Wednesday, March 30, 2011

"The Swingers"

NOTE:This is a bit sensitive. Don't read if you're not open minded. Thanks! Comments are highly appreciated.


“Masaya ka pa ba sa akin?”

“Oo naman. Bakit mo pa ba natatanong yan?”

“Wala naman.”

“Magdadalawang taon na tayo. Tingin mo ba magtatagal tayo ng ganito kung hindi kita mahal at hindi ako masaya sa'yo?”

“I know. Sorry for the stupid question.”

Tumalikod ako sa'yo habang nakahiga tayo sa kama. Ramdam kong kinuha mo ang iyong cellphone para magtext, I can hear the keys of your phone sa twing tatama ang mga daliri mo dito. Ilang segundo pa, nilapag mo ang phone mo sa tukador.

I was analyzing kung bakit umabot tayo sa ganitong situation. Saan ba ako nagkulang? Sino ba ang may pagkukulang sa atin at saang aspeto naman? Ano ba talaga ako sa'yo? Ano ba talaga para sa'yo ang relasyon natin? Bakit tayo nagkaganito?

Silently,a teardrop fell. I instantly felt numb. I just didn't know kung makakaiyak pa ako.

Pinahid ko ang luha. Nakatalikod pa rin ako sa kama kasama ang mga hubad nating katawan. Sariwa pa rin talaga sa isip ko lahat. Katabi kita sa kama, wala tayong imikan. Malamang nakahiga ka ngayon ng maayos habang nakatitig sa kisame.

I heard you sigh. We remained silent.

Tumunog ang phone mo. Narinig ko na naman ang pagtama ng daliri mo sa keypad,nagtetext ka.

“Nakauwi na daw sila Andy.”

I remained silent.

“Eric?”

“Oh?” sagot ko.

“Bakit tahimik ka?”

“Wala.”

“Di ka ba nagenjoy kanina?”

Di ako makaimik. Di ko din alam kung anong dapat kong isagot. Alam ko sa sarili ko na di ako masaya sa nangyari. Alam ko din na di ako magiging masaya sa twing maaalala ko kung paano mo hinayaang galawin ako ng kung sino lang.

“Eric,kinakausap kita.” there was authority sa boses mo

“I just don't feel like answering.” sagot ko.

“At bakit?”

“Wala lang.”

Di ko alam kung bakit,muli na namang tumulo ang aking mga luha.

Narinig kong bumuntong-hininga ka. Umuga ang kama,ilang saglit pa,muli na namang nakapulot ang mabigat mong braso sa aking katawan.

“Eric,galit ka ba?”

“I don't know.”

You hugged me tighter. Your breath touching my ears.

“Eric naman. Akala ko ba napagusapan na natin to?”

“Eric naman eh,bakit di ka nagsasalita.” pangungulit mo pa

Di ko alam. Ang alam ko lang di maganda ang pakiramdam ko. Masakit ang katawan ko at pakiramdam ko naabuso ako. Ewan ko lang. Di talaga maganda ang pakiramdam ko. Gusto kong magsisigaw pero parang walang boses na lalabas. Gusto kong magalit pero di ko alam kung paano. Gusto kitang sisihin pero alam kong tapos na.

“Ano ba Eric? Bakit ayaw mo magsalita!?” pagsigaw mo sa akin.

Lalong bumigat ang aking pakiramdam ko. Nangingilid na naman ang luha sa mata ko. This time,i think desidido na ko para sa isang komprontasyon.

“Anong gusto mong sabihin ko Jerome?” sagot ko sayo.

Lumuwag ang pagkakayakap mo sa akin. Malamang nagulat ka sa inasal ko. Sa loob ng 2 taon nating relasyon lagi nalang ako sumusunod sa lahat ng gusto mo. Sa loob ng 2 taon,oo lang ako ng oo. Sa loob ng 2 taon,sa'yo umikot ang mundo ko. Pero hindi ko alam kung tama pa ba to.

“At bakit ganyan ka sumagot?”

“Bakit? Kailan naging bawal magsalita ng ganito Jerome?”

Natameme ka. I think you sensed anger sa boses ko.

“Galit ka ba?” sagot mo,matigas.

“Ewan.”

“Sagutin mo ko ng matino!” sabi mo sabay kuha ng braso ko.

Piniga mo ito at napangiwi ako sa sakit.

“Bitiwan mo ko Jerome! Nasasaktan ako!” sigaw ko.

Nagulat ka rin marahil sa inasal mo. Binitiwan mo ako at tumayo ka. Our eyes met.

“Sorry Eric.” you said,apologetically.

I instantly stood up. Reached for my clothes.

“Saan ka pupunta?”

“Uuwi sa amin.”

“Mag-usap tayo Eric!”

“Ano pa bang gusto mong marinig?” sagot ko.

Kinuha ko ang brief at isinuot ito. Nanatili kang nakahubad sa aking harap.

“Sabihin mo sakin kung anong nararamdaman mo!”

“Nararamdaman ko Jerome? Bakit? Unaware ka ba sa ginawa nyo sakin?”

Natahimik ka. Napaisip. Nagpakawala ng isang buntong hininga.

“For God's sake Eric! It's just sex! Ano naman kung nagsex tayo kasama sila Andy at ang partner nya? Normal yun!” sigaw mo sa akin.

“It's just sex?” sarkastiko kong pag-ulit.

“Ahh oo nga. Sex lang yun. Sabagay,hindi naman ikaw ang tinira diba? Ako lang naman ang tinira! Ako lang naman Jerome! Alam mo yun? Pinilahan nyo ko!” sumbat ko sayo.

Nagitla ka sa narinig mo. Nanatili kang nakatitig sa akin. Nakita ko nalang ang aking sariling lumuluha.

“Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Nakita mo kung paano ako ginalaw nung 2 lalaki na yun,anong ginawa mo? Wala! Nanuod ka at patuloy ka pa sa pagungol at pagsulsol sa kanila na tirahin nila ako ng maigi. Putang ina Jerome! Daig ko pa si Maria Ozawa! Hindi ko alam kung ano ba talaga ako sa'yo. Sex slave? Boyfriend! Ano?!!” sigaw ko

Natulala ka sa narinig. Wala ka pa ding masabi.

“Ang sakit-sakit Jerome. Para akong puta kanina na pinagpepyestahan. Alam kong hindi ako babae,alam kong bakla ako pero kahit papaano,mayroon naman akong pagmamahal sa sarili ko. Bakit mo nagawa sakin? Ha? And for you to say na sex lang naman yun? How dare you! Sex lang ba yun?”

“That's just sex.” mahina mong sabi.

Hindi na ako nakapagpigil at mabilis na lumipad ang palad ko sa pisngi mo. Malakas at malutong ang sampal na yon. Alam ko dahil kita ko ang agarang pamumula sa pisngi mo.

“Sex,pangdalawahan lang yang activity na yan. Ginawa yan para sa mga magasawa or couples. Never naging Sport ang sex Jerome!”

“Bakit ngayon ka lang umalma Eric? Bakit ngayon mo lang sinabi na ayaw mo? Pwede ka namang tumanggi diba? Bakit di mo ginawa?” tanong mo.

“Bakit Jerome? Kailan ka ba pumayag na tumanggi ako? Kailan ba? Sa loob ng 2 taon na tayo never ka naman pumayag na tumanggi ako diba? Lagi nalang ikaw! Ikaw ang tama! Ikaw ang magaling! Ikaw ang masusunod! Lagi nalang ikaw!”

Nakita ko ang pagdungaw ng luha sa gilid ng iyong mga mata.

“Ganun ba talaga kita tinrato?” naiiyak mong sagot.

“Oo Jerome. Oo! Puppet!”

“Bakit ka sumusunod?”

“Dahil mahal kita!”

Tahimik.

“I love you Eric.”

“Yes.you love me Jerome,but not as much as I love you.”

“Let's fix this Eric. Let's fix this. Magbabago ako.” umiiyak mong sinabi.

“Hindi ko alam Jerome. Hindi ko alam.”

At dun na bumuhos ang emosyong kanina ko pa pinipigil. Walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha habang patuloy ako sa pagkuha ng mga damit ko sa lapag. Patuloy sa pagiyak si Jerome na ngayon ay nakasandal sa pader habang sapo ng kanyang dalawang kamay ang kanyang mukha. Eto nga siguro yung pagkakataon kung saan narealize ko na puno na talaga ako sa lahat ng mga bagay na dinadanas ko sa kanya. Okay syang boyfriend,yun nga lang,masyadong mataas ang tingin nya sa sarili nya at may mga tendencies syang maging diktador.

Okay sana ang flow ng relasyon namin hanggang sa isang araw,sinabi nya sakin na nabobore na daw sya sa sexlife namin. Lagi nalang daw ganito,ganyan,dapat daw naming lagyan ng spice. Nagdecide sya na makipagmeet sa isang couple,sina Andy at Jacob. Hindi ako pumayag pero sadyang mapilit sya. At ngayon,humantong na nga sa ganito.

I got dressed as fast as I could. I checked myself in the mirror. Pinahid ko ang aking mga luha. Inayos ang aking mukha,maging ang aking magulong buhok. Nanatiling umiiyak si Jerome,nakahubad. Dinampot ko ang aking bag sa may center table. Binigyan ko sya ng isang blankong tingin,lumabas ng kwarto at padabog na isinara ang pinto.

Bumaba agad ako ng condo at pumara ng taxi.


* * *

Wala pang 30 minutes ay nakarating na ako agad sa unit na tinirahan ko. Nilapag ko kaagad ang bag at hinampas ko sa kama ang aking patang katawan. Pumikit ako at naramdaman ang mainit na likidong nagmumula sa aking mga mata. Nanatili ako sa ganung estado hanggang sa kainin ako ng kadiliman.

Naalimpungatan ako ng marinig na nagriring ang aking cellphone. Agad ko itong sinagot.

“Hello?”

“Eric? Si Andy to.”

“Oh bakit?”

“Nasa ospital kami ngayon. Naglaslas si Jerome.”

“Ha?”

“Naglaslas ang boyfriend mo.”

“Sige sige. Pupunta ako.”

W A K A S

Monday, March 28, 2011

"Don't you want to stay?"

"Hinaan mo muna yung aircon ang lamig eh."


"Tinatamad ako dad. Inaantok pa ako. Please ikaw na?"


You sat on the edge of the bed. Gazed at me. Kissed me on the forehead. Stood up then instantly reached the crank of the faulty air conditioner. I saw how the dim moonlight licked your body through the thin satin curtains of my room.


"Palitan mo na tong aircon mo."


"Pwede pa naman yan no."


"Ang kuripot ng baby ko."


I smiled. Unti-unti lang lumapit pabalik sa kama.


Seeing you makes me happy. I love to see how you smile. Nakakatuwa na t'wing makikita kita eh lagi kang nakangiti. It's as if you're not going through anything. That's what I love about you, kahit depressing na ang mga pangyayari and we both know that we're in a complicated set-up,you still manage to make things light and easy for us.


Umupo ka sa edge ng kama. I saw your back. Sexy as always. You possess those define back muscles that really turn me on. My fingers made their way to it. Hinahawakan kita sa paraang alam kong makakapagpatigas sayo. Parang explorer na sumusunod sa mapa ang aking mga daliri sa pagsunod sa mga guhit sa likod mo. Ramdam ko na nageenjoy ka dahil sa mga mahihinang ungol na namumutawi sa bibig mo.


You gave me that appealing stare which made my fingers stop from touching your back. Tumingin ka sakin while I was lying down. Dahan-dahan kang humiga. I can hear your heartbeat. You wrapped me with your arms. Nothing has ever felt this good. I must admit,everytime you touch me,it feels like I'm losing my virginity.


Nasubsob ako sa dibdib mong carpeted. Rinig ko ang tibok ng iyong puso. Dama ko ang init ng iyong katawan. Kita ko ang contentment sa iyong mukha. Sana hindi na matapos to. Sana wala na tong katapusan.


“Kailan tayo magkikita ulit dad?”


“Basta itetext kita.”


“Kelan naman kaya yun?”


“Alam mo naman set-up diba?”


“Oo naman. Di ko nakakalimutan dad kung ano ako sayo.”


“Eto na naman ba tayo baby?”


Sabay tayong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.


“Namimiss kita Dad.” sabi ko.


“Magkasama tayo ngayon. Paano mo ako namimiss? Ang gara naman nun.”


