Tuesday, October 4, 2011

Shufflin' 1.1

Hello! Ako po si Lui, 20 years old from Manila. Kung nabibisita niyo ang BiOutLoud, resident author din po ako dun. Ako po ang nagsulat ng One Message Received at Aftermath. Ngayon po ay magpo-post na rin ako ng mga stories dito sa Strangers.and.Angels. Maraming salamat kay Rovi sa pag-invite sa akin. Sana po ay tangkilikin niyo ang mga ipo-post ko.

Home Blog - Rants, Stories, etc.
Facebook - Shufflin' Lui
Twitter - @0luilui0

Enjoy!!

_________________________________________________




'You got that smile
That only heaven can make
I pray to God everyday
That you keep that smile
Yeah, you are my dream
There's not a thing I won't do
I give my life all for you
Cause you are my dream'  
(Next 2 You - Chris Brown feat. Justin Bieber)

Iyan ang kanyang kinakanta habang minamasahe niya ang buhok ng mabulang shampoo. Alas-siete na ng umaga. Malakas ang kanta na tumutunog galing sa speaker sa kanyang kwarto. Hindi na niya sinara ang pinto upang marinig ito at masabayan at, tutal naman, ay sarili niya itong CR sa sariling kwarto.

'One day when the sky is falling
I'll be standing right next to you, right next to you
Nothing will ever come between us
Cause I'll be standing right next to you, right next to you' 
(Next 2 You - Chris Brown feat. Justin Bieber)



Pinihit na niya ang handle upang lumabas ang tubig mula sa shower at agad na binanlawan ang buhok pati na ang katawan. Sumasabay ang padyak ng kanyang paa sa beat ng kanta. Nang matapos siyang maligo ay agad na ipinunas sa katawan ang isang tuyong tuwalya. Naglakad na siya papunta sa cabinet upang kuhanin ang mga isusuot. Briefs. Undershirt. Pants. Long sleeves. Tie. Ang lahat ay ihinagis niya sa kama. Nagsimula na ang bagong kanta.

'Leggo!', ang sigaw niya bago tinanggal ang tuwalya at nagsuot ng underwear.



At isinabay niya ang galaw ng katawan sa bagong beat ng kantang tumutugtog nito. Tumapat siya sa full-body mirror at sinuot ang undershirt at pants. Isinunod na niya ang long sleeves na agad rin niyang itinupi bago ilagay ang tie. Nang matapos ang kanta ay tinanggal na niya ang iPod sa speaker. Bumalik siya sa salamin upang magsuklay.

'Hello everyone. My name is Symon Gonzales, 16 years old from Makati City. You can call me Sy for short.', ang sabi niya sa harapan ng salamin.

'Hmmm. That doesn't sound right. Well, who cares?', ang sabi niya sa sarili.

Matagal niyang tinitigan ang sarili suot ang bagong uniform bago lumabas ng kwarto. Pero bago pa man masara ni Symon ang pinto ay binalikan niya ang kanyang iPod at headset. Bumaba na siya at nakitang handa na ang kanyang almusal.

'Good morning, son! Ang gwapo mo naman sa bago mong uniform.', ang bati ng kanyang ina  na si Mrs. Grace Gonzales, Division Head sa isang malaking international bank sa bansa.

Lumaking may silver spoon si Symon. Napagbibigyan ang lahat ng kanyang luho dahil unico hijo ito. May dalawa itong kapatid na babae. Isang nakakatanda na ang pangalan ay Hanna. Nasa huling taon na ito sa kolehiyo. Ang nakababata naman niyang kapatid ay si Maxine na nasa third year high school.

'Thanks, Mom! Aren't you supposed to be in the office?', ang tanong nito sa ina.

'Actually, I have a meeting in an hour. But I guess I need to drop you off first to your new school.', ang malambing na sabi nito ngunit may bahid ng sarcasm sa pagkabanggit sa bagong paaralan.

'C'mon, Mom! Cut it! I want this course.', ang medyo naiinis na sabi ni Symon.

'Yeah. Yeah. I know. Wala na nga akong sinasabi diba?', ang pagsuko ng ina.

Gusto kasi nito na kumuha siya ng business or finance-related na kurso katulad niya. Ang panganay na kapatid ay kumuha ng Marketing sa isang sikat na unibersidad. Pero siya, gusto niya ang Communication Arts. Medyo pangit ito sa panlasa ng kanyang ina pero iyon ang gusto niya.

'Stop with the sarcasm. Isusumbong kita kay Daddy.', ang sabi ni Symon habang inuubos niya ang nakahandang sinangag at hotdog and egg sa mesa.

'You do that. Wala kang allowance in a month.', ang nakangiting sabi nito.

Isang taon nang divorced ang parents ni Symon. Sa States sila nagpakasal 20 years ago. Nagkaroon ang ibang babae ang daddy niya. At the same time, may ka-flirt din ang mommy niya. Hindi ordinaryo ang pamilya nila. Akala mo ay magkakabarkada lang sila kapag nag-uusap. Nanatili pa rin naman ang healthy communication sa pagitan ng mga magulang niya at tuloy pa rin ang sustento sa kanila. Nasa States ang ama niya sa kasalukuyan.

Matapos kumain ay niyaya na niya ang ina na umalis. Alas-otso ang una niyang klase. May kalahating oras na lang siya para bumiyahe. Sa isang exclusive subdivision siya nakatira kung saan nakatira ang ilang mga sikat na personalidad sa pulitika man o sa showbiz.

'What time should I pick you up?', ang tanong ni Grace sa anak.

'How about you buy me a car so I won't be bothering you picking me up?', ang nakangiting tanong ni Symon sa ina.

'You're too young to drive!', ang protesta ni Grace.

'Mom, I'm sixteen for God's sake. Kung sa States lang, I should be moving out from Dad's.', ang argumento ni Symon.

'You're not in the States and you're with me!', ang sabi ni Grace sa anak.

'Okay, okay. My last class ends at 4.30PM.', ang sabi ni Symon pagkatingin sa class schedule niya.

'4.30PM, it is.', ang sabi ni Grace.

Habang nasa biyahe ay kung ano-anong tips ang ibinigay niya sa anak dahil ito ang first day niya sa college. Nagkwento rin siya ng mga experiences niya noong siya mismo ang nasa kolehiyo. Lumaking may-kaya rin ang mommy ni Symon.

***
Nagulat siya sa alarm ng kanyang phone. Pupungas-pungas pa niyang inabot ito at in-off ang alarm.

'Now baby don't you stop it, stop it
Now baby don't you stop it, stop it
Now baby don't you stop it, stop it
Even if you wanted to, you couldn't stop us now'
(Don't Stop the Party - The Black Eyed Peas)



Agad naman siyang bumangon upang mag-prepare na sa unang araw ng klase. Lumabas na siya ng kwarto at pumunta sa CR. Naghilamos siya at tiningnan ang repleksyon sa salamin. Parang may isang manipis na linya lang sa kanyang mga mata. Mas singkit pa siya kapag bagong gising. At ang buhok niya ay nakatayo sa kung saang direksyon. Diretso ligo na siya at agad din nagbihis. Pagkabukas ng cabinet ay hinanap niya agad ang bagong tie.
'Junior, baby!', ang nasabi niya sa isip.
Isang kulay green na tie ang kanyang inilagay sa kanyang leeg suot ang puting long sleeves. Nakasampay sa kanyang closet ang dalawa pang kulay ng tie na ginamit niya noong first year at second year. Black at yellow. Pag nasa 4th year na siya ay red na ang isusuot niya. Inayos na niya ang gamit na dadalhin sa unang araw ng semester. Alas-dos pa ang klase niya pero kailangan niyang dumating sa school ng 8AM upang gampanan ang pagiging officer sa org nila.
Pagkababa niya ay nakita niyang walang tao. Nagsuot lang siya ng sapatos at agad na ring umalis. Sa campus na lang siya kakain ng almusal.

