“Merry Christhmas”, ang huli kong nasabi ko habang nararamdaman ko ang pag agos ng luha ko habang nakatingin ako sa mukha ni Gino.
Matagal na kaming nagsasama ni Gino. Mag apat na taon na din. Kung ano ang hinahanap ko na pag ibig sa isang pamilya ay sakanya ko nahanap. Don’t get me wrong. May pamilya ako at hindi ako isang ulila. Ngunit simula nung malaman nila ang kasarian ko at naging kami ni Gino ay naramdaman ko ang mas panlalamig sa akin ng pamilya. Ramdam ko na hindi nila gaano tanggap o maintindihan ang aking kasarian. Pero wala akong paki. Hindi naman kasi kami close talagang pamilya. Lagi kasi naman lang napapansin ang kapatid kong babae, si Lara. Bukod kasi sa kagandahan nya ay ubod sya ng talino. Habang ako, hindi naman talaga mahina ang utak. Karaniwan lamang ako. Though nakakakuha ako ng honors sa school, mas matataas naman ang awards ng ate ko. She even graduated valedictorian nung highschool at Cum laude nung College. Achiever talaga sya. Ito ang dahilan kaya lagi akong nakukumpara sa Ate Lara ko. At isa pa ay nagkaroon kami ng malaking away ng ate ko kaya di rin talaga kami magkasundo hanggang ngayon. Sa Daddy ko naman, isa syang opisyal sa militar, kaya galit sa bakla. Kahit pa sabihin natin na isa akong bisexual dahil nagka girlfriend naman ako noon ay dahil sa pagkakaroon ko ng relasyon sa kapwa lalake, tingin nya pa rin sa akin ay isang bakla. Ang Mommy ko naman, ay medyo naging mailap din. Takot kasi yun kay Daddy. Actually, lahat kami.
Ako nga pala si Jake, 23 taon gulang, maputi, may hubog ang katawan dahil sa pag ggym, at may kakayanan sa buhay. Sa ngayon, si Gino ang tanging kinikilala kong pamilya. He makes my everyday perfect kahit pa ganto ang aking sitwasyon. He never fails to put a smile on my face kahit pa anong pinagdadaanan ko o ano mang problema ang meron ako. Napakagaling nya sa pag aadvice at pagencourage sakin. Kaya naman sa twing nanghihina ang loob ko, hindi ako nangangamba dahil alam kong andyan lang sya para sa akin.
Si Gino ay kasing edad ko din lang. Sa totoo lang, childhood bestfriends turned lovers kami. Nakakatawa nga kasi dati, sakanya ako nanghihingi ng mga advice sa mga ex lovers ko. But then, I ended up falling for him. Little did I know na ganun din pala sya sa akin. And that was the start of our happy days. Si Gino ay isang intelihenteng tao, scholar sa school, gwapo, makinis at higit sa lahat ay mapungay ang mga mata na sa twing titingin sya sayo ay mas nahuhumaling ka. He always had this warm glare and gentle smile na talaga naman nakakatunaw. He is the very description of a perfect partner. Isa lang ang problema. He has a weak heart. Ever since na nadiagnose sya with a certain heart ailment, unti- unti din napapansin ang pagbabago sakanyang pangangatawan. Panahon na lang ang hinihintay namin bago sya tuluyang lumisan. One year? One month? One day? Who knows……..
“Nakasimangot nanaman ang mahal ko.”, nakangiting sabi sakin ni Gino.
“Bwisit kasi sa bahay! Ako nanaman ang nakita! Alam mo bem, isanag araw, lalayas na talaga ako sa bahay!!”, galit kong sabi.
“Ikaw talaga, halika nga dito. Sabi ko naman sayo, they only want the best for you. Walang magulang na gugustuhin na mapasama ang kanilang mga anak.”, sabay yakap nya sakin galing sa likod at pilit na pinalalamig ang ulo ko.
“Bem? BEST?! By comparing me to my sister?! Kelan pa naging tama ang magkumpara ka ng dalawang tao?!”, galit kong pagmamaktol.
“Sabihin na natin di maganda ang way nila, pero bem, take it as a challenge to yourself na rin. Wag kang magtanim ng sama ng loob sakanila dahil pamilya mo sila.”, mahinahon nyang sagot.
“Pamilya? Ni hindi ko nga maramdaman na pamilya kami!”
“Mahal kong Jake, your family loves you as much as I do. Trust me. Love mo ko diba?”, paglalambing nya. Eto na, naglambing na sya. Namungay nanaman ang mga mata nya. Nawala tuloy bigla ang init ng ulo ko.
“Mahal na mahal….”, nakangiti kong sabi. Ramdam ko ang biglang pagkalma ko lalo na nakayakap sakin si Gino habang nakatitig ang kanyang pamumungay na mata.
“Ugh! Ugh! Ugh!”, biglang pag ubo ni Gino.
“Oh, are you ok? Sabi ko naman kasi sayo, magpahinga ka diba? Uminom ka na ba ng gamot mo? Ayos ka lang ba?”, pag aalala kong paguusisa. Sabay kuskos sa likod ni Gino.
“Ito naman. Para ubo lang. Nasamid lang ako sa paglunok ko. Huwag ka nga masyado mag alala dyan.”, pilt nyang ngiti sakin. Alam ko sa sarili kong may nararamdaman na talaga syang hindi maganda. Pero pilit nyang itinatago ito sa harap ko.
“Paano ako hindi magaalala! Gino naman……”
“Hay nako mahal ko.. Dito ka nga sa tabi ko at makayakap sayo. Higa muna tayo.”, pagaaya nya sakin.
Nakatingin ako sa paligid ng kwarto ni Gino habang magkayakap kami. Ito ang pinaka naging comfort zone ko simula bata pa lang ako. Sa twing may hinain ako ay kay Gino ko sinasabi ang lahat. Mga accomplishments, disappointments, lahat lahat. Hanggang sa napatingin ako kay Gino. Nakapikit lang ito habang nakayakap sa akin. Bigla akong natakot dahil naisip ko, paano pag dumating ang araw na hindi na muling dumilat ang mga matang nasa harap ko? Hindi ko alam kung paano ko kakayanin yun. Sya ang naging saksi sa lahat lahat at kabuuan ng aking pagkatao. Kung mawawala sya ay mas nanaisin ko na mawala na lang din ako. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko. Hanggang sa napapikit na lang din ako. Ayaw ko munang isipin. Ayaw kong isipin. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang paghalik ni Gino sa mga mata ko. Pagmulat ko ay nakita ko si Gino na nakatingin sakin.
“Natatakot ka ba mawala ako?”
Luha lang ang naisagot ko. Naramdaman ko na tuloy tuloy ng umaagos ang mga luha ko. Naramdaman ko din ang pagdampi ng labi ni Gino sa akin. Mas humigpit naman ang yakap naming sa isa’t isa. Ako lang siguro ang kaisa isang tao na ayaw magkaron ng bukas. Para hindi na matapos ang isang araw ng masigurado kong hindi lilipas ang panahon para sa mahal kong si Gino…
“Polvoron?”, nakangiting alok ni Gino kahit pa may luha pa rin sakanyang mga mata.
“Salamat.”, tanging naitugon ko. Alam kasi ni Gino na ispesyal sa akin ang polvoron. Nung bata pa kasi ako, naniniwala ako na may magic ito at pag kumain ka nito ay mawawala ang kahit anong lungkot at sakit na nararamdaman mo..
Naging madalas ang pagbisita ni Gino sa bahay namin kahit pa pinipilit ko na ako na lamang ang pupunta sakanila para hindi nya na kailanganin pang lumabas. At isa pa ay ayaw ko din sya sa bahay. Kahit pa hindi naman sya ganoong minamata ng aking pamilya dahil na rin sa bata pa lang sya ay pumupunta na sya dito sa bahay, ay ramdam ko pa rin ang mga matang nakatitig palagi sa amin. Alam kong hinuhusgahan pa rin nila kami. Pffff.. Kahit pa sa gantong sitwasyon ni Gino ay di man lang nila pinalagpas.
Isang araw, bwan ng Nobyembre, ay bigla akong niyaya ni Gino na magpunta sa Enchanted Kingdom. Dito din kasi ang unang date naming nuong nagliligawan pa lang kami. Agad naman akong pumayag ngunit..
“Ano?! Kasama si Ate Lara?!”, maktol ko kay Gino.
