Friday, October 7, 2011

Shufflin' 1.5


Tahimik na tinitingnan ni Symon ang payapang mukha ni Darrel habang himbing itong natutulog sa kanyang tabi. Hindi naman ito ganoon kalapit sa kanya pero hindi na siya naghangad pa na mas mapalapit ito dahil hindi niya alam kung paano magre-react. Ang makita lang itong malapit sa kanya ay okay na.

'Bakit ba ang perfect ng dating mo sa akin?', ang tanong ni Symon sa kanyang isip.


Agad kasing nakatulog si Darrel pagkahiga nito dahil na rin siguro sa sobrang pagod. May mga moments na bigla niyang ipipikit ang kanyang mga mata kapag gumagalaw ito sa takot na mahuli siyang nakamasid.

Halos isang oras na rin ang lumipas at medyo tinatablan na ng antok si Symon. Kita pa rin ang maaliwalas na mukha ni Darrel, salamat sa ilaw na nakabukas sa labas.

'Good night, Kuya. Mwah. Mwah.', ang sabi ni Symon sa isip niya.

Agad naman siyang napabalikwas nang maramdamang may nagising sa bandang unahan ng room. Narinig ni Symon ang tangka nitong paglabas sa harap ngunit naka-lock ito kaya pumunta ito malapit sa kanilang hinihigaan. Hindi niya alam kung sino ito at hindi na siya magtatangka pang alamin. Pumikit na siya upang makatulog na.

'Excuse po.', ang sabi ng volunteer na naglalakad.

'O saan ka pupunta?', ang medyo paos na tanong ni Darrel.


'CR lang po, kuya. Ang lamig e.', ang sabi ng isang volunteer galing sa kabilang section.

'Dalian mo ha.', ang sabi ni Darrel.

Lumabas na ang co-volunteer ni Symon. Si Darrel naman ay in-adjust ang hinihigaan at umayo ng kaunti sa may pinto upang may madaanan. Dahil dito, mas lumapit ang kanyang paghiga kay Symon. Masyado na itong malapit na rinig na ni Symon ang kanyang mga paghinga. Pero hindi na nagpatalo ang antok kaya naman ay agad ring nakatulog si Symon.

***

Masyado pang masaya ang panaginip ni Symon para gumising ng alas-sais ng umaga. Nasa isang lugar siya kung saan wala siyang ibang kasama kung hindi si Darrel. Napakalaki ng lugar pero sobrang lapit nila sa isa't isa na halos magtama na ang kanilang mga ilong. At ang musikang pumapailanlang ay nagpapahayag ng kanyang nararamdaman sa ngayon.

'Boy you got my heartbeat runnin' away 
Beating like a drum and it's coming your way  
Can't you hear that boom, badoom, boom 
Boom, badoom, boom bass?'



'Parang totoo.', ang sabi niya sa kanyang sarili.

Pero ayaw tumigil ng alarm na gumugulo sa kanyang panaginip. Dumidilim na ang paligid. At ang tangi na lang niyang nararamdaman ay ang lamig ng kwarto kung saan siya natutulog. Para siyang yelo na hindi matibag nang idilat niya ang kanyang mga mata.

'Oh. My. God.', ang sabi ng isip niya.

Napakagat-labi siya at halos manlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya kung bakit ganoon ang kanyang panaginip. Halos malapit ng magtama ang kanilang mga ilong ni Darrel. Hindi ito nagising sa alarm na nasa kabilang side ni Symon. Sobrang kinis ng kanyang mukha. Napaka-pula ng mga labi niya.

'Guys, ready na ang breakfast in 5 minutes.', ang sabi ni Sharmane na sumilip lang sa front door.

Para namang automatiko siyang napabangon at luminga-linga. Muling nag-alarm ang kanyang phone. Nataranta siya at halos hindi niya ito agad ma-off nang makitang may mangilan-ngilan na siyang kasama sa kwarto na gising kabilang na si Jeric.

'Good morning.', ang sabi ni Jeric sa kanya.

Nginitian niya ito at binalikan ang cellphone na patuloy pa rin sa pag-alarm. Hindi niya napansin na nagising nito si Darrel na hirap na tinitingnan ang relo upang makita ang oras.

'Shooot!', ang sabi nito nang makitang 6AM na.

