Thursday, December 6, 2012

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 12






          Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

            Natutuwa po ako sa mga taong sumusupport sa akin sa story na ito. Kaya muli, maraming maraming salamat po. :)
Hays, medyo sad lang ako recently.. Kaya pagpasensyahan nyo na din si ako, ha.. T_T

            Pangalawa po ay, gusto ko humingi ng pabor. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :)  http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!

              Pangatlo, ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, nico singayan, cef de mesa, SXZMLR, ROBZ, Chad Kurasaki, mckimac, rosalino abendanio, Vince Mirabuenos, cal, Marlon Lopez, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.




“Cedric…”, pagtawag muli nito. Dahil hindi ko maabot ang kurtina ay tumayo na lang ako para buksan ang ilaw. Ngunit ng mabuksan ko ang ilaw ay nakita ko si Cyrus. Nakangiti ngunit namumutla, at mukhang dehydrated. Pawis na pawis din ito at ang payat payat na. May hawak ito ng baso ng mainit na tubig at uminom ng kaunti sabay tingin ulit sa akin at ngiti.

Agad agad, napaluha ako sa nakita.

“Anong nangyari sayo…?”, maluluha kong tanong.

Hindi ito sumagot at ngumiti lang. Nilapag nito ang kanyang baso at muling nginitian ako.

Hindi na ako nakapagpigil at agad agad akong lumapit at niyakap ito. He was cold. Malamig ang pawis, pero ramdam ko na may lagnat ito. Ramdam ko din ang panginginig nito sa panghihina.

“Sorry Cyrus.. Patawarin mo ko…”, humahagulgol kong paghingi ng patawad habang yakap yakap ito ng mahigpit.

Kadiliman.

“Cedric…”, pagrinig ko muling bulong. Nagising na ako ng tuluyan. Panaginip lang ang lahat.

Napaupo ako sa kama ko at ramdam ko ang pawis na tumagataktak mula sa mukha at likod ko. Napahawak ako sa mukha ako naluha. Naalala kong muli si Cyrus. Hanggang ngayon na kahit nasa Manila na ako at isang taon mahigit na ang lumipas ay minumulto pa rin ako ng pagkakamaling nagawa ko.

“Cedric!!”, rinig kong tawag. Nagulat ako. This time, sigurado akong hindi na panaginip. Alam kong ako na talaga ang tinatawag kaya naman dali dali akong lumabas para labasin kung sino man ang tumawag sa akin. Paglabas ko ay medyo na disappoint ako. Si Rovi.

“Oh, bat di ka pa nagaayos? Ala sais pasado na.”, bungad nito.

“Sorry. Tuloy ka muna.”

Naligo at nag ayos na nga ako. Sinuot ko ang pinaka magandang damit na meron ako. Kahit pa wala ako sa trabaho ay gusto ko pa rin irepresenta ang aming pinapasukan.

Nang makaalis kami ni Rovi ay kausap ng kausap ito sa telepono. Tinatanong sa kaibigan niya kung saan ba ang daan papunta doon. Dahil nga nakaporma de todo kami ay nagtaxi na kami.

Pagkababa naming ng taxi ay parehas kaming natulala sa nakita. Napaka sosyalin ng datingan ng napuntahan namin. Pagtingin ko sa orasan ay pasado alas onse na rin at ang daming taong nakapila papasok sa club. Agad din kaming pumila ni Rovi.

“Sir, name please?”, pagbati samin ng isang babae na may dalawang lalakeng sobrang matipuno sa likuran nito.

“Rovi Morales.”, ngiti ni Rovi.

“One moment po.”, ngiti ulit ng babae.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Rovi at ngumiti.

“Sir, I’m sorry pero wala po sa list ang Rovi Morales.”, pagpaliwanag ng babae.

“What?!”, gulat na tanong ni Rovi. Bigla namang parang natinginan ang mga tao sa paligid.

“Sir, as I’ve said po, wala po ang pangalan niyo sa listahan kaya hindi ko po kayo pwedeng papasukin.”, pagpapaliwanag ng babae.

“Shit!”, asar na sabi ni Rovi.

“Miss, wait lang, ha.”, aligagang sabi ni Rovi. Ngumiti lang ang babae. Fake nga lang.

“Pare, labo mo naman! Andito na kami pero wala daw sa listahan ang pangalan namin!!”, galit na sabi ni Rovi.

“Hah?! Hindi kita marinig!! Ano?! Ah, sige, hintayin kita dito sa labas!!”, sigaw ni Rovi.

“Hoy! Ang lakas ng boses mo!”, sabi ko.

“Hindi ko marinig, eh. Palabas na daw sya. Pasensya na, ha.”, pagpaumanhin ni Rovi.

Maya maya ay may lumabas na isang binabae na talaga namang sosyalan at divang diva ang dating.

“Rovi!!”, sigaw nito. Lumingon naman agad si Rovi at kinamayan ang divang beki.



“Anong problema dito?”, pagtanong ng binabaeng lumabas sa babae kanina.

“Lady, wala po kasi yung name nila sa database natin for tonight’s list.”, pagpaliwanag ng babae.

“Patingin nga. Saan ka naghanap?”, utos ng tinawag na Lady doon sa babae. Nagulat kami ng siya pa mismo ang nagtingin sa list.

“Ayan oh! Hindi kasi bibig ang panghanap! Mata! Eh, ayan sa VIP yung pangalan, oh.”, reklamo ni Lady.

“Naku, pasensya na po Lady.”

“Oh, sige. Basta ayusin mo ang trabaho mo.”, masungit na sabi nito.

“Pasok na po kayo, sir. Pasensya po talaga.”, paumanhin ng babae. Ngumiti lang kami ni Rovi.

Kung ang bar naming ay nasososyalan na ako, dito, mas sosyal talaga. Halatang mamahalin kahit mga upuan na ginamit. Pati ang ambience ay pang mayaman lang.

“Good Evening, Sir!”, pagalalay samin papunta sa isang kwarto.

Maganda ang kwartong ito. Glass Walls kaya kita mo pa rin ang sa labas.

“Pucha pare! Ang ganda naman dito!! Kaso pre, wala kaming pambayad dito, ha. Taya mo to! Ikaw ang nagyaya!!”, bungad ni Rovi sa lalake.

“Pwede ba stop caling me Pare!! Nakakaloka toh!”, mataray na sabi ni Lady.

“And Oh cmon! Wag mo na intindihin yun!”, sabi ng baklang diva.

“Ay nga pala, tropa ko pala. Siya rin yung Manager ng sinasabi ko sayong pinagtratrabahuhan ko. Ced, ito pala si Marco. Marco si Ced. Cedric.”, pagpapakilala sa amin ni Rovi.

“Its Mimi! Mimi Godiva!!.”,pangmamata nito kay Rovi. Humarap naman ito at nguniti sabay pagkamay nito.

“Cedric.”, pagkamay ko din.

Nakikipagkamay ako ng pumasok ulit ang babaeng nasa reception kanina.

“Lady, andyan na po yung delivery sa likod. Kailangan po kayo.”, bungad ng babae.

“Ganun ba. Oh, sige. Ikaw muna bahala sa bisita ko. Guys, excuse ha.”, pagpapaalam naman ni Mimi.

“Good evening sir! Pasensya na po talaga sa abala. Hindi ko naman po kasi alam na kayo yung bisita ni Lady, eh.”, paghingi ulit ng tawad nito.

“Lady? Napaka pormal naman.”, biro ni Rovi.

“Po? Siya po kasi ang amo namin. Siya po ang may ari dito.”, pagpapaliwanag ng babae.

Halos malaglag naman ang panga ni Rovi sa sobrang gulat. Ay! Kasali pala ako!

“Siya ang amo nyo?”, gulat na tanong ni Rovi.

“Opo, sir. Bakit po?”

“Wala…”, manghang sagot ni Rovi. Kaya naman pala sinabi na wag naming initindihin ang bayarin. Eh si Marco este Mimi naman pala ang may ari dito.

“Siya nga pala po. Anong gusto niyong drinks ng makakuha ako.”, magiliw na sabi ng babae. From fake smile kanina ay ngayon naman ay overly power ngiti ang gawa nito.

“Pag balik na lang ni Mimi.”, ngiti ni Rovi. Napatingin ako kay Rovi. Alam ko ang mga tingin na yun. Tipis niya ang babae. Sakto naman na bumalik na si Mimi.

“Pucha ka pare! Ikaw pala may ari dito!!”, pagtayo ni Rovi at akbay kay Mimi. Natawa tawa lang naman si Mimi.

“Oh, eh wala yun! Basta enjoy lang kayo! At isa pang tawag mo ng Marco o pare, pagbabayarin na kita dito!! Vicky, ikuha mo kami ng paborito ko.”, utos ni Mimi sa babae. Si Vicky.

“Opo, Lady.”, magiliw na sabi nito sabay labas.

“At subukan mong ipagsabi ang pangalan ko!! Ipapaubos ko ang lahi mo!!”, dagdag nito sa babae.

“Asensadong asensado ka na ah!”, tuwang tuwa na sabi ni Rovi.

“Hindi naman. Pero, kung gusto niyo magset dito sa off niyo. Pwedeng pwede.”, pag ere ni Mimi.

“Naks naman! Gumaganun ka na!”, bilib na bilib na sabi ni Rovi.

“Hindi naman. Pero Rovi, di ka pa din nagbabago. Babaero ka pa din!”

“Tado!”

“Pwede ba! Kitang kita ko paano mo tingnan si Vicky!”, malanding sabi ni Mimi.

“Ganda eh! Panalo.”, sabi ni Rovi.

“Sus! Wala pa yun. Magaakyat tayo ng babae dito mamaya.”, pagmamayabang ni Mimi.

“Saan mo naman nakuha yang mga yan?”, excited na sabi ni Rovi. Halatang sabik na sabik sa mga babaeng sinasabi ni Mimi.

Pinaupo kami ni Mimi at nagpaliwanag.

“Rovi, hindi ito basta club o bar lang. Dito nagtratrabaho ang mga pinakamamahaling mga escort. Pati mga artista dito mo makikita.”, pagpapaliwanag ni Mimi.

“Eh, bat ka bumubulong? Wala namang nakakarinig.”, pagbibiro ni Rovi.

“Loka!  Syempre para may effect yung sinabi ko. Hahaha!”, sagot ni Mimi.

Nagulat ako sa narinig. Kaya naman pala ang sosyal ng mga tao dito. At parang mistulang magkakaroon ng fashion show dito dahil sa mga ala modelong mga tao sa paligid.

“Mamaya pupunta dito ang mga pinakamahal naming mga escorts. Sila ang mageentertain sa inyo. Alam mo naman, marami akong iikutan dahil maraming bisita. Pero sana mag enjoy pa din kayo.”, pagpapaliwanag ni Mimi.

Dumating na ang alak na inorder ni Mimi. Samut saring pulutan at pagkain din ang dumating. Akala mo ay pyesta dahil sa dami ng pagkain at inumin. Kaso ngayon, pyesta ng mga sosyal.

Inikot kami muna ni Mimi sa buong bar. Napakaganda talaga. Pati ang banda, kilala. Dahil sikat na banda ang tumutugtog. Nakakita din ako ng mga iilang artista na gumigimik. Namangha ako dahil dati, sa tv ko lang sila nakikita, pero ngayon, ito lang sila.

Buti na lang at best outfit ko ang sinuot ko dahil kung nagkataon ay baka mapagkamalan akong waiter dito. Pero huwag ka, pati mga waiter at waitress dito ay magaganda at gwapo. De klase din kung baga. Napaisip tuloy ako kung paano na lang kaya ang sinasabi pa ni Marco na mga escort dito.