“Oo mahal ko. Gusto ko lang makasama si Ate Lara uli. Matagal na panahon na simula nung nakasama ko syang lumabas. Ang huli ay bago naging tayo. Namimis ko na rin kasi sya.”, mahinahon na paliwanag ni Gino sa akin. Wala naman akong nagawa. Kaya pinilit ko ang Ate Lara ko na sumama kahit alam kong tatanggi sya. Pero for some reason, napapayag ko sya. Bored din daw sya sa bahay at tsaka isa pa ay ako naman ang taya.
Nasa byahe kami at tahimik ang lahat. Habang nagddrive ako ay nakaupo lang sa tabi ko si Gino, nakatingiin sa paligid at sa mga taong nadadaanan namin. Si Ate Lara naman ay nasa likod lang at nakikinig ng music sakanya ipod. Naging maayos naman ang byahe naman at maya maya pa’y nakarating na kami.
Pagkadating na pagkadating ay tinanong ko agad si Gino kung ayos lang ba ang pakiramdam nya. Medyo malayo din ang naging byahe namin. Gusto kong siguraduhin na okay sya bago kami pumasok dahil siguradong mapapagod kami sa loob dahil sa kakalakad at kung sakaling sasakay kami ng mga rides.
Una kaming sumakay sa Carousel. Kahit pa malalaki na kami ay pumila kami. Halos puro mga bata ang nakapila pero pinilit kami ni Gino na dun muna sumakay. Maya maya ay kami na ang sasakay.
Bakas sa mukha ni Gino ang tuwa. Animo’y bata din sya na ngayon lang nakasakay sa Carousel. Titingin tingin pa sya sa paligid at minsan ay tumatayo tayo pa sa kabayong sinasakyan nya. Nakakatuwang pagmasdan.
“Ate Lara, naalala mo ba yung iniwan natin si Jake at tayo lang ang sumakay ng Carousel nung minsan magpunta tayo sa peryahan?”, tanong ni Gino kay Ate Lara. Natahimik si Ate Lara. Ngunit kapansin pansin din ang biglaan nyang pag ngiti. Inaalala ang nangyari nung araw na yun.
“Oo naman. Iyak ng iyak si Jake kasi hindi natin sya sinama. Hahahaha!”, masigasig na tugon ni Ate Lara. Aaminin ko, medyo nagulat ako. Dahil after a long time ay narinig ko ulit syang tumawa at nakita ko syang masaya.
“Nakakatuwa pa rin ang tawa mo Ate Lara. Parang walang kaproble problema.”, ngiting tugon ni Gino kay Ate Lara. Napansin kong napatingin sakin si Ate Lara sabay biglang alis ng kanyang mga ngiti at balik sa suplada nyang mukha.
Kung saan saan kami sumakay. Pero sa bawat sakay namin ay sinisigurado kong okay si Gino. Ayoko may masaman mangyari sakanya. Ngayon pang papalapit na ang pasko. Ito rin kasi ang araw na naging kami ni Gino.
Masaya ang paglalakad namin at pagsakay sa mga rides. Parang bumalik kami sa panahon na mga bata kami at nasa peryahan. At sa paglalakad namin ay napadaan kami sa roller coaster.
“Ate Lara, diba sabi mo, gustong gusto mo sumakay dyan kaso takot din ang mga kaibigan mo at ayaw ka din naman samahan ni Jake?”, pilyong ngiti ni Gino.
“Mahal, hindi pwede dyan. Delikado yan para sayo. Alam mo namang….”, pagtanggi ko.
“Alam kong yan din ang sinabi mo nung unang beses kitang niyaya na sumakay. Sapilitan pa kitang napasakay. Okay lang ako. Gusto ko lang din talaga sumakay..”, ngiting sabi ni Gino sabay pagpupungay nya ng mga mata. Naloko na! Wala nanaman akong nagawa kundi pumayag.
“Oh sige, hihintayin ko kayo dito sa may food court. Total, kaharap lang naman.”, sabay yakap naman sakin ni Gino dahil sa pagpayag ko sa gusto nya.
Habang nakaupo ako sa may food court ay naalala ko ang lahat lahat sa amin ni Gino. Ang first date namin dito, ang first anniversary namin sa beach, ang mga masasayang monthsary sa mga restaurant o kaya naman ang pagluluto naming dalawa para mas masaya, at kungg minsan, ay cinecelebrate naming sa hospital dahil bigla syang isinusugod.
Maya maya ay nakita kong naglalakad na papuntang food court si Gino at si Ate Lara kaya agad naman ako naglakad para salubungin sila. Gusto ko muna icheck kung okay lang ba si Gino. Pero medyo nagulat ako dahil nakita kong tulala si Ate Lara at medyo naluluha luha ang mata habang nakatingin sakin. Hindi ko alam, nasobrahan ba to sa shock kaya nagkaganto? Naramdaman ko na lang na bigla nya akong niyakap na sadya ko namang ikinagulat ng sobra.
“A-a-ate? Ok ka lang?”, utal kong sabi.
“Huh.. Oo, natakot lang talaga ako sa roller coaster. Akala ko kasi mahuhulog ako galing sa taas. Pasensya na.”, sagot ni Ate habang nakayakap sya sakin. Naramdaman ko din ang pag iyak nya.
“Ate, ok lang yan. Atleast, nakasakay ka na diba?”, nakita ko naman si Gino na nakangiti lang sa amin.
Pagtapos ng sandaling yun ay alam kong may nagbago. Hindi man gaano kahalata. Pero ngayon, ikinagugulat ko ang pagkatok ni Ate sa kwarto ko at pagyaya sakin pag kakain na kami. Medyo naninibago talaga ako. Ngunit hindi lang yun ang nagbago, pati ang pakikitungo sakin ng lahat sa bahay ay nag iba. Hindi na ganoon kasungit ang Daddy sakin. Si Mommy naman ay tinatanong ako kung may gusto ba kong ulamin. At si Ate naman ay nakikinood sa akin twing nanonood kami ng dvd ni Gino sa entertainment room namin na hindi naman nya ginagawa noon. Hindi ko na rin masyado nararamdaman ang pagmamata sa amin ni Gino hindi tulad dati. Dahil kaya ito sa lumalalang sitwasyon ni Gino? Kaya naawa sila at nagpapakitang tao sa amin?
Isang araw bago magpasko. Umaga pa lang ay nakahiga kami sa kwarto ni Gino at nagkwekwentuhan habang magkahawak ang aming mga kamay. Sinasariwa namin ang lahat ng alaala na nagdaaan samin. Hindi lang as lovers, pero as bestfriends. Mga kalokohan at mga problemang napagdaanan naming. Mga masasayang sandal at mga panahon na gusto naming ibaon sa limot. Bigla akong napatingin kay Gino. Medyo namumutla na talaga ang ichura nya. Ito yung mga sandali kung saan gustong gusto kong itigil ang oras at iniisip ko nanaman n asana wag na dumating ang bukas. Sana ganto na lang.. Para hindi na ko mangangamba na mawala pa sakin si Gino.. Ang taong minamahal ko ng buong puso.
“Bem.. pwede mo ba ko ikuha ng tubig? Nauuhaw kasi ako. Hindi ako makatayo.”, nakangiti pa ring sabi ni Gino kahit bakas sakanyang mukha ang paghihirap. Tumango lang ako kahit naramdaman ko ang biglaang pagpatak ng luha ko. Agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng tubig. Ngunit pagbalik ko, nakita ko si Gino na hindi kumikilos at halata ang hirap nya sa paghinga. Nagpanic naman ako kaya agad kong tinawag ang Mommy nya at dinala namin sya sa hospital.
Pagdating na pagdating namin sa hospital ay agad pinasok sa emergency room si Gino. Habang ako naman ay hindi mapakali. Nararamdaman kong gumuguho ang kinakatayuan ko sa sobrang gulo ng utak ko. Maya maya ay lumabas ang doctor at umiling ito. Dinala na lang daw nila si Gino sa isang kwarto at oras na lang ang hihintayin bago tuluyang umalis si Gino. Napatingin ako sa mommy ni Gino, umiiyak ito at may kausap sa cellphone.
