Saturday, January 29, 2011

Torn Between Two Lovers?

Well, story to tungkol sa buhay ko. Actually, matagal ko ng gusto isulat to kaso parang nahihiya ako sa mga makakabasa nito dahil malalaman nila ang totoo and baka may mga taong makakilala sa akin dahil dito. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Haist. Well, love story kuno ito kaya sana mapagtyagaan na lng ng magbabasa nito. Hahah.

Ako nga pala si Dhenxo, ngayon ay 21 years old na at nagtatrabaho bilang urse sa isang public hospital sa probinsiya namin. Masasabi kong naging makulay ang buhay-college ko dahil sa kwento kong ito. Bale 3rd year college na ako nun ng tumibok ang gago kong puso. Aba, crushes lang naman ako nung mga time na yun kaso iba siya. Well, di naman ako gwapo, di din naman pangit siguro saktong tao lang. Ordinary looks lang kumbaga. Tsaka taong skul-bahay lang ako nun pwera na lang kung may lakad kami nang barkada. (FYI, Federasyon Linis Tubo o FLT ang pangalan ng grupo namin. Napagkatuwaan lang namin un, di naman obvious na may gay samin bi siguro pede pa.)

Naglalakad ako nun with my new friends (kasi iba na sked ng mga barkada ko) sa hallway ng biglang may bumunggo sakin at malamang napaaray ako, "Ouch! Ano ba naman yan!" medyo inis kong sabi. Sino ba naman kasing tanga ang tatakbo sa hallway nang ganung oras at may nagkaklase pa. Tiningnan ako nung lalaki, "sorry po, di ko sinasadya. Nagmamadali lang po kasi ako." sabay karipas ng takbo. At nalaman ko agad ang dahilan. Hinahabol siya nung teacher naming thunderbird (matanda). Galit na galit, papunta sa direksyon namin. Syempre kabado kami baka kami ang pagalitan. Nung huminto siya sa harapan namin bigla niyang sabi, "bullshit you nursing students!"

Aba, nagulat naman kami. Lahatin daw ba kami. Naguguluhan man kami di na namin nagawang itanong pa kasi baka kami pa ang mapagbuntunan ng galit niya. Bigla na lang din siyang umalis.

"Punyetang matanda un, bullshit daw tayo! Inaano ba natin siya.." sabi ng isa kong friend.. nagkibit balikat na lang kami ng kasama ko. at ayun tuloy kami ng lakad. Diretso kami ng canteen para magmerienda. Siyempre, yung paborito ko ang binili ko (gatorade na grapes flavor tsaka eaji chips na may cheese dip). habang nakapila sa may counter, kinukulit ako nang isang friend ko.

"Hoy friend, kailan mo ba papakilala samin yang gf na sinasabi mo baka mamaya niyan magulat na lang kami at hindi gf kundi bf yan huh." tanong nang mahadera kong friend na si Xyza.
"Oo nga naman. Masyado na kaming curious and besides bakit hubby tawag mo sa kanya? Ha?" sabi naman ni Febbie.
"Sabi niya hubby daw itawag ko sa kanya eh. Ano ba ibig sabihin nun?" painosente kong tanong.
"Engot, hubby means husband." Nagulat ako na husband pala ang hubby.
"Palibhasa kasi pulos libro at notes ang inaatupag kaya pati hubby hindi alam." sabay bumirit ng halakhak ang mahaderang Xyza.
"Lakasan mo pa ang tawa hindi ko pa kita ang lalamunan eh." buwelta ko. Tumigil naman siya agad.
"Pero friend huh, kung totoo man yung hinala namin diyan sa gf mo, pasensyahan na lang." pagbabanta ni Febbie.
"Kahit kailan napaka-SUWERTE ko at naging KAIBIGAN ko kayong dalawa. Napaka-SUPPORTIVE niya sa akin." sabay irap sa kanila. Ang mga walanghiya, nagawa pang tumawa. Dehado talaga ako pag ganito na ang topic namin eh.

At ayun, naglalakad kami ulit sa hallway habang kumakain pabalik sa classroom. Nagulat ako ng lumapit sakin ung lalaking nakabunggo sakin kanina.

"Ahm, kuya sorry po kanina." sabi niya. Teka, bakit kuya? Ganun na ba ako katanda?
"Kuya? Teka nga, anong year ka na ba?" tanong ko sa kanya..
"First year pa lang po." sagot niya.
"Ahhh, third year na ko, dapat mo lang akong galangin." sabi ko ng may yabang. Aba, hirap kaya makapasok sa third year nuh. " Hayaan mo na yun. Teka, bat ka nga ba hinahabol ng matandang yun?"
"Kasi po napadaan ako sa may harapan ng klase niya tapos biglang nagring ung phone ko eh nakaloud siya." Ahh, ang engot, nasa school loud ang ring ng phone..
"Ah, kaya pala. Next time i-silent mo na yang cellphone mo huh."
"Opo kuya."
"Sige na, papasok na kami at major namin ung susunod." sabi ko sabay paalam.

Nung papasok na kami ng classroom bigla akong siniko ni Xyza. "Hoy adik, bat di mo inalam pangalan niya." Nagtaka ako sa sinabi nang kaibigan ko at nagpapa-cute pa ito.
"Bakit pa eh nagsorry lang naman yung tao tsaka anu ba siya." sabi ko naman. Kasi that time di pa nila alam na type ko din ang guys.
"Ang cute kaya niya. Yung lips, yung eyes. Hay shit, itsura pa lang ulam na." sabi pa niya.
Biglang sumabat si Febbie nainggit sa discussion namin. "Tama ka dun friend, lalo na siguro pag wala ung mga scars ng pimples sa mukha niya." Hay ewan ko sa kanila. Basta ako di ko type ung tao (sa ngayon).

1 week after nung incident, maaga akong pumasok sa school kasi ayoko mag-stay sa bahay kasi nagbubunganga na naman si mama. Dumaan muna ako ng canteen at bumili ng gatorade at eaji bago ako dumiretso sa room ko. Nagulat ako ng makita ko siya sa harap ng room. Siguro may hinihintay siya dun kaya sinilip ko baka may nagkaklase. Wala namang tao kaya diretso ako sa loob ng room. Nagbabasa ako ng notes ko nun ng naisipan kong tingnan siya mula sa bintana. May tinetext siya. Doon napagmasdan ko siya, cute nga ang mokong. Tama ang friends ko, kissable lips, tsaka ung mata parang drooping parati. Basta cute siya. Maya-maya pa, dumating na ung kaklase ko. Siya pala ung hinihintay niya. Nag-usap sila saglit tapos nagpaalam din agad. "Kuya, alis na ko. Salamat!" Ngumiti lang ako kahit na hindi ko alam bakit siya nagpaalam and nagpasalamat. Hindi ko na masyado pang binigyang kahulugan yun at nagreview na lang ako dahil may quiz pa kami. Nag-aral na kami ulit hanggang sa natapos na naman ang isang araw.

Nasa bahay na ako at nanunuod ng mirmo de pon nun sa heroes tv ng biglang tumunog cp ko..

hi kuya, musta ka na? unknown number
ayos lang naman po ako. ahm, cnu po cla? rely ko
francis po.
sinong francis?
yung nakabangga po sayo. sori po ulet dun huh.
ah, kaw pala yun. okay lang yun. kanino mo nakuha number ko?
dun ke ate eufie.
ah magkakilala pala kau anu? heheh
heheh. kuya dhenxo, pwede ka bang maging friend?
hahah. sure why not!
tnx kuya dhenxo.
welcome. ui nuod tau mirmo de pon.

ah cge po, maya na lang ako.
pede tapusin ko na muna to saglit.. heheh..
text na lang po ako sa susunod kuya me pinapagawa si mama eh. pamamaalam niya
ah okay, ingat. tnx.
mwah!

Mwah? Bakit may ganun yung text niya? Naputol pagmomoment ko nun nang mag-start na ulit ung anime na pinapanuod ko.

Simula nung araw na un, palagi na kaming nagtetextan. Ang kulit niyang kausap. Minsan sa school, palagi niya akong sinusundo sa room ko. Ewan ko ba kung anung matatawag mo dun. Imposible naman kasing me manligaw sakin. Heheh. Nakatyempo akong makahugot nang lakas nang loob na tanungin siya kung bakit ganun siya sakin.

"Francis."
"Bakit kuya?"
"Bakit mo ba to ginagawa? I mean, hindi naman ata gawi nang isang lalaki na sunduin sa klase ang isa pang lalaki."
"Ah yun ba kuya, gusto ko lang. Masaya ka kasi kasama and masaya akong kasama ka."
"Niloloko ma ba ako? Eh parang parehas lang naman yung sinabi mo ah."
"Hahaha. Magkaiba kaya yun. Subukan mong intindihin ulit and magegets mo." Inulit ko sa isip ko pero sadyang engot lang. Napatahimik na lang ako.
"Ah kuya, may tanong ako sayo."
"Sige ano yun?" Tanong ko.
"What if ganito, someone you knew, a friend siguro, eh naglakas loob na sabihin sayo yung nararamdaman niya. Anong gagawin mo?" Bago ako sumagot ay tumawa muna ako. Nang tumingin ako sa kanya ay seryoso siya kaya nagpakaseryoso na din ako.
"Ahm, siyempre kung ako tatanungin mo, magugulat ako kasi never in my entire life na may nagsabi sakin nang ganun and di ko maisip na may gagawa nun sakin kaya magugulat ako. Di ko din sigurado kung anong gagawin ko."
"Magbabago ba yung tingin mo sa friend na iyon o hindi?"
"Hindi siguro. Wala talaga akong idea. Bakit mo naman natanong?"
"Kasi kuya, may isa akong kaibigan na gusto kong ligawan kaso takot akong ma-reject." Teka, saan nanggaling yung kirot sa dibdib ko. Bakit ako nakaramdam nang ganun nung sabihin niyang may liligawan siya.
"Hay naku, masanay ka sa rejection. Lahat nang bagay may rejections and lalo na diyan sa balak mo. Basta i-prepare mo na lang sarili mo pati na din ang ... pati na din ang bulsa mo dahil nagugutom na ako." Sabay bunghalit ng nakakagagong tawa.
"Kuya naman eh, seryoso na eh biglang nag-joke. Hay naku!" Sabay kabig sakin palapit. Napatitig ako sa mukha niya at ganun din siya. Nakaramdam ako nang uneasiness kaya humiwalay ako agad.
"Ah, francis, merienda na muna tayo. Nagugutom na ako eh." Sabi ko na nakayuko.

At ayun nga nagmerienda kami. Kumain kami nang kwek kwek sa tapat nang school. Nagkuwentuhan pa kami saglit. Wala na ang araw nang mapagpasyahan naming umuwi na. Inihatid niya muna ako sa bahay bago siya bumalik nang school para kunin kotse niya. Dumaan pa siya ulit sa bahay para siguraduhing asa bahay na ako. Parang ewan pero kinikilig ako sa sweetness na pinapakita niya sa akin.

One time may event ang student body sa school at dahil dun nalaman ko na member pala siya ng council. Sabi ko, siguro dami nagkakagusto dito. Di naman ako nagkamali kasi ang dami niyang fans. Mayroon syang banner sa bleacher. Sabi ko na lang, swerte ng mokong na to. Akala ko hindi niya ako papansinin sa gitna nang mga girls na nagpapapicture sa kanya nung mapadaan ako dun pero parang mga kalat na hinawi niya ang mga ito para puntahan ako. Nag-usap lang kami saglit at bumalik na siya sa council. Habang naglalakad siya palayo, naisip ko kung ano kaya ang feeling na maging bf ang isang kagaya ni Francis.

Ber months na pala, malapit na naman ang pasko at malapit na ang foundation day nun at madaming preparations na ginagawa ang mga officers sa department namin. Isa kasi ako sa mga class mayors (kumbaga eh class president), kaya natural lang na dapat tumulong ako sa mga preparations dun. Isang gabi busy kami nagpe-prepare nang mga gagamitin namin for our presentation sa streetdance nang tawagin ako nang governor nang department namin at may sasabihin daw. lumapit naman ako.

"Dhenxo, kamusta ka na?" sabi ni gov.
"Kaw gov huh para kang aning. Madalas mo naman kaya akong makita bakit tinatanong mo pa?"
"Aning talaga huh. Ang SWEET mo!" Sabi niya sabay irap.
"Aysus, gumaganun na ang gov namin. Ano gusto mo hug?" sabi ko sa kanya.
"Epal ka. Naglalambing na nga lang ako sa kanya eh." Lalaki si gov pero sweet kami sa isa't isa. Nararamdaman namin ang isa't isa pero friends lang turingan namin.
"Sige na nga hug na kita lapit ka dito." Lumapit naman siya at niyakap ko siya. Ang sarap nang feeling ko nun at nayakap ko siya. Kala ko ayaw niya eh. Pagbitaw namin sa pagkakayakap sakto namang nakita ko si Francis at medyo malungkot ang mukha. Nilapitan ko siya at kinausap.
"Oh Francis, bakit ganyan mukha mo? Parang semana santa lang ah." Hindi siya umimik at nilagpasan ako na para bang hangin. Wow hindi ako nag-eexist. Sabi ko sa isip ko.

At ayun kesa mabadtrip tinuloy ko na lang yung ginagawa ko. Minsan lumalapit sakin si gov at nangungulit. Nakikipagkulitan din ako dahil gusto ko maalis yung inis ko. Di pa ko nagdidiner nun. Nagpaparinig ako kung sino kaya magpapakain samin. tumatawa lang si gov. Hinanap nang mga mata ko si Francis pero wala siya. Maya-maya pa, dumating siya at may dalang supot. Nag-aya si gov na magbreak daw muna kami. So ayun, nagsipag-kainan na sila samantalang ako eh gusto ko munang tapusin ginagawa ko kasi malapit na eh.

"Kuya dhenxo, kain ka na muna." nagulat pa ako ng kausapin niya ako.
"Sige kain ako mamaya, lapit na tong matapos eh." sabi ko. Tatampo pa din ako sa kanya sa pangdededma niya sa akin. Walang sabi sabi ay tinulungan niya akong matapos ung ginagawa ko. Loko talaga si gov at inasar pa kami ni Francis na magdyowa.

"Kapal mo gov huh. Kupal ka, kumain ka nga lang jan." nakita ko biglang nagbago expression niya. Ewan ko, guni-guni ko lang siguro un. Nang matapos na kami sa ginagawa namin sakto namang tapos na silang kumain.

"Hala, di niyo ko tinirhan mga buraot (matakaw)!" sabi ko sabay tawa. Bibili na lang ako sa labas ng pagkain. Palabas na ako ng pinto ng tawagin ako ni Francis at sinabing kakain na daw kami. Ihiniwalay daw niya yung pagkain ko. wow, special! Tiningnan ko yung pagkain. Pancit malabon yung dala niya paborito ko din yun. "Salamat Francis sa pagkain huh." sabi ko. Nginitian niya lang ako. Sabay kaming kumain at hindi ako nakaligtas sa pang-aasar ni gov. Game namang gumanti nang asar si Francis. Matapos namin kumain ay diretso trabaho agad. Nang matapos na lahat, umuwi na kami.

"Ahm, kuya, pwede bang makitulog sa inyo? Sarado na kasi bahay namin ngaun eh." Tumango na lang ako. Pagdating sa bahay, inayos ko yung higaan ko. Sabi ko dun na siya matulog sa bed ko kasi bisita siya at ako na lang sa lapag. Ayaw niya pumayag kasi nahihiya daw siya. Walang gustong matulog sa kama kaya napagpasyahan naming matulog pareho sa lapag. Di ako agad nakatulog pero siya himbing na himbing na. Nakaharap siya sakin. Pinagmasdan ko mukha niya. Di lang pla siya cute. Gwapo din siya lalo na pag tinignan mong mabuti. Shit, ayoko. I'm not fallin'. ayoko. Sabi ko sa sarili ko kasi that time nararamdaman kong mahal ko na ata siya.

Nagising ako kinabukasan na nakayakap siya sakin. Di ako makagalaw kasi ayoko siya magising tsaka isa pa ninanamnam ko ung feeling kasi bka eto na ung huli na mayayakap niya ako. Nang magising siya ay nag-ayos agad siya at didiretso na siya ng school. Talagang prepared siya na makisleep over kasi kumpleto toiletries niya. Naligo na siya at kumain. Nauna na siyang pumasok kasi sila ang nag-organize ng event namin na yun.

So walang hanggang parada, cheerdancing at kung anu-ano pa ang nangyari sa first day ng foundation day namin. Wala namang masyadong nangyaring kakaiba sa foundation day kasi yun at yun pa din naman ang mga programs nila. After ng 3days event na yun back to normal na ang lahat. Ako duty and aral ulit. Naging busy ako kaya di ko na siya natetext tsaka busy din siya sa studies niya. Ginawa kong excuse yun sa sarili ko para burahin ang kung ano mang nararamdaman ko sa kanya tsaka para iwasan na din siya dahil ayokong masaktan. Hindi pa ako handa.

After a month, kala ko successful na kasi di ko na siya hinahanap. Sa tuwing may possibility na magkasalubong kami, agad akong iiba ng daan. Kunwari di ko siya nakita. Tapos one time, nagtawag ng miting si gov. meron daw team building workshop na gaganapin somewhere dito samin and kailangan niya lahat ng mayors and yung mga members niya. Inorganize yun ng studnet council nang university. Iniisip ko na di na lang ako sasama. Una kasi tinatamad ako and pangalawa para iwasan si Franci. Namimiss ko na siya sa totoo lang. Gusto ko na siyang itext kaso pinipigilan ko. Ayokong masaktan. Di din naman siya nagtetext sakin eh. sinabi ko kay gov na di ako sasama tinanong niya ako kung bakit kasi gusto niyang sumama ako. (Nasabi ko bang crush ko si gov.? Heheh.. Oo crush ko siya, ang cute kasi niya eh.)

Lumapit sakin si gov the following day and sinabing ayaw tanggapin ng council na me aabsent sa mga representatives.

"Gov naman, hindi talaga ako puwede eh. Please naman, maghahanap ako nang karelyebo ko."
"Hindi ka na makakahanap pa nang proxy mo dahil wala na tayong time. Within 10 minutes kailangan ko nang i-pass tong list dahil kung hindi wala tayong bugdet sa department natin. Nagmamakaawa ako sayo Dhenxo, pumayag ka na please. Tatlong araw lang naman na workshop yun eh, please." Akmang luluhod si gov nang pigilan ko.
"At may balak ka pang lumuhod para lang sumama ako huh. Oo na sasama na. Kainis ka lagi mo na lang akong ginaganito." Sabi ko na may himig pagtatampo.
"Tahan na kulet ko, okay lang yan. Makikita mo mag-eenjoy ka dun." At tuluyan na siyang umalis para mag-pass ng final list namin. Isang malalim na buntung-hiniga ang pinakawalan ko tanda na natalo ako nang pakiusap ni gov. Bahala na.

Kay bilis nang araw at dumating na yung araw ng team building. Nag-antay kami nang service sa school na maghahatid samin dun sa lugar na paggaganapan ng team building. Ala pang 10minuto nang dumating yung service at parang sa isang iglap andun na kami sa area. Busy kasi ang utak ko kaya di ko namalayan na andun na kami. Bumaba kami nang bus at dumretso sa registration area. Hinanap ko pangalan ko sa list and to my surprise, siya ang leader ng grupo namin. Pagkakataon nga naman napakasuwerte ko talaga. Haist, wala nang atrasan to.

(itutuloy)...

Friday, January 28, 2011

"Unbroken 5"

“Unbroken 5”
2.2:”If no one will listen”
“I will be here,if no one will listen.”
-Kelly Clarkson


Eversince talaga takot ako sumasakay sa eroplano. Hindi ko maintindihan pero di ako mapakali.
Hindi ko alam kung anong ayos ba dapat. Dapat ba simpleng upo lang? Dapat ba sa kanan ako nakatingin? Kaso kita ko naman yung katabi ko. Dapat ba sa kaliwa? Kita ko naman yung mga ulap. Natutukso akong tumingin sa ibaba pero pag nakita ko naman eh nahihilo na ako sa takot dahil mataas. Whew.


Naupo ako sa assigned seat sa akin. Ikinalma ang sarili. Pinipilit kong ipakita sa mga kasama ko sa eroplano na hindi ako takot sumakay dito. Na kunwari ay matapang ako at lalaking lalaki. Hindi ko ipapakita sa kanila na nanginginig ang mga tuhod ko habang nagaantay ng paglipad ng eroplano.
Kunwari ay beterano na ako sa pagsakay dito. Muli,for nth time,muling pumasok sa isip ko si Daniel. Siya ang unang taong nakasama ko sa pagsakay ng eroplano. Siya ang nagturo sa akin kung paano magayos ng seat belt.Siya ang nagpapakalma sa akin when my knees start trembling. Siya ang nagiging dahilan kung bakit kalmado akong nakakatiis sa loob ng eroplano. Kahit medyo shaky ang pagtakeoff ng piloto,gagawa sya ng paraan para maiiwas ang atensyon ko sa pagtakeoff.
Nandung kwentuhan nya ko ng kung anu-ano. Nandung kakantahan nya ko para matawa ako. Nandung bigla nya akong pipitikin sa tenga para madistract. Noon yon. Pero sa ngayon,sa tingin ko kailangan kong labanan ang takot ko sa pagsakay sa eroplano. At ako'y nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.


“Ilang saglit na lamang po ay lilipad na ang eroplano. Maari lamang po na pakisuot ng maayos ang ating mga sinturong pangkaligtasan.” Mahinahon at nakangiting sabi ng stewardess.


Whew. This is it for me. Ayan na. Nangangatal na naman ang mga labi ko sa nerbiyos. Maybe I should take some pills para makatulog ako? Whew. Wala akong Sleepasil dito. Grrr. Ano gagawin ko? Teka? Bakit parang wala akong katabi? Solo ko tong dalawahang upuan dito. Nakakapagtaka naman. Mula sa nerbiyos ay napalitan ito ng pagtataka. Usually kasi pag ganitong hindi masyado classy ang plane puno ang mga tao. Patuloy pa din sa pagchecheck ang stewardess sa mga tao at kung nakakabit na ba ng maayos ang mga seat belt nito. Di nagtagal.lumapit ito sa akin at chineck ang aking kalagayan.


“Sir. Check lang po natin ang seatbelt.”


“Sure.”


“Ayan sir, Okay na po. Sir may kailangan po ba sila?”


“Ahh.wala naman. Salamat sa pagtatanong. But I'm fine here.”


“Okay Sir. Basta po pag may kailangan tawagin nyo lang po isa sa amin dito sa eroplano.”


“Okay. Sure. Ahh miss,wala ba akong katabi?” nagulat nalang ako ng naitanong ko iyon.


“Ahh,yung seat po ba na yan? Sige po Sir. I'll check it po.”


“Okay. Okay. Thanks.”


Muli akong naiwan sa dulo ng eroplano na nagiisa. Umalis ang stewardess to check kung reserved ba ang seat o hindi. Nagsimula na naman bumaliktad ang aking sikmura. Pakiramdam ko ay namumutla na ko. Parang gusto ko nang bumaba sa eroplano. Pwede bang magbarko nalang ako?
Hindi naman ako nagmamadali umuwi eh. Promise. Grrr. Sa tuwing naririnig ko ang mga reminders na nagmumula sa piloto ay nanlalamig ako. Sana nandito si Daniel. Whew. At muling tumulo at aking luha.


Nasa kalagitnaan ako ng pageemote nang biglang bumalik ang stewardess.


“Sir. Occupied po ang seat beside you. Paparating na din po yung nakaupo dyan.”


“Ahh really? Okay. Thanks ha?” sabi kong nagtataka.


“Sir. Are you okay? Para pong namumutla kayo.”nagaalalang tanong nito.


“Ahhh okay lang ako. Maybe pagod lang.” agad kong bawi.


“Sir tawagin nyo lang po ako pag may kailangan po kayo.” sinserong sabi ng stewardess.


“Okay. Salamat ha?”


Ngumiti ito at umalis. Same scenario. Naiwan akong magisa sa dulo ng plane. Magaling ang serbisyo nila sa Airlines na to. Maging ang mga stewardess ay okay din. Napakagalang ng pagtrato sa aming mga pasahero at todo assist pa pag may kailangan. Panandalian kong nakalimutan ang sakit na naramdaman. Maganda pala ang buhay. May mga taong nandyan at aalalay sayo sa tuwing madadapa ka. Tulad ng sinabi ng stewardess,tatawagin ko o lalapitan ko yung mga taong alam kong nandyan para sa akin. Lalo na sa ganitong pagkakataon. Kahit wala na siguro sya ay makakaya ko pa din. Oo naman. Kaya ko. Kung hindi ko kaya,kakayanin ko pa rin. Napuno ng pagasa ang aking puso. Totoo din pala ang sinasabi nila na kayang kaya mong paniwalain ang sarili mo. Alam kong pinapaniwala ko ang sarili ko. Alam kong magiging mahirap ang mga susunod na araw pero makakaya ko. Isa. Dalawa. Tatlo. At ako'y nagpakawala ng aking hulin buntong-hininga. Sa paglabas ng hininga sa aking mga ilong ay isang luhang nakatulong para gumaan ang aking pakiramdam. Pumikit ako at ninanamnam ang realidad na wala na. Nasa momentum ako nang biglang may pumahid sa aking mga luha na aking lubos na kinagulat.


“Hey,don't cry.”sabi ng isang familiar na boses.


Dumilat ako at nagulat sa aking nakita. Nakita ko na naman ang maamo nyang mukha. Nakita ko ulit ang braces nya at ang pinkish nyang mga labi. Nakita ko ulit ang kanyang singkit na mga mata.
Si Carlos.


“Ohh. Hi. Same flight?” natataranta kong sabi.


“Not just the same flight,we're also seatmates.” sabay ngiti.


“What? So you're the one seated next to me?” nagtataka kong tanong.


“Yes. We can put it that way.” sabay ngiti.


At bigla syang umupo sa aking tabi. Mapapansin mo na halatang sanay na sanay na sa biyahe. Kampante agad sya at mabilis nyang inayos ang kanyang seat belt. Inayos ang buhok at ang pagkakagusot ng kanyang polo. Nagpakawala sya ng isang buntong hininga at ngumiti sa akin.


“Whew. This day's really a bummer.” sabi nya at pumikit


“Bakit naman?” sagot ko.


“Busy eh. Been loaded with a lot of work. Wala na nga din akong panahon sa sarili ko.” sinsero nyang tangan.


“Ahh I see.” sagot ko.


Patlang. Nang nabanggit nyang “Been loaded with a lot of work” eh biglaang pumasok si Daniel sa isip ko. Ewan ko ba kung bakit. Hanggang ngayon kasi eh di pa din ako makapaniwala na nagawang kaliwain ako ni Daniel. Weird. Kakasabi ko lang kanina na ayaw ko na. Eto na naman ako. Hindi ko maiwasang hindi makapagbuntong hininga. Nagpakawala na naman ako ng isang malalim na buntong hininga. Hindi naiwasang hindi ito mapansin ni Carlos.


“Oh,anong problema?” nagtataka nitong tanong.


“Wala naman Carlos. May naalala lang.” sagot ko.


“Sino?” tanong nito at biglang tumitig sa akin.


I must admit na nalulusaw ako sa mga titig ng mokong na to. Hanep ang singkit na mata. Kung nakakahiwa yun,malamang chop-chop na ko. Pira-piraso. Literally. Napatitig na naman ako sa mukha nya. Nahihirapan akong humanap ng mali sa mukha nya dahil masasabi kong perpekto talaga ang hubog nito. Wala talaga akong masasabing pangit dahil wala naman talagang kapintas pintas.


“Hey,sino naman yung naalala mo?” isang tanong na nagbalik sa akin sa kamalayan


“Ha? Wala naman. Wag nalang natin pagusapan.” sabi ko.


“Hmmm. Okay. Pero wag ka na po umiyak ha?”sagot nito sa akin.


Ngumiti ako. Nakaramdam ako ng kakaiba dun sa “Wag ka na umiyak ah?” Hindi ko alam kung
dapat ba ako kiligin o ano ba dapat ko maramdaman. Pero ang alam ko,habang sinasabi nya yun nararamdaman ko ang 101% na concern. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman pero natutuwa ako dahil nandyan sya. Kahit malabo kung ano ba talagang pakay nya sakin.


“Oh,di ka na nagsalita dyan ah?” sabi nito.


“Ha? Nahihiya kasi ako. Uy,thanks sa glasses.”sagot kong sinsero.


“Hmmm. Okay lang yun. Atleast I helped. At isa pa,sabi ko nga sayo na dalawa talaga glasses ko. Kaya walang kaso yun sa akin.” sabi nya.


“Okay. Hehe. It's just weird. On the first place,bakit mo ko pinapahiram ng glasses mo eh hindi mo naman ako kakilala?”tanong ko


“Ewan ko din. Weird nga eh. Usually aloof ako sa mga di ko kilala.” sagot nya habang nagaayos ng sarili.


“Aloof talaga ha? Eh Ikaw pa nga ang kumuha ng number ko at naglend ng glasses mo. Hahaha”
nangaasar kong sabi.


“Ang yabang nito. Fine. Inaasar mo ko ha? Akin na yang glasses ko.” bawi nya


“Uyy. Wag ganun. Alam mo naman na nahihirapan ako ng walang salamin. Hays.” sagot ko at biglang nasimangot


“See? Kaya wag mo kong asarin. You better treat me right dear! “Tawa nito sabay pitik sa tenga ko.


“Awww. Bakit mo ko pinitik sa tenga?” Naiirita kong sagot.


“Wala. Gusto ko lang kitang asarin.Hehe.” sabay ngiti ng nakakaloko


Weird. Nung pinitik nya ko sa tenga pumasok na naman si Daniel sa isip ko. Tandang tanda ko na pinipitik ni Daniel ang tenga ko kapag nangaasar sya. Hindi ko na naman maalis sa isip ko ang lalaking yun. Napatulala ako at natahimik. Laging pinipitik ni Daniel ang tenga ko. Nostalgic. Whew.


“Oh,bakit natahimik ka na naman? Nagtataka na ako sayo eh. Nakakatampo ka naman.” sabi nya.


“Ha? Ah,eh.sorry,may iniisip lang.”sagot ko.


“Bakit? Sino ba kasi yun? At teka,bakit ka nga pala umiiyak kanina?”tanong nya


“Wala yun. Don't worry magiging okay din ako.”sagot ko. Isa pang buntong hininga.


“Magiging okay ka. Hindi nga lang ngayon. Siguro in time.”sagot nyang mahinahon


“Oo. Siguro lahat naman ng sakit nagiging okay in time. Magaantay na lang akong maramdaman
ko na okay ako. Hindi din naman siguro katagal yun. Kakayanin ko.” sagot ko sabay pakawala ng isang ngiti


“Oo naman. Kaya mo yan. Just remember that there are a lot of people na willing tumulong sayo.”
sagot nya at tumitig sa akin.


“Andito naman ako.” dagdag pa nito.


“Ha?Ano?” sabi ko habang ramdam ko ang pagakyat ng dugo sa aking mukha.


“Sabi ko,nandito ako,if no one will listen,I will be here.”sagot nito.


Tameme. Basag. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad ng kanyang mga salita. Hanggang naramdaman ko nalang na super blush na ko. Natahimik kami pareho. Pakiramdam ko noon ay nasa cloud nine ako. Heaven pare. Ikaw ba naman sabihin ng ganoon ng ganito kagwapo,sure akong magmemelt ang heart mo. Lutang na lutang ako sa kilig. Hindi ko maipaliwanag. It's really weird dahil kanina lang eh si Daniel ang naiisip ko,ngayon naman eh naooverwhelm ako sa kindness at sa pagiging sweet ni Carlos. Fuck. Mula sa isang desperadong bata ay sumibol ang isang kumikirengkeng na bakla. Nagpakawala ako ng isang ngiting nakakaloko.


“You know what? You're weird.” sabi ni Carlos.


“Weird? In what way? Huh?” tanong kong nagtataka.


“Wala lang napansin ko lang kasing kanina,umiiyak ka,may mga times na nagbubuntong hininga ka,tapos ngayon naman,kung ngumiti ka eh parang wala ng bukas. Weird. Pero cute ka pa din. Haha.” sabi nya at biglang kinurot ako sa pisngi.


“Aray! Nakakarami ka na ha? Kanina pinitik mo ko,ngayon naman kinurot mo ko. Sadista ka. Eh ano namang masama kung ngumiti ako,eh sa masaya na ako eh.” sagot kong defensive


“Sus. As I know,kinikilig ka sakin. Hahaha. Wag ka magdeny. I can feel it.” pangungulit nya.


Namumula ulit ako. Kilig na ewan. Magaan ang loob ko sa kanta. Weird. Para makabawi sa pamumula,tinarayan ko sya.


“Hoy, Ang hangin grabe no? Yabang. Hahahaha. Kala mo kung sinong gwapo.” sabay tingin ko sa bintana.


“Ah,so ganun? So hindi ako gwapo pala?Ha?” tanong nitong nagbibiro


“Hindi. Mas gwapo ako sayo.” sabi kong nangaasar.


“Gwapo ka nga,naknakan ka naman ng attittude.” sabi nito sabay tawa


“Ang yabang talaga. Hmp. Hahaha.” sabi ko sa kanya.


Nagpatuloy kami sa asaran. Nandung paluin ko sya ay ganun din sya sa akin. May mga pagkakataon na kakagatin nya ako sa braso. Sobrang gaan ng pakiramdam ko at ang alam ko sobrang saya ko sa mga moments namin sa eroplano. Okay na sana ang lambingan at kung ano pa ng biglang nagsalita ang stewardess.


“Magandang tanghali po. Pagpaumanhin nyo po kung medyo natagalan po ang ating paglipad. Mayroon po lamang problemang teknikal na inayos ang ating mga technician. Kung maari po lamang ay pakiayos nalang natin ang mga sinturong pangkaligtasan. Kung maari rin po ay umupo tayo ng maayos habang nagtetake off ang eroplano. Aalis na po tayo sa loob ng dalawang minuto. Maraming Salamat po.”


Habang nakikinig sa mga paalala ng stewardess ay bumalik ang kanina ko pang nararamdaman. TAKOT. Naramdaman ko ang pagbabago ng mukha ko. Mula sa pula naging putla. Bigla akong
nakaramdam ng panlalamig. It's official. Namumutla na ako. Unconsciously,napalulon ako kahit wala naman ako iniinom. Akala ko ay normal pa ang inaasal ko,hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinititigan ni Carlos.


“Alam mo,maputla ka. Natatakot ka ba?” tanong nito.


“Ha? Ahhh. Hindi. Okay lang ako.” nangangatal kong sagot.


“Anong hindi? Eh namumutla ka nga eh.” sagot nito,


“Ha? Wala yan. Puyat lang yan.” sagot ko,pinipilit na tinatago na takot ako pag papalipad na ang eroplano.


“Puyat? Eh kanina pa tayo naghaharutan okay naman ang kulay mo. Teka, (sabay hawak sa kamay ko) ang lamig din ng kamay mo eh. There must be something wrong.” sabi nyang nagtataka.


“Okay lang ako. Salamat sa concern.” pagsabi ko at ako'y ngumiti ng pilit.


“Maghanda nalang po tayo. At ang eroplano ay lilipad sa loob ng isang minuto” sabi ng stewardess.


This is it. Naramdaman kong pumatak ang pawis sa aking mga noo.


“Ten,nine,eight,seven,six,five,four,three,two,one....”


At nararamdaman ko na ang pagangat ng eroplano sa lupa. Sa sobrang takot ko ay pumikit ako. Nagsama sama na ang lahat. Sobrang lakas ng nerbiyos ko habang nagtetake off ang plane.
Ramdam ko na parang naiiwan yung kaluluwa ko habang umaangat. Para akong gago na sobrang kapit sa upuan. Habang ang katabi ko ay kampante lang. Todo pikit ako,ramdam na ramdam ko ang pakiramdam na lumalaki ang ulo (sa taas) habang inaabot namin ang langit. Grabe ang pressure.
Sa sobrang nerbiyos ay di ko napigilang lumuha,nang biglang...


“I told you not to cry anymore.”si Carlos.


“Wala. Natatakot lang ako kasi lumilipad na yung eroplanong sinasakyan natin.” sabi ko sa kanya at bigla na akong umiyak na parang bata.


“Hays. Yun naman pala eh. Wag ka na umiyak dyan. Andito po ako oh? Hello? Hindi naman po kita papabayaan kaya wag ka na umiyak okay?” sabi nyang nangaalo.


Muli,sa ikailanmang pagkakataon,natagpuan kong kumalma ang aking sarili. Ang aking takot na takot kong loob ay nakahanap ng kapanatagan. Isang kapayapaan dala ng isang estrangherong wala ko pang 2 oras na kakilala. Isang estrangherong nagtatakang pumasok sa buhay ko. Isang estrangherong nagpangiti sa akin.


“Salamat. Maraming maraming salamat Carlos.” sambit ko habang pinupunasan ko ang aking mga mata.


“Wala yun,basta hanggang nandito ako,no one can harm you.” sagot nyang punong puno ng sinseridad.


Tumitig ako sa kanya,ngumiti ng galing sa aking puso. Nakatitig sya sa akin,sinasabi ng kanyang mga mata na hindi nya ako iiwan. Napanatag ang aking loob. Parang isang orchestra na nagbibigay ng banayad na tunog,naramdaman ko ang pagkalma ng aking puso. Pagkatapos,natagpuan ko nalang ang aking ulo ay nasa kanyang balikat at magkakapit na ang aming mga kamay..


ITUTULOY...

Wednesday, January 19, 2011

"MRT 8"

Wala ng narinig sa kwarto na yun kundi puro ungol ng isang sarap na sarap na biktima. Patuloy si Choi sa pagserbisyo sa aking kanina pang nagwawalang alaga. Iba ang kiliting dulot nito sa akin. Hindi ko mapigilan ang aking mga ungol,pero sa kabila ng sarap na nararamdaman ko ay di maalis sa akin ang malaking pagtataka sa mga nangyayari.

“Choi.Ahhh..”

“Masarap ba Mahal?” sabi ni Choi habang patuloy sa kanyang ginagawa.

“Ahhhh. Oo. Uhhhmmmm...”

“Sige Rob,umungol ka pa. Sige pa.”

“Ahhhhhhh..”

Patuloy sa pagsamba si Choi sa aking naghihindig at maugat na espada. Hindi ko na alam kung anong nangyayari pero ang alam ko masarap,sobrang sarap. Ilang minuto ang nagdaan at ganun pa rin ang aming posisyon. Si Choi ay nakaluhod sa aking harapan habang ako naman ay nakasandal sa pader. Saksi ang aming opisina sa kalokohang aming ginagawa. Pasalamat nalang at walang CCTV cameras kundi lagot kami pareho.

Parang baliw na sinusubo ni Choi ang kabuuan ng aking pagkalalaki. Iba ang sensasyong dala nito sa twing tumatama ang kanyang lalamunan sa ulo ng aking kargada. Ang init ng kanyang bibig at ang kanyang hininga ay nagdadagdag sarap sa kanyang ginagawa. Hindi ko na mapigilan.

“Ahhhh.”

“Mmmm..” bruskong ungol ni Choi.

Ramdam ko ang mas paglaki ng aking alaga sa loob ng kanyang bibig. Nababanaag kong naluluha si Choi sa twing naisasagad ng husto ang aking alaga sa kanyang lalamunan. Ramdam ko ang pagpintig ng mga ugat nito sa loob ng mainit at mamasamasang bibig ni Choi.

“Chhooooiii. I'm about to cuuummm..”

Pero patuloy pa rin si Choi sa kanyang ginagawa.

“Choi itigil mo na please. Lalabasan na ako.”

Parang walang narinig si Choi at patuloy pa rin ang kanyang pagchupa sa aking nahihilo ng alaga.

“Choi etooo naaa...”

“Chhoooiiii..”

“Choooiiiii...”

“Ettooooo naaaa...”

“Ahhhhhhhhhhhh...”

“Ahhhhh..”

“Ahhhh...”

Parang sabik na bata,kita ko kung paano nilunok ni Choi ang lahat ng katas na aking pinakawalan. Nakaramdam ako ng matinding pagod. Agad akong napadausdos sa pader,pababa sa sahig. Hingal-kabayo kung hingal kabayo. Ramdam ko ang pagpatak ng butil butil na pawis sa aking noo kahit na malamig ang aircon. Tumatagktak ang aking pawis.

Nakatingin sa akin si Choi. May ngiting mababanaag sa kanyang namumulang mga labi. Masisilayan mo din sa kanyang mga mata ang saya na hindi ko alam kung saan o paano nagsimula. Ibang-iba si Choi,parang ang saya saya nya. Nakakapagtaka.

“Grabe ka Rob.” sabi nito.

“Anong kinagrabe ko?” sambit ko habang humihingal.

“Ang dami.” sabay ngisi nito.

“Sino ba kasi may sabi sayong lunukin mo?” tanong kong nagtataka.

“Wala lang. Gusto ko lang gawin. Isa pa masaya naman ako na ginawa ko.” sabi nito na weird pero ramdam ko ang sincerity.

“At bakit mo naman nagustuhan?” tanong ko.

“I don't know kung maniniwala ka. Pero ang weird nga Rob eh.”

“Ano?”

“Weird. Pero naiisip kita palagi.”

Tahimik. Katahimikan. Nagaantay ako ng mgasusunod na salitang rerehistro sa aking tenga. Nagaantay ako.

“Alam mo Rob,di ka maalis sa isip ko.”

“Choi. If it's about the plan,papayag ako. Pero I need your help din.” sabat ko

“No Rob. Narealize ko na gusto kita. I mean I like you,regardless na sa favor na hinihingi ko sayo. Gusto na kita Rob.” sagot nito.

Hindi agad ako nakaimik sa narinig. Parang gusto kong mamula na ewan. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Pero habang sinasabi nya yung mga salitang yun,hindi ko maiwasang hindi mangiti. Nangingiti ako pero di ko pinapakita. Ayokong mahalata nya na bumibigay ako,baka isipin nya na easy-to-get ako,hindi maganda.

“Rob. Give me a chance,papatunayan ko sarili ko sa'yo.”

“Ha?” nauutal at nabigla kong tanong.

“Ganyan ka ba pagnagoorgasm? Nabibingi?” pabiro nitong sabi.

“Gago ka Choi. Kanina ang tahitahimik mo. Ngayon ang kulit mo na naman.” sabi kong nililihis ang usapan.

“Ipasok mo na yang titi mo sa loob. Baka isubo ko ulit yan.”

Natawa ako sa sinabi nya. Dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili. Dinampot ang bag na nalaglag sa sahig at inayos ang gusot ng aking polo. Tumayo din si Choi mula sa pagkakasalampak nito sa sahig at inayos ang kanyang sarili.

“Mauuna na ako Choi.” paalam ko.

“Hindi. Sabay na tayo Rob.” sagot nito.

Hindi na ako nakaimik. Mabilis pa sa alsa quatrong kumilos ito at inayos ang kanyang mga gamit. Lumapit agad ito sa akin at umakbay. Nakaramdam ako ng kilig pero as usual,binabalot ako ng malaking pagtataka. Puzzled ako. Bakit parang biglang nagiba ang game plan ni Choi? Inalis ko ang akbay nya sa balikat ko at dumistansya ako sa kanya.

“Oh? Bakit ka lumalayo?” tanong nito.

“Wala lang. Mainit eh. Naiinitan ako. Wag ka muna umakbay.”

“Sus. Ayaw mo lang sa akin eh.” paawa na sabi nito.

Nailing nalang ako sa narinig. Ang pambobola ni Choi ay parang magandang musika sa aking mga tainga,pleasant at nakakarelax pakinggan,hindi ko lang talaga malaman kung di ako makakasabay sa tono nito o sadyang di ko lang alam ang kanta. Hindi ko alam kung anong pakay ni Choi sa akin at nakaramdam ako ng pagkairita.

“Choi,stop this shit.” naiiritang sabi ko.

“Ha? Stop what Rob?” tanong nito.

“Fine. Pumapayag na nga ako diba? Papayag na ako na magpanggap na fake BF mo para bumalik sayo ang ex mo.” sagot ko.

“Ano ba? Wala na nga akong pakialam sa ex ko. Ikaw na ang gusto ko Rob. Bakit di ka naniniwala?”

“Paano ko maniniwala sayo Choi? Sabihin mo nga? After being so bitter sa inagawan mo ng BF na si Rex,after spoiling our date and after showing how bitter you were when you spilled him coffee? Yan ba ang nakagetover na sa ex? I totally don't understand you.” mahaba kong sabi.

“If you'd give me a chance,I can love you right.” mahinang sabi nito.

Nagitla ako sa narinig. Parang di ko maimagine na nagsasabi ng ganito si Choi sa akin. From being a very tough and bitter guy,here he is now,ang amo-amo at parang napakavulnerable. Ganoon ba talaga ko kaganda te?

“Choi stop it.”

“Rob please? I'll do kahit anong sabihin mo. Gagawin ko lahat Rob. Sabihin mo lang.”

“Pano pag pagpanggapin kitang BF ko?”

“Sure Rob. More than willing ako para sa role na yan!” sagot nito.

“Yun naman pala Choi.Eh di mabuti kung ganoon! Isa pa pala, 2 kayo ni Rex na magpapanggap na BF ko.” sabi ko.

Nakita ko ang paglipad ng kilay ni Choi sa kisame. Sounds like trouble.

“Bakit naman si Rex pa? Pwede naman sa iba ah?” umaangal na sabi nito.

“Sya ang gusto kong katrio natin.” maiksi kong sabi.

“Ayoko sa kanya.” nagmamalidtong sabi ni Choi.

“Ah ganun ba? Okay fine. Bye. Wag mo na kong kakausapin kahit kailan.” sabi ko sabay walk out.

Nakakailang hakbang na ko papalayo ng biglang hinatak ni Choi ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya at nagpapaawa ang kanyang mga mata.

“Papayag naman ako Rob eh,wag lang si Rex. Ayoko kay Rex.” mahina at nagcacrack na sabi nito.

“Eh paano yan si Rex lang ang gusto kong katrio? Ganito nalang,kung ayaw mo,di wag. Makakaasa kang di na kita kakausapin simula ngayong araw na to.” sabi ko.

Nakita kong napalunok si Choi sa narinig. Tumingin ito sa aking mga mata at kita ko na malungkot ang mga ito. Ang mapapanglaw na mga matang nakita ko kanina. Nakaramdam ako ng awa pero hindi nya pwedeng makita. Naapektuhan ako pag nakikita ko syang malungkot,bakit ganito? Pero i'll stay fixed with this,hindi ako magpapadala sa drama nya. I have a feeling na dinadramahan lang ako nito kaya di dapat ako makuha sa kakaemote nya.

“So ano Choi? Pumapayag ka ba sa gusto ko o hindi?” tanong kong nagpapahalata ng boredom.

“Bakit ba kasi si Rex pa? Ako ang hahanap ng isa pang guy. Pwede yung barkada ko Rob. Please naman?” sagot nito.

“Ayaw mo?” nananakot kong tanong.

“Ahhh..”

“Okay. Fine. Aalis na ako.”

“Sandali! Sandali! Sandali lang.” pagpigil nito sa akin.

“What now Choi? You're disrespecting my time.” sagot ko.

“Pumapayag na ako.” mahina at talunang sabi nito.

Napangiti ako. Nagpupunyagi ang aking demonyong utak.

“Sigurado ka?”

“Wala akong choice. Ayaw din sa akin ni Rex.”

“Actually pumayag na si Rex.” sabi ko.

“Talaga?” nagtataka nitong tanong.

“Oo. Kagabi napapayag ko sya.”

“Okay. Para sayo gagawin ko to.” sabi nito.

“I have 3 wishes nga eh.” sagot ko.

“Ano naman yun? Sige gagawin ko para sayo Rob.”

“Actually,yung una pumayag ka na. Yung 2nd at 3rd nalang ang pagiisipan ko.”

“Okay. Basta wiling akong gawin kahit ano para sa'yo Rob.”

Nakaramdam ako ng kilig sa usapan naming yon. Kung sakaling totoo nga na gagawin nya lahat ng sasabihin ko why not diba? Pwede. Pero so far,okay naman ang nagiging plano ko. Napapayag ko na si Rex at Choi sa plano ko. Humanda ka na Oel. Makakaganti na rin ako sa'yo. After nito patatahimikin mo na ako at di mo na ko guguluhin kailan pa man. Matatahimik na rin ako,at makakalimutan na kita.

Makakalimutan ko na sya? Sigurado ba ako? Paano? Sana noon ko pa nagawa para di na umabot sa ganito at di na naging ganito kacompicated. Sana di ko na kinailangan gumamit pa ng mga tao. Ewan ko ba. Nanatili akong nakatahimik habang magkasama kami ni Choi na nagaantay sa loob ng elevator.

Ilang segundo pa,nagulat na lang ako ng namalayan kong may pinapahid si Choi sa mukha ko.

“Bakit ka umiiyak?” nagtatakang tanong nito.

Nagulat nalang ako na may luha na pala sa aking mga mata. Di ko alam na naiyak pala ako kakaisip ng kung ano-ano. Tumingin lang ako sa kanya at nagpakawala ng isang pekeng-ngiti.

“Okay lang ako Choi. Masaya lang at napapayag kita sa gusto kong mangyari.”

“Ganun ba? Teka,bakit pala magpapanggap kami ni Rex?” tanong nito.

“Oo nga pala no? Di ko pa naeexplain. Pero wag na rin natin pagusapan. Malalaman mo rin yan in due time kung bakit. Basta wala ng atrasan to Choi.” sabi ko.

“Oo Rob.”


Lumipas ang ilang linggo at nakita ko kung paano naging mahirap sa kanilang dalawa ang maging magkaibigan. Minsan makikita ko silang nagsisigawan. Minsan naman magugulat nalang ako sa twing bubuhusan ni Choi si Rex ng tubig sa mukha. Ewan ko ba,pero sa bagay na yun,sa twing nakikita ko sila,bagay pala sila? Akalain mo yun.

Di namin alam pero naisipan naming lumabas na tatlo. Ang hirap pala ha? Sa twing aakbayan ako ni Rex eh biglang tatanggalin ni Choi yung kamay ng isa,sa twing lalambingin naman ako ni Choi hahatakin ako ni Rex papalayo. Ang kulit. Sa loob ng ilang linggo ay mas nakilala ko sila pareho. Alam ko na ang ugali nila at kung paano ko sila pakikisamahan. Si Rex ay matured at mahilig sa mabilisan. Si Choi naman ay may pagkachildish pero sobrang lambing. Napapalapit na ako sa kanilang dalawa.

“Rob,paano kung mahulog na talaga ako sa'yo?” tanong ni Choi.

“Hoy Choi. Ang akin akin. Wag ka na ngang mangaagaw.” nagaangas na sagot ni Rex.

“Bakit? Sinagot ka na ba? Ulol. Di pa nga kayo napakapossessive mo na!” banat ni Choi.

“Dun na din kami pupunta,kaya humanap ka na ng ibang guguluhin mo. After nating mameet ang ex nya tapos na to. Di ka na namin papansinin. Maglilive in na kami.” mahabang sabi ni Rex.

“Tigilan nyo na nga ako. Ang sakit nyo sa ulo.” sagot ko.

Napangiti ako. Ang kulit pala pag dalawa ang lalaki mo no? Sabay pa sila kaya di ka masasabihan na nangangaliwa ka kasi alam naman nila na dalawa sila. Winner tong setup na to! Ilang segundo pa,naramdaman ko ang pagdampi ng kanilang mga labi sa aking mga pisngi. Si Choi sa kaliwa,si Rex sa kanan. Namula nalang ako sa kagaguhang ginawa nila sa mall. Para akong babae.

Konti nalang Oel. Konti nalang at mapapakita ko sayo na mali ka ng iniwan mo ako.

ITUTULOY....

Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako (Chapter 12 and 13)

Photobucket


CHAPTER 12

Kanina pa naiinip si Pancho sa lamesa nila ni Gboi. Paano ay kasama pa rin nila hanggang ngayon si Jim or James na ayon na rin dito ay palayaw nito. Ang dalawa lang ang kanina pa nag-uusap kahit na panaka-naka ay sumasabat siya. Kinakain ng matinding inis ang sistema niya sa kaalamang hindi niya solo ang atensiyon ngayon ni Gboi.

Pinagmasdan niya ang nagsasalitang si James. Gwapo rin ito at halatang maykaya sa buhay. Ito pala ang may-ari ng napakaganda at napakasosyal na resort na iyon na paborito niyang puntahan dati pa. Napakaganda doon at moderno ang halos lahat ng facilities. Mukhang pinagkagastusan talaga ng may-ari. At ito nga iyon ngayon sa harap niya.

"You can use one of the yachts here, Gboi. Promise pare, walang bayad yun. Treat ko na sa iyo since matagal din tayong hindi nagkita." nakangiting sabi ni James kay Gboi. Ipinatong pa nito ang kamay sa hita ng huli na bahagya na lang niyang sinulyapan.

Naramdaman niya ang uneasiness ng kasama. Ngali-ngaling singhalan niya ang nagpapapansing si James. Kanina pa niya napapansin ang mga pasimpleng hawak nito sa katawan ni Gboi ngunit hindi lang siya kumikibo. Duda pa nga niya ay gusto iyon ng huli.

Napansin din niya ang panakaw na sulyap ni Gboi sa kanya. Alanganin ang pagkakatingin nito. Mukhang may malalim na ugat ang matagal ng di pagkikita ng dalawang ito. Nararamdaman niya ang pagnanais na sigawan si James kung hindi lang ito technically ay nagiging isang mabuting host sa kanila.

Nagtanggal ng bara sa lalamunan si Gboi bago nagsalita. "Ahm.. That would be good James, pero siguro some other time. Marami pa kaming gagawin ni Pancho eh." at lumingon ito sa kanya. Nagpapasaklolong tingin ang natagpuan ng mata niya ng tingnan niya ito.

Tiningnan rin niya si James. nakangiti ito. Parang walang-alam sa nangyayari ngayon kay Gboi. "Come on man, It's just like the old times, right? You and me, in the see." patuloy pa nito at nagtaglay bigla ng dreamy look ang mukha. Hala! Mukhang nagreminisce bigla ang hudyo.

Ibinalik niya ang tingin kay Gboi. Nakatingin pa rin ito sa kanya at may isang alanganing ngiti sa labi. Gustong-gusto na niyang halikan iyon. Nagpipigil lang siya. "Sa susunod na lamang James. Marami pa kasi kaming pupuntahan ni Sir Gboi eh." sabi ni Pancho sa nagdday dreaming pa yatang si James.

Nalukot ng bahagya ang mukha nito at may talim siyang nakita sa mata nito ng sumulyap ito sa kanya ngunit panandalian lamang iyon. Nagduda pa nga siya kung nakita niya talaga iyon. "Oh well, sorry to burst your bubble dreamy head. But I'm fucking this man!" mayabang na sabi ng isip niya.

Isang nakangiting James na ang nagsalita pagkatapos niyang sabihin iyon. "Oh, I see. Sige, some other time Gboi." may diin ang pagkakasabi nito sa mga salitang iyon. "Sige." sabi nito sa kanya at bahagya lang tumango at tiningnan siya ng parang inuuri siya. He gave him a mocking goodbye smile. Tumayo na ito at umalis sa kanila pagkatapos magpaalam ulit kay Gboi.

"Whew!" si Gboi.

"He likes you."

"He does?"

"Don't play innocent with me sweetheart." he said in between gritting his teeth.

"What?"

"He's your ex right?"

"Y-you can tell?" nauutal na sabi nito.

Bingo!

Hinulaan lang iyon ni Pancho. Ang hirap dito kay Gboi, napakadaling hulihin nito. Napapailing na tiningnan niya ito. Umilap ang mga mata nito at nagbawi ng tingin sa kanya.

"Gotcha!" nakangising sabi niya rito.

Pasimpleng hinampas nito ang braso niya. Hinuli naman niya agad iyon at ibinaba sa ilalim ng mesa. Nagpipilit na naman itong bawiin iyon pero pinagsalikop niya ang mga kamay nila. Sa huli, napabugha na lamang ito ng hangin sa pagsuko.

"Tago naman tayo eh." bulong niya rito habang tinutukoy ang pwesto ng lamesa nila. Nasa buhanginan iyon at bahagyang tago sa karamihan dahil sa malalagong palmera trees na nakatanim sa paligid niyon.

Bumaling ito sa kanya at tiningnan siya. Minsan parang gusto niyang matunaw sa titig na iyon ni Gboi. Masyadong mabigat sa pakiramdam kapag tinitingnan siya ng ganon nito. Naalala niya ang plano niya. Unti-unti na iyong umuusad. Lihim siyang napangiti.

"Kaya ka ba tahimik kanina?" tanong nito.

"Anong problema kung tahimik ako?"

"Kaya ka ba tahimik kasi nagseselos ka?" puno ng pag-asam na tanong nito.

That question caught him off-guard. Bahagya siyang nalito kung hindi or OO ang isasagot niya. Napatagal yata ang pananahimik niya kaya nagsalita na itong muli.

"You don't have to answer." malungkot na wika nito.

"N-no, Gboi. I wan to answer it."

"It doesn't matter Pancho."

"It does."

"No, it doesn't." saad nito at umiling-iling pa.

"That look in your eyes said it all Pancho." bumuntong hininga pa ito. "I told myself I could wait, and that's what I'm gonna do. Nagseselos ka kanina di ba? Nahihiya ka lang sigurong aminin pero nakita ko iyon sa mata mo. So, idadagdag ko iyon sa listahan ng mga damdamin mo sa akin." hopeful na sabi nito.

Napamaang siya sa sinabi nito. Magsasalita sana siya para kontrahin iyon ngunit iba ang lumabas sa labi niya.

"Marahil nga ay tama ka. Yeah! Nagseselos nga siguro ako kasi naiinis ako sa kanya." nagpa-patianod na sabi niya. Hahayaan na lamang niyang iyon ang isipin nito. Na nagseselos siya. At least mas safe iyon.

Ngumiti ito. "I'm pretty sure sweet." sabay bitiw sa hugpong ng kamay nila at himas sa crotch area niya. Nasorpresa siya sa biglaang pagtugon ng katawan niya sa ginawa nito. Isang ngisi ang pinakawalan ng mga labi nito.

"Oh! You have a woody here." tukso nito.

"You're naughty sweetie. Okay let's do something about it." sabay yakag niya rito sa cottage nila. Later, ang mahihinang ungol nila ay sumasabay sa mabining hampas ng alaon sa dalampasigan.


Napakatahimik ng lugar. Nagaanyaya ang hampas ng alon sa dagat. Tiningnan niya ang karagatan. Napakapayapa at ang kinang ng buwan sa tubig ay nagbigay dito ng anyong tila tinunaw na pilak. Malamig din ang samyo ng hanging-dagat. Pinuno niya ang dibdib niyon.

Sinulyapan ni Pancho ang natutulog na si Gboi sa kama. Nakapagkit ang ngiti sa labi nito habang nakapikit. Hindi niya maintindihan ang reaksiyon ng katawan dito. Kagaya ngayon, nagnanais siyang muli itong saluhan sa kamang iyon at makapiagtalik dito. He can't get enough of him. Nadebelop niya ata ang kaadikan sa pakikipag-niig dito.

Sumimsim siya ng alak na dinala nila sa kwarto. Compliments iyon ni James sa kanila. Personal nitong dinala iyon sa kanilang cottage at bahagya pang nakapaskil ang pagtataka ng makitang magkasama sila ni Gboi sa iisang kwarto na may issang kama. Nag-offer pa ito ng de-luxe na kwarto para sa kanila. Yun nga lang ay tag-isa sila na magalang naman at disimulado nilang tinanggihan.

Mahal na siya ni Gboi. Sigurado na siya sa puntong iyon. Maari na niyang isagawa ang susunod na hakbang. Ang ipaalam sa lahat ang sikreto nitong iyon. Kinuha niya ang cellphone sa pantalong nakasabit sa silya at dahan-dahang lumabas ng cottage.

Tatawagan niya si Britney para ipasabi nito sa pamilya ni Gboi na pumunta doon sa resort. Alam ni Britney ang plano niya bagaman tutol ang kalooban ay hindi na rin nakatanggi dahil sa laki ng utang na loob sa kanya.

Habang hinihintay niya ang pagsagot nito sa kabilang linya ay narinig niya ang pagtunog ng cellphone ni Gboi. Mahina lang iyon, ngunit dahil sa katahimikan ng paligid ay narinig niya iyon. Dali-dali siyang pumunta sa bandang bintana. Capiz lang iyon kaya maririnig niya ang pag-uusap sa loob.

"W-what do you mean you know something?" si Gboi sa marahas pero mahina at kinakabahang tono.

"We're not doing anything, damn you!"

"Don't fuck with me all right? And don't call again, ever!"

Ipinasya niyang pumasok na sa cottage. Isang namumutlang Gboi ang napasukan niya. Nang makita siya nito ay bahagyang tumalim at naningkit ang mga mata nito.

"Sino pa ang pinagsabihan mong bading ako at naririto tayo?" nanggigigil na saad nito. Nagpipigil ng galit.

Napakunot ang noo niya sa narinig. "Wala akong pinagsasabihan na kahit na sino man." matigas niyang sabi.

"Huh! Don't you dare make a fool out of me Pancho! Don't you dare. May tumawag ngayon lang at sinasabing alam niya ang relasyon natin at kung nasaan tayo ngayon." he said hissing. Namumula na ito sa galit. Napatayo na rin ito at natambad sa kanya ang kahubdan nito.

"Seryosong akusasyon iyan Gboi. Wala kang patunay na ako nga ang nagkalat ng tunay mong pagkatao." mahinahon pa rin niyang sabi.

"Tell that to the marines you creep! I can't believe I trusted you so much that I even loved you! How dare you do this to me." galit na galit na sabi nito at sinugod siya upang undayan ng suntok. Baliwala ang kahubaran nito.

Iniwasan niya ang unday nito ngunit hindi pa rin ito tumigil. Sinugod siya ng sinugod nito that left him no choice but to immobilize him. Isinalya niya ito patalikod and grabbed his arms and gave him an arm bar that looked like a chicken wing. Napupuyos na nagpipiglas ito bagaman kontrolado ang boses.

"Let go of me you bastard. I'm sure as hell want to kill you." naririnig pa niya halos ang pag-iigtingan ng bagang nito.

Nalilito man sa nangyayari ay hindi niya maaaring ipagsawalang-bahala ang galit ni Gboi. Kailangan niya itong mapaliwanagan.

"Stay calm Gboi. I don't want to hurt you more. Would you hear me first?" sabi niya rito sa mismong tanga nito. He felt him shiver. Good!

"Hindi ko ipinagsasabi kung ano ka at kung nasaan tayo ngayon. Malamang isa iyang nanglolokong caller okay?"

"Huh! A prank caller who knows my name and who the hell I'm with as of this moment and knows about what I'm doing too. Some prank caller huh!"

"Okay. I don't know how he did know all that. But believe me. I'm not lying to you sweetheart. Alam mo kung paano kita kinulit about this rendezvous at kung paano akong nagtampo ng tanggihan mo ang pag-akbay ko, tapos ako pa ngayon ang magkakalat nito? Give me some credit sweetheart." he almost choked in his words. This is getting more and more complicated than he thought.

Gboi stopped struggling under his body. Although his rugged breathing is still obvious, he looked like he contemplated on what he said.

"Do you mean that?" He asked.

"Yes."

"Do you promise?"

"I promise." he raised his left hand.

"Wrong hand."

He chuckled then raised his right arm. He let go of Gboi and they faced each other on the bed.

"I will never do anything to hurt you sweetheart." oh he's getting cheesy by the minute. All because he didn't want to pull his cover yet. Not now. Not sooner. "I may not love you yet Gboi, but I won't do this to you sweetie." patuloy pa niya.

Gboi smiled at him. He took his hand to his nape and kissed him hard. After that, he smiled angain and said, "If you're lying to me, I'll kill you." then he laughed. "I told you I'm willing to wait. Hanggang kaya mo ng sabihing mahal mo rin ako." then kissed him again. "Kahit imposibleng masabi mo iyon sa akin." malungkot na dugtong ng isip niya.



Nagkakatuwaan at naghahalika na ulit sila ng tumunog ang cellphone ni Pancho. Kinuha nito iyon at sinagot. He looked at him dreamily as he answered his phone. Nasa cloud nine pa rin ang pakiramdam niya. Natatawang tinampal niya ang pisngi. Nagiging korni na siya.

Nakakunot ang noo ni Pancho na humarap sa kanya with the cellphone on his ear. "Ano pang alam mo?" sabi pa nito sa kausap.

"Sino ka?" mapanganib na nitong tugon. Kinutuban na siya.

"Paano mo nalaman ang number ko at kung nasaan kami?" nakatingin lamang ito sa kanya.

"Anong kailangan mo sa akin?" Mahabang patlang ang kasunod bago sumagot si Pancho ulit.

"Hindi ako interesado. Salamat na lang." tinapos na nito ang linya.

"Who is it?" tanong niya rito. Bumaba siya ng kama at isinuot ang boxers at kamiseta.

"Mukhang mayroong may galit sa iyo at handa kang pabagsakin." sabi nito.

Napalingon siyang bigla dito at natigil sa ere ang hawak na t-shirt. "A-anong ibig mong sabihin?" nalilito na siya.

"He said he knows about our little tryst and where we are right now. May nagmamanman daw sa atin mula pa kanina." kalmado lang nitong sabi.

Napamulagat siya sa narinig. Sino ang maaaring gumawa noon? Nagdududa siyang tumingin dito.

"Don't give that look, sweetie. I don't know the man. Wala akong ideya paano niya itong nalaman." nagtatampong sabi nito.

Gustong maniwala ng puso niya. Ngunit ito lang ang tanging nakaka-alam ng pagkatao niya. Nauupos na naupo siya sa kama.

"Are you sure? Kasi kahit gusto kong maniwala ay wala akong mahanap na ibang mapagbabalingan ng duda kong ito." nanghihinang sabi niya kay Pancho.

He stood up. He went to his bag and held his combat swiss knife to his hand. He tip toed to level his face with him. Kinuha nito ang kamay niya at ipinahawak ang swiss knife bago idiniin ang buton para umalpas ang talim noon at saka itinutok sa dibdib nito.

"This time I won't try to fight you. Hindi kita sisisihin. Kung sa tingin mo ay kagagawan ko ang lahat ng ito ay malaya kang saktan ako." nagsusumamo ang tingin nito sa kanya. hawak nito ang kamay niyang may hawak ng swiss knife.

"Maliit lang iyan, pero kung idederetso mo ang talim sa puso ko, tiyak mamamatay ako." gagad pa nito sa huling tinuran. Idiniin nito ang talim sa dibdib. May kaunti ng dugong umagos mula sa pagkakabaon niyon.

Binawi niya ang kamay at itinapon ang kutsilyo. Hinila niya ito at hinalikan. Namasa ang amta niya sa pinipigil na luha. Nananakit na din ang lalamunan niya. Naghiwalay ang mga labi nila. Inalayan niya ito ng ngiti. Saka siya nasalita.

"I told you. I'll kill you if you're lying to me. So that could wait." at nilangkapan niya iyon ng tawa. Kahit anong gawin niya, hindi niya talaga makuhang magalit dito. He love him more than anything else. More than his lovemakings. He love his whole being. All of him. Tumunog naman ulit ang cellphone niya.

"Answer it sweetie." Pancho said in between his kisses.

He looked at his cellphone and saw his stepmother's number registered.

"What is it Tita?" his voice full of boredom while Pancho eyeing him.

"W-what?!"

"S-saan niyo siya dinala? B-bakit? N-napaano siya?" natataranta niyang sagot sa sinabi ng nasa kabilang linya.

"S-sige papunta na ako. Andito ako sa Batangas. Sa isang kaibigan." at tinapos na niya ang tawag. Sinalubong siya ng nangungunot na noo ni Pancho.

"Ano iyon at bakit ka natataranta. For God's sake, nanlalamig ka!" inalog pa siya nito.

"S-si P-papa. Nasa ospital siya ngayon." naluluha na siya.

"Bakit daw?" nag-iba ang tono bigla ni Pancho. Biglang tumabi sa kanya.

"Natagpuan siyang n-nakahadusay sa ibaba ng hagdan."

Biglang tumayo si Pancho palayo sa kanya at kinuha ang mga gamit. "What the hell are you sitting there for? Stand up. We're going to your father." at iyon ang nagpabalik sa huwisyo niyang nangatal sa masamang balitang iyon.


Itutuloy....


CHAPTER 13

Halos panawan ng ulirat si Gboi sa nalaman. Hindi na niya naabutang buhay ang kanyang ama. Namatay ito minutes before they arrived in the Hospital. Nangatal ang buong pagkatao niya sa nalaman. Halos ayaw gumalaw ng katawan niya sa pagka-shock sa balita. Namanhid ang buong katawan niya. Halos hindi na siya makahinga.

The flashbacks of how he fought with his father flooded his mind. Naninikip ang dibdib niya sa pagka-alalang iyon. Parang sinasakal siya. Pinilit niyang humakbang ngunit hindi niya talaga kaya.

Nananakit na rin ang mata niya sa pagpipigil ng pag-iyak. He didn't want to believe that news. No freaking way. Malakas ang ama niya ng iwan niya ito nung isang araw. Hindi siya makapaniwalang basta na lamang itong malalaglag sa hagdan ng mansiyon nila.

Naalala pa niya kung paano siya sinalubong ng mayordoma nilang si Manang Mercy. Umiiyak ito ng maabutan nila sa labas ng operating room. Ang kanyang madrasta ay naroroon din at kasama si Elric na pilit na kinakalma ito. His stepmother is almost hysterical na kinailangan na itong i-sedate ng mga nurse at ngayon nga ay nasa isang room na ng hospital.

Si Pancho ay nagpaalam na tatao muna sa mansiyon dahil naiwan doon ang mga pulis. Natuklasan ng madrasta niya na nawawala sa higaan nila si Don Armando kaya lumabas ito ng silid at hinanap ang esposo. Nagulat na lamang daw ito ng makitang ang paakyat na asawa ay bigla na lang dumausdos pabalik at pababa ng hagdan na ikinabagok nito.

Hindi nakasindi ang ilaw sa bandang hagdanan dahil ang mga ilaw sa labas ng mansiyon ay sapat upang mailawan ang loob ng kabahayan at maaninang ang daraanan mo kung ikaw ay lalabas ng silid sa gabi.

Pinunit ng malakas na sigaw ni Mildred at ng kanyang ama ang pananahimik ng gabi. Hindi na nasaklolohan ng madrasta ang asawa dahil wala itong alam sa first aid at talagang natakot na ito. Hinagilap na lamang nito ang telepono sa hallway ng ikalawang palapag at tumawag ng ambulansiya at pulis.

May dumantay na kamay sa kanyang balikat. Nag-angat siya ng tingin. Nakita niya ang malungkot na mukha ni Manang Mercy. Matanda lang ito ng sampung taon sa kanyang ama. Bata pa ito ay nagtatrabaho na ito sa kanilang bahay sa Mindoro hanggang sa madala rin ito sa Maynila ng manirahan doon ang pamilya ng papa niya.

Pinahid nito ang pisngi niyang hindi niya namalayan na basa na pala ng luha niya. Ngumiti ito ng masuyo ngunit halos walang buhay.

"Tatagan mo ang loob mo anak. Ikaw na lang ang natitirang tunay na Arpon sa pamilya ninyo ng ama mo. Siguradong malaki ang mga pagbabago sa pagkawalang ito ng iyong papa."

Hinaplos-haplos pa nito ang kanyang buhok. Tulad ng ginagawa nito noong bata pa siya.
Lalo siyang napahagulgol sa gawi nito. Yumakap na lamang siya sa matanda.

"Manang, hindi ko man lang nasabi sa Papa na mahal na mahal ko siya. Hindi man lamang niya ako hinintay." buong hinanakit na sabi niya.

"Hindi man lang ako nakapag-sorry sa kanya. Sa kawalang-hiyaan ko bilang anak. Sa pagbabale-wala ko sa mga sinasabi at nararamdaman niya. Napaka-selfish ko, Manang." mas malakas pang hagulgol niya.

"Sshh... Huwag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gusto ng nangyari." alo nito sa kanya.

"Hindi po. Isa akong malaking disappointmen sa kanya Manang. I've never been the son he always wanted. Mas inuna ko ang pride ko kaysa ang makipag-mabutihan sa kanya." patuloy na pagsisi niya sa kanyang sarili.

"Hindi totoo iyan. Minahal ka ni Armando sa sarili niyang paraan." kumalas ito ng bahagya sa pagkakayakap niya at hinarap siya.

"Nakita ko kung paano nagning-ning ang mga mata niya ng ibalita niyang babalik ka na. Nakita ko ang kasiyahan na nadarama niya ng i-anunsiyo mo ang pagpapakasal ninyo ni Katrina. Nakita kong lahat iyon. Kaya nagkakamali ka kung tingin mo ay naging napakasama mong anak." tumingin ito sa mata niya kapagdaka.

"Napasaya mo si Armando. Napasaya mo siya." naluluha-luhang sabi nito sa kanya na lalong nagpabigat sa nararamdaman niya.

"No. I should've been a much better son Manang. Not like this. I've always opposed him." sisi pa rin niya sa sarili.

Naiiling na lamang na muli siyang niyakap nito. "Tahan na anak."

"Tama iyan Gboi. Sisihin mo ang sarili mo sa pagkamatay ni Armando." si Mildred. Mukhang maayos na ito. Nagbabaga ang tingin nito sa kanya habang papalapit at inaalalayan ni Elric.

"Dapat lamang na sisihin mo ang sarili mo dahil ikaw ay hindi naging mabuting anak sa kanya. Imbes na tumulong ka sa kumpanya ay mas pinili mong magpakasaya sa ibang bansa at magliwaliw. I can't believe that you are actually your father's son." maanghang na sabi nito.

Parang sinaksak siya ng mga sinabi nito. Batid niyang walang maaaring sabihin ito na papabor sa kanya. But somehow, her words managed to hurt him a lot. Bakit hindi, eh totoo namang pinalayo niya ng husto ang loob ng ama sa kanya.

Dinuro siya nito. "Pasalamat ka at wala akong kapangyarihan sa kumpanya kung hindi ay pinalayas na kita. Namnamin mo ang kapangyarihang hindi dapat sa'yo. Siguraduhin mo ang pagbagsak ng ama mo. Make him want to hate you all the more Gboi!" nanginginig na sigaw nito sa kanya habang inilalayo ito ni Elric. Muli itong isinedate ng nurse.

"Huwag mo silang pansinin Gboi. Hindi pa man naililibing si Armando ay ganoon na ang lumalabas sa bibig ni Mildred. Hindi man lang ipinagpaliban muna ang nais sabihin sa'yo." puno ng indignasyon na sabi ni Manang Mercy.

Hinawakan niya ito sa balikat at pinisil iyon.

"Hayaan na po natin siya Manang. She's absolutely right after all." mapait siyang ngumiti.

Sa normal na sirkumstansiya ay nakipagsagutan na sana siya sa madrasta ngunit wala siyang lakas na magsalita kanina pa. Punong-puno pa rin ng guilt at galit sa sarili ang puso niya. Hindi siya deserving na humarap sa ama. Nahihiya siya rito. Nahihiya siya sapagkat nasa isang bawal at tagong sitwasiyon siya kanina ay nakikipaglaban pala ito kay kamatayan at tuluyan na ngang sumuko bago pa man sila makarating sa ospital.

Binilinan niya si Manang Mercy na si Elric na ang mag-asikaso sa ama. Ang binabalak na pag-iwas sa kumprontasyon at pagharap sa labi ng ama ay hindi ibinigay sa kanya sapagkat lumabas na si Elric. Narinig nito ang bilin niya sa mayordoma.

"Bilib talaga ako sa'yo Gboi. Hanggang ngayon ay kaya mong isnabin si Tito Armand at layasan siya hanggang sa huling sandali." nang-iinsutong sabi nito.

Hindi siya nagsalita. Yumuko na lamang siya at muling tumingin kay Manang Mercy at nag-paalam na dito.

"Sige, kami na ang mag-aayos dito. Umalis ka na. Magpakita ka na lang sa burol." si Elric na nagpahinto sa kanyang hakbang.

"S-salamat kung ganoon." tugon niya habang nakatalikod.

"Huh! It must've been hard for your father Gboi." patuloy nito.

He did not utter a word. Instead he continued walking slowly.

"It must've been hard for him not having a child." said Elric.

He winced. Not because he managed to hurt him. He was hurt by the words that he said. He walked towards his car parked outside.



Nasa malalim na pag-iisip si Pancho. Mukhang malaki ang pagbabagong mangyayaring magaganap. Nawala ang butihing Don Armando. Malaki sana ang maitutulong nito sa kanyang plano. Napabugha siya ng hangin.

From the hospital ay nagtuloy siya sa mansiyon ng mga Arpon para mag-asiste sa mga pulis na naiwan doon. Nagulat siya ng makita niya roon ang isa sa mga kaklase niya noong high school na isa na ngayong pulis. Nakilala rin siya nito. Hindi maiwasang magkamustahan sila in-between ng pagtatanong niya.

"Vergara, I have to tell you something." si Lt. Rick Tolentino. Sa NBI talaga ito naka-pwesto pero naitalaga pansamantala sa QCPD for some covert missions. Matangkad din ito sa kanraniwan at maganda ang pangangatawan. Naka-civilian ito.

"Ano iyon Tolentino?"

"Rick na lang ungas!" nakangiting sabi nito.

"Ugok! Pancgo ang pangalan ko rito. Huwag kakalimutan iyan."

"Bakit hindi Ito?"

"Pancho, Panchito or Ito, it doesn't matter. So anong sasabihin mo?" pag-iiba niya ng usapan.

Tumikhim ito. "I think this was planned."

Nangunot ang noo niya sa narinig. Bumakas ang pagtataka sa mukha niya.

"Tama ba ang narinig ko?"

"Oo. I found some evidence."

"Anong ebidensiya?"

May dinukot itong evidence bag na transparent at ipinakita sa kanya. Kuminang ang mga iyon sa tama ng liwanag mula sa poste ng ilaw.

"Saan ninyo nakita iyan?"

"Sa ibaba ng hagdan at iyong iba ay nasa itaas. Tatlo alng lahat iyan."

"Paano kayo nakasigurong ebidensiya ito?"

"Look." iminuwetra nito ang ipinapakita sa kanya. Nakita niya ang bahid ng dugo sa isang bahagi noon.

"Malamang na tumama ang ulo ng biktima dito. Magre-request kami ng autopsy. Kung hindi kami nagkakamali. This is murder and we have the murder weapon on hand."

Napatiim-bagang na lamang si Pancho. Tumunog ang cellphone niya at binasa ang text na natanggap. Natigagal siya sa nabasa. Huli na para maiwasan niyang hindi iyon mabasa ni Rick.

"Tell me about it Pancho. Kung hindi, ilalagay kita sa listahan ng suspek." mahinahon pero may awtoridad na salita nito sa kanya. He left out a sigh. Nagsimula siyang magsalita.


Gboi on the other hand was driving aimlessly. Nakaburol na ang ama niya. Nag-request ng autopsy ang mga pulis sa pangunguna ng kaibigan ni Pancho. Everybody seem to take charge of the situation. Para lang siyang dahong itinatangay ng agos ng hangin at tubig. Walang direksiyon.

Nagtaka pa siya ng huminto siya at nakitang nasa isa Arpon Developers Building siya. Nagpasya siyang umakyat sa opisina ng ama. Gabi na noon. Gamit ang service elevator ay umakyat siya.

Pagdating sa opisina ng ama ay bumuhos ang emosyon na akala niya ay naubos na noong isang araw. Lahat ng guilt at galit na nadarama niya ay nilukob ang kanyang pagkatao. Napapadausdos siyang naupo sa sahig ng opisina ng ama. Paluhod siyang naglakad papunta sa mesa nito at iniabot ang larawan nito sa lamesa.

Laksang damdamina ang rumagasa sa pagkakahawak niya ng larwan ng ama. Halu-halong luha, laway at sipon na ang nasa mukha niya. Humahagulgol na siya. "I'm sorry Daddy. I'm sorry I've never been a son to you. I'm sorry I never told you I love you. I'm sorry at nahihiya ako sa iyo. I can't face you Dad. I can't." Namamaos na wika niya.

Nakramdam siya ng malamig na hangin na humaplos sa kanyang katawan. Nakasara ang bintana ng opisina at walang hanging pumapasok kaya medyo nagtaka siya.

"Daddy?" parang lokong tanong niya.

"Dad?"

"Can you forgive me Dad?"

Muli ang mabini at malamig na hangin ay humaplos sa mukha niya. Sa ibang pagkakataon ay malamang na natakot na siya. Pero hindi sa panahong iyon. Mukhang pinatatawad na siya ng ama. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at pinakawalan iyon saka inilapag ang larawan nito. Bumaba na siya sa parking lot sa basement.

Medyo madilim at malayo sa pinagkakalagyan ng kanyang sasakyan. Naglalakad na siya ng may maulinigan na nagsisigawan. Nagkubli siya sa isang pader at tiningnan kung sino ang mga iyon. Nagulat siya ng makitan g si Pancho at Elric iyon.

"Putang-ina! Bakit mo ko sinuntok!" galit na galit na sigaw nito.

Susugod sana ito ngunit tinadyakan ito ni Pancho sa dibdib na ikinabalandra nito. Nilapitan pa ito ang nakasadsad sa lupang si Elric at pinetsirahan bago muling pinasargo ng kamao ang mukha ng kapatid. Lalapit sana siya para umawat ngunit hindi na siya nakahakbang pa ng marinig niya itong magsalita.

"Nagtatanong ka pang ulol ka! Nang dahil sa iyo ay nawala ang pinakamamahal kong kapatid, hayup ka! Naaalala mo ba si Ara?!" mabalasik ang anyo ni Pancho. Ipinasya niyang huwag munang mangi-alam at makinig na lang.

"A-anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Elric.

"Nagmamaang-maangan ka pang sira-ulo ka. Ako si Ito. Carmencito Vergara para sa iyong ulol ka. Does it ring a bell? Ako ang kapatid ng biniktima mong dalagita na si Ara. Na namatay sa isang abortion clinic matapos mong iwanan ng bente-mil at bigla na lang nawala. Naalala mo na bang hayup ka!!?" nag-iigtingan ang ugat ni Pancho sa lahat ng panig ng mukha nila.

Nayayanig siya sa nalalaman niya. This is really a revelation. Nagugulat na talaga siya. At nangangamba na baka may iba pa siyang marinig na maaari niyang hindi magustuhan.

"I-ikaw si Ito? Ikaw ang kapatid ni Sehara?" nagkulay-suka ang mukha ni Elric. Pilit na pinapakawalan ang sarili sa pagkakapitsera ni Pancho rito.

"Oo at wala ng iba. Walang-hiya ka, hindi pa sapat sa iyo na pinaki-alaman mo ang kainosentihan ng kapatid ko ay nagawa mo pang ipalaglag ang buhay na nasa sinapupunan niya. Anak mo iyon tarantado ka!"

"H-hindi ko siya pinangakuan ng kahit na ano Pancho." nangangatal na sabi nito.

"Talagang wala kang kayang ipangako. Kaya ngayon, hindi rin ako makakapangako na hindi kita mapapatay." at isang bigwas ang ginawa ni Pancho.

"T-tama na P-pancho! Maawa ka!" sigaw ni Elric.

Pinagsisipa pa nito sa tiyan ang huli at sa mukha. Nakahandusay na ito sa sahig ng parking lot. Hindi naman siya makakilos sa kinatatayuan. Nanginginig ang tuhod niya. Nanlalambot siya sa natuklasan. All this time pala ay may kinikimkim na galit si Pancho kay Elric. Pero bakit pina-abot pa nito sa ganoon. Muli siyang sumilip.

"Ngayong patay na si Don Armando, wala ng dahilan para gamitin ko si Gboi at Katrina laban sa'yo. Hindi na sila kailngang masaktan pa para lang mapabagsak kita. Dahil wala ka ng pag-asa na mahawakan ang kumpangyang matagal mo ng inaasam." ang mga salitang iyon na nakapagpayanig ng husto sa kanyang sistema?

Ginamit siya ni Pancho. Ginamit siya nito sa simula pa lang. At lahat ng pakita nito sa kanya ay isang palabas lamang. All for the show. Para kay Elric. Para gantihan ito. Nanghihinang napaupo na rin siya mula sa pagkakasandal. Bakit sunod-sunod namana ng kamalasan niya?

Nagsalita pa si Elric. "Sira-ulo ka Pancho. Ang atagal mong naghintay. Pwede mo namang gawin ito. Nag-abala ka pa. Di mo ba naisip? Walang kinalaman ang dalawang iyon dito. Lalo na si Gboi. Baliw. Argh!!!" nasaktang wika nito.

Tumayo siya. Ipinaramdam ang presensiya niya sa dalawa. Wala siyang madamang awa para sa nakahandusay na si Elric habang ang galit niya ay halos sumabog na sa pagkakatingin kay Pancho. Pumalakpak pa siya.

"Bravo! Bravo! All the while pala ay umaarte lang pala tayong lahat. This is really quite a surprise." pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga iyon saka mapait na ngumiti.

Nagsalita ulit siya. "Ang kapal ng mga mukha ninyo na idamay ako sa galit na ito. Wala akong kinalaman dito Pancho alam mo iyan." sigaw niya.

"Gboi, saka na tayo mag-usap. Kapag okay ka--..."

Isang malakas na suntok ang pinakawalan at pinatama niya sa panga nito na ikinaatras lang ni Pancho. Hinimas-himas pa nito ang nasaktang panga at dumura sa sahig.

"Ang kapal ng mukha mo! Hindi ikaw ang magpapasya kung kailan kita kakausapin. At kung kailan ako magsasalita. Hayup ka!" kwinelyuhan niya ito. At sa harap ni Elric ay hinalikan niya ito ng mariin na kalaunan ay naging masuyo. Saka siya bumitaw.

"Tandaan mo ang halik kong iyan Pancho, dahil hinding-hindi mo iyan makakalimutan. At itong katawan ko." sabay hawak sa kamay nito at inilagay sa pagitan ng hita niya. "Hinding-hindi mo na matitikman. Maraming lalaki at babaeng pwedeng magpatayan para lamang diyan, pero ikaw, pinagbigyan ka na, nakuha mo pang tanggihan at paglaruan. Ang kapal ng mukha mo!" mahina niyang sabi sabay tulak dito at tumakbo patungo sa kanyang sasakyan.

Itutuloy...

Tuesday, January 18, 2011

"Unbroken 4"

“Unbroken 4”
2.1:Eyeglasses
Sadness flies away on the wings of time.
-Jean de La Fontaine


(TAKEN FROM FR'S POV)



“Danieeelllllllll!!!!”.


Dali dali akong tumakbo paran habulin si Daniel. Nagmistulang runner para habulin ang isang taong
bigla nalang maging mailap pagkatapos ng tatlong taong pagsasama. Tuloy tuloy akosa pagtakbo.
Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga sa katatakbo at kaiiyak. Napakasakit pero gusto ko pa rin malaman kung bakit nya ako hinawalayan.


Biglang nawala si Daniel sa kawalan. Pinipilit kong hanapin pero wala talaga. Naisipan kong bumalik sa hotel para makausap sya. Nagmadali ako baka hindi ko na sya maabutan. Pagdating ko sa lobby ay dali dali akong tumakbo patungo sa elevator. Sumakay at pinindot ang 15th floor. Bumukas ang elevator. Walang sinayang na minuto para makarating sa kwarto. Tama ang aking hinala. Nandoon sya. Nageempake.


Napansin nyang dumating ako. Nakikita ko syang lumuluha. Pinahid ang mata at naramdaman kong pinapakita nya na malakas sya. Mabilis nyang inilalagay sa maleta ang kanyang mga damit. Hindi ko mapigil ang aking sarili. Tumutulo ang aking luha habang pinapanuod sya sa ginawa. Makalipas pa ang ilang sandali,umupo ako sa kama. At bigla akong nagsalita.


“Daniel,pwede bang malaman kung saan ako nagkamali?”sambit ko habang umiiyak.


Tahimik. Patuloy sya sa pagempake. Patuloy din ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Pero parang hindi nya ako nakikita. Parang hindi nya ako naririnig.


“Daniel. Please. Gusto ko lang malaman lahat. Ano ba mali ko?” pagmamakaawa ko sa kanya.


Walang sagot. Blanko. Para akong hangin. Parang may ketong na iniiwasan. Dali dali akong tumayo para i-lock ang pintuan. Hindi sya makakaalis ng hindi ko nalalaman kung ano ba talaga ang nangyayari o nangyari o mangyayari. Muli,umupo ako sa kama at umiyak na parang bata.


“Kahit respeto man lang oh,pwede ba sabihin mo kung bakit nakikipaghiwalay ka? Please naman.
Maybe we can work this out. Please Daniel?”


Gaya ng kanina. Para akong tanga. Walang narinig. Walang nakita. Patuloy sya sa pagaayos ng gamit nya. Isinara ang maleta at nagbihis. Habang ako,nakaupo sa kama at ngumangawang parang bata. Natapos na syang magbihis at binitbit nya ang kanyang maleta. Akmang lalabas na sya ng pinto ng bigla akong nagsalita.


“Ganito nalang yun? Pagkatapos ng tatlong taon eto nalang yun?Wala na bigla? Wala man lang explanation?Ano ko? Manghuhula? Madame Auring ako ba to? Putang Ina. Daniel! Sabihin mo naman!”


Narindi ata sya sa narinig. Humarap ito at nagsalita.


“I'm sorry FR. I just can't be with you anymore.” sagot nito,


“You're throwing our 3-year relationship just because you can't be with me? Isa pa,bakit hindi na pwede?What have I done wrong? Nasabi ko habang umiiyak.


Nagbuntong-hininga sya. Nakita kong pumutak ang luha sa kanyang mga mata at mabilis nya itong pinahid. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi ko kayang mawala si Daniel. Umikot ang mundo ko sa kanya sa loob ng 3 taon. Hindi ko kayang ganun nalang. Lumuho ako at nagmakaawa. I'm trying to pull him back.


“Daniel,umikot ang mundo ko sayo ng tatlong taon. Wag mo ko iwanan. Parang awa mo na.” sabi ko habang nakaluhod sa kanya at nagmamakaawa.


“FR,I can't do this anymore. Not with you. Not now.” sabi nito.


“Not with me? So you have a new one? Daniel? Nabangit ko habang ninanamnam ang durog na durog kong puso.


Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Daniel.At nagwika.


“Yes. I have someone else. I'm really sorry FR.” blankong reaction nito.


Nanghina ako sa narinig. Mula sa pagkakaluhod ay tuluyan na akong napaupo sa sahig. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Daniel's got another guy? Paano? Kailan pa? At sino naman? Sa pagkakaalam ko wala syang iba. Impossible. Work. Bahay. Date namin. Yun lang ang buhay nya.
Impossibleng makapagsingit pa sya ng panahon para humanap ng iba. He's a very busy person.


“FR. I have to go now.” Sabi nya na biglang nagbalik sa akin sa urat


“Di na ba kita mapipigilan?” sabi ko habang lumuluha.


“I'm really sorry FR. I really have to go.” sambit nya.


“Okay. Thanks. Ingat.” sabi ko habang tumutulo ang aking mga luha na parang ayaw maubos


At biglang nagsara ang pintuan. Naiwan ako magisa. Naiwang nakaupo sa sahig. Nakatulala.
Umiiyak. Nasaktan. Trinaydor. Talunan. Kung sino man ang bago niya,sana maging masaya sila.
Sana mapaligaya nya si Daniel gaya ng ginawa ko. Sana magtagal sila. At sana hindi sya iwanan ni Daniel. Sana hindi sya pagsawaan. Sana hindi nya gawin sa taong ito ang ginawa nya sakin. At kung sino man sya. Putang ina nya. Inagaw nya sa akin si Daniel. Napakasakit kung sino man sya.
Sana mamatay na sya ngayon. Sana masagasaan sya ng truck na madaming load. Sana mapisa ang katawan nya ng pison. Sana mamatay na sya. Tamaan ng kidlat. Mahiwa ng panggupit ng damo ang ulo nya.


Tumayo ako mula sa pagkakalugmok sa sahig. Tinungo ko ang kama at inilatag ang hapong-hapo kong katawan. Hiniga ang patang-pata na katawan at ang pira-pirasong puso. Nagpakawala ng isang buntong hininga at pinahid ang luha sa aking mga mata. Kaya ko pa ba? Paano na ko? Where do I go from here? Fuck. Parang mamatay na ako. Pakiramdam ko langong-lango ako sa sarili kong luha.
Lutang na lutang. Hindi pa rain talaga kasi ako makapaniwala na nakipaghiwalay sya.


Ninanamnam ko ang lambot ng kama at lamig na nagmumula sa aircon ng kwarto. Kasabay ng ginhawang nararamdaman ko dulot ng kama at aircon ay ang binubutas na puso at pagkatao ko.
Wala akong maramdaman kundi sakit. Hindi makapaniwala na kung anong meron kami ay natapos ng ganun ganun lang. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung bakit at paano nya nagawa sakin iyon. Infairness,magaling syang mang two-time. Walang kabutas butas. Wala akong nakitang mga text sa phone.Wala din unfamiliar number sa call logs nya. Wala din kakaiba. Lahat eh normal kaya hindi ko maisip kung paano nya nagawa na ipagpalit ako sa iba.


Napakabagal ng oras. Hindi pa rin ako makatulog. Inaantay ko kung may bukas pa na dadating.
Pakiwari ko wala na. Wala nang dahilan pa para maging masaya. Dahil wala na mismo yung taong dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko. He held my oxygen. I can't breathe. He knows that he's my resuscitator.And he chose to kill me. Mula sa pagkakahiga naramdaman kong hinahatak ako ng katawan ko patayo. Tumayo ako at tinungo ang veranda. Dahan dahan kong binukas ang capiz na bintana. Malamig akong sinalubong ng malamig na hangin. Sinampal ako ng hangin,pinaparamdam nito na magiging mas malamig ang gabi ko dahil wala na kong katabi sa kama. At dahan-dahan na namang tumulo ang aking mga luha. Punyeta. Ayaw na naman huminto. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Lumabas ako sa veranda at umupo sa upuan sa labas nito. Kitang kita ko ang buwan na umaaninag sa aking mukha. Iniilawan nito ang aking mukha,ang aking miserableng kabuuan.


Hindi ako makapaniwala. Ako na si FR ngayon ay isang miserableng baklang umiiyak dahil iniwan ng isang lalaki pagkatapos ng tatlong taon. Fuck. I need some drink. Tumayo ako at kumuha ng beer sa ref. Lumagok na tila wala ng bukas. Totoo nga ang mga sinasabi nila,kapag heart broken ka,beer ang magiging best friend mo. Yung nga lang,ang beer pag naubos pwede ka bumili ng bumili. Pag isang mahalagang tao ang nawala eh mahirap palitan. Hindi iyon nabibili. Hindi mo kayang pantayan kahit ilang case pa ang inumin. Mahirap magmove on.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagiisa. Tulala. Walang tino. Walang baet na naiwan sa sarili. Pilit ko pa din inaanalyze kung pano nagawa sakin yun. Napapaluha nalang ako ng kusa dahil hindi ko lubos maisip kung bakit o paano. I am totally clueless. Pinahid ko ang aking luha. Pinilit tumayo pero mukhang mahihirapan na ako kumuha ng balanse. Nake 8 beer na pala ako ng di ko namamalayan.
Malamig na hangin,umiiyak na hampas ng mga alon,sandamakmak na beer,isang puso nasugatan ng husto. That made my night.


UMAGA.Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakahandusay sa veranda katabi ang mga bote ng beer. Nagkalat ang mga mani na aking pulutan nang nakaraang gabi. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kung gaano ako kamiserable. Tinamaan ako ng awa sa sarili ko. Do I deserve this?
Tama bang maging gago ako sa isang lalaki? Sisirain ko ba ang buhay ko ng dahil sa kanya?
Teka,parang di na ako to. Madaming bagay ang pumasok sa isip ko. Pero ang bottomline eh
dapat ko tong kayanin. Narealize ko na hindi pala hihinito ang mundo sa kakangawa ko.
Magmumukha lang akong tanga kakaiyak. Bakit pa? Hindi na din naman mababalik ng luha ko ang tatlong taong nawala. Kahit mabigat sa akin,kailangan kong magmove on. He left me with no choice.


Feeling disoriented. Tumayo ako at bumalik sa kama. Humiga ako sa kama at nagpakawala ng isang mahabanbg buntong hininga. “I will be okay.” tanging tangan ko sa sarili. Nagdesisyon akong umuwi na magisa ng Maynila. Wala naman akong dahilan pa para magstay sa resort. The more I stay here,the more I'm reminded of OUR memories. Nagdesisyon akong magayos na. Naligo,nagbihis,nagayos ng buhok at nagpabango. Inempake ko na ang mga gamit at tumawag na sa front desk.


“Room 145,check out na po.” sabi ko.


“Sir pakiantay nalang po yung room boy para macheck yung room kung may mga defects.”


“Okay. Sure.” sagot ko.


Wala pang 5 minutes ay dumating na ang room boy. Pumasok sa kwarto at chineck ang mga gamit.
Malamang ay nainis iyon dahil sa sobrang dumi at kalat ng inabutan nyang linisin.


“Sir. Okay na po. Cleared na po. Pwede na po kayong magbayad sa front desk.”


“Okay. Salamat.” malamig kong sagot.


Dala dala ang aking maleta,tinungo ko ang front desk. Agad akong binati ng receptionist.


“hi Sir! Good Morning!”


“There's nothing good with this morning.”sagot kong sarkastiko.


Halatang napahiya ang receptionist. Agad akong humingi ng paumanhid.


“Ah,Hey,I'm sorry.” sabi ko.


“Sir okay lang po. Bali po sir wala na kayong babayaran.”


“Huh? Bakit wala na?”


“Binayaran na po nung kasama nyo. Yung nauna pong umuwi kagabi?”


“Ah I see. Sige. Thanks!”


Nagitla ako sa narinig. Kahit pala nakipaghiwalay si Daniel ay binayaran pa rin nya ang bill namin sa kwarto. Naalala ko na naman sya. Di ko maiwasang mapabuntong hininga. Dali dali na akong
gumawa ng paraan para makauwi ng Maynila. Sumakay ng bangka para marating ang pampang.
Mula sa pampang,nagbus para makarating sa airport. Hindi naman din naging mahirap dahil kaunti lang ang tao dahil di naman peak season.


Nakaupo ako at nagaantay sa Boarding area ng maramdaman kong may kulang. Medyo sumasakit na din ang mata ko. Tsaka ko lang napagtanto na wala akong suot na salamin. Hindi pwedeng wala akong salamin. Kumikirot ang mga mata ko. Fuck. Agad kong kinapa ang bulsa ko para hanapin ang eyeglasses ko pero wala. Whew. Paano na ko nito? Halatang uncomfortable na ako dahil wala akong eyeglasses. Galaw ako ng galaw na parang ewan. Iritado dahil wala akong glasses ng biglang...


“Hey,do you want me to lend you my glasses?” sabi ng isang lalaki.


Natahimik ako bigla. Sinubukan kong tignan ang mukha nya. Mukhang gwapo naman. One thing's for sure,he's wearing braces.


“Ah,that's kind of you. Thanks. Pero nakakahiya po.” sagot ko.


“Nope. That doesn't matter. I usually bring two graded glasses everytime I travel.

“Whew. Okay. I'm going to say “yes” now. But Ibabalik ko ha?” sabi ko sa kanya.


“Alright. Here you go.” at inabot nya sakin ang eyeglasses.


Dali dali kong isinuot ang salamin na pinahiram ng isang estranghero. Medyo bumuti ang pakiramdam ko dahil nakakakita na ko ng maayos. Nakakapagtaka dahil medyo mailap ako sa mga di ko kakilala. Pero naging napakabait ko sa kanya. Ngayon,nabigyan ako ng pagkakataon na makita ng mukha nya. Yung totoo eh,he looks sophisticated. Mukhang professional. Singkit ang kanyang mga mata,matangos ang ilong,manipis at pinkish ang mga labi at nakabraces. Mukhang mayaman.
Hindi ko napuna na grabe na pala ang pagtitig ko sa kanya ng bigla syang nagsalita.


“Hey,okay ka lang ba? Wag mo naman ako titigan, Nacoconscious ako.” sabi nya.


Nagulat ako dahil nakatitig na pala ako sa kanya ng sobra. Nangangatal akong sumagot.


“Ahh. Yep, I'm okay. Thanks sa glasses. Hey,how can I repay you for this?” sabi ko.


“No. You really don't have to pay me for that.”sabi nya.


“Nakakahiya naman. Anything you want,please?” giit ko.


“Hmmm,Alright. I don't usually ask anything in return but since mapilit ka,I just want to have your number.” diretsong sagot nito.


“My number? Ahh. Sure.” sagot ko naman bigla.


Ramdam kong biglang namula ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit. At kung sino itong lalaking to, Pero infairness,ideal sya maging bf.May face value,at kung manamit ay napakaformal. Mukha syang may-ari ng isang kumpanya sa Makati. Sya yung alam mong pwede ipangalandakan na bf mo or what.

Nasa kalagitnaan ako ng pagaanalyze sa kanya ng bigla na naman syang sumabat.


“Hey, yung number mo na?”sabi nya.sabay ngiti..


“Ahh,ahhh,wait,” natataranta kong tugon.


“Hey,chill, Okay?”pagpapakalma nya sakin. Sabay hawak sa balikat ko.


“ahh eto number ko. 0927*******.


“Alright. Guguluhin na kita. Hehehe.” pabiro nyang sabi.


“Hehehe. I shouldn't have given my number. Makikipagtextmate ka lang pala. Hehe” sagot ko.


“Hey,btw,my name is Carlos.” sabi nya.


“Yeah. Carlos. F.R here.” sabi ko.


Formal kaming nagpakilala sa isa't isa ng biglang..


“Calling all passengers of Flight MNL075863....”


“Oh.Carlos,I have to go.Nice meeting you.”sabi ko.


“Alright. I'll see you.”


ITUTULOY...

"Unbroken 3"

“Unbroken 3”
1.3: The gift
by:unbroken

“The greatest thing you'll ever learn is just to love and be loved in return. “
-Moulin Rouge


Gulat na gulat kami ng makita naming nakatingin samin lahat ng tao sa loob ng restaurant.
May mga nakangiti. May mga halatang nagulat. May mga ibang nagpakita ng pagkadismaya.
Hindi namin sila masisi dahil mukha talaga kaming mga lalaki. Wala kang makikitang bakas ng kabaklaan sa aming porma.

“Uh-oh. They are all looking at us now hon.” Sabi ni FR.

“Yeah. They are all staring at us.” sagot ko habang magkatapat pa din ang aming mga labi.

“So,what now? Tuloy ang kiss o hindi?” nanunubok nyang sagot.

“Ohhh. We can't do it here FR. Sorry.” sabi ko habang umaatras ang mukha ko sa mukha nya.

Whew. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi ko na sinubukang tumingin sa mga tao dahil alam ko na nakatutok ang mga mata nila sa amin. Kitang kita ko sa mukha ni FR ang pagkadismaya. Mababakas sa kanyang mga mata na inaasam nya talaga na halikan ko sya in public.
But I just can't. Ramdam ko din na pinagusapan kami ng mga taong walang alam sa ganitong klaseng relationship.

Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Walang gustong magsalita. Walang gustong kumibo. Tahimik si FR dala marahil ng pagkapahiya at disappointment. Di naman ako nagsasalita dahil ramdam ko pa din ang malakas na kabo ng dibdib ko ng dahil sa nangyari.
Nabibingi na ako sa katahimikan kaya ako na mismo ang bumasag nito..

“Bill out na tayo?” tanong ko sa kanya.

“Sige.” malamig nyang tugon.

“FR. Sorry na please.” pagamo ko sa kanya.

“You're saying sorry for what?” sarkastiko nyang tugon.

“For what happened a while ago. Hindi ko pa kaya. Sorry.”

“Maybe hirap ka na din sa akin. Sa pagiging demanding ko. All I want is affection”. Naiiyak nyang sabi.

“FR. I know and I get your point. Naiintindihan kita. Sorry, It's my fault. Okay? At isa pa.
Pag tayo lang naman magkasama eh I show how much I love you diba?” pagpapaliwanag ko.

“Oo.” mahina nyang tugon.

“Mas masama kung pati lambing sa private eh di ko din binibigay. Sorry na. We just have to be more careful okay? Hindi lahat naiintindihan kung bakit me mga lalaking lalaki din ang gusto.”
dagdag ko pa..

“Okay. I understand. Sorry kung mejo nagiging clingy ako or what. I just want to enjoy everything kasi magiging busy na naman tayo pagkatapos nito.”

Agad akong sumenyas sa waiter. Dali dali itong lumapit at iniabot sa amin ang bill ng aming nakain.
Dumukot ako sa wallet ko nang biglang nagabot si FR ng pera pandagdag.

“FR,it's my treat. Okay?” sabi ko.

“Hati tayo,para hindi maubos baon mong pera.” giit nya.

“Nope. Madami akong dala. No worries Bossing.” sabi ko.

At binalik ko ang perang inaabot nya sa akin. Ganyan ako sa kanya. I want to provide everything
na kaya ko. Kahit na pamasahe kahit saan kami pumunta ayaw na ayaw ko na gumagastos sya.
Hindi naman sa mapera ako pero gusto ko lang iparamdam sa kanya na I will be a good provider.
May mga panahon na lagi nyang pinipilit na sya naman ang gagastos. Pero I never allowed him.

Muling bumalik ang waiter at inabot ang sukli sa aking binayad. Nagaayos na kami palabas ng restaurant pero nasa amin pa din ang mata ng mga tao. Parang sinusuri kami mula ulo hanggang paa. Medyo naiinis na ako dahil wala naman kaming ginagawang masama. Bakit? Pumatay ba kami? May ninakaw ba kami para titigan kami ng ganito? Nakakafrustrate ang mundo. Madaming Judgmental.

Nauna akong tumayo kasunod si FR. Iniiscan pa din kami ng mga tao. Parang sasabog na ako.
Inis na inis na ako sa mga sexist na walang ginawa kundi mangmata ng mga bakla at lesbians.
Doon ko naisip ipakita kung gaano ko kamahal si FR. Dali dali kong hinawakan ang kamay nya
at sabay kaming lumabas ng restaurant. Dumaan kami sa mga taong kanina pa nakatingin
at pinakita kong magkahawak kami ng kamay ni FR. Hindi sila makapaniwala. Lalong nagsitaas ang mga kilay nila ng makita magkahawak kami ng kamay. Hanggang sa may isang nagsalita.

“Woot Cool. Pano kaya sila nagsesex?” sabay tawa ng malakas.

Biglang nagtawanan pati mga kasama nya.Kasabay nito ang titig na parang nakakaloko.
Nagpantig ang tenga ko. Parang gusto ko makipagbasag ulo. Pero nagsalita si FR.

“Wag mo na patulan. Wala tayong ginagawang masama. Mahal natin isa't isa at okay na yun.” pagalo nya sa nanginginig kong damdamin.

“Fine.” sabay buntong hininga.

Bago kami tuluyang makalabas ng Al Fresco. Tumingin ako sa grupong tumawa sa amin. Nakatitig pa din sila at nanlilibak pa din. Kaya ngumiti ako,at bigla kong tinaas ang middle finger ko sabay sabing “Fuck you!”. Lahat sila natameme pagkakita nila noon. Nagtawanan lang kami ni FR matapos ng nangyare. Sinalubong kami ng malamig na hangin at masarap na tunog ng paghampas ng alon sa dalampasigan.

Nagbitaw na kami ni FR pero nakaakbay akon sa kanya habang naglalakad kami para humanap ng upuan. Lalo humigpit ang akbay ko sa kanya dahil alam kong madali syang ginawin. Halata namang natutuwa sya sa nangyayare.

“Pano kaya kung napaaway ka dun kanina?” tanong nya.

“Eh di napaaway. Ano pa ba dapat?” pabiro kong sabi.

“So makikipagaway ka talaga?”tanong pa nito.

“Siguro oo. Kung sobrang offensive na yung mga sinasabi nila. Yung tipong di na tolerable ng utak ko.” sagot ko naman.

“Dahil sakin mapapaaway ka pa. Sorry ha?” lambing nito.

“Sus. As I know gusto mo naman din na mapaaway ako para sayo.” sabay kurot sa ilong nya.

“Hahaha. Exactly. Ang cute mo kaya pag napapaaway. Para kang bata pag naglalambing na masahiin kita.” sagot nito.

“Ang sama mo. Eh pano kung mapatay ako dun? Grrrr.” sabi ko.

“Eh di magsuicide ako.” sagot nito.

“Weehh? Di nga?” asar ko.

“Seriously. Di ko kaya mawala ka.” biglang bumaba boses nito.

“Wag ganun. Hindi hihinto mundo mo pag mawala ang isang tao. Life has to go on.”sabi ko.

“I know. Pero right now,I really can't imagine myself without you.” sagot nitong tagos sa buto.

Malamig. Nanlamig ako pagkatapos ang sinabi nya. Natameme ako bigla. Hindi ko inaasahan na maiging ganoon kalalim ang koneksyon na maeestablish ng aming 3 taong pagsasama sa kanya.
Kahit naman sa akin. Alam kong mahal na mahal ko si FR. Mahirap sa akin pag nagaaway kami.
Para akong hindi makahinga ng maayos. Tulala ako pag meron kaming tampuhan,lakad ako ng lakad. Hindi ako mapakali,nanginginig pag nagagalit sya. In short,sya ang buhay ko. Ako ang buhay nya, Pero may problema.

“Oh? Bakit natulala ka Hon?” sabi nya sa akin na nakapagpabalik sa akin sa wisyo.

“Ha? Wala. May naalala lang.” sagot ko.

“Ano yun? Tell me.” tangan nya.

“Never mind FR. It doesn't matter.”sagot ko. Confused.

“Sure? There's something wrong. I can sense it.” sagot nito. Halatang nalilito.

“Nope. Wala talaga. Maybe pagod lang ako.” at bigla akong tumahimik.

Patuloy kami sa paglalakad ng makakita kami ng isang bakanteng lugar. Wala masyadong tao at nasa tabi mismo ito ng pampang. Ito yung mga tipo naming setting. Yung kita yung dagat,mga bituin at dami namin yung white sand at ung mga alon. Napakagentle ng gabing ito. Sobrang romantiko. Sana kayanin ko after all these years. Mahirap pero dapat.

Naupo kami sa lugar na yon. Di masyado matao dahil bandang dulo na ito ng beach resort. Makalipas ng ilang segundo naramdaman ko nalang ang ulo nya sa aking balikat. Ramdam ko ang
buhok nyang nakawax na tumutusok sa aking mukha pero wala akong pakialam. Ang alam ko ay mahal ko ang lalaking nasa gilid ko. Hindi ko kayang mawala sya at di ko alam ang gagawin ko.
Kailangan kong lumayo. Para wala nang masaktan. Kailangan.

Patuloy ang aming paggunita sa nakaraang 3 taon. Ang mga araw na pula,ang mga gabing asul at ang mga dapit hapong lila. Sinasariwa ang mga araw ng kababawan. Mga LQ moments,mga hot and wild sex scenes,mga eksena sa sinehan,mga patagong hipuan,mga korning love letters,mga suntukan,asaran,basaan ng tubig sa banyo habang naliligo. Lahat lahat. Nang maramdaman kong tumutulo ang aking mga luha. Mabigat ang pakiramdam ko, Di ko kaya ang dapat king gawing desisyon.

Naramdaman kong lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Di ko maiwasan humikbi na nagdulot ng ingay at napansin ni FR.

“Hey,hon. Why are you crying?” tanong nito.

“Ha? Wala. I'm just so thankful sayo.” sabi ko.

“Me too.”. At muli syang sumandal sa aking balikat.

Parang musika sa aking tenga ang hampas ng hangin at alon sa pampang. Isa itong mapait na tinig
nagbabadya ng isang trahedya. Ang dampi ng hangin any isang sumpang magbibigay ng dalamhati sa aking pinakamamahal. Pero bago mawala ang isang napakagandang kabuuan. Kailangan muna ng isang bagay na magpapaalala kung gano naging kasaya ang pinagdaanan.

Nakapatong ang kanyang balikat sa aking balikat. Ramdam ko ang kanyang kapayapaan. Nakahawak naman ang kanyang kamay sa akin. Ramdam ko ang umaapaw na pagmamahal.
Samantalang ako ay naguguluhan,tuliro at di maintindihan. Di ko maintindihan kung paano ko sisimulan ang wakas ng aming pagmamahalan.

Tumayo ako at pinatalikod ko sya. Dali dali kong inilabas ang aking munting regalo.

“FR. I bought you something. Talikod ka. I want you to close your eyes. And feel everything.”

“Ha? Okay okay. I will.” Halatang nagulat sya sa lahat ng nangyayari.

Dahan-dahan kong sinuot sa kanya ang isang kwintas na may pendant na krusipiho. Habang dumadampi sa balat nya ang kwintas ay naririnig ko ang kanyang hikbi. Halatang sobrang saya sya sa akin munting regalo. Habang ako naman ay unti-unting nadudurog. Pinipira-piraso ang aking laman sa sobrang sakit tuwing maiisip ko na dapat ko na syang iwanan. Pero kailangan kong tatagan,para maging ayos ang lahat.

“Hon. Thanks for this. I love you so much.” sabi ni FR habang lumuluha.

“Tandaan mo,habang humihinga pa ako. Ikaw lang ang mamahalin ko. Walang mkakabago nun. Kahit mawala ako sa'yo,baunin mo ang lahat ng magandang mga ala-ala na nagawa natin.
Maging masaya ka. Wag mo kong kakalimutan.” sabi ko sa kanya habang lumuluha.

“What do you mean?” ang kanyang mga mata ay lumuluha na din.

Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Kita ko ang pagkalito at bakas sa kanya ang malaking takot.
At marahan,unti unti kong nilapit ang aking labi sa kanya. Isang halik na tatapos ng lahat. Marahan,mainit,punong puno ng pagmamahal at pasasalamat. Isang halik na puno ng kalungkutan. Isang halik ng pamamaalam.

Kumalas ako sa pagkakahalik at nakita ko nalang na kapwa na kami lumuluha. Tumitig ako sa kanya at humugot ng isang malalim na hininga. Sabay wikang:

“FR. I can't be with you anymore.”

“What?”

“I can't be with you anymore.” sagot ko, Pinipilit kong maging matatag.

At dahan dahang bumagsak ang luhang pinakaiingatan.

“Bakit Daniel?” tangan nya habang umiiyak.

“I just can't.” sagot ko.

Tumayo ako at tumalikod. Hikbi sya ng hikbi. Namamatay ako sa bawat pagluha nya.

“Daniel! Shit! 3 taon tayo! Itatapon mo ang 3 taon ng wala man lang dahilan? You're breaking up with me because you just can't be with me? Daniel!” pagtangis nya

Ngunit parang naging bingi ako. Nagsimula akong lumakad papalayo habang parang gripo ang aming mata. Lumakad ako papalayo. Habang siya ay patuloy na umiiyak at tumatangis..

“Dddddaaaaanniiieeeeeelllll!!!!!”...

ITUTULOY....