Friday, September 6, 2013

Less Than Three- Part 23

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 23

(I can go the distance...)



[Alex’s POV]


Nakakainis lang talaga, sinira ni Arjay ang araw ko. 


Nakakainis siya sobra!



Hindi ba niya talaga kami titigilan hanggat kami ni Kieth?


Damn Him!


Nuti na lang at aalis kami ni Kieth ngayon, mag gagala daw kami, pambawi daw niya sa akin.


Ilang lingo din siyang busy sa mga bagay-bagay. 


Lagi na nga lang siyang balisa at tulala.



Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya dahil wala naman siyang nababanggit sa akin na kahit ano kaya wala akong ideya sa anuman ang problema niya ngayon.


Gusto daw niyang bumawi kasi di na daw niya ako naasikaso. 


Para sa akin ayos lang naman yun, ako ang dapat mag-asikaso sa kanya.


Kailangan naman na take turn yun eh para naman di siya mabagot sa akin. :)


Ilang sandali lang ay naabutan niya akong nakasimangot. 


Niyakap niya ako at hinalikan sa labi. 


Di ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung nangyari sa amin ni Arjay.


“Gawa mo?” tanong niya


“Nakatayo.”


“Oh bakit parang biyernes santos ang mukha mo?”


“Ewan…”


“Sus bakit nga? Di ka ba masaya na makita ako?”


“Masaya kaso sira na ang araw ko eh…”


“Hay naku.. tara na nga at magdate na tayo ngmakabawi-bawi na ako.”


“hay tara na nga… saan ba tayo pupunta?”


“Sa Batangas.”


“Ha? Anong gagawin natin doon?”


“Magho-honey moon.” Sabay kindat.


“Tumigil ka nga.”


“De joke lang. punta tayo Sta. Rosa… mag papaka enjoy tayo…”


“You mean…”


“Mag E.K tayo…”


“Wow…” niyakap ko siya ng mahigpit.


Dahil sa bagong lipat kami, first time kong makakapunta ng EK at si Kieth pa kasama ko. 


Need kong mag enjoy ng sobra dito.


Nagulat ako ng may dalang pagkain si Kieth. 


Daig pa naming ang magpipicnic. 


“Daming pagkain ah?”


“Naman.. need natin yan kasi di tayo papasukin doon ng may pagakin.”


“Oh bakit andami mong dalang pagkain?”


“Para di na tayo bibili sa loob.”


“Ah okay. Sabi mo eh.”


Nang makarating kami doon, he’s so proud of holding may hands in public. 


Sanay naman ako doon pero sobra lang talaga akong natutuwa sa ginawa niya.


“Babe… thank you.” Sabi ko.


“Para saan?"


“For everything.”


“Ako ang dapat nag tha-thank you kasi ibinigay ka ni God sa akin.”


“I love you…”


“I will kiss you torridly kapag nagpacute ka pa ng ganyan sige ka.. You are making me eager to you. Hahaha. I love you too.”


I kissed him in the whole public. 


Alam ko pinagtitinginan kami pero who cares, masanay sila sa nakikita nila.


Biglang may lumapit sa amin na dalawang lalaki at nagulat ako. 


Nakangiti silang dalawa sa amin at tinitigan ko sila. 


Magkaholding hands silang dalawa. 


That means, they are couple.


“Dhie, ang sweet nila oh.” Sabi nung isang lalaki.


“Oo nga eh. I remember nung kabataan pa natin.”


“Bata pa naman tayo. Wala pang kulubot ang mga mukha natin ah?”


“but were matured enough.” 


At nagtawanan sila.


Nakangiti lang ako sa kanila. 


Gayun din naman si Kieth. 


“You look so well.” Sabi ni Kieth.


“Thanks bro… kayo din..” sagot nito.


“Hello po. Nakakatuwa naman po na makakita kami ng couple na tulad namin.”


“Oo nga naman. Kami nga rin eh. Naalala namin yung sarili naming back then nung hindi pa kami kasal.”


“Wow… kasal na kayo?”


“Oo. Happily married.”


“I’m Kieth pala.. and my partner is Alex…” sabi ni Kieth.


“I’m PJ and this is my husband Kevin.”


“Nice names to both of you.”


“Yeah. Ang galing, natutuwa lang ako. Wag ninyong intindihin ang mga tao jan sa paligid ninyo, inggit lang sila.”


