Sunday, October 7, 2012

Bullets for my Valentines- Part 29

Author's Note:

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalanay di po sinasadya. Maraming salamat po.


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:

Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

-----------------------------------------------------------------------------------
Salamat po sa lahat ng nag comments.... nakakataba po ng puso na nagcocomments po kayo.. ncxia ngayon lang nag comment.. busy at walang net kami this past few days....

kila:

1. Exoxi
2. cappuchino.RAE
3. mans
4. Jm_virgin2009
5. anonymous
6. lawfer
7. Kiero
8. Arsteve
9. ANDY
10. Barbara
11. Diumar


abangan po pala ninyo..ininterview ako ni Ms. Barbara... hahah.... commercial lang.. ayun... hahaha...

Sino dito nakita na pics ko? hahaha
---------------------------------------------------------------------------------


Bullets for my Valentines
Part 29
"Love me like before" 


Always here,

Dylan Kyle Santos


videokeman mp3
Parting Time – Rockstar Song Lyrics



***************************************************************


[James’ POV]

Umalis sila mama at baby ko papuntang mall. 

May bibilhin daw sila. 

Tinatamad naman akong sumama. 

Pagod kasi ako this past few days. Haixt. 

Di ko alam kung itetext ko ba si Arwin o hindi.


“Kamusta ka na? okay ka na ba?” siyempre hindi yan okay kaya erase ulit. Haixt naman.


“Mahal kita…” then.. arghsh… isesend ko ba?


Nilapag ko yung phone ko sa may table sa salas. 

Ang tagal naman nila. Sana may pasalubong sila sa akin. 

Kakabagot naman. 

Yaen na nga. 

Wala namang pasok. 

At least may pahinga diba? Hahaha.

Nood ng TV then biglang nag beep yung sasakyan sa labas. 

Anjan na sila. Wiih. Salamat. 

Ang batugan ko kahit kelan pero maganda pa rin ang katawan ko kahit ganun. I’m, to sexy for your love. Sabi ko sa sarili ko gwapo ako sobra. Ghahahha. Yabang ko no?

Nood pa rin ako ng TV kahit na alam ko na nandun sila. 

Kinapa ko yung cellphone ko at yun nakita ko yung text. 

Isesend ko ba to? 

Naramdaman ko na pumasok si mama sa may pinto.


“Oh ma nanjan na pala kayo.” Sabi ko habang nanonood ng TV.


“Daddy!” sigaw ng babay ko. 


Agad akong tumayo nung lapitan niya ako. hinalikan niya ako sa pisngi.


“May surprise ako sayo..”


“Ano yun?”  tinuro niya yung direkyon ng taong nakatayo banda doon.


Yeah. May tao pala doon. Di ko napansin. 

Then pag angat ko ng mukha at ng makita ko yung taong yun napanganga ako. OoO ganyan expression ng mukha ko. 

Then suddenly di ko sinasadyang mapindot yung send. My God. Patay ka.


“Beep beep.” Narinig ko na tumunog yung cellphone niya. 

Oh no paano na yan. 

Nagbago bigla yung reaksiyon niya nung mabasa ito. 

Itinaas niya yung phone at nagtatanong kung ano yun.


“Ah eh….”


Patay na. ano ang …. Aha… alam ko na. kahit awkward.


“GM” ang panget ng reason ko. Hahah.


Eh wala akong maisip eh. 

Bakit ba? 

Back to the reality, wow, pumunta siya dito? 

Binibisita niya ako? mahal na ba niya ako?


“Nabisita ka?” sabi ko.


“Daddy… andito na si daddy…. Buo na tayo… yehey…” tapos nalundag lundag pa si Khail.


“Oo nga baby eh…” ang nasabi ko.


“Si baby kasi eh mapilit.. kaya ayun sumama na ako.. since malapit lang naman yung bahay ko dito.”


“Ah ganun ba… galing talaga ng baby ko..” sabi ko. Yeah. Ang galing mo baby, isinama mo dito ang mahal ko. May reward ka talaga sa akin."


“Upo ka.” Sabi ko.


“Sige… salamat.” Sabi niya.


“Baby halika muna..” sabi ko kay Khail kasi kinukulit si Arwin.


“Ayos lang. Namiss ko tong bata na to eh.”


“Inaalagaan ko yan…” ang awkward ng sinabi ko.


“Salamat…”


“At mahal kita…” sabi ko bigla.


“Huh?” nakita kong nakakunot ang noo niya.


“Sabi ko mahal ka niyang batang yan. Lagi kang hinahanap niyan eh.”


“Oo nga. Sabi nga niyan sa akin.”


Hinalikan niya yung pisngi ni Khail. 

Kakainggit naman. 

Sana ako na lang si Khail para makakhalik ako kay Arwin.


“Kakaiinggit naman.” Sabi ko na lang.


“Tumahimik ka jan.” narinig ko na lang na sabi niya. narinig niya siguro yung sinabi ko.


 “Hehe na lang.” sabi ko.


“Mainggit ka jan.” sabi nito.


“Baby… bat ikaw lang ang kinikiss ng daddy mo naiinggit ako.” mukmok ko.


“Tumigil ka ah.” Sabi nito.


“Baby… oh…”


“Daddy kiss kayo ni daddy.” Sabi ni Khail. It is my chance. Hahaha.


“Baby… no… di pwede..”


“Bakit mag kagalit ba kayo ni daddy?”


“Di naman.. pero..”


“Kung di kayo mag kiss ibig sabihin mag kagalit kayo…”


“Ah eh..” lumapit na ako.


“Kiss na kasi.” Sabi ko.


“Lagot ka sa akin…. Pakana mo to eh..”


“Para paraan lang.”


“I hate you…”


“I love you..”


“Nadidiri ako..”


“Naeexcite ako..”


“Mahiya ka nga.”


“Ayoko nga.. this is my chance so grab it.”


“Iwww.” Sabi niya. hinawakan ko mukha niya.


“Alam mo tagal ko tong hinintay.”


“Tanggalin mo kamay mo sa mukha ko.”


“Daddy nag aaway kayo?” biglang umiyak si Khail.


“baby hindi..” bigla akong hinatak ni Arwin.


“Bati kami ng daddy mo.” Tumingin lang siya sa amin.


Nagulat na lang ako sa sunod na nangyari. 

Hinalikan ako ng Arwin. 

OO HINALIKAN. 

Dahil sa gulat hindi agad nag sink in sa akin yung nangyari. 

Tapos bigla na lang siyang humiwalay.

Teka wala pa, bat ambilis. 

Hinigit ko siya at hinalikan. Yeah. 

Nakakadami na ako hahahha.


“Yehey.” Nag cheer si Khail. 

Napangiti naman ako samantalang si Arwin naman ay nakayuko lang.


“Mga para paraan mo talaga eh.” Sabi niya bigla.


“Heheeh… sarap… isa pa nga… dali..” sabi ko.


“Wag ka ngang ganyan… parang walang meron ah?” oo naalala ko galit siya sa akin. Kung hindi dahil kay Khail eh di siya pupunta dito.


“Gusto kong makasama si Khail ng isang buong araw. Pwede be?”


“Ayos lang.. ibig sabihin mag oovernight ka?” parang nabuhayan akong sinabi yun.


“Hindi… ibang araw pa… wag kang excited.”


“ang cute mo kapag nagsusungit ka.”


“Wala akong paki…” si Khail naman enjoy na sa pag lalaro. Haixt.


Ang swerte ko na mag karoon ako ng baby. Hahaha. 

Pero anong gagawin ko ngayon? 

May bf na tong si Arwin. Anong laban ko? Haixt naman.

Nakukuntento na lang ako sa patingin tingin sa kanya. 

Ano pa ba ang magagawa ko? 

Mukhang kukulamin niya ako kapag lumapit pa ako sa kanya. 

Bakit kasi ang tanga tanga ko dati? Haixt.

Kung alam lang niya kung gaano ko na pinag sisishan yung ginawa ko. 

What a life naman. Haixt. Buhay buhay. 

Dito na naming pinakain ng dinner si Arwin. Yeah. 

Hindi na muli ako nakipag usap.

Mukhang ayaw din naman niya ako makausap eh kaya behave na alng ako.

 I love you Arwin, yun lang ang masasabi ko. 

Alam ko magiging okay din ang lahat.

Sa oras na mag hiwalay kayo ni Jaysen gagawin ko ang lahat mabalik ka sa akin. 

Baliw na baliw ako sayo Arwin at makukuntento na lang ako na titigan siya.

Ako na rin ang naghatid kay Arwin.


“Wag mo akong titigan.” Sabi niya sa akin habang kumakain kami.


“Di ko maiwasan….”


“Problema mo?”


“Wala.” 


Di na lang ako umimik. Haixt.

Ayoko namang sagutin ng pabalang yung taong pag laanan ko ng buhay ko. 

Balang araw magiging akin ka muli at mag sasama tayo ng Masaya. 

Sana nga lang ay hindi pa tapos ang lahat para sa atin. 

You know kung gaano ko siya kamahal.

Gusto kung sulitin ang mga panahon na yun habang nandito pa siya. 

Alam ko kasi na lagi siyang nasa tabi ng ibang lalaki.

Ang sakit kaya. Bigla akong napaisip. 

Siguro may nangyari na sa kanila.

Grabeng sakit ang naramdaman ko. 

Para akong binuhusan ng mainit na tubig, takte yan, paano kung may nangyari nga sa kanila. 

Paano na ako? takte yan. Argshh… may iba ng umangkin sa mahal ko. 

Bigla tuloy napatigil yung sasakyan ko.


“Bakit ka tumigil.” Tanong niya.


“May nangyari na ba sa inyo?” tanong ko sa kanya.


Alam kong awkward pero gusto kong malaman kahit na ikasasakit ng puso ko.


“Anong ibig mong sabihin?”


“Bukod sa akin ? may iba na bang nakagalaw sayo? May iba namang pumasok jan sa loob mo? May iba na bang umangkin sa pag aari ko?!” di siya nakasagot. 


Nanatili ang katahimikan sa aming paligid. Silence means yes.


“Punyemas! Takte yan. Ang tarantado ko. Nakakinis. Put*** ***” pinag hahampas ko yung manibela.


“Ano bang nangyayari sayo?”


“Sa kin? Manhid ka ba ha? Nasasaktan ako. akin ka. Gusto ko akin ka pero may iba ng umaangkin sayo. Gago siya. Arghhh…” 

Itinuloy ko na lang yung pag drive at dumeretso sa bahay nila. 

Di siya umiimik habang nandun kami. 

Bumaba siya at nag pasalamat pero pinaandar ko agad yung sasakyan.


[AJ’s POV]


Haixt. Nakakapagod ngayong araw pero Masaya ako kasi kasama ko si Khail. 

Ang daming nangyari ngayong araw. 

Hindi ko makalimutan yung nangyari kanina. 

No choice ako kundi halikan si James.

Pakana niya yun eh. 

Pero some how tumibok ng kay lakas yung heart ko. 

My God ano ba tong nararamdaman ko? 

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinila pabalik at hinalikan ulit.

Ano ba tong isip ko at kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kukote ko? 

Buhay nga naman. 

What a life argssshhh? 

Pero kanina ang awkward ng tanong niya.

Bakit niya tinanong yun? Aixt. 

Tapos nagalit pa siya. 

Nag selos kaya yun? Haixt naman. 

Pero naawa ako sa itsura niya, mukha kasi siyang nalugi ng malaman niya na may nangyari sa amin ni Jaysen. Haixt. 

Di pa rin niya matanggap na wala na kami.

Pero may part sa akin na nag sasabi na some how Masaya ako kapag kasama ko siya. 

Oo mahal ko pa siya some part kasi ng puso ko siya ang isinisigaw. 

James naman. 

May boyfriend na ako layuan mo na ako. haixt.

Pagpasok ko ng bahay may nadatnan akong babae. 

Nakaupo iya at para bang nag hihintay sa akin. 

Kausap siya ni mama. 

Mukhang pamilyar sa akin to. 

Saan ko ba to nakita? Tugs tugs tugs. Aha. 

Siya yun, tung babae nag gf daw ni Jaysen. 

Ano bang hanap niya? war? Subukan lang niya at hindi ko siya uurungan.


“Anong ginagawa mo dito?” sabi ko.


“Andito ka na pala anak.”


“Bakit nandito yang babaeng yan? Gusto ba niyan ng away? Gera? Digmaan?”


“Nandito ako para makipag usap.”


“Alangan. Alangan namang makitulog ka diba?” wahahaha. Barado ka ngayon.


“Anak.. kalmado lang..”


“Okay…” sabi ko na lang. umalis si mama at tumabi ako sa babeng ito.


“Anong pag uusapan natin?”


“Tungkol kay Jaysen.”


“Anong meron sa kanya?”


“Ako ang past niya….”


“Ako namang ang present niya.”


“Alam ko…”


“Tapos?”


“Mataray ka pala.”


“Hindi halata…”


“Hahaha.. nakakatawa… no wonder nagustuhan ka niya… kung bakit minahal ka niya…” medyo nawawala na init ng ulo ko.


“Niloko niya ako.” sabi ko.


“Hindi ka niya niloko.. nagkamali lang ako.. akala ko kami pa…. yun pala wala na…”


“Pero ano bang nangyari?”


“Iniwan ko kasi siya noon… kahit na hindi ko gustuhin pero kailngan ko…”


“Alam mo ba na mukhang mahal na mahal ka niya… na labis ka niyang minahal?”


“Oo alam ko… nasaktan ko siya.”


“Kung di mo siya mahal dapat pinabayaan mo na lang siya. Hindi yung iiwanan na lang ninyo siya basta-basta.”


“May sakit ako…” bigla akong natameme.


Dahil ba dun? Kaya siya umalis.


“Pero okay na ako. nag paopera ako sa ibang bansa. Gusto kong mabuhay. Bata pa lang daw ako eh carrier na ako ng sakit na to. Oo. Mahal na mahal ko siya pero no choice ako.”


“Gaano ba kalala yung sakit mo?”


“Malala. Na dumating sa point na kailangan ko ng mag pa opera kaagad.”


“Now I understand yung point mo. Ramdam ko at naiintindihan kita.” 


Paano ba naman may sakit din naman ako?


“Gusto ko lang na ihabilin si Jaysen sayo.”


“Bakit mo siya hinahabilin sa akin?”


“Diba kayo na? hindi naman ako ganun ka desperada na kailangan ko pang ipaglaban siya gayung meron na siyang ibang minamahal.”


“Tanga ka talaga. Haixt. Kung mahal mo ipag laban mo. Wag kang duwag. May iba pang paraan para ipakita mo na mahal mo siya. Care for him. Love him eventhough na may mahal na siya.”


“Pero.”


“Kung mahal mo siya iparamdam mo. Pero wag mong iexpect na I will be easy to you. May the best love wins.” Sabi ko. 

Ngumiti siya at niyakap ako


“Salamat.” Nag paalam naman siya sa akin.


Agad akong umakyat sa kwarto at inihiga ang sarili ko. 

Nakatanggap ako ng text mula kay James.


“I love you even if it hurts.”


Haixt. Mahal din kita. Pero si Jaysen na ang naririto. 

Pero ikaw?

 Bakit ganun? 

Namamangka ako sa dalawang ilog. Aixt.

Muling nanumbalik kung paano nagging kami. 

Yung time na una kong nahalikan si James. 

Mga panahon na kung saan una kong naranasan ang mag mahal.


(Flashback)


“Hoy panget bilisan mo.” Sabi niya sa akin.


Akala mo kung sinong merong alalay dito. 

Anong tingin niya sa akin muchacho? 

Grabe ha. 

Harassment na to sa pagkatao ko. 

Kung hindi lang dahil sa anak ka ni Mam Annie eh di kita titiisin. 

Pati, kung hindi lang… 

hindi lang… 

arghh.. 

don’t use that excuse. 

Haixt.

Bakit kasi ganyan ka James?

Nahulog tuloy ang puso ko. 

Away bati ang drama naming dalawa. 

Nasanay na kami at kung minsan eh lumalabas pa kami. 

Aaminin ko naman na mahal na mahal ko siya. 

Na itong takteng puso ko, mahal na siya.

Simula ng magkasundo kami todo close na kami. 

At tuluyan ng nahulog ako sa kanya. 

His smile, his looks, his bad boy attitude.

Yung pagiging suplado niya at masungit, lahat yan nagustuhan ko sa kanya at minahal ko sa pagkatao niya. 

Oo isa akong dakilang mang mang kasi naniwala ako na mahuhulog din siya sa tulad ko.

Tanda ko noon nung ilang lingo akong absent at pinuntahan niya ako sa bahay namin. 

Nagulat pa nga ako kasi nagtanong siya sa akin kung bakit daw pa hindi ako pumapasok.

Shit, kinikilig ako. sinubukan ko ang umuwas sa kanya, yeah, pero di ko magawa. 

Nanjan yung kukulitin niya ako hanggang sa pansinin ko siya.

Minsan binibiro niya ako, na minsan naman eh ginugusto ko. 

Ang sa akin lang gumagawa ako ng paraan para mapansin niya ako. haixt buhay.


“Oh natulala ka jan? sabi ko bilisan mo!” sigaw niya sa akin. Hot headed talaga tong mokong na to.


“Ano ba ang akala mo sakin ha? Alalay?”


“Oo bakit may angal ka? Sapak gusto mo?”


“Aba teka. Binabayaran mo ako ha? Kala mo makapag malaki ka jan eh sinuswelduhan mo ako?”


“At least kasama mo ako.”


BOOM! 

Yeah.isang malakas na pagsabog ang narinig ko mula sa puso ko. 

‘at least kasama mo ako’ my God. 

Anong ibig sabihin niya?


“Tae ka. Daming sat sat.”


“Whateber.” Sabi niya.


 “Whatever boss hindi whateber.”


“Pakialam mo ba?”


“Yeah. Sige na ho bilisan na.” 

pero unexpected na bumuhos ang ulan. Haixt.


Sa kamals malasan nga naman.


“Kasalanan mo to eh.” Sabi niya.


“Sige ako na lahat.”


“Oo siguro may balat ka sa pwet.” Sabi niya.


“Pakita ko pa sayo eh.. baka naman ikaw black sheep ka eh.”


“Che ewan ko sayo.”


“Makapag che wagas.”


“Gago… adik mo.. paano tayo makakalis neto. Basang basa na ako sa ulan.”


“Alangan matuyo ka jan eh umulan. Bobo lang?” sabi ko.


“Tss. Ewan sayo. Sapak gusto mo?” ng tumingin siya sa ata ko, tila namagnet ako. nag titigan lang kami at siya na ang kusang nag iwas ng tingin.


Haixt. Nilalamig na ako. yabang netong mokong na to. 

Siya may jacket jan siya pa may ganang magalit. Hay naku. 

Ako nga eto parang basing sisiw eh. 

Nagulat na lang ako ng umupo siya sa tabi ko at ibinigay ang jacket niya.


“Oh?”


“Jacket.”


“Alam ko.”


“Kainin mo.”


“hay naku. Akin na nga.” Hinablot ko.


“Salamat.” Ngumiti lang siya.


“Alis ka na.” sabi ko.


“Yoko nga.”


“Paano ka na pala? Lalamigin ka oh.. balik ko na sayo.. baka sabihin ng mama mo eh pinapabayaan ko ang baby niya.”


“Stop saying that.”


“Wow…. Hahah.. nagaglit na ang baby.”


 “I said stop!”


“Baby.. baby… baby… oh… like baby baby baby…” biro ko.


“If you don’t stop teasing me I will definitely kiss your red lips and shut your mouth up.”


At yun na lang at napatigil ako. grabe ano bang pinag sasabi niya. 

Nagsulat na alng ako sa may lupa. 

Nakasilong nga pala kami sa isang shed.


“nanahimik ka?” sabi niya.


Mukhang may sapi din tong lalaking ito.


“Gago ka talaga. Sabi mo manahimik ako.”


“I mean shut your mouth teasing me.”


“Ah ok.”


“Then hug me.” Sabi niya. 

huh? 

Anong daw? 

My God anong sinasabi niya?


“Huh?”


“I said hug me!”


“Ayoko nga.”


“I said HUG ME!”


“Bakit ba? Madiri ka nga” sabi ko.


Wow. Hug? Talaga. Shit opportunity na to.


“Please…” bigla akong natigilan nung sinabi niya.


Yung ulo niya ay nakatungo sa may tuhod niya. 

his voice was so soft and passionate. 

Ibang iba sa sinasabi niya dati. 

And there I am hug him evenly. 

His perfume caught to my nose. 

I felt his muscles around his arms. 

Grabe. 

Tsansing na to.


“Don’t smell me.” Sabi niya.


“Kapal mo. Alisin ko na nga to. Amp” 

aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila pabalik. 

Hinawakan niya kamay ko. 

Ang lambot ng kamay niya. aixt. 

Mababaliw na ako dito. 

My God. 

Ano ba tong nangyayari sa akin? Naloloko na ako.


“I want you to give me warmth.. painitin mo ako.” sabi niya.


My God. 

Gusto niya ng init ng katawan ko? 

Anong balak niya? 

dito na naming gagawin? 

Baka makasuhan kami ng public scandal. 

Hala ka.


“Huh? Ah eh…. Dito? W-wag dito….”


“Nilalamig ako…”


“Ah eh… baka mahuli tayo dito….”


“What are you saying?”


“Ah eh..”


“Hug me tighter…. Give me warmth…”


Ayan kasi Arwin. 

Kung anu ano ang iniisip. 

Haixt naku. 

“Ah.. eh… ok..” niyakap ko lang siya all along. 

Enjoy naman eko eh. Haixt. Swerte ko.

Biglang may bumusina sa harap namin at nakita naming ang sundo ni James. 

Hay buti na lang. sumakay na kami.

Habang nasa sasakyan kami awkward pa rin lagay ko. 

Eto namang si James eh tulog at hawak ang kamay ko at nakasandal sa akin. 

Ang awkward ng position namin.

Andito kaya si Manong driver. 

Pero mukhang di naman ako pinapansin ni manong. 

Hanggang sa makauwi na kami. 

Tumuloy na ako sa kwarto ni James. Hindi na ako pinauwi ni Mam Annie eh.

Inilock na ni James yung pinto ng kwarto niya at nagsimula ng mag hubad. 

Kailangan talaga sa harap ko? 

Siyempre hindi naman lahat. 

Grabe di pa pwede yun.hahah.

after niya, I take shower at nagbanlaw na. 

then ayun pinahiram niya ako ng damit. Tshirt at pants. 

Pag balik ko ng kama niya nakahiga siya at nanonood ng TV.


“Baba na ako.” sabi ko.


“Dito ka lang…”


“Pero..”


“Dito ka lang okay!” sabi niya.


“Okay po.” Sabi ko na lang. umupo ako sa may couch sa room niya.


“Oh ano ginagawa mo diyan?”


“Nakaupo. Bulag lang?”


“I mean bakit nandiyan ka? Tabi ka sa akin.” Napalunok ako. halala, it started to rise. 

Hoooh. 

Calm down lang baby ko. 

Baka mahalata ka niya. tumabi ako sa kanya.


“Higa!” sabi niya.


“Ha.. ah eh.. ayoko…”


bigla niya akong hinilia kaya napilitan akong humiga. 

Grabe ang awkward ng nangyayari. 

Haixt. 

Dug dug dug dug.


“Ang lamig no?” sabi niya.


“Oo…. Grabe.. umuulan diba?”


“Payakap.” Sabi niya at walang anu-ano ay yumakap siya sa akin.


“Ano ba? Umalis ka nga.”


“Ayoko…”


“Takte naman oh…”


Bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi at napatigil ako. 

Anong ibig sabihin nun?

(Itutuloy)




********************************************************

nxia sa mga wrong grammars at error... wala kasi taga ako time mag proof reading salamat po... :))


COMMENT KAYO AH....

TAPOS ABANGAN NINYO YUNG INTERVIEW KO>> HAHA SALAMAT...

n.n

143A.J

2 comments:

letea said...

why not find out more Celine Dolabuy visite site Dolabuy Celine Homepage designer replica luggage

Anonymous said...

z5q08i4l45 a8p90f6s02 v3s17a8j35 z3c05q1z00 l3b11w8h29 d3z14z3p73