Tuesday, August 16, 2011

The Letters 8

WRITER:Dhenxo Lopez

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.








March 20, 2009


Hello mister lappy,



Gulat ka ba? Ako rin eh. Isa itong malaking himala. Time check, 8am. This isn’t me. Ha ha ha! Wanna ask why? Well, I’ll be asking Joy out. Magdedate kami. At bakit naman? Inuusig ka na ba nang kunsensya mo dahil muling bumabalik ang pagkabakla mo? Nope! Kung ganun, bakit? Bakiiiittttt? Shut up stupid. Basta gusto ko lang dahil maganda ang gising ko ngayon. This is the moment. Sana nga tama ka. Sana nga mali ako. Tse!

I grabbed my phone and called Joy. Ang tagal niyang sagutin. Naka-ilang dials pa ako bago niya sinagot yung tawag.

“Good morning babe!”

“How are you?”

“I’m fine. How about you?”

“Any plans today before or after work?”

“Ah sige.”

Narinig kong ibinaba niya sa isang flat surface ‘yung phone niya muna dahil may tumawag sa kanya. Boses nang isang lalaki ang narinig ko. Siguro yung kapatid niya iyon.

‘Hon, sino ba kausap mo?’ Yung lalaki. Natameme ako sa address nung guy kay Joy.

‘Bakit mo ako pinapatahimik? Sino ba yan?’

Nakarinig ako nang mga yabag. Papalakas ng papalakas. May dumampot sa unit ni Joy.

“Who are you?” Hindi ako sumagot.

“Are you mute?” Hindi pa rin ako umiimik. Sasagot na sana ako nang muli itong magsalita.

“Whoever you are, stop calling my girl again or you’ll perish!” May pagbabanta sa boses nito at pinutol na ang tawag.

Na-shock ako and hindi ko alam how will I act normally again. Si Joy? Si Joy na dahilan ng pagpapakatino ko! Si Joy na dahilan kung bakit ko tinalikuran ang dati kong buhay at pagkatao! Si Joy na naging buhay ko. Si Joy na . . . CURSE YOU!!!

I grabbed my phone again and texted Allyna.

Hey, I won’t be able to go to work today. May malaki kasi akong problema eh. Need some time for it. Please tell TL about this and the guys if they’re looking for me, especially Chris. Okay? See you soon.

At pinatay ko na ang phone ko. Gusto kong maiyak dahil sa nangyari pero no amount of tears would dare to fall. Dinidikta nang isip ko na why should I spare her a tear after stepping on me, on my pride. Sinasabi naman ng puso ko na let her explain. Let her defend her side. Defend?

Sabi ko na nga ba eh. Mali ang gising mo. Tsk. Tsk. I should have known. Ngayon sinong kawawa? Ayoko makipagtalo sa’yo. Please, gusto ko muna nang peace of mind. Pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang. I needed rest.

Dahil sa pag-iisip ay hindi ko namalayan ang panghehele nang oras sa akin. Nakatulog pala ako ulit.

------

“George wake up!”

Tinig ng isang lalaki? Pagmulat ko nagulat ako sa tumambad sa akin.

“Chris? What are you doing here?”

“Making you your coffee. Here, have a sip.” Pag-aalok nito sa akin.

Tiningnan ko lang siya. Iniisip ko kung bakit siya nandito.

“Don’t worry, may creamer yan.”

Inabot ko na yung mug ko.

“Thanks!”

Pagbalik ko nang tingin sa kanya ay may mga lalaking kumuha rito.

“NOOOOOOOO!!!!!!!!! CHRIS!!!!!!!!!!!!!!!!”


------

What a bad dream! Bad dream nga ba? Hindi naman eh. When I look at my clock, napabalikwas ako nang bangon. Mag-1:10 pm na, papasok ako. PAPASOK AKO. Hindi ako papatalo sa emotion ko ngayon. I have to move forward without Joy in it. Kailangan kong bawiin ang sarili ko.

Dali-dali akong pumasok ng banyo at naligo nang matapos ay kumuha nang damit sa cabinet at agad sinuot. Halos takbuhin ko na ang elevator ng building sa sobrang pagmamadali. Muntik na naman akong mag-hyperventilate buti na lang naalala ko yung tinuro saking deep breathing exercises ni madam nurse.

Mukha akong tanga habang nag-DBE sa loob ng elevator. Natawa pa ako sa hitsura ko na pawisan at nakanguso sa reflection ko sa loob. Nang makalabas na ay agad akong tumakbo ulit para makaabot on time.

Nakita ko si Chris na nakaupo na sa station niya. Since nakaabot naman ako bago magstart ang classes ay nagawa ko pang ayusin ang sarili ko. I put my things over the table at walang sabi-sabi’y inumpisahan na ang klase.

Ramdam ko na Chris has something to ask base na rin sa reaction niyang pasilip-silip sa cubicle ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya or shall I say does he has to know about it. Napabugha na lang ako nang hininga. I’m trying my best to focus on my lectures. I’m doing a great job – knowing Chris is beside me. Hush!

When I got the chance to look at him, huli! Nakatingin nga siya sa akin. Bakit ganun? Bigla siyang natakot ng magtama mga tingin naming dalawa? Agad niyang binawi yung tingin niya sa biglaang pagiging tense.

“Ahhh.” nausal niya nang muling tumingin sa akin.

Tinaas ko ang aking kilay bilang sagot sa sinabi niya anticipating for calming words from him.

“George salamat kahapon.” he managed to say atleast.

I tried my best to give him a smile, yung hindi pilit. I guess I succeeded. Nagpahid na rin ako nang pawis na kanina pa tumutulo sa noo ko. Somehow, nahiya ako sa hitsura ko.

“George, is everything okay? I heard na problemado ka daw sabi ni Allyna? Maybe I could help.” sabi niya without even hesitating if I would refuse or not although natuwa ako sa inakto niya.

“No. Thanks.” matipid kong sagot after debating with myself if I should entrust the matter sa kanya.

“Ahh okay.” he said, dumbfounded.

------


Hours passed and still I kept my mouth shut unless may importanteng query si Chris sa akin. I don’t mind what he thinks about me as of the moment. I’m still battling kung sasabihin ko na ba sa kanya na I have problems with Joy.

I didn’t notice na dinner break na pala at hindi pa ako aware sa time kung hindi pa ako tumayo si Chris. Without uttering any words, I grabbed his hand. Napatingin itong bigla sa akin.

“Saan ka pupunta?” tanong ko na nararamdaman ang pag-akyat ng dugo sa mga pisngi ko.

“Ha? Bakit?” nagulat at natakot niyang tanong.

“Wala lang. Sorry kanina ha? Medyo iritado ako kasi ang init sa labas. Tapos muntik pa akong malate.” Pagsisinungaling ko. Although, mainit talaga sa labas but it doesn’t justify my rudeness sa kanya.

“Ahh Okay. I understand.” Paniwalang sabi nito sabay ngiti.

“Ang cute ng ngiti mo.” Nagulat na lang ako sa kusang lumabas mula sa bibig ko.

“Ha?” Maang na sabi niya.

“W-wala sabi ko san ka pupunta?” sabi ko at binitawan na ang kamay niya dahil nararamdaman ko nam naman that familiar spark I had with my ex-bf.

“Ahhh dinner time. Kakain ako sa baba.” sabi niya.

“Ahh nice.”

Then there's an awkard silence.

Ano tutunganga ka na lang ba dyan at magfu-food vigil ka? Jusko George, dalian mo na dyan. Pack your things. Hindi naman ata tama na pinaghihintay mo si Chris. Dahil sa sinabi nang bakla kong ego, bumalik ako sa sitwasyon namin ngayon. Inayos ko na nga ang mesa ko and kinuha yung bag sabay tayo.

“Tara?” Offer ko sa kanya.

“Ha? Saan?” Anticipating niyang tanong sa akin. Lihim akong natawa sa gesture niyang iyon.

“Dinner.” Maikli kong sagot sa kanya.

Hindi ko na pinatagal pa ang pagmo-moment niya dahil hinatak ko na agad siya. I wanted to feel security kaya naman I held his hand interlocking on mine. Pagkarating sa baba ay agad din akong bumitaw dahil sinakluban ako nang espiritu ng hiya.

“Where do you want to eat?” Tanong ko.

“Ahm, anywhere.”

“Okay let me think. As far as I remembered, walang resto or chain na may pangalang anywhere. Do you know where that place is?” Pang-aalaska ko sa kanya.

Natawa naman siya.

------

“Titingnan mo na lang ba phone mo? Aren’t you going to answer it? Malay mo important yan.” Sabi ni Chris sa akin dahil may katagalan na pala akong nakatingin sa unit ko.

Babe Joy calling. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon after seeing her name flashing on my screen.

“Ah, you think so?” Balik tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya.

“I don’t think so.” Sabay patay ng phone at isinilid sa bulsa ko at nagpakawala ulit ng malalim na hininga.

“Mukha kang problemado talaga. Is everything fine?”

“Yeah.” Simple kong tugon.

Muli nag-ring yung phone ko.

“Sagutin mo na yan. Kanina ka pa tinatawagan niyan ah. Sino ba yan?”

“None of your business.”

“Ah, o-okay. Sorry!”

Nanaig na naman saming dalawa ang katahimikan. Hindi namin kapwa alam kung paano magsisimula nang conversation.

“What if you found out that, in your case, your guy was cheating on you?” Pambabasag ko.

Napamaang siya sa biglaang tanong ko sa kanya.

“Ah, eh. I . . .”

Di ko na siya pinatapos at muling nagsalita. “Sa tingin mo ba eh magagawa kong manloko?”

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

“Bakit nga pala kita tinatanong agad ng ganyan eh kakakilala pa lang natin.”

Kinuha ko yung baso ko at uminom.

“Do you think it would be fair if I play the game she started?”

“Hindi.” Seryoso niyang tugon.

Tiningnan ko siya sa mata. Unti-unti na akong pinaghaharian ng galit.

“That’s fair Chris! That’s fair!” Hindi ko maiwasang hindi magtaas ng boses.

“Hey calm down! Calm down! Hindi ko alam kung saan nagmumula yang galit mo but I think kailangan mo ring marinig yung paliwanag niya.”

“Hindi na kailangan. Narinig ko na ang dapat marinig. I’ve been fooled!”

“Pero. . .”

“Let’s go.” Sabay tayo na.

Walang nagawa si Chris kundi ang sumunod sa akin.

Tahimik kami kapwa habang naglalakad pabalik ng building. Walang may gustong magbukas ng topic. I tried at least not to make him feel na sa kanya ko ibinubunton ang galit ko.

Nagtataka si Allyna sa ikinikilos naming dalawa nang makarating na kami sa station. Kinukulit niya si Chris pero no comment naman ito. Hindi na ito nag-atubili pang magtanong sa akin dahil nag-umpisa na akong mag-lecture.

------

“Ah, George let’s go.” Aya ni Chris sa akin.

“Okay.”

Inayos ko na station ko at kinuha ang bag bago tuluyang umalis.

Gaya kanina ay wala pa rin akong imik habang naglalakad palabas ng building. Masyado akong pre-occupied kaya hindi ko napansin ang isang babae sa labas.

Wala ako sa sariling pumara nang taxi at iniwan si Chris. Napalingon na lang ako nang marinig kong sumara iyong kabilang pintuan. Galit ang rumehistro sa mukha ko.

“You leave or I leave!” Pagbabanta ko.

“Walang bababa. We need to talk!”

Masyado na akong pagod para makipagtalo pa. Gusto ko nang umuwi kaya naman hinayaan ko na siya sa gusto niya.

Pilit kong pinapasaya ang sarili sa mga nadadaanang mga street lights. Mas maigi na ito kesa naman kausapin siya.

------

“Get off!” Pilit kong tinatanggal mga kamay niya sa pagkakayakap sa akin ng maisara ang pintuan.

“I’m sorry babe. I’m sorry.” Panimula niya.

“Sorry? Sorry for breaking my trust or for fooling me or both?”

“Hindi kita niloko at hinding hindi ko yun magagawa sa’yo.”

“Oh really.”

“Pinsan ko yung nakausap mo kanina. Niloko ka lang niya. Please maniwala ka naman sa akin.”

“Hindi ko alam kung paano pa maniniwala sa’yo Joy.”

“Listen to what your heart tells you.”

“My heart’s telling me that I’m hurting because of you.”

“Then let me prove myself again.”

“Does that make any sense huh?”

“Oo kasi I’m afraid to lose you.”

“Dapat naisip mo na yan bago ka nagloko.”

“I’m telling you, hindi kita niloko. Believe me George, babe.”

Hindi ako sumagot.

“Gabi na, umuwi ka na.” Pagtataboy ko sa kanya.

“No, hindi ako uuwi hanggang di tayo nagkakaayos.”

“In time. Hayaan muna natin ang isa’t-isa na hanapin ang sarili. It will be beneficial to both of us.”

Nagpakita siya nang sign of defeat by nodding.

“Hatid na kita.”

------

After kong makabalik. Agad kong tinawagan si Chris.

“Hi!”

“Ahm, I’m fine.”

“Nakauwi ka ba nang maayos?”

“Ah okay. Nga pala sorry kanina.”

“Bawi ako sa’yo soon.”

“Basta. Okay?”

“O siya good night. See you sa office tomorrow.”

At pinatay ko na ang phone ko.

So ‘til next time lappy,

George.

3 comments:

silhouette said...

yay!! may update na!!
sa sobrang excitement nag-comment na ako nang hindi pa nababasa XD

Addy said...

parang naiba ata style of storytelling. taglish na parang nakakalito. hmmm....

yanmaneee said...

curry 6
nfl jerseys
nike shox for women
goyard tote
goyard
michael kors outlet
cheap nfl jerseys
curry 6 shoes
nike air force 1 high
supreme new york