“Oo nga po eh.”


“Sige we will go a head. Enjoy your day.”


“Kayo din.” Sagot ni Kieth.


Pagkaalis nilang dalawa ay agad kong niyakap si Kieth.


"Bakit?"


"Wala lang."


"WeH?"



"Babe... ang swerte nila no?" sabi ko.


"Swerte din naman tayo ah?"


"Oo naman. Sana maging ganun din tayo. Ikasal, tapos maging masaya. yung hindi na tayo magkakalayo. Ikaw na kasi yung gusto kong makasama sa habang buhay. Ikaw lang at wala ng iba."


Nakita ko naman ang pagiging seryoso niya.


"May problema ba?"


"wala naman... masaya lang ako."


"Pero bakit ganyan reaksyon mo?"


"Anong problema sa reaksyon ko?"


"Parang may iniisip ka."


"Wala to... tara na nga."


Sumakay kami sa iba’t-ibang rides sa E.K. 


Sobra kaming nag enjoy. 


Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdman ko pero parang may mali. 


Natakot ako bigla sa maaring mangyari.


“Masaya ka ba” tanong niya.


“Oo naman. Nag enjoy ako.”


“Ako din nag-enjoy.” Sabi niya


“Napagod ka ba?” tanong ko.


“Hindi naman. Ikaw ba?”


“Ayos lang. Tara kain tayo… gusto mo hotdog?” tanong ko.


“Sure. Ano ba gusto mo bibilhin ko.”


“Hindi.. upo ka lang jan. ako ang bibili para sayo.”


“Ako na…”


“Hindi.. ako naman… makabawi man lang ako. Lagi na lang ikaw eh. Ako naman ngayon para bago.” Sabi ko.


“Sige ikaw bahala.” At ngumiti siya sa akin.


Agad naman akong pumunta sa may stand ng hot dog at bumili ng hotdog. 


Napansin ko na nakangiti ang babae habang paparating ako doon.


“Pabili po ng dalawang hotdog.” Sabi ko.


“Okay po sir…” pero nakangiti pa rin siya.


“Bayad ko po.” inabot ko sa kanya.


“Sir…ang gwapo ninyo…” sabi nito.


“Thank you.” Sabi ko.


“Sir… pareho kayong gwapo nung kasama ninyo.”


“Ah.. mas gwapo ako dun.”


“Pero sir may napansin lang ako… kayo po ba nung lalaking yun? Pansin lang po namin. Ang sweet po kasi ninyo. Sorry po kung chismosa kami ha.”


“No it’s okay. Yeah were couple.” Sabi ko.


“Nice naman po sir.”


Ibinigay niya yung order ko at sukli. 


"Sir... last question."


"Sure..."


"Artista ba kayo?"


"Uhm..."


"Tama... isa kayong model ng isang means wear.... tama po ba."


"Pwede na rin. :)"


"Hahahah. sabi na nga po eh. Pa--picture naman oh...."


"Sure."


"Thanks po."


"No problem."


Pabalik na ako sa may lugar naming ng may makita akong mga babaeng umaaligid sa boyfriend ko.


Aba ang mga babaeng ito ang lalandi. 


Makapag pacute sa kanya wagas. 


Pero hetong boyfriend ko nagpapalandi naman. 


Ang mga suot, akala mo nagkulang sa tela. 


Makikita nila ang hinahanp nila.


“Ehem…” sabi ko.


“Girls may gwapo pa oh..”


“Excuse me.” Sabi ko.


“Ei…” awat ni Kieth.


“Anong ei ei… nagpapalandi ka jan…”


“Nagtatanong lang naman.”


“Hoy… umalis nga kayo dito…”


“At bakit?” tanong ng isa.


“Committed na yang lalaking nilalandi ninyo.”


“So?”


“Anong so? Baka gusto ninyo makalbo sa harapan ko?”


“Ang taray eh. Gwapo sana kaso suplado.”


Agad kong hinalikan si Kieth at alam kong nabigla sila. 


Kitang-kita sa kanilang mukha ang labis na pagkagulat. 


Agad naman silang umalis sa aming harapan.


“Ang sweet ng babe ko.” Sabi nito.


“Ewan sayo. Nalingat lang ako bigla ka ng nambabae.”


