Dumaan ang ilang bwan pa at naging maayos naman ang lahat sa school. Maganda ang grades ko at masaya ako sa mga kaibigan. Magkakatabi na kaming magbebestfriend sa classroom, Si Art, ako, si Leah, si Ben, at si Jenny. Yan ang palaging seating arrangement namin. Kahit sa maikling pagsasama naming ay tila inseperable kami at di kami mabubuwag dahil sa pangakong walang bibitaw samin. Ito ang kakornihan ng high school na “Friends Forever” Hahahaha! Oo, nakakatawa pero aminin, dumaan din kayo sa ganyan. Ewan ko ba! Ang drama! Hahahahaha! Ang buong akala ko ay ganto nga ang eksena. Ngunit mali pla ako..
Sa pagdaan ng mga araw, linggo, napapansin ko na habang nagiging close kami ni Philip na taga varsity section na ngayon ay tinuturing ko na ring bestfriend. Ay tila lumalayo naman sakin si Art. At sadyang nagiba ang aura nito. Dati rati kasi lagi itong masayahin at maligalig. Di ko alam kung bakit ngunit tlgang di ako mapakali. Though alam kong ayaw nya kay Philip, pero bat kailangan maramdaman ko na unti unti nya ko iniiwasan. Di naman ako mapakali kaya kinausap ko sya one time nung weekend.
Beep. Beep.
“Art! Pare! San ka?”
Beep. Beep.
“Bahay pre”
Beep. Beep.
“Ah, bc ka?”
Beep. Beep.
“Ndi nmn tol, bkt”
Beep. Beep.
“Punta ka haus mya”
Beep. Beep.
“Cge, pnta q mya! C u! c”,) “
Beep. Beep.
“May smiley pa tlga ha. Hahaha. geh, mga 3 ha”
Beep. Beep.
“Yes boss”
Mga bandang alas dos plang e dumating na sa bahay si Art. Nung narinig ko ang pagkatok nya ay agad naman akong bumaba ng bahay at pinagbuksan sya. Pagpasok nya ay agad kaming pumasok sa kwarto at nadatnan nyang nanonood ako ng dvd, Saw II. Tinanong naman nya ko agad bat ko sya pinapunta. Pero sabi ko, “Bored ako dito pre eh. Lam mo naman magisa lan ako dito sa bahay.”,sambit ko. Pero syempre ang balak ko ay talagang kausapin sya at tanungin sa mga strange na kinikilos nya.
Nakaupo kami parehas sa kama ko habang nakasandal sa pader at nakaharap sa tv. After nung Saw II, ay White Chicks naman ang pinanood namin. Kahit na napanood ko nay un ay tawa pa rin ako ng tawa. Ngunit sa panonood namin, napansin kong tulala lan sya pero mukhang calm nmn ang ichura. Nacurious na tlga ako kaya tinanong ko sya, “Art, pansin ko lumalayo ka sa tropa ha. May problema ba?” Ngunit di nya ko pinansin. “Huy ART!! Pare! Tulala ka nanaman! Umiwas ka nga sa tambucho ng jeep!”, pagulat na sinbi ko sknya. Bigla naman syang parang natauhan at sinabi. “Huh?! Ah.. hm.. Inuman tayo tol!”
Nagtataka ko, pero sabi ko, cge pero kmain muna kami ng dinner. Agad akong bumaba at nagluto habang nsa kwarto sya at nanood pa rin. Ayaw ko kasing pinapakialaman ako sa kusina pag ako nagluluto. Hehehe.
Nung kumakain na kami, ay binati nya ang luto ko. “Taena mo tol! Multi-talented ka pala! Singer na, cook pa! Totekk, sarap ng luto mo ee!”, sinagot ko lan ng simpleng “Di naman, gutom ka lang”
Nang makakain ay bumili kami ng matador. OO! Taena tong tropa ko ee. Para tipid daw, hard agad. Wag na daw pa beer beer pa. Pagkatapos ay bumili kami ng ihaw ihaw, candy at mani para pampulutan. Di kasi ako sanay uminom na walang candy. Pagkauwi ay sinimulan naming agad ang pagiinom habang nanonood pa rin ng dvd.
Nakaka dalawang long neck na kami at humihirit na ang pangatlo. Ramdam ko na ang tama ng alak at ganun din sya. Napansin ko rin na parang malungkot ang mukha ni Art. Di pa naman ako sanay kasi sya ang pinakamasayahin saming tropa. Inulit ko na tuloy ang tinanong ko kanina. “Pre, bakit ka nga ba lumalayo? Namimis ka na namin ee.”, tanong ko.
“Ako? Mamimis nyo? Ikaw mamimis mo ko?”, tugon nya sakin. “Oo naman syempre. Bestfriend ka namin diba? Bestfriend kita diba?” Subalit nung sinabi ko ung bestfriend ko sya, dun na nagiba ang reaction nya at nagulat ako sa kinikilos nya. At bigla nyang sinabi.
“Wag mo nga ko pinagloloko! Eh ang bespren mo is yung Philip na yun! E lintik nga kung magsama kayo, e mas nauna mo ko naging kaibigan kesa sakanya! Pero kung umasta sya sayo!” Pagtatampo naman nyan sinabi. “Ayuuuuuun! Kaya pala! Di nga pla nya gustong lumalapit ako kay Philip dahil mainit ang dugo nya dito”, agad agad na sinabi ng utak ko.
“Ikaw talaga. Kung ano-ano iniisip mo dyan! Alam mo naman kaibigan tayo diba? Pagbigyan mo naman kasi yung taong maging kaibigan mo. Mabait naman yun. Tsaka alam mo naman di kita kayang tiisin tol na ganyan ka. Bestfriend nga diba? Sa dami ba naman ng naitulong mo sakin simula nung una ko palang sa school, hanggang sa nangyari samin ni Grace. Pero pre, pakiusap, balato mo na to oh.”, sabi ko sakanya.
Nanahimik sya at nagisip. Maya maya pa’y tumingin sya sakin.
“Ocge, pero sa isang kundisyon” taimtim na tingin nya sa akin. Takte, oo lasing ako nun at may tama pero naaalala ko ung tingin nyang yun. Di ko malaman kung anong tawag dun pero talagang kakaiba at para bang nabighani at na hypnotize ako sa mga mata nya na light brown dahil sa lahing kano nya. Para akong na hypnotize sa tingin na yun. Dun ko mas napagmasdan ang mukha ni Art. Ang gwapo nga talaga nya. Pero sa loob ko din, “teka, ano ba tong pinagsasabi ko, bat iba ang nararamdan ko sa pagtitig nyang un.” Tatanungin ko na sana sya sa kung anong kundisyon ng biglang……….
“Taena.” Napako ako sa kinauupuan at hindi makagalaw. Ramdam na ramdam ko ang pagkakabagsak ko sa kama. Mejo nagulat ako sa pagkakatulak sakin ni Art na nakapagpahiga sakin. Pero ang mas kinagulat ko ay ang naramdamn kong nakahawak sya sa kamay ko at ramdam na ramdam ng mga labi ko ang paglapat ng mga labi nya sakin. Sa totoo lang di ko mapaliwanag yung nararamdaman ko nung panahon na un. May tila kung anong init at kuryente na parang gumagapang sa buong katawan ko at nagsisiksikan sila sa dibdib ko at gustong kumawala sa lakas ng kalabog nito. Bawat hininga nya ay ramdam na ramdam ko. Pati na rin ang init ng katawan nya dahil sa pagkakainom. Ang higpit ngunit banayad na paghawak nya sa kamay ko. Shit, bat ganun. Ano ba to?
Nang naalimpungatan ako ay nakita kong sobra tlgang lapit ng mukha ni Art sakin at dahan dahan nya nilayo ang mukha nya at humiga sa tabi ko. Nung mejo nahimasmasan at parang nag warp in na ko uli pabalik sa relaidad, napatingin ako kay Art. Ayun, tulog. Badtrip! Taena naman neto! Ang daming galaw! Bat ba ko hinalikan nito? Ngunit pinabayaan ko na sya. Sabay biglang nainis!!!! Ako nalang pala magliligpit ng pinag kainan at inuman namin. Pambihirang buhay toh oo! May araw ka din Art!!! Pagtapos mag ayos ay natulog n rin ako katabi si Art.
Kinabukasan, tanghali na kami nagising at nakita kong tulog pa rin si Art. Napatingin ako sa mukha nya at nawari na para syang inosenteng bata sa pagkakatulog. Nang bigla kong maalala ung ngyri kagabi. “Ano nga ba nangyari kagabi?”, isang malaking tanong na sinigaw ng utak ko.” Ano ibig sabihin nun? Di kaya….. “ Pero sa isip ko ay lumalaban pa rin ang paksang, “lasing lang sya..”
Agad akong bumaba upang mag toothbrush, hilamos, sabay luto ng tanghalian. Ganyan kasi ako pag may bisita. Todo asikaso ako. Nang malapit na ko matapos ay narinig kong bumaba na sa kwarto si Art at dumirecho sa kusina sabay sabing, “Taena, sakit ng ulo ko, naparami ata tau. Ang bilis kasi ng inuman natin. Hmmmmm, bango nyan ah, ano yang niluluto mo”, agad nyang bati sakin. Ang masayahin at isip batang ugaling pagbati nya.
Hala, ano to, bat parang walang nangyari kagabi at casual lan sya nakikipagusap sakin na para bang walang nangyari! Gusto ko sana sya tanungin pero naisip ko nalang tlga, lasing lang sya, yun lan yun, pilit na sinisiksik ko sa utak ko..
Lunes, balik skwela nanaman. Pagpasok ko palang ng room ay napansin ko agad na muling pagbalik ng sigla ni Art, ang maharot at maligalig na isip batang si Art. Ang walang humpay sa kakulitan at pangaasar sa mga kaibigan nmin, na sya namang ikinatuwa ko. Pagka kitang pagkakita nya sakin, agad syang lumapit sakin at bumati ng isang maligaya at maliksing, “Good Morning Pre!”
“Taena, ligalig mo ha! Adik sa umaga ang mokong ha!”, pambati ko naman. Agad syang umupo sa tabi ko nung binaba ko na ang bag ko. Sabay sabi, “Pre, pasensya na di kita natulungan magligpit nung naginom tayo nung sabado. Oo nga pala, pinagisipan ko na yung kondisyon ko, at payag na ko kaibiganin si Philip para sayo.” Taena, ano to?! Adik ba to?! Akala ko yung halik na yun ang kondisyon ha. Taena, tama ako, lasing lang sya. Iba pala malasing to! Nanghahalik! Nampucha!
“Tol, kala mo nakalimutan ko ha, lasing ako pero natatandaan ko lahat. Sasabihin ko na sana ang kundisyon ko ngunit nakatulog ako bigla. Lasing na kasi ako. Ang kundisyon ko lang naman ay dapat mas close ka sakin ah, at wag kang maglilihim sakin.”, pangungulit nyang sinabi na parang bata. Natawa naman ako at naisip na mukha ngang lasing lang sya nun, dala lang ng alak ang pagkakahalik nya sakin dahil sabi nya natatandaan daw nya ee.
“Taena, ang dami mong drama! Yun lang pala gusto mo! Di mo agad sinabi! OO na! Basta wag na magiinarte ha! Bwoyset!”, mabilis ko namang tugon. Isang malaking ngiti lang ang sinagot nya sakin, na sya namang ginantihan ko ng isang ngiti din. Sa wakas, ok na ang lahat!!
Pero ang tanong.. magiging ok nga ba?
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment