Tuesday, August 30, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 4)


             Malamig na ang hangin, presko at amoy na amoy na malapit na ang Pasko. Kahit sa school naming ay may mga christmas decorations na. Mas bumuti ang lagay ko sa school. Mas dumami ang tropa at kahit sa ibang year levels ay may kaibigan na ko. Mas lalo rin akong naging busy kasi sa mga projects, quizzes, exams na pinaghahandaan. Idagdag mo pa na inaayos ko ang school journal para sa dadating na christhmas. At san ka pa, meron pang preparation para sa Glee Club kasi may special number daw. Pambihira naman, pero yun talaga ang gusto ko lalo na pag dadating ang pasko.

            “Merry Christmas!”, bati sakin ni Jenny. “Excited?! Tatlong linggo pa huy! Wag atat! Ligalig ha!”, casual ko naming sagot kay Jenny. “Ito ang aga aga, ang sungit! Are you the Grinch of xmas?! Ok lang yan noh, malapit na rin naman ang xmas party ee! Nako, masaya yun! Party-party!!”, masaya nya pa ring tugon sakin. Di ko na sya pinansin.

            At yun na nga, excited nanaman ang mga tao sa school, maging mga teachers, staff, coaches, pati syempre ang mga estyudyante. Kanya kanyang mga ideas kung ano ang gagawin para sa xmas party. Sino magdadala ng ganto, ganyan, anong motif, anong isusuot, at kung ano ano pa. Maging ako man ay abala dahil ang dami ko pang gagawin, mga project na hahabulin, mga extra curricular, at iba pang activities. Di ko na masyado inintindi ang pagprepare sa xmas party. Twing pinaguusapan ito sa room ay oo lang ako ng oo.

            Nagkasundo ang tropa na pagkatapos ng xmas party naming ay sabay sila tutuloy, wala naman problema sakin dahil mag isa lang ako sa bahay at may mga kwartong available sa mga gustong matulog. Um-oo naman ako agad. Sa isip isip naming ay pangalawang xmas party un at gaganapin naman sa bahay.

            Dumating na nga ang xmas party. Pagkagising ko ay 9 na, at alas dyes naman ang nasabing xmas party. Kumain muna ko sa bahay at hinanda na yung cake na dadalhin ko para sa event. Di naman kailangan magmadali dahil wala naman late ngayon. Maya maya pa’y dumating na ko sa school at umakyat sa room.
            “Jerry! Merry Christmas!!”, masayang bati ng mga kaklase ko at mga nakakasalubong ko. Pero sa lahat ay tugon ko lagi ay ang casual na, “Uy, salamat. Sayo din bro.”

            Nung tuluyan naman akong nakapasok na sa room at nilatag na yung dinala kong cake ay unti unti akong natuwa. Ang dami daming pagkain! May menudo, lechon manok, adobo, maja blanca, puto, kare kare, at mga putaheng akala mo’y wala nang bukas. At syempre, ang natatanging pinagaagawan ng lahat- sandamakmak na KANIN!!!

            Napakasaya ko nung araw na yun! Ramdam na ramdam ko dahil pati ang mga tao sa paligid ko ay nagsasaya. Bago kumain ang lahat ay meron muna kaming mass n gaganapin sa chapel sa likod ng school. Lahat kami ay naupo at nakinig sa service. Ipinaliwanag samin ang meaning nga ng pasko. Alam nyo na siguro sinasabi ko. Pero ang di ko makakalimutang paksa ay ang sinabi ng tagapagsalita na, “Ang pasko ay araw para alalahanin ang kapanganakan ni Hesus, Ito rin ay araw ng pamilya.”

            Nang natapos ang xmas party ay dali dali kaming pumunta ng tropa sa bahay at inumpishan na ang pangalawang party! At mas masaya to dahil inuman na! Kahit sa bahay man ay naghanda ako ng konting pagkain dahil alam kong patay-gutom kami lahat. Siguradong gugutumin mamaya.

            “Masarap magluto yan si Jerry”, agad na pambibida ni Art sa mga kaibigan namin. “Weh, masarap tlga? Patikim nga!”, sarkastikong sagot naman ng mga kaibigan ko. “Taena, oo nga pre! Ano hinalo mo dito? Masarap nga!”, tugon nmn ng mga kaibigan ko. Napangiti naman ako talaga! Syempre noh! Pinaghirapan ko rin yun! At ayan, na appreciate nila! “Pawis at laway”, pabiro ko namang sinabi at nagtawanan ang lahat.

            Nagiinom na ang lahat, mejo lasing na rin ang iba. At ito naming si Art, napakakulit nanaman. Pero napansin ko rin na siksik ng siksik sakin. Kung san man ako pumunta ay susunod. “Ba yan! Parang buntot!”, sabi ko sa sarili. Di ko alam kung napansin ito ng iba, pero ang alam kong nakapansin nito ay si Philip. Dahil isa pa tong akala mo tuko kung makadikit. Totekk naman oh! Di lang kayo bisita ko! Hmp!

            Lumalim na ang gabi at ang iba’y nagpasya ng magsiuwian, ang iba nama’y lasing na at di na nakuha pang lumipat pa sa kwarto, dun na sa sofa natulog. Lahat ng naiwan ay puro lalake. Di ako gaanong lasing dahil alam kong ako nnmn ang taga ligpit. At tulad ng sinabi ko, pag may bisita ako, todo asikaso ako. Maswerte naman ako dahil apat sa mga kaibigan ko ay di pa lubusang lasing kaya tinulangan ako nila Roger, Marvin, Philip at Art na mag ayos. Pagkatapos ay pumunta na kami sa kwarto.

            Ito na, tulugan na. Ang sakit na ng likod ko sa pagod. Katabi kong natulog sila Philip at Art. Sa kanan ko si Philip, at sa kaliwa si Art. Nang patulog na ko ay napatingin ako kay Art. Biglang nag flashback sakin ung eksenang hinalikan nya ko. Di ko alam, pero di ko maiwasang hindi mapangiti. Nakita ko syang tulog na. Kaya napagdesisyunan ko ng matulog na rin.

            Halos ilang segunda nlng tulog na ko ng maramdaman kong kinalabit ako ni Philip. “Jerry, tulog ka na?”, tanong nya. “Mejo, bakit?”, tugon ko saknya. “Merry xmas sayo bes.” Sabay halik sakin sa cheeks at pinisil ang kamay ko.  Syempre shock boogie ako noh! Pero sabagay, sweet naman tlga si Philip lalo sa close nya. Pero di ko maiwasan na di mapangiti.

            Halos buong magdamag akong di makatulog.. Hindi ko alam kung bakit nga ba ganun ang aking nararamdaman. Paulit ulit na bumabalik sa utak ko ang mga nangyari. Alam ko sa sarili ko na may kakaiba akong nararamdaman at alam kong di normal yun. Kahit pa di pa ko sure sa nararamdaman ko, alam ko iba na to..

Kinaumagahan, nagluto na ko ng almusal para sa mga naiwan kong bisita. Pagktapos kumain ay isa isa na silang umuwi. Ngunit bago umuwi sila ay sinabihan ako ni Philip na next week ay bday daw nya at punta daw ako. Isang linggo bago magpasko. Um-oo ako ng walang alinlangan.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------



            Sa araw ng kanyang kaarawan ay nagpunta na nga ako kaila Philip, nagmano ako sa parents nya. Di naman ako kasi bago na dun saknila, madalas kasi pag napagabi kami sa paggawa ng project sa school o kaya malakas ang ulan ay dun ako tumutloy kaila Philip kaya kilala na ko ng magulang nya.

            “Pre, happy bday sayo”, sabay abot ng regalo ko sknya.

            “Ui, nagabala ka pa. Sabi ko naman sayo bsta pumunta ka lang, ok nay un.”

            “Ocge, akin na. Ayaw pa eh!”

            “Ay hindi noh! Akin na to! Ito hindi na mabiro”

            “Hehehe, sana magustuhan mo.”

            “Uu naman, kahit ano pa to! Galing kaya sayo toh!”

            “Ewan ko sayo.”, sabay ngiti.

            Nang makita nya ang laman ng regalo ko, animoy parang batang binigyan ng laruan ang ichura nya. Yung tipong ipagmamayabang niya ito agad sa kanyang mga kalaro. Kung tutuusin ay simpleng bracelet lan nmn ang binigay ko sakanya. Pero sa kanyang reaction ay di ko naman maiwasan na hindi mapangiti. Masayang masaya ako dahil masaya sya. Hindi ko alam pero alam kong special sakin si Philip. Alam kong may mga emosyon akong di ko maintindihan para saknya.

            Pagtapos nya buksan ang regalo ay sinuot ko naman sakanya yung bracelet. Nakangiti sya ng isuot ko ito sakanya. Kitang kita sa mukha nya ang saya habang nakatitig sakin. Hindi ko tuloy maiwasan mamula.. :)

            Patayo na ko at maglalakad sana papasok ng bahay nila upang kumuha ng pagkain ng marinig ko ng mahinang mahina sa likod ko na sabi, “Iba naman talaga ang gusto ko ee..”, di ko sure, pero alam ko narinig ko un.

            Andun din sa bday party ni Philip ang iba pa naming kaibigan. Nagkakasarapan ng inuman ng lapitan ako ni Jenny.

            “Ehem, mukhang ang saya ni Philip ah. I mean, ang saya ng party ni Philip ah”, sabay bigay sakin ng isang sarkastikong ngiti.

            “Malamang bday nya at andito tayo lahat”

            “Nako, ewan ko sayo. Iba ang navivibes ko.”

            “Ano naman yang na vivibes mo?”

            “Hmm.. basta..”, sabay ngiti ulit.

            Pagpasok ko naman ng bahay ay nakita ko si Tita Tess, ang mommy nila Philip at James.

            “Hijo, glad you came. Kanina ka pa nga hinihintay nyan ni Philip. By the way, where are you spending your  xmas?”, tanong sakin ni tita Tess, mom ni Philip. “Most probably at home tita”, sagot ko naman. “Ganun ba, daan ka dito samin kung may time ka before xmas ha.” At ang tanging sagot ko lamang ay tango.

            After ng party, nagpaalam na ko kay Philip ngunit pinigilan niya ako. Nakiusap sya kung pwede ba dun na ko matulog sakanila since gusto nya pa daw ako makasama. Syempre, um oo agad ako.

            Halos lasing ko na rin syang inakyat sa kwarto nya. Naprami talga ang inom nya dahil pinagtripan sya ng mga katropa namin at mga kapatid nya. Bertday boii ba naman kaya pinagkatuwaan naming lahat. Pasuray suray kami umakyat ng hagdan dahil ang bigat nya. Ramdam na ramdam ko ang bigat at tigas ng mga muscle nya dahil sa pagiging athlete nya. Ang init init din ng kaniyang katawan dahil sa pagkakainom. Pero pinagtyagaan ko hanggang sa makarating na kami sa kaniyang kwarto. Pagdating dun ay pinalitan ko na muna sya ng damit at bumaba ako upang kumuha ng pampunas para sakanya.

            Habang pinupunasan ko naman sya ay napatitig ako sa buong katawan nya. Ang ganda talaga ng katawan nya, gawang gawa na ang mga muscles, at napaka kinis ng balat. Halatang alaga ito. Pagkatingin ko naman sakniyang mukha ay ang amo amo nitong natutulog, pansin na pansin ang kanyang makakapal na kilay, matangos na ilong, maninipis at mapulang labi. Nakaka akit talaga kung iyong pagmamasdan. 

            Natapos na akong punasan siya at akmang bibihisan na ng biglang naramdam ko ang pagkabagsak. Bigla kasing may mga kamay na humila galing sa likod ko kaya natumba ako paharap sakanya. Narealize ko nlng na nakapatong ako saknya. At ang mga kamay nya ay nsa likod ko na. Pinilit kong gumalaw pero nung tatayo na ako ay bigla akong nakaramdam ng init sa aking labi. Bigla akong hinalikan ni Philip. Sa gulat ko ay nanlaban ako at nilayo ko ang sarili sakanya. Ngunit di sya nagpatalo. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin at hinalikan pa ko ng mas mapusok, may pwersa, at akala mo'y uhaw na uhaw sya sa pagkakahalik. Shit! Ang sarap nya humalik! Kahit pa may pwersa yun  ay ramdam na ramdam ko ang sarap. Unti unti akong hindi nanlaban hanggang naramdaman ko rin ang pagbanayad ng halik niya sakin. Sa di malamang dahilan ay gumanti na rin ako ng halik. Sa pag ganti ko ng halik ay mas pinag husayan niya ang paghalik sakin. Gumapang ang mga kamay niya sa aking likuran hanggang ang isang kamay nya ay nasa batok ko. Naging mabilis ang halikan na yun. Maya maya pa'y tumiwalag na rin sya. Nagulat ako ng bigla itong nagsalita, though halatang medyo pagod na ito talaga at lasing pa.

            "Ito naman talaga yung gusto ko ee", sa gulat ko sa sinabi nya ay di ako nakapagsalita. Natameme ako sa aking kinauupuan. Tama pala ang narinig ko na sinabi nya kanina. Though narinig ko na ang karugtong, hindi pa rin nagsisink in sa akin ang lahat. Ilang saglit pa ay binasag ko na rin ang katahimikan.

            "Lintik ka, gising ka pala?! Pinahirapan mo pa ko sa pag akyat sayo!", galit galitan kong sinabi.

            "Sorry na.. Birthday ko naman.. Tabihan mo na ko. Inaantok na ko. Gusto ko talaga tabi tayo para masulit ko ang birthday ko..", 

             Wala na rin akong nagawa. Medyo pagod na rin ako, at pabor din sa akin ang ganoon. Dahil sa loob loob ko, alam ko na tlga, may iba na kong pagtingin para sa bestfriend ko.. Higit pa sa special ang tingin ko sakanya. Kahit di pa man din ako sigurado sa aking nararamdaman, ay minabuti ko nlng na ienjoy ang mga pangyayari. Tumabi na nga ko sakanya at kami ay natulog ng magkayakap at magkasamang nilasap ang sarap ng gabi..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------



           

            Simula palang ng pasukan ay maganda na.  Madami kaming pinaghahandaan dahil kailangan magseryoso dahil next year ay graduating na kami. Mas lalo nmn tumindi ang samahan naming magkakatropa, at syempre sa bestfriends ko. Mas nagkakilanlan kami lahat. Animo’y tanchado na naming ang ugali ng isa’t isa. Mas close na nga, ika ng iba.

            Hindi pa rin nagbago ang routine namin ni Philip, sa umaga’y hinihintay nya ko sa babaan ng jeep at pag uwian nama’y sabay pa rin kami. Minsan pa’y kasama din naming ang kanyang kakambal na si James. Medyo ok na naman sila ni Art, pero tila meron tlgang gap saknilang dalawa na di ko malaman kung ano. Ngunit isang araw ay medyo nagkatampuhan kami ni Philip..

            Beep. Beep.

            “Bes, hntayin m q. mejo malalate kmi ngaun. Libre ko dinner. Mcdo” –Philip

            Beep. Beep.

            “Mcdo nnmn?! Pupurghin mo b ko sa mcdo?! Hahaha!”

            Beep. Beep.

            “Wg n nga. Geh, una k n umwi.”

            Beep. Beep.

            “Toh nmn, biro lng. Geh, w8 kta. Blsn m ha. Pgtpos txt m q agd”

            Beep. Beep.

            “Di na. napahya n q e. Una ka na.”

            Beep. Beep.

            “Joke lng nga po. Sorry na”

            Beep. Beep.

            “Ok lng aq. Wg m n intndhn cnbi q. Una k n”

            Beep. Beep.

            “kk. Sbi m ee..”

            Beep. Beep.

            “:( hintyn m n q pls. kwawa nmn aq wlng ksby”

            -no reply-

            “bat di k reply”

            -no reply-

            “Bwisit na to! Arte arte tlga! Ano ka Jowa?! Di na mbiro! Sinusuyo n nga, ayaw pa din! Iwanan n nga kita!”, inis kong sinabi sa sarili at dali dali ako sumakay ng jeep pauwi samin. Pagkauwi ay nagbihis ako at gumawa ng assignments. Pagkatapos ay bumaba ako para manood ng tv.

            Habang nanonood ako ng tv ay biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko tong kinuha at binasa agad ung txt sakin.

            “Psssst. Bc ka boy? Gwa mo?”

            “Hindi. Nood lan tv. Maya gawa project sa Chem.”

            “Aah.. Hmmmm.. Maen ka na?”

            “Di pa.”

            “ket naman?”

            “La q gana. Tntmad din ako magluto.”

            “Ako maglu2to”

            “Lol. Wag na. Kumain din nmn ako bgo uwi nina.”

            “Aah, geh, bsta if need mo q, txt ka lan ha. c”,) ”

            “Abay ka sweet. Tnx”

            “^_^”

            Mula sa pagkainis ay unti unti akong napangiti. Talaga tong si Art, di sumasablay sa pagpapangiti sakin. Naaalala ko tuloy ang mga kakulitan nya kahit pa man din sa school. Halos walang joke na di tumatawa ang lahat lalo na pag galling saknya. Kaya naman maraming nahuhumaling saknya. Nasa gitna ako ng pagmumuni muni ng biglang may kumatok sa pinto. Pagbukas ay nagulat ako sa nakita. Si Philip at galit ang mukha.

            “Ba’t mo ba ko hindi hinintay?! Sabi ko naman hintayin mo na ko diba?!”, galit na sinabi nya sakin. Sa narinig ko ay umakyat lahat ng dugo sa utak at nagpintig tlga ang tenga ko! Hyblad!

            “Aba, ang arte mo kasi! Di ka na mabiro! Ikaw ha! Recently napapansin ko na masyado kang sensitive! Taena, ano bang problema mo?!”, galit ko ding tugon saknya. Nagulat sya ng nasigawan ko sya at dali dali naman napansin ko ang pagbago ng kanyang mukha at tuluyang pumasok sa bahay at umupo sa sofa. Hindi ko sya inimik at ako’y dumirecho sa kwarto para mahiga. Alam kong papasok sya kaya dumapa ako at nagtulog tulugan. Maya maya pa nga’y pumasok na sya.

            “Bes? Kain na tayo, dinalan kita mcdo oh. Peace offering.”, halos mag crack ang boses nya habang nagsasalita palapit sa kama ko. Di ko pa rin sya inimik dahil sa bwisit nga ako. Nagulat at napasigaw nalang ako sa sakit ng biglang may dumagan sa likod ko. “AARGGGGGH!! TAENA NAMAN!”, sabi ko nlng. Pero parang di sya natinag, at aba, tlgang kiniliti pa ko at pinaharap sakanya. Halos mamatay ako sa kakatawa dahil sa magkahalong sakit at kiliti na ginawa nya. Maya maya ay tumigil din sya ngunit ang posisyon naming ngayon ay nakapatong sya sakin habang nakahiga ako.

            “Sorry na..”, sabi nya habang nakanguso pa ng lungkot lungkutan. Di ko naman naiwasang di matawa dahil ang cute ng ichura nya. Ngiti lang naman ang ginanti ko sabay kunot ng mukha.

            “Wag mo na kong iiwan ulit ha….”, kitang kita ng dalawang mata ko ng sambitin nya to sakin na halos maluha luha sya. At akala mo’y napakalaking kasalanan ang ginawa nya at ang tagal namin di nagka ayos. Kita at ramdam sa mga mata nya ang lungkot na sya namang nagkaron ng kurot sa puso ko. Oo, syempre, shock din ako sa mga nangyayari. Pero mas nashock boogie ako ng bigla nya kong niyakap sabay sabi.. “Sorry ha.. Wag mo na ko iiwan ha.. Please”.

            Sa di ko malamang dahilan ay bigla rin akong yumakap saknya. Ramdam na ramdam ko ang buong init ng katawan nya sa pagkakapatong sakin. Ramdam ko din ang hikbi nya sa pag iyak. May kung anong kumurot sa puso ko. Hindi ko alam kung ano, pero alam ko di normal ito. Sa pagyakap ko sa kanya, binitawan ko ang mga katagang..

            “Oo, di kita iiwan..”

            (Itutuloy..)

No comments: