Wednesday, March 30, 2011

"The Swingers"

NOTE:This is a bit sensitive. Don't read if you're not open minded. Thanks! Comments are highly appreciated.


“Masaya ka pa ba sa akin?”

“Oo naman. Bakit mo pa ba natatanong yan?”

“Wala naman.”

“Magdadalawang taon na tayo. Tingin mo ba magtatagal tayo ng ganito kung hindi kita mahal at hindi ako masaya sa'yo?”

“I know. Sorry for the stupid question.”

Tumalikod ako sa'yo habang nakahiga tayo sa kama. Ramdam kong kinuha mo ang iyong cellphone para magtext, I can hear the keys of your phone sa twing tatama ang mga daliri mo dito. Ilang segundo pa, nilapag mo ang phone mo sa tukador.

I was analyzing kung bakit umabot tayo sa ganitong situation. Saan ba ako nagkulang? Sino ba ang may pagkukulang sa atin at saang aspeto naman? Ano ba talaga ako sa'yo? Ano ba talaga para sa'yo ang relasyon natin? Bakit tayo nagkaganito?

Silently,a teardrop fell. I instantly felt numb. I just didn't know kung makakaiyak pa ako.

Pinahid ko ang luha. Nakatalikod pa rin ako sa kama kasama ang mga hubad nating katawan. Sariwa pa rin talaga sa isip ko lahat. Katabi kita sa kama, wala tayong imikan. Malamang nakahiga ka ngayon ng maayos habang nakatitig sa kisame.

I heard you sigh. We remained silent.

Tumunog ang phone mo. Narinig ko na naman ang pagtama ng daliri mo sa keypad,nagtetext ka.

“Nakauwi na daw sila Andy.”

I remained silent.

“Eric?”

“Oh?” sagot ko.

“Bakit tahimik ka?”

“Wala.”

“Di ka ba nagenjoy kanina?”

Di ako makaimik. Di ko din alam kung anong dapat kong isagot. Alam ko sa sarili ko na di ako masaya sa nangyari. Alam ko din na di ako magiging masaya sa twing maaalala ko kung paano mo hinayaang galawin ako ng kung sino lang.

“Eric,kinakausap kita.” there was authority sa boses mo

“I just don't feel like answering.” sagot ko.

“At bakit?”

“Wala lang.”

Di ko alam kung bakit,muli na namang tumulo ang aking mga luha.

Narinig kong bumuntong-hininga ka. Umuga ang kama,ilang saglit pa,muli na namang nakapulot ang mabigat mong braso sa aking katawan.

“Eric,galit ka ba?”

“I don't know.”

You hugged me tighter. Your breath touching my ears.

“Eric naman. Akala ko ba napagusapan na natin to?”

“Eric naman eh,bakit di ka nagsasalita.” pangungulit mo pa

Di ko alam. Ang alam ko lang di maganda ang pakiramdam ko. Masakit ang katawan ko at pakiramdam ko naabuso ako. Ewan ko lang. Di talaga maganda ang pakiramdam ko. Gusto kong magsisigaw pero parang walang boses na lalabas. Gusto kong magalit pero di ko alam kung paano. Gusto kitang sisihin pero alam kong tapos na.

“Ano ba Eric? Bakit ayaw mo magsalita!?” pagsigaw mo sa akin.

Lalong bumigat ang aking pakiramdam ko. Nangingilid na naman ang luha sa mata ko. This time,i think desidido na ko para sa isang komprontasyon.

“Anong gusto mong sabihin ko Jerome?” sagot ko sayo.

Lumuwag ang pagkakayakap mo sa akin. Malamang nagulat ka sa inasal ko. Sa loob ng 2 taon nating relasyon lagi nalang ako sumusunod sa lahat ng gusto mo. Sa loob ng 2 taon,oo lang ako ng oo. Sa loob ng 2 taon,sa'yo umikot ang mundo ko. Pero hindi ko alam kung tama pa ba to.

“At bakit ganyan ka sumagot?”

“Bakit? Kailan naging bawal magsalita ng ganito Jerome?”

Natameme ka. I think you sensed anger sa boses ko.

“Galit ka ba?” sagot mo,matigas.

“Ewan.”

“Sagutin mo ko ng matino!” sabi mo sabay kuha ng braso ko.

Piniga mo ito at napangiwi ako sa sakit.

“Bitiwan mo ko Jerome! Nasasaktan ako!” sigaw ko.

Nagulat ka rin marahil sa inasal mo. Binitiwan mo ako at tumayo ka. Our eyes met.

“Sorry Eric.” you said,apologetically.

I instantly stood up. Reached for my clothes.

“Saan ka pupunta?”

“Uuwi sa amin.”

“Mag-usap tayo Eric!”

“Ano pa bang gusto mong marinig?” sagot ko.

Kinuha ko ang brief at isinuot ito. Nanatili kang nakahubad sa aking harap.

“Sabihin mo sakin kung anong nararamdaman mo!”

“Nararamdaman ko Jerome? Bakit? Unaware ka ba sa ginawa nyo sakin?”

Natahimik ka. Napaisip. Nagpakawala ng isang buntong hininga.

“For God's sake Eric! It's just sex! Ano naman kung nagsex tayo kasama sila Andy at ang partner nya? Normal yun!” sigaw mo sa akin.

“It's just sex?” sarkastiko kong pag-ulit.

“Ahh oo nga. Sex lang yun. Sabagay,hindi naman ikaw ang tinira diba? Ako lang naman ang tinira! Ako lang naman Jerome! Alam mo yun? Pinilahan nyo ko!” sumbat ko sayo.

Nagitla ka sa narinig mo. Nanatili kang nakatitig sa akin. Nakita ko nalang ang aking sariling lumuluha.

“Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Nakita mo kung paano ako ginalaw nung 2 lalaki na yun,anong ginawa mo? Wala! Nanuod ka at patuloy ka pa sa pagungol at pagsulsol sa kanila na tirahin nila ako ng maigi. Putang ina Jerome! Daig ko pa si Maria Ozawa! Hindi ko alam kung ano ba talaga ako sa'yo. Sex slave? Boyfriend! Ano?!!” sigaw ko

Natulala ka sa narinig. Wala ka pa ding masabi.

“Ang sakit-sakit Jerome. Para akong puta kanina na pinagpepyestahan. Alam kong hindi ako babae,alam kong bakla ako pero kahit papaano,mayroon naman akong pagmamahal sa sarili ko. Bakit mo nagawa sakin? Ha? And for you to say na sex lang naman yun? How dare you! Sex lang ba yun?”

“That's just sex.” mahina mong sabi.

Hindi na ako nakapagpigil at mabilis na lumipad ang palad ko sa pisngi mo. Malakas at malutong ang sampal na yon. Alam ko dahil kita ko ang agarang pamumula sa pisngi mo.

“Sex,pangdalawahan lang yang activity na yan. Ginawa yan para sa mga magasawa or couples. Never naging Sport ang sex Jerome!”

“Bakit ngayon ka lang umalma Eric? Bakit ngayon mo lang sinabi na ayaw mo? Pwede ka namang tumanggi diba? Bakit di mo ginawa?” tanong mo.

“Bakit Jerome? Kailan ka ba pumayag na tumanggi ako? Kailan ba? Sa loob ng 2 taon na tayo never ka naman pumayag na tumanggi ako diba? Lagi nalang ikaw! Ikaw ang tama! Ikaw ang magaling! Ikaw ang masusunod! Lagi nalang ikaw!”

Nakita ko ang pagdungaw ng luha sa gilid ng iyong mga mata.

“Ganun ba talaga kita tinrato?” naiiyak mong sagot.

“Oo Jerome. Oo! Puppet!”

“Bakit ka sumusunod?”

“Dahil mahal kita!”

Tahimik.

“I love you Eric.”

“Yes.you love me Jerome,but not as much as I love you.”

“Let's fix this Eric. Let's fix this. Magbabago ako.” umiiyak mong sinabi.

“Hindi ko alam Jerome. Hindi ko alam.”

At dun na bumuhos ang emosyong kanina ko pa pinipigil. Walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha habang patuloy ako sa pagkuha ng mga damit ko sa lapag. Patuloy sa pagiyak si Jerome na ngayon ay nakasandal sa pader habang sapo ng kanyang dalawang kamay ang kanyang mukha. Eto nga siguro yung pagkakataon kung saan narealize ko na puno na talaga ako sa lahat ng mga bagay na dinadanas ko sa kanya. Okay syang boyfriend,yun nga lang,masyadong mataas ang tingin nya sa sarili nya at may mga tendencies syang maging diktador.

Okay sana ang flow ng relasyon namin hanggang sa isang araw,sinabi nya sakin na nabobore na daw sya sa sexlife namin. Lagi nalang daw ganito,ganyan,dapat daw naming lagyan ng spice. Nagdecide sya na makipagmeet sa isang couple,sina Andy at Jacob. Hindi ako pumayag pero sadyang mapilit sya. At ngayon,humantong na nga sa ganito.

I got dressed as fast as I could. I checked myself in the mirror. Pinahid ko ang aking mga luha. Inayos ang aking mukha,maging ang aking magulong buhok. Nanatiling umiiyak si Jerome,nakahubad. Dinampot ko ang aking bag sa may center table. Binigyan ko sya ng isang blankong tingin,lumabas ng kwarto at padabog na isinara ang pinto.

Bumaba agad ako ng condo at pumara ng taxi.


* * *

Wala pang 30 minutes ay nakarating na ako agad sa unit na tinirahan ko. Nilapag ko kaagad ang bag at hinampas ko sa kama ang aking patang katawan. Pumikit ako at naramdaman ang mainit na likidong nagmumula sa aking mga mata. Nanatili ako sa ganung estado hanggang sa kainin ako ng kadiliman.

Naalimpungatan ako ng marinig na nagriring ang aking cellphone. Agad ko itong sinagot.

“Hello?”

“Eric? Si Andy to.”

“Oh bakit?”

“Nasa ospital kami ngayon. Naglaslas si Jerome.”

“Ha?”

“Naglaslas ang boyfriend mo.”

“Sige sige. Pupunta ako.”

W A K A S

25 comments:

bx_35 said...

sa ganoong kaikling kwento, naramdaman ko kung paano ang relationship nina Eric at Jerome, they both love each other pero ibang klase ng pagmamahal ang pinadama nila sa isa't isa. si Eric ay naging sunod-sunuran sa mga gusto ni Jerome dahil takot siyang mawala ang partner niya, sa kabilang banda naman naging bossy si Jerome, hindi niya inisip na iyon ang magiging dahilan ng pagkawala sa kanya ni Eric, o pagkawala niya sa sarili niya,

naging unfair si Jerome kay Eric dahil wala siyang lakas ng loob na idaan sa magandang usapan ang namamagitan sa kanila ni Eric pero may lakas siya ng loob na diktahan ang partner niya, kung maayos lang ang kanilang pag-uusap, kung nagpakumbaba lang si Jerome, kung hindi niya sinabayan ang emosyon ni Eric sana hindi na humantong sa paglalaslas at naging unfair si Eric sa sarili niya, dapat sana nagtira siya ng pagmamahal niya para sa sarili niya.

pagdating naman sa sex, na may kasamang ibang tao bukod sa magkapartner, sa palagay ko adventure iyon pero i'm not into it. classic pero i still believe na ang sex ay dapat ginagawa lang ng mga taong nagmamahalan. kung kunwari lang ang pinapakita nilang pagmamahalan ay kunwaring sex lang ang ginagawa nila.

Half said...

I thought it's something else. But by going through the entire story, 'Swingers' were slowly unraveled, becoming a bitter truth that's hard to handle.

Tama nga naman. Sex is supposed to be shared by two people who are in-love with each other, not by two people who just wanted to scratch a certain itch, or a group of people who think with their heads or lips from below. As Eric narrated the 'nightmare' he just experienced, a certain memory that I willingly drowned in my abyss tried to resurface.. Well, it's not as bad as this one, but definitely as 'wrong'.

Jerome, on the other hand, reminds me of a person that won't make me say no.

Goodness, all it did is to remind me of the monsters.

This is very good.

Face your fears.

Anonymous said...

Isang taong sunod-sunoran na bulag kung magmahal at isang taong laging halos laging nasusunod na di gaanong pinahahalagahan ang mga lubos na nagmamahal sa kanya. An all too familiar situation.

At least may consent kahit na hindi lubos na ibinigay. Kaysa naman sa mangaliwa nang patago. Pero kung ganyan talaga dapat timbangin kung ang pagmamahal o pangangailangan ng katawan ang mas mabigat at mamili sa bandang huli. Mahirap makuha ang perpektong pagmamahalan at relasyong sexual.

unbroken said...

Whoa! It's nice to see familiar names here in my blog. Salamat sa comment.

@BX! Nabuhay ka! Salamat at nagawa mong unahin ang blog ko kesa manuod ng "Mula sa Puso". Isa kang tunay na kaibigan. Salamat din sa pagaanalisa sa storya. Mabuhay.


@HALF.
~Nice to see you hear. Sa BOL lang kita nakikita. LOL. Welcome. Wag kalimutang bumalik. Going back,di ko intensyon na maalala mo ang mga bagay na di mo dapat na naaalala. Sorry for that. Pero we have to face the reality na ang mga tao sa storya at ang mga tao sa totoong buhay ang may MALAKING pagkakapareho. Hihihi


@Anonymous
~Salamat muli sa pagpansin at pagcocomment sa blog entry ko na to. May consent nga at may point ka dun,pero just the thought of your other half doing it with other people sucks already. Hihihihi

bx_35 said...

meron namang ibang mga tao na gusto nila iyon, kagaya nga ng sabi ni Jerome, to spice up their sexlife. like Andy and Jacob, bakit pumayag sila sa offer ni Jerome na mag-foursome sila? siguro gusto nila ng adverture, pero ang kwento ay hindi sa kanila, it's about Jerome and Eric, kahit saang anggulo mong tignan, that one night ay nagbukas ng maraming pinto para sa relasyon nila, kung relasyon mang matatawag iyon. hindi ibig sabihin na nagsama kayo ng ilang taon ay pagmamahal ang nagbubuklod sa inyo. isa lang naman ang "love", it's just happened na maraming tao ang nalilito sa feeling at emotion nila, dahil masaya sila sa tao akala nila mahal na nila ito, dahil gusto mo siya laging kasama akala mo mahal mo na siya, love is complicated, yun lang,

Anonymous said...

WOW!

unbroken said...

Sa isa pang anonymous.
Hi! Naloka ako sa WOW mo actually. Hahaha Pero salamat ng marami sa pagbabasa! :)

anonymous 1 said...

Shit! Ang galing mo talaga...hehe...I started reading this with a bright smile on my face tapos unti-unting nagiging tulala at naging disturbed…and the guilty feeling came in…again

I used to see SEX as a LANG thing...It's no big deal for me. I then met someone during my college years who became my sex bud. I became addicted with sex and lagi ko siyang tinetext to do it with him. Dumating yung time na umamin siya na he's inlove with me. I was shocked, I never thought na dadating siya sa point na may mararamdaman siya sa akin. Nailang ako sa kanya and we never talked again as we used to. Hindi na siya pumasok sa mga classes namin, nabalitaan ko nalang na nag-transfer na siya ng school. I felt guilty na humantong kami sa ganung point, I could’ve wished na sana pinagbigyan ko siya. Hindi man lang ako nakapag-sorry sa kanya. After sa nangyari sa amin, I never had sex with anyone again…I told myself na gagawin ko lang yun sa taong mamahalin ko.

unbroken said...

@Anonymous1.

Ikaw ung sa Don't you want to stay? Hmmmm. Normal un. You don't have to feel guilty. Kung hindi ka talaga into relationships,find someone like you para wala kang masaktan at di ka din masaktan in return. Sex is a need,we all have ways to define sex. As long as it's safe. go lang. Practice safe sex.

Anonymous said...

sad ending.... bitin....... it's an open ending no?... :(

unbroken said...

Anonymous.

Opo. Hehe. Salamat sa comment.

Don Derik said...

maganda. naiimagine ko ang pangyayari habang binabasa ko ito.

gusto kong malaman anong nangyari after maglaslas ni jerome.

:)

unbroken said...

Don Derik. Salamat sa comment! Haha.
Ikaw na magisip kung anong nangyari kay Jerome :)

Anonymous said...

by far this,has got to be one of your best works Rovi.
the character developments were nice, the plot was emotionally deep and the climax was perfect.
keep up the good work.
keep on writing.
-caleb from PG4M.

rm082279 said...

It's just really sad that sometimes in our effort to keep ourselves in a relationship we tend to forget why we are there in the first place ... we resort to things that we thought would keep the fire burning. It doesn't say however that our efforts would always work for it is only when 2 stones rubbed together would one create fire.

Sir Rovi in your words you told me "lahat ng mga kwento ko ay may bahid ng katotohanan" ... True enough, this one really happens in real life to a number of our brethrens ... SAD but TRUE!

rm082279 said...
This comment has been removed by the author.
unbroken said...

Hi Rwin! Nice to see you here. Totoo naman diba? Mahirap magsulat ng wala kang sariling connection sa gngawa mo. Sana mapadalas ka pa dito :)


CALEB! Hi! Nice to see you here. Salamat. Salamat sa pagsuporta sa blog ko. LAgi kitang kukulitin sa updates. :)

jason0727 said...

Ang tagal kong hindi nagbasa.
Ngyon lang ulit. And you made me feel guilty.. It moved me... kainis ka... ;-)

unbroken said...

Hi Jason. Salamat sa pagbabasa. WAla akong ginagawang masama. Nagsulat lang po ako. Hehehhehehe :)

Sana mapadalas ka pa dito. :)

downcast said...

misan kasi dapat na nag re reality check ang mag couple kasi minsan sa tagal na nila masyado na silang nagiging kampante sa isa't isa na minsan hindi na namamalayan ng isa ang nararamdaman ng isa na akala niya okey pa sila pero sa realidad ay may problema na pla

unbroken said...

DCAST! Salamat sa comment. nice to see you hear. HUGS!

jirouno said...

At napaiyak ako ng sobra dito... :)

mr_mjbs19 said...

haayst, It is a very sad story but the lesson is very clear. But the learners picked the lesson, too late..haayst

I hate you pa din Kuya Rovie, this is one of the shortest story I have read but I assure you the story is already engraved in my mind..:)

hehe nice one

Rue said...

jer’s an emo, takot na nilalang na ngkukubli sa maskara ng isang diktador... mga 2lad nia ang pnaka fragile na tao... hope he’s fine now (kung totong tao man xa)

Anonymous said...

Awesome post.

Feel free to visit my webpage; attorney for car accident