Tuliro akong napaupo sa sahig. Biglang nablanko ang utak ko. Gusto kong umiyak pero walang mga luhang tumutulo. Tinatanggi ko kasi sa isipan ko ang mga nangyayari. Okay lang si Gino. Isa lang to sa mga attacks nya. Hindi pwede ngayon. Mag papasko na mamaya, 4th year anniversary din namin. Magiging okay siya. Alam ko. Magiging Okay siya. Hanggang sa di ko namalayan na umiiyak nap ala ako. Hindi ko alam kung kelan tumulo ang mga luha ko. Pero parang biglang nagsink in sakin lahat ng mga nangyayari. Unang pumasok sa alaala ko ay ang ngiti ni Gino. Kailangan ko makita ang ngiting yun. Natataranta ako. Dyos ko po! Wag muna…
Agad kong tinakbo ang chapel ng hospital. Dito ko binuhos ang luha ko. Nagmaka awa ako sa harap ng Panginoon na wag muna. I was willing to give my life para lang ma extend ang buhay nya kahit isang araw pa. Huwag muna ngayon. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang isang kamay sa balikat ko.
“Mommy………”, bigla kong yakap sa aking Mommy. Kasama nya din si Daddy at si Ate Lara. Niyakap din ako ni Daddy at ni Ate Lara.
“Anak, hindi ko alam na ganto ka palang nasasaktan na. Araw araw mo itong pinagdadaanan. Ang takot na mawala si Gino. Pero mas pinili kong pairalin ang galit ko. Ang galit ko sa mga bakla. Ayaw ko kasing malihis ka ng daan. Gusto ko magkaroon ng sarili mong pamilya balang araw. Pero ng kausapin ako ni Gino ay parang bigla akong namulat. Ako dapat ang unang sumuporta sayo. Hindi si Gino. Ako ang ama mo at kami ang pamilya mo, per okay Gino mo nahanap ang dapat na sa amin mo nakuhang appreciation. Ngayon ko naiintindihan ang lahat.”, sabi ni Daddy sabay hawak sa aking mga kamay.
“Anak, naaalala mo ba nung maliit ka pa? Sa twing natatakot ka o nalulungkot ka ay gusto mong hinahawakan ko ang kamay mo dahil lage kong sinasabi sayong isusumbong ko sa military ang kung ano mang dahilan ng kalungkutan mo. Heto anak ang kamay ulit ni Daddy, at ngayon hinding hindi na bibitaw ang Daddy.”, naluhang sabi ni Daddy. Bigla ko namang naramdaman ang pagyakap sakin ni Ate Lara.
“Jake, I’m so sorry… Naaalala mo ba yung bumaba kami galing sa roller coaster ni Gino. I hated you for the wrong reason. Sinabi kasi sakin ni Gino ang dahilan ng pinagawayan natin noon. Nung bigla mongg pinalayas ang boyfriend ko at kinasahan ng baril pag nakita mo pa syang umapak sa bahay. Nagalit ako sayo noon dahil akala ko ay binastos mo sya. Yun pala, ayon sa sabi ni Gino ay nakita nyo si Arvin minsan sa isang bar na may kahalikang ibang babae. Kaya pala ganun na lang ang galit mo kay Arvin. I’m so sorry hindi ako naging mabuting Ate sayo. Ako dapat ang nagaalaga sayo bilang nakakatanda pero ako pa pala ang iniisip mo. I’m so sorry Jake……”
Wala akong nasabi kahit isang salita. Nagiiyak lang ako. Kaya pala nagbago ang pakikitungo sa akin ng aking pamilya. Lahat pala ay dahil kay Gino. Totoo pala ang sinabi nya. Na mahal ako ng pamilya ko. Naalala ko bigla ang mga ngiti ni Gino na sya namang lalo kong kinaiyak.
Pagtapos n gaming paguusap sa chapel ay tinungo na naming ang kwarto kung asan si Gino. Halatang halata sa kanyang mukha ang paghihirap. Alam kong anu mang sandal, mawawala na sya sa amin. At dadating na ang kinakatakutan ko. Ang hindi na muling pagmulat ni Gino. Agad akong nagtungo sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya. Dahan dahan itong dumilat at tumingin sakin.
“B-bem-bbem.. M-ma-hal na m-ahal k-ita. T-an-daan m-mo y-ung s-si-nabi k-ko s-sayo ha. I l-love y-ou so m-uch.”, nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko napigil ang aking emosyon at hinayaan ko lang umagos ang mga luha ko. Sumenyas naman sya sa akin na lumapit at dahan dahang hinalikan ang mga labi ko. Pagkalas ko ay kita ko naman ang sobrang paghihirap sa kanyang mukha.
“Mahal kong Gino. Pahinga ka na. Kung pagod ka na. Pahinga ka na. Huwag mo na kami isipin. Pahinga ka na mahal ko. Mahal na mahal kita. At di ko malilimutan ang lahat ng sinabi mo. I love you. I love you so much mahal kong Gino.”, hirap na hirap kong sinabi.
Nakita kong tumingin si Gino sa wall clock ng kwarto. 12: 03. Sabay tingin nya ulit sakin.
“M-me-rry C-Christ-mas.. H-ha-ppy 4th y-ear a-an-nipv-ver-sa-ry. I l-love y-ou so m-uch..”, nakangiti nyang sabi sakin.
“Merry Christhmas. Happy 4th year anniversary. I love you so much mahal kong Gino.”, ang huli kong nasabi ko habang nararamdaman ko ang pag agos ng luha ko habang nakatingin ako sa mukha ni Gino. Hanggang sa nagbigay ito ng huling pisil sa mga kamay ko. Agad naman akong humalik sakanya at gusto kong hulihin ang huling hininga nya. Hanggang sa iyakan na ang narinig ko sa buong kwarto.
Nakayakap ako kay Gino habang inaaalala ang lahat ng aming nakaraan. Hindi ko alam na magiging ganto pala kasakit ang sandaling ito. Araw araw ko mang pinaghandaan ay hindi ko pa rin pala kaya. Ngayon, ang lahat ng kay Gino ay isang magandang alaala na lamang. Hindi, isa syang parte ng pagkatao ko. Binigay nya sa akin ang lahat ng kanya. At ibinalik nya pa sakin ang dati kong nawala, ang aking pamilya.
Sunod kong namalayan ay nasa loob ako ng aking kwarto at nagbibihis para sa lamay ni Gino. Nakaupo ako sa aking kama at nakaharap sa salamin. Hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Sa biglaang pagkawala ni Gino. Ngayon pang araw ng pasko at 4th anniversary naming. Kung dati ay buong galak naming sinasalubng ang araw na ito, ngayon, ni hindi ko alam kung saan at paano magsisimula ngayong wala na sya. Naramdaman ko na pumatak muli ang luha mula sa aking mga mata. Kinakain ako ng sakit at kalungkutan. Nang biglang may kumatok at pumasok.. Si Mommy.
“Anak……”, agad nyang bungad at abog sa akin ng isang plastic. Agad ko itong binuksan. Ngunit pagbukas ko ay mas lalong umagos ang mga luha ko. Isang plastic bag ng polvoron. May inabot ding sulat sa akin si Mommy. Binuksan ko agad at ito ang nilalaman..
“Dear Mahal kong Jake,
By the time na mabasa mo ito ay nangangahulugan lang na wala na ako. Noon, natatakot akong mawala at dumating ang araw na mabasa mo ito. Pero I guess, wala tayong control sa sitwasyon.
Sabin g Doctor ay nalalapit na daw ang oras ko. Kanina, paguwi natin galing sa hospital ay sobra akong natakot. Hindi dahil sa alam kong mamatay na ko.. Kundi dahil natatakot ako at nalulungkot dahil narealize ko, sa sumpaang ginawa nating dalawa ay ako ang sisira. Ako ang unang mangiiwan. Napakasakit dahil ang dami ko pang gustong gawin kasama ka. Pero masaya na rin ako, dahil minsan sa buhay ko, naramdaman ko ang magmahal at mahalin.
Ginawa naming itong polvoron na to ng minsang dumalaw ako sayo. Kaso inutusan ka daw ni Tita kaya hindi mo alam. Minabuti ko na rin na wag muna sabihin. Dahil magiging sakto ito sa oras na to. Natatandaan mo ba nung sinabi mo nung bata pa tayo? Na pag kumain ka ng polvoron ay may magic ito? Na lahat ng kalungkutan at problema mo ay mawawala? Kaya ginawa ka naming ng sangkaterbang polvoron. Wala na kasi ako para making at punasan ang mga tutulo mong luha.
Nakausap ko na ang Tito at Tita. Alam kong tutol sila sa ating relasyon dahil na rin sa gusto nilang magkapamilya ka balang araw. Naiintindihan ko sila dun. Pero sinigurado ko sakanila na matutupad yun. Dahil alam naman nila na malapit na ang pag alis ko at sinabi ko sakanila na mas kakailanganin mo sila sa gantong panahon. Napaluha ako ng marealize din nila na malayo na ang loob nyo sa isa’t isa. Simula ngayon daw ay magbabago na ang lahat.
Ikaw talaga bem, hindi mo din pala talaga sinabi ang totoo kay Ate Lara about kay Arvin. Pasensya ka na kung sinabi ko sakanya nuong araw na sumakay kami sa roller coaster. Ginawa kong excuse ang pagsakay dun para makausap ko sya. Alam ko naman na mahal na mahal mo ang ate mo. Masyado ka lang pa macho kaya ayaw mo sabihin sakanya. Pasensya na ulit ha. Pero sigurado ko, magiging ayos na uli kayong magkapatid.
Bem, tulad ng sabi ko sayo, your family loves you as much as I do. Kaya kung mahal mo ako, ay mahalin mo sila. Huwag mong ilayo ang loob mo sakanila. Dahil ang bawat alaala na meron tayo ay ipamahagi mo sakanila. Ipakita mo ang naging resulta n gating pagmamahalan.
Bem, nararamdaman ko na malapit na ang panahon ko. Nararamdaman ko sa katawan ko na nanghihina na ako. Pero tulad ng pinangako ko, hihintayin nating sabay ang pasko, at syempre, ang anniversary natin. Pangako, aabot tayo..
Ito na ang mga huling katagang maiiwan ko sayo bem.. Sana pakaingatan at tandaan mo ang sasabihin ko..
Mahal kong Jake, kung bumigay man ang katawan ko ngunit ang puso at pagmamahal ko sayo ay hindi bibitiw. Mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay. Kung saan man ako mapunta, sisiguraduhin ko na babantayan kita. I love you so much mahal ko.. I love you till the day after forever…..
Mahal mong Gino :)”
Bumuhos ang aking luha kasabay ng agos ng damdamin ko. Npahawak ako sa aking mga labi at pilit na inaalala ang pakiramdam ng mga halik ni Gino. Napapikit ako. Sa aking isipan ay nakita ko ang mga ngiti ni Gino habang nakatingin sa akin ng may mapupungay na mata. Narealize ko na maaring namatay nga ang kanyang katawan, ngunit hindi ang alaala at pagibig nya. Mananatili sya sa aking puso habang buhay….
“Anak, binilin yan sa akin ni Gino. Na kung dumating man ang iras na to ay ibigay ko ang polvoron at sulat na yan sayo. Anak, hindi ko alam na naniniwala ka pa rin pala sa sinabi ko na may magic ang mga polvoron. Bata ka pa noon nung una kong sinabi ko yun sayo. Hindi ko alam na dadalhin mo ito sa iyong paglaki. Pasensya ka na anak ha.. Hindi kita nasuportahan sa naging decision mo. Pero hayaan mong ang polvoron na ginawa naming ni Gino para sayo ang bumawi sa pagibig ko para sayo. I love you anak…”
Napakayap lang ako kay Mommy at gumaan ang aking paramdam. Binigay ni Gino ang pinaka magandang regalo sa akin, ang kanyang pagmamahal at ang aking pamilya. Nakuha ko na ring patawarin ang aking pamilya. Napahalik lang ako sa aking Mommy. Kinuha naman nya ang kamay ko at niyaya na papunta sa lamay ni Gino.
Hindi ko man alam kung paano pa haharapin ang bukas ngayong wala na si Gino. Pero alam kong lahat ng iniwan nyang aral sakin ay magagamit ko. Ang akala ko ay hinahanda ko ang sarili ko para sa sitwasyon na to, pero si Gino pala ang naghanda ng lahat para sakin. He really is the very definition of a perfect partner. Mapagmahal, mapagbigay, mapagintindi, lahat na ata na sakanya. He is the person with the strongest weak heart.