Wednesday, August 10, 2011

One More Chance - 11

Photobucket



Sorry sa paghihintay... welcome to my newest writer sa blog ko, Dark_Ken. Basahin niyo ang "Minahal ni Bestfriend" it's good.


Chapter 11

"Samahan mo ako mamaya sa party, Gabe..." ang naglalambing na sabi ni Popoy sa kausap over the phone. It was part of the plan, actually. He needed to attend Sonia's birthday na alam niyang pupuntahan din ni Basty. Kahit naman kasi nagkasira silang dalawa ay nanatiling kaibigan nila ang circle of friends nila noong sila pa. At kailangan niya si Gabe kung sakaling darating and ex niya kasama ang bagong boyfriend nito.

"Kaninong party naman iyan?" Popoy sensed the reluctance over Gabe's voice.

"A friend of mine. She's sweet, honey. So please come with me." pang-uuto niya.

Napabuga ito. "Ayan ka na naman sa mga banat mo para di kita matanggihan, eh."

"Anong banat, dear?"

"Ayan."

"Anong ayan, sweetie?"

"Hay!" frustrated na sabi ni Gabe.

"May problema ba, hon?" pangungulit niya pa. Alam niyang mahina si Gabe pagdating sa mga endearments na sinasabi niya para dito. 

"Okay. What time? And is Basty going to be there too?" sumusukong sabi nito bagama't naantala ng huling sentence na iyon ang sana'y pagbubunyi niya.

"W-what did you s-say?"

"Popoy, I have a crush on you but I'm not stupid. Nahihinuha kong kaibigan niyo ni Basty ang Sonia na ito. Imposibleng hindi."

Hindi siya agad naka-imik. Matalino talaga si Gabe. Kaya kung gusto niya talagang sumama ito, dapat ay sabihin niya ang buong katotohanan dito.

"Y-yes. You're right. Pero hindi dahil naroroon din si Basty kaya ako magpupunta. Kaibigan ko rin si Sonia, so tama lang na batiin ko siya ng personal sa kaarawan niya."

He knew he sounded defensive but what can he do? Hindi naman niya pwedeng sabihin ang ganito; "Pwede ka bang sumama para maipakita ko sa lahat ng mga kaibigan namin na naka-move on na ako at ikaw ang ipinalit ko kay Basty?"

Muli, napabuga lang si Gabe sa kabilang linya. "Okay. Sunduin na kita diyan sa apartment mo."

"S-sure! Pick me up at seven."

"See you." ani Gabe

Hindi na nakasagot si Popoy dahil busy tone na ang kanyang narinig. Habang binababa ang awditibo ay saka lang niya na-realize na pinipigilan pala niya ang paghinga. Dahan-dahan niya iyong pinakawalan sabay lingon sa orasan.

Three o'clock in the afternoon.

May oras pa siya para bumili ng bagong suit na gagamitin since formal ang magiging gathering. Ite-text na lang niya si Gabe about the attire habang namimili siya ng isusuout. For the meantime, maglilibang muna siya sa mall.


"HAPPY BIRTHDAY, Sonia."

Magiliw ang pagbating isinalubong niya sa birthday celebrant. Napakaganda ng kaibigan niya sa suot nitong revealing red gown. Tinotoo talaga nito ang formal event na concept ng birthday nito. Napailing na lang siya. Buti at sanay siya sa mga ganoong pagtitipon.

"Salamat 'Poy," ani Soniang sumalik pa sa kanyang pisngi. "Hey, sino itong gwapong kasama mo?" baling nito kay Gabe.

"Oh, I would like you to meet Gabe Kirby. Gabe, this is Sonia, the birthday celebrant." pagpapakilala niya.

"Happy birthday, Sonia." ani Gabe na humalik pa sa pisngi ng kaibigan.

"Thanks, Gabe. Enjoy the party. Si Popoy na ang bahala sa iyo," sabi ng kaibigan saka bumaling sa kanya. "Parehas pa kayong may bitbit. I'm glad okay na kayong pareho."

Bahagyang nawala ang ngiti ni Popoy sa sinabi ni Sonia. Of course, alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Alam niyang pupunta rin sa restaurant na iyon si Basty pero nagpatay-malisya lang siya.

"I didn't know," aniya kay Sonia ng makabawi.

"Oh, I'm sorry. Sige na nga, enjoy na muna kayo diyan at may dumarating pang mga bisita." disimuladong pagpapaalam ng may birthday.

Napangiwi siya ng tingnan niya si Gabe. Seryoso ang mukha nito. Sa isang linggong pagkikita nila ay talaga namang na-enjoy niya ang bawat minuto at oras na amgkasama silang dalawa. But that's just it. Nag-eenjoy lang siya. Wala siyang maramdamang sparks tuwing magdidikit sila tulad ngayon. Inakbayan siya nito at iginiya sa isang lamesa.

"Hey, are you okay?" tanong ni Gabe.

"Yes. Bakit mo naman naitanong?"

Nagkibit-balikat ito. "Wala naman. Para lang kasing nagbago ang mood mo ng malaman mong naririto na rin si Basty kasama ang boyfriend nito."

Napayuko siya. Wala talga siyang maitatago dito. But he'd rather die than to admit na tama ito. Muli siyang nag-angat ng mukha.

"Walang dahilan para maapektuhan ako. Past is past. Although hindi nga ako kumportableng makita siya rito but what can I do?" matatag niyang sabi.

"You can at least pretend you're enjoying my company." ani Gabe na tinitigan siya. 

Napatitig siya rito ng wala sa oras. "Of course I do!" he said indignantly.

"I know Popoy, but sometimes, napapaisip ako. Is it really possible not to care anymore with someone you used to love with all your life? With all your soul? Makakaya mo bang balewalain na lang sila ng ganun-ganun na lang?"

The question rendered him immobile. In fact, he was also speechless. Because every word from that question hit home.

"I-i g-guess we all have r-relapses... y-yes, that's it! We all have relapses." aniya ng makabawi ng tinig. "All of us find it so hard to stop caring for someone you've cared about for years. I-in m-my case, it's ten years... P-parang force of habit... You just continue to care and care and care and care... But one day I decided not t-to... although it doesn't meant I'd b-be able to all the t-time..." anas niyang halos pabulong na lang.

"Oh, I'm sorry Popoy. I didn't mean to make you cry." ani Gabe sabay yakap sa kanya.

Cry? 

Was he crying?

Sinalat niya ang pisngi at ganun na lang ang pagkagulat niya ng maramdamang basa iyon. Natatawang kumalas siya kay Gabe.

"Alam mo, hindi ko na alam ang itatawag ko sa sarili ko. Although, I'm sure i'm not crazy, but I think I'm close to being one dahil sa pabago-bago ng mood ko. And you don't have to be sorry, Gabe. Ako lang itong masyadong emotional."

Pinunasan nito ang pisngi niya ng palad nito. Na-touch and puso niya sa gesture na iyon. Hindi tuloy niya maiwasang titigan ang gwapo nitong mukha. Gabe's hot breath was fanning his face. It felt good. Like a warm blanket to hold on to the night.

"You're so fragile, Popoy it makes me want to take care of you and yet you're so hot you're burning me literally..." Gave whispered.

May ilang sandaling napigil ni Popoy ang paghinga. He was a lonely man and Gabe was a very attractive guy. Hindi niya magawang iiwas ang mga mata sa pagkakatitig dito.

"P-please, Gabe, don't say anything," usal niya.

Dinala ni Gabe sa mga labi nito ang isang pisngi niya at dinampian iyon ng halik. He felt a little shivery and quivery from the act. But there's nothing more to it than what he imagined it would be.

Magsasalita sana siya ng mapigil ng malakas na halakhakan ng isang grupong pabalik yata sa kanilang mga lamesa ang pumukaw sa moment nilang iyon ni Gabe. And Popoy's whole being froze when he saw a pair of eyes staring blankly at him. Guiltily, umisod siyang palayo kay Gabe ng bahagya.

"Is that Basty?" anang tinig ng kasama.

He felt a lump on his throat. Hindi siya makasagot ng ayos. "O-oo..."

"Lucky bastard."

Narinig niya ang pagtatagis ng bagang ng kasama. Hindi niya pinansin iyon. Ang buong atensiyon niya ay nakatutok sa lalaking inaakbayan ni Basty. He was cute. In a very stylish way. Hindi niya inaasahang may sangkaterbang karisma pala ang Nikkos na tinutukoy ng mga kaibigan. Hindi na siya nagtaka ng makitang mga kaibigan nilang sila Coney, Melvin at ang mag-jowang sina Mark at Jayson. Kasama rina ng may birthday na si Sonia.

"Puntahan natin sila. Show that bastard na naka-move on ka na." bulong ni Gabe. Napalingon siya rito.

"Remember? I told you, willing akong maging panakit-butas. Just make sure na maganda ang acting mo." nakangiting sabi pa nito sa kanya.

"Are you sure?" tanong niya sa naninimbang na tono.

"Damn sure. Halika na." tumaas-baba pa ang kilay na sabi nito sabay tayo pagkuwan.

Tumalima na rin siya at iginiya ito sa lamesa ng mga kaibigan. Magkahawak-kamay pa sila to complete the act.

"Hey guys!" masayang bati niya.

"Uy! Popoy! Miss ka namin bro!" si Melvin. Kapatid ito ng assistant ni Basty na si Charity.

"Oo nga, di ka na namin napagkikita ah..." sabat naman ni Mark. Niyakap niya ang mga ito at nginitian isa-isa.

"Maupo kayo ng kasama mo, 'Poy." si Coney.

Umupo naman sila kaagad. Nang mabati niya at maipakilala si Popoy sa lahat maliban kina Basty at Nikkos na sadya niya inihuli ay muli siyang tumayo at lumigid sa tabi ni Basty sa pagkagulat ng lahat.

"Basty, my dear," aniyang dinukwang ito at hinagkan sa pisngi, malapit na malapit sa labi.

Kung ang ibig sabihin niyon sa bagong nobyo nito ay giyera, pwes, he will give them war. It was an indirect declaration. It was a war for Nikkos, himself and Basty. Isama na rin si Gabe. His bastard ex-boyfriend could be very mean but he can be meaner. Wala ring karapatan ang Nikkos na ito na panghimasukan ang mga bagay na walang kinalaman dito. Kaibigan niya ang mga kasama nito. This Nikkos guy needed to respect authority and seniority.

Blangko ang tingin ni Basty sa kanya pagkatapos ng halik. Patay-malisya siyang bumalik sa lamesa kahit damang-dama na niya ang tensiyon sa paligid. Walang masabi ang mga kaibigan niya hanggang sa makabalik siya sa sariling silya.

"Basty, my dear, aren't you going to introduce me to your nephew here?"

Biglang natawa si Jayson sa sinabi niya. Isang kinakabahang tawa na ang intensiyon ay pawii ang tensiyon na nasa paligid.

"Ano ka ba, 'Poy, siya si Nikkos. Ang boyfriend ni Basty," napangiwi ito ng sikuhin ito ng boyfriend na si Mark.

Tumikhim si Basty.

"Popoy, this is Nikkos, my boyfriend. Nikkos, this is Popoy, a friend."

A friend? Sure, friend na kung friend. He could handle that. Nginitian niya ng matamis ang lalaking ipinakilala sa kanya bilang boyfriend ni Basty. Ngumiti rin ito sa kanya bagama't halatang pilit na pilit. Mukhang hindi ito marunong magtago ng nararamdaman. Kunsabagay, sino nga ba naman ang hindi maiinis sa ginawa niya?

Gusto niyang mag-away sila ng lalaking ito. Para maipamukha niya ang lahat ng hindi dapat nito panghimasukan, but on second thought, ayaw niya ng eskandalo ngayong gabi. Kaya mang-iinis lang siya.

Sa duration ng dinner nila ay ang mga barkada lang nila ang bumabangka. Kapag sumasabad ni Nikkos ay inaagaw niya kaagad ang atensiyon ng kausap nito o di kaya ay magpapaka-sweet siya ng sobra kay Gabe para lang mapansin sila ng lahat. 

In a way, effective naman dahil ilang ulit na niyang nahuling nakabusangot at tinititigan siya ng matalim ni Nikkos. Wala siyang paki-alam kung may makahalata man sa kanya. He knew he was being obvious anyway. 

Ipinagkibit balikat rin niya kung ang sa tingin ng lahat ay nanggugulo na siya at nagmumukhang pathetic, just as long as nasisira niya ang araw ng target niya. Minsan lang naman iyon. Pikon-talo.

Nang maramdaman niyang okay na siya sa pang-aasar ay niyaya niya uminom sa bar counter si Gabe at nag-excuse sa mga kaibigan. Huli niyang tinapunan ng nang-uuring tingin si Nikkos bago sumama kay Gabe.

"That was a good show," tuwang-tuwang sabi nito sa kanya.

Umorder ito ng wine para sa kanila.

"Yeah, that felt really good. Thank you Gabe," mahinang usal niya.

Nahihiya siya rito. Kahit kasi alam niyang pumayag itong magpagamit sa kanya ay napaka-selfish pa rin ng reason niya para idamay ito.

"Nahihiya ako sa'yo." sabi niya

"Don't be," ani Gabe na hinila siya para magkalapit silang dalawa.

"Bakit naman?"

"Kasi nakaktsansing naman ako sa'yo, eh." he said huskily to his ear.

Nakiliti siya at natawa ng tuluyan. Tumanaw siya sa lamesa na iniwanan nila. Bumabangka na si Nikkos habang napapansin niyang mukhang inip na inip na ang ilan sa mga kaibigan niya. 

Napangiti siya.

That was a good sign for him.

"Punta muna ako sa cr." paalam ni Gabe sa kanya.

Tumango siya at humarap ulit sa bar. Nang maubos niya ang wine ay nag-order naman siya ng mojito. Parang gusto niyang magpakalasing ngayong gabi. Tutal nandiyan naman si Gabe.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng may tumabi sa kanya. Surprise-surprise, it was the little stud amed Nikkos.

"Hello."

"Hi!" confident na sabi niya, considering the idea that not all of his friends are fond of this new guy. "Tired of the attention you're getting? That soon?"

Ngumiti ito.

"Gusto lang kitang kamustahin. Mukha kasing hindi ka na sanay sa puyatan. Alam ko naman na kapag tumatanda na ay hindi na masyadong nakakasabay sa pagpupuyat naming mga bata."

The bastard waged war.

"If you're trying to insult me, you're doing a very lame job. I eat stupid studs like you for breakfast, sugar. But what do you really know about men of my caliber when your world revolves around nothing."

Marahil nga ay tama ka. Pero ang gusto lang talagang sabihin ay kahit na anong gawin mo, hindi mo maaagaw sa akin si Basty. Akin na siya. Kasalanan mo, hindi mo kasi inalagaan, lolo."

Naningkit ang mata niya sa sinabi nito. Ngali-ngaling bigwasan niya ito sa harap ng maraming tao. Pero nagpakahinahon siya. Alam niyang siya ang makikitaan ng mali dahil mukhang magaling na aktor ang isang ito.

Nabitin ang pagsagot niya sa ere ng marinig ang boses ni Gabe sa likod niya.

"Bumalik ka na sa lamesa ninyo, bata. Masama ang makipag-away sa mga nakakatanda."

Pinagtaasan ito ng kilay ni Nikkos. Mukhang sanay ito na makihalubilo sa mayayamang tulad niya. Nakangiti pa ito sa kabila ng pagbabanta ni Gabe.

"At sino ka para utusan ako? Nag-uusap lang kami ni Tito Popoy at hindi nag-aaway."

Naramdaman niya ang pag-akbay ni Gabe. Waring sinasabing, okay lang ang lahat.

"Don't push your luck, Nikkos," kalmadong sabi ni Gabe. "Hindi ko gustong magkaroon ng eskandalo sa party na ito ng kaibigan ni Popoy. Iyon lang ang dahilan kung bakit nakatayo ka pa rin hanggang ngayon."

Napasinghap siya sa napakalamig at napakadelikadong paraan ng pagsasalita ni Gabe. Namutla naman si Nikkos na biglang tumalikod at dahan-dahang lumayo sa kanila.

Naramdaman niya ang mahinang pagtawa ni Gabe sa gilid ng tainga niya. He shivered when he discovered Gabe's wet lips on his earlobes.

"Have dinner with me tomorrow, Popoy." he said huskily. Napapikit siya sa sensasyon. "Kahit saan mo gusto."

"H-how about we go to somewhere private after this?" anas niya in between controlling his urge to drag his nape and give Gabe a hard kiss. He was really turned on by his advances. Nakakalimutan niyang nasa publiko sila.

"How about now?" said Gabe in ragged breathing. Bahagya itong lumayo sa kanya.

"N-now...?" disoriented niyang sabi.

"Yes. Now."

Wala sa loob na napatango siya. Namlayan na alng niyang inakay na siya nito palabas ng restaurant. Mukhang tinamaan siya sa kaunting nainom. Hindi naman kasi siya sanay.

Pagpasok nila ng sasakyan ni Gabe ay lalo siayng naliyo ng kabigin siya nito at halikan sa labi ng buong diin. Ramdam niya ang paghahangad nito. And boy, he feel the same way too.

Gabe is a good kisser as far as he was concerned. Naramdaman niyang tila siya inililipad at hinehele. Mainit ang labi nito. Na tinutugon niya ng mas maiinit na tugon. Ngunit ang sarap na dulot ng halik nito ay may epekto sa kanya. Unti-unti, dumausdos siya pababa dito. Napakapit siya sa beywang ni Gabe.

He heard him chuckled. "In a hurry, aren't we?"

Itinaas siya ni Gabe para sana ay halikan ulit ngunit laking gulat nito ng makitang nakapikit na ang kahalikan. Napapailing na inayos niya si Popoy sa pagkakaupo saka nito pinaandar ang sasakyan.


Itutuloy...

5 comments:

Anonymous said...

ang tagal ng kasunod nito..=)alex..

patryckjr said...

Buhay pa ba nag author? ...hehehhe..joke lang.... sarap sundan kasi ng story.. sana may kasunod na.....

patryckjr said...

Buhay pa ba nag author? ...hehehhe..joke lang.... sarap sundan kasi ng story.. sana may kasunod na.....

Anonymous said...

alam nio bang nabago na ang title ng kwentong ito?

"NASAN NA SI DALISAY!!!"

yan ang bagong pamagat... haha..

update na pls!! T_T

~frostking

DALISAY said...

Nandito ako dear. Bakit mo ako hinahanap? May problema ba sa barangay? Hindi ako si Kapitana. :)