Tuesday, December 10, 2013

Final Requirement 07



A/N: Sorry po natagalan :D pinahaba ko po talaga para tuloy na ang daloy ng istorya sa chapter 8

Salamat po sa pagbabasa ng Final Requirement Pasensya na po at medyo maikli ang mga Chapters pero kapag nagtagal unti unti po yang hahaba.  


You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.


Kung gusto niyo pwede niyo ako add sa Facebook

1st Story ko ito sana suportahan niyo :)

Final Requirement 07

J e t --- >>>

Thankgod nagamot na ang mga sugat ni Andrei, eto siya tulog parang walang iniindang sakit kung titingnan. Kawawa naman si Andrei hindi niya dapat dinadanas to eh, napakabait na tao, totoong kaibigan at kapatid na ang turing ko sa kanya.
Makalipas ang 30 minuto dumating si Tita at Kuya Kian.

"Diyos ko anu nangyari sa anak ko?" < --- Tita

"Ah eh tita napagtripan po ng tambay naglasing po kasi si Andrei" < --- Ako

"Ha? Di naman palainum yang kapatid ko ah, anung nangyari" < --- Kuya Kian

"Kay Andrei nyu na lang po itanong, hindi ko po alam ang ibang detalye eh" < --- Ako

"Salamat Jet ah . . . At niligtas mo ang anak ko tatanawin ko itong malalaking utang na loob" < --- Tita

"Nako tita wala pong anuman" < --- Ako

"Nasaan si Chard? Bakit wala yun dito" < --- Kuya Kian

"Ah eh di ko po alam eh" < --- Ako

Ayoko maki-alam dahil wala akong alam sa nangyari kay Andrei at Insan. Mas mabuting kay Andrei nila malaman ang lahat o kaya naman kay insan. Tinawagan ko na din si Alexa para malaman niya ang nangyari kay Andrei. Hindi na ako nagtaka sa reaksyon niya.

"Huwhat?! Anung nangyare?! Kamusta naman papa ko?! Oh my god oh my god! Di siya pwede mamatay hindi pa kami nagkakaroon ng anak!" < --- Alexa

"Kausapin mo ako kapag nasa katinuan ka na ah bye" < --- Ako

Kung ganyan makakausap mo araw araw matutuyuan ka ng dugo.

Umuwi muna si Tita para kumuha ng gamit ni Andrei sa kanila. Kami ni Kuya Kian naman ang natira dito para bantayan si Andrei baka kasi tumakas hehe biro lang. Dahil may kalaliman na ang gabi nang umuwi si Tita, mas mabuting ipagpabukas na ang pagpunta dito sa ospital para sa kaligtasan nito.

"May alam ka sa nangyari diba?" < --- Kuya Kian

"Ah . . . Wala po kuya" < --- Ako

"Hindi ka magaling magsinungaling Jet" < --- Kuya Kian

Tss. Matalino talaga ang kuya ni Andrei. Napakagaling nitong humuli ng mga taong hindi nagsasabi ng totoo, at hindi ka mananalo kapag nakipag argumento ka dito.

"Huli mo na ako kuya pero sabi ko nga, ayoko sa akin magmula" < --- Ako

"Tss. Sige na nga pero dapat malaman namin ito agad ah" < --- Kuya Kian
“Opo”
. . .

Kinabukasan maaga akong nagising ang hirap kasing matulog ng nakayuko di ako sanay masakit pa sa likod. Si kuya Kian naman ay maagang umalis para sunduin si Tita. Si Andrei tulog pa din, kaya naman isang tahimik na umaga ang sumalubong sa akin pero. . .

"Papa Aaaandreeeiii!!! Wag kang bibitaw! Di pa tayo nakakagawa ng mga anak natin!" < --- Alexa

"Tss. Abot hanggang kabilang building ang sigaw mo eh" < --- Ako

"Maganda naman" < --- Alexa

"Ewan" < --- Ako

"Anyway, kasama ko si Papa Chard bumibili lang ng pagkain" < --- Alexa

"H-ha? B-bakit mo . . . Haist bahala na nga " < --- Ako

Sinabi ni Alexa kay Insan kung nasaan si Andrei, patay tayo nan mahaba habang paliwanagan nanaman ito. Pero I have my reason kung bakit hindi ko siniba kay insan ang tungkol sa nangyari kay Andrei.

"Anung nangyari sa kanya insan?" < --- Chard

"Pinagtripan siya ng mga tambay, lasing kasi kagabi si Andrei" < --- Ako

BLAG!
Isang malakas na suntok ang natanggap ko mula kay Insan na naging sanhi ng aking pagkatumba, kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"Bakit hindi mo sinabi" < --- Chard

"Galit sayo si Andrei insan eh kung sasabihin ko sayo panigurado pupunta ka dito eh kung magising yan at magwala dahil nakita ka?" < --- Ako

"Pero wala kang karapatan insan WALA! Alam mo kung gaano ko kamahal si Andrei" < --- Chard

"Parang kapatid na ang turing ko kay Andrei insan ayoko lang na sumama pa ang loob niya kapag nakita ka alam ko kasi may hindi kayo pagkakaunawaan at isa pa ayokong sisihin mo ang sarili mo kapag nalaman mo ang nangyari kay Andrei" < --- Ako

"Pero mali insan, wala ka sa lugar upang itago sa akin to" < --- Chard

"Patawad insan, pangako babawi ako sayo" < --- Ako

"Mabuti, nagkakaintindihan tayo pero sana di na maulit ito" < --- Chard

"Kaloka kayo! May gash akala ko mag-jojombagan kayong dalawa dito! Tatawag na dapat ako ng pulis para awatin kayong dalawa!" < --- Alexa

A n d r e i --- >>>

Kaninang madaling araw ay nagising ako, bakit ako nasa Ospital? Anung nangyari sa akin? Sinubukan kong bumangon pero kumirot ang buo kong katawan lalo na sa parteng tyan at tagiliran.

Tulog naman si kuya at si Jet sa gilid ng kama ko. Bakit nga ba ako nandito? Ang alam ko . . . nag-away kami ni Chard. Hai sana di nalang ako nag-isip bumalik ang galit ko sa kanya, nakakainis kasi napakasimpleng away sa pagitan naming dalawa pinalaki ni Chard ng ganun, nagsorry na ako eh pero wala hindi manlang nakinig.

Dahil wala pa namang umaga ay sinubukan kong matulog muli, ayoko muna isipin ang mga nangyari naiinis lang ako.
. . .

"Papa Aaaandreeeiii!!! Wag kang bibitaw! Di pa tayo nakakagawa ng mga anak natin!" < --- Alexa
Ah grabe to si Alexa nakalunok ba ng megaphone to?! Anong anak ang sinasabi nito?! Lakas talaga nito eh.

"Anyway, kasama ko si Papa Chard bumibili lang ng pagkain" < --- Alexa

Si Chard, bakit nandito yan?! Badtrip naman oh . . . Ayoko muna siya makita, mainit pa din ang dugo ko sa kanya.

BLAG!

Shit! Mag-aaway pa ba itong dalawang to? Pero bakit?

"Bakit hindi mo sinabi" < --- Chard

"Galit sayo si Andrei insan eh kung sasabihin ko sayo panigurado pupunta ka dito eh kung magising yan at magwala dahil nakita ka?" < --- Jet

Hindi pala sinabi ni Jet kay Chard na nandito ako, at si Alexa pala ang nagsabi kay Chard na nasa Ospital ako. Kahit kailan talaga to si Alexa, sabagay hindi ko naman siya masisisi.

Mabuti naman hindi na nasundan ang pagsuntok ni Chard kay Jet kung hindi babangon na ako dito at ako mismo ang sasapak sa kanya.

May umupo sa gilid ng kama ko, hinawakan ang kamay ko at hinalikan, alam mo kung kaninong pabango iyon, si Chard to panigurado.

"Babe. . ." < --- Chard
"Hindi pa din siya nagigising simula nung nabugbog siya ng tambay kagabi" < --- Jet

Sabi nga ni Jet nabugbog daw ako ng Tambay, kalian at bakit?

>>> Flashback >>>

Habang pauwi ako sa amin ay ramdam ko na ang espiritu ng alak na dumadaloy sa aking katawan, ngayon ko lang napagtanto na naubos ko ang isang litrong alak na binili ko. Pasalamat naman ako dahil medyo tuwid pa ang aking lakad pero sobrang hilo na ako, ikaw ba naman ubusin ang isang bote ng alak mag-isa.

Lumiko ako sa madilim na eskinita, pundi ang mga ilaw ng poste dito dahil pinapaltik ng mga bata na nakatira dito, ang kaliwang parte nito ay isang mataas na bakod ng isang kompanya at sa kanan naman ay kumpol na kabahayan. Sa lugar din na ito ay talamak ang mga lasinggero na bigla ka na lang pagttripan at ang malala ay bubugbugin ka ng walang dahilan. Sa tagal ko nang dumadaan dito ay hindi naman ako napagtripan oh nabugbog kaya kampante ako na walang masamang mangyayari sa akin.

Habang sinusuyod ko ang lugar ay may nakita akong limang tambay na nag-iinuman.

"Pssst!" < --- Tambay1

Hindi ko ito pinansin.

"Pssst!" < --- Tambay1

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, wala naman kasing sense kung kakausapin ko pa ang mga ito at mainit ang ulo ko wag na silang dumagdag pa.

Ang buong akala ko ay lulubayan na ako ng mga tambay na ito pero nagkamali ako, hinarangan nila ang daanan at talagang hindi sila umalis doon. Dahil mainit ang ulo ko at dala na din ng alak ay di ko na napigilan ang sarili ko.

"Anu ba?! Alam nyung dadaan ako bigla kayong haharang" < --- Ako

"Aba pre matapang itong isang to ah" < --- Tambay2

"Oo nga eh, tingnan mo mukang problemado, wag ka mag-alala totoy mahal ka nun" < --- Tambay1

"Pwede na akong dumaan? Dami dami mong sinasabi eh" < --- Ako

"Aba loko to ah" < --- Tambay3

"Mga pre, konting lamig baka doon nanaman tayo mag-overnight sa Barangay" < --- Tambay4

"Mabuti pa itong kasama niyo marunong umunawa alam kung saan lulugar" < --- Ako

"Ang angas mo ah" < --- Tambay5

"Mga pre pigilan nyo ako" < --- Tambay1

"Punyemas naman tumabi nga kayo!" < --- Ako

"Aba gago ka talaga Mmm!" < --- Tambay1

Sinuntok ako sa sikmura nung isang tambay halos isuka ko ang lahat ng nainom ko sa sobrang lakas kasabay nito ang paglagpak ko sa maduming kalsada ng eskinitang ito

"Matuto kang lumugar! Ang tapang mong ba. . . . ." < --- Tambay1 Tumaob dahil sinapak ko sa muka pagkatayo ko

"Eh gago ka pala eh, anung akala mo uurungan kita?!" < --- Ako

Hinawakan ako sa magkabilang kamay ng dalawang tambay, dali daling tumayo ang sinapak ko at pinaulanan ako ng mga suntok sa muka at katawan. Halos mamanhid ang aking katawan sa sakit ng mga suntok niya pero nakahanap ako ng pagkakataon para makabawi. Nang bumwelo siya ng pagsuntok ay agad ko siyang sinipa dahilan para muli ko siyang mapatumba. Nagpumilit din akong magpumiglas para makawala ako pero. . .

"Lumalaban ka pa ah" < --- Tambay5

"Aaaaah!" < --- Ako

Muli akong sinikmuran, halos umikot na ang paningin ko, eto at sinusubukan ko pang din manlaban. Pansin ko na sa dinami dami ng nakakakita sa pagbubugbog ng mga tambay sa sa akin bakit wala manlang nagmalasakit na tumulong? Etong limang tambay na ito yata ang kinatatakutan sa lugar na ito.

"Eto pa!" < --- Tambay1

"Lubayan nyo si Andrei"

Kilala ko ang boses na iyon, hindi ako pwedeng magkamali

"J-jet?" < --- Ako

Natuwa ako nang makita ko si Jet pero muli akong sinuntok sa sikmura nung isang tambay at dito ay nawalan na ako ng malay.

>>> End of Flash Back >>>

"Babe, patawarin mo ako, this is a-all my fault kung s-sana nakinig ako sa mga paghingi mo ng sorry n-none of this would happen" < --- Chard

Nagsimula nang humikbi si Chard, ramdam ko ang pagpatak ng luha niya sa kamay ko. Gusto ko na bumigay, gusto ko na idilat ang mga mata ko at sabihing "Pinapatawad na kita babe wag ka nang umiyak" pero gusto ko turuan siya ng leksyon, kung anung pakiramdam ng hindi pinapakinggan. Hindi ko ito gagawin para gumanti gagawin ko ito para matuto siya.

"Babe promise t-this won't happen again, sorry babe, this is all my fault" < --- Chard

Sa totoo lang kanina pa ako naiiyak, sincere si Chard sa apologies niya. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng aking luha, pero pinaninindigan ko pa din ang pagtutulugtulugan ko.

"Babe? Whats wrong?" < --- Chard at nagsimula mag-panic

"Kagabi nung nasa loob kami ng Ambulansya sigaw ng sigaw yang si Andrei pagkatapos umiyak din ng umiyak pero tulog naman" < --- Jet

"Kahit tulog, I'm so g-guilty kung alam mo lang babe kung p-pwede ko lang ibalik ang oras na yon, you won't suffer this much I'm so sorry" < --- Chard sabay kiss sa noo ko

Hearing Chard cry breaks my heart kaya naman pinilit kong makatulog.

Dumating si Kuya at Nanay.

"Chard ikwento mo sa akin ang nangyari" < --- Kuya Kian

Umandar nanaman ang pagiging imbestigador ng kapatid ko tss.

"Kasi Kuya nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan ni Andrei aminado naman ako na kasalanan ko ang lahat, kung sana nakinig ako sa kanya di sana mangyayari to" < --- Chard

"Ah ok atleast aminado ka" < --- Kuya Kian

"Ako na lang po ang magbabayad ng expenses ni Andrei" < --- Chard

"No, paniguradong may kasalanan din yang kapatid ko kung bakit yan binugbog" < --- Kuya Kian

>___< Kapatid ko ba talaga to? tss.

"Chard anak sana di na mauulit ito ha" < --- Nanay

"Opo Tita sorry po talaga" < --- Chard

"Sana magka-ayos kayo ng anak ko Chard, alam mo ngayon ko lang yan nakita ng ganyan kasaya” < --- Nanay

“Opo Tita sana po magkasundo na po ulit kami” < --- Chard

“Naku Chard, mahirap paamuhin yan kapag galit para yang babae” < --- Kuya Kian

Ansama ng ugali nitong kapatid ko parang gusto ko nang bumangon dito at paulanan to ng sapak tss.

“Kasalanan ko naman Kuya kaya ako na po ang bahala” < --- Chard

Kinilig naman ako dun, aminado naman si Chard na siya ang may kasalanan, pero hindi ako basta bibigay gusto ko makita ang effort na gagawin ni Chard.

“Ah pinagpapawisan ang future Father na anak ko” < --- si Alexa! Pinupunasan ang ilong ko, ay nalintikan na nababahing ako.

“Achooooo!” < --- Ako

-__- Tapos na alam na nilang gising ako thanks a lot Alexa

“Papa Andrei!!!” < --- Alexa

“B-babe! Mabuti naman gising ka na thank god” < --- Chard



"Anung ginagawa mo dito?" < --- Ako

"Please? Let me explain" < --- Chard

"Alis" < --- Ako

"I'm sorry please Babe" < --- Chard

"ALIS! HINDI KA BA NAKAKAINTINDI?! AYAW MUNA KITA MAKITA!" < --- Ako

Nakita ko ang pagtangis ni Chard, ang sakit sa puso, Sobrang sakit. Dahan dahan siyang tumayo habang nakatitig kami sa isa.

Ng walang sabi sabi ay bigla niya akong niyakap, ramdam ko ang pag-hikbi niya, yung mga kamay ko na gustong gustong yumakap din sa kanya ay pilit kong pinipigilan.

"Sige na" < --- Ako

Pagkatalikod ni Chard ay siyang pagtulo ng aking mga luha, luha na kanina ko pa pinipigil. Pagkalabas niya ay malayo ko nang pinakawalan ang aking nararamdaman, masakit pero kelangan kong magmatigas.

"Pinaalis mo tapos iiyak ka? Lakas mo din ano?" < --- Kuya Kian

"Gusto ko muna mag-isip kuya" < ---Ako

"Alam mo? Pareho kayo, pareho kayong tanga. Ayaw mo aminin na ikaw din mismo nagkamali bunso, di sa lahat ng pagkakataon ikaw ang iintindihin, humihingi na ng tawad sayo diba?" < --- Kuya

"Gusto ko lang maramdaman niya kung anung pakiramdam ng hindi pinapakinggan" < --- Ako

"Bakit? Magdudulot ba yan ng kasiyahan sayo?" < --- Kuya

Magiging masaya nga ba ako? Tama ba ang ginagawa ko? Nagtatalo tuloy ang isip ko, dapat ba ipagpatuloy ko ang pagmamatigas? Oh move on, lahat ng tao nagkakamali patawarin mo na siya.

"Oh? Di natahimik ka? Oh kayo muna bahala jan pupunta lang ako sa baba" < --- Kuya Kian



R i c h a r d --- >>>

"Achooooo!"

"Papa Andrei!!!" < --- Alexa

Gising na si Babe, napakasaya ko thank you po lord. Walang pagsidlan ang kasiyahan kaya sinalubong ko siya ng buong saya. Pero malamig ang pagsalubong niya sa akin, sinubukan kong humingi ng tawad pero wala, hindi siya nakinig.

Ganito pala ang pakiramdam.

"ALIS! HINDI KA BA NAKAKAINTINDI?! AYAW MUNA KITA MAKITA!" < --- Andrei

Hearing those words from him makes me cry kaya naman dahan dahan akong tumayo habang nakatitig sa kanyang mata at niyakap siya.

"Sige na" < --- Andrei

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya at dahan dahan kong nilisan ang kanyang kwarto. Umupo ako sa upuan sa may hallway at dito ay patuloy akong umiyak ng umiyak, hindi ko alam ang gagawin, mapapatawad pa kaya ako ni Andrei?
. . .

Nanatili akong nakaupo doon, nag-iisip ng paraan para mapatawad ako ni Andrei. I cant afford to loose him, kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Sabi ko sayo eh"

"Kuya Kian, paano ba? Anu bang dapat kong gawin?" < --- Ako

"Tss. Di ko din alam eh, pero wag kang mag-alala paniguradong mapapatawad ka din nun, eh nung paglabas mo iyak din ng iyak" < --- Kuya Kian

“Do you think mapapatawad pa ako ni Andrei kuya?” < --- Ako

“Oo naman, pakiramdam ko nga nag-gagalit galitan lang yun eh” < --- Kuya Kian

"Excuse me? Ikaw ang kapatid ni Mr. de Dios diba?" < --- Doc

"Yes Doc bakit po?" < --- Kuya Kian

"Since everything is ok, pwede nyo na siya ilabas tommorow" < --- Doc

"Thank god" < --- Kuya Kian

"Ah eh Kuya gusto ko kayo makausap ni Tita dito sa labas" < --- Ako

“Tungkol saan?” < --- Kuya Kian
. . .
Umuwi na ako, since ayaw naman akong papasukin ni Andrei sa kwarto niya, pumayag naman si Kuya at Tita na ako ang mag-alaga kay Andrei since 6 days daw dapat siya hindi mag-gagalaw.
Bigla na lang ako napangiti :D

Nakaisip na ako ng paraan to get him back, humanda ka Babe. Hindi mo kakayanin ang gagawin ko sayo.

A n d r e i --- >>>

Ngayon nakokonsiyensiya na ako sa ginawa ko kanina, di ko dapat siya sinigawan. Masyado akong kinain ng galit ko sa kanya, pero mas maganda na din ito, yung nilalabas kaysa naman kinikimkim.

"Ok ka lang?" < --- Jet

"Ok lang" < --- Ako

"Anung gusto mo kainin papa Andrei? May fruits dito may tinapay, pili na!" < --- Alexa

"Ayoko kumaen busog ako" < --- Ako

"Papa Andrei, kailangan mo kumaen, tingnan mo hindi ka na macho, tingnan mo yang balat mo? So black and white muka kang dalmacian!" < --- Alexa

"Ayoko pa din kumaen" < --- Ako

"Ayaw mo kumaen oh wala lang dito yung gusto mong magpakain sayo?" < --- Kuya Kian

"Nasaan ba yun?" < --- Ako

"Umuwi na, ayaw mo naman papasukin eh, tapos ngayon hinahanap mo" < --- Kuya Kian

"Hindi manlang nag-effort na mag-intay sa labas tss" < --- Bulong ko.

"Bukas makakalabas ka na pala bunso, at syempre kailangan mo daw magpahinga ng 6 na araw. Bawal magcomputer, bawal lumabas para gumala, bawal maglaro ng Barbie at bawal magbuhat" < --- Kuya Kian

"Naglalaro ka ng Barbie?" < --- Jet

"Timang! Naniniwala kayo jan kay kuya" < --- Ako

"Eee! Patingin ng Barbie mo Andrei!" < --- Alexa

"Trip nyo ako ah!" < --- Ako

Alam ko pilit lang nila akong pinapasaya, pero kulang pa din, malungkot ang buhay ko kung wala ang isang Richard Alvarez dito sa aking tabi. Oo dati ok lang kasi sanay naman ako na sila lang ang kasama ko at hindi ko pa alam ang pakiramdam ng may nag-aalaga sa akin tulad ng ipanikita ni Chard

Nakakainis naman. Bigla kong namiss ang mokong na yun.

"Ui si Papa Andrei namimiss si Papa Chard yie!" < --- Alexa

"H-hindi ah! Asa naman" < --- Ako

Maghapon ayan lang ginawa nila sa akin, ang pagtripan, awayin at molestyahin lalo na to si Alexa na talaga naming tuwang tuwa sa ginagawa niya sa akin.
Kinagabihan dumating si Nanay may dalang Fries at Fried Chicken. Alam talaga ng magulang natin kung paano tayo pasasayahin sa mga panahong tulad nito.

"Salamat Nay, alam nyu talaga kung paano ako pasayahin"
"Naman, anak kita kaya alam ko kung paano ka pasayahin" < --- Nanay
"Bakit Papa Andrei?! Hindi ka ba namin napasaya ni Jet at ng kapatid mo?! May gad ka!" < --- Alexa

"Hindi, pinagtripan nyo ako buong maghapon" < --- Ako

"Oh siya kain na anak, madami yang Fries na niluto ko" < --- Nanay

"Yey!"

"Penge ako!" < --- Alexa

"Ayaw ko, matapos nyo akong awayin maghapon?"

"Eto meron pa dito Alexa, Jet, Kian eto kumain din kayo" < --- Nanay

"Bleh! Akala mo ah. . . Buti itong Mother nature mo mabait" < --- Alexa

Medyo malalim na ang gabi nang nagpasyang umuwi si Alexa at Jet. Si Nanay naman at kuya ang naiwan sa akin para magbantay, eto una pa silang natulog kaysa sa akin.

Anu kayang ginagawa ni Chard? Hindi manlang magtext oh tumawag? Eh bakit ba ako nag-eexpect?!

Pero eto ako nakatitig sa Cellphone ko at naghihintay, di ko na namalayan na nakatulog ako.
. . .
"Ha?!" < --- Nanay

Nagising ako sa sigaw ni nanay, magkausap sila ni Kuya malapit sa may pinto.

"Shhh. . . Wag kayo maingay magising si Andrei" < --- Kuya Kian

"Pero anak naman" < --- Nanay

"Nay magtiwala kayo" < --- Kuya Kian

"Ah Goodmorning Nay? Kuya? Anung pinagtatalunan nyo?" < --- Ako

“Ah wala anak, gusto ko pa sana mag-stay ka pa dito ng isang araw pa eh tong kapatid mo ayaw na” < --- Nanay

“Ah, ok nanaman po ako nay, gusto ko na din po lumabas dito nakakatamad” < --- Ako

“Ah sige anak bababa lang kami ng kuya mo aayusin yung bill ah, dyan ka lang” < --- Nanay

“Ok po sige” < --- Ako

Pakiramdam ko may tinatago si Nanay at kuya eh, halata naman kay nanay na nagsisinungaling. Anung meron?

Si Chard kaya? Hindi manlang umeffort dumalaw, lalo lang tuloy ako naiinis sa kanya.

Habang hinihintay ko si nanay at kuya ay kumain muna ako ng pagkain na dala ng nurse.

"Good morning sir Andrei, heres your breakfast, enjoy your meal" < --- Nurse

"Thankyou" < --- Ako

"Toot toot" --- Chard Calling

Abala naman tong lalaking to, kung kelan nakain, lalo akong nababadtrip.

"Morning Babe!" < --- Chard

"Tss" < --- Ako

"Babe, galit ka pa din ba? Sorry na oh" < --- Chard

"Nasaan ka?"

"Sa bahay kakagising lang po" < --- Chard

"Geh nakain ako istorbo ka" < --- Ako

"Sagl. . . " < --- Chard

Ayun nasa bahay ang kumag, paano ko patatawarin yan? Tss kabadtrip eh. Bumalik na si Nanay at Kuya, pero bakit may dalang maleta si kuya? May hindi talaga ako nalalaman dito.

"Kuya? Bakit ka may dalang maleta?"

"Gamit mo, kahapon pa namin yan dala, eh akala namin magtatagal ka dito eh hindi pala napadami ang dala namin" < --- Kuya Kian

Duda ako sa sagot ni kuya, may kakaibang mangyayari eh ramdam ko. Pagkatapos ko kumain ay muli akong tiningnan ng doktor at pinirmahan ang clearance ko na nagpapatunay na ok na ako at pwede na ako lumabas.

"Oh bunso, bawal ang makulet ah, sinabi ko na sayo ang bawal kaya sumunod ka kung ayaw mong dagdagan ko yang bugbog sayo" < --- Kuya Kian

"Nay oh" < --- Napakasumbungero ko talaga

"Anak tama naman ang kuya mo, subukan mong sumuway bubuhusan kita ng mainit na tubig" < --- Nanay

"Nay, sayang naman ang kagwapuhan ko kapag ginawa nyo yan" < --- Ako

"Nay ang lakas ng hangin no? Sarado naman ang bintana, saan nanggagaling yun?" < --- Kuya Kian

"Totoo naman sinasabi ko kuya GWAPO ako" < --- Ako

"Nay, sa tingin ko kailangan ipa X-ray natin ang ulo nito baka naapektuhan ng pagkakasapak" < --- Kuya Kian

"Sa tingin mo?" < --- Nanay

"Nay naman eh, bahala kayo maglalaro talaga ako ng Computer games mamaya" < --- Ako

Toot toot --- May natawag sa Cellphone ni Kuya

"Ok na? Sige sige" < --- Kuya Kian

"Nurse, turukan nyo na ng pampatulog masyadong maligalig yang batang yan" < --- Kuya Kian

"Woi! Di na kailangan, may binabalak ka no!"

"Sorry sir, utos po ng kuya nyo" < --- Nurse

"Kuya umamin ka? May binabalak ka eh!"

"Wala ah, paano mo naman nasabi?" < --- Kuya

Nalintikan na umeepekto na yung pampatulog. Pilit kong nilalabanan ang gamot pero wala ding silbe.

"Goodnight bunso sweet dreams" < --- Kuya Kian

"H-humanda ka sa akin pag-gising ko"

"Nurse pakisakay na siya dun sa . . . . . ." < --- Kuya Kian

Wala na akong naintindihan sa sinabi ni Kuya. Hindi ko na kayang labanan pa ang antok. Hindi ko alam ang binabalak ni Nanay at Kuya pero bahala na si Batman.


-___- ZzZZ


. . .

"Shit!"

Balikwas ako sa hinihigaan ko.

Nandito ako sa kwartong may kalumaan, ang bintana nito ay gawa sa Capis, ang sahig at dingding naman ay gawa sa kahoy. Dinig ko din dito ang hampas ng tubig, at ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin.

Nasaan ako?

Kahit masakit ang aking katawan ay pinilit kong bumaba sa hagdan kung saan ay may naririnig akong nakanta.

Pagkababa ko ay sumalubong sa aking harap ang mga pagkain tulad ng Tahong, Tilapia, Sugpo at iba pang lamang dagat.

"Oh iho gising ka na pala, hala tara dine ng makakain kana, eh ika'y maghapong tulog"

"Ah eh, nasaan po ba ako? At sino po kayo?" < --- Ako

"Ako si Manang Tess, ako ang nangangasiwa dito sa resthouse"

"Ah eh sino pong kasama ko dito?" < --- Ako

"Ah . . . Ayan na pala eh tara na dito ng makakain na" < --- Manang Tess

"Ikaw?! Paanong . . ." < --- Ako

"Babe! Gising ka na pala, tara kakain na tayo" < --- Chard

"Uuwi na ako" < --- Ako

"You can't, nasa isla tayo Babe" < --- Chard

"Shit!" < --- Ako

"Hep hep! Mamaya na yang away bata nyong dalawa, kakain na tayo, masamang pinaghihintay ang grasya" < --- Manang Tess

Wala na din akong nagawa kung hindi kumain, sa totoo lang ay kanina pa ako gutom kaya sige mamaya na ang tanungan.

Ay grabe ang sarap ng seafoods yung sugpo na sobrang laki, yung alimasag at tahong ay kasarap.

Tiningnan ko si Chard, hirap na hira buksan yung Alimasag, natawa naman ako pero di ko alam nakatingin pala siya sa akin.

"Ah Manang Delia ang sarap po nga mga luto niyo" < --- Ako

"Naku salamat naman at nagustuhan mo ang mga yan iho" < --- Manang Tess

"Favorite ko po ang mga ito, eh kaso pagdating po nga mga ito sa siyudad pagkamahal na" < --- Ako

"Lahat naman kinakain mo Babe" < --- Chard

"Ay tinatanong ka? Kami ni Manang Tess ang nag-uusap dito oh" < --- Ako

"Oh siya siya, mga batang ito talaga oh oh, tapusin muna ang pagkain bago yang bangayan nyong dalawa" < --- Manang Tess

Mabilis kong inubos ang pagkain ko at pagkatapos ay nagtungo sa dalampasigan, gabi na kaya naman hindi ko nasaksihan ang paglubog ng araw.

Umupo ako sa isang malaking bato at doon ay pinagmasdan ko ang buwan at ang mga bituin sa kalangitan.

"Ang ganda no Babe?" < --- Chard sabay akbay sa akin

"Aray! Doon ka nga!" < --- Ako

"Hanggang ngayon ba galit ka pa sa akin?" < --- Chard

"Kasabwat mo ba sila Kuya dito sumagot ka" < --- Ako

"Oo babe, kinasabwat ko sila para madala kita dito upang makapagpahinga ka" < --- Chard

Tanggap ko pa kung si Kuya lang ang kasabwat eh pati si Nanay, pinagkaisahan nila ako. 
Nakakainis! Ngayon kasama ko sa islang to ang taong kinaiinisan ko. Pero sa isang parte ng puso ko ay medyo natutuwa.

"Babe sorry na oh, hindi ko na uulitin promise, please babe ayoko ng ganito tayo eh" < --- Chard
"Pagod ako, papasok na ako"

Sobra kong naapreciate ang effort ni Chard para lang mapatawad ko siya pero ewan ko ba, sabi ng isip ko ay kulang pa.



R i c h a r d --- >>>

Ang saya ko dahil pumayag si Tita at Kuya sa Plano ko na ako ang mag-aalaga kay Andrei ng 3 araw, pagkakataon ko na ito para bumawi. Alam ko hindi magiging madaling patawarin ako ni Andrei pero I'll do everything mapatawad lang niya ako.

"Pagod ako, papasok na ako" < --- Andrei

habang palayo ni Andrei ay hindi ko maiwasan nagpakawala ng buntong hininga, ganito pala magalit si Babe. Ang hirap suyuin Umupo muna ako doon at pinagmasdan ang langit. Sana bukas maging ayos na ang lahat.

Naalala ko oras na pala ng pag-inum ng gamot ni Babe. Umakyat ako sa kwarto namin dala ang isang basong tubig.

"Babe inom ka muna ng gamot" < --- Ako

Tahimik, lumapit ako kay Andrei binigay ko ang gamot, kinuha nya, ininom ito pagkatapos muling humiga patalikod sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako sa kinilos nya.

"Ay Babe, kailangan palang punasan kita yun kasi ang sabi ng doktor, teka kuha lang ako ng mainit na tubig"
. . .

Bumalik ako na may dalang bimpo at mainit na tubig, kumuha na din ako ng pampalit ni Babe sa maleta nya.

"Ako na" < --- Andrei

"Kaya mo?" < --- Ako

"Anung tingin mo sa akin baldado?!" < --- Andrei

Wala naman akong nagawa kung hindi ibigay kay Andrei ang bimpo. Nagsimula nang punasan ni Andrei ang muka niya, pero nung sinubukan niyang punasan ang ibang parte ng katawan niya.

"Aray. . . Bakit kasi kailangan pa ng ganitong punas punas" < --- Iritableng sabi ni Andrei
"Ako na"

Wala namang nagawa si Andrei kung hindi ibigay sa akin ang bimpo at hayaan ako na ang magpunas sa kanya.

"Hubarin natin lahat ng damit mo" < --- Ako

"L-lhat? Ayoko nga" < --- Andrei

"Biro lang, itira mo ang boxer short mo" < --- Ako

Hinubad ni Andrei ang Tshirt nya at short, bumulaga sa akin ang kanyang katawan. May mga pasa sa may Parteng dibdib at sa may parteng tyan, mayroon din kaunti sa tagiliran at likod. Halos mapaiyak ako sa aking nakita.

"Babe, patawarin m-mo ako. H-hindi mo ako dadanasin ito kung hindi dahil sa akin, sorry, sorry t-talaga"

"Bilisan mo nilalamig ako" < --- Andrei

Kasalanan ko to eh, grabe ang dami nyang pasa sa katawan, and all I can do is to say sorry. If only I can turn back time just once. Pinunasan ko na ang buong katawan ni Andrei sinimulan ko sa mga kamay niya, tapos sa leeg, sa likod, dibdib. Nang nasa parteng hita ako ay napansin ko ay pagkabuhay ng Alaga ni Babe, may pagkapilyo din.

"Wag ka mag-alala hindi kita sinisisi kung bakit ako nabugbog, kasalanan ko to" < --- Andrei

Natuwa naman ako kahit papaano ay hindi nya ako sinisisi sa mga nangyari, medyo nabawasan ang dinadala ng kalooban ko. Pinasok ko ang bimpo sa loob ng boxer niya, upang punasan ang singit singit, nakita ko ang muka ni Andrei namumula.

"Blushing?"

"Bilisan mo kasi!" < --- Si Andrei sabay taklob ng unan sa muka niya.

Matapos kong linisan si Andrei ay bumaba ako upang maghilamos, ngayon ay kahit papaano ay nakakangiti na ako, kahit hindi pa kami ayos ni Babe ramdam ko malapit na mangyari yun.
Pagka-akyat ko sa kwarto namin ay hindi pa din tulog si Andrei.

"Babe bakit gising ka pa?"

"Di ako makatulog" < --- Andrei

"Gusto mo dito ka sa braso matulog?" < --- Ako

"Sinong may sabi sayo na dito ka sa tabi ko matutulog?" < --- Andrei

"H-ha? Eh saan ako matutulog?"

"Ayan ang banig oh? Eto unan" < --- Andrei

"Hindi mo pa ba ako mapapatawad babe?" < --- Ako

"Hindi pa tayo bati" < --- Andrei

"Babe naman eh, sorry na please?" < --- Ako

"Goodnight" < --- Andrei

-__- Grabe to si Babe.

Wala naman akong nagawa nilatag ko ang banig sa gilid ng kama at humiga. Bakit naman kasi hindi pa pinapaayos nila Daddy itong resthouse namin eh.
. . .

45 minuto na ang lumipas at eto hindi ako makatulog, paikot-ikot ako sa banig. Napakalamig din dito lalo na kapag gabi, kaya naman ginaw na ginawa ko.

"Oh eto kumot matulog kana"

Natuwa naman ako kay babe kahit galit pa din sa akin inaalala pa din ako.

"Thankyou Babe I love you" < --- Ako

"Love your face, umakyat ka na nga dito baka sabihin mo napaka sama kong tao" < --- Andrei



A n d r e i --- >>>

Kanina nung pinupunasan ni Chard ang katawan ko nawala ang inis ko sa kanya. Ramdam ko na sincere siya sa paghingi niya ng tawad kanina. Siguro nga tama si Kuya may kasalanan din ako kung bakit ako nabugbog.

"Wag ka mag-alala hindi kita sinisisi kung bakit ako nabugbog, kasalanan ko to"

Nakita kong ngumiti si Chard senyales na natuwa siya sa sinabi ko. Nagpatuloy lang siya sa pagpupunas sa akin, hanggang sa nandoo na siya sa parteng singit, ewan ko bigla akong nahiya, feeling ko ang pula pula ng muka ko nung oras na yon.

"Blushing?" < --- Chard

"Bilisan mo kasi!"

Sa sobrang hiya ko ng mga sandaling yon ay kinuha ko yung unan at itinaklob sa muka ko.
Nang bumaba siya ay nagbihis na ako at humarap sa malaking salamin.

"Ikaw bakit ayaw mo pa patawarin si Chard?"

"Kapag yan nagsawa kakahingi ng tawad sayo ikaw din"

Bakit ko ba kinakausap sarili ko? Para akong timang makatulog na nga lang.
Ayun pa ang isa kong problema, namamahay ako maliban sa bahay at sa braso ni Chard.

"Gusto mo dito ka sa braso matulog?" < --- Chard

"Sinong may sabi sayo na dito ka sa tabi ko matutulog?" < --- Ako

Nasanay na ata ako na pahirapan si Chard ayan tuloy ang nasabi ko kaya sa banig siya natulog. Pride ba yun? Di ko din alam.

Halos isang oras nang patulugin ko si Chard sa banig, hindi ako dalawin ng antok kasi paikot ikot siya sa sahig. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala nabigyan ng kumot.

"Oh eto kumot matulog kana"

"Thankyou Babe I love you" < --- Chard

"Love your face, umakyat ka na nga dito baka sabihin mo napaka sama kong tao" < --- Ako

Pagkahiga ni Chard ay yumakap ako sa kanya, itinaas naman niya ang braso niya upang makahiga ako.

"Babe, sorry ah, kung nakinig lang ako sayo nun, di na aabot sa ganito ang lahat" < --- Chard

"Shhh. . . Wag ka maingay matutulog na ako"

"Last question" < --- Chard

"Ano nanaman yon?"

"Napatawad mo na ba ako?"

Mula sa pagkakahiga ay tumingala ako, tiningnan ko siya mata sa mata.

"Sa tingin mo ba papayag akong tumabi ka dito sa akin kung hindi?" < --- Ako

Muli ay nakita ko ang pamatay niyang ngiti kasabay nito ang pagbagsak ng luha niya.

"T-thank you babe, thank you for choosing us" < --- Chard

"Ok na? Tulog na tayo antok na ako eh, alam mo? Di ka pwedeng nurse di mo ako pinapatulog" < --- Ako

"Hug na lang kita Mmmm!" < --- Chard

"Araaaay! yung mga pasa ko! hindi ka talaga pwede maging nurse"

"Ay sorry Babe sorry may pasa ka nga pala" < --- Chard

Niyakap ako ni Chard at nagsumiksik naman ako sa kanya, namiss ko ganito naming posisyon kapag natutulog.

"Babe di talaga ako pwde magnurse, BSCS ang kinukuha ko eh para maprogram ko ang puso mo at ma-simulate ko ang pagmamahal ko sayo" < --- Chard

"Aysus, tulog na tayo bukas na tayo magbanatan" < --- Ako

"Wala ka manlang Banat sa akin? daya mo naman" < --- Chard

"Fine, BSIT ang kinuha ko kasi gusto ko I-hack ang puso mo" < --- Ako

"Bakit hack?" < --- Chard

"Kasi, kapag program, pwede yan palitan, eh kapag hack sisiguraduhin ko na kailanman ako lang ang laman ng puso mo" < --- Ako

"Aw. . . . Sweet" < --- Chard

"Tulog na tayo please? Inaantok na ako" < --- Ako

"Goodnight babe" < --- Chard

"Goodnight, kiss ko?"

*Kiss

Ngayon mas magiging maayos na ang tulog ko, sa bisig ni Chard na namiss ko ng sobra, dito ay ramdam ko na ligtas ako sa panganib, walang makakapanakit sa akin. Hinahaplos ni Chard ang buhok ko hanggang sa nakatulog na ako.

. .

Kinabukasan ay mas naging maaayos ang aking pakiramdam, naging magaan ang pagkilos at medyo nabawasan ang sakit; Ang dami ng pasa ko sa buong katawan, maging sa muka meron din.

Ngayon ko lang napansin na wala pala si Babe sa tabi ko. Tatayo na sana ako nang biglang dumating si Chard

"Morning Babe"

"Morning, ano yang dala mo?"

"Ah, kasi kailangan mo magpahinga, kaya pinagdala na lang kita ng breakfast mo dito, ayokong napapagod ang Babe ko" < --- Chard

"Salamat, tara saluhan mo ako dito Babe" < --- Ako

"Hep! Ako ang magpapakain sayo bawal ka gumalaw ng gumalaw" < --- Chard

"Napakaliteral mo naman babe, kaya ko naman kumain mag-isa eh di naman ako baldado" < --- Ako

"Nganga" < --- Chard

"Babe naman eh" < --- Ako

"Ay ang kulet parang bata gusto ng palo sa pwet? Nganga" < --- Chard

Ang awkward man, sinusubuan ako ni Chard, wala akong magawa eh nakailang pilit na ako. Nakakainis natawa pa, para daw akong baby na nakasimangot. Nasaan ang hustisya?

"Oh last 3 na lang baby" < --- Chard

-___- Ang sarap hambalusen nito eh. Gawin ka ba namang na parang baby.

"Very good oh last 2 na lang tapos papasyal tayo sa Beach yehey" < --- Chard

"Tuwang tuwa ka sa kabaliwan mo no?" < --- Ako

"Sweet nga eh, Oh aah ulet para last one na" < --- Chard

aaah

"Yehey! Oh last one na say aaaah" < --- Chard

Aaaah

"Yehey! Palakpak tayo tapos na kumain ang Baby Babe ko" < --- Chard

"Tara dali gusto ko na magpunta sa Beach"

"Babe, bawal sayo magkikilos eh" < --- Chard

"Hmp! Daya daya, anu pang silbi nang pagdadala sa akin dito kung di manlang ako makapag-gala sa sea side" < --- Paghihimutok ko

"Fine, sa isang kondisyon" < --- Chard

"Ano? anything para makalabas lang ako dito" < --- Ako

Naghubad ng T-shirt si Chard, sinunod niya yung short niya.

"Hoy hoy! A-anung binabalak mo?!"

"Ha? Nag-aalis ng damit? Kasi po kakalungin kita sa likod ko" < --- Chard

"Aaaah, akala ko naman . . . ." < --- Ako

"Na ano? Rarapin kita? Mamaya na yung gabi Babe ayan agad nasa isip mo eh" < --- Chard

"Utot mo! Wag kang tatabi sa akin mamaya"

"Babe di ka na mabiro"

"Halay kasi ng Joke mo eh" < --- Ako

“Tara, pasan ka na sa akin” < --- Chard

“Ha? Akala ko nagbibiro ka lang?” < --- Ako

“Hinde, the doctor said that you have to rest as much as possible, eh alam kong gusto mo makita ang buong beach kaya naman kailangan mong pumasan sa likod ko” < --- Chard

. . .

Akala ko joke lang ang pagbuhat sa akin ni Chard yun pala seryoso siya doon. Pagkalabas namin ng bahay ay bumulaga sa amin ang mala-paraisong lugar na dati ay nakikita ko lang sa TV at mga litrato sa internet pero ngayon eto na nasa harapan ko na.

“amazed?” < --- Chard

“Salamat sa pagdadala mo sa akin dito” < --- Ako

Napakagada talaga dito sa beach na pag-aaari nila Chard, Simulan natin sa pinong buhangin na kulay puti katulad ng makikita sa Boracay; mamamangha ka naman sa kulay asul na tubig, sobrang linis at talaga namang mayaman sa lamang dagat tulad ng isda at corals.

"Babe ang ganda dito"

"Kaya nga dito kita dinala eh, para marelax at makasagap ka ng sariwang hangin" < --- Chard

Nakapasan ako sa likod ni Chard habang binababay namin buhanginan, mabuti na lang at walang tao sa paligid kung hindi tampulan kami ng usapan. Napakaganda talaga dito wala akong masabi kung hindi WOW.

“Ah eh Babe ibaba mo na ako baka napapagod ka na oh” < --- Ako

“Hinding hindi ako mapapagod kung ikaw lagi kong papasanin Babe” < --- Chard

“Iiiih panusot to eh biglang babanat. Doon na lang tayo sa may lilong upo na lang tayo doon” < --- Ako

“Ok boss oh kapit ka lilipad tayo Yaaaaaaah!” < --- Chard

“Takte ka! Wag ka ngang tumakbo! Oy! OOOOOOOOY!” < --- Ako

“Yaaaaaaah! Hahaha! Wag ka malikot tutumba tayo!” < --- Chard

“Tumigil ka kasi! Isa!” < --- Ako

“Ayoko! Hahaha at marunong ako magbilang Babe! YIIEEAAAAAH!” < --- Chard

“Ayaw mo tumigil ah, ayan! Ayan pa!” < --- Kiniliti ko si Chard

“Oy! Oy! Wag! Tataob tayo” < --- Chard

(O___O) < ---- Ako

BOOOOGSH!!! Ayan na nga ang sinasabi ko tumaob kami sa buhangin ni Chard. Submubsob siya samantalang ako naman ay gumulong; pasalamat na lang at buhangin ito at kung nagkataong semento man ito panigurado bangas ang abot namin.
. . .

“Ayan sabi ko sayo wag ka nang tumakbo hahaha kumain ka tuloy ng buhangin” < --- Ako

“Ikaw eh, kung hindi mo ako kiniliti hindi tayo tutumba” < --- Chard

“Hahaha eh ayaw mo kasing tumigil kakatakbo” < --- Ako

“Sa isip ko kasi ikaw lang lagi ang natakbo” < --- Chard

“Aysus biglang ganun eh topak mo talaga” < --- Ako

"Thank you Babe for choosing us again" < --- Chard

"Basta po next time, matutong makinig"

"Opo" < --- Chard

"Dahil sa susunod na gawin mo yan, ako ang bubugbog sayo"

"Di na yun mauulit Babe, I learn my lesson" < --- Chard

“Good” < --- Ako

Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno ng niyog, maaliwalas dahil sa lilong na binibigay ng dahon nito. Nakasandal si Chard sa puno at nakahilig naman ang ulo sa balikat niya. Magkahawak ang aming kamay at pareho kaming nakatingin sa dagat. Kung papipiliin lang talaga ako mas gusto kong manirahan sa ganitong lugar, malayo sa lahat yung tipong walang makikialam kahit anung gawin ko dito; kung ganito lang sana kasimple ang buhay. Syempre hindi naman ganyan ang realidad, kailangan nating magsumikap para gumanda ang ating katayuan sa buhay, kailangan dumaan sa iba't ibang klaseng pagsubok upang maging matatag sa pagharap sa kinabukasan.



R i c h a r d --- >>>

Yeah ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundo dahil pinatawad na ako ni Andrei sa wakas.Tawa ako ng tawa nung tumatakbo ako eh pasan ko si Babe, takot na takot mahulog. Ang ending nagtaob din kami dahil nawalan ako ng balanse dahil kiniliti ako ng inam.
Heto kami ngayon nakatingin sa kawalan, habang nasa silong ng puno ng niyog.
Nakahilig ang kanyang ulo sa aking balikat habang magkahawak ang aming kamay. Nanatili kaming tahimik, nakisama kami sa katahimikan ng paligid; hindi ko alam ang iniisip niya pero alam ng puso ko na masaya ngayon si Andrei.

Dalawang oras ang nakalipas ay nakaramdam ako ng gutom pero si Babe hindi pa nagugutom? Hindi pa kasi siya nagyayaya kumain eh matakaw pa ito kaysa sa akin.

"Ba . ." Hindi ko na naituloy tulog pala . . . Kaya pala tahimik tss.

Hindi ko na ginising pa si Babe, pinasan ko na lang ulit ito pabalik sa bahay upang kumain.

"Aba mukang magkasundo na kayong dalawa ah" < --- Manang Tess

"Opo, manang kagabi pa po" < --- Ako

"Mabuti naman, oh siya gisingin mo na nang tayo ay makakain na" < --- Manang Tess

"Babe kakain na po"

Nagising naman agad si Andrei.

"Papaano tayo napunta dito?" < --- Andrei

"Pinasan kita pabalik dito" < --- Ako

"Ah . . . Wow kakain na?! Tara kain na po tayo" < --- Andrei

"Kapag talaga kakain mabilis" < --- Bulong ko

"Ha anu yon?" < --- Andrei

"Wala po ang sabi ko kakain na tayo" < --- Ako

"Kayo talagang dalawa puro kayo bangayan kumain na nga tayo kabataan talaga ngayon oo" < --- Manang Tess

"Wow manang tinolang tahong! Favorite ko din to" < --- Andrei

"Lahat naman Babe favorite mo" < --- Ako

"Ewan ko sayo Babe, eh ikaw nga pagbubukas lang ng alimasag nahihirapan pa eh" < --- Andrei

"Mahirap naman talaga buksan yun eh" < --- Ako

Kumuha ng isang Alimasag at walang kaeffort effort na nabuksan.

"Sabi ko nga . . . Hindi lang ako marunong magbukas" < --- Ako

"Kayo talaga, lahat ng bagay pinagtatalunan" < --- Manang Tess

"Ihh yan po kasi manang" < --- sabay turo sa akin ni Andrei

"Hai siya siya, tayo ay kumain na lang wala nang magsasalita sa inyong dalawa, para kayong mga bata sa sobrang kulet diyos ko matutuyuan ako ng dugo sa inyo" < --- Manang Tess

. . .


Buong maghapon ay kinukulit ako ni Andrei na igala ko pa daw siya dito sa isla, eh dahil nga mahigpit na bilin ng doctor na dapat ay magpahinga at kung maari nga daw ay wag nang magkikilos para mabilis ang paggaling.

"Baaaaabe sige na labas tayooo" < --- Andrei

"Babe, paulet ulet tayo hindi nga pwede"

"Boring naman dito eh walang magawa" < --- Andrei

"Gusto mo maglaro tayo?" < --- Ako

"Anong lalaruin? Yung matino ah" < --- Andrei

"Bahay bahayan Adult version" < --- Ako

"Ha? Anong ginagawa dun?" < --- Andrei

"Madali lang yun Babe, hihiga ka lang tapos mag-aalis ka ng damit and the rest is extreme"
"Ang manyak mo no?" < --- Andrei

"Normal lang yan sa mag-asawa"

"Timang ka, dami mong alam" < --- Andrei


A n d r e i --- >>>


Ang daya daya naman ayaw akong payagan lumabas ni Chard, painumin ko kaya to ng pampatulog.

TING! Bright Idea

"Babe tabi ka nga dito sa akin" < --- Ako

"Bakit? Namimiss mong humiga sa braso ko no" < --- si Chard sabay flex ng muscles

Sige lang babe . . . Bwahahaha

"Bilis! Ikaw ang humiga sa braso ko kakantahan kita" < --- Ako

"Talaga? Ang sweet naman" < --- Chard

"Naman Babe ako pa"

Humiga na nga si Chard sa braso ko at yumakap pa sa akin. Ok sana gumana ang plano ko.

When i see your face

theres not a thing that I would change

Coz your amazing

Just the way you are

Kinantahan ko nga si Babe ng mga kantang nakakantok, habang sinusuklay ko ang kanyang buhok. Halos nakasampung kanta din ako bago nakatulog si Babe, at talaga namang pinagbuti ko para mahimbing ang kanyang tulog.

TING TING TING! KNOCKOUT!

“Sweet dreams Babe”
. . .

At ngayon nandito ako sa isang maliit na bahay kubo sa harap ng dalampasigan, pinapanood ang hampas ng mga alon, dinadama ang bawat ihip ng hangin. Isang tanging dahilan kung bakit ako lumabas dito ay para pag-isipan kung sasagutin ko na ba si Chard, madami na ang nangyari sa amin sa maikling panahon. Halos isang oras ko na pinag-iisapan ang tungkol sa amin nang may dumating . . .

"Hi!"

"Hi din" < --- Ako

Dumating ang isang lalaking halos kasing edad lang namin kayumanggi ang balat malalim ang mga mata at banat ang katawan, eto yata ang anak ni Manang Tess

"Rodrigo na lang, ako yung anak ni manang Tess, ikaw si Andrei diba?"

"Ah oo ako nga, halika samahan mo ako dito" < --- Ako

"Bakit ka nag-iisa nasaan si Chard?" < --- Rodrigo

"Ah pinatulog ko, ayaw kasi akong palabasin"

"Aba nakahanap na ng katapat yun ah" < --- Rodrigo

“Ahahaha oo ako na nga ata katapat nun” < --- Ako

“Aba Andrei anak, bakit ka nasa labas hindi ba ayaw kang palabasin ni Richard?” < --- Manang Tess

“Ah binugbog ko po ayun tulog hehehe” < --- Ako

“Oh kumain muna kayo ni Rodrigo, masarap yan bagong luto” < --- Manang Tess

“Ah sige po manang salamat, saluhan nyo na po kami dito ni Rodrigo” < --- Ako

Maghapon ay wala kaming ginawa nila manang Tess at ni Rodrigo kung hindi magkwentuhan ng kung anu-anong bagay, napuno ng tawanan ang bawat pag-uusap namin, si manang Tess kasi kinukuwento ang kabataan ni Rodrigo eh makulit din pala tong si Rodrigo parang kami ni Chard.
Dahil sa takbo ng usapan namin ay hindi ko namalayan na hapon na at malapit na lumubog ang araw.

“Oh, Rodrigo anak mag-iihaw ka mamaya ah, huling araw na nila Andrei at Richard dito” < --- Manang Tess

“Sayang tol, huling araw nyo na pala dito gusto ko pa kayo makabonding” < --- Rodrigo

“Oo nga eh, pero hayaan mo yayayain ko si Chard na bumalik kami dito” < --- Ako

“Oh paano Andrei iiwanan ka muna naming ah, aayusin na namin ni Rodrigo ang hapunan natin” < --- Manang Tess

“Ah, sige po” < --- Ako

Lumabas ako sa bahay kubo at tinungo ang dalampasigan at doon umupo sa may buhangin upang panoorin ang paglubog ng araw.

“Oh jacket baka mahamugan ka”

“Ah, thankyou Babe, gising ka na pala” < --- Ako

“Oo, grabe effective ang plano mo” < --- Chard

“I know hahaha kamusta tulog mo?” < --- ako

“The best, ikaw ba naman naghele sa akin” < --- Chard

“Naman ako pa!” < --- Ako

“Ikaw nga Babe, may parusa ka sa akin mamaya hahaha” < --- Chard

“Wala naman akong ginawang masama ah” < --- Ako

“Meron, hindi ka nakinig sa akin, I told you to stay in that room but you tricked me kaya naman may parusa ka sa akin mamaya” < --- Chard

Bigla naman akong kinabahan sa ‘Parusa’ na sinasabi nito ni Chard. Kapag ito kasi ang nagsasabi ng ganyan hindi ko maiwasan mag-isip ng maduming bagay na maari niyang gawin sa akin, likas kasi sa kanya ang pagiging mahalay.

“Sorry na wag mo na ako parusahan babe, tingnan mo hindi pa magaling mga galos ko” < --- Ako

“Ibang pagpaparusa naman ang gagawin ko eh, mag-eenjoy ka doon” < --- Chard

“Isusumbong kita kay Kuya Kian at Kuya Adam para bugbugin ka nila” < --- Ako

“Dami mo ding alam Babe” < --- Chard

Mula sa masayang usapan ay naging seryoso ako, siguro nga dapat ko nang sabihin sa kanya.

“Babe matagal kong pinag-isipan to at pumapayag na ako” < --- Ako

“T-talaga?! Yohooo! Wag ka mag-alala I’ll be gentle Babe Thankyou” < --- Chard

“Hindi doon! Ang manyak mo talaga kahit kailan” < --- Ako

“Eh saan? Akala ko pa naman . . .” < --- Chard

“Sa ating dalawa” < --- Ako

“Y-you mean, ako at ikaw?” < --- Chard

“Tayo na” < --- Ako

1… 2… 3… 4… 5….

“Y-YES! YES! YEEEEEEEEEEEEEES! Thankyou so much Babe I’m so happy I-i don’t know what to say, wow Woooooooooo!” < --- Chard

“Ang dami mo ngang nasabi eh” < --- Ako

*KISS

Ang saya ni Chard kanina, I never though that I can make him so happy like that, syempre masaya din naman ako para sa amin; mahal ko kaya yun. Ngayon were officially on, pero kung maka-asta kami nung mga nakaraang araw parang kami na. Hindi namin alam ang maaring mangyari bukas pero magkasama naming tatahakin ang bawat araw at magkasama naming lalampasan ang mga pagsubok sa maari naming harapin sa hinaharap.
. . .

Kinagabihan ay tumulong kami ni Chard sa pag-iihaw ng mga seafoods, grabe naamoy ko palang habang iniihaw ay talaga naming kumalap na ang sikmura ko. Tapos kapag mayroong luto na ay hindi ko mapigilang kumurot ng kapiraso. Si Manang Tess naman ay nagpiprito ng Calamares at Tempura, parang gusto ko nang manirahan dito ang sarap ng pagkain araw-araw. Gumawa naman ng bonfire si Rodrigo sa may dalampasigan para doon kami kumain, pwede ba kaming mag-extend? EXTEND PA PO KAMI MGA 72 HRS PA!!!

Bigla namang dumilim ang paligid.

“Ay nalintikan na nawalan pa ng kuryente”< --- Manang Tess

“Buti maliwanag ang buwan kita ko pa din ang niluluto ko” < --- Ako

“Perfect ang mga nangyayari para sa parusa mo mamaya Babe” < --- Chard

“Ewan ko sayo Babe, mag-isa kang matulog sa kwarto” < --- Ako

“Hahaha as if that will happen” < --- Chard


Matapos maluto lahat ng kakainin namin ay pumuwesto kami sa may dalampsigan upang lantakan lahat ng mga ito. Napakadaming ulam ang nakahain tulad ng Calamares, Tempura, inihaw na Tilapia at pusit, Tahong Sugpo at Crab and corn soup. EXTEND PA PO KAMI DITO MGA ONE MONTH!

“Babe dahan dahan, parang mauubusan ka ah” < --- Chard

“Wag kang magulo minsan lang ako makain nito ng sabay-sabay” < --- Ako

“Ahahaha tama nga si Nanay ang kulet niyong dalawa” < --- Rodrigo

Wala akong pakialam ang sarap talaga ng seafood’s last day na namin dito lulubusin ko na. EXTEND PA PO KAMI 1 YEAR HAHAHA!

Matapos naming kumain ay nagyaya mag-inuman si Rodrigo, si manang naman ay nagpasya nang matulog dahil pagod na ito. Ang natirang ulam kanina ang nagsilbing pulutan. Nagbukas ng tig-isang beer si Rodrigo at Chard, at nang akmang kukuha ako ng isang beer, ay tinapik ni char ang kamay ko.

“Aray anu ba?!” < --- Ako

“Bawal ka uminom ng beer sabi ni doc” < --- Chard

“Anung iinumin ko? Ang daya daya naman” < --- Ako

“Rodrigo nasaan yung pinabili ko” < --- Chard

“Eto oh isang box yan” < --- Rodrigo

“Chuckie?! Anung tingin mo sa akin bata?!” < --- Ako

“Ok na yan Babe, bawal kasi ang alcohol sayo kaya makinig ka na lang ha” < --- Chard

*KISS

“Ok na sige! Daya daya” < --- Ako

“Alam mo Andrei? Ikaw pa lang ang dinala ni Chard dito” < --- Rodrigo

“Kasi sabi ko sa kanya ang isasama ko lang dito ay ang taong mahal ko” < --- Chard

Hindi ako nakapag-react biglang ramdam ko ay namumula nanaman ang aking muka, si Chard kasi may pabigla ng ganoon.

“Yieeee! Namumutla si Pareng Andrei oh hahaha!” < --- Rodrigo

“Hahaha your cute when you blush Babe” < --- Chard

“iiih! Nakakainis kasi wag nga kayong ganyan!” < --- Ako

*KISS

“Ahaha lalong namula oh!” < --- Rodrigo

“Ang lakas niyo ah! Kung hindi lang masakit ang katawan ko binugbog ko na kayo” < --- Ako

“Wag naman ganun hahaha” < --- Rodrigo

Ang saya nilang dalawa kasi pinagkakaisahan nila ako, tapos beer kanila ang akin Chuckie?! Nasaan ba ang hustisya dito?! Mabilis naman natapos ang inuman nila oo hindi ako kasama kasi Chuckie ang iniinom ko at inubos ko talaga yung isang box.

“Sige mga Chard, Andrei uuwi na ako, maaga pa kasi kami papalaot ni tatay eh, balitaan mo na lang ako kapag babalik kayo para naman mas mahaba ang bonding time natin” < --- Rodrigo

“Oo makakaasa ka, talagang babalik kami dito nagustuhan ni Babe eh” < --- Chard

“Sige mauuna na ako, paalam” < --- Rodrigo

“Paalam Rodrigo babalik kami dito promise” < --- Ako
. . .

“Babe its time” < --- Chard

“Opo oras nang matulog”

Madilim ngayon sa kwarto namin dahil nawala ng kuryente, tanging isang gasera at liwanag ng buwan na nagmumula sa bintana ang nagsisilbing liwanag sa amijng kwarto. Kitang kita ko kung paano hubarin ni Chard ang kanyang damit, masama ang titig sa akin.

“B-bakit ka naghuhubad ng damit?”

“Mainit Babe” < --- Chard

Tumabi sa akin si Chard pero hindi ako umunan sa braso niya may masama tong binabalak eh ramdam ko.

“Lord! Maraming salamat po sa lahat ng blessing na dumadating sa akin at bigyan liwanag niyo po ang pag-iisip ng katabi ko ngayon, napoposses po kasi siya ng masamang espiritu” < --- Dasal ko sa aking isip

“Babe?” < ---- Chard

“Bakit?”

“Bakit hindi ka sa braso ko natutulog” < --- Chard

“Ah eh eto na po”

“Ayan . . . “< --- Chard

“Babe naalala mo yung parusa mo?” < --- Chard

“Ihhh wag ka nga hindi pa ako handa sa ganyang bagay” < --- Ako

“Hahaha kung anu-ano ang nasa isip mo Babe” < --- Chard

“Kapag ikaw kasi ang nag-sasabi mahalay ang dating sa akin” < --- Ako

“Babe? Ikaw lang yata ang mahalay eh?” < --- Chard

“Utot mo!”

“Tara na nga matulog na tayo” < --- Chard

“Eh anu yung parusa?”

“Gusto mo ituloy ko?” < --- Chard

“Wag na! hahaha goodnight Babe!” < --- Ako

“Pa-kiss nga! Mmp!” < --- Chard

“Abuso ka na sa kiss ah” < --- Ako

“Aysus gusto mo naman” < --- Chard

“Ayoko amoy beer” < --- Ako

Pumaibabaw sa akin si Chard.

“Anung sabi mo?” < --- Chard

“W-wala, tulog na tayo” < --- Ako

“Alam mo Babe, gigil na gigil na ako sayo” < --- Chard

“Tulog na tay…” hindi ko na natuloy dahil bigla akong hinalikan ni Chard, banayad, puno ng pagmamahal; at dahil nadala na din ako ay lumaban na din ako ng halik sa kanya.

“Thankyou Babe” < --- Chard

Bumalik si Chard sa gilid tabi ko at umunan ako sa Braso niya; masaya ako sa kung anung meron sa amin ni Chard ngayon.

“Babe salamat ah I’m sa happy and finally tayo na” < --- Chard

“Ako din naman masaya Babe” < --- Ako

“So ibig sabihin pwede na tayo gumawa ng Baby?” < --- Chard

“Hindi pa din” < --- Ako

“Ok, I’m willing to wait kung kailan ka rereglahin eh este papayag I love you Babe” < --- Chard

“I love you too Babe” < --- Ako


Natulog kami ng may ngiti sa labi, maraming nangyari pero sabi nga nila past is past; matutong mag-move on matutong lumimot at magpatawad dahil kapag nagawa mo ang mga yan isang masayang bukas ang nag-iintay sa inyo, puno ng pag-asa, positibo ang pananaw at laging inlove araw-araw sa isang taong pinag-alayan mo ng iyong puso.


Itutuloy >>>


  










No comments: