Sunday, June 22, 2014

Less Than Three- Part 51

AUTHOR'S NOTE:


For my special READER


ANDY

Don't worry, iniisip ko lagi ang comment mo. Hindiako galit or what pero nacha-challenge ako na pagbutihan pa. Konting hintay na lang ha. Bumwebwelo pa ako sa gagawin ko.

Alam ko Alex-Kieth kayo.... at may RD-Kieth naman... kaya hintayin lang ninyo. hahaha


Alam ko naiinis na kayo sa nangyayari sa kwento pero may kahihinatnan naman po yan kaya just hold on. :)


Pasensya na kayo kung natatagaln minsan... Time sa pagsususlat, Studis at Internet connection na ang kalaban ko. I hope you'll undersatnd.


Sa lahat, thanks for letting me share my stories. SAna comment pa kayo. Ni-rerepair ko naman yung kwento eh. Kaya Please hold on. 


Just smile.

Thanks sa lahat ng nagmemessage sa akin at minsan nakakadaldalan ko. Malaking deal yun. I hope message pa kayo lalo na at may pinagdadaanan ako. HAHAHAH

Basta nandito lang ako. :)


Always remember, TWISTS in the stories are important. :)
Love,

Dylan-----------------------------------------------



This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 51

(Alam mo na ayaw ko...)



 



 [Jake’s POV]


Here I am at sinasamahan ko ang loko-loko kong best friend. 


Problemado na naman to sa kanyang one and only love na si Alex. 


Di ko nga maintindihan sa dalawang ito, lagi na lang nag-away kay RD. Tsss. 


Imba pa naman pag naglasing tong si Kieth, hinding-hindi mo mapipigilan.


“Oy tama na.” saway ko.


“Tangina wag kang makialam.”



Tsss pag ganitong nagmumura na siya eh makakapanapak lang siya.


 “Tigil na kasi.” Saway ko pa.



“Pre ano ba! Umi…uminom ka lang… shaya-shaya ko dito… tsss.” Sabi niya.


“Kanina pa tumatawag si Alex, hinahanap ka. Tara uwi na tayo.”


“Wa-wala siyang.., wala siyang paki-pakialam sa akin…” sabi niya



“Lasing ka lang.”



Di na siya sumagot pa. 


Ininom lang niya ng ininom ang alak. 


Agad ko namang tinawagan si Alex at hinayaan siyang puntahan si Kieth dito. 


Di ko kakayanin mag-isa kapag nagwala to. Tsss.



“Hello Alex!.” Sabi ko.



“Jake… magkasama ba kayo ni Kieth?” tanong nito.



“Oo nasa may Light Class kami… punta ka na dito. Naiinis na ako sa boyfriend mo. Lasing na lasing si Kieth.” Sabi ko.


“Okay lang ba siya? Sige papunta na ako sige. Please Jake take care of him.”



“Yeah ako na ang bahala.”



Binaba ko na ang tawag at binalikan si Kieth. 


Nagulat na lamang ako nang makita ko siya na wala sa aking tabi. 


Agad ko namang hinanap si Kieth at nakita ko na nasa gitna siya at kung sinu-sino ang kasayaw.



“Yeah…” sigaw lang nito.



“Pre!” sigaw ko.



“Pre… shayaw….sha-shayaw tayoow…” at nagsimula na nga siyang sumayaw.


“takte naman tong batang isip nato. Magagalit si Alex kapag nakita kang ganyan sige ka. Papunta na siya dito kaya behave ka na!” ang nasabi ko na lang.


“Pu-punta…pupunta shi-ya?”


“Oo papunta na.”


“hahaha… Lakash mo magjoke pare…tangina.”


“Halika ka na nga!” sigaw ko.


“Umalis ka nga! Kung ayaw mo dito umalis ka!” nagulat na lang ako sa sinabi niya.


“Tangina pare, umayos ka nga. Nakakhiya na sa kanila. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.”


“Wala… wala akong pakialam.”


Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinuntok siya. 


Bigla naman siyang lumupagi sa sahig at saka naghiyawan ang mga tao. 


Lumapit sa amin ang mga bouncer at nagpatulong na lang ako.


“Pasensya na po.” ang nasabi ko na lang.


“Kung gagawa kayo ng gulo, doon kayo sa labas. Iuwi mo na yan.”


“Hinihintay ko lang kasama ko.” Sagot ko at umalis na sila.



Nasaan ka na ba kasi Alex. Tss. 


Sa totoo lang eh kanina pa may lumalapit sa amin ni Kieth. 


Mga babaeng ito napaka talaga. Sinabi na nga na taken na lalapit lapit pa. Tsk.



“…” naalimpungatan na ata si Kieth.



“Oh pare…” sabi ko.



“I-inom inom pa tayo…” sabi niya



“Umupo ka na nga lang jan. Nabwisit na ako ah.” Sabi ko.



Bigla naman siyang tumahimik, pero ilang sandail lang eh nagulat na lang ako nang marinig ko ang mga hikbi niya.



“Ayos ka lang pare?” tanong ko.



“Si Alex… si Alex…”



“Teka papunta na siya dito.”

“Hindi na niya ako mahal…”



“Wag ka ngang magsalita ng ganyan.”



“Hindi na… tangina… ayaw na niya sa akin!!!” sigaw niya.



“Shhh ano ba pare tumahimik ka nga jan…”



Iyak pa rin siya ng iyak. 


This was the very worst thing na ayaw kong makita sa kanya, ang umiyak. 


Tangina di ako sanay pag ganito siya. 


Di naman siya ganito eh, pero sa iyak niya alam kong sobra siyang nasaktan.



“Pare tahan na.”



“Ayoko… ayoko na.” biglang sabi niya



“Shhh…”



“Bakit? Bakit hindi niya… hindi niya… hindi niya ako mapili?”



“Pare nahihirapan lang siya pero mahal ka niya.”



“Hindi… kung mahal niya ako dapat nasa tabi ko siya at wala sa kanya.”



“Pre tama na nga.”



“Tangina pare hirap na hirap na ako… hirap na hirap na.”



Tila ba nahimasmasan siya sa kanyang kalasingan. 


Nakita kong nakatingin siya sa aking mga mata. 


Nakita ko ang sakit sa puso niya. 


Sa totoo lang hindi naman siya ganito na nagpapakita at umiiyak sa harapan ng maraming tao. 


Nasasaktan talaga siya.



“Jake…” nakarinig na lamang ako ng isang kakilalang tinig.


“Alex… buti at dumat… teka bakit magkasama kayo?” tanong ko.


“Sorry Jake, nagpasama na ako sa kanya.” Sagot niya.


“Pasaway ka talaga.” Sabi ko kay Charlene.


“Mukhang kailangan ni best ng support.” Sagot niya


“Oh siya siya tara na.” sabi ko.


Nakita ko naman ngayon si Alex at si Kieth. 


Nakatingin lang si Alex kay Kieth samantalang si Kieth ay nakayakap sa sarili niya. 


Walang nagkikibuan sa kanilang dalawa.



“Tititigan mo na lang ba si kieth?” tanong ko kay Alex.




“Ah eh. Sorry.” Sagot niya



“Tara na.” matabang na sagot ko kay Alex.


“Okay sige. Tara na Kieth.” Narinig ko na sabi ni Alex.


“Ba…babe…” parang batang sabi ni Kieth.



“babe nandito na ako… sorry. Kasalanan ko na naman.”



“Babe…”



“Babe tara na… sorry na.” si Alex.



“I love you babe…” si Kieth.



“I do. I love you too.” Garalgal na sabi ni Alex.



“Wag… wag mo akong iwan babe… wag… ayoko… hindi ko kaya…. Wag mo akong ipagpalit. Mahal kita. Ayaw kitang mawala sa akin.”



“Opo… di ako aalis. Pangako yan. Di kita iiwan.” Narinig ko na umiiyak na rin si Alex.



“Uuwi na tayo?” parang bata na tanong ni Kieth.


Ang sakit, sobrang sakit na makita at marinig ko na yung best friend ko ay nagkakaganyan.


Tangina Alex, best friend ko yan kaya umayos ka. 


Oo best friend ka ng girlfriend ko pero di kita sasantuhin kapag iniwan mo si Kieth.



“Tara na nga.” Inis na sabi ko.



“Okay ka lang ba?” tanong ni Charlene.



“Yeah.”



“You are not okay. Tell me the problem.”



“Nevermind.” Sabi ko at nauna na ako.



Hindi naman nagtagal at nakasakay na rin kami sa loob ng sasakyan. 


Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nila Kieth.



“babe I love you… I love you ha. Dito ka lang mahal ko. Dito ka lang.”



“Oo babe dito lang ako. Tulog ka na muna ha. Di ako aalis.”


“Ayoko matulog.”


“Babe naman. Lasing ka.”


“Ayoko tulog. Baka alis ka. Ayaw ko maiwan. Ayaw ko mag-isa. Ayaw ko mawala ka sa akin. Mahal kita babe... mahal.”


Shet lang. Para na siyang bata. 


Lalo akong naiinis kay Alex. Tsk. 


Putangina RD masusuntok kita, panggulo ka sa buhay nila. 


Lalong bumilis ang pagpapatakbo ko kasi gusto ko ng makarating sa bahay nila Kieth.


“Dahan dahan lang.” sabi ni Charlene.


Di ako sumagot. 


Nakarating din naman kami sa bahay nila Kieth ng wala sa oras. 


Tinulungan ko na si Alex sa pag-alalay kay Kieth. 


Sobrang daldal ni Kieth potek yan. Tss.


“Okay lang ba siya?” tanong ni tita.


“Nakainom lang po ng madami.” Sabi ko.


“Iakyat ninyo na sa taas. Magpapahanda lang ako ng tubig at tuwalya.” Sabi nito.


Tulungan kami sa pag-akyat kay Kieth, hanggang sa maipasok na naming siya sa kwarto niya. 


Agad naman inayos ni Alex ang kama ni Kieth at kumuha ng mga damit sa kanyang damitan.



Agad naman akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa may hagdanan. Tsss. 


Kanina pa talaga nag-iinit ang ulo ko. 


Kailangan maalis ko to.


 Minsan lang uminit ang ulo ko at nakakahiya naman kila tita pag dito pa ako nagwala.


“Mainit ata ulo mo.” Narinig kong sabi ni Charlene.


“Nah… pagod lang.” sagot ko.


“May problema ka diba? Tell me.”


“Just nevermind. Tulungan mo na lang si Alex.” Sagot ko.


“Just tell me! Kanina mo pa ako hindi sinasagot Nababastos na ako. Girlfriend mo ako kaya sumagot ka.” Sabi niya


“Wag ngayon please. Charlene. Go.” Kalma kong sabi.


“I can’t believe you.” Sabi niya


“Just go.” Sabi niya


“I hate you.”


“Sorry.” Sabi ko.


“Ano ba kasing problema. Just tell me!”


“Oo na sige na. Naiinis lang ako kay Alex sa ginagawa niya!”



“Hindi naman sinasadya ni Alex eh. Intindihin mo na lang.”



“Alam ko naman eh. Kaso naiinis lang talaga ako pota.”



“Jake naman eh.”



“Tsk. Nakakainis kasi siya. Kung alam lang niya kung gaano nasasaktan si Kieth anng dahil sa kanya. Inis na inis ako sa kanya. Di man lang makapili kay Kieth at RD.”



“Sa tingin mo ba ginusto niya to? Ano ba naman hon?”



“Lagi na lang bang iintindi si Kieth? Kailan ba niya iintindihin si Kieth? Hon, sana naman maisip mo yun.”



“Oo alam ko yun. Pero best friend ko si Alex at alam ko na naiipit siya sa sitwasyon.”



“Bestfriend ko din si Kieth kaya concern ako!”



“Guys please…”



Bigla ko na lang narinig sa aming likuran. “Alex…” ang nautal ko.




“Wag na kayong mag-away nang dahil sa akin. Please.”



“Okay na ba si Kieth?” tanong ko.



“Okay na siya. May nag-aasikaso na sa kanya.”



“Good. Aalis na kami. Tara Charlene.” Sabi ko.



“Hindi ako sasama.”



“Hon…”


“I’m staying here.”


“No Charlene….”



“May sarili akong desisyon.”



“Isa.”



“best… sige na… okay lang ako dito.” sabi ni Alex



“Pero.”



“Im okay. Don’t worry.”



“Tara na…” sabi ko.


“Jake…” sabi ni Alex.



“Ano yun?”



“Sorry…”



“Tsss. Bakit ka sa akin nagsosorry?”



“Kasi alam ko nag aalala ka kay Kieth.”



“Malamang bestfriend ko yun eh. Tsss.”



“SAlamat sa pag aalaga sa kanya. Sorry kung magulo ako ngayon.”



“Alex konti na lang at bibinggo ka na kaya umayos ka.” Nasabi ko na lang.



“Oo naiintindihan ko.”



“Jake ano ba naman yan. Bakit ganyan ka magsalita kay Alex?!”



“Okay lang best. Sige ingat kayo.” Sabi nito.







[Kieth’s POV]




“Please babe wag mo akong iwan…” pagmamakaawa ko kay Alex.



“Babe sorry. Alam ko nangako ako na hindi kita iiwan pero kailangan ako ni RD. Sorry babe, sorry.” Sagot niya.



“Lahat gagawin ko wag mo lang akong iwan. Alex please… please nagmamakaawa na ako sayo.” Nakaluhod na ako sa harapan niya at hawak ang kanyang mga binti.



“Babe…please…”



“Sabi mo tayong dalawa diba? Sabi mo hanggang huli diba? Pero bakit ganito. Anoba ang kulang sa akin? Piliin mo naman ako oh. Sige na. Please.” Patuloy pa rin ang pagtangis ko.



“Sorry…. Alam ko lagi na lang akong nag sosorry pero kailangan ko nang umalis.”



“Alex mamatay ako… pag wala ka wala din ako. Please Alex don’t do this to me.”



“I need to do this… Babalik ako… Kieth pangako ko babalik ako…”



“Alex… di ko kayang mawala ka pa sa akin. DI ko kayang mahiwalay ka sa akin…”



“Kieth hintayin mo ako…”



Hanggang kailan ba ako maghihintay? 


Hanggang kailan ko dapat magmakaawa para di ako iwan ng mga tao. 


Ano bang kulang sa akin? 


Kulang ba ako sa itsura? 


Kulang ba ako sa magandang asal? Bakit nila ako lagging iniiwan?



“Alex…babe… mahal ko..” pagsususmamo ko.



“Kieth Im sorry.” Kita ko sa mga mata niya ang mga luha niya.



“Mahal… mahal mo pa ba…. Ako?” garalgal kong tanong sa kanya.



Umupo siya at niyakap ako ng mahigpit. 


Niyakap ko rin siya pabalik at niyakap ng sobrang higpit. 


Hindi ko siya papakawalan kahit anong mangyari. 


Oo, pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala akong pakialam.



“Mahal kita Kieth. Wag mong pagduduhan yun.”



“Pero kung mahal mo ako, dapat di mo ako iiwan. Mas matimbang nab a si Rd kesa sa akin?”



“Hindi Babe, ikaw lang. Ikaw lang sa puso ko.”



“Babe, di ko kakayanin.. please…”



Di na siya sumagot. 


Tumayo siya at inalis niya ang mga kamay ko na nakakapit sa kanya. 


“Jake…” tawag niya dito.



“Pare wag kang makialam tangina…” sigaw ko.



“Pare, sorry…” sabi nito.



“Pare ano ba… bitawan mo ako… puta…. Jake bitawan mo ako!!!”





“Sige na Alex umalis ka na.”






Pinagtutulungan nila ako. 







Tangina, bakit nawalan ako ng lakas? 






Bakit ngayon pa. 





Please Alex, wag kang umalis. 




Mamatay ako. 





Ikaw ang buhay ko… ang lakas ko.




“Kieth sorry. Mahal na mahal kita tandaan mo yan…” isang dampi ng halik ang dumampi sa aking mga labi.



Isang patak ng luha ang bumagsak sa aking mga mata bago ko tuluyang makita si Alex na palayo sa akin. 



Wala na, wala na akong pag-asa. 


Wala na siya sa piling ko. 


Wala na ang mahal ko.


Ang sakit. Natulala na lang ako habang wala akong labang pinagmamasdan siya. 


Bumigay na ang mga tuhod ko. 


I am not this. Hindi ako ito. 


Natakot ako. 


Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng takot sa sarili ko.



Matapos mawala ng kanyang imahe ay tuluyan ng bumagsak ang lahat ng luha sa aking mga mata. 


Unti-unti lumabo ang aking mga mata. 


Bakit ako nawawalan ng hininga. Bakit ako hindi makahinga? 


Parang… parang … parang binabawian na ako ng buhay.



“Kieth!...”



“Kieth!...”




 isang sigaw na di kalayuan ang naririnig ko. 




Pero bakit hindi ako makamulat?




 Bakit hindi ako makabangon?



“Kieth please…”



“I love you Kieth…”



“Kieth GISING………”




At ang lahat ay bumalik sa realidad, isang realidad na maaring pagdaluyan ng napakasakit na katotohanan sa hinaharap.









“Anong…” ang nasabi ko.




“Thanks GOD…” at nakita ko si Alex na naiyak.




“ha? Anong… anong nangyayari?” tanong ko.



“Binangungot ka ata.” Sagot niya.



“Oh? Ibig sabihin…”



“Ibig sabihin ano?” tanong niya.



“Ah wala.” Sagot ko.



Ibig sabihin panaginip lang pala ang lahat ng ito. 


Bigla akong nakaramdam ng tuwa sa aking puso. 


Masyado na ata akong nag-iisip. 


Nakita ko ang mga luha sa kanyang mga pisngi kaya naman pinahid ko ito.



“I love you.” Sabi ko na lang.



“I love you too.” At yumakap siya sa akin.



“Magulo ba ako kagabi?” tanong ko.




“Kind off.”



“Madaldal ba ako?”



“Yeah.”



“Sorry kagabi.” Sabi ko.



“Wala kang kasalanan. Ako nga may malaking kasalanan sayo eh. Sorry ha. Alam ko nahihirapan ka na. Sorry kung pasaway ako. Sorry kasi di kita pinapakinggan.”




“Frustated lang ako kagabi.” Sabi ko.



“Okay na ba pakiramdam mo? Ipagtimpla kita ng kape.” Sabi niya



“Medyo masakit ang ulo ko…” tapos hinawakan niya.



“Wag mo na ulit uulitin yun ha.”



“Opo. Eto masakit.” Tinuro ko yung pisngi ko.



Di ko alam kung bakit masakit pisngi ko. 


Wala na akong masyadong maalala sa mga nangyari. 


Bigla naman niya akong hinalikan sa labi na labis kong ikinagulat.



“Babawi ako sayo.” Bigla niyang sinabi.



“Babe di na kailangan.”



“I insist.” Sabi niya



“Oh siya simulan na natin.” Sabi ko.



“Hah?”



“Simulan na natin ang pagbawi mo.”



Isang ngiti ang binitawan ko bago ko siya hinatak pahiga sa kama at hinalikan ng mariin. 


Tumugon din naman siya. 


Nagsimula sa isang matamis na halik, hanggang sa mag alab ito at lumaganap ang init sa buong katawan naming dalawa.



Bigla akong nasabik sa katawan ni Alex. 



Namiss ko ang kanyang mga yakap, mga haplos at ang kanyang matamis na halik.


 Bumaba ang mga halik ko sa kanyang leeg at sinimulan na siyang hubaran ng kanyang mga saplot.



Mabilis ang mga nangyari sa aming dalawa nang umagang iyon. 



Sa isang iglap, magkapatong an gaming hubo’t-hubad na katawan, ritmong gumagalaw sa isa’t-isa at nakatitig sa mata ng bawat isa.



Hindi nagtagal at nag niig ang aming mga katawan. 


Katahimikan ang lumaganap sa paligid. 


Ramdam ko pa rin na nasaktan siya sa aking pagpasok sa kanyang mga kalmnan. 


Inalalayan ko siya hanggang sa makitang hindi na siya nasasaktan.



Nagsimula ang umagang iyon sa isang pagniniig naming dalawa. 


Matapos ang mga sandaling iyon ay nakatulog kaming dalawa. 


Payapa ang pakiramdam ko ngayong kasama ko si Alex sa tabi ko.



Dala na rin ng pagod sa aming ginawa, halos magtatanghali na rin kaming nagising dalawa. 


Isang payapang mukha ang nabungaran ng aking mga mata. 



Mula noon hanggang ngayon, napaka amo ng mukha ni Alex kapag natutulog. 


Dinampian ko ang kanyang mga labi ng isang mariing halik na siyang dahilan nang kanyang pagkakagising.



“Gising na mahal ko.” Sabi ko.


“Uhmmm.” Tanging sagot na narinig ko.

“Gutom na ako.” dagdag ko.

“Uhmmm.” Sagot pa rin niya.

“Kapag di ka bumangon, ikaw ang kakainin ko.” Bigla kong bulong sa kanya.

“Tara na nga…” wala na siyang nagawa kundi ang bumangon sa kanyang pinagkakahigaan.




Napangiti naman ako sa kanyang ginawa. 


Sa totoo lang, namimiss ko ang mga araw na ganito. 


Kami lang dalawa. 


Ni hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kasi nga naging mabait ako, nawala pagkasuplado ko. Takte. Lumalambot na akong tuluyan ng dahil kay Alex.



Naghahanda ng tanghalian sila mama nang bumaba kaming dalawa ni Alex. 


Natigilan naman sila nang makita nila kaming dalawa na pababa. 


Pare-pareho silang nakangiti sa aming dalawa na tila ba pinapahiwatig na gusting gusto nila ang nakikita nila.




“Tititigan na lang ba ninyo kami?” tanong ko.



“Ang cute ninyong dalawa eh.” Sabi ni ate.



“Tss. Ano pagkain? Gutom na ako.”



“Edi magluto ka.”



“Tinatamad ako.” sagot ko.



“Ipagluto kita.” sabi bigla ni Alex.



“Nope. Dito ka lang. Tatabi ka lang sa akin buong maghapon. Yaan mo silang pagsilbihan tayong dalawa.” Sabi ko.



“Malma ka naman, ginawa mong katulong sila ate.”



“Tsss.” Tanging tugon ko.



“Tara nga Alex, tulungan mo ako. Hayaan mo yang hinayupak na yan na magpalaki ng puwet kakaupo.” Sabi ni ate.



“At sinong hinayupak?”



“Malamang ikaw. Tsss. Sige na jan ka muna, ipaghahanda ka naming ng tanghalian at nang makakain na tayong lahat.”



Nagtawanan naman sila maging si Alex. 



Agad naman akong tumayo at pumunta sa may terrace.



 Ang sarap ng simoy ng hangin, kaso ramdam ko na ang init. 


Magsusummer na.


 Isang taon na lang at graduate na ako. 



Ilang araw na lang at ikakasal na si ate.


Napakabilis nang panahon na para bang kailan lamang ay strangers lang kami ni Alex. 


Pinagmasdan ko ang paligid at nakita ko si papa na nakatingin sa kalayuan. 


Mukhang malalim ang kanyang pinag iisipan.



Agad ko namang pinuntahan si papa sa may garden. 


Ano kaya ang bumabagabag kay papa?


 Minsan ko na lamang ito na makita na nagkakaganito.



“Pa… mukhang malalim iniisip natin ah.” Sabi ko bigla.



Halata naman na nagulat si papa sa aking pagsulpot. “Oh anak nanjan ka pala.” Sagot nito.



“Anong atin?” tanong ko.



“Wala naman anak.”



“Wala ba talaga pa? Di naman kayo ganito pag wala kayong iniisip na malalim. Nag-away ba kayo ni mama?” tanong ko.



“Hindi. Wala to anak, business problem lamang.”



“Bakit pa, may problem ba sa company?”



“Hindi anak. May problema ako kay Tom, yung tatay ni RD. Nagkasagutan kami about sa ilang bagay.” Sagot nito.



“Malaki ba?”



“Medyo malaki. Hindi kami nagkasundo sa mga gusto niyang mangyari kaya tumutol talaga ako.”



“Tungkol saan ba pa?” tanong ko ulit.



“Wala anak. Nevermind. Luto na ba ang pagkain?” tanong nito.



“Hindi pa po. Nagluluo pa sila.” Sagot ko.



“Ah ganun ba. SIge tulungan ko na sil…” di ko na pinatapos si papa.



“Dahil ba sa akin? Ako ba pinag awayan ninyo at hindi napagkasunduan ni tito Tom?” tanong ko.



“Anak wag mo na alng isipin mga sinabi ko.”



“Pero pa…”



“Business lang yun.”



“Baka naman makatulong ako…” Sabi kong muli.




Agad naman siyang naglakad sa di kalayuan na upuan at umupo dito. 


Sumunod din naman ako at tumabi sa katabi nitong upuan. 


Nakatingin pa rin sa di kalayuan si papa.


“Kaya mo bang mawala si Alex?” tanong ni papa.



Isang tanong na nagpakabog sa dibdib ko. 



Mawala? 



SI Alex, mawala sa akin?


Kaya ko ba? 


Hindi, hindi ko kaya. Mababaliw na nga akpo sa kakaisip na mawawala siya sa akin eh.



“Then it settles. KAya wag mo na alalahanin yung pinagtalunan naming ni Tom. Alam ko naman na di ma mabibitawan si Alex at ayoko naman na magkalayo kayo. Pinili ko kayo kaysa sa trabhao ko. Alagaan ninyo isa’t-isa ni Alex.” Sabi ni papa.



“Ano bang gusto niyang mangyari?” tanong ko.



“Gusto niyang isama si Alex saibang bansa. Kinausap na niya si Alex pero tiannggihan siya nito. Maging si Ralph tumanggi na rin dito. Si Alex na rin ang nagdesisyon at pinili ka. Ngayon naman, nagmamakaawa sa akin si Tom para lang mabuhay ang anak niya. Kahit na gusto kong mabuhay si RD, hindi ko naman hahayaan na mamatay ang anak ko sa sakit na mararamdaman kapag hinayaan ko na sumama si Alex sa kanya. Kaya anak, okay lang yun. Just be with Alex, mas panatag pa ako pag ganun.”



Nanatiling tahimik ang paligid naming dalawa. 


Nakikiramdam ako sa kung ano ba ang susunod na mangyayari. 


Di ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa maga nangyayari.



“Anak, alam kong mahal na mahal mo si Alex kaya naman wag na wag mo siyang hayaang mawala.”



“Pa bakit ganun? Bakit kailangan lagi akong may kahati?”



“Hindi naman ninyo dapat paghatian si Alex.”



“Pero pa kasi parang ganun ang nangyayari. Sa akin si Alex pero parang pakiramdam ko nakikihati lang ako. Bakit ba lagi na lang dapat akong umunawa pa? Bakit lagging dapat ako ang nagbibigay? Bakit lagging dapat ako ang magsakripisyo ng nararamdaman. Hindi ba pwedeng akin si Alex ng buong-buo? Hindi ba talaga mabubuhay si RD na mag-isa? Taena naman oh.”



“Anak… alam kong nahihirapan ka na.”



“Sobra pa.”



“Hindi mo naman kailangan tanggapin ang gusting mangyari ni Tom. Buhay mo yan.”



“Pero pa, buhay ang pinaguusapan natin. Buhay ni RD to. Bakit ba kasi nagiinarte pa yang lalaking yan. Bakit ba kasi hindi niya matanggap na kami na ni Alex at sa akin lang si Alex?"



“Hayaan mo na anak. Wag mo ng isipin mga sinabi ko. Suportado ka naman namin ng mama mo.”



DI na ako sumagot. 


Nagyaya na rin na pumasok si papa at sumunod ako. 


Naiwan pa ring palaisipan sa akin ang mga bagay-bagay. 


DI ko naman talaga hahayaang mawala sa akin si Alex eh. 


Di ko naman hahayaan na mawala siya sa akin.



Bumungad sa aking harapan si Alex. 


Sinalubong niya ako ng buong ngoiti saka hinawakan ang aking mga kamay at hinatak papunta sa dinning table. 


Agad naman akong namangha sa aking nakita.



“Teka, bibitayin na ba  ako?” tanong ko.



“Bakit naman?” tanong ni ate.



“Eh bakit ang daming pagkain? SInong may birthday?”



“SI Alex nagrequest nan.” Sabi ni mama.



“Siya nag asikaso nan mula pa kagabi. Gusto daw niyang bumawi sayo eh.” Sabi ni papa.



“talaga babe?”



“Yeah.” Then he kissed me on the cheek.



“SIya tayo ay kumain na.” singit ni ate.



“Panira ng momentum.” Sabi ko.

“Gutom na ako, anong gusto mo ha, lamunin ko yung momentum mo?”

“Tsss.”




Nagsimula na nga kaming kumain. Kanya-kanyang kuha kami pero si Alex, siya ang nagsilbi sa akin at kumuha ng pagkain ko.



“Sweet.” Sabi ko.

“Bumabawi nga diba?”

“Love you mahal ko.” Sabi ko.

“Love you too.” Sabi niya.

“Kumain na nga lang kayo jan. Dito pa kayo naglalandian.” Sabat ni ate.

“Tsss.” Sabi ko na lang.

“Nga pala, sumama kayong dalawa sa akin mamaya ha. Susunduin ako ni Hamilton mamaya sumabay na kayo.” Sabi ni ate.

“Para saan? Saan tayo pupunta?”

“Magpapasukat ng damit para sa kasal naming.”

“Ayoko.” Sagot ko.

“Ma oh.”

“Tsss. Kung kasal ko yan pupunta ako.”

“Adik mo. Di ka pwedeng magpakasal. Ako muna. Maghintay ka ng isang taon.”

“Pwede namang sabay eh.”

“Wag ka nga. Ayokong kasabay ka.”

“Tsss.”

“Bilisan mo ng kumain.”

“Kasisimula lang eh.”

“Bilisan mo at maligo ka na.”

“Tsss. Ayoko.”

“Pasaway.”

“Kumakain pa nga ako. Tss. Ineenjoy ko pag kain ko. Hain to ni mahal.”

“Para kang bata. Basta bilisan mo na lang.”




Wala na akong nagawa kundi ang kumain. Yaan mo na siya. Di naman nagtagal at natapos na si Alex kumain. Ang bilis naman yata.




“Tapos ka na agad? Kain ka pa.” sabi ko.

“Busog na ako iiih. Hahaha.”

“Saan ka pupunta?”

“Maliligo na, aalis nga daw tayo.”




“Maliligo ka kaagad eh kakain mo lang. Samahan mo na muna ako dito.”

“Sige na nga po. Basta bilisan mo.”

“Nga pala, nagpaalam ka ba kay mama?” tanong ko.

“Yeah tumwag ako kagabi. Sabi ko dito ako mautulog sa inyo kagabi. Okay naman daw sabi niya. Pinaliwanag ko naman yung nangyari eh.”

“Salamat.” Sabi ko



“Nga pala…” habol niya.

“Ano yun?”

“Mukhang galit si Jake sa akin.” Sabi niya.

“Di yun.”

“Eh kasi…”




“Nainis lang siguro yon… tss. Yaan mo nay un.” Sabi ko. “Ay potek.”



“Oh bakit?”



“Siya siguro sumuntok sa akin.”




“Ah. Bakit masakit pa ba?”



“Medyo. Sobrang lakas ata ng pagkakasuntok niya sa akin eh.”



“Di naman masyadong halata na sinuntok ka niya.”



“Wala bang pasa?” tanong ko.



“May konti pero di naman halata, takpan mo na lang. Magpolbo ka.”



“Tsss pasaway kasi.”



“Oh siya bilisan mo na at magaayos pa tayo.”



“Oo na, sige na ngamauna ka na. Liligpitin ko muna to tapos tataas na rin ako.” sabi ko.



“Sila manang na bahala jan. Bilisan mo. Malapit na si Hamilton dito sa bahay.”



“Oo na. Ikaw din ate magpaganda ka. Baka umurong si Kuya kapag nakita ka.”



“Di ko na kailangan.”




[Alex’s POV]



“Boring.” Biglang sabi sa akin ni Kieth.



“Sorry.” Sabi ko.



“Ayos lang. Date tayo pagkatapos nito.”



“Sure. Saan mo ba gusto?”tanong ko.



“Kahit saan, basta kasama kita.”



“Aysus. Corny mo. Bolero pa.”



“Bilisan mo na dali.”



“Eh kung tinutulungan mo kasi ako.”



"Wala naman kasi akong alam jan sa kaartehan nay an.”



“Babe di naman kaartehan tong design sa reception nila ate at kuya.”



“Pero kasi ikaw magaling jan. Related pa yan sa course mo.” Sabi niya.



“Kaya nga tinanggap ko na rin to. Parang OJT na rin to. Ilang units na lang kailangan ko at graduate na ako kaya be proud.” Sabi ko.



“Mag ooctoberian ka ba?”



“SIguro. OJT at 15 units na lang ako.”



“May 1 year pa ako. haixt.”



“Yaan mo mag iipon na agad ako para naman may puhunan tayo.”



“Saan mo pala balak mag OJT?” tanong niya.



“Baka dun sa company na inoffer sa akin ni kuya Alec. Nagbigay na sila ng vacancy sa akin. Nag apply na kasi ako last month then ayon approved.”



“Ah good kung ganun.”



“Eh ikaw? Sa company ninyo?”



“Yeah, probably. Pinipilit na ako ni papa eh.”



“Para naman daw matrain ka.”



“Yeah yeah. Sige na tapusin mo nay an at nang masolo na kita.”



“Su sang daming al…”






Di ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang nagpakta sa aming harapan si tito Tom, ang papa ni RD. pareho kaming natigilan sa aming nakita. Kita ko naman na tila ba nakita ni Tito Tom ang kaliwanagan nang makita niya kaming dalawa.





“Babe…” sabi ko.



“It’s okay. Let’s talk to him.”



“Sure ka.”



“Yeah. Di namant tayo bastos para isnabin at di siya kausapin. I’m okay, don’t worry.”



“Okay tara.” Sabi ko.



Hinawakan niya ang kamay ko habang naglakad kami papunta sa kanyang kinakatayuan. Di ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin at isipin pero alam ko ang dahilan kung bakit naririto siya, para magmakaawa para sumama ako kay RD sa ibang bansa.




“Babe…” sabi niya nung tumigil kami sa harapan ni tito.



“yeah I’m okay.” Sagot ko.



“Wag kang kabahan. Ako kinakabahan sayo.”

“Sorry.”

“Good afternoon po tito.” Bati ni Kieth.

“Good afternoon din.” Sagot nito. “Alam kong alam ninyo kung bakit ako nandito.” Dagdag nito.

“Maupo muna po tayo doon.” Sabi ko.






Agad naman kaming naglakad papunta doon sa may lamesa at umupo pagkatapos nito. Tila ba may mabigat na bagyong paparating.




“Di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kieth, gusto ko sanang hingin si Alex sayo.” Diretsong sabi ni tito.



“Pero with all due respect po tito pero hindi po bagay si Alex na basta lamang po ipinamimigay.” Sagot ni Kieth.




“Alam ko naman. Pero kailangan siya ng anak ko. Alam mo naman na…”





“Tito, sorry po pero hindi po ako papaya na ibigay si Alex…”







“Please…”






“Tito, mahal ko po si Alex at hindi naman ho ako makakapayag na ibigay siya sa anak ninyong duwag. Alam ko pong may sakit siya at handa naman akong tumulong, pero wag naman po yung ganito. Handa ko naman pong ibigay yung oras na hinihingi niya. Sige po papayag ako na dumalaw si Alex sa kanya. Pero di po ako papaya na ibigay siya sa inyo.”






“Aalis na kami bukas.”




“Sorry po.” Tumayo na si Kieth



“Naiintindihan ko.” Biglang sabi ni tito Tom.



“Tito, sorry po.” Sabi ko.



“Wala kang dapat ihingi ng tawad.” Sabi niya



“I hope maging okay ang lahat.” Sabi ni Kieth.





“I hope… but still I’m waiting Kieth… hihintayin kita. Hihintayin ko ang huli mong desisyon.” Sabi nito saka tumalikod. 





“Alex, I hope pagbigyan mo ako. I hope tulungan mo si RD.”





(Itutuloy)

No comments: