Sa mga taong naghihintay po sa story na ito, ako po ay lubos na nagpapasalamat. Salamat din po sa mga taong nagbibigay ng opinyon nila tungkol sa aking ginawang story. Natutuwa po ako talaga.. :))
Sana patuloy nyo pong suportahan ung story at patuloy na magbigay ng opinyon. Sa mga comments nyo din po kasi ako nakakahanap ng inspirasyon para mas pagbutihin ko po ang pagsusulat.. :))
Enjoy!!
----------------------------------------------------------------------------------------------
“So, you must be Mr. Jerry Cruz.. I’ve heard so much about you..”
Isang boses ang narinig ko ng papunta na sana ako sa kusina upang tumulong sa pagluluto. Paglingon ko ay nakita ko ang isang gwapong lalake. Maganda ang hubog ng katawan, body beautiful talaga. Mejo light brown din ang buhok, mahaba ang pilik mata, browneyes! Manipis ang labi, maputi at ang kinis! Halatang may lahi! Pero teka, sino ba tong lalakeng na to na biglang umappear out of nowhere. Sang lupalop ba to ng lupa nanggaling? At tsaka bat nya ko kilala?! Ano ang pinagsasabi nyang Ive heardso much about you?! Pamilyar ang mukha nya pero di ko lubos maisip san ko sya nakita. Napansin ko nlng na biglang lumapit si Art sakanya at umakbay dito. Mas lalo naman ako napanganga sa pagtataka. Sino nga ba tong lulukil na to?!
“Jerry, meet my older brother, si Kuya George.”, sabay abot ng kamay ng kuya nya sakin.
Ayun! Kaya pala he looks family! E kuya naman pla ihh!! Kaya pala he looks familiar dahil sa photo frame sa main sala nila Art. Shunga din ihh! Pero agad naman ako nagpakilala at nakipag kamay. Ang lambot ng kamay nya ha. Pero firm ko tong kinamayan at sinabi, “Jerry nalang po”.
“I know, mom and dad has told me so much about you. I’m glad I finally met you”, sabi ng kuya nya.
“Nice meeting you too. Thanks.” Magpapaalam na sana ko ngunit dumating naman ang isa pang lalaki, kamukha din to nila Kuya George at Art kaya malamang kapatid din ito ni Art, si George. “Hey there” nakangiting sabi sakin nito.
“Hi, Im Jerry. You must be Albert, Art’s little brother?”
“Yeah, It’s such a pleasure to meet you. Kuya Art told me youre good in cooking, yeah?” Sabay tingin kay Art. Ngiti lamang ang ginanti nito.
“Well not really. But since I live alone I had to learn how to do things on my own.” Simpleng tugon ko dito.
“Great! We’ll have some of ur dish later. But first, lemme help you with the cooking.” Masigasig na salita nito. Manang mana kay Art, isang taon lang ang tanda ni Art pero halatang parehas silang isip bata. Agad na kami nagtungo sa kusina at tumulong sya sa paghihiwa ng mga kailangan ko.
“I heard you and kuya are tight!”, sabi ni George.
“Yeah, we’ve been friends since my first day in high school. He’s a great guy.”
Isang ngiti lang ang tinugon nito sakin.
Magdadalawang linggo nang ganto ang aking set up. Pagkatapos ng mga kailangan kong gawin sa school ay agad akong dumidirecho kaila Art. Minsan ay nakakasabay ko si Philip pero nawalan ako ng time ng mga panahong yun saknya dahil mas inuna ko ang lamay ni Tito Lance. Alam ko din naman na maiintindihan nya ito.
Huling gabi na ng lamay ng ama ni Art, kaya naman ramdam ko na ang pagod dahil sa dalawang linggong puyat sa pagtulong sa lamay.
Pagtapos ng lahat ng kailangan gawin ay umakyat na kami ni Art at pinaliwanag sakanya ang lessons na namiss nya dahil hindi pa sya nakakapasok sa school uli. Nasa kalagitnaan ako ng pageexplain ng bigla syang yumakap sakin.
“Tol, maraming salamat sa pagdamay at pagtulog mo sakin. Hinding hindi ko makakalimutan to. Makakabawi rin ako sayo.”, mangiyak ngiyak na sinabi nya sakin. Alam kong di nya gaano ma absorb ang tinuturo ko sknya kaya nagpasya ako na matulog na kami. Halata rin sakanya ang pagod dahil dalawang linggo din itong hindi kumakain at nagpapahinga ng tama. Kitang kita ditto ang pagbagsak ng katawan. Kahit naman sino sigurong mamatayan, ay ganto ang magiging kalagayan. Kaya napagpasyahan ko na magpahinga na muna kami. Nahiga na kaming dalawa. Nakatihaya ako at sya naman ay nakagilid paharap sakin. Tanging ilaw lang sa labas ng kwarto na lumulusot sa ilalim ng pinto nya ang source ng ilaw sa loob kaya madilim. Maya maya pa’y muli nanamang umiyak si Art. Malamang, naalala nanaman ang kanyang ama. Alam kong mahirap ito para saknya dahil hanggang bukas nalang nya makikita ang kanyang ama.
“Je.. Jerry.. p..pwede mo ba kong yakapin?”, nagmamakaawa nyang sinabi sakin. “Oo naman” at dun nga’y kinuha ko ang ulo nya at pinahiga ko sya sa braso ko habang ang isang kamay ko ay nakayapakap saknya. Sya naman ay nakatagilid at nakadantay ang isang paa sakin at isang kamay naman ay nakapatong sa aking dibdib. Hinayaan ko syang umiyak buong gabi at wala akong balak patahanin sya. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan nya. Hinayaan ko lang syang umiyak at hinahaplos haplos ang kanyang likod at pinaparamdam ko saknya na di sya nagiisa. Ramdamko sa pagkakayakap nya sakin ang bawat hinagpis nya. Sa aking pagkakahiga ay di ko naman din maiwasan na di mapaluha. Nakakadala ang kaniyang pag iyak at meron na rin akong emotional attachments para sa pamilya ni Art.
Nakallipas ang ilan pang mga minute at nasa ganoon kaming posisyon ng biglang may nagbukas ng pintuan at binuksan ang ilaw. Dahil sa medyo matagal na kami nakahiga sa dilim, ay mejo nasilaw ako sa biglaang liwanag. Nang naka adjust na ko uli ay nakita ko si Philip na nakatayo at halata sa mukha ang pagkagulat sa nakita. Nang bigla itong magsalita.
“Dinalhan kita ng tubig. Checheck ko sana kung okay ka. Pero mukhang ok ka naman dyan.” Sabay lapag ng tubig sa table na nasa tabi ko. Magpapasalamat sana ako ngunit agad agad naman itong lumabas ng kwarto. Gusto ko sana syang sundan ngunit nakatulog na sa kakaiyak si Art at nakayakap pa rin ito sakin. Hindi ko nalamang pinansin at saka nalang magpapaliwanag. Bago pa matulog ay inayos ko ang pagkakayap sakin ni Art at niyakap sya at binulong sakanya. “Wag ka magalala, andito lang ako..”
Araw na ng cremation ng Daddy ni Art at lahat ay nakasakay na sa sasakyan papunta sa huling pagdadausan ng last service. Nang nagsimula ang mass ay isa isa namang nagsalita ang ina at mga anak ni Tito Lance. Lahat ay tahimik at karamihan ay umiiyak. Dun ko nalaman na marami palang natulungan ang pamilya nila Art. Dumating din kasi ang pamilya ng mga natulungan nito upang ihatid sya sa kanyang huling hantungan. Nang si Art na ang magsasalita, lahat ay nanahimik dahil alam ng lahat na sobrang dikit nito sa kaniyang ama. Kaya gusto nila lahat marinig ang sasabihin nito.
“Today, im not just going to lose a dad. But rather, a bestfriend. He has been my refuge and source of strength. He has been there to here me out in almost anything. Even my first heartache, he was there to give me support and made me feel whole again. My dad has been a big inspiration in my life and always will. Today, im not going to tell you about how good he was to me. For I know, most of you have an idea of what kind of man he was. Instead, I wanna share you some things you probably didn’t know about my dad. I would miss how he would neatly place his papers beside his plate before breakfast, how we would watch family movies and cry about its touching parts. The way he laughs as if he was going to have an heart attack, no one laughs like my dad used to. The times when I had my tantrums and he would go to my room talk to me man-to-man. And what I would miss the most is how my dad would kiss my mom before leaving for work. It always reminded me of how he loved us, his family. It wouldn’t be easy for me to move on and carry this throughout without the support of my family and friends. Truly, I am thankful indeed. To my mom, I know this also wouldn’t be easy for you, but I want you to know that we, your children,will carry our dad’s name with pride and dignity. To my siblings, though distance has set us apart, I truly feel how much you guys loved our dad. We would talk about you guys every now and then. I hope that we will continue to do the good works that dad has started. And to you, thank you for being there for me, for making me feel I am not alone and never will be alone. We are glad to have you in the family.”
Naiyak ako sa sinabi nyang yun. Kahit mga simpleng bagay lang ang sinabi nya, pero totoo, hindi nya na uli mararanasan yun. Wala na si Tito Lance. Na touch din ako dahil he thanked me during his speech. Pagbabang pagbaba nya ay nilapitan nya ko at yumakap. Ginantihan ko naman ng yakap at umiyak na rin. Naging napaka emotional at depressing nung araw nay un para sa amin. Kahit ako man ay di alam kung pano sya icocomfort. Ngunit sa isipan ko’y napagdesisyunan kong tutuparin ang pinangako sa pamilya ni Art. Sa pagdala sa huling hantungan ni Tito Lance ay naghandog ako ng awitin pamamaalam. Request na rin kasi ito ni Tita Marissa. Kinanta ko ang kantang, “What Matters Most”
Halos di ko makanta ng buo dahil kahit ako ay naiiyak na talaga. Ramdam na ramdam ko na ang pamumuo ng mga luha ko sa aking mga mata. At minsan pa’y may mga nakakatakas na luha. Ngunit pinilit kong hindi umiyak at pinagbutihan ang pagkanta.
Nang dinala na si Tito Lance ay nandun kaming lahat. Lahat ay nagiiyakan at nagbibigay ng kanya kanyang huling mensahe kay Tito Lance. Miski ako ay nagpaalam din sakanya. Nagpasalamat ako sa kabutihang ipinakita nya sa akin. Kahit ako ay umiiyak na din. Naramdaman ko naman ang mahigpit na paghawak sa kamay sakin ni Art, at hindi naman ako pumalag. Kahit medyo masakit na dahil buong pwersa ang pagkakahawak nya sa kamay ko ay hinayaan ko lang sya. Habang nakatalikod sya ay hinahaplos ko ng isang kamay ang likod nya at isa namanay nakahawak pa rin. Halos magwala sa iyak si Art, at wala akong magawa, hinayaan ko lamang ito dahilkahit mismo ako ay di ko maimagine ang sakit na nararamdaman nya.
Kasalukuyang cinecremate si Tito Lance, at kami lahat ay nasa parang hall at naghihintay. Maya maya pa ay nagserve muna kami ng lunch sa mga bisita. Bigla kong naisip si Philip kaya hinanap ko ito. Nakita kong katabi nya sila Jenny, kaya kumuha ako ng isa pang set ng packed lunch para saknya dahil nakita ko ito na di kumakain.
Nang makalapit kay Philip ay di ako pinansin nito, Nagtataka naman ako dahil hindi naman sya ganito. Usually ay pag nakikita ko nito ay babatiin ako nito.Ngunit ngayon ay ni hindi man lang nya ko tiningnan. Nang tanungin ko naman sya kung galit ba sya o may problema ba ay iling lamang ang ganti nya sa akin.
“Dun ka nalang kay Art. Mas kailangan ka nya.”, nagulat akong sinabi nito. Halatang cold ang pagkakasabi nya. Bigla kong naaalala ang pagwawalk out nya nung makita nya ko kinagabihan na nakayakap sakin ni Art.
“Philip, is this about what you saw last night? Wala yun, I was just trying to..”, ngunit cinut nya ako.
“You know what, it doesn’t matter what I saw. Besides, I don’t care. Pwede, just leave me alone for now?!”, matigas na sabi nito.
Aba, halos umakyat ang lahat ng puyat kong dugo! Nagpintig talaga ang mga tenga ko sa narinig at naisip na sobrang selfish naman nitong taong to! Ano bang problema nya?! Pero dahil sa sobrang inis ko, nagsalita ako at nagwalk out. Iniwan ko sakanya ang mga katagang,
“Just so you know Philip, not everything is about you.”, sabay tuloy sa pagwawalk out. Napatulala naman ang mga kaibigan naming nakasaksi sa mga pangyayari. Pero dedma! Mas nangibabaw ang inis at galit ko! Punyeta! How insensitive can he be?! Di ko akalaing ganto sya.Pambihira! I have so much to think about rather than his tantrums.
At yun na nga, simula noong araw nay un ay din a kami nagusap.
Balik eskwela na uli. Maging si Art ay pumasok na muli. Ngunit bakas na bakas pa rin sa mukha nito ang pagkalungkot at tamlay. At syempre, kaming mga bestfriend nya ay nakiramay para sakanya at inintindi sya kahit pa naging medyo moody na sya at nawala na ang pagka masiyahin. Inintindi namin na di madali ang bumawi mula sa ganung kalungkutan.
Hindi lang ito ang nagbago. Magkagalit parin kami ni Philip. Hindi na kami naguusap or txt man lang. Hindi na rin nya ko hinihintay sa babaan ko ng jeep at di na rin kami sabay umuwi. Hindi ko alam kung bakit pero sa ginawa nyang yun ay labis akong nasasaktan. Pero nagmatigas ako. “Tang ina! Sino ba sya?!”, sabay simangot sa sarili. Hindi na rin nakatiis sila Ben at Jenny kaya nagpasya akong kausapin ni Jenny.
“Hoy Jerry, ano bang eksena nyong dalawa ni Philip?”
“Jenny, alam mo naman siguro ang nangyari, imposibleng hindi sabihin sayo ni Philip ang nangyari. I don’t even know know kng ano sinabi nya sayo, pero I simply don’t care anymore..”
“E gaga ka pla e, kaya nga ko nagtatanong dba? Edi, wala akong alam, may sinasabi man sya pero pache pache lang. Kulang ang info. Kaya nga tinatanong kita.”
“Hmm, ok, it all started nung nakita kami ni Philip sa kwarto ni Art.....”
Natahimik ako. Hindi ko alam pano ko ipapaliwanag at ikkwento..
“Oh, tapos? Baka gusto mo ituloy?! Nampucha naman kayo magkwento oh!”
“I was giving comfort kay Art. Umiiyak sya noon at…. At nakayap sya sakin. Niyakap ko din sya dahil alam kong masakit sa kalooban nya ang nangyari.”
"Oh tapos..?"
"Anong oh tapos ka dyan, yun lang.."
“YUN LANG?! Sus! I was right all along! Hahaha!”
“Right with what?”
“Ah, basta! Pero susme naman! Shunga talaga nun! Ang selfish nya ha, di man lang ba nya naisip na nategi ang fadir ni Art?! Nakakaloka! O sya, ako ng bahala sa gulong ito. Ewan ko sa inyo! Bwahahaha! CONFIRMED!!!”
Makalipas ang ilang linggo, medyo nasanay na ko na hindi na kami magkasama ni Philip. Hindi na rin kasi sya sumasabay sakin sa lunch. Hindi na rin kami sabay pumasok at umuwi. Hindi na rin ako tumawag o nagtext pa. At ang pinagka abalahan ko nalang ay ang pilit na pagiintindi kay Art. Ngunit dumating ang isang araw na di nanaman nagpapasok si Art. Tinetext at tinatawagan ko ito ngunit di naman ito nagrereply. Pati ako apektado na sa mga nangyayari.
Sa pang apat na araw na di pumapasok si Art, ay nakatanggap ako ng tawag sa aking cellphone. Si Tita Marissa, ang mommy ni Art.. Kinakabahan akong sinagot ito pero sinagot ko na rin..
“Hello Tita…..?”
“Jerry, anak.. si Art…”
1 comment:
Waaaaa! 'What matters most' talaga ang kanta. Huhuhu...
Post a Comment