“Paano mamaya? Uuwi ka na tapos maiiwan na naman ako magisa dito Dad.”


Nakita mo ang disappointment sa aking mukha while I was saying those words. You pinched me,i stopped worrying about the future.


“Alam mo naman na di ka magisa diba?”


“Physically,pag umalis ka, Am alone and lonely.” sagot ko.


“You never have to be lonely. Okay?”


You gave me a reassuring kiss. Somehow,I felt fine, but deep inside kinakain ako ng takot. Everytime we meet, ang saya-saya ko. I never felt so happy. To think of it,alam kong ikaw lang ang makakapagpaligaya sakin ng husto,that's the reason bakit ako nagstick sayo kahit alam kong kumplikado lahat,maging ang relasyon natin.


“Oh? Bakit natutulala ka?”


I was surpised. Thoughts have been running on my head that I didn't even notice you're staring at me. Dumbfounded,I unconsciously bit my lower lip with my teeth. You laughed and asked me what's wrong.


“Anong problema Baby?”


“Wala Dad.”


I lied. Alam kong nagiisip ako.


“I know you.”


“I know.”


“Tell Dad now. Anong problema ng baby ko?”


“Dad,I was wondering.”


“What?”


“Kung kailan tayo magkikita ulit? Madaming mga thoughts ang tumatakbo sa isip ko now pero di ko alam kung ano yung pinakamatimbang. Ang alam ko lang ayoko ng matapos tong ganito. Yung tayong dalawa,ganito lang na magkasama. Yung tipong di mo na kailangang umuwi sa kanila. Yung tipong akin ka nalang?” mahaba kong sabi.


I saw sadness in your eyes. Sadness that has always been with you everytime we talk about us. Alam kong nahihirapan ka na sa set-up natin,alam mong nahihirapan din ako. Bakit di pa natin mapakawalan ang isa't-isa? Does that mean we love each other much at biktima lang tayo ng panahon?


“Alam mong mahal na mahal kita baby.”


“Alam mo din na mahal kita daddy.”


“Sorry for putting you sa ganitong set-up.”


“Alam ko ang pinasok ko from the start.”


“Sorry.”


“I know na may family ka. Alam ko lahat. I must admit na di ko maiwasan minsan na magdemand ng panahon mo,pero anong magagawa ko? Pumatol at nagmamahal ako ng isang taong pamilyado eh. Alam kong magiging ganito tayo. Naramdaman ko na magkakagulo tayo somewhere in the middle.”


Tumagilid ka ng pwesto. Bali kaharap mo na ako ngayon. We were facing each other. Our eyes met. Deep sighs. Hearts confused. Shall we stay? Shall we go?


“Baby? I have a question.”


“Ano yun daddy?”


“Kung di mo ko nakilala,sino kaya ang kasama mo ngayon?”


Nangiti ako sa tanong mo. We never talked like this before.


“That I don't know. Alam mo naman na mabenta ako.” I said,jokingly.


You smiled.


“Eh ikaw? Ano ka kaya ngayon kung wala ako?” tanong ko.


You gave me that odd look. You were trying to analyze if I was just trying to weight your statements and I know you were figuring out if I'm serious. I know you. You kissed me on the forehead.


“Sagot.” I demanded.


“I don't know. Siguro I never learned how to be unfaithful kung di kita nakilala.”


I raised an eyebrow. So kasalanan ko palang nagtataksil ka sa asawa mo? Partly,yes. Pero di ko kagagawan lahat. It's not me.


“Really?” tanong ko.


“I think so?”


“Why did you say that?”


“Ewan. My relationship with my wife has always been stable and all that. After having met you,di ko na alam kung anong nangyari. All I wanted was just to be with you,di ko alam. Alam kong marami akong pagkukulang sayo,pero kung alam mo lang kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa'yo,you never would have doubted my feelings.”


“Dapat ba akong maging masaya dahil narinig ko yan sayo?” tanong ko.


“Siguro. On the first place I don't control your emotions.”


“Tama ka. We can't control how we feel. Di mo din ako masisi na sa twing uuwi ka sa inyo,jealousy brutally kills me.”


“Really? You seldom tell me you get jealous.”


“Hello? Ano ko robot? Di ba ko marunong magselos? At bakit ko pa sasabihin sayo na nagseselos ako? Para maguilty ka lalo?”


“Ikaw talaga.”


Tahimik. Parang musikang nanghaharana ang aming mga pusong naguusap. I have a gut feel that it would just have to end so soon.


“Baby?”


“Hmmm?”


Napatingin ako sa labas ng bintana. The rain started pouring like woah. I smiled.


“Why are you smiling baby?”


“It's raining daddy. Maybe it's a sign for you to stay a little longer.”


“Ikaw talaga. I have a question.”


“Ano yun?”


“Did you ever regret having me in your life?”


“What a question? Bakit mo naman natanong yan?”


“Wala naman. Baka kasi nahihirapan ka na sakin.”


“Oo. Nahihirapan ako sa set-up. Aminado ako. Pero I never complained. May narinig ka ba sakin?”


“Wala naman.”


“See. Yun yon. I have kept what I feel dahil ayokong mahirapan ka lalo. I know this is wrong. Alam na alam kong mahirap makiapid sa taong pamilyado. Alam ko lahat,pero tiniis ko dahil mahal kita.”


“Salamat sa pagmamahal.”


“You're welcome.”


“Gusto mo na ba kong hiwalayan?”


That question caught me off guard. Parang nawala ang katinuan ko nang marinig ko ang tanong na yan. Yung tipo bang 1M jackpot question sa “Who wants to be a millionaire?”,ganun ang dating. The question confused me. The question made me analyze things. The question made me weep.


“Ibabalik ko ang tanong sa'yo. Bakit mo natanong yan? Gusto mo na ba akong iwan?” tanong ko.


“Mahirap to para sakin...”


Before you could say anything,I had to cut you off.


“Spill it.” matigas kong sagot.


“I have to. Oo.”


“Shit.”


“My wife has been more suspicious nang may mga nakita syang sigarilyo sa pocket ko. She knows I don't smoke.”


“You could have lied.


“I did. Pero di sya naniniwala. Kilala nya ako.”


“Eh ako? Hindi ba kita kilala?”


“That's not the point.”


“Makikipaghiwalay ka sakin para sa asawa mo?”


“Hindi. Para sa mga anak ko.”


Asshole. Napatahimik ako sa narinig. Tama sya,para sa mga anak nya. I know I have his heart,pero mahirap pa rin talagang makipaglaban pag mga anak na ang pinaguusapan. I know how dedicated he is when it comes to his children at di ko naman kayang makitang walang ama yung mga yun. I think inuusig ako ng konsensya ko.


You stood up. Hinahanap ang mga damit mong nagkalat sa lapag. You're trying to make your way out of my room,and out of my life too. At this very moment, I really didn't know what I feel. Hindi ko alam ang dapat kong gawin,papakawalan ba kita? Ipaglalaban ba kita? I really don't know. Alam kong mas matimbang ang mga anak mo sa akin. Alam ko yan.


Patuloy ang paglakas ng ulan sa labas. Wala pa din tayong kibuan. We both know na iiyak tayo pareho the moment you try to leave. Alam natin pareho yan. You got dressed as fast as you could without even saying anything. Lumapit ka sa drawer ko na may malaking salamin then looked for my perfume to put on your own. I looked at the mirror,mas lumakas ang buhos ng ulan.


“I have to go.” you said sounding so calm.


“You really want to call this off?” tanong ko. Emotionless.


“I do. I have to. Let's break up.”


I didn't dare answer. I kept my mouth shut. You just stood there,sobbing. I knew you would cry. I knew it. I looked at you,I saw a miserable guy crying.


“Bakit ka umiiyak?” tanong ko.


“Ayoko talagang makipaghiwalay. Pero kailangan ko na. God knows how much I do love you.”


“Then why call it off?”


“I have to.”


“That's what your heart tells you?” tanong ko.


“No.”


We stared at each other. Both of us crying.


“Don't you want to stay for a little while?”


I didn't hear any response.


“Don't you want to stay?”


Tahimik.


“Don't you want to stay and hug me tight?”


Wala kang sagot. I turned my back. Humiga ako at humarap sa pader.


“Don't you want to stay with me here for the last time?”


Seconds after,I feel your arms wrap in my body,my heart. Then there's silence.


E N D

Tuesday, March 22, 2011

"For All We Know"

NOTE:Another personal work. Thanks sa mga magbabasa,magcocomment at magfafollow ng blog ko. :)


* * *

"Tomorrow may never come for all we know"

* * *


Ang lamig ng hangin dito sa parke. Unusual for a scorching summer. Kahit papalubog na ang dilaw na haring araw ay ramdam pa rin natin ang alinsangang dala ng lupa. Nakakairita ang init na dala nito.

Nandito tayo kung saan tayo unang nagkita. Parehong lugar at parehong oras.

“Anong nangyari?” tanong mo.

“Di ko alam.”

Nakaupo ka sa swing,para kang batang tuwang-tuwa sa pagugoy ng swing na kanina mo pa ineenjoy. There I was,standing in front of you,looking while you were acting like 7-year old boy na first time makasakay sa swing. I got fascinated,this was how you exactly looked way back.

“Oh? Bakit titig na titig ka?”

“Huh? Wala.” sagot ko.

I tried lighting a stick of Marlboro Menthol.

“May lighter ka?”

Kinuha mo ang lighter mo at hinagis ito sa akin.

I lit a stick. Puffed. Felt good.

“Di ka ba nangangawit kakatayo dyan?”

“Ayos lang ako.” sagot ko.

Nangangalahati na ako sa sigarilyo.

“Bakit di ka umupo dito sa swing na katabi ko?”

Nostalgic.

Umupo ako sa swing katabi ng sayo gaya ng sabi mo. Yan ang isa sa mga kakaibang bagay sayo. You told sentences,but I've always perceived them as commands. Having said that,I never complained. I just followed.

You removed your eyeglasses na sinasalo ng matangos mong ilong. I can't help but to stare at you. I saw how the sunset kissed your sexy-chocolate brown complexion. It looked so good on you. Kahit noon pa man ay lagi kong sinasabi sayo na okay ang kulay mong yan. Ayaw mo lang maniwala.

“Nakatingin ka na naman.” sabi mo.

“Ganun ka pa din. You're still cocky.” I managed to say atleast.

You exhibited that same old smile. Hypnotic.

“Oo naman. At talagang nireremind mo pa din ako kung gaano ako kaarrogante.”

Tahimik.

“May pilat ka pa rin? Ilang taon na nakalipas di mo pa din napapaderma yan?” sabi mo.

“Walang panahon eh.”

“Ahhhh” You said,sounding that you don't believe me.

“Yeah.”

“Awkward ng feeling.”

“Oo nga.” sagot ko.

“Penge yosi?”

I gave you a stick. Binuksan ko din ang lighter hanggang sa halikan nito ang nguso ng Marlboro.

“Kanina ka pa Yosi ng yosi. That means something.”

“You know what it means?” tanong mo.

“Tensed.” maiksi at nakatingin sa buhangin kong sagot.

“You still know me.”

“Ofcourse.”

Tumayo ka. Lumayo sa swing,bumalik,umupo. Ginawa mo ito ng paulit-ulit. Talaga ngang natetense ka. Kanina pa tayo di nagsasalita,napapanis na ang laway ko. Ang awkward ng pakiramdam.

Bumalik ka sa tabi ko. Inugoy mo ng inugoy ang swing.

“Ilang taon tayong di nagkita?”

Di ako agad sumagot. Inisip ko kung ilang taon ba,narealize kong mahina rin pala talaga ako sa Math.

“Di ko alam. Ilan taon ka na ba?” sagot ko.

“I'm 31 one.”

“Oh,29 ako.”

“Alam kong mas matanda ako sayo. Di mo na kailangang ipagyabang ang edad mo sakin. Besides,tatanda ka rin naman.” sagot mo

“Alam ko. Sinasabi ko lang. The last time we saw each other,17 ako? Then you're 19?”

“Yata?”

“Ewan?”

“Oo. Yun nga yun. Tama. Yun nga!” sabi mo.

Tahimik.

“We were so young then. What happened nung mga taong di tayo magkasama?”

That question made me feel uneasy. Parang biglang hinalukay yung nararamdaman ko? I really hate this feeling.

“Wala.”

“Paanong wala?” usisa mo.

“Ano ba? Wala nga eh. I mean tinapos yung pagaaral ko. After graduation,nagstart agad magtrabaho sa isang magandang company. Ayun,laging busy. Wala din masyadong panahon para sa kung saan-saan.” paliwanag ko.

Bakit ba ako nagpapaliwanag? Ewan ko ba sa sarili ko.

“Ohhh. Bakit naman ganun? All work and no play makes Prince a dull boy.” sabi mo sakin.

“Yeah. Ang boring ng buhay ko for the past years.”

“Don't say that,walang buhay na boring. Tao meron.” sabi mo.

Napaisip ako. Maybe you're right. I just don't find myself interested sa kahit saang activity. I go to the gym,that's it. Di siguro boring ang buhay ko,ako mismo ang boring. Siguro nga. Tama ka. Siguro. Di na rin naman ako nagkainteres kahit kanino after nung sa atin.

“So,after nung satin? Sino mga naging involved sayo?” tanong mo.

Seryoso ang iyong tono.

“I had some flings. Some encounters,some experiences. Unfortunately,walang nagwork. I decided to stay unattached to everyone. Mahirap ng masaktan ulit.” sabi ko.

Tumingin ka sakin,binawi ito at initsa ang yosi papalayo. Muli mong binalik ang mga mata mo sa akin.

“Unattached? Bakit? You built walls. You must have built bridges.”

“Wala lang. I really want it to be that way.” sagot ko.

“Tell me Prince,iniisip mo pa ba ako?”

“Siguro.” plain kong sagot.

“Bakit siguro?” usisa mo

“Di ko alam eh. Siguro iniisip pa kita. Madami akong tanong kung bakit nawala tayong dalawa.”

I paused. Looked at you,trying to sense what you're thinking.

“People of our age,our friends,our closest friends thought we would be really a good pair. Ilang buwan lang,walang kaabog-abog,nawala ka. And you never told me why. Di ko alam kung anong nangyari,saan ako nagkamali and all that. I was just left there,hanging.” dagdag ko.

Lumingon ka sa akin gamit ang iyong nangungusap na mga mata.

“And wasted.” bigla kong sinabi

Pagkasabi ko noon,nakita kong may pinahid ka sa iyong kaliwang mata. I gave you a confused look,you gave me a heartwarming smile that almost took me from my sanity.

“Kung wasted ka ano pa ako?” sagot mo.

“What do you mean?”

“Di lang naman ikaw ang nasaktan sa nangyari. Maging ako.” sagot mo.

“MAS nasaktan ako.” sabi ko na bingyan ng diin ang salitang mas.

“Mas?”

“Oo mas. Marahil nasaktan ka sa paghihiwalay natin. Pero mas masakit para sakin dahil di ko alam ang dahilan. Nagising nalang ako and you don't want to be with me anymore. I asked for your explanation pero you never gave me any. You chose to remain silent.”

“Kailan ba ko nagsalita?” tanong mo sakin,provoking an argument

“Alam ko. Di mo ugaling magsalita,but you could have told me atleast. Sana inisip mo na nung mga panahon na yun,mahal na mahal kita. I respected you during our moments,you could have given me the best kind of respect na dapat kong makuha.”

“Respeto? Naramdaman mo yan sakin. I respected and loved you Prince. For God's sake,alam na alam mo yan at di ka din naman manhid para di mo maramdaman.”

“Alam ko, Pero nung nakipaghiwalay ka? Nasaan ang respeto don? I was yours. I was forced to let you go. You asked me to give up on us. Why? For no reason! Shit Ted! Ano? Nasaan ang respeto don? Respeto bang matatawag yung pagdump m,o sakin nang wala ka man lang dahilan? Ni supporting details wala!” sabi ko habang pinipigil ang galit at luhang gustong bumuhos.

Nanatili kang tahimik. Inalis mo ang iyong eyeglasses at inilagay ito sa case na ginawa ko para sayo isang dekada na ang nakakalipas.

“Prince look,I still use ung case na ginawa mo para sa glasses ko nung college tayo.”

I stared at you. Dumbfounded.

Naramdaman kong gusto mong ilihis ang topic. Nakikita ko sa mukha mo na natetense ka dahil nagcacrack na ang boses ko. Ganyan ka,kapag alam mo ng iiyak ako,pinipilit mo kong patawanin and all that.

Nanahimik akong nakatingin sa buhangin habang dinuduyan ang aking sarili.

“Prince.”

“Bakit Ted?” I said,trying to sound calm.

“Paano kung sabihin ko sayo na hanggang ngayon iniisip pa rin kita?”

“Stop it.” pagpigil ko sayo.

Binaling mo ang ulo mo sa kanan. Tumingin ka sakin. Tumitig ka sakin. The same way you did way back. Sinagot ko ang mga titig mo ng aking mga titig. Mababanaag sa mata mo ang labis na pangungulila. Di ko alam kung anong nakikita mo sa akin ngayon,hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Di ko alam kung nasaya ba ako or what.

“No.” mahina mong sagot.

“At bakit hindi?”

“I still think of you Prince. I really do.”

Upon having heard that,tears started flowing endlessly.

“I still think how you laugh. Iniisip ko kung nagriwrinkle pa rin yung area around your lips whenever you smile. I miss how those chinky eyes look whenever I tickle you. I miss you. Alam mo yun? Di mo alam kung gaano ako nangulila sayo.” sabi mo,trying to sound so proud kahit halatang nagcacrack na ang boses

I remained silent.

“Nung nasa Amerika ako,walang oras na di kita inisip. Lagi akong nagdadasal na sana okay ka lang. Lagi kong pinagdadasal na sana wala kang sakit at di ka mapahamak twing magisa ka or kahit may kasama ka. I always pray na sana maging okay ka at mapaayos. Kung alam mo lang kung paano ko nagdasal. Pinagdadasal ko na sana maging masaya ka.”

Pinipigil kong bumigay sa mga naririnig ko.

“Alam mo ba kung anong pinagdadasal ko ng husto?” tanong mo sakin.

“Ano?”

“Pinagdadasal ko na sana.. Sana di mo ko makalimutan.”

Nakita ko ang pagangat ng dibdib mo tanda ng isang malalim na buntong-hininga.

“Pinagdadasal ko na sana wag ka munang makahanap ng iba habang wala ako.”

Napatulala ako sa narinig. Kita ko ang pagpatak ng luha sa iyong mga mata. Ngayon lang kitang nakitang bumigay at napatunayan ko na totoo pala lahat ng sinasabi mo. Di ko na mapigilan,ilang segundo nalang naramdaman kong tumulo na ang luha ko. Pareho tayong nagiiyakan habang pabagal nang pabagal ang galaw ng ating mga duyan.

“Pinagdadasal ko na sana ako pa rin ang mahal mo.”

“Pinagdadasal ko na sana hanggang ngayon ako lang. At sana maging tayo ulit. God knows how hard I prayed for this moment. Alam kong masaya ang Diyos dahil nakausap na kita ulit.”

Hindi ko na mapigil ang sarili ko sa pagiyak habang nakatitig sa iyong mga matang lumuluha rin. You extended your arm para abutin ang akin. Sa mga di malamang kadahilanan,inabot ko ang kamay ko at agad mo itong kinuha at hinawakan. Naiyak ako,sa loob ng ilang mahabang tanong naramdaman ko ulit ang init na dala ng kamay na yon. Yung tamang lambot at kalyo. Di ko maipaliwanag. Hinalikan mo ang aking kamay habang patuloy akong nakatingin sayo.

Inangat mo ang iyong mukha at nagwika.

“Prince,tell me,dininig ba ng Diyos ang mga panalangin ko?”

I smiled.

“Dininig ba ng Diyos ang mga panalangin ko?” tanong mo ulit.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ang alam ko lang ay overwhelmed ako ngayon sa pagmamahal na nararamdaman ko.

“Prince.” sabi mo sabay pisil sa kamay ko bilang pagkuha ng atensyon.

Lumingon ako sayo at di ko na naman napigilang lumuha.

“Sabihin mo if my prayers were answered.” umiiyak mong sabi.

Tumayo ka at hinatak ako papaharap sayo.

“Sumagot ka naman oh.”

“Ano bang tanong?” wala sa sarili kong tanong.

“Sinagot ba ng Diyos ang mga tanong ko?”

Tahimik.

“Oo Ted. I think sinagot ng Diyos lahat ng dasal mo. Safe ako at walang nangyari saking masama. Di din kita nakalimutan.”

“Mahal mo pa ba ako?” tanong mo sakin.

I nodded.

“I think so.”

Ngumiti ka at kinuha mo ang mukha ko to give me a quick kiss.

You stared at me. You looked at me while crying.

“Di mo alam kung gaano katagal kong hinintay na mahalikan kang ulit.”

Di ako makapagsalita.

Patuloy ka sa pagluha.

“Bakit iyak ka ng iyak? Di ka ba masaya na marinig na mahal pa rin kita?” tanong ko.

“Masaya ako. Sobrang saya.”

“Yun naman pala eh. Eh bakit ka pa iyak ng iyak?” tanong ko habang hawak ang iyong dalawang kamay.

Tumitig ka sakin. Mata sa mata. Nagbuntong-hininga ka at nagsalita.

“I went to America nung tayo pa dahil kailangan. I had to undergo medications.”

Nagkakaclue na ako sa pwede ko pang marinig.

“Then?”

“Masaya ako at nakita kita ngayon at nalaman ko na mahal mo pa rin ako.”

Patuloy ang pagpagaspas ng hangin.

“Tulungan mo kong magdasal.”

“Bakit?”

“Ipagdasal natin na mabuhay pa ako ng matagal.”

Napatitig ako sa'yo at nakita kong umiiyak ka ng husto. Pagkarinig ko noon,tumulo ang aking luha. Agad akoing yumakap ng mahigpit at naglock ang ating mga umiiyak na puso.

“Wag mo muna ako iwan. Please. Not now.”

“I'll try.”

At nakita natin ang paglipad ng mga ibon sa orange na kalangitan.

W A K A S

Monday, March 21, 2011

"Unbroken 9"





❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿


“Unbroken 9”
3.0:Thinking of you
“In your eyes,I'd like to stay.”
-Katy Perry,Thinking of You



At isang yakap nga ang nagpakalma ng aking naghuhulagpos na emosyon. Luhaan,sugatan,di mapakinabangan. Those words explain everything.


❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿


Mabilis na lumipas ang tatlong taon. Everything seemed normal. Everything seemed fine. Madami na din nagbago. Masakit ang nakaraan pero siguro nakapagmove on na ako. Naging mahirap sa umpisa,pero kinaya ko naman din. Lahat ng sakit ay sinubukan kong kalimutan. Tinapon ko lahat ng negativity na dinala sa akin ni Daniel. Mahirap pero dapat. Mahirap pero kinaya ko. Narealize ko kung gaano pala ko katatag,tinuloy ko ang buhay ko from the point na akala ko ay wala na lahat. Kinaya ko.


Naayos ko na ang buhay ko. Bumalik na sa dati. Balik trabaho. Balik sa pagiipon at sa kung ano-anong sideline. Ginawa kong abala ang sarili ko. Ginawang araw ang gabi para sa trabaho, Sinasabi nga nila na daig ko pa daw si Curacha sa mga sideline. Sa tatlong taon na yon,nabigyan ako ng pagkakataon na magipon ng husto at makakuha ng sariling bahay. Naging preoccupied ako sa trabaho. Naging alipin ng pagtatrabaho na nagbunga naman, Tama nga yung narinig ko sa TV,kung sa pera ka magiinvest tutubo yan,kung sa lalaki? Wala, Heart ache.


Malamig na ang simoy ng hangin. Dala na rin siguro ng nalalapit na Pasko. Naisipan kong umuwi ng maaga ngayon para umuwi sa bahay nila Mama. Tinawagan nya ako dahil daw nagluto sya ng sinigang na baboy. Ano bang meron? Anniversary ba nila ni Papa? Hay. Ano ba to? Sarili kong pamilya di ko na nakikita dahil sa trabaho ko. Ganyan ako naging kaworkaholic.


6:30 P.M.


Bumaba na ako mula sa 11th floor ng Raffles Bldg. Sa may Ortigas. Salamat naman at wala akong nakasabay sa elevator. Medyo natatakot kasi ako kapag nagiging crowded na sa elevator. Hindi ko malaman kung “Claustrophobic” ba ako or talaga lang maarte. Anything goes. Mabilis kong narating ang ground floor at kaagad akong lumabas ng building. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.
Ilang steps din ang hinakbang ko bago makalapag sa kalsada. Naglalakad na ako papunta sa sakayan
ng bus sa may Galleria ng biglang may bumusinang isang pamilyar na sasakyan sa akin. Binaba ng nakasakay ang bintana at agad na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.


“Hoy Gwapong nakablack! Sakay ka na!” sigaw nito sa akin. Nakangiti.


“Sorry! Di ako cheap!” sigaw ko pabiro.


“Dali na,magkano ba?” sabi nito pabiro.


“Magkano ba kaya mo?” balik kong sagot.


Pinagtitingan kami ng mga tao pero para lang kaming mga ewan na nagagaguhan sa kalsada. Matatamis na mga ngiti ang aming palitan. Magaan ang pakiramdam na may isang taong nandiyan lagi para sayo. Masayang isipin na mayroong isang nagtyaga sa akin lalo na nung mga panahong tinalikuran ako ng lahat. May isang nagantay ng tamang panahon para maibalik ko ang dati kong sarili. May isang taong nagmahal sa akin sa paraang alam nya at sa paraang tanggap ko. He's loving me for me. Unconditionally. And I felt so alive.


Agad akong sumakay sa sasakyan. Tumabi agad sa driver's seat. Umupo na parang kamaganak na sobrang at home sa magarang sasakyan na ito. Agad kong sinandal ang likod sa upuan at nagbuntong-hininga.


“Whew. Kapagod. Lakas toyo ka din no? Di ka man lang nagpasabi na susunduin mo ko?” sabi ko.


“Kailan ba ko nagpasabi na susunduin kita?” Pabiro nyang tanong.


“Oo nga naman. Lagi ka palang sumusulpot nalang. Hehe.”sabi ko.


Sinara na nya agad ang bintang at pinaandar ang sasakyan. Tinted naman ito kaya okay lang. Di masyado aninag kung may gawin man kaming kalokohan. Tuwing nagdadrive sya ay palaging seryoso ang mukha nya,marahil na rin siguro sa mata nya. Lagi syang nakasalamin dahil gaya ko,medyo malabo na din ang mata nya. Papalabas na ng Rob Galleria,kakanan na kami sa may tapat ng 7eleven sa may AIC. Nagkaroon ng bahagyang pagbagal ng mga sasakyan. Umangat ako sa upuan at lumapit sa kanya,sya'y humarap sa akin.


“Uy umayos ka nga,baka mauntog ka FR.” sabi nitong punong-puno ng concern.


“Okay lang yun,bukol lang naman kung sakali to Carlos.” sabay ngiti ng pilyo.


“Ah.. Teka para san yang ngiting yan...?”sabay ngiti.


Mula sa ganung posisyon ay hinarap ko ang kanyang mukha sa akin. Dali dali kong hinalikan ang kanyang mga labi. Pagdampi nito ay naramdaman ko muli ang fulfilling sensation na tila nakakahypnotize. I can't stop wanting him. I can't. And I don't want to stop wanting this man.
Tumagal ang pagtatama ng aming mga labi ng ilang segundo. Bumalik ako sa upuan at muling inayos ang aking sarili. Lumitaw ang ngiti sa aking labi at ako'y napabuntong hininga. Tila napansin ito ni Carlos.


“Buntong hininga na naman? Something's wrong? Or nadala ka ng kiss?” pabiro nitong sabi.


“Adik. Pero seriously,namiss kita.” sabi ko. Naramdaman kong nagblush ang mukha ko after kong umamin na namiss ko sya. Ang weird. Siguro natakot na ko magexpress ng feelings. Kaya naging unusual sa akin nung sinabi ko yun sa kanya.


“Wow. Salamat!”sabi nito na namumula.


“Ang cute mo pag namumula. Para kang ewan.” sabi kong nangaasar.


“Nagulat lang ako,kasi hindi ka na masyado vocal. Kaya nagulat ako. Pero sobrang happy.” sabi nito. Halatang nagulat at natuwa ng sobra. Mula ng mangyari lahat ng nangyari ay nagiba ako. At isa sya sa mga taong naapektuhan ng pagbabago ko pagdating sa pagibig.


“Sus. Gumaganon pa? Bilisan mo nalang magdrive. Inaantay na tayo nila Mama sa bahay. Nagluto daw sya sinigang. Ano ba meron?” nagtataka kong tanong.


“Ewan. Parang mas alam ko pa ang mga events sa pamilya mo ha?” sabay ngiti.


“Eh dun ka ba naman halos umuwi eh? Paanong di mo malalaman?” sagot ko.


“Oh sya. Bilisan na natin. Gutom na din ako.” sagot nito sabay pakawala ng isang matamis na ngiti.


Mabilis ang naging takbo ng sasakyan. Wala pa atang 8PM ay nakarating na kami sa bahay. Mukhang may fiesta,nangangamoy ang inihaw na liempo sa labas palang. Ipinark ni Carlos ang sasakyan. Pababa na ako ng bigla nya akong pinigilan.


“Wag ka bababa,ako ang magbubukas ng pinto.” sagot nya.


“Ha? Wag na. Nakakahiya.” sabay blush.


Dali-dali syang bumaba ng sasakyan para buksan ang pinto ng sasakyan sa aking gilid. Iba ang pakiramdam ko. He treats me so well. Parang wala na kong mahihiling pa. After facing the bitter reality that Daniel had left me,Carlos became my saving grace. Siya ang nagmistulang sandalan ko sa lahat. Kung may tao akong papasalamat bukod sa pamilya ko,walang iba kundi si Carlos yun. Si Carlos na nandyan sa akin in a major way.


Binukas na nya ang pinto at inalalayan ako pagbaba. Agad nyang sinara ang pinto ng sasakyan at akmang babaling na papasok ng bahay,pinigil ko sya at hinawakan ang kanyang kamay. Humarap sya sa akin at ngumiti ng pagkatamis-tamis.


“Oh? Bakit FR?” sabi nitong nakangiti.


“Wala lang. I just want to hold your hand.” sabi ko,naglalambing.


“Sus. Naglalambing ang pogi.” sabi nito sabay haplos sa aking mukha.


“Thanks sa lahat. I mean,thanks sa lahat.”sabi kong naiiyak.


“I told you not to cry.”sabi nya. Halatang masaya.


“I can't help it. I just realized kung gaano kalaki na pala ang hirap mo sakin. I mean,lahat ng oras na ginugol mo sakin,lahat ng pagiinitindi sa mga mood swings ko,sa lahat lahat. I really owe you a lot.”


At bigla na namang tumulo ang mga luhang nangingilid sa aking mga mata. Pero this time,hindi ito dala ng sakit,dala ito ng sobrang kasayahan dahil sa isang taong walang ibang ginawa kundi intindihin at iparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga. This is awesome. Naging passionate ang sumunod na mga nangyari. Naramdaman kong nagdikit ang aming mga katawan at ang aking mga braso ay nakaangkla sa kanyang mga balikat. Kami ay nagyakap. Mahigpit. Tila ayaw nang bitiwan ang isa't isa. I couldn't ask for more.


“Carlos,Thanks for everything.” binulong ko sa kanya. Sinsero. Heartfelt.


“Wala yun,I just want to make you feel better.”sabi nito.


“I'm better now. And I'm happy because you're there.”sabi ko.


“Masaya na ko to know you're happy.” Ramdam ko ang contentment sa tono ng boses nya.


“I couldn't have done it.” sagot ko.


“Kaya mo. I knew it from the start.”


“I couldn't have done it without you.” dugtong ko.


Kumalas si Carlos sa aming pagkakayakap. Tumingin ito sa aking mga mata. Nangungusap ang chinitong mga mata nito. All I want to do is to run away with this guy. Kahit saan nya ko dalhin game. Basta sya ang kasama ko. Ngumiti ito at dinampi ang kanyang malambot na labi sa aking kanang pisngi. Ngumiti ako at nagpacute. Pinindot ko ang kanyang ilong.


“I have something to give you FR.”sabi nya. Nakangisi.


“Ha? Ano yun? Bakit ano ba meron?”nagtataka kong tanong.


Nagmamadali syang pumunta sa compartment at binuksan ito. Mababakas mo sa kanyang mukha ang excitement at kaba habang nilalabas nya ang isang malaking kwadradong regalong nakabalot sa isang simple ngunit mukhang eleganteng wrapper. Inabot nya ito sa akin at bigla syang napayuko.


“Sana magustuhan mo.” sabi nya,halatang nahihiya.


“Ha? Ano ba to? Nagabala ka pa? Ano ba meron? Salamat Dito Carlos.”


“Happy Birthday FR.” sabi nito habang nakatitig sya sa akin.


“Birthday? What?” Nagulat ako sa narinig.


Kasabay nito ay natawa na lang ako sa sarili ko. Hindi ko alam na birthday ko pala ngayon. I mean,sa sobrang busy ko ay nakaligtaan ko na birthday ko pala ngayong araw na to. Kaya pala naghanda din si Mama ng pagkain, Tila fiesta sa bahay. Niyakap ko si Carlos at labis na pinasalamatan. Tinulungan nya ko sa pagbuhat ng kanyang regalo dahil may kabigatan ito. At kami'y pumasok na sa bahay.


Napuno ng tawanan ang bahay habang nagsasalo salo sa mga pagkaing hinanda nila Mama. Naging at home na rin si Carlos sa aming bahay. Nakuha nya agad ang loob ng Mama ko. Naging kasundo naman nya ang aking tatay sa kanilang mga Tennis moments. In short,good shot si Carlos sa kanila.
Sarap na sarap ako sa sinigang na baboy na niluto ni Mama. Maging si Carlos ay napasubo sa kainan. At syempre hindi magpapatalo si Pixel. Nakailang balik sa kanin at sa mga ulam. Kumain ng sinigang,afritada at liempo. Wala talagang kaarte arte sa katawan. Balahura sa kainan. Walang kapoise poise. In short,PG.


“Best,in fairness ha? Shoot sa banga ang sinigang.” sabi nito habang ngumunguya.


“Halata nga best,nakailang balik ka na sa kaserola eh.” pambabara ko.


“Eto naman,nakikikain na nga lang ako nagdadamot ka pa.” sabi nito.


“Ay? Ako pa nagdadamot? Eh ikaw na nga tong pinapakain. Umalis ka nga dito.” pabiro kong sabi.


“Wag naman ganun best,binibiro na nga lang kita eh. Wag naman ganun.” sabi nito.


“See? Kairita ka. Hehehe.”sabi ko.


“Mudra,pwede ba kong magbalot? Kahit yung sinigang lang,pati yung kare-kare,tsaka yung liempo.” sabi ni Pixel kay Mama.


Natahimik ako bigla. Pinipigilan kong tumuwa dahil nasa harap kami ng hapagkainan. Nagkatinginan nalang kami ni Carlos at sabay na ngumisi.


“Gurrlll,keri lang. May dala ka bang plastic dyan?” sabi ng nanay ko.


Agad na tumayo si Pixel at tumakbo sa bag nyang nakalagay sa sofa sa may sala. Pagkabalik nito ay nanlaki ang mata ko sa kakatawa. Ready talaga sya. May dala syang 3 microwaveable na lagayan ng ulam. Nang makita ni Carlos ito ay hindi nya napigilang tumawa ng malakas. Ganun na din ang aking nanay at tatay. Napuno ng tawanan ang aming hapunan. Sa isip isip ko,swerte talaga ako sa bestfriend ko. Hindi ko maimagine na kung gaano sya kaganda,ganun din naman ang kabaklaang nasa utak nya. Akala ko dati ay sobrang pino kung kumilos,pero I was completely wrong.


❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿


Masaya ang aking naging kaarawan. Masarap ang simoy ng hangin. Maganda ang panahon. Masarap ang mga ulam na niluto ng Mama. Kasama ko ang aking pamilyang sobrang mapagmahal.
Andyan ang bestfriend kong nagbigay ng walang humpay na kakatawanang si Pixel. At syempre,nandyan ang aking savior na si Carlos. Salamat sa Diyos at okay na ako.


Nakahiga na ako sa kama. Nakatitig sa dingding na minsan na ring nakasaksi sa nadurog kong puso.
Sa ilang taong nakaraan nakita ko ang growth ko bilang tao,mula sa pagiging sobrang devoted sa isang tao,sa tingin ko ay naturuan ko ang sarili kong mahalin ulit ang sarili ko higit sa lahat. Naibalik ko ang respeto ko sa sarili ko,naramdaman kong nabuo ulit ang aking sariling nawala for a while. I can feel the contentment na dala ng mga tao sa paligid ko sa akin. Sobrang saya ako sa companionship na dala nya. And I know magiging okay pa lahat.


Nasa ganun akong posisyon ng kumatok si Pixel sa kwarto. Mukhang makikitulog na naman dito.
Agad agad syang umupo sa kama. Parang bahay na nya. Lumingin sa mga ulok ng kwarto ng may makitang kakaiba.


“Best? Ano yung malaking gift na yun sayo?” sabi nyang may halo ng excitement at kaba.


“Ah? Yun ba? Regalo ni Carlos yun.” sagot ko.


“Wow. Opening na natin best!” sabi ni Pixel.


“Sige. Pwede.” sagot ko na may halong excitement.


Dali dali naming kinuha at nilapag sa kama ang regalo ni Carlos. May kabigatan ito at hindi ko mawari kung ano. Nakabalat ito sa blue na wrapper at may gold na lace na nakaribbon dito. Agad agad kong sinira ang balot dahil na rin sa paniniwala na pag sinira mo ang wrapper ng regalo ay mauulit ang pagreregalo sayo ng taong iyon. Pinagtuluyan naming sirain ni Pixel ang wrapper. Unti-unti ng lumadlad ang regalo. Sobrang humanga ako sa nakita. Isa itong Portrait ko na gawa sa charcoal. Sobrang saya ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay napakaespesyal ko para kay Carlos para iguhit nya ko. Magaling din syang pintor. Hilig nya na talaga ang pagguhit mula noon. Kaya nga lang ay pinilit sya ng kanyang tatay na maging doktor.


“Best,bongga! Ang ganda ng painting!” sabi ni Pixel.


“Wow. I'm speechless best.” sabi ko na naiiyak.


“Best? Wag ka nga umiyak dyan. Binigyan ka na nga ng ganyan eh,iinarte ka pa.” sabi nito.


“Timang! Tears of joy to.” sabi ko.


“Kailangan talaga may timang? Kaloka.” sagot ni Pixel.


Ngumiti lang ako sa kanya. Sa lahat ng unos at ligayang dumating sa buhay ko ay kasama ko sya. Sila ni Carlos. Sobrang saya ng pakiramdam. I felt that I'm a renewed person. Salamat. Napabuntong hininga ako. Agad kong nilagay ang aking portrait sa wall. Sakto naman at may pako butas at pagsasabitan na ito.


Pagkatapos isabit ang larawan ay bumalik na ako sa kama. Inilatag ko ang aking katawan at humugot ng isang malalim na hininga.


“Oh? Best? Buntong hininga ulit? Paulit-ulit?” sabi ni Pixel.


“Gago.”


“Sama mo naman.” nagiinarteng sagot.


“Adik. Sobrang happy ako ngayon.” sagot ko.


“Really? Di ako alam best kung maniniwala ako o hindi.” sabi nito. Seryoso.


“Ha? Bakit naman?” sagot ko.


“Ewan ko. I feel that your emotions are animated.” sagot nito.


“Animated? Ano ibig mo sabihin?”


“Okay ka. You feel stable. You really are stable. Pero I'm sure hindi ka pa nakamove-on.” sabi nya.


“Ha? I already moved on best! Sobrang happy ko na ngayon. Kuntento na ko sa kung anong meron ako at sa mga bagay na hindi ko hawak. Masaya na ko.”depensa ko.


“Okay best. You say so. Pero kilala na kita bago pa man tayo tubuan ng pubic hair. Kaya alam ko lahat. As in lahat. In a major way.” sabay ngiti nito.


Tahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bigla akong natahimik. Hindi ko alam kung dapat ba kong magalit sa sinabi nya o dapat ko pa bang usisain kung anong ibig nyang ipahiwatig. Paano nya nasabi na hindi pa ako okay? I have my work,my family,my friends and Carlos. He's been with me mula pa noong nadurog ako. So how can she say na I haven't moved on? Di ko maintindihan.


“Best,I really can't understand. Anong ibig mong sabihin sa Animated ang emotions ko at hindi pa ako nakakamoveon? Ipaliwanag mo.” sabi ko.


“Best,I want you to read between the lines. Matalino ka best. Alam kong naiintindihan mo ako. Nagtatangatangahan ka lang.” sabi nya.


“Best. I'm happy with Carlos. Okay na yun,I've moved on.” sabi ko. Pilit na kinukuha ang panniniwala ni Pixel.


“You're happy with him. He's there for you. At ayon ang set up nyo. Bakit? Mahal mo na ba si Carlos?” tanong nito.


“Ha??” nangangatal kong sagot.


“See? You can't even answer me straight. Ni hindi ka nga din makatingin sa mga mata ko. I knew it from the start.” sagot nito.


“But Best, Okay na yung kami ni Carlos na ganito. Kasi sabi nya masaya naman daw sya na magkasama kami,okay na yun.”sabi ko.


“Kayo ba?”putol nito.


“Hindi.” sagot ko,nakayuko.


“See? Ni hindi kayo. Sino ang may gusto ng ganyang set up? Ikaw?”


“Oo best. Okay naman daw sa kanya eh,mahalaga magkasama kami. Masaya na kami dun.”


“Di pwede maging kayo kasi alam mo dyan sa sarili mo kung sino ang mahal mo. You know that you're still inlove with that guy. The guy who once broke your heart. You can't admit it but you're still in love with Daniel. Hindi kaya possible na kaya hindi mo maisip na maging kayo ni Carlos ay dahil unconsciously nagaantay ka pa din kay Daniel? Kahit na sinasabi mong sobrang sakit ng pinaramdam nya sayo ay mahal na mahal mo pa din sya. And unconsciously,you're still waiting for him.”mahabang tugon nito.


Natahimik ako sa narinig. Hindi ko alam na maaaring ganun na nga ang nangyayari sa akin. Sa tagal ng pagkakakilala namin ni Carlos ay hindi man lang naging kami. Weird pero sobrang saya ko naman sa kanya. Nandyan sya pa lagi ko syang kailangan ko sya. He never failed me. Kung tutuusin nga sobrang laking tulong ng presence nya para maging okay ako eh. Pero hindi ko alam,okay na ba talaga ako? Ang mga binitiwang salita ni Pixel ay masyadong mabigat. Nawala ako sa wisyo. Parang totoo na ewan. Parang gusto kong maniwala. Pakiramdam ko sinasabi ng isip ko na okay na ako pero
emotionally I'm not really fine. Maybe she's right.


“Oh best? Natahimik ka dyan?” tanong ni Pixel.


“Wala best. Pagod lang to.” palusot ko.


“Nope. You're not tired. I know na iniisip mo kung tama ba ako o hindi. I'm afraid I'm right.” sabi nito habang hinahawi ang buhok na tumakip sa kanyang mata.


“Best. I really don't know.” sagot kong litong-lito.


“Okay. Best,hindi mo maintindihan nararamdaman mo.mas lalo naman ako. Inaanalyze ko lang lahat. Hindi ko alam kung ano ba. Pero I have my way on viewing things. At ganun na nga nakikita ko.”sagot nito.


“Ano ba nakikita mo?” sagot ko. Tulala. Nalilito.


“Nakikita? Manghuhula? Hay. Kasi kung mahal mo man sya? Bakit hindi kayo? I mean,diba pag mahal mo ang tao binabakuran mo na? I mean,dapat may commitment. Eh sa ngayon wala eh,take note best,3 years na kayo magkasama.”. Paliwanag nito.


Nagpakawala ako ng buntong-hininga.


“Ewan ko best. I must admit na nalilito ako.”


“See? Sa bibig nahuhuli ang isda. Sayo na din naman nanggaling na nalilito ka. You're confused because alam mo pa din na hanggang ngayon that Daniel still has a space sa puso mo. Kahit ilang taon na ang lumipas,your love for him is “Unbroken”.” sabi nito sabay yakap sa akin.


Marahil nga ay tama si Pixel. May puwang pa din talaga siguro si Daniel sa puso ko. Kasi kung wala,bakit pa ba ako malilito ngayon? Kasi kung wala,bakit pa ba ako umiiyak ngayon? Kasi kung wala,bakit ko sya biglang naisip?


“Best. Let's take a walk outside. I need some fresh air.” sabi ko.


❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿


Malamig ang hangin habang binabagtas namin ang subdivision. Tumatama sa amin ang malamlam na sinag ng buwan. Saksi ang mga bituin sa damdaming aking nararamdaman ngayon: CONFUSION. Bakit pa kasi naisipan ni Pixel na sabihin sa akin ang mga bagay na sinabi nya? Bakit pa ba nya pinaalala si Daniel sa akin? Bakit pa ba nya inisip na hindi ako masaya? Pero marahil tama sya. Kahit pala halos nasa akin na lahat ng higit pa sa kailangan ko,darating pa din ako sa punto na mararamdaman kong may kulang pa.


“Best,I have a question?” sabi ni Pixel.


“Ano naman yun?”


“Paano kung sakaling bumalik si Daniel? Paano na si Carlos?”


Natahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano nga ba? Yayakapin ko ba sya pag nakita ko sya?
Iiyak ba ko? Magsosorry ba ko? Magagalit ba ko sa kanya? Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko kung sakaling makita ko sya. Marahil nga ay tama si Pixel. Mahal ko pa din siguro si Daniel.


“Ewan ko best. Siguro magdedecide ako pag nakita ko na sya ulit. Mahirap magsalita ng tapos.”


“See? Now best,confirmed ko na. You're still in love with Daniel.” sabi nito.


Ako'y napabuntong-hininga.


Nakabalik na kami sa bahay at nakapasok na sa kwarto si Pixel. Naisipan ko uling bumaba para magisip isip. Umupo ako sa may labas ng gate namin. Tumingala at nagantay ng shooting stars. Pero wala. Inalat sa paghahanap ng shooting stars. Buntong-hininga. Makalipas ang 15 minutes ng pagiisa ay nakaramdam na ako ng pangangati,dala na rin marahil ng lamok na pumapakpak sa akin.
Agad akong tumayo at tumungo na sa gate. Dahan dahan kong inaangat ang bukasan at ako'y papasok na sana ng biglang..


“Happy Birthday FR.”


Nagitla ako sa narinig. Pamilyar ang boses na iyon. Hindi ko malaman kung haharap ba ako o tuluyan na bang papasok sa loob ng bahay. Naramdaman kong bumiglang bumagal ang aking paghinga. Bumigat ang aking dibdib. Nangilid ang aking mga luha. Muling bumalik ang galit. Nahukay ang poot na nabaon na sa limot.


Dahan dahang akong lumingon. Di ko namalayang bumabaha na pala ng luha ang aking mga mata.
Humarap ako sa huling taong bumati sa akin ng “Happy Birthday” sa gabing ito. Humarap ako sa kanya. Nakatikom ang kamay mga kamay. Tikom ang aking bibig. Nakita ko muli ang kanyang mukha. Makalipas ang tatlong mahabang taon. Ang lalaking dumurog ng aking puso. Ang lalaking aking minahal ng husto. Ang lalaking patuloy ko pa ding minamahal.


“Happy Birthday FR. Hindi mo ba ko narinig?”ulit nito.


Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanatili akong nakatayo sa aking kinalalagyan. He left me speechless. I can't move. Nakatitig ako sa kanyang mukha,wala naman masyado nagbago sa kanya. Maliban nalang sa kalbo nyang buhok. Bumagay sa kanya ang pagkasemikal dahil na rin sa magandang features ng kanyang mukha. Nandun pa din ang matangos nyang ilong. He's still got the almond eyes na lagi kong tinititigan. Naramdaman ko muli ang pagtulo ng mainit na butil nang luha sa aking mga mata. Nagbalik na si Daniel. Hindi pa rin ako makapaniwala.


“FR,Happy Birthday. FR. FR.”sambit nitong puno ng pagsisisi.


Nanatili akong walang imik. Naninigas ako sa galit,sa excitement at sa saya. Hindi ko mapaliwanag kung bakit. Nanatili akong nakatayo. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Naramdaman ko nalang ang paglapat ng aming mga labi at ang isang mainit na yakap. Ganun pa rin. Mahigpit at passionate.



“Daniel.” sabi ko.


“Hush FR. Nandito na ko. Some good thinds never change.” sabi nito.


At muli nitong dinampi ang kanyang labi sa akin.


ITUTULOY...

Thursday, March 17, 2011

Miguel:Undefined

Un-de-fined [uhn-di-fahynd] -not given meaning or significance


* * *

We texted before. Naging mabuti sa text,naging close,nagkapalagayan ng loob atnagkita. The first meeting was fun,I remember me bringing you to a house of a friend at doon tayo tumambay. Naging frequent then ang pagbisita mo sa bahay,we had dinner and all that. Pero parang may mali eh. Di ko malaman kung ano.

Dumaan ang ilang linggo,naramdaman kong mas naging different yung nararamdaman ko para sayo. Di ko din maidentify kung ano pero I really have that need na maging available para sayo anytime. Di ko alam pero parang gusto kong lagi mo kong inaupdate sa mga nangyayari sayo kahit wala naman akong karapatan na magdemand ng kahit katiting sa oras mo dahail alam ko na hindi tayo. Ni hindi ko nga rin alam kung anong nararamdaman mo sa akin eh,mahalaga at masaya na ako sa kahit kakarampot na atensyon o oras na nilalaan mo sakin. Okay na ko dun. I wanted more,yes,wanted. I wanted more but I never told you.

Dumating na nga ang di natin inaasahan pareho. Nawalan ka ng trabaho dahil sa isang issue na wala kang kaalam-alam. I was there for you. I tried to be very accomodating whenever you curse the world sa mga bagay na nangyayari sayo. I extended and reached out dahil alam na alam kong kailangan mo ng isang kaibigan. Oo,kaibigan. Dahil sa tingin ko ay di mo na nga makukuha pang magkaroon ng relasyon as of the moment. I kept my feelings. I never told you.

Then there was Chris. Naging shaky na ang communication natin dahil nga bihira ka na magpaload. We see each other less often and I felt a bit sad. Dumating si Chris sa buhay ko and naging kami. I told you that and you sounded so surprised. That look in your eyes when you found out confused me. Bakit ganyan ang mga tingin mo? Bakit parang nagulat ka? Bakit parang? Ewan. Di ko alam kung anong nasa isip mo nung mga panahon na yun,ang alam ko ay halfheartedly committed ako kay Chris at di ko alam ang nararamdaman mo sakin. Sadly,naging dahilan ka ng mga away namin ni Chris. I still think of you nung kami pa ni Chris. Kahit di natin alam kung ano ba talaga ang tingin natin sa isa't-isa.

Ilang buwan ang nakalipas,naging single ako ulit. Wala na kami ni Chris dahil sa mga bagay na di naman mapagkasunduan. Naging mas okay ka na ulit,nakahanap ka na ng trabaho at nagiging okay na ang finances mo. Clarification:I never was interested with your money,I have my own. The only problem na hinaharap mo ngayon ay ang ilan sa mga isyung pampamilya.

I remember you texting me na ibabalik mo na yung book na hiniram mo. After many months,magkikita tayo ulit. I was thrilled with that thought pero somehow kinakabahan akong makita ka ulit. Paano kung nagiba ka na? Paano kung di na tulad ng dati yung pagtrato mo sakin? Paano kung ganito? Paano kung ganyan? Bakit ko ba iniisip yun? Bakit ko pa ba iniisip kung nagbago ka sakin? Does this mean you still matter? Does this mean you still have a place here in me? I don't know. I kept my feelings.

Dumating ako sa tapat ng bahay nyo. Nakita kitang nakaupo sa gutter katapat ng pinto sa inyong bahay. Salo ng mga kamay mo ang iyong mukha. Naamoy mo ata ang pabango ko at bigla kang lumingon sa akin. You still wear that same old smile,pero this time is different. I felt that you feel a bit bad. Lumapit ako sayo and you moved to give me a seat. I sat beside you.

All of a sudden,you placed your head on my right shoulder. Naamoy ko na naman yung mabangong bench wax na lagi mong ginagamit. With the way you placed your head on my shoulder and your hand in mine,it felt orgasmic. It's really amazing,simple things and simple gestures that you do make me feel satisfied. Ikaw lang nakagawa nyan after the trainwreck.

“Kamusta?” I asked.

“Hindi okay bhe.” sagot mo.

“Bakit?”

“Si Kuya eh.....”

Nakinig ako sa lahat ng sentimyento mo about sa kapatid mo. Nanatiling ganun ang posisyon natin,kahit na madaming taong dumadaan di mo ko binitawan. Hinayaan mo lang na makita nila tayo,dalawang lalaking magkaholding hands. Iba ang naging impact sakin non,parang na-boost mo yung kabaklaan ko. Ikaw lang ang nakagawa non.

Natapos tayong magusap. Tumayo tayo at inabot mo sakin ang libro. Ngumiti ka,sumagot ako ng isang ngiti. Tumitig ka sakin,halos matunaw ako. I kept my distance. Di ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko. Nung nakatingin ka,gusto kong umiyak. I know that everytime you look at me,I really want something more. Pero di ko maidentify kung anong pumipigil sakin na mahalin ka. Or kung anong bagay ang pumipigil sakin na tanggapin kong mahal na nga kita.

“Ingat.” sabi mo.

Ngumiti lang ako at tumalikod. The moment I turned my back,a teardrop fell from my left eye. Naglakad akong papuntang sakayan. Iniisip ko kung anong ibig sabihin nung mga hawak mo ng kamay. Yung sweetness mo and all that. Di ko din maintindihan ang sarili ko. There's a part of me na gusto kang kausapin at linawin lahat,pero may malaking parte sakin na natatakot dahil baka di mo naman nararamdaman ang nararamdaman ko,baka sadyang sweet ka lang.

Nakauwi ako ng bahay at agad akong humiga. Parang napagod ang paa ko kakalakad,ang isip ko kakaisip,ang puso ko kakaasa.

* * *

Ilang buwan ang nakalipas. Nawala ka na naman sa sirkulasyon. Nawala ka na naman sa sistema ko. Nawala ka na naman sa buhay ko. Babalik ka pa ba?


Kung kailan nakakaadjust-adjust na ako with thought of you being busy and not being around. You,all of a sudden texted me.

“Kamusta bhe?” text mo

“Okay naman. Ikaw?”

“Miss kita.”

Napahinto ako sa message mo na yun. Di ko din maiwasang di kiligin. Napaisip ako ng isasagot.

“I miss you too bhe.” sagot ko.

“Di ka na nagtetext sakin masyado ah? Umiiwas ka ba?” tanong nito sa akin.

“Ha? Hindi ah. Diba busy ka?” tanong ko.

“Haaay bhe naman eh.”

“Why?”

It took minutes bago ka sumagot.

“Bhe,namimiss ko na yung pagdinner ko sa inyo.” text mo

“Those were the days.” sagot ko.

“Yep. Yun yung mga panahong una tayong nagkakilala.” sagot nito.

“Yeah.” maiksing reply ko.

Napabuntong-hininga ako dala na rin ng frustration na di ko maispell kung ano ba talaga tayo?

“Sorry bhe,I messed up.” text mo sakin,

Nagulat ako sa text mo na yun. Di ko maiwasang magisip kung ano bang ibig mong sabihin. Napansin ko nalang na may luha na palang pumatak sa screen ng nakalapag kong cellphone. I grabbed my phone,wiped the tear on it,sent you a response.

“Sorry san?” nagtatangatangahan kong reply.

Alam mong alam ko kung anong ang ibig mong sabihin don. Pero pinili kong magtangatangahan,nararamdaman ko kahit alam kong walang linaw sa atin lahat. Kahit wala tayong label,pero gusto ko din namang malinaw mo to lahat.

“Sorry sa lahat. Parang puro problema at puro negativity lang ang naging dala ko sayo. Alam kong sakit lagi ng ulo mo sakin pero pinagtyagaan mo ako. Salamat sa lahat.” reply mo.

Napangiti ako sa nabasa. You never had the chance to say thanks to me in person. Eto yung unang beses na nagpasalamat ka. I feel so happy.

“Bhe,minahal mo ba ako?” tanong ko.

Ang tagal ng reply mo. Inisip kong ayaw mong sagutin ang tanong ko. Hinayaan ko nalang.

Makaraan ang limang minuto nagreply ka.

“Almost bhe.”

“Almost. Salamat bhe.” reply ko.

Ngumiti ako ng mapait. Masaya na rin kahit papaano ay nalaman ko na muntik mo na din akong minahal.

W A K A S

Tuesday, March 15, 2011

"The Thank You Girl"

Note: Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay purely coincidental lamang. Ito ay gawa ng isang baklang may malikot na pagiisip. Huwag seryosohin. Nakakawrinkles.

* * *


Thank You Girl
-Babae o baklang nagexert ng sobrang effort sa isang possible jowa pero unfortunately,all efforts were never reciprocated. Yung tipo bang “I did my best but I guess my best wasn't good enough”. Yun ang Thank You Girl. Yung tipong after all,thank you lang ang maririnig.

* * *

“Ati! Nagtext na si Shino,nasa may Mcdo na daw sya.” sabi ko sa kay Rovi na nakikipagusap sa mga kasama namin sa Coffee Bean

“Ayy. Puntahan natin?” tanong nito.

“Tara!” sagot kong maligalig.

At parang kaming mga batang mabilis na naglalakad papaunta sa lugar kung saan namin susunduin si Shino. Maraming tao sa Trinoma nun dahil unang linggo ng Enero,sabik ang mga taong gumala dahil malapit na namang magresume ang klase ng mga estudyante. Wala pang 5 minuto ay dumating kami sa lugar kung saan namin pupuntahan si Shino,member ng isang online site na pangbeki.

“Asan na Redgie? Ang tagal naman.” naiinip na sabi ni Rovi

“Ewan ko Ati. Wait lang itetext ko.”

Tinext ko agad si Shino at sinabi na nandun na kami sa McDo. Ilang segundo pa may nakita na akong lalaking papalapit sa akin. Nakita kong nakatingin si Rovi gamit ang kanyang malamlam na mga mata,kinurot ako nito at nagsalita.

“Bakla. Ayan na ata si Shino.” sabi nito.

“Oo nga ate.” sagot ko.

“In fairness,mahal sya ng camera. Mas gwapo sya sa picture.”

“Gaga ka talaga!”

“Tange,echos lang yun. Basta mabait sya okay sya sakin.” sagot nito.

Agad kong nilapitan si Shino and I insisted a handshake. Pinakilala ko rin si Rovi and naging okay din naman. As we were heading up kung san nandon ang mga bakla,Rovi was trying to make Shino comfortable dahil first time nga nyang sumama sa gathering ng mga PLU.

Wala pang 5 kembot ay narating na namin ang Coffee Bean at napakilala na ang isa't isa. Lumapit sa amin si Alex at hinatak kami sa gilid.

“Nanay Rovi,ayan si Shino?” chismosang sabi nito.

“Yes anak.” sagot ni Rovi.

“Mas cute sya sa picture.” mahina at natatawang sabi pa ni Alex.

“Hayaan mo na nga Alex. Mahalaga nagappear sya. Galing pa sya ng Las Pinas no!” sabat ko

“Oo nga. May sinabi pa ba ako? sagot ni Alex

“Wala na. Kiki mo.” sagot ko.

“Tara na. Inaantay na tayo nila Ante sa venue.” pagputol ni Rovi sa usapan.

“Okay.” sagot naming dalawa ni Alex.

Just when we're about to go,nakita kong paparating si Bash kasama ang isa pang bonggang bakla. OMG. Si Bash. I suddenly feel na kinikilig ako. Di ko alam kung bakit. Di ako mapakali at lakad na ako ng lakad,for some unknown reasons,natatameme ako.

“Uyyyy Bash!” pagbati ko dito.

“Uyyy. LF.” sabi nito sa akin sabay ngiti.

LF kasi ang tawag nila sa akin online. Pero Redgie talaga ang name ko.

“Ang lansa Alex. Tara dun tayo sa iba.” pangaasar ni Rovi.

Then Bash and I were given the chance to talk. Well,kasama naman talaga sya sa party like what he promised. Nagbiro sya na gusto nya ng TenderJuicy Hotdog at sineryoso ko naman. I asked Alex to buy one kilo for him.

Akala ko magiging okay na,di pa pala.

* * *

Nakarating kami sa party ng matiwasay. Kasabay ko sa taxi si Bash at iba pa. Masaya ako with the thought that he's around. Ewan ko ba,para akong batang may crush sa isang kalaro. Iba ang kilig na dinadala ni Bash sa akin. Nakakaloka.

Bash actually looks great. Maganda yung mata,maliit ito na di ko mawari kung singkit ba. Matangos din ang ilong nito,tapos pag ngumiti may biloy naman. Di lang masyadong kalakihan ang katawan pero mawoworkout naman yun. Isa pa cute ng boses nya. Ang liit! Hahaha!

Dumating kami sa party kasama ang ilang mga bakla. Kahit simple,naging masaya namang ang pagtitipon dahil cooperative naman ang mga participants. Paikot ikot kaming mga organizers para na rin masiguro na walang naa-out of place. Nakita ko si Alex na nakikipagusap sa mga bagong mukha,si Rovi naman ay nakaupo sa pagitan ni Shino at ni Bash. Nakahilig ang ulo ni Bash sa kaliwang balikat ni Rovi. Nakakairita naman tong Rovi na to. Ang landi.

Nakita ni Rovi na nakatingin ako sa kanya. Tumitig ito sa akin at ngumisi ng nakakaloko. Alam kong ng dinadaot lang ako nito. Pero somehow,nakaramdam ako ng inggit. Sana sa balikat ko nalang nakalean ang ulo ni Bash. Nakakakilig siguro yun. Sabay buntong-hininga.

Dumating na ang mga Elders di kalaunan. Dumating na si Tyang Nena with his/her/its Celia Rodriguez inspired look. Dumating din ang iba pang mga guest coming for different places.

Natahimik ang lahat ng pumunta sa gitna ang isa sa mga moderator na si Junabels. Nagwika ito.

“Pwede na po tayong kumain.” sabi nito habang minemaintain ang katawan nitong tinubuan ng poise.

Ang mga patay gutom na mga bakla ay nagmadaling gumora sa hapag kainan na kakikitaan ng kung anu-anong pagkain. Nakita ko si Rovi na nagaassist sa iba at kinukuha nya ito ng pagkain. Si Alex naman ay tumulong sa pagdidistribute ng mga plastic cups. Si Levi naman ang naglagay ng pangalan sa mga plastic cups para di magkapalit ng mga baso.

Dali-dali akong umalis at niluto ko ang hotdog na gusto ni Bash. Pinagigihan ko ang pagpiprito. Nakakaloka,as if naman mahirap ang magluto ng hotdog. Pinagluto ko sya ng tatlong piraso,meaning I love you. Bongga! Hinango ang hotdog sa mantika,at nilagay ito sa paper plate. Binaba ko ang hotdog sa paperplate sa mesa at tumingin muna sa salamin. Inayos ko ang aking sarili dahil haharap ako kay Bash. This is it.

Lumabas ako ng party area at nakita kong kumakain si Bash at Shino na magkatabi. Di sila nagkikibuan and I felt different. Lumapit ako kay Bash,tumingin sya sa akin. Nakaramdam ako ng kakaiba. Para bang bumagal ang paligid,tapos yung hangin malakas hinahangin yung buhok ko,tapos may napakagandang background music na tumutugtog habang papalapit ako sa kanya. Susmiyo.

Panira ng moment,biglang tumugtog ang "Telephone" ni Lady Gaga.

Going back,dali-dali akong lumapit kay Bash para iabot sa kanya ang hotdog. Ngumiti ako sa kanya,sinuklian nya ako ng isang pagkatamis tamis na ngiti.

“Ikaw talaga LF! Nagabala ka pa. Salamat ah!” sabi nito.

“Wala yan. Sabihin mo pa sakin kung gusto mo pa.” sabi ko

“Tangna,parang matrona lang ang dating ah?” pagepal ni Rovi sa usapan.

Tangna naman tong Rovi na to oh. Nagmomoment kami eh? Kung pwede lang kitang tirisin titirisin kita. Kakaloka!

“Musta ka Bashyy?” sabi ni Rovi kay Bash

Agad na sinubuan ni Bash si Rovi ng hotdog. Kumagat si Rovi at inakbayan sya ni Bash sa harap ko.

Putangina. Nanadya ba tong mga to?

“Sige Bash,enjoy muna kayo,umuusok na yuing ilong ni Redgie.”

Before I could say anything,biglang nawala si Rovi sa eksena at humalo sa ibang baklang nagkekwentuhan. Hunyango talaga. Gago. So there was me and Bash left.

“Bash?”

“Yep?”

“Kailan tayo pwede lumabas?” sagot ko.

“Ha? Seryoso ka ba dun? Akala ko joke lang. Sige sige. Pag wala akong load itetext kita agad.” sagot nitong nakangiti.

“Oo seryoso ako.”

“Sige. Ischedule natin.”

* * *

Ilang linggo matapos ang party,nakaramdam ako ng iba sa way ng pagtetext namin ni Bash. Parang lagi na syang busy at laging mainitin ang ulo pagdating sa akin. Alam ko naman na wala akong karapatan magalit,magdemand o masaktan,pero tangama naman. Di ko naman kayang pigilan ang puso ko sa kung anumang emosyon ang pwede nitong maramdaman. Di ko maintindihan. Alam ko sa sarili ko na nalulungkot ako pero di ko pinapansin. Sa twing kasama ko sila Rovi at Alex at lagi kong pinapakita na okay ako at di ako nagiisip ng kung anu-ano.

Umuwi ako ng bahay galing sa school. Humiga sa aking munting kama at di ko na naman maisip kung anong nangyari sa niluluto naming loveteam ni Bash. Mukhang di na ata maisasakatuparan. Malabo na,ngayong pakiramdam ko ay unti-unti na syang lumalayo sa akin. Di ko na alam ang gagawin ko.

Kinuha ko ang aking cellphone na nasa ilalim ng aking unan. I took the courage to text Bash kahit alam kong malamang ay di sya magreply.

“Bash,kailan tayo ulit lalabas?”

Wala syang reply. Nalungkot ako.

Ilang minuto ang nakalipas,naramdaman ko nalang ang pagvibrate ng phone ko. To my surprise,tumatawag si Bash.

Inayos ko ang boses ko at pinindot ang answer button.

“Hello?”

“LF. Musta?” sabi ni Bash sa kabilang linya.

“Okay naman. Ikaw? Ano balita?” tanong kong sunod-sunod,halata ang kilig sa boses ko.

“Eto,okay naman. Masaya.”

“Wow. Good. Bakit naman masaya? Ako din masaya kasi tumawag ka.” nangingiri kong banat.

“Ikaw talaga.” sagot nito.

“Bakit ka nga happy?” pangungulit ko.

“Ahhh, Do you remember Shino? Nung party?” tanong nito.

Nakaramdam ako ng kakaiba. Nakita kong kumunot ang noo ko sa narinig.

“Yeah. Why?”

“Wag ka maingay ah?” sabi nito.

“Oo.”

“Kami na ni Shino.”

PAK!

“Ahhh.” sabi kong naluluha.

“Yep. Ang saya ko nga eh grabe.”

“Wow. Good for the two of you.” sabi ko.

“Yep. Sana nga.” sabi nito.

“I'm happy for you Bash.” sabi kong nagpipigil ng luha.

“Yep. Salamat LF.”

“You're welcome.”

“LF,maraming salamat nga pala sa lahat. Thank you.”

“You're welcome Bash. You're welcome.”

Naputol na ang tawag. Binagsak ko ang aking katawan sa sabik na sabik kong kama. Bumuhos ang mga luha. Thank You Bash. Thank You.

W A K A S

Friday, March 11, 2011

Dagta ng Isang Sereno

May Akda: Jayson
Genre: Homo Erotic, Fantasy, Fiction
WARNING: Ang kwentong ito ay nagtataglay ng maseselan na mga eksena sa pagitan ng dalawang lalaki. Kung bawal po sa inyo o di ninyo gusto ang magbasa ng ganitong paksa ay maari po na lisanin nalang ninyo ang site na ito. 

 *******************************

from Ivan Chan's photo stream
Si Khulaid ay matatawag nating swerte sa buhay. Siya ay nabibilang sa maharlikang pamilya at ang kanyang angkan ay kilala bilang magigiting na mandirigma ng karagatan. Bilang tagapagmana ng mahiwagang perlas ng buhay, malaki ang kanyang papel sa kaharian ng Aquantos. Matapos ang ilang taong pagsasanay sa larangan ng pakikipagdigma ay binigyan siya ng tatlong buwan upang makapag pahinga. Gusto niyang samantalahin ang pagkakataong iyon upang mapuntahan ang mga lugar na nais niyang puntahan, nais niyang marating ang lahat ng iyon.

Si Miguel naman ay isang ordinaryong binata. Nasa labing walong taong gulang at sa kasalukuyan ay nag aaral sa isang unibersidad sa Cebu. Mayaman ang kanyang pamilya, ngunit masalimoot ang kanyang buhay, kaya naman ay binaling na lamang niya ang kanyang atensyun sa barkada at pakikiparty. Isang araw naimbitahan siya sa isang birthday party at ginanap ito sa isang yate. Maaliwalas naman ang panahon noong umalis sila ngunit ng nasa laot na ay biglang dumilim ang ulap.

Nakita ni Khulaid ang yate mula sa ilalim ng dagat. Malalaki ang alon at ang yate ay parang isang laruang barko sa gitna ng umiikot na washing machine. Mula sa kanyang kinalalagyan ay walang kapangyarihan ang bagyo kaya pinagmasdan lamang ni Khulaid ang yate na halos wasakin na alon at hangin. Ang mga sereno at serena ay hindi na nanghihimasok sa buhay ng mga mortal, dahil na rin sa hindi na naman naniniwala ang mga tao sa mga  nilalang na tulad nila.

Lalong lumala ang lagay ng panahon at marami na sa nakasakay sa yateng iyon ang nasaktan, nasugatan at ang iba ay nawalan ng buhay. Upang iligtas ang sarili, sinubukan ni Miguel na makapasok sa loob ng yate, ngunit tinamaan siya ng isang malaking alon. Isang alon pa ang tumama sa kanya hanggang sa mahulog siya sa sinasakyang yate at malunod sa tubig.

Mula sa ilalim, may nakita si Khulaid. Isang katawan ng tao na nalulunod. Mabilis siyang lumangoy upang sagipin ito. Nang malapitan niya ito, nakita niyang isa itong lalaki. Inahon niya ito mula sa tubig upang hindi tuluyang malunod. Alam niyang malapit lamang ang isla kayat doon niya dinala ang batang lalaki. Dinala niya ang lalaki sa may dalampasigan at iiwan na sana niya ito ng makonsensya siya. Sa tingin niya ay dapat niya itong samahan hanggang sa itoy magkamalay.

Pinagmasdan niya ang lalaki. Gwapo ito, makisig at matipuno ang katawan. Ginala ni Khulaid ang kanyang mga mata sa katawan ng lalaki. Hindi pa siya nakakita ng isang tao ng malapitan sa tanang buhay niya. Ang dibdib ng binata ay makinis at matipuno gaya ng sa kanya. Ngunit ang mas nakakatawag ng pansin ay kalahati ng katawan nito sa parteng ibaba. Kakaiba ito sa kanya, ang lalaki ay may dalawang paa at sa gitna nito ay may napansin siyang umbok. Nilapit niya ang kanyang mukha sa parteng iyon at dahan dahan niyang ginapang ang kanyang mga kamay sa ilalim ng pantalon ng lalaki. Kakaiba ito kasi walang nakabalot na kaliskis sa ari ng lalaki. Tiningnan niya ito ng maigi, ngunit biglang umngol ang lalaki at unti unti nang nagkakamalay. Mabilis na umatras si Khulaid at parang kidlat na tumalon sa tubig.


Nagising si Miguel na tigas ang kanyang ari. Ang huli niyang naalala ay nabagok ang ulo niya sa sahig ng yate ng tamaan siya ng malaking alon. Dahan dahan siyang tumayo at tumingin tingin sa paligid. “Paano ako nakatarating dito?” tanong niya sa sarili. May narinig siyang ingay sa dalampasigan noong magising siya, ngunit di iya ito pinansin at inisip na gawa lamang iyon ng mga alon. Matigas pa rin ang kanyang ari na nagpupumilit makawala sa kanyang pantalon. Walang tao sa paligid kaya naisipan niyang ilabas ang nararamdamang libog upang humupa na ang init ng kanyang katawan. Binuksan niya ang zipper ng kanyang pantalon, binaba ito at dinukot ang kanyang ari na may laking pitong pulgada. Nahiga siya sa buhangin at nilaro ang sarili. Inisip niya ang huling gabi niya sa piling Marigold. Inisip niya ang matambok nitong hinaharap, ang makinis nitong kutis, mapupulang labi at mapang akit na mata. Naglalaway ang ulo ng kanyang ari ng ilarawan niya sa kanyang isip ang mapula pula nitong hita at kung paano niya ilabas pasok ang ari sa hiwa na nasa gitna ng mga paa ng kanyang girlfriend. Naramdaman niya ang pagsikip ng kanyang itlog at lalong pag init ng kanyang katawan at hindi niya maipaliwanag ang nadaramang sarap. Napasigaw siya ng malakas at kasabay nito ang pagpulandit ng kanyang malagkit na dagta.

Nakita ni Khulaid ang lahat mula sa batong kanyang pinagtataguan. Naramdaman niya ang pagtigas ng sarili niyang ari, hinipo niya ang bahagi sa ibaba ng kanyang pusod. Kusang bumukas ang mga kaliskis sa parteng iyon at lumabas ang kanyang ari na walang pinagkaiba sa ari ng isang tao. May walong pulgada ang laki nito at nababalot ng balat. Hinawakan niya ito at nilaro gaya nang kanyang nakita na ginawa ng binata sa dalampasigan. Halos mabaliw siya sa kanyang naramdaman at sa boong buhay niya ay noon lang niya naramdaman ang sensasyon na iyon. Nang marating na niya ang rurok ng kaligayang ay may puting likido na lumabas sa kanyang ari. Nang humupa ang kanyang naramdaman ay lumangoy si Khulaid pabalik sa Aquantos.

Binabalik balikan ni Khulaid ang lalaki sa dalampasigan. Palihim itong hinangaan, at nangangrap na malapitan ito at mahagkan.

Si Miguel naman ay may kakaibang nararamdaman. Batid niya na mga matang nagmamasid sa kanya. Ang pinagtataka niya ay wala namang ibang tao sa islang iyon. Minsan ay isusuot niya ang kanyang pantalon at minsa naman ay naglalakad siya sa dalampasigan na hubot hubad, depende sa panahon.

Si Khulaid ay di pa naranasan ang makapagsoot ng damit. Hindi naman niya kailang ang mga iyon sa ilalim ng dagat. “Ano kaya ang pakiramdam ang magsoot ng damit?” tanong ni Khulaid sa sarili. Sa tingin niya ay hindi niya ito magugustuhan, sa bagay hindi naman niya ito nakasanayan. Hindi niya malalaman ang sagot sa kanyang katanungan kung hindi siya magtatanong.

Naliligo si Miguel sa tabi ng mabatong bahagi ng dagat ng may narinig siyang isang sutsut. Nagulat siya at ng lumingon siya ay nakita niya ang mukha ng isang lalaki na kasing edad lamang niya. Maamo ang mukha nito, makinis at may mahabang buhok. Masasabi mong gwapo ang nilalang na kanyang nakita. “Sino ka? Saan ka nanggaling?” nanginginig na tanong ni Miguel.
Tinuro ni Khulaid ang dagat at nagwika “Doon ako galing.”
Naguguluhan si Miguel at nagsabi “Impossible iyan.”
Natawa lamang si Khulaid at sumagot ng nakangisi “Hindi para sa akin.” Pagkatapos nag dive siya sa tubig at lumangoy.
Nagulat si Miguel ng makita niyang buntot ng isang isda ang kanyang nakita sa kalahati ng katawan ni Khulaid. Natigilan siya. Isang totoong sereno. Nauutal siya, “Isa kang sereno!”
nakangisi lamang si Khulaid “OO, isa akong sereno. Alam kong mahirap para sa iyong paniwalaan ngunit totoo ang iyong nakikita. At hindi ako nag iisa. Marami pa ang katulad ko sa ilalim ng dagat”
“Tulad mo? Ibig sabihin mga sereno at serena? Paano kayo nakakapagtago sa mga tao sa kabila ng makabagong teknolohiya ng sensya?” tanong ni Miguel.
“Syempre, may mga kapangyarihan kami. At nagpapakita lamang kami kung gusto namin.” Sagot naman ni Khulaid. “Hindi ko pa nga pala naipakilala ang aking sarili, ako si Khulaid. Ikaw? Ano ang pangalan mo?”
“Migz…ang pangalan ko ay Miguel. Ngunit pwede mo akong tawaging Migz.” Sagot ni Miguel “Gusto kong umahon sa tubig. Ikaw kaya mo bang umahon?”
“Doon sa may bato, pwede kang umupo sa bato habang ako naman ay nasa tubig.”
“Sige.” Sabi ni Miguel at umahon sa tubig. Tinungo ang bato na tinuro ni Khulaid at naupo. “bakit di ka maupo sa bato, katabi ko?”  tanong ni Miguel.

“Pwede, kaso baka uminit ang bato kaya dito nalang ako sa tubig.” Sagot naman ni Khulaid.
“So ano ang ginagawa mo?” tanong ni Miguel.
“Isa akong maharlika at nag-aaral ng pakikipag digma. Sa kasalukuyan ay bakasyon ko kaya heto, pagala gala sa karagatan.” Sagot ni Khulaid
“Nag aaral din ako, at nasa party ako ng isang kaibigan ng biglang inabit kami ng bagyo sa gitna ng laot. Ngayon ang akala ng lahat ay patay na ako.” Nagbuntong hininga siya at bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan.
“Wag ka nang malungkot, ang importante ay buhay ka pa at saka nandito naman ako eh, kasama mo.”
“Totoo, ngunit iiwa mo din naman ako at uuwi ka sa kaharian mo.” Nakasimangot na sagot ni Miguel.
“Eh di babalikan kita at saka sulitin natin ang panahon na magkasama tayo”

Nagkatinginan silang dalawa at biglang may namoong kakaibang sensasyon sa bawat isa.
“Di bat sereno ka?, so nasaan ang iyong uh….” Sabay turo sa kanyang ari.
Natawa naman si Khulaid at tinuro ang hiwa sa ibaba ng kanyang pusod “Nasa loob nito. Lumalabas lamag ito kapag tinitigasa ako at sa tingin ko ay lalabas na ito ngayon” unti unting bumukas ang mga kaliskis sa parting iyon ng kanyang buntot at dahan dahang lumabas ang kanyang matigas na ari.

Namangha si Miguel dahil halos katulad lang ito ng sa kanya. Mas malaki nga lang. “Pwede ko ba itong hawakan?” Tanong niya sa sereno.
“Pwede, basta ba ipapahawak mo rin sa akin ang iyo.” Sagot ni Khulaid. At sabay nilang inabot at hinimas ang ari ng bawat isa at sabay na nagsabi “parang katulad lang ng sa akin”

Kumagat na ang dilim, timungo ang dalawa sa malapit na kweba at magkasama silang natulog. Ang taong katawan ni Khulaid ay nakasandal sa bato habang nasa tubig naman ang kanyang buntot. Nasa tabi naman niya nahiga at natulog si Miguel.

Kinaumaghan ay kailangan ng lumisan ni Khulaid at umuwi sa kanyang kaharian. Ngunit gaya ng kanyang pangako binibisita niya ang baging tagpong kaibigan araw-araw. At sa bawat pagtatagpo ay papalapit ng papalapit ang kanilang loob, mas nagiging kampante sila sa bawat isa at mas naging mapangahas sa bawat kilos. Tuwing nakikita ni Miguel ang palikpik ng buntot ni Khulaid na papalapit sa dalampasigan ay agad-agad itong tatakbo sa dagat upang salubongin ang kaibigan. Naghahalikan sila sa labi at nagyayakapan na para bang mataga ng magkasintahan. Isang araw habang binibista ni Khulaid si Miguel sa dalampasiga.
“Ano ang pwede nating gawin ngayon?” tanong ni Miguel.
“Maglaro, ikaw ba ano gusto mong gawin natin?.” Mabilis na tugon ni Miguel.
“May gusto sana akong nais gawin.” Nahihiyang sabi ni Miguel.
“Ano naman iyon?” nakangising tanong ni Khulaid.
“Gusto ko sanang isubo yang ari mo.” Prankang sabi ni Miguel. May karanasan na siya sa kapwa lalaki ngunit mas marami ang karanasan niya sa babae. At sa puntong iyon ay sadyang nag-iinit ang kanyang katawan at di niya mapigilan ang pagnanasa kapag kapiling ang kaibigang isda.

Nag isip ng malalim si Khulaid. Kakaiba ang gustong mangyari ng kaibigan niyang tao. Hindi pa niya ito nararanasan at ni minsan di pa niya ito narinig na ginagawa ng mga sereno at serena. “Sige subukan natin” sabi niya. “Doon tayo sa dalampasigan para naman di ka makainom ng tubig dagat.” Nagpunta ang dalawa sa dalampasigan at nahiga sa may buhangin si Khulaid. Hinipo ni Miguel ang buntot ng kaibigan at paikot ikot ang kanyang mga kamay sa may ibaba ng pusod nito kung saan matatagpuan ang hiwa na nagkukubli sa pagkalalaki nito. Agad namang bumuka ang mga kaliskis sa parteng iyon at dahan dahang lumabas ang matigas na pag aari ng sereno. Binalot ito ni Miguel sa kanyang palad, pataas..pababa..paulit-ulit.  Pagkatapos ay ang mga kamay ay napalitan ng mga labi, isinubo niya ng buo ang ari ng sereno. Ilang saglit lang ay niluwa nya ito at dinilaan ang ulo….paikot-ikot ang kanyang dila sa ulo ng ari hanggang sa isubo niya itong muli. Habol naman ang paghinga ni Khulaid…di maipaliwanag ang nararamdaman…nakakakiliti ngunit masarap. Ang bawat hagod ng dila ay tila nagdadala sa kanya ng ibayong kaligayahan. Pumikit lamang siya at hinyaang sipsipin ng kaibigang tao ang dagta ng kanyang pagka sereno. Nilunok ni Miguel ang lahat ng dagta at wala siyang sinayang. Matamis na maalat…masarap sa kanyang panlasa. Nang iluwa na ni Miguel ang ari ng kaibigan ay may bigla siyang naramdaman sa kanyang katawan. Nag iinit ang kanyang katawan at sumakit ang kanyang mga buto. Nasira ang guhit ng kanyang mukha.
“Ano ang nangyari sayo?” nagatatakang tanong ni Khulaid. Ngunit di na siya nasagot ng kaibigan at ilang segundo lamang ay biglang may berdeng liwanag na lumabas sa balat ng mga paa ni Miguel. Nagdikit ang kanyang mga paa at unti unting nababalutan ito ng mga kaliskis hanggang sa tuluyang maging buntot ito ng isda.
“OMG…tingngan mo ang aking mga paa….naging bunto na siya!” gulat at di makapaniwala si Miguel sa mga nangyari.
“Isa ka nang katulad ko!” sabi naman ni Khulaid. “Ngunit papaano…?”
“marahil dahil sa dagta mo na nilunok ko..”
“paano ngayon iyan, wala na ang iyong mga paa? Patawad..di ko naman alam na mang…” pinigil ni Miguel sa pagsasalita ng kaibigan.
“Wag kang mag alala….di ako galit at saka mas mabuti na ito para lagi na tayong magkasama at matakasan ko na ang mundong naging malupit sa akin.” At sabay na hinalikan ni Miguel si Khulaid.
“Kung ganun…..hayaan mong dalhin kita sa aking kaharian na siya naring magiging bago mong mundo.”

Lumangoy ang dalawa, sinisid nila ang dagat at tinungo ang kaharian ng Aquantos.  

**********************
Note: kung nagustuhan po ninyo ang aking kwento, may kunting hiling lang po sana ako. Kung pwede po ay paki rate ang blog ko sa link na ito:



There is STAR rating above the site banner. All you have to do is click on the star to rate us. The highest rating you can give is 5 stars.