“Hay naku nagselos agad. Alam mo naman na hindi ako lilingon sa iba. Ang babe ko talaga oh.”


“Ewan sayo…”


Lumapit siya sa akin at niyakap ako.


 “I love you babe.”


"Ewan sayo."


"I love you so much. Mahal na mahal na mahal na mahal kita."


“Haixt. Okay I give up.”


“And I win.”


“Oo na. sige na tara na nga.”


Pero bakit parang nasasaktan ako. 


Para kasing may iba eh. 


Parang hindi tama. 


Masyado siyang dense ngayon.


 Nakangiti siya pero alam ko behind those smiles ay may itinatago siya.


Humahanap ako ng bwelo bago ko siya tanungin. 


Bilang partner niya dapat alam ko ang lahat. 


Dapat dinadamayan ko siya kung anuman ang problema na hinaharap niya.


Umabot ang pagmamasid kong iyon hanggang gabi. 


Nakasakay kami sa may Ferris wheel. 


Nakatingin ako sa kanya habng siya naman ay nakamasid sa di kalayuan.


“Babe…” nagsalita ako.


“Yes…”


“May problem ka ba?” tanong ko.


“Wala naman bakit?”


“Nagsisinungaling ka.”


Ngumiti naman siya sa akin agad.


“Halika nga dito..”


Lumapit ako sa kanya. at niyakap niya ako ng mahigpit. 


“Paano mo naman nasabi?”


“Kakaiba kasi ang kinikilos mo. Ramadam ko kasi kapag may tinatago ka ba o wala. Ibang-iba ka kasi. Feeling ko nalipad lagi ang utak mo. Lalo na yung kanina. Alam ko suplado ka sa mga babaeng maarte, pero pinansin mo pa rin sila kanina.”


“Diba pwedeng magbago lang for no reasons? Masyado kang nag-iisip ng kung anu-ano eh."


“Umamin ka na nga kasi…”


“Babe.”


“Sabihin mo lang kung may iba ka na. sabihin mo kung may kabit ka. Maiintindihan ko naman eh. Pero wag na wag lang siya magpapakita sa akin kundi papatayin ko siya.”


"Babe... ako pa ba?"


"May tiwala ako sayo lalake."


“Babe nothing to worry. I’m okay. Medyo marami lang iniiisip.”


“Gusto kong malaman lahat. Nandito naman ako eh. Wag mong sarilinan.”


“May mga problema ka kasi kaya di ko masabi.”


“Ano ba naman yan? Matagal na tayo pero di ka pa rin nagtitiwala sa akin.”


“Nagtitiwala naman ako sayo…”


“Pero babe boyfriend mo ako. Dapat nagtitiwala ka sa akin. Dapat sinasabi mo problema mo para matulungan ka. Lagi mo na lang akong tinutulungan, gusto kong tulungan ka naman. Mahal na mahal kita at ayoko na nahihirapan ka ng dahil sa akin.”


“Ang swerte ko kasi ibinigay ka Niya sa akin.” 


Nakita ko na umiiyak siya.


“Babe.. alam ko nahihirapan ka pero pinipilit mo pa rin ang sarili mo…”


“Gusto ko kasi na wala kang inaalala. Gusto ko lagi kang Masaya at walang problema na dapat atupagin pa. sorry nakalimot ako na dapat pala pinaghahatian natin ang problema. Ikaw ang nagmulat sa akin.”


“Kaya spill it out. Sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo.”


“Si papa kasi… si papa…”


“Anong nangyari kay papa?”


“Inatake siya sa puso. Kailangan daw niyang maoperahan agad-agad. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko? Ambigat na kasi. Ayaw ko namang makadagdag sayo.”


“Kamusta na si papa? Okay lang daw ba siya? kalian siya magpapaopera?” sunod-sunod kong tanong.


“Okay na naman siya ngayon. Under observation.”


“Buti naman. Tatagan mo ang loob mo. Alam kong kaya mo yan.”


“Babe may problema pa eh…”


“Ano yun? Need mo ba ng tulong? Lahat gagawin ko para matulungan ka…”


“Kasama nila akong aalis sa bansa. Pupunta kaming America. Magkakalayo tayo at hindi ko alam kung kailan ako babalik.”


Sa puntong iyon, hindi agad ako nakapagsalita. 


Natameme ako at hindi alam ang dapat sabihin. 


Para bang nawala na sa aking bibig ang mga salitang dapat lumabas sa akin.


Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. 


Napatulo naman ang mga luha ko sa sandaling iyon.


“Babe… sorry.. need ko na umalis.. sorry maiiwan kita…”


“Naiintindihan naman kita eh… pero kailangan mo din naman sumama.”


“Kung pwede lang sanang hindi…”


“Asikasuhin mo naman ang papa mo. Naiintindihan kita. Hihintayin naman kita eh.”


“Pangako yan?”


“Opo pangako ko.”


“Bukas na ang alis ko.”


“Bakit ang bilis naman?”


“Need na din as soon as possible.”


“Pero ngayon mo lang sinabi sa akin. Nakakatampo naman.”


“Ayoko kasing mag-aalala ka.”


“Nakakainis ka! Bukas na ang alis mo pero wala ka pa ring balak sabihin yun sa akin. Nakakainis ka! Sobra kang nakakainis!”


“Sorry na… pero babalik ako agad-agad.”


“Ikaw ang magbehave. Siguraduhin mo lang na hindi ka mababae doon.”


“Ikaw lang ang mamahalin ko. Ikaw lang para sa akin.”


“Bumalik ka agad ha. Please…”


“Oo.. tatawag ako sayo lagi. Hindi ako papayag na hindi kita makakausap kada araw. Pipilitin ko na lagi kang makausap.”


“Gusto kong sulitin ang panahong nandito ka pa.”


“babe… di ko sigurado kung nandito ako sa pasko at bagong taon..”


“basta hihintayin kita…”


“I love you…”


“I love you too.”


"Wag kang magtatampo sa akin."


"Pero nakakainis ka.. nakakainis ka.... bakit? Bakit di mo sinabi sa akin? para naman makapaghanda ako."


"dahil babalik din naman ako.. hindi naman ito ang huli diba?"


Niyakap ko siya ng mahigpit. 


Panibagong pag-a-adjust na naman ito sa aking buhay. 


Aalis ngayon ang mahal ko at maiiwan ako. 


Pero kailangan kong mag-adjust. 


Kailangan kong maging independent habang wala siya sa tabi ko. 


Kakayainin ko ito para sa kanya. 


Kakayanin ko.


[Kieth’s POV]


“Hindi ako uuwi.” Sabi niya


“Babe magagalit sa akin si mama.”


“Ehhh gusto ko makasama ka ngayong gabi. Gusto kong sulitin na makasama ka.”


“Parang di na tayo magkakasama ah?”


“Ayaw mo ba? Ayaw mo ba akong kasama ngayong gabi? Sabihin mo lang kung ayaw mo akong makasama at iba ang gusto mong makasama. Ihatid mo na nga lang ako sa bahay.” Pagmamaktol niya.


“Ang babe ko nagtatampo na…”


“Naiinis lang ako sayo. Ewan. Pagod lang to. Iuwi mo na ako.” Yaya niya


“Sorry na…”


“Tara. Gusto ko ng umuwi.”


Pansin ko ang pag-iiba ng mood niya. 


Haixt. 


Ang hirap umalis ng hindi kayo okay. 


I hugged him so tight. 


Iba talaga mag tampo ang lalaking ito oo.


Pero ang sakit.


Hindi ko ata kayang iwan ang taong mahal ko.


Gusto ko lagi siyang kasama....


Gusto ko lagi siyang katabi...


Mahal na mahal ko siya...


Pero...


Kailangan din siguro ito.


“Babe… gusto kitang makasama… Gusto kong sulitin ang time na makakasama kita…” sabi ko


“Pero bakit pakiramdam ko ayaw mo…”


“Natatakot lang ako na baka hindi ko makayanan na wala ka.. na baka pag nag spent pa ako ng time kasama ka, baka hindi na kita maiwanan.”


“Hindi mo naman ako iiwanan eh, pandalian ka lang lalayo. Hindi naman tayo maghihiwalay diba? Tayo pa rin diba?”


“Oo tayo pa rin. Hindi ako makikipaghiwalay. Bakit ba nasa isip mo yan?”


“Hindi ko lang mapigilan.”


“tara na nga. Doon na tayo sa bahay matulog…”


“Tatawagan ko lang si mama.”


“Ako na ang bahala. Kargo kita. At isa pa…”


“Ano?”


“Secret.”


Tinawagan ko si mama. 


“Ma… hello po.. si Kieth po to.”


“Oh anak kamusta kayo? Anong meron?”


“Sa bahay daw po tutuloy si Alex.”


“Bakit anong nangyari?”


“Mahabang kwento po eh… pero tumawag po ako para ipagpaalam po siya.”


“Sige anak. Ingat kayo pag-uwi ah. May tiwala naman ako sayo.”


“Salamat po mama.”


At ibinaba ko na yung phone. 


Agad ko namang dinala si Alex sa sasakyan at umuwi na kami. 


Pansin ko ang pananahimik niya kaya binasagko ulit ang katahimikan namin.


“babe nagugutom ka ba?”


“Hindi.”


“Pagod ka ba?”


“Yup.”


“Okay ka lang ba?”


“Tinatanong pa ba yan.”


“I love you…”


“babe… nakakainis…”


Napansin ko ang pagluha niya.  


Agad ko namang itinabi ang sasakyan sa kalsada. 


Pinahid ko ang luha sa kanyang mata. 


Kitang-kita ko ang mapupula niyang mata at tila ba mga luhang walang tigil sa pagpatak.


"Babe tahan na...."


"Hayaan mo lang ako... hayaan mo lang."


"Pero ayaw kitang nakikitang ganyan..."


"Gusto kong ubusin ang mga luha ko ngayon..."


"Babe... di naman ako mamatay eh."


"Babe naman... unang beses na mapapalayo ka sa akin."


"Psssh..."


"Mahal kita."


"Mas mahal din kita."


"Don't worry about me."


“Babe sorry kung ginagawa ko ito… I know nahihirapan ka… say no… hindi ako aalis.”


“No babe… aalis ka bukas…. Kailangan ka ng pamilya mo more than mine.”


“Pero ayaw kitang nakikitang ganyan.”


“Nabigla lang ako. Nabigla ako sa mga nangyayari. Bakit kasi so soon? Kung sinabi mo lang sana na mas maaga ay nakapagready ako…. Naihanda ko sana ang sarili ko at sinanay na mawawala ka.”


“Ayaw lang kitang pag-isipin pa ng marami pang iba.”


“I’m sorry for making you worry like this.”


“It’s okay.. normal lang yan mahal ko.”


“Tara na…”


“Wag ka na umiyak.”


“Opo… pipilitin ko.”


Ngumiti ako sa kanya at nakita ko naman ang mga ngiti niya. 


Itinuloy ko na ang pagmamaneho at ilang sandali lang din ay nakarating na kami ng bahay.


Nasa kwarto na kami nang marinig kong kumanta siya. 


Pinakinggan ko lang ito. 


Gusto kong marinig ang lahat. 


Dinukot ko ang cellphone ko at nirecord ang pagkanta niya.


“Sa isang tingin ko lang agad ko nang napupuna…” unti-unti nararamdaman ko ang pagluha ng aking mata.


“Sa likod ng iyong ngiti, at kung paano ka tumitig sa akin. Tulad ng unang bituing iyong natatanaw, sa nag-aambang dilim buong ningning pa rin kahit makain.” Naramdaman ko na tumigil siya.


“Anong problema babe?” tanong ko.


“Wala lang…”


Lumapit ako at niyakap ko siya agad.


 “I will definitely miss you.” Sabi ko.


“Ako rin. Sobrang mamimiss kita. Simula bukas, magiging independent na ako at hindi na aasa sayo dahil wala ka sa tabi ko. Gagawin ko ang lahat para maging matatag at kumapit ng mabuti.”


“Babalik agad ako as soon as maging okay si papa.”


“Opo. Mag behave ka doon.”


“Hinding-hindi ako mangangaliwa.”


“Aysus. Maraming babae doon na magaganda. Mayroon ding mga lalaking gwapo. Ingat-ingat din ang mata ha. Baka mamaya ay lumuwa ang mata mo kakatingin doon ha.”


“Babe you will be my only one…”


“And you will be the only one for me.”


“Naks naman. Ang lakas ko sa babe ko.”


“Lagi kang tatawag ha. Kung hindi tawag mag skype tayo. Aantayin ko ang tawag mo. Hintayin mo din ang tawag ko.”


“Gagawa ako lagi ng paraan para makausap ko. Hindi ko siyempre matitiis na mawalay sayo.”


“Parang ayaw kong matapos ang gabing ito.”


“As if gusto ko ring matapos ito? Haixt. I will miss you so so so so so much.” 


At hinalikan ko siyang ng hinalikan.


“Baka mamaya may pumikot sayo doon.” Dagdag niya


“Baka naman may makauna sayo.” Pambara ko.


“Tumigil ka nga. Malinis akong tao at inocente pa.”


“Aysus. Promise me that you will be virgin till I’m back.”


“Loko ka talaga kahit kalian. Pati ba naman yan iniintindi mo?”


“Or else you will give me that right away… right here… right now…” at eto na naman ako, nawawalan ng control sa sarili.


“You are so naughty big boy.” Sabi niya at nakuha pa niyang magkagat labi in front of me.


“Are you seducing me?”


“What do you think?”


“Don’t be… dahil madali akong mawalan ng control sa mga ginagawa ko….”


“Tinatakot mo ba ako?”


“No… binabalaan lang kita…”


“Ay siya mag bihis ka na.” at tumawa siya.


“Pa-excite eh…”


“Promise ko bagbalik mo… I will be yours…” at kumindat siya.


“Paano kung the day after tomorrow bumalik ako?”


“Edi bumalik ka… and you can claim what your aiming for. Hahaha”


“Paexcite eh.”


“Bilis na… tagal magbihis. Magbibihis pa ako.”


“Bakit ayaw mong magbihis sa harapan ko?”


“Mamboso ka pa.”


“Ang arte eh. Babae?”


“Hahaha. Ewan sayo. Bilisan mo. Magbabad pa ako sa CR.”


“Para namang maraming putik ang kumapit sayo ah?”


“bakit ba?”


“Oo na.”


I love this man so much.


haixt.


Kakayanin to.


I believe that long distance relationship works.


Matapos kong magbihis, nahiga na kaming dalawa. 


Tinamad na rin siyang gumawa ng kung anu-ano pa kaya nagpahinga kami.


Ramdam ko lang ang kanyang tibok ng puso habang yakap-ayakap ko siya. 


Bakit parang natatakot akong umalis ngayon? 


Bakit parang ayaw kong umalis?


“Magpapakasal ka ba sa akin?” tanong ko.


Nakita kong nagmulat siya ng mata at nag-isip. 


“Bakit ka nag-iisip?” dagdag ko.


“Ang weird ng tanong mo eh… pero sasagutin ko yan.”


“And I’m hoping for a yes…. Kung no…. ouch sa akin yun.”


“Alam mo na naman ang sagot ikaw talaga…. Kow… naman.”


“Eh gusto ko marinig mula sa bibig ng taong mahal ko. Mahirap kaya mag assume. Mamaya ayaw mo palang magpakasal sa akin mapahiya pa ako.”


“Mr. Lee, magpapakasal po si Prince Alex Rosales sayo no matter what. Kaya wag ka ng mag-alala.”


“May nag alok na ba sayo dati ng kasal?”


“Uhm… meron na…”


“Sino? May nauna na pala sa akin… pero naniniwala pa rin ako na ako ang papakasalan mo.”


“Si RD… siya nagyaya sa akin noong bata pa kami… matagal na yun at mga bata pa kami kaya wala pa kaming pag-iisip noon.”


“Bigla tuloy akong natakot.”


“Don’t be… we are just best friend.”


“Wag kang makikipaglapit sa kanya ah. Ayokong maagaw ka niya sa akin.”


“Wag kang mag-isip ng ganun. Masyado kang kabado. Batukan kita jan eh.”


“Matulog na nga lang tayo.” Sabi ko.


Sa totoo lang ang weird na ng kinikilos ko. 


Kaya siguro napaghahalataan na ako. Umpft. 


Magkahawak kamay kaming natulog dalawa. 


Habang natutulog siya ay pinagmamasdan ko siya. 


he is such an angel.


Nakatulog din ako agad matapos ang ilang minuto. 


Nagising nalang ako sa tapik ni mama. 


Umaga na pala at pareho pa aking tulog. 


Nakangiti si mama sa akin. 


“Good morning ma…” bati ko.


“Gising na… mag ready ka na.. aalis na rin tayo…”


Nung sinabi sa akin ni mama yun, doon nag sink in sa akin lahat. 


Ilang oras na lang para makasama ko si Alex.