Minadali nito ang pag-aayos ng gamit dahil kelangan na niyang asikasuhin ang program para sa umagang iyon.

'Kuya, let me do that.', ang pagpe-presenta ni Symon.

'Nakakahiya naman, wag na.', ang pagtanggi ni Darrel.

'Sige na po.', ang sabi ni Symon bago nito agawin sa kanya ang kumot.

'Super thank you, Sy, ah. Punta muna ako sa meeting room.', ang paalam ni Darrel.

Lumabas na ito ng room. Sinimulan naman ni Symon ang pagtutupi ng kanyang hinigaan. Isusunod niyang ligpitin ang kay Darrel. Lumapit sa kanya si Jeric at tinulungan siya sa pag-aayos.

'Ito na lang sa'yo. Ako na magtutupi nung kay Kuya Darrel.', ang sabi ni Symon.

'Uhm. Okay.', ang sabi ni Jeric.

Matapos mag-ayos ay itinabi ni Symon ang gamit ni Darrel sa kanyang mga gamit bago sila nagtungo ni Jeric sa cafeteria kung saan nakahanda ang kanilang breakfast. Sinaluhan nila si Lexie na may kasamang ibang mga bagong kaibigan mula sa ibang section.

***

Natapos na ang team building activity nila at ang lahat ay pagod. Nagpasundo na agad si Symon pero nagsabi ang kanyang mommy na male-late ito ng kaunti. Nasa may isang bench sila ni Jeric dahil dumating na agad ang sundo ni Lexie.

'Dude, diba close kayo ni Coleen?', ang tanong ni Jeric kay Symon.

'Oo. Sakto lang. She's my first friend in college. Bakit?', ang sagot ni Symon.

'Type mo ba siya?', ang medyo alangang tanong ni Jeric.

'Hindi! Bakit?', ang natatawang sagot ni Symon.

Napangiti naman si Jeric sa sinabi ni Symon. Akala niya kasi noong una ay may namamagitan sa dalawa.

'Gusto mong pormahan si Coleen?', ang tanong ni Symon pagkakita sa masayang mukha ni Jeric.

'Oo sana e. Matutulungan mo ba ako?', ang tanong ni Jeric.

'Sure! Walang problema dun.', ang sabi ni Symon.

Sumabay sa kanya si Jeric hanggang sa main road upang makapag-commute na ito pauwi. Nag-insist ang mommy ni Symon na ihatid na siya hanggang sa bahay nila pero nahiya na si Jeric at sinabing next time na lang.

***

Dumaan ang mga linggo na naging maayos naman ang lahat. Pasimple nang nanliligaw si Jeric kay Coleen. Siyempre, nariyan ang pangangantyaw ng barkada. Nariyan ang weekly meeting nilang mga volunteers. Puspusan na rin ang kanilang preparations para sa Dress-Up Musical nila kay Ms. Ellie.

'Class, I'm giving you the remaining 30 minutes to talk about your musical. See you next week.', ang paalam ni Ms. Ellie sa klase.

Agad namang pumunta sa platform si Erwin Lorenzo para kausapin ang mga kaklase para sa kanilang major exams. Siya ang leader ng klase para sa requirement na ito kasama si Lexie.

'Guys, I need your full cooperation. Next week ay submission na ng final story and cast.', ang sabi ni Erwin.

'I'm distributing the script for the play. Ang kelangan na lang natin ay yung mga characters. We have people in mind na pero we would want to know if it's okay with you to play the part.', ang sabi naman ni Lexie.

'So, the story is very simple. Tungkol ito sa dalawang mag-bestfriend na sina Emily at Mac. Mac is in love with someone else named Anna. He doesn't know that Emily is in love with him.', ang pahayag ni Erwin.

'It's almost a universal love story and finding songs for this won't be difficult.', ang sabi ni Lexie.

Nagtaas ng kamay si Agapito upang magtanong. Agad naman siyang in-acknowledge ni Erwin.

'So, three lang yung characters pero almost 30 tayo sa class. How are we going to keep everyone busy?', ang tanong ni Agapito.

For the past few weeks, naging tahimik ang tensyon na namamagitan sa kanila ni Symon. Hindi naman kasi na nagku-krus ang kanilang mga landas.

'These are the three main characters. Pero may minor characters pa. And we need people behind the stage where the real work happens.', ang sagot ni Erwin.