8AM nang dumating siya sa campus. Dumiretso muna siya sa cafeteria bago tumungo sa AVR kung saan nila titipunin ang mga bagong estudyante. Naroon na ang ilang mga co-officers. Hindi pa naman siya late pero siya na ang pinakahuling dumating. Siya ang project head nito kaya't ang lahat ng kilos ng kanyang mga kasamahan ay galing sa utos niya. Tatlong araw pa lang bago ang unang araw ng klase ay plantsado na ang lahat.

'Guys! Are we all set? Freshmen are going to be here in less than an hour.', ang tanong ni Darrel.

'Yes, Darrel. Just rehearse your spiels!', ang sabi ng isang kasamahan sa org.

Iniabot nito sa kanya ang isang papel kung saan nakasulat ang program at script.

'Good morning, freshmen! I am Darrel Uy, your Internals VP for this academic year! Are you all excited to start the new phase of your lives? Rest assured, the Student Council of the Manila School for Communication Arts will guide you through your four years in college! To get the ball rolling....', ang pag-eensayo ni Darrel.

'Darrel. Puntahan lang namin yung F-CA.', ang paalam ng isa niyang kasama.

'Sure. Ilang sections sila?', ang tanong nito.

'Five. Papapuntahin na namin dito.', ang sabi nito.

'Okay. All set na naman e. Thanks.', ang sabi nito.

***
Pumasok na si Symon sa building kung saan nasa 4th floor ang room niya. Hindi karamihan ang mga estudyante dito dahil naka-focus lang sa Communication Arts ang itinuturo dito. F-CA1 ang kanyang section at ayon sa class schedule na hawak niya ay sa room 413 ang una niyang klase.

Agad siyang pumasok nang nakita niya ang room 413. May mangilan-ngilan ng mga nakaupong estudyante. Tiningnan niya ang oras sa kanyang relo at nakita niyang saktong 8AM na. Umupo siya sa ikaapat na upuan mula sa pintuan sa likod. Wala siyang katabi katulad ng iba niyang kasama sa room. Hindi na niya tinanggal ang headset na nakapasak sa kanyang mga tenga.

Ilang minuto pa lang siyang nakaupo nang may pumasok mula sa pinto sa harap. Akala niya ay ang professor na ito kaya't agad niyang tinanggal ang headset niya. Pero agad din niyang napansin na naka-uniform din ang mga ito. Iba nga lang ang kulay ng necktie nila. Green. At iyong isang babae ay red.

'Hi. F-CA1?', ang tanong ng lalaking may green na necktie.

Tumango ang isang kaklase ni Symon na pinagtanungan nito. Pumunta sa harapan ang lalaking naka-green na necktie at nagpakilala.

'Hi, F-CA1. I'm Jeremy Baltazar. You can call me Kuya Jer. I'm one of the volunteers for your orientation. I'm from J-CA3. I'm with Ate Sharmane Lopez from S-CA1. She's the PRO of our student council.', ang jolly na pagpapakilala nito.

'Hello, F-CA1! Medyo konti pa lang tayo ngayon. So, for today, you won't be meeting your morning class because we are devoting it for your orientation at the AVR. We'll just wait for your other classmates before we head off to the AVR. Okay?', ang sabi nito.

Puro tango lang ang sagot ng mga estudyanteng nakaupo. Halatang nahihiya pa. Nagsimulang makipagkwentuhan ang dalawa sa ilang mga freshmen pero minabuti ni Symon na ibalik na lang ang kanyang headset. Hindi siya ganoong ka-friendly na tao. Okay siya kahit mag-isa lang.

***
Matapos ang halos kalahating oras na paghihintay ay sa wakas gumalaw na rin sila paakyat sa AVR. State-of-the-art ang facilities sa MSCA lalo na ang AVR na akala mo ay isang high-end na sinehan. Malamig sa loob kaya't buti na lang ay may kasamang coat ang uniform nila. Umupo na siya sa hilera na itinuro sa kanya ng usher. Katabi niya ang isang babae at lalaking kaklase pero hindi siya nakipag-usap. Kung kausapin siya ng mga ito, edi okay. Kung hindi, okay lang din naman.

In less than 5 minutes ay nagsimula na ang program. Tumayo silang lahat para sa National Anthem. Namangha siya sa video presentation na kasama nito. Isang bubbly na babae ang host. Nagpakilala siya bilang si Kaley Faustino from S-CA4. Ipinakilala niya ang Internal Vice President ng MSCA na si Darrel Uy para i-welcome ang mga freshmen.

Nakuha agad ni Darrel ang atensyon ng marami. Naka-uniform din siya tulad ng iba pero iba ang dating niya. Ang mala-bampira niyang kulay, ang mga singkit na mata at ang ngiti na kanyang ibinigay sa lahat ang talagang napansin ng lahat. At kasama na dito si Symon.

'He's so cute!', ang sabi ng kaklaseng babae na katabi.

'Yeah.', ang sagot niya sa isip niya.
Nginitian lang niya ang kinikilig na katabi. At sinuklian din siya nito ng matamis na ngiti. Wala pang nakakaalam sa sexual orientation ni Symon dahil kahit siya mismo ay naguguluhan. Nagkaroon siya ng isang girlfriend noong nasa high school pa lang sila pero hindi naman iyon seryoso. Nagustuhan niya ito pero nagsimula niyang tanungin ang sarili nang maramdaman niya ang parehas na feeling sa kaklaseng varsity player ng basketball na kanyang naging ka-close. Hindi mo aakalaing hindi straight si Symon dahil sa matikas na tindig nito at malalim na boses.
'I'm Coleen.', ang pagpapakilala ng kaklase.

'Symon. With a 'Y''., ang pagpapakilala niya.

Nagkamayan sila. Hindi na sila masyadong nakinig sa sinasabi ni Darrel dahil nagsimula na silang magkwentuhan. Saan graduate ng high school? Bakit MSCA? Pero nakuha muli ni Darrel ang kanilang atensyon ng i-announce nito na open sila for freshmen volunteers para sa council. Agad na nabuo sa utak ni Symon na sasali siya sa committee ni Darrel.

'So, we'll be opening our booth at the lobby after lunch up to 4.30PM. Maybe after your class, you can drop by and sign up. We'd really love to have freshmen as our volunteers! Thank you very much!', ang huling mga sinabi ni Darrel sa stage.

'You wanna grab lunch or soemthing?', ang yaya ni Symon kay Coleen.

'Sure! I'm quite starving.', ang pagpayag ni Coleen.

***
Nag-stay sila sa cafeteria. Isang oras at kalahati pa bago ang unang klase nila sa hapon nang matapos ang program.

'Buti na lang konti lang estudyante dito no?', ang sabi ni Symon.

'Oo nga. And walang maiingay. Alam mo yun. Yung parang nasa palengke.', ang sabi ni Coleen.

'Yeah. Yung 'parang' nasa palengke.', ang pag-ulit ni Symon sa sinabi ni Coleen na may emphasis sa salitang 'parang' dahil hindi niya matigas na binanggit ang letter 'R'.

'Sorry ha!', ang sabi ni Coleen.

'It's okay. Ikaw na ang graduate sa international school.', ang pang-aasar ni Symon sa kanya.

'Tigilan mo nga! It's not funny.', ang sabi ni Coleen.

'Okay. So much for our first day. As classmates.', ang pagpapaumanhin ni Symon.

Tinapos na nila ang kanilang kinakain at nagpaalam na si Coleen. Kelangan daw niyang i-meet ang daddy niya.

