Hello there, pasensiya na sa mga naghintay ng update nito. Ang pasaway ko kasing henyong utak ay may tatlong on-going stories. Salamat sa suport. Salamat lang talaga. Love you all...
Chapter 10
SABADO. Nakatakda ang pagkikita nilang dalawa ni Gabe. Hindi niya inasahan na sobrang ganda ng boses nito sa phone. Nawala tuloy ang mga ipinagdaramdam niya ng mga panahong iyon. Kung alam lang niya na ang makakatulong sa kanyang makalimot kahit saglit sa mga ala-ala ni Basty ay ang boses nito, sana ay noon pa niya kinuha ang numero nito.
Nasa kahabaan na siya ng Edsa. Magkikita silang dalawa sa Dencio's sa Megamall. Bahagyang umuulan ng gabing iyon kaya hindi nakapagtatakang sinasalubong niya ngayon ang traffic. Tiningnan niya ang oras sa relo. Eksakto alas-sais empunto. Rush hour pa. Mabuti na lang at malapit na siya sa patutunguhan.
Liliko na sana siya sa intersection kung saan maaari siyang mag-U-turn ng may bumangga sa likuran ng sasakyan niya na pampasaherong jeep. Agad ang ginawa niyang pag-apak sa preno para hindi bumangga sa sinusundang sasakyan ngunit nahagip pa rin iyon ng bahagya. Nanlaki ang mata niya ng makita ang tatak ng sasakyang nadisgrasya. It was an Audi.
Napapalatak na lang siya at ini-imagine sa isip ang damage ng kotse habang bumababa. Bukod sa nakadale siya ng mamahaling kotse ay may nakadale rin sa kanya. Problema nito kung paano iso-shoulder ng nakabangga sa kanya ang damage ng sasakyan niya.
"Holy shit!" napapamurang anas niya.
Nagmamadali siyang bumaba at tiningnan ang damage ng Audi. Hindi naman malaki ang dent sa rear bumper nun pero alam niyang malaki pa rin ang babayaran niya dahil hindi sa ordinaryong casa ito ipapagawa. Naiiling na sinulyapan lang niya ng bahagya ang likuran ng saakyan niya.
Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. Bumukas ang pinto ng Audi at bumaba naman ang driver ng jeep. Napapikit na lang siya sa desperasyon. Nagpasya siyang tingnan ang nasaling sa bahagi niya. Maliit na dent lang iyon at hindi halata kung di mo iinspeksiyunin. Nilapitan siya ng driver.
"Pasensiya na Sir. Palyado po ang preno ko eh. Hindi po agad kumagat ng umusad ako," nagpapakumbabang sabi nito.
"Paano yan Manong?" ang tanging nasabi niya.
"Eh paano nga po ba ito Sir? Wala pa po akong kita at may sakit pa si Misis," bakas ang pag-aalala sa mukha ng driver. "Baka po gusto ninyong hulugan ko na lang ang magagastos ninyo?" anito sabay hugot sa wallet at iniabot sa kanya ang sedula.
"Nariyan po ang address ko Sir. Kung may calling card po kayo ay pahingi po ako para matawagan ko kayo." pagpapatuloy pa nito.
Napahilot sa batok niya si Popoy. "Sige na po, Manong. Okay na po iyan. Ako nang bahala dito."
"Naku! Salamat Sir. Pasensiya na po talaga at maraming salamat ulit.
Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya rito. Samantala, nang paalis na ang driver ng jeep ay narinig naman niya ang boses ng isang lalaki sa likuran niya.
"Pare, itabi natin ang mga kotse natin," tumalima naman kaagad siya.
Mukhang suplado ang lalaki. Matangkad ito at medyo may kaputian. Hindi niya masyadong makita ang mukha dahil nakabaseball cap ito at nakasalamin. Pero naaninag niyang guwapo ito base sa bone structure ng panga. Natural din na mapula ang labi nito. Bagay rin sa katawan ng nakabanggaan niya ang boses nito. Deep. Masculine. Rugged. Parang porma nito.
He mentally shook his head. That was very weird of him to think that way. Nasa isang aberya na nga siya nagawa pa niyang mag-assess ng katawan ng tao?
Nang maitabi ang kani-kanilang sasakyan ay bumaba itong muli at mabilis na sinilip ang dent ng kotse nito. Napapangiwing nilapitan niya ito.
"Ahm... gaano ba kalaki ang damage, pare?" tanong niya rito.
Sinipat niya ang relo at nakitang magsi-six thirty na. Malapit na siyang ma-late sa usapan nila ni Gabe. Mahirap ng magkaroon ng impresiyon na late comer siya palagi.
"Hindi naman ganoon kalaki. Pero sa tingin ko mahaba-habang usapan ito." anito sabay tayo ng tuwid sa harap niya saka nito inalis ang suot na cap.
Halos napatulala si Popoy sa dalawang bagay na iprinisinta sa kanya ng estranghero. First, the man was literally towering above him. Sa height niyang five eleven ay tinitingala niya ito. He must be six feet five or something. Second, he was a very attractive man. He was oozing with sex appeal and a very commanding presence. Napaka-suplado ng dating nito but he's the type of snob you would die for.
"I'm sorry," aniya sa lalaki.
Humalukipkip lang ito at tiningnan siya ng mataman. Nakdama siya ng panliliit sa inaakto niya. Why in the world is he acting like a scolded child. He's the Medical City's Director for crying out loud! With that in mind ay naibalik niya ng unti-unti ang composure na kanina pa nawawala sa katauhan.
"Look, my car is insured and you'll get paid. In case na hindi ma-cover ng insurance ko ang damage ng sasakyan mo, I'm more than willing to pay the excess amount. I'm leaving you one of my ID's. Ito rin ang calling card ko." may pagka-snob niyang sabi sabay akmang babalik ng sasakyan ng magsalita ito pagkakuha ng ID at tarheta niya.
"Isn't it rude to leave your date here?"
Napatda siya sa narinig.
"What?" di makapaniwalang sabi niya.
"You heard it right, Doctor Richard Mondragon, Director, Medical City," natatawang sambit pa ng lalaki.
"No way." gilalas pa rin niyang wika.
"Yes way, Doc Popoy. I'm your date. I'm Gabe." anito sabay ngiti.
"I'll be damned!" natatawang sabi ni Popoy sabay lapit dito. Hindi malaman ang gagawin kung makikipagkamay o yayakap sa nagpakilalang ka-date daw niya.
Mukhang nabasa naman nito ang nasa isip niya. "Kung nag-aalangan ka sa gagawin mo, a handshake will do." tukso nito.
Agad ang pamumula ng mukha niya sa sinabi nito. Mukhang maloko ang isang ito base a laugh lines sa gilid ng mata nito. At hindi nga nagbibiro si Half ng sabihin nitong kahawig nito si James Yap. Hindi iyon eksaherasyon. Magkasing-tangkad din yata ang mga ito. Iyon nga lang, mas softer ang features ni Gabe but that doesn't made him lesser attractive and masculine.
Mas lalo siyang namula ng ito na ang kumuha sa kamay niya para isakatuparan ang handshake. Napaka-firm ng hawak nito. Nakapag-imagine na tuloy siya ng ilang maseselang eksena dahil doon.
God! Get a hold of yourself Popoy!
Napailing siya sa epekto ni Gabe sa kanya. Marahil ay nadadala lang siya sa obvious an admiration ng isang ito sa kanya. Grabe kasi ang kislap ng mga mata nito tuwing tinitingnan siya. Kagaya ngayon.
"Gabe, ah... you know it's impolite to stare."
Natawa lang ito. "Sorry Poy, but you have to know na ang hirap paniwalaan para sa akin na naririto ka ngayon at kaharap ko. Sa mga business pages lang kita nakikita eh."
Nag-blush na naman siya sa compliment nito.
"Ah... hindi ako sanay Gabe nang pinupuri."
Nagtaas lang ito ng isang kilay habang may pinipigil na ngiti sa labi. Tinapatan niya lang iyon ng reprimanding look na ibinibigay niya sa mga tauhan niya.
Pinagmasdan niya ulit ito mula ulo hanggang paa. Naaaliw talaga siya sa taas nito. Sabagay, binagayan naman iyon ng malaking pangangatawan nito kaya hindi alangan sa tangkad nito. Alon-alon din ang buhok nito na may kaunting patilya. Bagay sa genius look nito.
Gwapo talaga ang loko.
Malago ang kilay nitong bagay na bagay sa deep set nitong matang matiim kung makatingin. Maliit ng bahagya ang ilong na bumagay din sa manipis nitong labi. He looked yummy and delectable. Naka-walking shorts lang ito at tinernuhan ng maluwag na T-shirt na nagmukhang fitted dahil sa built nito. Naka-sneakers ito na walang medyas. Very comfy and yet quite rugged. An unconventional combination.
"I know I'm quite good looking." pukaw nito sa observation niya.
Natawa siya bagama't bahagyang napahiya.
"Yabang mo. Kumain na nga lang tayo." pag-iiba niya ng usapan.
"Sure. Sino bang mag-aakalang dito tayo unang magkikita? Akala ko nga male-late ako dahil nabangga pa ang sasakyan ko. Buti na lang ikaw ang nakabangga."
"I'm sorry talaga Gabe. Kung okay lang sa'yo ako na ang sasagot sa gastos."
"Okay lang 'Poy. Kaunting gasgas lang iyan at insured din ang sasakyan ko."
"Oo nga pala. Convoy na lang tayo ha."
"Okay," ani Gabe.
Maya-maya lang ay nasa pinag-usapang restaurant na sila. He was having fun with Gabe that Popoy forgot to take notice of the time for the very first time. Hindi kagaya noong sila pa ni Basty. Kapag may date kasi sila noon ay parang gusto na niyang umalis agad kahit kakaupo pa lang nila.
But with Gabe, it was different.
Tawa siya ng tawa sa mga jokes nito kahit corny. Pero may iba rin itong jokes na talgang mapapa-isp ka. Hindi nonsense kaya naman dedma siya sa mga nakakarinig sa halakhak niya. Oblivious din siya sa mga questioning stares ng nasa paligid. Bakit nga naman hindi eh dalawang magagandang lalaki ang magkasama na animo nasa isang date. Buti na lang at hindi romantic ang ambiance sa Dencio's.
"Okay, I have a friend. His name is Pluto and he's a cockroach," panimula nito ng panibagong joke.
"I'm beginning to think that you love insects," biro niya kay Gabe.
"On the contrary, ipis ako nung past life ko," sabi nitong ikinatawa niya.
Natawa rin ito sa ginawi niya. Natigil nga lang iyon ng hawakan nito ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa.
"Gabe... m-may na-nakatingin..."
"I don't care 'Poy," determinadong sabi nito. Wala na siyang nagawa kundi magpaubaya.
Gabe smiled. "I'm glad na napapatawa kita. Mukha kasing ang lungkot-lungkot mo kanina. Kaya tuloy hindi ko magawang magalit kanina kahit nabangga mo ang sasakyan ko. And I'm only thankful na yung crush ko at yung nakabangga sa akin ay iisa. Imagine my surprise ng lumabas ka ng kotse mo. Sabi ko, I have to make sure na ikaw nga iyon kaya hindi ako nagsasalita hanggang sa mag-abot ka ng ID mo."
Speechless siya sa madamdaming declaration of love ni Gabe sa kanya.
"G-gabe..."
"I know you're still hurting. At ang pakikipagkita mo sa akin ay way mo ng pagko-cope up but let me help you Popoy. Willing akong maging panakip-butas para sa'yo."
Hindi pa rin siya makaapuha ng sasabihin. Damang-dama niya ang sincerity sa boses nito. Iyon nga lang, hindi niya alam kung kaya na ba niyang makipag-compromise dito. Unfair naman yata kung gagawin niya iyon.
"T-that's unfair, Gabe..."
"Wala naman akong choice di ba? Dumating ako sa panahong naghihilom ka pa. So, let me help you instead. Di naman ako nagmamadali eh."
Nilinga niya ang paligid. Napailing siya ng makita ang mataktikang pag-iiba ng tingin ng ilang customer. Napabuga siya.
"Let's talk about this sa ibang lugar."
Nagtatakang tiningnan lang siya ni Gabe pero tumalima rin ito. Tinawag nito ang waiter para sa bill nila at hanggang makalabas na sila ng establisyimento ay hindi sila nag-iimikan.
Nang makarating sa parking lot ay binasag na niya ang katahimikan.
"Kaya mo bang sakyan lang ang topak ko hanggang sa maging full-blown na ang pagiging sira-ulo ko?"
Nagtatakang tiningnan siya nito.
"What do you mean?"
"Kung willing ka ba kakong magkaroon ng boyfriend na baliw?" natatawang sabi ni Popoy.
"Don't say that, hindi ka baliw."
"Yes I am. At kung di mo kayang sabayan ang topak ko, hindi ka pwedeng maging boyfriend ni Popoy Mondragon."
Napangiti si Gabe. Ganoon din siya. Mukhang na-gets na nito ang ibig niyang ipahiwatig. This time will be different. Hindi siya maglalagay ng restrictions. Wala ng inhibitions. Come what may. Ibibigay niya ang lahat sa bagong relasyon na papasukin niya. Doon din naman sila patungo ni Gabe, bakit pa niya patatagalin?
Nagpalitan sila ng makahulugang tingin bago nagsi-sakay sa kani-kanilang sasakyan.
Itutuloy...
2 comments:
thanks for the update... bitin naman eh...
meron na pong chapter 11
Post a Comment