'So, ang nasa isip namin na gumanap bilang Mac ay si Shane. Then, Anna will be played by Jeric.', ang sabi ni Lexie.

Nagtawanan ang lahat nang magbanggit si Lexie ng mga pangalan. Simula pa lang ay pumapalag na si Shane. Hindi niya gusto ang mga ganito. Mas tipo niyang magtrabaho backstage.

'Emily will be portrayed by Erwin.', ang sabi ni Lexie.

Wala namang naging violent reaction ang mga kaklase maliban kay Shane.

'Wag na ako. Please?? Ako na lang sa costume.', ang bargain ni Shane.

'Sige. Pero maghanap ka ng kapalit mo.', ang sabi ni Erwin.

'Deal!', ang sabi ni Shane.

Ibinigay na rin ang mga gagawin ng mga hindi aarte. Si Agapito at 4 pang kaklase ay in-assign sa lights, si Symon naman kasama ang 4 ding kaklase ay sa props. Ang iba ay sa sounds inilagay. Agad silang bingyan ng deadline para makapagsimula na agad sila ng rehearsals next week.

***

Nang matapos ang lahat ng klase para sa linggong iyon ay nakatuon ang atensyon ni Symon sa pag-aasikaso ng props para sa kanilang play sa Lit. Hindi niya binibitawan ang script at inililista nito ang mga materials na kelangan sa bawat eksena. Hindi naman siguro siya mahihirapan dahil si Lexie naman ang direktor ng buong play.

'Coleen, please. Sige na!', ang pagpilit ni Shane sa kaibigan habang pababa sila sa lobby.

'Ayoko nga. Bakit ako?', ang pagtanggi ni Coleen.

'Please?! We're friends diba? I'll buy you lunch for one whole week.', ang desperadong sabi ni Shane.

'Ayoko nga.', ang pagtanggi pa rin ni Coleen.

Agad na nagpaalam si Lexie sa kanila dahil magkikita sila ni Erwin upang plantsahin ang ilan pang mga detalye para sa musical. Dumating na ang sundo ni Shane at nagpaalam na rin.

'Saan ka niyan?', ang tanong ni Coleen kay Symon.

'I don't know yet. Maybe sa library muna. Gotta read this.', ang sabi ni Symon bago itaas ang script.

'O sige. Kanina pa 'to namimilit si Jeric na kumain kami sa labas. I don't know with people today, napakahilig mamilit.', ang bulong ni Coleen.

'Sira ka talaga. Pagbigyan mo na kasi. Ilang linggo na 'yang pumoporma sa'yo oh.', ang sabi ni Symon.

'Symon, weeks. Weeks pa lang.', ang sabi ni Coleen.

'So, may chance siya?', ang tanong ni Symon.

'I don't know. We'll see.', ang sabi ni Coleen.
Nagpaalam na sila sa isa't isa. Nag-thumbs up naman si Symon kay Jeric na sinuklian nito nang ngiti.
***

'Saan tayo pupunta?' ang tanong ni Coleen kay Jeric.

'Surprise.', ang tanging sabi ni Jeric.

Sumakay na sila ng cab hanggang sa marating nila ang isang building na mukhang isang high school. Bumaba sila at agad na pinapasok ng guard.

'Bakit tayo nandito?', ang tanong ni Coleen.

'Dito ako graduate. May hiningi lang silang favor sa akin na kailangan kong matapos ngayon.', ang sabi ni Jeric.

Sobrang naw-weird-uhan na si Coleen sa kasama. Nagsisisi tuloy siya kung bakit siya pumayag na sumama dito. Hindi na lang ito sumagot at sinundan na lang si Jeric papasok sa school. Umakyat sila sa pinakataas na palapag ng building. Sinalubong sila ng principal at malugod silang inanyaya papasok sa auditorium.

'Wait lang ah.', ang paalam ni Jeric kay Coleen.

'Tara, hija. Pasok ka na.', ang sabi ng principal na mukha namang mabait.

'E paano po si Jeric?', ang tanong ni Coleen.

'Susunod na iyon. Alam naman na niya ito.', ang sabi ng principal.