'See you in class!', ang paalam ni Symon.

'Later, Symon!', ang paalam ni Coleen.

Muling isinuot ni Symon ang kanyang headset at pinindot ang play. Nagsimula nang tumugtog ang kanta sa kanyang tenga habang binabaybay niya ang daan pabalik sa building.

'When I see your face
There's not a thing that I would change
Cause you're amazing
Just the way you are'
(Just the Way You Are - Bruno Mars)

Pagkapasok niya sa lobby ng building ay nakita niya ang isang kumpol ng mga estudyante na inaayos ang booth para sa volunteers. Doon niya nakita ulit si Darrel na abala sa paglalagay ng mga papel sa table. Napansin siya nito at nginitian siya.

'And when you smile
The whole world stops and stares for a while
Cause you're amazing
Just the way you are'
(Just the Way You Are - Bruno Mars)



'What? I'm sorry.', ang halos kabadong sabi ni Symon nang nakita niyang gumalaw ang bibig nito na parang may sinasabi.

'Oh. I said, I hope you would sign in.', ang pag-uulit ni Darrel sa sinabi niya.

'Sure, sure! Pwede na ba ngayon?', ang enthusiastic na sagot ni Symon.

'Okay! No problem. Just choose kung saan mo gustong committee.', ang sabi ni Darrel.

Limang committees ang pwedeng pagpilian. Peer, External, Dance, Chorus at Media. Hindi alam ni Symon kung saan siya sasali dahil okay naman siya sa lahat. Hindi man siya ang pinakamagaling pero kaya niya naman.

'I only get to choose one?', ang tanong ni Symon kay Darrel.

'Yes.', ang nakangiti pa ring sagot ni Darrel.

Doon lang napansin ni Symon na may dalawa pala itong maliit na dimples sa may baba ng lips niya. Halos magkasing-height lang sila pero mas malaki lang ang built nito sa kanya. Gusto niyang itanong kay Darrel kung saan siya doon kabilang pero nahihiya siya. Baka mahalata siya masyado na siya ang dahilan kung bakit siya sasali dito.

'Just to help you decide, I'm mostly in Media.', ang sabi ni Darrel.

'YES!', ang sigaw ni Symon sa loob niya pero hindi niya pinahalata.

'Mostly?', ang tanong ni Symon.

'Yeah. Since I'm the VP Internals, hawak ko ang mga committees na yan aside sa Externals, well,for obvious reasons. But I'm usually in Media since 'yung application ng course natin e nandun talaga.', ang sabi ni Darrel.

Namangha naman lalo si Symon sa kanya dahil sa galing nito sa pagsasalita. Parang may kung anong kapangyarihan siyang nako-compel niya ang kausap.

'Wow! Okay. I'll sign up in Media.', ang sabi ni Symon.

Isinulat na ni Symon ang buong pangalan, e-mail address at cellphone number sa sheet. Agad naman itong tiningnan ni Darrel.

'I'll just contact you, Symon!', ang sabi ni Darrel matapos mabasa ang name niya sa papel.

'Thanks!', ang nakangiting sagot ni Symon.

'Nice meeting you.', ang sabi ni Darrel bago ilahad ang sariling kamay.

'Nice meeting you, uhm, Kuya Darrel.', ang sabi ni Symon.

Nag-shake hands sila ng mabilis. Para namang pinasabog ang puso ni Symon dahil sa biglang pagkabog nito. Agad siyang nagpaalam dahil baka mapansin nito ang kanyang pamumula.

***
Habang nasa elevator ay masayang-masaya si Symon. First day pa lang ng college pero mukhang ang ganda agad ng mga pangyayari. Pagkapasok niya sa room ay halos wala pang tao. 15 minutes pa bago magsimula ang klase kung hindi late ang professor.

'Nasaan na kaya si Coleen?', ang paghahanap niya sa unang acquaintance ngayong college.

Ibinaling na lang niya ang atensyon sa kanyang iPod hanggang sa pumasok ang isang babaeng nasa mid-40's. Mukhang masungit.

'Stand up!', ang mataray nitong sabi sa klase.

Masungit nga.

Nagdasal sila ng sandali pagkatapos ay pinaupo na ulit sila. Kinuha nito ang isang papel mula sa isang brown envelope.

'Say present when I call your name.', ang sabi niya.

Wala pa rin si Coleen at hindi niya alam ang number nito.

'Bautista, Coleen.', ang pagtawag ng prof.

Ngunit walang nagsabing 'Present!' o nagtaas ng kamay man lang.

'Bautista, Coleen.', ang pag-ulit ng prof.

'Present, Ma'am!!', ang sigaw ng isang boses galing sa likod.

Ang lahat ay tumingin sa pinanggalingan ng boses.

'Attention everyone. This is not high school anymore! You are on your own now. The school has a strict policy on absences and tardiness. So, Ms. Bautista, thank you for giving me a good first impression.', ang strikto at sarkastikong sabi ng professor sa buong klase partikular na kay Coleen.

Hindi na sumagot si Coleen at nagbigay na lang ito ng isang awkward look. Tiningnan ko siya upang makita niya ako. Agad naman siyang umupo sa tabi ko.
'Strict much?', ang reklamo ni Coleen.

Nginitian lang siya ni Symon sa kanyang tinuran.

Nagdire-diretso ang professor na ito sa una niyang lecture tungkol sa Asian History. Part ng mga general education na subject. Kung sino-sino ang tinawag niya mula sa listahan. Buti na lang at hindi natawag sina Coleen at Symon dahil nag-uusap sila na wala na silang matandaan sa subject na ito. Matapos ang isang oras ay lumabas na ito ng classroom.
***
Ang pangalawang klase naman nila ay Literature 101. Medyo kalog ang professor at mukhang bata pa. Sinimulan niya ang klase sa pamamagitan ng pagpapakilala nila ng kanilang mga sarili.

Natapos nang magpakilala sina Symon at Coleen at lumipat na sa sumunod na row ang estudyanteng tumatayo.

'Hi! I'm Agapito dela Cerna, Jr.', ang pagpapakilala niya sa sarili.

'Ppppfffttt!', ang pagpipigil ni Symon ng tawa.

Ang lahat ay awtomatikong napatingin sa kanya kaya nag-pretend na lang siya na nasamid at naubo. Pero sa totoo lang, natawa siya sa pangalan na kanyang narinig.

'What's wrong with you?', ang tanong ni Coleen sa kanya.

'Nothing. Don't mind me.', ang sabi ni Symon.

'You laughed at his name in front of the class!', ang pabulong na inis na sabi ni Coleen.

'No, I didn't!', ang hindi pagpayag ni Symon.

'Yes, you did!', ang pilit ni Coleen.

Hindi na sumagot si Symon at nakinig na lang sa mga sinabi ng professor. Maagang nag-dismiss  ang professor na ito.

'Oh, and by the way, your CA101 professor is not around so this is your last class for today!', ang announcemeng nito bago lumabas ng room.

Palabas na siya ng room kasabay ni Coleen nang biglang may nagsalita sa likod niya. Halos napatili si Coleen sa gulat.

'You think my name's funny?', ang nakasimangot na tanong ni Agapito bago niya banggain  si Symon palabas ng room.
_______________________________________________
All characters in this story are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.

All song lyrics are obtained from Metro Lyrics.

All embedded audio tracks are from GrooveShark.

3 comments:

JhayCie said...

Nice concept i will follow this story
Keep it up!
Wish you luck!
You're my second best writer in this site.

unbroken said...

Welcome to Strangers and Angels Lui! *Blushes*

Anonymous said...

it reminds me about my college days....entrance pa lang ng kwento alam ko na maganda eto

ramy from qatar