Friday, August 26, 2011

Meet Up

Inilibot ko ang aking pagal na mata sa restaurant. Ginalugad bawat sulok, wala sya. Nakita ko ang hagdan sa gilid. Binaybay ko ito at nakita ko sya doon sa ikalawang palapag, nakaupo sa gilid. I looked at him for a while. He looked really nice. He was seated east kaya kita ko ang kanyang mukhang tinatamaan ng araw. He looked so fine. I smiled seeing his nose being touched by the morning sun.

It's nice to see him again after a month.

Napalingon sya sa akin. Our eyes met. I froze for a moment.

Nagbuntong-hininga ako. I saw you beam that bittersweet smile. Dahan-dahan akong naglakad papunta sayo. Nagtitigan tayo, I know you're nervous.

Umupo ako sa harap mo. Nagtitigan lang tayo.

“Ka-kamusta?”

I tried to break the silence. It's noticeable that you were breathing irregularly.

“I'm good. I'm good.” natataranta mong sabi

I just smiled. Nauutal ka pa rin kapag kinakabahan.

“Don't be nervous.” sabi ko

You smiled.

Dumating ang inorder mo para sa ating dalawa. Same set of food.

“Kain na.” aya mo

Kumain tayo. Walang kibuan. Hindi natin alam kung bakit. Nakaramdam ako ng ilang. Hindi ko maintindihan. We went here to fix possible things up pero wala namang gustong magsalita sa ating dalawa.

“Kamusta ka?” tanong mo

Napatingin ako sayo. I sensed sincerity.

“Would you take it against me if I answer that question with a cold stare?”

You smiled. Alam mo kung gaano ako kasarcastic.

“Sorry for asking that question. I know you're not.” sabi mo

“I'm trying to be okay. As far as I know I'm doing great.” sabi ko

“Galit ka ba?”

“Kanino?”

“Sa akin?”

Napaisip ako. Ano ba talaga ang nararamdaman ko? Galit ba ako? O nanghihinayang? O pareho? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung galit ako. Bakit ako nakipagkita sayo ngayon kung galit ako? Meron pa bang kakarampot na pagasa sakin na maayos natin ang mga bagay-bagay?

“Hindi ko alam. I honestly don't know.”

“I want to apologize.”

“Sana ganon kadali.”

“It's not. I know. I know you, it would take time para mapatawad mo ako sa lahat ng nangyari.”

“I think so.”

Kumuha ka ng tissue sa holder. You wiped your lips. You composed yourself. I sensed na nahihirapan kang magsimula ng conversation. Halata sayo na nangangapa ka pa kung paano mo ieengage ang mga sarili natin sa mga usapang nagpapaabot sa atin ng umaga sa mga coffee shops. Sa loob ng isang buwan na hindi natin pagkikita, pakiramdam ko ay ang layo-layo na natin sa isa't-isa.

“Honestly, di ko alam kung anong paguusapan natin.”

“Eh di sana pala di na ako nageffort na pumunta dito?” sagot ko

“Sorry. Gusto ko lang sanang makausap ka ulit. Alam naman nating dalawa kung ano yung mga nangyari.”

“Gusto mong pagusapan nating dalawa yung mga nangyari? Siguro ka ba dyan?”

Natahimik ka. Alam mo na kapag pinagusapan natin ang mga nangyari, impossibleng hindi bumuhos ang mga luha.

“Alam mo kung gaano ako nagsisisi sa mga ginawa ko.” sagot mo

“Alam mo naman palang magsisisi ka, bakit mo pa ginawa?”

“Hi-hindi ko alam. Naramdaman kong mahal ko sya.”

“Masaya ka ba?” tanong ko

“O-oo.” mahina mong sagot

“Kung masaya ka, wag kang magsisi, ayos lang ako. I mean magiging ayos din ako.” sagot ko

Ikaw ay nagbuntong-hininga. You're getting adjusted.

“May mga tanong pa ako.” sabi mo

“Ano yun?”

“Tell me something about him. Would you?” tanong mo

I looked in disbelief. Are you really doing this? Bakit sakin pa? Why do you have to remind me of something I don't want to be reminded of?

“What do you want to know?” tanong ko

“What is he like?”

“He's, he's a good guy.” tipid kong sagot

“I know that.”

Sumandal ka sa upuan. Your eyes are locked on me. Alam kong nakikinig ka sa mga sasabihin ko. Kilala kita.

“He calls me every now and then to check if I'm okay.”

You were listening. I felt the sense to continue. Obligado.

“He likes to play PSP.”

“He has this toy plane na binili namin sa Singapore.”

“He's moody.”

“He likes surprising and surprises.”

Pakiramdam ko ay bumibigat ang dibdib ko. Pakiramdam ko sinasaksak ng dahan-dahan. It's killing me slowly, every word is killing me apart.

“How about him being a significant other?” tanong mo

“He's an interesting character. Hindi ka mabobore. He's very particular with promises.”

“I see. Thanks.”

Hindi na ako umimik. Nagbill-out ka at wala tayong kibuang lumabas ng restaurant.

“Ihahatid na kita sa office nyo.”

“Hindi na. I'll take a cab.” pagtanggi ko

“You sure?”

“Yep.”

“Salamat sa time. Salamat at kahit alam kong galit ka, nakipagkita ka pa rin.”

“I'll be fine.”

“Bestfriends still?” tanong mo.

Hindi ako umimik. Ngumiti lang ako. You smiled. Alam kong nasaktan ka. Kulang ka sa atensyon, kapag di kita pinapansin dati alam kong nagtatampo ka.

“Ingatan mo sya, para sa akin.” sabi ko

Pumatak ang luha mo.

“Oo. Iingatan ko sya para sayo. Salamat. At sorry.”

I smiled.

“I hope to see you again, best.”

“I'm not sure.” sagot ko

Pumara ako ng taxi.

“I wish the two of you happiness. Take care of my boyfriend, I mean my ex-boyfriend, dearest bestfriend.”

You wiped your tears. You managed to force a smile.

Tumalikod na ako. Sumakay ako ng cab.

“Manong, Timog tayo.”

Pinaharurot ng driver ang sasakyan.

Nakita ko ang sarili ko sa salamin. May luha na pala ang aking mga mata. Ganoon siguro talaga ang buhay. Minsan, dapat nating matanggap na kayang sirain ng pagibig ang isang pagkakaibigan. Dapat din nating piliting tanggapin ang katotohanang ang tao'y marupok sa temptasyon.


W A K A S

2 comments:

Unknown said...

hahha.
pacomment lang Rovita.
kunga ko to:
“Tell me something about him. Would you?” tanong mo

I looked in disbelief. Are you really doing this? Bakit sakin pa? Why do you have to remind me of something I don't want to be reminded of?

“What do you want to know?” tanong ko

“What is he like?”


malamang nasagot ko to ng "You don't have the right to know."
PAK!

Lawfer said...

how sweet...knina hbng nsa chatango aq ni ampalaya naicp q, “alin ang matimbang, kasintahan m o bestfriend m?” and it seems like d question in my head’s already answered after reading this ^w^