“Alam mo ikaw? Ang angas mo.”
“Bakit na naman? Lagi mo nalang akong inaaway.”
“Hindi kita inaaway. Sinasabi ko lang sayo tong totoo. Biruin mo, ilang taon na din tayong ganito kaya maniwala ka sakin sa t'wing sinasabihan kita ng mayabang.”
“Ewan ko sayo. Di ako mayabang. Kaya tigilan mo na ako.”
“Inaano ba kita? Ang yabang mo talaga.”
Ganyan lagi tayong dalawa. Di ko nga alam pero parang lagi nalang love-hate relationsip ang meron tayo. Ngayong linggo okay tayo,the next week magaaway nalang tayo na parang mga bata. Nagsasakitan tayong pisikal. Oo, nagsusuntukan tayo at nagbabasagan ng ulo. Kahit ganoon pa man, di ko alam kung bakit hanggang ngayon, magkasama tayo.
Nagumpisa tayo dati. Simpleng barkada lang, pero di ko alam kung paano nangyari at naging ganito tayo ngayon. Maraming nakakapuna sa ating closeness, inaasar tayo ng mga barkada natin at lagi tayong pinagkakamalang magsyota, pero kahit ganoon pa man, hindi tayo.
“Bakit nga ako mayabang sabihin mo nga?” may pagaangas sa iyong tono
Ngumiti ako. Ang mga salita mong yan ay nagbabadya na naman ng matinding pagtatalo. Tumingin lang ako sa'yo. Nginitian kita ng nakakaloka. Nakita ko ang pagkairita sa iyong mukha.
“Alam mo ang pikon mo! Tingnan mo nga yang mukha mo kumukunot ka na naman! Abnormal ka! Ang pangit mo!” patuloy ko
Nakita ko ang pagtaas ng dugo mo sa iyong mukha. Mababakas na rin ang pagkairita sayo. Kita ko ang mga kamao mong nagpupuyos sa galit. Nag-iba na ang ekspresyon ng iyong mukha. Nakita ko kung paano magtama ang iyong mga ngipin.
“Pikon!”
Masyado ko yatang nailakas ang sigaw ng salitang iyon. Sabay-sabay na napatingin ang mga tao sa loob ng fastfood chain na ating kinakainan. Naramdaman ko ang kanilang mga matang nanunuot sa ating dalawa.
Wala pang ilang segundo ay natanaw ko mula sa kanan ang isang natatarantang manager. Mabilis itong lumapit sa atin.
“Sir may problema po ba?” natatarantang tanong nito.
“Ahh, Wala. Nagbibiruan lang kaming dalawa.” mahinahon mong sabi
“Ahh ganun po ba? Akala ko po kasi nagtatalo kayo. Sige po Sir, Enjoy your meal.”
Sabay tayong ngumiti. Kita natin ang pagbuntong-hininga ng manager habang lumalakad ito papalayo sa akin.
“Ang plastik mo. Wala daw problema at nagbibiruan lang tayo. Adik.”
“Oo naman. Nagbibiruan lang naman tayo diba?” Sabi mo,managing a smile.
Kung kanina ay pikon ka, nag-iba na agad, mukhang masaya ka na ulit at handa na ulit sa asaran. Iba ka talaga, ang lakas din ng toyo mo. Yan siguro ang dahilan kung bakit tayo nagkakasundo.
“Alam mo, kahit ganyan ka..”
“Ano?” sabat mong bigla.
“Epal ka naman oh. Di pa nga ako tapos eh.”
“Ano na nga?”
“Kahit ganyan ka nakakamiss din yung kulit mo.”
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pamumula after saying that.
“Ako din naman eh. Kahit nga ganyan ka gustong-gusto kita.”
Natawa nalang ako sa narinig ko. Lagi kang ganyan. Di ko mawari kung ano ba talaga. Alam ko naman sa sarili ko na gustong-gusto kita. Ramdam ko rin naman na gustong-gusto mo ako. Pero kahit ganun, parang never natin pinagusapan na maging tayo. Parang masaya na ako sa ganito.
“Adik ka.”
“Oo nga. Adik ako sayo.”
Kinilig ako sa narinig. Iba pa rin talaga ang impact sakin ng mga banat ko kahit minsan eh corny naman talaga.
“Corny mo.”
Ngumiti ka sakin. Nakakaloko. Kita ko ang ngiting-aso mong nakakabahala. Kinuha mo ang plastic cup at binuksan ang lid nito. Sumipsip ka gamit ang straw. Inalis mo ang straw sa cup. Ngumiti ka sakin. Gumanti ako ng ngiti sayo.
“Alam mo ang cute mong ngumiti.”
“Salamat.”
Pagkasabi ko ng salamat, patuloy tayong nagtitigan. Nakakatuwa. Nakakakilig. Pero alam kong may kagaguhan kang pinaplano. Bago ko pa man ibuka ang aking bibig, mabilis mo ng naisaboy ang softdrinks sa aking mukha.
“Puuutaaaaannnngggggg Innnnaaaaa Mooooo!” sigaw ko.
Agad kang tumayo sa upuan. Nilabas mo ang iyong dila bilang pangiinis.
“Loser. Akala mo magpapatalo ako ha?” sabi mong nangaasar
“Puuuuttaaaannnggg Innaaaaa Mooooo!”
“Byers!”
Tumatawa kang tumakbo palabas ng fastfood chain. Iniwan mo ako.
Naisahan mo ako don. 1-0.
* * *
Nandun na naman tayo sa paborito nating lugar ng subdivision. Ang clubhouse.
Madilim na ang gabi at tila mga bituin lang ang saksi sa ating dalawa.
Tahimik ka,tila maraming iniisip. Isang linggo rin ang nakalipas after mo kong buhusan ng softdrinks. Di ko makakalimutan yon. Pero dahil na nga rin sa mood mong nedyo malungkot, hindi na ako makikisabay pa. Baka mas madepress ka pa eh.
“Oh? Anong problema? Bakit malungkot? May lamay?”
Nasilayan ko ang isang tipid na ngiti sa iyong labi.
“Wala to. May mga iniisip lang ako.”
“Ano naman yun? Eh ang tanga mo kaya. Wala ka ding maiisip.” pabiro kong sabi
“Adik. Wala nga to. May mga issues lang sa bahay.”
“Issues? Bakit nagout ka na ba sa inyo? Mawawalan ka na daw ba ng mana?”
“Gago. Hindi yun yon. Di ako halata no. Baka ikaw. kung makalakad ka isang hakbang sampung kembot eh.”
“Ang kapal mo! Kembot ka dyan. Di ako kumekembot no!”
“Sus. Gusto mong i-video kita habang lumalakad? Para makita mong pumapalo talaga yung pwet mo.”
Kahit na minamanage mong maging masaya, alam ko na hindi at alam kong may mali. Di ko lang alam kung ano kasi ayaw mo namang sabihin.
“Ang kapal mo. Kahit i-video mo pa di talaga ako kumekembot! Ang kapal!” sagot ko.
Tumawa ka sa inasal ko. Nakita ko kung paano lumubog ang biloy sa iyong kaliwang pisngi.
“Oo na. Hindi ka na kumekembot.”
Tahimik.
“Ano nga? Bakit di mo sabihin problema mo?”
“Wala nga akong problema. May mga iniisip lang ako.”
“Ano nga kasi yun?”
“Di ko pwedeng sabihin kasi malalaman mo.”
“Tangina naman oh.”
Ngumiti ka lang.
“Fine. Nga pala,nagtatampo ako sayo.”
Lumingon ka sa akin. Bakas ang pagaalala sa iyong mukha.
“Ha? Bakit anong ginawa ko?”
“Binuhusan mo ako ng soft drinks!”
Ngumisi ka lang. Binatukan kita. Patuloy ka lang sa pagtawa.
“Ayos lang yun. Bagay sayong binubuhusan ng soft drinks minsan.”
“Naku, magtatampo ako sayo nyan. Dapat bumawi ka!”
“Ang demanding ha? Sorry na.”
“Ayoko nga.”
“Ay sus! Nagpakipot pa ang bata. Hahaha!”
“Che!”
“Ang arte naman oh!”
“Dapat nga kasi may kapalit!”
“Ano nga kasi yun?”
“Red roses! Isang bouquet!”
“Ang mahal non ah!”
“Ayyy ganun? Sige pag di mo ko bigyan non magtatampo ako!”
“Che!”
Tawanan.
Natahimik tayo bigla.
“Uuwi na ako. Basta yung roses ko ha? Aasahan ko yan!”
“Kailan ba? Magiipon pa ako!”
“Hmmm. Ibigay mo sakin yan kapag handa ka ng hingin ang kamay ko para maging tayo. Pag handa ka na lumagay sa relasyon. Pag handa ka nang aminin sa sarili mo na ako talaga ang gusto mong makasama habang buhay. Pag handa ka ng makipagcommit, lastly, pag handa na rin ako.”
Nakita ko ang pangingilid ng luha mo. Nagtaka ako kung bakit. Hindi ko alam pero bigla nalang akong lumapit sa iyo ay pinahid ko ang luha mo. Ngumiti ka at nagbuntong-hininga.
“Antayin mo lang ako.” sabi mo
“Oo naman, aantayin kita.”
Sa hindi malamang dahilan, nagtama ang ating mga labi.
Nagulat ako. Malambot ang mga labi mo. Matamis ang iyong laway. Mabango ang iyong hininga.
The kiss ended, tumakbo kang pauwi sa inyo.
* * *
Hindi ka nagtext pag-uwi mo ng bahay. Normal lang yun dahil napakatamad mo talagang magtext.
Nangingiti ako sa t'wing naaalala ko na hinalikan mo ako. Or ako ba yung humalik? Di ko alam.
Nakakakilig di ko alam kung bakit.
* * *
Lumipas ang ilan pang araw, wala na akong naririnig sa iyo. Hindi ka nagtetext, maging tawag wala. Sino ba naman ako para magdemand? Sino ba ako para umasa? Ano ba tayo? Wala.
* * *
Lumipas ang ilang buwan, wala akong balita sayo. Hindi ka na rin nagoonline sa FB. Wala ka pa ring text at tawag. Di na ako makatiis, tinawagan kita pero unattended. Nagpalit ka na din ng number? Putangina. Namimiss kita.
* * *
6th month mo ng di nagpaparamdam. Kahit magkalapit lang tayo ng bahay, di ko magawang dumalaw. Ayokong isipin mo na patay na patay ako sayo.* * *
Mahigit isang taon na. Wala ka pa rin. Akala ko ba aantayin kita? Nabalitaan ko na lumipat na kayo ng bahay. Pinuntahan ko ang bahay nyo at unfortunately, naibenta nyo na nga. Bakit di mo man lang sinabi sakin? Ang sakit naman. Nakakalungkot yung katotohanan na hindi mo alam kung may iniintay ka pa ba o wala na. May inaantay pa ba ako?
* * *
Nakagraduate na ako ng college at nakahanap ng magandang trabaho makalipas ang 4 na taong wala ka. Kahit masyado ng malaki ang mundo ko at marami ng tauhan sa aking kwento, ikaw pa rin ang hinahanap ko. Alam ko sa sarili kong inaantay kita. Ang tanong ay kung naaalala mo pa bang balikan ako? Kilala mo pa kaya ako?
* * *
Saktong 5 taon ang nakalipas. Day-off ko kinabukasan at naisipan kong magmuni-muni sa clubhouse. Malaki na rin ang pinagbago nito, marami ng mga puno, malaki na rin ang court. Having thought of it, malaki na rin pala ang pinagbago ko.
Sa loob ng 5 taon, nakita ko ang mga pinagbago ko. Pisikal? Mental? Emosyonal? Sobrang dami. I wonder kung ganoon ka rin. I wonder kung naiisip mo pa ako. I wonder kung bakit ka nawala ng walang pasabi. I wonder kung nakapagmove-on na ako kahit wala namang depinisyon kung ano ba talaga tayo.
Naubos ko na ang ilang stick ng Marlboro Black. Uuwi na ako. Kinakantot lang ako ng mga ala-ala natin sa parkeng ito.
Malamig ang dampi ng hangin sa aking balat. Nakakailang hakbang na ako papalayo ng clubhouse.
Nakita ng buwan ang mga luhang bunga ng aking labis na pangungulila. Kaya ayokong sinasabing magaantay ako eh. Ang tanga ko talaga.
“Hoy!”
Hinanap ko ang lintik na tumawag sakin ng hoy.
Hindi ko makita.
“Hoy! Isnabero! Kumekembot maglakad!”
Pamilyar ang boses na iyon. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha.
Hinanap ko sya. Namataan kitang nakatayo sa likod ko. Ang laki ng pinagbago mo, mas lumapad ang kanyang balikat, tumangkad at lalong gwumapo. Ang rugged mong tignan dahil sa goatee mo. Lalaking-lalaki ang dating.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa iyong mga labi. Pantay-pantay pa rin iyong ngipin. Nakita ko rin ang butil ng luhang pumapatak sa iyong mga mata.
Lumapit ka sa akin. Nakita ko nalang din ang aking paang lumalakad papalapit sayo.
Isang hinga nalang ang pagitan natin.
Pinatikim mo sakin muli ang iyong matamis na labi.
“Putangina mo. Namiss kita.”
“Mas namiss kita. Gago.”
Lumuhod ka sa aking harapan. At inabot ang isang bouquet ng red roses. Nag-flashback sa akin lahat ng sinabi ko 5 taon ang nakalipas. Nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo.
“Bakit ngayon ka lang?”
“Tsaka na ako magpapaliwanag.”
“Putangina mo.”
“Gusto kong malaman kung handa ka na? Kasi handa na ako.”
Ako ay tumango. Tumayo ka at muling naglapat ang ating mga labi.
Nakangiting nanuod ang buwan sa simula ng ating pagmamahalan.
W A K A S
6 comments:
haaayst I love the plot Kuya Rovie, nicely done..
I love the simple exchange of conversation..haaayst..:P
Ayan ha? Di ako nagpaiyak ngayon. Hahahaha
Wah feel ko about pa rin to dun sa nawala na love mo kuya rovi!
if ever may mawawala sa amin ng bespren ko, sana ako na lang.
Hindi ko kakayanin mawala sya.
Sya tagasalo ko.
Kahit hindi na siya ay minamahal ko sya pa rin ang nag-iisang laging nsa tabi ko para saluhin ako sa mga downfall ko.
hai....
-RHAI_13-
remebering my bestfriend in this story, haist ganda po..wish this would happen to me in the near future, though we separate ways and we haven't seen each other for 10 years, dunno if he still remembers me
-josh
well at least... punong puno ng ampalaya ang blog mo, dear! ahaha!
gumuhit ng perpektong half circle c rafael sa labi q...angcute ng kwento ^w^
Post a Comment