Bumalik na kami sa kwarto at tuloy ang tugtugan. Maya maya ay dumating na ang mga escort na sinasabi. Mga high profile bitches kung tawagin. At sa ichura nila ay talaga namang maiilang ka dahil parang napaka perpekto nila. Gay high ang mga lalake at talaga namang kaakit akit ang mga babae. At isang ngiti mula sakanila ay sadyang may presyo na. Pero ito, libre naming naeexperience.

Sa mga kilos at galaw ay ibang iba din ang mga ito. At sat wing nakakausap ko sila ay madalas napapanganga naman ako. Ang galing nilang magdala sa usapan. Lalo na pag tatlo na silang kausap mo. Nakakabilib.

Maya maya ay bumalik sa kwarto si Mimi. Kinamusta kami at tinanong kung nageenjoy ba kami. Paano ba kaming di mageenjoy eh sobrang saya ng nararanasan namin.

“Oh ikaw, okay lang ba. Buti natitiisan mo tong si Rovi?”, pagbibiro ni Mimi sa akin.

“Oo nga, eh. Hindi ko alam kung paano ko natitiis yan!”, biro ko.

“Nako hijo, di ka nag iisa. Pero solid yan. Wirdo lang kausap pero solid yan!”, pagmamayabang ni Mimi.

“Tado! Ako nanaman nakita mo.”, sabat naman ni Rovi.

“Pero alam mo Ced, nagulat talaga ako. Dati kasi itong si Mimi, tahi tahimik lang ito noon. Pinakamatlino sa klase, ang baduy pumorma, pero swak sa pakikisama.”, pagpapaliwanag ni Rovi.

“Say that once again and I will deny na magkakilala tayo! Gawd!! Nakakaloka ka, ha!!”, biro ni Mimi.

Nakakatuwa at nakakainggit ang pagkakaibigan nila Rovi at Mimi. Kahit pa iba na ang antas nila ngayon ay talagang iningatan nila ang pagkakaibigan nila. Kahit pa naging malayo si Rovi. Bigla ko nanaman tuloy naalala si Cyrus. Kung hindi lang sana kami nag away ay malamang kasama ko ito ngayon dito. Parehas pa rin kami ng pinatratrabahuhan at kasama ko syang nararanasan ang lahat ng ito ngayon.

Bigla akong parang nawala sa mood para magsaya. Muli nanaman kasi akong kinakain ng konsensya ko. Hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil wala si Cyrus sa tabi ko.

“Oh, pre. Okay ka lang?”, alalang tanong ni Rovi.

“Oo. Okay lang.”, simpleng tugon ko.

“Si Cyrus nanaman yan, noh?”

Tumango lang ako.

“Alam mo pre, isang taon mahigit na, oh. Hindi mo ba napapansin, iba na tayo ngayon. Malayo na nararating natin. Iba na nga mga nakakasalamuha natin , oh! Panahon na siguro para ikaw din ang makisalimuha sa iba. Tsaka kung asan man si Cyrus ngayon, malamang okay lang yun. Kilala naman natin sya. Madiskarte yun.”, pagpapaliwanag ni Rovi.

Hindi magawang maka sang ayon ng utak ko sa sinabi ni Rovi. Pero tumango na lang ako para wala ng mahabang usapan.

“Oh guys, pasensya na, ha. Iikot muli ako. Mamaya, balik ako ulit.”, pagpapaalam ni Mimi.

Halatang enjoy na enjoy si Rovi dahil sa mga babaeng nakapaligid dito. At hindi ito basta mga babae. Talagang Class S na mga babae ang mga ito dahil hayop naman talaga sa ganda. May mga lalake din kaming kasama na akala mo ay hindi nalalasing kahit gaano kadami ang inumin.

Dahil na rin sa galing magtrabaho ng mga babae at lalake na mga ito ay nawaglit nila ang dinaramdam ko. They were paid to do that at mataas na presyo ang binabayad sakanila to entertain people. Kaya naman parang magic nilang naalis ang kalungkutan ko.

Nararamdaman ko na ang tama ng alak kaya nagpahinga muna ako. Todo asikaso naman ang mga escort na babae at lalake sa paligid ko. Sa sobrang galing nila ay feeling ko nasa bahay lang ako at nakikipag inuman with close friends.

“Rinig ko, manager ka daw doon sa bagong bukas na bar.” Malanding sabi ng babae na nagpakilalang Keeshia. Pagkatanong nito ay nakipag eye to eye contact pa ito sabay shot ng tequila. Pagkainom naman nito ay sabay sipsip sa lemon na tila ba nang seseduce. Napalunok ako. She was too sexy kahit sa paginom man lang.

I then noticed the guy beside him. Isang escort din na nagpakilalang George. He was tall. At napaka ganda ng katawan nito. Makinis at mukhang mabango. He flashed a smile at namangha ako sa pagkapantay pantay at puti ng ipin nito. Pero nang tumingin ito sa akin ay muli itong ngumiti. His smile was close to an angel’s.

Ngunit sa ngiti nyang yun ay nalungkot ako. May naalala akong isang ngiti. Isang ngiti na talagang mala anghel. Hindi lang close to being of an angel’s. pero perfect definition ng ngiti ng isang anghel.

“You’re troubled.”, sabi ng lalake, si George.

“Huh?”, gulat kong tanong.

“Let me guess.. Isang ex? Hmmm, no. I take that back. Mahal mo, pero hindi mo nasabi. Ahm.. Tapos, nagkaproblema kayo na nagresult sa paghihiwalay niyo ng landas.”, straight na sabi ni George.

Nagulat ako sa narinig.

“Pa. paano mo nalaman?”, gulat kong tanong.

Ngumiti ito.

“Remember I was paid to do this. Pero if you really wanna know. I can see it in your eyes. Talent ko na siguro yun.”, sagot nito.

“Sa tingin lang?”, di ko makapaniwalang sagot.

“Yeah. Marami akong nakakasalimuhang tao simula pa noon kaya isang tingin ko palang ay nagkakaroon na ako ng ideya. Well, masasabi ko na hindi pa naman ako nagkakamali.”, mayabang na sagot nito.

“Wow.”, sagot ng utak ko.

If I was rich, baka talagang magbabayad ako makausap lang ako ng ganitong klase ng tao.

Nagkakasarapan ang kwentuhan ko kasama sila George at Keeshia ng biglang pumasok muli si Mimi.

“Guys, alam ko ang rude ko dahil bisita ko kayo. Pero sorry, ang dami talagang mga important guests ngayon. Pero don’t worry. Pagtapos, babalik na ko dito. And dadalhin ko dito yung proxy ng pinaka amo.”, ngiti ni Mimi.

“Huh?! Akala ko you own the place?”, tanong ni Rovi.

“Oo. I own 30% of this place. And 70% naman ay sa business partner ko. Kaso busy yun lagi dahil napakaraming negosyong inaasikaso nito kaya may proxy na lang sya.”, paliwanag nito.

Muling lumabas na si Mimi. Tuloy naman din ang usapan.

Hindi ko napansin ang oras. Mag aalas dos na pala ng madaling araw. Usually ay ito ang oras kung saan pinaka buhay ang gabi kaya naman talagang ang energetic ng ambience ng place. Nakakalungkot lang na ilang oras pa ay matatapos na ang gabi at balik ako sa dati. Pero okay na rin, gustuhin ko man bumalik dito ay masyadong mahal. Di kaya ng budget ko.

Ako naman muna ang lumabas ng VIP room at nagikot ikot. Namangha ako dahil sa suot ng mga tao. Feeling ko ay nasa Italy ako at nanonood ng fashion show. Dress to katay naman kasi talaga ang mga tao.

Mga 30 mins din akong nawala dahil nagpasya akong magpapawis ng bumaba ang tama ko sa alak. Nakipagsayaw ako sa mga tao sa dance floor. Nang makaramdam ng pagod ay bumalik na muli ako sa kwarto.

“Oh, buti na lang sumama ka! Mukhang enjoy na enjoy ka eh!”, tawang sabi ni Rovi.

And he was right. This is one hell of an experience. Laking pasasalamat ko naman na isinama ako ni Rovi.

“Pre, salamat, ha!”, tapik ko.

“Ok lang yun! Atleast, may pupuntahan na tayo pag off natin sa trabaho! Libre pa!”, pagbibiro ni Rovi sabay tawa. Halata na rin ang pagkalasing nito.

Bumalik ulit si Mimi at umupo sa harap namin.

“Oh ano Rovi, Cedric? Nag eenjoy ba kayo? Isa na lang ang pupuntahan ko then babalik na ko dito. Give me mga 15 mins lang. Makikipagplastikan lang muna ko sa kabila.”, biro nito.

“Sige lang. Salamat din sa paanyaya mo, ha! Babalik kami, ha! Pero dapat libre pa din!’, garapal na sabi ni Rovi.

“Ang kapal din ng mukha mo, noh!!!”, biro kong sigaw kay Rovi. Natawa naman si Mimi.

“Anytime my dear! Balik lang ng balik. Libreng libre ka dito! Ikaw din Cedric. If you have time, punta ka dito! I’ll make sure na makakapasok ka dito ng libre. Huwag mo din intindihin ang gastos. It’s all on me!”, mabait na sabi ni Mimi.

“Swerte mo pare!!”, gigil na biro ni Rovi.

“Nakakahiya naman ata yun!”, nahihiya kong sagot.

“It’s all good! Basta sinabi ni Rovi na kaiibigan niya, alam kong kaibgan talaga turing niya. Alam na alam ko yun! Kaya huwag mo na intindihin yun!”, ngiti lang ni Mimi.

“Salamat ulit! Sige, babalik ako! Pero huwag mo kong sisihin kung malugi ka, ha!”, pagbibiro ko.

“Kahit araw arawin mo pa!”

“Sabi mo yan, ha!”, sabay naming sabi ni Rovi.

“Oo! Kulit niyo! Uulitin ko nanaman?”, tawa nito.

Muling nagpaalam na si Mimi at sinabi nitong huling guest na lang at babalik na nga ito at sasamahan na kaming uminom. Sumaludo lang kami ni Rovi at nagpasalamat.

Matapos nga ang 15 mins na sinasabi ni Mimi ay nakita ko na itong palapit muli sa kwartong kinalalagyan naming.

Ngunit doon. Biglang tumigil ang oras.

Parang biglang hindi ako makahinga.

Everything just stopped.

“Huy, Cedric! Okay ka lang?!”, pagpuna ni Rovi. Ngunit hindi ako sumagot at tinuro lang si Mimi na naglalakad palapit. Pakaway kaway pa ito.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Ang paglalakad ng lalakeng palapit sa amin ay parang naging slow motion. Napansin ko ang ganda ng katawan nito dahil sa hapit na hapit na suot nito. Kapansin pansin din ang napaka gwapo nitong mukha. Parang biglang ibang tao ang nasa harap naming ni Rovi na naglalakad palapit.

Alam ko napansin din yun ni Rovi. Tiningan ko ang reaksyon nito at parang manghang mangha din sa nakita. Well, ano pa ba ang nakapagtataka. He is the owner ng club na ito.

“Guys, im back!! At for good na ito!! Pagpasensyahan nyo na kung natagalan! Ang dami kasi ngang tao talaga ngayon!!”, pagwewelcome ni Mimi sa sarili. Kami naman ni Rovi ay napatanga lang sakanya. Nakatitig.

“Uy…”, tanging nasambit ni Rovi.

“Ay! Ito na nga pala yung sinasabi ko kanina. Ang proxy ng amo namin.”

There I saw him.

Pagtapos ng mahabang panahon.

Ito na.

Ito na sya.

“Cyrus?”



1 comment:

Anonymous said...

next chapter agad.. kabitin hahaha