me to let go.
If loving you is all I know, don't leave me in the cold.

There was this one time, kumakain tayo sa restaurant. Di ko sinasadyang matabig yung bowl ng soup at tumapon sayo. You were so furious then. Sobrang init ng ulo mo nung araw na yon.

Putangina kasi ang tanga-tanga mo! Tignan mo nalang ang ginawa mo sakin? Paano na ako nyan? Basa na yung pants ko ng soup? Oh ano ngayon? Putangina naman ang bobo mo! Bagong bili pa naman to Chris. Tangina ka naman oh!

Naalala mo ba yung panahon na yon? Sobrang pula ko nun sa kahihiyan. Ikaw ba naman ang murahin sa harap ng maraming tao at ipahiya, matutuwa ka ba non? Nagalit ako oo, dahil pwede namang pagusapan nating dalawa, pero anong ginawa? Nagwalk-out ka. I was left alone sa restaurant at lahat ng mga mata ng tao ay nasa akin. I felt so small. Mabilis nalang akong nagbill-out at umalis sa lugar na yon. I hailed a cab at doon ako umiyak. Dumating ako sa bahay at nakita ko na nandun ka. I was crying. You were extremely mad. Hindi ka nakapagtimpi at napagbuhatan mo ako ng kamay. I was so shocked then. Hindi ko alam kung paano at bakit mo nagawa. Mabilis akong lumabas at tumungo sa bahay ng bestfriend ko. Umiyak ng umiyak. Hanggang sa mapagod. Hanggang sa magsawa.

Kasi naman Chris bakit pa kasi hindi hiwalayan? Hindi na nga tama ang trato sayo diba?

Mahal ko eh. At kasalanan ko naman eh. Natapon ko yung soup. Mainit kaya yun.

Kahit na. Hindi pa rin tama that he humiliated you in front of many people. At ngayon, he hit you. Anong sunod? Papatayin ka nalang nya?

Hindi nya magagawa yun. I understand him. Alam kong pagod lang sya sa trabaho. Alam kong stressed lang sya.

So ikaw ang stress ball nya?

Hindi kaya may iba na naman ang jowa mo? Nagloko na yansayo dati. Tanga ka lang talaga.

Hindi ah. Wala syang iba. Alam kong ako lang ang mahal non.

Ikaw lang? How come na humanap ng iba?

Hindi na ako nakaimik.



Without you it's not better. Without you, nothing matters. Nothing matters.

Makalipas ang insidente na yon ay nakita nalang kita sa pinto ng bahay ng bestfriend ko. Natakot akong lumabas pero hinatak mo ako. Niyakap mo ako ng mahigpit. Humingi ka ng tawad. Dahil sa mahal kita, dahil sa malambot ako, pinatawad kita, agad-agad.



Here I lie and I don't try to hide the love and still I die it's something you don't feel.

You became sweet again pero makalipas ang ilang araw, bumalik ka na naman sa dati. Hindi ka na umuuwi ng maayos mula ng magsama tayo. Lagi kang lasing at magulo ang buhok. Amoy-alak at yosi. Napapabayaan mo na ang sarili mo. At konting kibot ay mararamdaman ko ang kamao mo sa mukha ko. Iniisip ko na matatapos din to. Iniisip ko na babalik ka rin sa dati kapag hindi ka na stressed sa trabaho. Iniisip ko na babalik din yung lalaking minahal ko nung simula palang ng kwentong ito. Babalik ka rin. At magaantay ako.



There's no use in walking out that door, it's something to fight for.

It was our anniversary, I was very enthusiastic. Last year you surprised me. Hindi mo ako binati hanggang matapos ang araw. At pakiramdam ko gagawin mo ulit yun. Last year ay nagluto ka sa bahay without me knowing. Tapos we had dinner by candlelights and yes, that was the most romantic thing you've done.

Alam mo yung feeling na nageexpect ka ng something paguwi mo sa bahay? Hindi mo alam kung ano yung surprise na dadatnan mo? I filed an undertime sa office at nagdahilan nalang. I think it was around 2pm when I decided to go home. Naisip ko na ako nalang ang magluluto para maiba naman. I bought some stuff sa grocery and hailed a cab home.

Nagtaka ako dahil bukas ang bahay. Nagmadali ako. You must already be there. Pagcheck ko sa kwarto andun ka nga. Halatang namutla ka sa gulat.

What are you doing here?

I filed an undertime. Anniversary natin so I planned to cook for us sana.

Just right then, I saw someone come out of our bathroom, nakahubad, and you too yourself were naked. Hindi ako nakapagsalita. Nagunahan nalang yung mga luha ko. Amazing Race Asia ang drama. Paunahan sa pagpatak. Sa sobrang panghihina ko, nabitiwan ko nalang ang mga napamili mo.

Ha-happy Anniversary.

Patuloy pa akong umiyak. Hanggang sa mabilis nalang na tumakbo ang mga paa ko palabas ng bahay.

Muli akong tumakbo sa bestfriend ko. Wala syang choice kundi makinig sa lahat ng sentiments ko.

Anong plano mo ngayon? Ayan na. All this time, niloloko ka lang pala nyang jowa mong gago. Siguro naman oras na para magising ka na diba? Tama na yung mga pangbubugbog. Tama na yung mga pangloloko. Di pa ba sapat na mas mahalin mo ang sarili mo?

Hi-hindi ko alam.

Gago ka. Humanap ka na nga ng iba. You don't deserve him. Ang tanga mo alam mo yun?

Alam ko.

Oh. Alam mo naman pala eh. Bakit hindi mo pa gawin? Humanap ka na ng iba!

Ganun ba kadali?

Hindi.

Alam mo namang hindi madali diba?

Alam kong hindi madali pero alam kong nakakapagod.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

Alam mo friend, kung may sahod lang at tax-free ang pag-aalaga at pagpapakatanga sa isang taong hindi ka naman pinapahalagahan kahit isang kembot lang, sobrang yaman ko na siguro.Pero hindi naman ako nagrereklamo, mahal ko eh. Yun nga lang, parang ako nalang ng ako

Timang. Ikaw na lang talaga ng ikaw. Di mo ba maramdaman na parang wala lang sa kanya? He takes you for granted. He takes you for nothing. Parang wala ka lang sa kaniya. Mabubuhay at mabubuhay sya ng wala ka.

Those words of my bestfriend hit me. After ko marinig yun, nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Pinilit kong maging matapang pero alam ko, at the end of the day, kahit gaano pa man ito kasakit, sya pa rin ang laman ng puso ko.

Please. Save yourself. You already suck. You're hurt and stuff but please save yourself. In the nearest time possible, nakikita ko na masisiraan ka na ng ulo.

I suck. Yes, I do. Alam ko. Pero mahal ko eh.

Tangina namang pagmamahal yan. Di ba pwedeng pagmamahal sa sarili muna?

You know what sucks? Whenever he bad mouths me, when he hits me, whenever he cheats on me, I tell myself, ayaw mo na Chris, titigil ka na Chris, pagod ka na Chris. Pero kapag andyan na sya, konting halik lang sa pisngi ko, tumutupi na ko. Nakakalimutan ko lahat ng sinabi ko.

Holy Shit! You are one helluva stupid guy. I swear.

Ma-mahal ko eh.

At di na sya nakaimik.




And tomorrow i'll love you so much more.

That same night, I was in deep pain. For the second time, nahuli kitang nagloloko. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko pang maramdaman. Mahihiya ba ako sa sarili ko o maawa? Hindi ko alam. Umalis ako sa bahay ng bestfriend ko at naisipang maglakad. Napadpad ako sa isang bar at nakita ko ang karatulang nakalagay. Songwriting competition. Hindi ko alam kung bakit ako pumasok at naginquire, the next thing I know ay sumusulat na ako, isang bagay na sobrang tagal ko nang hindi nagawa.

Ilang araw kitang hindi nakita. Umuwi ako sa bahay para dun tumira. Nagtatanong ang aking mga magulang kung ano ang lagay natin pero hindi ko sila sinagot. Pumasok ako at nagisip-isip. Hindi ko alam pero sa ilang araw ko na hindi ka nakita, mas yumabong ang pagkamiss ko sayo. I'm hurt, big time, pero hindi ko alam na sa kabila ng sakit na yon ay parang mas hinahanap kita. So masokista talaga ako?


Tell me, everything alright. Don't tell me it's not right and ask me to let go.
If loving you is all I know, don't leave me in the cold.

Naiisip ko ang mukha mo. Kung paano ka tumawa, kung paano matulog. Naiisip ko yung dating ikaw na kilala ko. Siguro nga na lahat tayo ay nagbabago. Kaya pa rin kitang tanggapin. Sabihin mo lang. Hindi yung ganito na sasaktan mo ako ng sasaktan. Pwede rin siguro akong mapagod? Pwede rin akong humindi? Pwede rin akong magalit? Pwede ba?


Without you it's not better. Without you, nothing matters. Nothing matters.

Hindi ko malayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Tapos na ang aking kanta. There was silence.

“Thank you,” ang tanging salitang nasabi ko.

Then there was an uproar among the audience. I tried to compose myself again. I smiled and waved at the people. Halata sa kanilang mga mata ang sadness na naramdaman ko. I took my last bow.

There was another uproar.

Mabilis akong bumaba ng stage para bumalik sa aking upuan nang biglang may humatak sa akin, ikaw. Ako ay nagulat at napatulala.

“We need to talk,” sabi mo.

“Yes, we have to,” sagot ko.


W A K A S




5 comments:

Anonymous said...

ha ha, talagang ako ang naging inspirasyon mo,

i can relate, somehow, especially with Amazing Race Asia, at may bago akong pinapanood ngayon, Amazing Race Australia at Amazing Race 21,

i was touched and moved, less the cheating and hitting part, this story resembles 5% of our life,

i almost cried, kung wala lang ako sa office, he he, siguro sa susunod na hindi kami magkasundo iiwasan ko talagang basahin ito,

you know our story, kagaya nga ng nasabi ko sa'yo ng maraming beses, ako madalas ang puno't dulo ng tampuhan namin, it's about 20/80,

yun lang,

bx,

dark_ken said...

Ang hilig mo magpaiyak noh? Hahahha.

Grabe ka, kakagising ku lang at pinaiyak mo ako.. nakakarelate kasi ako dito.. hehehe. sobra. :P

Lawfer said...

bumalik na mood q sa pgbbsa... sry bout last nyt and thanks dn :)

ngaun q lng xa nbsa, ntbunan na kc sa dashboard x.x

ung story, sad, yeah... peo honestly nkulangan aq :(
ejo light pa dn xa kesa mga prev heavy drama short stories m...
peo, it’s really nice pa dn... andun ung spirit ng story, andun ung pgkakauntog ng bida (nauntog nga ba? xD)

thanks thanks sa story, still waiting 4 ang mang-aagaw and unbroken 2 update :))

unbroken said...

Sinanay mo kasi na sad endings ang perception mo sa mga gawa ko.Hhahahahaha

Rogue Mercado said...

Ngayon ko lang nabasa to.

Clap clap. Nakarelate ako. -_-