Wala nang nagawa si Coleen kung hindi ang sumunod sa principal. Madilim sa loob ng auditorium. May mga bulungan siyang naririnig at isang pitik nang mga daliri. Matapos ito ay biglang tumugtog ang isang violin. Ang spotlight ay tumapat sa isang binatilyo na pulidong tinutugtog ang violin. Pamilyar ang kanta pero hindi niya mawari ang title nito. Naglakad siya sa gitnang aisle bilang pagsunod sa utos ng principal.

'With you, with you, with you
With you, with you, girl
With you, with you, with you
With you, with you, girl'

Tumigil ang pagtugtog ng violin sa stage nang nagsimulang maglakad si Coleen. Nagulat siya nang biglang may mga estudyanteng nagsulputan mula sa mga upuan at sabay-sabay na kumanta. Doon lamang niya naalala ang title nang kantang tinugtog ng binatilyo sa stage. Kinikilabutan siya dahil parang mga boses ng anghel ang kanyang naririnig.

'What the hell, Jeric?', ang sabi niya sa sarili dahil sa sobrang pagkamangha.

Bumukas ang pulang telon at doon niya nakita si Jeric. Kasabay nito ang pagsisimula ng kanta. Sobrang nasurpresa talaga si Coleen sa mga nangyayari. Una, ang alam niya ay kakain lamang sila sa labas. Pangalawa, hindi niya alam na nagsasayawa pala si Jeric.



Sobrang pinalakpakan niya ang mini-performance ni Jeric na para lang sa kanya. Pinakagusto niya ang ending nito kung saan, pagkatapos ng pagsasayaw, ay bumalik muli sa violin at sa mga mala-anghel na boses ang pagkanta.

'Wow!! Hindi mo naman 'to masyadong pinaghandaan?', ang tanong ni Coleen kay Jeric matapos itong magsayaw.

'Hindi naman. Nagustuhan mo ba?', ang hingal na sagot ni Jeric.

'Oo. Sobrang na-surprise ako. Ang galing mo pala sumayaw.', ang sabi ni Coleen.

'Sinasagot mo na ba ako?', ang tanong ni Jeric.

'Huh? Di mo pa nga ako tinatanong e. Sagot agad hanap mo.', ang pamimilosopo ni Coleen.

Natawa naman si Jeric sa sinabi nito. Akma na siyang magtatanong nang bigla siyang pigilan ni Coleen.

'Hep!!! Hindi muna ngayon ang tanong. Sobrang aga pa.', ang sabi ni Coleen.

Nabitin naman si Jeric at iniba na lang ang tanong.

'Pero may pag-asa ba?', ang tanong nito.

'Hmm. Tara, kain na tayo. Ako nagutom sa ginawa mo e.', ang nakangiti nitong yaya kay Jeric.

May malalim na kahulugan ang ngiting ibinigay ni Coleen kay Jeric. Naintindihan naman ito agad ni Jeric kaya naman masaya itong sumunod kay Coleen.

***

Ito na ang ikatlong Friday na nag-stay si Symon sa PJ's simula nang makasama niya si Darrel dito. Hinihintay pa rin niya ang muling pagpasok nito sa pinto para samahan ulit siya.

'You're crazy. Syempre may ibang ginagawa yun. Tsaka hindi naman kayo friends para magsama ulit kayo.', ang kontra ng kanyang isip.

Minabuti niyang ibaling na lang ang atensyon sa pagbabasa ng script para sa Dress-Up Musical nila. Inilagay na niya sa magkabilang tenga ang headset at yumuko upang hindi makita ang pinto.

Nasa kalagitnaan siya nang pagbabasa nang biglang may humila sa papel niya. Agad siyang tumingala at nakita ang isang lalaking napakalaki ang ngiti sa kanya.

'Bakit ka mag-isa?', ang tanong nito.

'I'm waiting for you.', ang sabi ng isip niya.

'Uhm. Ah. Hmm. Kelangan ko po kasi basahin itong script para sa midterms namin.', ang nasabi ni Symon.

'You mind if we join you?', ang tanong ni Darrel.

'No, of course not. Sino pong kasama niyo?', ang tanong ni Symon.

'Ayun o.', ang pagturo ni Darrel sa kasama na nakapila sa bar.

'SERIOUSLY???', ang sigaw ng kanyang isip.

Si Agapito ang kasama ni Darrel.

1 comment:

JhayCie said...

I love the conflict!!
OMG talaga!!!