Yung puso ko unti-unting nadudurog.


Shit, ang sakit.



Bakit naiiyak ako?



Bakit ganun?


Parang nawala ang tapang sa loob ko.


Aalis na kami at maiiwan na si Alex dito. 


Bakit ba parang maiiwan din ang buong buhay ko dito? 


Di ko mapigilan ang mapaluha.


Niyakap ko ng mahigpit si Alex. 


Shet, para akong babae dito na nag-iinarte. 


Pero ganun naman talaga ang buhay, accept lang. 


parang ang hirap umalis ngayon sa tabi ng mahal ko. 


Naramdaman ko na lang ang pag galaw ni Alex.


“Babe di ako maahinga.” Sabi niya


“Sorry.. nanggigil lang ako…”


“Umaga na pala…. Nga pala… aalis ka na… tara… tulungan kita mag prepare…”


“Baba na lang muna tayo.. kakain na ata…” sabi ko na lang.


Sabay kaming bumaba at magkahawak kamay pa kaming dalawa. 


Sinusulit ko na tong oras na ito dahil pakiramdam ko ay matatagalan kami pagbalik.


Parang kaybilis ng oras at hinahabol ang mga slow moment naming.


 Ayaw ko pa talagang umlais pero no choice talaga eh. 


Naiintindihan naman ako ni Alex at kailangan kong gawin to dahil mahal ko ang pamilya ko.


Nasa airport na kami pero tahimik pa rin si Alex.


 Ano ba naman to, ayaw pang magsalita ni Alex? 


Aalis na nga ako eh di pa rin naimik. Tsss.


“Babe…” utal ko.


“Bakit po?”


“Salita ka naman jan. ang tahimik mo eh.”


“Bakit naman?”


“Baka kasi… mamiss ko ang boses mo… kaya gusto kong marinig ang boses mo…”


“Mahirap na… ayokong umiyak dito…” maikli niyang sabi.


Hinawakan ko ang kamay niya.



 Alam kong pinipigilan niya ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata. 


Agad kong hinalikan siya sa pisngi. 


Di ko alam na tutulo nap ala ang luha niya doon. 


Agad niya akong niyakap ng mahigpit.


“Wag na wag kang magpapagod doon.. wag kang magpapapawis… lagi mong iintindihan na mahal kita ha.. mahal na mahal kita…”


“Oo naman.. ikaw pa…”


“KTTB tuloy ako ngayon.”


“Ano yun?”


“KIlig to the bones…” sabi niya


“Aysus ang mahal ko. Ingat ka dito. Promise me na may babalikan ako dito…”


“Promise yan… ako ang babalikan mo… buong-buo, walang sira, walang depekto at 100% effective and efficient.”


“Enjoy your vacation… hanap ka ng makakasama lagi… ibinilin na kita kay ate…”


“Don’t be… kaya ko ang sarili ko.”


Kinuha ko yung camera ko at tinapat sa kanya.


Gusto ko siyang videohan.


"Salita ka babe."


"Ano ba naman yan?" reklamo niya.


"Please.. for me..."


"Hi babe... ingat sa flight mo. Be a good boy... be a brave man.. kaya mo yan.. Babalik ka sa akin ha.. babalik ka... maghihintay ako... maghihintay ako sa pagbabalik mo."


Napansin ko ang mumunting tulo ng luha mula sa kayang mga mukha.


"Ano ba naman to.. sabi ko di ako iiyak.. shet... Basta mahal kita.. mahal na mahal... Isang bingit lang to ng pag alis mo. Magpakabait ka... Please... Ikaw lang.. ikaw lang ang mamahalin ko..."


Hanggang sa tinawag na ang flight namin. 


“Babe… I love you… di ko kailangang mag good bye dahil hindi pa ito ang pagtatapos…”


Ngumiti lang siya. 


Habang papalayo ako, ramdam ko na ang kalahati ng pagkatao ko ay naiwan. 


Hindi ko na siya mapagmasdan habang ako ay papalayo. 


Unti-unti, tumulo na ang luha sa aking mga mata. 


Eto nay un. 


Di ko na kaya.


Umaasa ako na sa pagbabalik ko ay mahal pa rin niya ako. 


Na sana pagbalik ko, ako pa rin ang makakasama niya hanggang sa huli.


(Itutuloy)

No comments: