Monday, August 1, 2011

The Guy That Has Bette Davis Eyes

“Sa tapat ng FnH.”

“Okay okay. Paakyat na ako.”

“Sige, bheb. Ingat.”


It was our first meet-up. It just felt weird dahil parang di na ako marunong lumabas one-on-one. I go out with guys ng one-on-one but It's either just for friends of simply just a call for casual sex. Your case was different. I mean, our case was different. Nagkakilala tayo on-line. You, basing from your pictures, are cute. Primarily, the reason why you caught my attention.

Makikita sa site na iyon kung sino ang mga tumingin sa profile mo. I was very surprised that you actually viewed mine. You even left a footprint saying “Man of my dreams”. Nung nakita ko yon, I couldn't help but to smile. Naiisip ko lang kung bakit ka nagleave ng footprint na ganun. Syempre, dahil hopeless romantic ako at longing, di ko maiwasang kiligin.

Ilang segundo pa, nagmessage ka na sa akin. Nakakatuwa on how refreshing you were at ang saya-saya ko dahil naging okay naman ang exchange ng ating messages. Nakakatuwa lang dahil sobrang lambing mo at dahil nga siguro bata ka pa, you never failed to amaze me with your youth.

Lumipas ang ilang oras ng pagchachat, nagpaalam ka na maglologout ka na dahil may mga aayusin ka pa. We exchanged numbers and I was hoping na maging okay ang lahat sa atin. Ilang taon na din akong magisa. Siguro ito na rin ang panahon para bigyan ko ang sarili ko ng pagkakataong maging masaya sa tulong ng iba.

Isang unregistered na number ang nagappear sa aking cellphone. I read the message.

“Bheb.”

Curious and all that, I replied.

“Hi! Sino to?”

“Ako to, si Ian. Yung kachat mo.”

“Ahh okay. Hi! Kamusta?'

“Okay naman po. Ikaw? Ingat ka ha? I hope to know you more. I really do like you.” text nya sa akin

Ako ay napangiti. Nakakatuwa kung gaano sya kaagressive. At his tender age, I think he's self-assured. Bibihira ang nakakabanat ng mga ganyan sakin dahil na rin sa sungit ko. According to a friend of mine, I was a lioness. May mga nagsasabi na dahil daw baka sa pagiging “fierce” ko kaya walang nagtatangkang lumapit. Napapangiti nalang ako. He's completely different. He really is.

Lumaon pa ang ilang mga araw, naging frequent ang ating pagtetext. Madalas din akong tumawag sayo. Hindi ko masasabing mahal na kita dahil saglit palang ang panahon nating magkakilala, pero sa t'wing sinasabi mo na mahal mo ako, I feel a certain euphoria. Nararamdaman ko na mas lumalakas ang atraksyong nararamdaman ko sa'yo kahit sa text palang tayo nagkakausap.

At yun na nga, nagpasya tayong magkita.

Excited ako nung umagang yon. Hindi ko alam pero I feel a certain emotion na di ko mawari kung ano at hindi ako mapalagay. Ramdam ko din naman ang excitement mo sa mga text messages na ating pinagpapalitan. Kahit sa t'wing tumatawag ako sa'yo, ramdam ko na masaya ka dahil finally, magkikita tayo.

Dumating na ako sa tapat ng FnH pero wala ka. Siguro nagCR ka at nagayos muna ng sarili. I waited. Lumipas ang ilan pang mga minuto, wala ka pa rin. Nagpasya na akong itext ka.

“Bheb, nasa tapat na ako ng FnH. Ikaw?”

Mabilis ang iyong naging reply. Kakalagay ko palang ng CP ko sa aking bulsa nang maramdaman ko ang vibration nito.

“Ha? Cge cge. Pababa na ako. Umakyat kasi ako sa TimeZone.”

I stood there. I waited till you came.

Nakita kita. Our eyes met. A smile flashed on your face. I saw your braces. I smiled. Lumapit ka sa akin and I was amazed when my nose met your Clinique Happy Scent. You pinched me on my cheek and you grinned.

“Ang tagal mo Bheb.”

You smiled. You're not that discreet pero ayos lang. You were very presentable. You're hair was properly styled. Bagay sayo ang hapit na White Polo-shirt na iyong suot. You were smaller than me. Isa sa mga bagay na gusto ko. Masarap kang akbayan.

Nung una ay nagkakahiyaan tayo. Nung tumagal na, naging okay na. Sinamahan kitang magyosi sa ibaba ng mall. Seeing you puff that smoke from your cigar made me realize na anak-mayaman ka. With the way you hold the stick and the way you puff, yes, you are rich.

Di ko maiwasang di maging touchy. Lagi kitang nakukurot at naakabyan, na ayon sa'yo, gusto mo. Bumalik tayo sa itaas ng mall at pumasok tayo sa bookstore. We talked about some stuff. We shared our insights about different books. Masaya akong marinig that you're not a fan of Twilight. We went to the different sections of the bookstore. There was this one time, nagulat nalang ako nang bigla mo akong hatakin papalayo sa isang section.

“Bheb. Why?”

“Basta don tayo.”

“Huh? Bakit? Did you see an ex?” tanong ko.

“No. Someone was staring at you. Ayoko ng ganun.”

I smiled. Hindi ko makapaniwala on how possessive you can be. I must admit kinilig ako sa sinabi mong yon.

Inakbayan kita, dahil nga mas maliit ka, kayang-kaya kitang ilock sa aking mga braso. Umakbay ako sa'yo at kinuha mo ang kamay ko. We held hands. Magkahawak kamay nating ginalugad ang iba pang parte ng bookstore. Napapangiti ako sa kalokohan nating dalawa. That was exactly the time that I really didn't care about what others have to say sa ating dalawa. Basta ang alam ko, I'm enjoying having your hands locked with mine.

Bumalik tayo sa mga cookbooks. Napatingin ako sa suot ng lalaki na sapatos. You squeezed my hand and curled your eyes on me. I was confused.

“Bheb, bakit?”

“Yung mata mo ha? Dudukutin ko yan.” sabi mo

“Bakit?”

I saw you sigh.

“Bheb naman eh. Alam mo namang seloso ako. Nakita mo ba akong tumitingin sa iba? Hindi.”

Napangiti ako sa inasal mo. Para kang batang naglalambing. I just found it sweet and so sincere.

“Bheb. I'm not looking at anyone. Tinignan ko lang yung sapatos nya. At wala naman akong planong magloko.”

You gave me a quick kiss on the lips. That took my sanity. I was surprised.

You beamed that smile. Hinatak mo na ako ulit papalabas ng bookstore. Ngayon lang nagsink-in sa akin kung gaano kasarap yung halik na yon. Your lips were so soft.

Nakaakbay ako sayo habang nakahawak ka sa baywang ko. Wala tayong pakialam sa mga makakakita. Di ko alam pero natutuwa ako. That was how I wanted to express myself. Ganun ka din.

“Paano kung may makakita satin dito na kakilala ng tatay mo?” tanong ko

“E di ideny.”

“Paano kung may pictures?”

“Impossible yun Bheb. Hayaan mo sila.”

We kept on walking. Nakita natin ang isang CD store, we got in. We talked about Music. We roam some more at nagulat ako, bigla mo ulit akong hinalikan sa labi. Nagkatinginan tayo and we both grinned.

Nakaramdam tayo ng gutom. Pumunta tayo sa KFC at umorder ka ng pagkain natin. Same set-up, magkatabi tayo at magkahawak ang ating kamay. Naglalambing ka rin sa akin, ganun din ako sa'yo. You rested your head on my shoulder.

“Ang bango mo Bheb.”

“Baho ko na nga eh.” sabi ko

“Ang bango talaga ng Aqua Mist. Ang sarap sa ilong.”

I smiled. Confirmed. Mayaman ka nga. Iilan lang ang may kakayahang mag-identify ng different scents, lalo na yung mga mamahaling pabango. You're witty. You really are.

I pinched your nose.

I kissed you on your lips. Yes, sa KFC. Maraming tao. Maraming nakakita.

Dumating na ang ating order. Tayo ay kumain na.

“Bheb, I swear. I'm hear to make you happy.”

Napangiti ako upon hearing that. I felt my walls were falling down. Di ko alam, pero pakiramdam ko, I really wanted to have my second relationship with you, after 2 long years.

“Me too. I just want to take care of you, Ian.”

“I want to take care of you too, Rovi.”

“I like you a lot, Rovi.”

I blushed. No one has made me feel this special na gusto ko rin. I took a deep breath. I realized that I'm ready to settle with this young boy. I'm ready to be in a relationship with him. I'm certain. Yes, di pa ganoon kalalim ang nararamdaman ko, but I know, eventually, lalalim to at mamahalin ko sya ng husto. I have a feeling.

Natapos na tayong kumain. We have to part ways na and I really felt sad. You have to meet your friends and I have to meet a friend too. Hinatid kita sa LRT station at nagpaalam na tayo sa isa't-isa.

“Bheb. Text ka ha? Pag maaga natapos kita tayo. Ha?” paglalambing mo sa akin.

“Sure sure. Sige na, pasok ka na sa station.”

“Bye Bheb. Later ha?”

Nakita kitang papalayo. Tumalikod na ako at naglakad papasok sa mall.

Nagkatext pa tayo ng ilang beses.

Nakarating na ako ng Greenbelt at nameet ang aking kaibigang kasama ko sa event. Natapos din kaming magusap at kinokontak na kita. Your phone kept on ringing pero walang sumasagot. Mahigit 10 tawag din ang ginawa ko, but you never answered. May ilang text din ako pero wala kang reply. Siguro wala ka lang load.

Nakauwi na ako ng bahay, wala ka pa ding reply.

I got on-line and saw na nagon-line ka pala sa site kung saan tayo nagkakilala. I sent you a message umaasa na mabasa mo.

I kept on calling your number pero wala ka pa rin talaga sagot, even sa mga text messages ko.

Umiiwas ka ba sakin?

I got on-line. Naglog-in ako sa site at naabutan kitang on-line. I sent you a message, nakita kong nabasa mo na ito dahil wala na ito sa Unread items. Nagiging malinaw na sa akin lahat.

Muli, ako ay tumawag. Walang sagot.

Napangiti nalang ako.

Maybe it's just not time for me to have a new relationship.

Hindi na ako nagbother tumawag o magtext.

I realized, minsan, kapag pakiramdam mong handa ka na para sa isang relasyon, bibigyan ka ng Diyos ng mga taong magpaparealize sayo na hindi mo pa talaga panahon, hindi mo pa talaga oras. I'm hopeful, dadating din iyon. Hindi man ngayon, but I know, anytime soon. Someone better. Someone more deserving. Someone that looks better than him, the guy that has Bette Davis Eyes.



W A K A S

5 comments:

silhouette said...

nakakainis si ian =|

Unknown said...

well, at least you're going out again.

baby steps, dear. baby steps.

Anonymous said...

Pa-delight si Bette Davis Eyes.

Though I was wondering what were really your intentions when you arranged for our first one-on-one meet in Starbucks one year ago. That was the only time na nasolo natin isa't isa. =)

unbroken said...

Tyang. Salamat. Little by little. :)


Anonymous. Paano kung sabihin kong wala lang? :)

Anonymous said...

Parang gusto kong dukutin yung bette davis e yes ni ian. Hehe. Just kidding. :)

~frostking